PDA

View Full Version : Sabi ni Hapon (mga napapansin lang nila sa mga filipino)


honey
10-01-2007, 05:04 PM
SHARE NYO NAMAN ANG MGA NAPAPANISIN NG MGA HAPON SA ATING MGA FILIPINO:D

eto sa akin;Sabi ni hapon
Mahilig daw tayo sa kasiyahan o party:eek: .
Halimbawa birthday,piesta o ano mang occasion.Pede naman daw simple na lang bakit kailangan bongga pa.Tapos nangungutang ng pera bukas nakatunganga na hindi alam kung paano mababayaran ang mga utang.


Mahilig daw tayo sa soft drinks at Karne:eek:
Diba kapag may mga bisita tayo hindi man lang tayo makainom ng tubig puro me mga kulay:p.Hindi naman siguro iba iba style ng mga filipino malamang dun sa napuntahan mong lugar hindi sila palagian kumakain ng karne kaya matsuri sila nung araw na yon pero kapag nawala na ang bisitang hapon back to normal:).

yukio_cris
10-01-2007, 05:14 PM
sabi ni hapon masyado daw tayong mga prangka lalo na pag galit, sila kasi plastik hehe.(joke) infairness, hospitable daw ang mga filipino at napakasaya
when it comes to family ties.:)

nikkichibi
10-01-2007, 05:43 PM
sabi ni hapon ............matagal daw tayo mag paalaman ( magpaalam )
bago daw tyo mag bye bye sa isat isa ay grabeng chikka uli bago mag hiwahiwalay :D

infinite_trial
10-01-2007, 05:48 PM
sabi ng titser ko, ang galing daw natin mag multitask. lalo na yung kakanta habang nagtatrabaho, nagulat nga ako di nya kaya yun hehe

nikkichibi
10-01-2007, 05:51 PM
sabi ng titser ko, ang galing daw natin mag multitask. lalo na yung kakanta habang nagtatrabaho, nagulat nga ako di nya kaya yun hehe
uu nga IT pansin ko din yan habang ng work ay kumakanta ng pabulong ........ hehehehe

maimai
10-01-2007, 05:53 PM
sabi ni hapon...ang ingay daw natin makipag-usap sa fon/cp:D..umaabot hanggang kanto ang ingay!! nyahahahah!!:D:p

summergirl
10-01-2007, 06:20 PM
Sabi ni hapon,ang haba daw nating makipag usap sa phone,Binabati kahit di kilala basta kababayan..Sabi ni hapon,madami daw late<Di lahat>sa usapang time..

summergirl
10-01-2007, 06:22 PM
Sabi ni hapon,buwan buwan daw tayong nag-papadala ng pera sa pinas..Sila kasi kanya kanya..:p

ANGELIKA22
10-01-2007, 06:29 PM
sabi ni hapon, karamihan daw sa mga asawa ng hapon eh makesugirai or hindi nagpapatalo lalo na sa mga gamit. halimbawa, pag may isang pilipinang bibisita sa bahay ng isang asawa ng hapon at may napansing mamahaling gamit eh nagpapabili kagad sa kanyang asawa... ( hmmm sana hindi ako ung pinaparinggan nya hahaha:D )

a_kiss
10-01-2007, 06:37 PM
sabi ng mga officemates na haponesa.......doshi te wakai firipijin josei kusatta oyaji ga suki? okane no tame ? :eek: :eek: nanno tameni ?

isa pa........ano hito tachi (Filipino) urusai ne .. koe ga dekai.. .shaberu to naze ka nihonggo to tagarogu masatte hanasu no ?

bakit nga ba ..ako din pag nagsasalita kalahati yata nihonggo na :confused:

may_abe
10-01-2007, 07:11 PM
sabi ng asawa ko...bakit tubig ang pangpunas o pan aanlaw ko pag umiihi..at lagi may tabo sa toilet...yun kase nakasanayan ko mula noon. Sila kase, kahit pag umeebak tissue lang..ako hindi tubig pa rin..:)

Reiko
10-01-2007, 07:17 PM
Ang sabi ni hapon malambing daw tayong mga filipino...:)

superb
10-01-2007, 08:06 PM
sabi ni hapon ko pag kailangan daw natin ng pera mabait daw tayo:halo: at super lambing:love: :lol:

musikaghie
10-01-2007, 08:34 PM
Sabi ni hapon ko, gusto niya tayong mga pinoy at pinay,miski anong bigat ng mga problema natin sa buhay,Akarui at masayahin pa rin tayo!:)

hana
10-01-2007, 08:56 PM
sabi ni hapon----matulongin daw tayong mga pinoy,

fremsite
10-01-2007, 09:43 PM
sabi ni hapon ~~~~ iba daw magmahal mga pilipino / pilipina :D

dianne
10-01-2007, 09:50 PM
sabi ni hapon ~~ mabaet daw ako pag tulog mukhang anghel~~:halo:

honey
10-01-2007, 10:15 PM
Sabi ni hapon ang sexy ko maganda korte ng katawan ko:p ang mga haponesa parang drum walang ganong shape :eek:.


sa totoo lang sexy din naman mga haponesa asawa ko talaga OO :biglaugh:

tfcfan
10-01-2007, 10:23 PM
sabi naman nitong hapon dito sa amin,mataas daw ang pride ng mga pinay...:D

YAN
10-02-2007, 12:44 AM
sabi ni hapon,firipinjin muzukashii ne!

Soju6
10-02-2007, 08:17 AM
sabi ni hapon ~~ mabaet daw ako pag tulog mukhang anghel~~:halo:


Laging lasing Asawa mo?








j/k lang po Mis beautiful Dianne

dianne
10-02-2007, 11:53 AM
Laging lasing Asawa mo?








j/k lang po Mis beautiful Dianne

HA~~HA~~HAA:D :D

louvette_15
10-02-2007, 03:51 PM
sabi ng hapon ko, bilib daw sya sa connection ng mga pinoy pagdating sa mga balita. hindi daw nagpapahuli kht hindi pa na-meet ng personal ang tao eh may idea na agad kung sino-sino. kumbaga, mahilig sa tsismisan..khit walang dahilan nagtatawagan o nagttxt daw ang mga pinoy sa isat isa. At ang pinaka na biliban ni hubby satin ay ung closeness ng pamilya natin. khit daw halos d na connected in blood ay considered relative parin..sila daw kc kht sa mga kpatid ay halos wlang communication na..

fremsite
10-02-2007, 10:37 PM
sabi ni hapon ~~~~ galing naman ng mga pilipino ~~~ dami alam lenggwahe ~~~ :D

serenityjil
10-03-2007, 07:18 AM
sabi ng kakilala kong hapon okane kakaru daw pag may girlfriend na firipinjin... :D :D :D

pero sabi nya ok lang kasi mapag-mahal ang mga pilipina... :king: :king: :king:

roses_pink
10-03-2007, 12:57 PM
Sabi ng hapon ko, bakit daw mas gusto ng mga pinoy e mapuputi samantalang ang ibang kalahi niya e nagpapaitim pa.

Gaya rin ng nasabi ng hubby ni louvette, believe din ang hapon ko sa bonding ng ng pamilya ng mga pilipino palaging may communications. kasi sila ng pamilya niya lalo na kapatid niya sa isang taon e isa o dalawang beses sila kung mag usap.

chevelle:)
10-03-2007, 06:23 PM
Sabi ni hapon ko, bakit daw imbes na magtulong-tulong sa pagta-trabaho mga pinoy sa kaisha, nagkakagulo pa! (tanong ko din yun eh):D

Sabi ni hapon, lahat na lang daw ng makita kong kababayan binati ko, kakilala ko daw ba silang lahat!:p

Sabi din ni hapon, bilib daw sya sa pagmamahal at respeto natin sa ating mga magulang at nakakatanda sa atin.:)

ICHIBAN08
10-04-2007, 06:15 PM
Sabi ng hubby kong hapon, bakit daw pag bumili ka ng soft drink sa tindahan e nakaplastik at straw?:confused: ....sagot ko baka hindi mo na ibalik ang bote eh:D

Sabi pa niya, bakit daw pag nakakita ng foreigner ang mga pinoy e bati agad at pansinin sila....sagot ko ganun talaga kami palabati:D

honey
10-05-2007, 10:54 PM
Mainit na nga sa pilipinas mabilis pang uminit ang ulo ng mga filipino :D

angelica
10-06-2007, 09:16 AM
sabi naman nang stepfather kong hapon .........malakas ang boses ng mga pinoy pgnakikipagusap(ng nihonggo),,pag tagalog mas lumalakas pa....:p

coffee
10-06-2007, 09:48 AM
sabi ni hapon.
sa maximum volume...
o mae,.. usotsuki da naaa...!!!
firipin kaettan chiauuu..!!!!....
omiyage ippai kattagetan darou, okane mo!!:furious:
(akala ni hapon e talent si babae don sa Phil pub, arubaito pala.
nag-abot sa isang snack/bar,.. e ayun, na bingo si babae)
ayaann,.. kasi....:lol:

la_tina512
10-06-2007, 09:55 AM
Sabi ng mga hapon sa bahay namin (mga anak at asawa ko) bakit daw ako lahat na lang binati ko pag Filipino kahit hindi ko kilala. :D Minsan sigaw pa ako pag nasa kabilang kalye, "Oy, kabayan!!!!! Lalapitan ko pa 'yon at chichikahin. :D Para raw ako laging nangangampanya kulang na lang kamayan ko lahat ng makita kong kapuwa Filipino. :D hahhahaha!! Natatawa ako sa sarili pero shoganai... I'm just being friendly, di ba?

musikaghie
10-06-2007, 10:06 AM
Sabi ng mga hapon sa bahay namin (mga anak at asawa ko) bakit daw ako lahat na lang binati ko pag Filipino kahit hindi ko kilala. :D Minsan sigaw pa ako pag nasa kabilang kalye, "Oy, kabayan!!!!! Lalapitan ko pa 'yon at chichikahin. :D Para raw ako laging nangangampanya kulang na lang kamayan ko lahat ng makita kong kapuwa Filipino. :D hahhahaha!! Natatawa ako sa sarili pero shoganai... I'm just being friendly, di ba?

Hi La_Tina,Yes totoo yun sinasabi mong friendly ka,kasi di ko makakalimutan na ikaw ang kaunaunahang tao dito sa TF na nagsend ng PM sa akin at kumausap talaga,Kaya isa ka sa pinaka idol and favorite ko dito.And I can't forget that kasi that time napasaya mo din ako.I like friends na nakakapagpangiti sa akin.:)

SEnsya na sumingit ko dito!;)

sky
10-06-2007, 02:18 PM
Sabi ni Moon :D

firipin jin kara denwa kuru toki itsumo doki doki suru yo.okane kariru kara

firipin kara denwa kita toki wa itsumo taoresou .dareka byouki natta ka. dareka shinda ka.ato dare dare abroado iku kara okane okutte tiodai

soreeeeeeee bakkari tte.:biglaugh:

honey
10-07-2007, 09:57 AM
:biglaugh: pinapaligaya nyo umaga ko :biglaugh: natatawa ako sa mga kwento nyo e! :D

hardrive
10-07-2007, 09:59 AM
sabi ng mga hapon bobo daw tayo at tamad.... :(

superb
10-07-2007, 11:58 AM
sabi ng mga hapon bobo daw tayo at tamad.... :(
ganun sinabi hardrive san:grrr: ano naman sagot nyo po???

serenityjil
10-07-2007, 12:12 PM
ganun sinabi hardrive san:grrr: ano naman sagot nyo po???

kung bobo tayo (mga filipino)

ano kaya ang mga hapon????? :confused: :D :confused: :D :confused: :D

sa tingin nyo po... :rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:

docomo
10-07-2007, 07:10 PM
sabi ng mga hapon bobo daw tayo at tamad.... :(

hahaha .. nako madaming mag re~react dyan.. :p

superb
10-07-2007, 07:24 PM
sabi ni hubby nagiging malinis daw at mabango tingnan ang mga hapon na may asawa na filipina :love: sarap kasi tayo mag mahal at mag alaga:kiss:

serenityjil
10-08-2007, 09:44 AM
sabi ni hubby nagiging malinis daw at mabango tingnan ang mga hapon na may asawa na filipina :love: sarap kasi tayo mag mahal at mag alaga:kiss:

tama ka jan superb san... :thumb: :thumb: :thumb:

sabi nga nung mama san namin eh...
nung una nyang nakilala yung asawa nyang hapon...
eh ang baduy baduy manamit... :O :O :O
kaya tinuruan nya yung asawa nyang hapon kung ano dapat @ bagay na damit sa kanya...
kya ngayon poging pogi na sya... :cool: :king: :cool: :king: :cool: :king:
nakapag-evolve na kasi... :grinny: :grinny: :grinny:
@ nag-eevolve pa ng husto... :D :D :D

bonbon'79
10-13-2007, 09:05 PM
Ang sabi ng kaibigan kong Hapon noong pumunta siya sa Pilipinas:
1. Ang mga pinoy daw po laging nakatambay sa kanto, nagtatagayan at nakahubad ang damit na pantaas.
2. Kung kumakain daw po, nakataas ang isang paa sa silya at gamit ang kamay sa pagkain.
3. Mababango, malilinis sa katawan, mapagmahal, at malambing ang mga pinay.
:D :D :D

shakey
10-16-2007, 08:37 PM
sabi ng mga hapon....ang mga pinay daw pag nag usap parang laging mga nag aaway:D sa lalakas ng mga boses.

sweety81
10-17-2007, 02:29 AM
ang mga filipino's daw mga talented, tulad ng.. magaling sumayaw at magaling kumanta..
lalo na grabe kung mag-mahal..mga malalambing daw tayo mga filipino's..tapos,an g mga pilipina daw ang ingay makipag-usap sa phone o grabe maka-telebabad.:D

simple_mom
10-19-2007, 12:56 PM
samin naman sabi ng mga hapon........... magaganda daw ang pinay inside and outside.....YEEEEESS SSSSSSS. agree po ako. hehehe

kawaii5322
10-19-2007, 02:35 PM
ok yon mga sabi ng hapon nya ha nag enjoyed ako sa pagbabasa:)

sabi kc ng hapon ko maganda nga daw ang katawan ng mga pinay especially yung legs :p kc kalimitan daw ng haponesa parang hugis labanos ang legs opppsss sorry sabi nya lang yon.sexy na sexy sya sa balakang ko at sa proportion ng katawan ko:D .

malinis sa pangangatawan kahit di tau mag perfume palagi daw tayong mabango..

reklamo naman nya sa akin bat daw ang dami kong rekutitos sa katawan ko hehehe pag nag toothbrush ako kailangan mag floss at mouthwash pa. at bakit daw yung pang sabon ko sa private part ko iba pa...mga nihonjin na onna ata walang feminine wash..

tulad ng mga hapon nyo reklamo nya din yun palagi may bday hehehe sa laki ng family ko monthly may bday..

bakit daw wala na nga trabaho anak pa ng anak.. tama nga naman pansin ko din yon parang ginagawa libangan pagya yaru:confused:

tsismosa daw tau tama ba yon?

yung ibang firipinjin daw nagger opppsss di ako kasali don asawa ng friend nya yon hehehe

matalino daw tau kasi magaling tau mag english...

actually marami pa sya sinabi kaso baka maging novela no po ito...

katheyrine
10-19-2007, 03:05 PM
sabi ng asawa ko bakit daw sa pilipinas maaga matulog mga tao?
kasi nuong umuwi kami...alas 8 pa lang eh natutulog na kami..:D

taurean06
10-19-2007, 03:05 PM
tama nga, maalaga tayo sa mga asawa natin at totoong nagmumukhang tao sila. Pero may disadvantage din ang ugali nating yon dahil isa sa mga friends ko,iniwan ng asawa niyang hapon for a bar girl na filipina din mula ng naaayusan siya ng friend kong asawa niya. Walang konsiensyang hapon no ? I felt sorry for my friend..pero shoganai. Yun ang fate nila :cry:

katheyrine
10-19-2007, 03:07 PM
tama nga, maalaga tayo sa mga asawa natin at totoong nagmumukhang tao sila. Pero may disadvantage din ang ugali nating yon dahil isa sa mga friends ko,iniwan ng asawa niyang hapon for a bar girl na filipina din mula ng naaayusan siya ng friend kong asawa niya. Walang konsiensyang hapon no ? I felt sorry for my friend..pero shoganai. Yun ang fate nila :cry:


tama ito, magaling talagang mag-alaga ang pilipino, lalu na sa asawa..guapo na lalo pang gumaguapo mga asawa natin:D

elyurika
10-19-2007, 08:43 PM
tama ito, magaling talagang mag-alaga ang pilipino, lalu na sa asawa..guapo na lalo pang gumaguapo mga asawa natin:D


agree ako dyan..talagang magalinh mag-alaga mga pinay,kase ayaw natin na madumi at mabaho sila diba?:p :p :p at saka bakit mga pinoy mahilig daw maghanda pag me bertdey? oo nga no?:confused: :confused:

kazz314
10-22-2007, 10:21 PM
sabi ng hapon ko...kulang daw mga hayop natin sa zoo:rolleyes: baka daw dahan dahan nang kinatay ng mga taga bantay:p :)

katheyrine
10-23-2007, 04:46 PM
sabi ng hapon ko...kulang daw mga hayop natin sa zoo:rolleyes: baka daw dahan dahan nang kinatay ng mga taga bantay:p :)


hahahahaha hahahahah ulit! sa buong araw na ito ikaw lamang ang nakapagpatawa sa akin! salamat sa iyo hahahha...kawawa naman zoo natin.. :D

fangirl
12-02-2007, 03:40 PM
sabi nung friend ko mga pinoy daw mababait. pati totemo genki.

summergirl
12-02-2007, 04:45 PM
mababango daw ang pinoy sabi ng mga friends kong haponesa..Akala nga nila lagi akong may perfume di nila alam downy yun..

barney
12-02-2007, 05:32 PM
sabi ng HAPON, including my husband... tamad daw tayo mag lakad..short distance lang ang nilakad nag rereklamo na.. and TAXI or BUS agad.:D :)

yasashi
12-02-2007, 07:18 PM
sabi ng hapon ko bakit daw tubig yung ginagamit sa toilet natin (although di naman lahat)

sabi din nya bakit daw yung public toilet satin kadalasan may bayad:O

pero sabi nya mga pilipino magaling daw mag english dun sila talo:D

miyuki
12-14-2007, 04:38 AM
sabi ng mga hapon sa work ko..bakit daw mga filipino every breaktime nakain ng tinapay..:D

sabi ng hapon ko...bakit daw mga filipina kahit nasa mall pag nag usap kalalakas ng boses tas pag nasa kabilang dulo yung kasama hihiyawan para tawagin heheheheh...:doh:

proud me
12-14-2007, 08:42 AM
sabi ng mga hapon sa work ko..bakit daw mga filipino every breaktime nakain ng tinapay..:D

sabi ng hapon ko...bakit daw mga filipina kahit nasa mall pag nag usap kalalakas ng boses tas pag nasa kabilang dulo yung kasama hihiyawan para tawagin heheheheh...:doh: heheh!....miyuki chang...marami nga nakakapansin sa mga ganyang naka-ugalian ng ibang kababayan....meron nga sa Den-Den mag-asawa parehong kababayan natin....sumipol ng malakas si mister....yun pala si mrs. yung tinatawag :D

gabby
12-14-2007, 10:19 AM
Sabi nang asawa kong Hapon uy bakit daw we like loud and blaring music. Why we always write, in BIG letters, our names and addresses on our luggages and bags going back to the Philippines. She likes our BAHALA na attitude. She likes our HOBBITS like drama, such as partying, luaghing out loud, drinking all in the mids of lots of problems.

There is only one thing to say we all are indeed Hobbits.:p :p

k_e_n_k_a_y
12-14-2007, 10:26 AM
sabi non asawa ng kapitbahay namin, mahilig daw kaming magluto. :D

sabi non boss kong hapon, nihongo wakarani shigoto dekinai..:rolleyes: bakit ako nasa company niya? at me trabaho akong ginagawa?

ritzyu
12-14-2007, 11:08 AM
Sabi ni Hapon ko ang mga pinoy mahilig sa party~~maya- maya:p

k_e_n_k_a_y
12-14-2007, 11:29 AM
mababango daw ang pinoy sabi ng mga friends kong haponesa..Akala nga nila lagi akong may perfume di nila alam downy yun..

oo nga sis..tipid pa no? :D

twinklyblue
12-14-2007, 11:58 AM
hehe.. sabi sa akin dati..nung first time ako pumunta rito.. bakit daw madami akong maglagay ng sauce sa sashimi ko.. sabi nila dapat daw konti lang para d mauhaw.. eh alam mo naman ang mga taste ng pilipino.. dapat malasa ang pagkain diba..

hacaya
12-14-2007, 12:02 PM
sabi ni hubby okashiii daw kase pag yaki ika kinakain ko pag sashimi na ayaw ko..ewan ko rin ba sa sarili ko?:D

bahaykubo
12-14-2007, 12:33 PM
sabi ni hapon ko bakit daw ang lakas nating makipag usap sa telepono para daw nagsisigawan
sabi ni hapon bakit daw everytime na umuubo/nasamid si baby nagsasabi tayo ng EHEM
sabi ni hapon bakit daw mahilig ang pilipino maglagay ng sabaw sa kanin....bakit hindi daw gawin na lang lugaw
sabi ni hapon bakit daw pang tinatanong nya pilipinong mataba kung bakit sha tumaba palagi daw sagot (nihon no gohan/rice oishii dakara)

dear_mommy
12-14-2007, 12:44 PM
sabi ni hapon..bakit daw mahilig tayong mag lotion nang mag lotion lalo na sa mga bata, eh bata pa raw yan marami pang collagen...kumain lang daw ng balanced diet kikinis naman ang kutis..:D
sabi ni hapon..bakit daw mahilig tayong man libre o mamigay ng kung anu-ano..
kasi daw ang hapon madalas ay warikan..pag bigay ka daw ng bigay ay mape pressure lang ang binibigyan..:confuse d:

chepot
12-14-2007, 03:21 PM
sabi ng ibang hapon, bat ang mga filipinas eh hardworking while filipinos daw eh tamad? kasi daw sa dai ng nagtratrabaho ditong filipina para daw ganoon ang lumalabas..(kala lang nila yuon no)

sabi ng hapon, happy go lucky daw most of the hiripin jin..(di ata no)

at marai pang iba..

ayanmedina
12-15-2007, 05:44 PM
sabe ni hapom,ang filipin jin daw jibun no sei mitenai,puro daw sei nilang mga hapon ang nakikita...toto nga naman kung minsan

hacaya
12-15-2007, 06:02 PM
[sabi ni hapon..bakit daw mahilig tayong man libre o mamigay ng kung anu-ano..
kasi daw ang hapon madalas ay warikan..pag bigay ka daw ng bigay ay mape pressure lang ang binibigyan..:confuse d:[/quote]

dear_mommy dito daw kase sa nihon pag nagbigay ang kaibigan o kakilala ay may "okaeshi" o may ibibigay rin sila so meaning give and take..so pagbigay ka ng bigay, mape-pressure talaga yung binibigyan:D

uvy
12-15-2007, 06:49 PM
hehe makikisali din ako dito:D

sabi ng hapon ko bakit ang lakas daw ng boses natin pag may kausap sa phone:eek:tapos ang tagal pa daw matapos isang oras mahigit:D
sabi nya pa sa akin bakit mahilig daw ako bumili ng gamit na di ko naman ginagamit,tinatago lang naman:D:rolleyes:sab i ko natutuwa lang ako nakikita mga pinamili ko:D

sky
12-15-2007, 06:55 PM
sabi ng hapon (kong mga Anak) bakit daw ang mga filipino parang mahal na araw lagi :confused: pag lumabas maraming istasyon :D ,pag daw kasi lumabas at nakakita ng kakilala ayun na istambay na tapos mamaya maya meron na naman~~~ :D

gabby
12-15-2007, 08:08 PM
Ang sabi ni haponessa oily at parat daw yung pagkaing pinoy.

summergirl
12-15-2007, 08:31 PM
Ang sabi ni haponessa oily at parat daw yung pagkaing pinoy.


anong parat?

Bored
12-15-2007, 08:38 PM
Sa trabaho namin bawal ang pagkakanta dahil sagabal sa work at bad manner daw yun. hindi applicable dito sa japan yan or depende seguro sa working environment..

sabi ng titser ko, ang galing daw natin mag multitask. lalo na yung kakanta habang nagtatrabaho, nagulat nga ako di nya kaya yun hehe

gabby
12-15-2007, 09:04 PM
anong parat?

Opsss! Sorry summergirl! Hindi ba tagalog yan? Paano ba sabihin sa Tagalog yan. Ang parat ay bisaya para sa SALTY. :O :O

striker08
12-28-2007, 04:54 PM
Sabi ng hapon hospitable and good wife daw ang pinay huwag lang magbabad sa TF ang isa dyan nakakalimot na sa gawain bahay.:bonk:mmm... mamili nga muna.:)

yukio_cris
12-28-2007, 04:56 PM
sabi hapon haba binti natin pinoy ;)

polly_jolly
12-29-2007, 03:03 PM
sabi ng hubby ko bakit daw tayong mga pilipina pag uuwi ng pinas ang dami daming bagahe,kung pede lang daw madala yung buong japan ,binitbit na!kaya pag nakakita sya ng maraming bagahe sa airport,sabi nya Pilipina yan!

MARICON
01-01-2008, 02:19 PM
sbi ng hubby ko bkit daw every month panay padala samantalang every year umuuwi nman daw...........d daw nya maintindihan ang mga pilipino.....no comment lang ako....:D

username
04-10-2008, 11:27 PM
bakit raw pag umuuwi ng pinas laging may uwing...

...SEAFOOD CUP NOODLES ?

mariepippe02
04-11-2008, 11:19 AM
sab ni hapon maluho daw tyong mga pilipino khit na wala ng pera hihih

maria<3akira
04-27-2008, 07:48 PM
pilipino kids: asonde bakari daw pag bakaxon, hihi :D

ensanguined
04-27-2008, 08:56 PM
sila din naman eh, asonde bakkari din, mas maluho pa nga asonde bakkari nila eh, pa pasyal pasyal sa labas ng japan, ne?

katek
04-27-2008, 09:06 PM
mahilig daw tayo sa maasim na pagkain :confused: mga pagkain daw kasi nil e kalimitan matamis (so true...parang iisa na nga lang lasa ng food nila for me eh.:cool: pinatikim ko kasi ng sinigang :p) sabi ko ndi naman. malasang pagkain lang.

ensanguined
04-29-2008, 12:27 AM
mahilig daw tayo sa maasim na pagkain :confused: mga pagkain daw kasi nil e kalimitan matamis (so true...parang iisa na nga lang lasa ng food nila for me eh.:cool: pinatikim ko kasi ng sinigang :p) sabi ko ndi naman. malasang pagkain lang.


ayoko nga ng pagkain nila, masyado matamis.. parang pambata.

katek
04-29-2008, 02:12 AM
ayoko nga ng pagkain nila, masyado matamis.. parang pambata.
ako din...ok lang...paminsan. pero pag lagi na kinakain... >_<

006014202
05-06-2008, 12:18 PM
sabi ni hapon bat daw mga pilipino mahilig sa cup ramen....and take note, sa dami daw brand ung NISSIN SEA FOOD daw ang number 1!:D

rubybm
05-06-2008, 09:06 PM
sabi ni hapon bakit daw sa pinas maraming tambay kahit saan maraming tao saka bakit daw yung kapitbahay namin walang trabaho pareho yung mag-asawa pero ang daming anak sabi ko libangan nila paggawa ng anak hehhehe saka sabi nya bakit daw ang pilipina twice maligo magastos daw sa tubig sabi ko ganun talaga tayong mga pilipino malinis sa katawan sila kasi once lang maligo sa gabi pa pag-ofuro tpos sa umaga sonomama nlng sila .... ayoko nga nun

mazel
05-07-2008, 04:28 PM
sabi ng boss kong hapon, bakit daw ang mga pilipino hindi nagtatagal sa trabaho. lipat daw ng lipat. syempre, if the price is right, mahirap tanggihan di ba?

saka sabi ng isa kong friend na hapon, cheerful daw ang mga pilipino. parang mga walang problema, laging nakangiti at kumakanta kahit sa office. hehehe :D

nhidz20
05-08-2008, 12:21 AM
ang sabi ni hapon bakit daw ang pilipina kahit di masyadong maganda napaka lakas daw ng dating kahit malayo mapapansin na agad, sabi ko naman syempre:eek:

mamimo
05-08-2008, 12:29 AM
Sabi ni Hapon ko ang mga pinoy mahilig sa party~~maya- maya:p

Sabi naman ni Hapon ko, bakit daw ang Pinoy parang nanghihinayang mag-save ng money pero di nanghihinayang mag-splurge sa mga handaan o sa mga kasayahang pwede naman iraos ng simple.

baby21
05-08-2008, 09:25 PM
sabi ni hapon bakit kaya daw natin maligo na ang tubig eh malamig????

miles
05-08-2008, 09:48 PM
sabi ng katabi kong haponesa. Pilipina totemo akarui ne..:)
sabi ng katabi kong hapon.. Pilipina always change mind:D

sky
05-08-2008, 10:54 PM
Yun isang lolo sa Home di yata nakatiis at tinanong ako .ne ne anatawa nihonjin ? sabi ko iie furifin desu .sabi ni lolo yappari ne datte kirei damo zenzen chigau yo ..hora mite miro minna busaikko jan ~~yakks ang hiya ko kasi mga nakatingin mga co care worker ko :D

Tas nun bumisita mga Anak nya..pinag papangarya nya ako..sabi sa mga Anak ne anoko kawai desuyo!! furifin dayo ! furifin dayo ! furipin dayo! (sus paulit ulit pa) sasabihin pa furifin no hito tte yasahikutte attatakai hito :D

ngayon malala sumpong nang alz nya ang sunget :biglaugh: (ayaw mag papalit ng pad sa akin) basta pag maganda mood nya puro paruri tungkol sa Filipino maririnig mo.

yun ibang lola naman sinasabi furifin no hito wa hataraki mono dane..mapagpala daw tayo sa Magulang kasi yun pinaghirapan sweldo pinadadala kesa sa gastusin para sa sarili :D tsaka masyado daw magalang magsalita ng nihonggo at magaling bumanat ng jokes

sabi pa nila ..ne ne tomodachi minna yondara ! minna care giver ni nattara motto tanoshi na ~~

kaya pala ~~ ang gagaling mambola hehehhe gusto pala nila furifin no hito mag aalaga sa kanila

remydesu
05-11-2008, 10:43 PM
kaya po magkahalo na ang sinasabi nyo kasi gumagamit kayo ng code switching that is actually when we want to be understood in a language na alam natin at ng kausap natin katulad ngayon Filipino naman kayo pero may kahalong english ang reply ko, code-switching のおかげでコミュニケーションは楽になるか らです。 Pag may code-switching kasi gumagaan ang pag-uusap madalas mas magkakaintindihan kapag gumagamit ng ibang lenguwahe na common sa mga taong nag-uusap. Katulad nung nakasakay ako sa MRT kasama ng haponesang kaibigan ko, nangamoy utot sa train, di ko napigilang hindi magsalita, e bastos naman kung sasabihin kong "sino ba ang umutot" kaya instead sinabi ko "くさいな、おならをした人誰? ”na naintindihan ng kaibigan kong haponesa then dun ko narealized na super convenient pala na may ibang language kang alam bukod sa native language mo.

supa_freak
06-02-2008, 12:49 AM
sabi ng mga hapon bobo daw tayo at tamad.... :(

walangya un ah...

gabby
06-02-2008, 01:32 AM
Ito naman ang sabi nang asawa kong Haponesa at nang mga kaibigan namin.

Iba daw ako sa lahat nang mga Filipino. Gusto kung mag-tanong sa kanya kung ano ang kaibahan, pero on the second thought why bother? I am not trying to be different. I am just me and indeed very Filipino.

If my Japanese wife and friends think I am different from other Filipinos, that means, not all Filipinos are what the Japanese steriotypically think we are.

I have come to love to think that I am different in the minds of the Japanese I met and acquainted with. It makes me to stick to my cultural identity rather than abandon it and be someone else I am not.

aj_4983
06-02-2008, 01:34 AM
walangya un ah...

:D;)..

nicolelyk
06-02-2008, 05:06 PM
pasali po,sabi po ng mga kakilala kong hapon bakit daw ang pilipino karamihan di alam ang world map:)sabi ko namn di lahat pero kasama ako sa may di alam tulog kze ako ng tinuro ng teacher ko:sick:

sam_227
06-02-2008, 05:12 PM
sabi ni hubby malalambing mga pilipina (lalo na may gusto pabili) ako yata yun hehehe

makulitz
06-04-2008, 09:34 PM
sabi ni hapon ang mga firipinjin daw mahilig magshopping:D

lollipop
06-04-2008, 10:24 PM
ang sabi ng asawako naman magastos daw tayo sa tubig kc ofuro sa gabi ligo naman daw tayo sa umaga.at mahilig daw tayo magpabango.sabihin ko sana d tulad nyo amoy ukay ukay minsan ahihihi.

sitsukoime
06-05-2008, 01:51 AM
[quote=makulitz;60850 8]sabi ni hapon ang mga firipinjin daw mahilig magshopping:D[/quote

Sus di naman totoo yan, ako nga nangungutang lng para makapag shopping eh tas puro's lucky me kinakain ko para lang makabili ng burandong gamit!! magastos ba yun tipid nga eh?! Sabihin mo dun sa hapon umayos sya ha!:hihi::hihi:

marina
06-05-2008, 09:54 AM
sabi ng hapon ang mga pilipino daw masipag sa trabaho

summerghie
06-05-2008, 11:59 AM
sabi ng hapon di tayo marunong magbudget ng time puro "ok lang aabot pa yan" pero lagi naman daw late at gahol sa oras:)

rosby
06-05-2008, 06:56 PM
sabi ni hapon ko bakit kuntento na daw tayo isa ang ulam:D kung sinigang lang ulam yun lang nakalatag malungkot daw hahahah sila kasi dami pa abubot sa mesa dami hugasan:mad:

honey
06-14-2008, 05:41 PM
Sabi ni hapon sa akin madldal daw tayong mga pilipino mahaba kung makipag chikahan at palakaibigan:D.

sky
06-15-2008, 03:44 PM
Sabi ni hapon ang mga Filipinos daw pag nag kasalamuha tila ayaw na daw mag hiwa hiwalay :D
tas pag nag asobi tila daw ayaw ng mag si uwi

SORA
06-16-2008, 12:14 PM
sabi ni hapon ko bakit kuntento na daw tayo isa ang ulam:D kung sinigang lang ulam yun lang nakalatag malungkot daw hahahah sila kasi dami pa abubot sa mesa dami hugasan:mad: k:Drek ka dyan sis..hi hi hi:p

elyurika
06-16-2008, 01:37 PM
sabi ni habi ,bakit daw ang mga pinoy kahit anong okasyon me party :p:D ,at ang handa ang dami .......:Dat bakit buong baranggay daw imbitado? sabi ko di yan buong baranggay...relative s ko yan..:p :D ..buong angkan...dami nga naman eh!

Bluemax
06-17-2008, 01:17 PM
Sabi nila magaling kumanta ang mga pinoy.:D

elisha_gt
06-21-2008, 08:49 PM
sabi ni hapon mga filipina daw maganda ang boses hindi boses neko...meooow:).....

slovet27
06-21-2008, 09:01 PM
sabi ng mga hapon magaganda daw ang mg pinay.pati mga hugis ng legs.hindi daw masculado.isa pa malinis daw tayo sa katawan natin..

shakey
06-22-2008, 10:12 PM
sabi ng mha hapon ang mga filipino mahilig sa matatamis...

ichiban0825
06-23-2008, 04:29 AM
sabi ng jowa ko matsismis daw mga filipino..:mad: pero infairness kapag may nangangailangan nagtutulungan daw:thumb:

barok
06-24-2008, 10:18 AM
Mas personal daw ang pinoy. Sila naman daw mas makabayan. Yung Pinoy daw mas minamahal ang pamilya at kapit-bahay kesa lipunan/bansa....
Masyado raw mababaw ang Pinoy, masyadong mababaw ang pananaw. Hindi daw kaya ng Pinoy na tingnan yong ikabubuti ng nakararami. Bobo ang Pinoy. Hindi kaya ng utak ng Pinoy kung ano ang demokrasya. kung papano magtulong-tulong ang isang barangay lalo na ang isang bansa para sa ikauunlad ng nakararami. Makasarili ang Pinoy. Inuuna ng Pinoy ang sarili, kamag-anak, kakilala, ... Blah blah blah wateber.

ensanguined
06-25-2008, 05:27 PM
Mas personal daw ang pinoy. Sila naman daw mas makabayan. Yung Pinoy daw mas minamahal ang pamilya at kapit-bahay kesa lipunan/bansa....
Masyado raw mababaw ang Pinoy, masyadong mababaw ang pananaw. Hindi daw kaya ng Pinoy na tingnan yong ikabubuti ng nakararami. Bobo ang Pinoy. Hindi kaya ng utak ng Pinoy kung ano ang demokrasya. kung papano magtulong-tulong ang isang barangay lalo na ang isang bansa para sa ikauunlad ng nakararami. Makasarili ang Pinoy. Inuuna ng Pinoy ang sarili, kamag-anak, kakilala, ... Blah blah blah wateber.


well said, barok.

KikoyBalayon
06-25-2008, 06:08 PM
barok, curious lang.. hapon ka ba? masyado naman yata komakai yang description mo.. :brush:

ensanguined
06-25-2008, 08:00 PM
日本人かもしれない。

proud me
06-26-2008, 12:05 AM
napapansin nila sa filipino magagaling makisama at makisakay sa hangin...mapagmahal sa pamilya,kahit magtiis dito sa japan karamihan naman merong House and Lot at kotse sa pinas...kahit malayo sa pamilya naka-handang magtiis para sa pamilya...buti nalang wala pa akong naririnig ng narinig ni barok san na makabayan blah blah blah...

skyteam
06-26-2008, 08:38 AM
Mas personal daw ang pinoy. Sila naman daw mas makabayan. Yung Pinoy daw mas minamahal ang pamilya at kapit-bahay kesa lipunan/bansa....
Masyado raw mababaw ang Pinoy, masyadong mababaw ang pananaw. Hindi daw kaya ng Pinoy na tingnan yong ikabubuti ng nakararami. Bobo ang Pinoy. Hindi kaya ng utak ng Pinoy kung ano ang demokrasya. kung papano magtulong-tulong ang isang barangay lalo na ang isang bansa para sa ikauunlad ng nakararami. Makasarili ang Pinoy. Inuuna ng Pinoy ang sarili, kamag-anak, kakilala, ... Blah blah blah wateber.

ang pagkakaalam ko pag nasa labas ng pinas ang pinoy super galing and super sipag and super talino na rin

siguro napunta sa tondo yung japon na nagsabi sayo nyan ... :p :p :p

skyteam
06-26-2008, 08:44 AM
haba na ng thread nato pero hindi ko pa nabasa yung sinabi sakin ng japon na kakilala ko and ng mga puti also

sabi ng japon ... ang pinay raw super bangoooo ang flower

ang sabi naman ng mga puti na kilala ko ... halos sa dami raw ng mga babae na nakarelasyon nya ( iba ibang nasyon ) super bangooo raw talaga ng bulaklak ng pinay .... kahit daw zero degrees na lamig ng panahon naliligo pa rin ... :p:p:p

kaya sure ako na mabango rin ang kila sharon cuneta and dawn zuleata ... gets nyo ... :p:p:p

dequi_lu
07-02-2008, 12:54 AM
sabi ng asawa kong hapon bakit daw nagkukusot pa ko eh my washing machine naman daw..

xholeeser
07-02-2008, 08:47 AM
sabi ng asawa ko and his friends,malinis daw tayo sa bahay at masarap mag luto. sabi ng kapit bahay ko shiawase daw ng danna san ko...

summergirl
07-02-2008, 10:59 AM
haba na ng thread nato pero hindi ko pa nabasa yung sinabi sakin ng japon na kakilala ko and ng mga puti also

sabi ng japon ... ang pinay raw super bangoooo ang flower

ang sabi naman ng mga puti na kilala ko ... halos sa dami raw ng mga babae na nakarelasyon nya ( iba ibang nasyon ) super bangooo raw talaga ng bulaklak ng pinay .... kahit daw zero degrees na lamig ng panahon naliligo pa rin ... :p:p:p

kaya sure ako na mabango rin ang kila sharon cuneta and dawn zuleata ... gets nyo ... :p:p:p


mukhang masyado ko ng tigang sky huh..halos lahat ng thread mo regarding flowers?hahaha..baka pti dugo mo bro,berde na rin?

KikoyBalayon
07-03-2008, 02:35 PM
pareng skyteam..
mukhang tatalunin mo yata si machobandido ah.. a.k.a. the pitbull..

woof! woof! :brush:

skyteam
07-06-2008, 02:32 AM
mukhang masyado ko ng tigang sky huh..halos lahat ng thread mo regarding flowers?hahaha..baka pti dugo mo bro,berde na rin?

hindi naman sis summergirl ... idol ko lang si rico j. puno ... :p :p :p saka hanggang tingin at payo na lang ako ... nalipasan na yata

skyteam
07-06-2008, 02:34 AM
pareng skyteam..
mukhang tatalunin mo yata si machobandido ah.. a.k.a. the pitbull..

woof! woof! :brush:

Bro kikoybalayon ... pinapasaya ko lang thread ... kasi kahit nung kalakasan ng talento namin pag magsesermon ako pinagtataguan ako ng mga angels ko ... pero pag kwentong rico j. puno na lahat nakapaikot sa akin ... tawanan ng tawanan ... :p :p :p

ak1nara
07-06-2008, 06:08 AM
sabi ng asawa ko hapon.. para daw ako bata kanta ng kanta sa bahay pag wala magawa may kasama pa sayaw hindi daw ako nahihiya sa kanya lol

hay naku paano nmn kz kaka stress dito sa japan...

bahaykubo
07-17-2008, 07:56 AM
sabi ng ibang hapon bakit daw yung IBANG pinay.........

MAPUTI MUKHA ? MAITIM NA PAGDATING LEEG AT KATAWAN??

di pantay ang kulay

japina
07-18-2008, 08:25 AM
sabi naman ni hapon, bakit daw malalakas ang boses natin at mabilis daw tayo mag salita. kaya tuloy si hapon hindi marunong mag tagalog.

gorgeousgee
07-18-2008, 09:07 PM
ang lakas dw ng boses natin pg my kausap sa phone:O

lykz
07-18-2008, 09:37 PM
sbi ng hapon matiisin daw tyo hehehehe at mahaba ang pasensya:confused::c onfused::confused:
totoo ba?

JosephSensei
07-19-2008, 12:25 AM
SHARE NYO NAMAN ANG MGA NAPAPANISIN NG MGA HAPON SA ATING MGA FILIPINO:D

eto sa akin;Sabi ni hapon
Mahilig daw tayo sa kasiyahan o party:eek: .
Halimbawa birthday,piesta o ano mang occasion.Pede naman daw simple na lang bakit kailangan bongga pa.Tapos nangungutang ng pera bukas nakatunganga na hindi alam kung paano mababayaran ang mga utang.


Mahilig daw tayo sa soft drinks at Karne:eek:
Diba kapag may mga bisita tayo hindi man lang tayo makainom ng tubig puro me mga kulay:p.Hindi naman siguro iba iba style ng mga filipino malamang dun sa napuntahan mong lugar hindi sila palagian kumakain ng karne kaya matsuri sila nung araw na yon pero kapag nawala na ang bisitang hapon back to normal:).


Sabi ng hapon....ang pinoy raw ay masayahin kahit may problema. Fast learner , matyaga, at sana tulad daw natin sila na marunong mag english.

Ang pinoy raw mahilig sa asukal...
Mahilig uminom ng Coke instead of milk

sky
07-19-2008, 12:53 PM
Sobra daw magalit kahit Tv kayang buhatin at ibalibag samantalang ke liliit naman ng punong braso :D

musikaghie
07-19-2008, 01:12 PM
Sobra daw magalit kahit Tv kayang buhatin at ibalibag samantalang ke liliit naman ng punong braso :D

Hay Sissy, natawa ako dito~~~:D Totoo yang sinabi mo!

Si Daddy ko rin sabi niya, ang babait ng mga Pilipina, Pero pag nagalit

nakakatakot daw.

Pero kapag nagalit sandali lang daw~~~(Ako ata yon ahihihi~~~:D)

ayumi_eri005
07-23-2008, 01:51 PM
pasali po:Dkaka enjoy mgbasa na encourage ako:D
sabi po asawa ko bakit mahilig me kanta hen no utau sa baby nmin..
ting ting tong...chikichikiton g:toofunny:
masayahin daw mga filipino kahit may problema nakukuha pang tumawa;)
sila daw kasi masyadng kinikinisuru..

malambing daw tau pag my kailangan...;)(ako po un)wehehe

pam_ela
07-24-2008, 01:44 PM
bago po me d2 sa TF at gs2 ko rin po sna share ang thoughts ko:Dlam mo ayumi tama ka dun...kasi tayo mga filipino kahit ano kinakaya...kahit hirap nah:pnakukuha pang tumawa at pati problema kung mnsan gngwang katwa twa pro di ibig sbhin na di tau seryoso...marunong lang kasi tyo mgdala:hihi:

Loving Isa
07-25-2008, 06:55 PM
Naalala ko yung sabi ng Hapon sa kapwa niya Hapon....ang mga Pilipino daw, kapag nasa gathering--lalo na sa isang big gathering sa karaoke, kapag omoshiroi daw talaga ang nakikita o naririnig ng Pilipino talaga walang kaplastikan ang tawa nito pero kapag nakokornihan na, pansin na pansin sa mukha ng mga Pilipino na na-bo-bore na....Hindi daw kagaya nilang mga Hapon, kahit nakokornihan na naghahagikgik pa rin sa tawa at panay pa rin ang palakpak....in other words, plastik!

alotta
08-12-2008, 04:09 PM
sabi ng hubby ko:

bakit daw lagi konderu ang mga malls sa pinas kahit working days?
tapos andaming bata palagi?
Hnde daw ba pumapasok sa work at lahat nasa mall?
Tsaka sabi nia bakit andaming bata may pera na daw ba pambili ang mga kids?
Tapos sabi nia wala sya gaano nakikita na mga lola at lolo na mga pinoy na nasa labas or mall?
Hinde daw katulad dito andaming jiji baba sa paligid sabi nia
ahehehheh!

kulasa
08-12-2008, 04:39 PM
sabi po ng asawa kong hapon...

mendokusai daw po may asawa na pinay lalo na pagdating sa mga documents na aayusin...:(

simula bago magpakasal... hanggang makasal... hanggang mag ka anak...
at pati pag eextend ng visa at pagkuha ng passport...
dami docs. kelangan at ipapatranslate pa...
mendokusai na gastos pa:(

pag uuwi ng pinas... ticket... pasalubong... at kung anek anek...:rolleyes:
dagdag ko narin po makulit daw po sa fon pacheck check:confused:
baka ako lang yun ha wehehhehehehe:D

pero lab naman nya kami ng mga anak ko:)
siguro wehehhehehhe:D

Guramarasu
08-12-2008, 05:24 PM
Ang sabi ng kakilalang kapwa Hapon ng Mother-in-law ko, actually it is always according to someone, I wonder they can't have their own say directly to me any comments which they know not positive regarding furipinjin (Firipinjin) is ito:
-Bakit daw ang Filipino ay tumatanggap ng trabaho kahit maliit ang sahod?
-and bakit daw natin nilalagyan ng yelo ang beer? It is weird for them if the reason is to make the beer less bitter.

My mother-in-law had the gut to say these things to me because she thought I am exceptional to those impressions. But of course not. It is just that I don't drink beer even half the glass is ice, because I'm more bitter enough to have a pay salary better than his son.