PDA

View Full Version : E-Mail scam galing Pilipinas


makulit
09-30-2007, 08:17 PM
Habang nagbabasa ako ng mga emails na natanggap ko ngayon araw, may email ako sa bulk folder na tumawag ng pansin ko ....

Nagsimula kasi ang email ng ...
"The political unrest in my country (PHILIPPINES), necessitated this
email, though this approach appears desperate, difficulties encountered
in efforts to establish a business abroad also necessitate this search
for someone to assist me in securing and investing the sum of
USD18,000,000(Eighte en million dollars) deposited in my name abroad."

Kadalasan ang mga email na ganito ay nangagaling sa Nigeria o ibang parte ng Africa. Kanina nabigla ako, may nangagaling na rin pala sa Pilipinas :)

Ang mga tao nga naman ... gagawin lahat, makalamang lang sa kapwa ....

Ingat po kayo!

musikaghie
09-30-2007, 10:02 PM
Malimit din akong makareceived ng ganyang mga mails.Ginagawa ko denelete ko agad or Spam mail...Dapat talaga magingat at wag ng sasagutin yung ganoong mail.