View Full Version : Martir
mga katf,sensya na may tatanong ulit ako.Pano nyo ba masasabi ang isang tao na martir sya?Specially sa may asawa.:confused: masasabi nyo ba na wala ng martir?
summergirl
10-04-2007, 06:45 PM
Hindi ko binubuhat ang sarilng bangko ko,dahil sa mga anak ko nag-papaka martir ako,dahil ayokong mag suffer sila ng dahil sa pag kakamali ng mga magulang..Kaya kahit barilin ako sa Luneta at di na uso ang martir okey lang..basta maligaya ang mga anak ko..Kung di naman ako sinasaktan,why not na magtiis..Bahala na ang langit sa kanya..
kahanga-hanga ang iyong kasagutan.:)
Hindi ko binubuhat ang sarilng bangko ko,dahil sa mga anak ko nag-papaka martir ako,dahil ayokong mag suffer sila ng dahil sa pag kakamali ng mga magulang..Kaya kahit barilin ako sa Luneta at di na uso ang martir okey lang..basta maligaya ang mga anak ko..Kung di naman ako sinasaktan,why not na magtiis..Bahala na ang langit sa kanya..
musikaghie
10-04-2007, 07:13 PM
Depende sa pagmamartir. Merong nagmamartir na di tama ang pagiging martir,miski alam na mali ang partner niya o asawa niya kaya minsan namimihasa tuloy ang asawa.
Meron namang masasabi mong martir na tama talaga ang pagiging martir na ginagawa niya kasi may good reason o kaya depende sa situasyon. Kaya di parepareho,depende talaga sa mga pangyayari kaya nagiging martir na masasabi ang isang tao diba?:)
may_abe
10-04-2007, 07:29 PM
mga katf,sensya na may tatanong ulit ako.Pano nyo ba masasabi ang isang tao na martir sya?Specially sa may asawa.:confused: masasabi nyo ba na wala ng martir?
Para sa akin,love is blind.Kaya meron taong martir. Nererespeto ko ang mga tao nagpapakamartir dahil sa bulag na pag ibig..o dahil iniisip nya ang kapakanan ng iba o sakaling may anak ang magasawa. Masasabi ko meron pa ring Martir,ito yong babaeng hindi kaya tumayo sa sarili sakaling mawalan ng kinakasandalan.Matap ang siguro ang babae na hindi martir. Kaya nya tumayo sarili nyang paa sakali man maghiwalay sila mag asawa. ;)
ritzyu
10-04-2007, 08:05 PM
mga katf,sensya na may tatanong ulit ako.Pano nyo ba masasabi ang isang tao na martir sya?Specially sa may asawa.:confused: masasabi nyo ba na wala ng martir?
Sabi nila wala na daw martir ngayon, sa America nga 2 out of 5 children ay fatherless.
Maraming single parents ngayon, oo they can provide meals and pay the bills,
masaya dahil malaya sila, iyon ang desisyon nila at iba-iba klase naman kasi ng pagma-martir. Para lang din ito sa akin, wag lang mananakit kahit siguro hindi kasaganaan ang buhay namin, pwede akong mag-adjust alang-alang sa anak ko, papalakihin ko talaga
siya under the authority of a father and a mother...mahirap malayo ang anak sa
sariling ama nito..malaki ang magiging impact ng paghihiwalay sa paglaki nila...basta maligaya lang ang anak ko maligaya na rin ako:)
proud me
10-04-2007, 09:38 PM
Siguro nga wala ng Martir...biro nga ng iba ayaw ng sundan pa si jose rizal :D
anu ba ang martir lalo na sa buhay may asawa....yung konting kibot may award na jombag at walang maipakain sa kanila I love you parin? ...kung yan ang ibig sabihin siguro
baka wala na nga sigurong ganyang kaloka-lokang babae ngayon:D
kaya para sa akin yung sinabi nila summergirl san at Ritzyu san...hindi Martir ang pananaw ko sa ganyan....kundi mga Dakilang Ina :p
mrs-mymelo
10-04-2007, 10:57 PM

Oo naman..iba ang martir keysa pagiging dakilang ina.Unless kung ginagawa tayong punching bag.Para sa buhay may asawa,kahit walang asawa man,di nawawala 'yong tiis at tyaga dahil kailangan 'yan habang nabubuhay.Kakambal na natin ang mga problema sa buhay mula nang tayo'y isinilang,magsumikap tayo at huwag nang gayahin si Rizal na nagpa-baril pa sa Luneta.Tapos na 'yon.
proud me
10-05-2007, 09:05 AM
Oo naman..iba ang martir keysa pagiging dakilang ina.Unless kung ginagawa tayong punching bag.Para sa buhay may asawa,kahit walang asawa man,di nawawala 'yong tiis at tyaga dahil kailangan 'yan habang nabubuhay.Kakambal na natin ang mga problema sa buhay mula nang tayo'y isinilang,magsumikap tayo at huwag nang gayahin si Rizal na nagpa-baril pa sa Luneta.Tapos na 'yon. heheh!....siguro walang gustong mag-pabaril sa luneta kahit noon pa:D ....kaya lahat naman nagsusumikap mabuhay...
adechan
10-05-2007, 09:13 AM
pagkamartir?
pagkaka martir para sa ikakabuti nang ipinagmamartir mo pero suffering naman sa iyo ~~~ di pa rin maganda
pagkakamartir para saan? para pagbigyan ang hilig at ugali niya? kahit hindi tama? tapos suffering ka? mas lalo yatang di maganda
pero may pagkamartir na for good cause ~~~ if your life's sacrifice is the only way, why not? kung it will really make a big big change for good.
depende
docomo
10-05-2007, 12:13 PM
Depende sa tao kung anong depinisyon ng salitang martir ... may martir na tanga.. may martir na dakila may martir na bulag at bingi etc... sa panahon ngayon bihira na ang martir kung meron man kokonti na lang siguro .. out of choice siguro kaya nagpapaka martir....
Nasa sayo lahat ang kasagutan kung gusto mong magpaka martir o hinde ... tandaan mo minsan ka lang mabubuhay .. kaya piliin mo yung mas makakabuti para sa yo dahil wala ng magmamahal sa sarili mo kundi ikaw lang. :)
Soju6
10-05-2007, 12:22 PM

Aaaaaamen!!
infinite_trial
10-05-2007, 04:28 PM
description ko ng martir:
* submissive - yes ng yes. ultimo kulay siguro ng panty na bibilhin e ikokonsulta pa sa asawa nya
* denial queen - eto siguro yung sinasabi ni doc na aanga-anga. harapan na niloloko ay dedma ang lola. buti sana kung dedma lang, kaso pinipilit paniwalain ang sarili na di totoo ang mga nakikita na nya
kapag sinabi kasing martir more on negative connotation sya e. pero yung mga "nagtitiis" for a good cause, di rin natin masisisi...hirap talaga ng situation pag may anak na paguusapan.
proud me
10-05-2007, 04:41 PM
* denial queen - eto siguro yung sinasabi ni doc na aanga-anga. harapan na niloloko ay dedma ang lola. buti sana kung dedma lang, kaso pinipilit paniwalain ang sarili na di totoo ang mga nakikita na nya
Denial queen ba tawag sa ganyan....sakit naman pag-ganyan na ang kalagayan:p
noon meron naman...haponesa naman siya at yung kabit pinay naman....hindi ko naman
masabing martir siya...kasi katwiran niya...ba't nga naman daw siya makiki-pag hiwalay sa asawa niya...para mag-boshi katte ba yon o umasa nga daw sa Tax ng iba...me katwiran naman siya dahil sarap nga naman yung nasa house lang siya at nag-hihintay ng sariling
pamilya nya...kesa sa kabit na paka-palan nalang ng mukha na naghihintay sa work niya kung kelan makakatakas si lalaki para silipin siya....(hindi kaya ang martir dito eh! yung kabit na naghihintay habang kumakayod)
may_abe
10-05-2007, 06:55 PM

Tama ka sinabi mo...Laging ang kabit ang Martir.Kase,umiibig kahit na bawal. Naghihintay kung kelan lang dalawin. Mas masakit pa, kung walang pag asa na magbabago sa buhay. Sabi nga ni Docomo san..ikaw lang magmamahal sa sarili mo. :(
poulain
10-05-2007, 07:06 PM
IMO..
2 nga klase ng martir.
1. martir na ,tanga pa - nakow, eto yung mga di nag-iisip.. basta mahal nila partner nila wala silang pakelam kahit nasasaktan na sila, ewan ko ba, pwede ka naman magmahal na di mo totorture-in sarili mo di ba?
2. martir na di selfish - eto bilib ako sa mga mom, or kung sino man ang tiniis ang lahat para sa family..
ritzyu
10-05-2007, 07:11 PM
Hindi ko po nilalahat, ang iba wagamama lang naman, tinakasan nga naman nila
ang hirap sa 'pinas bakit nga naman sila mag-martir omagtitiis ule dito...minsan
nakikita mo nasa pintuan pa lang sila ng pagtitis, di pa nagtatagal bumibigay na~~
nasa period of adjustment palang eh ayaw na ng adjustment~~ni-period na..
proud me
10-05-2007, 07:13 PM
Tama ka sinabi mo...Laging ang kabit ang Martir.Kase,umiibig kahit na bawal. Naghihintay kung kelan lang dalawin. Mas masakit pa, kung walang pag asa na magbabago sa buhay. Sabi nga ni Docomo san..ikaw lang magmamahal sa sarili mo. :( marami din pala tayong ganito ang pananaw sa ganyang klaseng relasyon...na sila ang martir o bulag o tanga na mga martir....dahil kahit alam nilang hindi tamang relasyon ...nagtitiis parin sila kaya nga bagay din dito yung sinabi ni doc na mga Out of Choice na:(
katty0531
10-06-2007, 01:09 PM
Ang hirap sabihin pag puso ang kakambal mag desisyon. Isang friend ko nasa ganitong tanong ngayon, MARTIR ba matatawag ko sa kanya? ewan ko, ang hirap!
Lalo na sa kalagayan nya dalawang bata (1 year and 8 months, at 4 months old baby) nasa Tokyo naka assign asawa nya, nakita nya sa ketai may babae. Ano gagawin nya? walang alam sa nihonggo, wala masyado matakbuhan, mahal ang asawa...kaya....Gome nnasai de sunda. ..(nakuha pa rin sya sa GOmennasai ng asawa nya). Mahaba pa ang kwento, mas masaklap kung kukwento ko lahat. Alang alang daw sa mga anak nya, peace na naman sila ni hubby nya, mahal kasi nya, ayaw nya daw lumaki walang tatay mga babies nya. Bow.
mga katf,sensya na may tatanong ulit ako.Pano nyo ba masasabi ang isang tao na martir sya?Specially sa may asawa.:confused: masasabi nyo ba na wala ng martir?
Martir , para sa akin ang martir at masokista eh iisa .dahil nakakaya nyang pag tiisan lahat ng sakit na ibinibigay sa kanya ng kanyang asawa. kahit na makita pa siguro ng dalawang mata nya na yun asawa nya may katabi sa higaan at nasa oras ng "alam nyo na " at kaya pa nyang tanggapin ang mga yakap at halik ni Hudas.
hindi ako sigurado kung may martir pa magpahanggang ngayon. kung meron pa hindi ako humahanga sa kanila. (pasensya na po) hindi ko hinahangaan ang taong walang pagmamahal at respeto sa sarili nya. kung nagtitiis dahil sa anak .tanungin kaya nila anak nila kung masaya ba sila dahil nanay nila nag papaka martir dahil sa kanila ? miserable puso at isipan ng nanay nila dahil kailangan magtiis dahil sa anak?
Nanay ko was a martyr before.kahit anong gawin ng tatay namin(masyadong hahaba di ko na ilalagay) .nagtitiis daw sya dahil sa amin :eek:ayaw daw nyang lumaki kaming walang tatay,.ang sakit sakit sa pakiramdam.(Imagine) ang pinakamamahal mong nanay.nagtitiis ? maikli lang ang buhay para sayangin.
sinabi naming magkakapatid hindi namin kailangan ang tatay kung puro luha lang napapala at takot ,nagising naman sya sa katotohanan.
hindi namin masasabi na nasira buhay naming magkakapatid dahil lumaki kaming walang tatay :).mas masaya kami dahil masaya mom namin ,at alam namin mahal nya at may respeto sya sa sarili nya .(sariling opinion po)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.