PDA

View Full Version : Chopsuey


yui
10-05-2007, 02:14 AM
Hi! sorry is there an existing thread about this already? If so, paki redirect na lang po.
Gusto ko lang malaman kung meron bang may alam magluto nito without using yung mga mix? Yung natural talaga walang powder na gagamitin? Kung hindi naman po pwede kahit yung ganung recipe na lang. Hindi kasi ako kumakain ng gulay pero madami akong nafefeel sa katawan ko these past few days at ayoko namang mahospitalized ulit dahil wala pa akong hoken nakakaawa naman ang asawa ko. I`m trying na matutunan kumain ng mga gulay kasi para sa akin din naman yun. Kung meron din po kayong suggestion na madaling kainin na gulay para sa mga beginners na kagaya ko it`ll be very much appreciated. Thank you.:)

joeblack
10-05-2007, 04:48 AM
Madali lang ang pagluto ng chopsuey.

Ingredients:

Pork, liver, shrimps
carrots,cabbage,mush rooms, young corn, itlog ng pugo,sayote [if mayroon] brocolli
cauliflower,piman ,onion,garlic

Pamamaraan:
Igisa ang pork at liver sa bawang at sibuyas. Lagyan ng soyo, asin, vetsin at black pepper.
Lagyan ng 2 cups of water. Ilagay ang young corn at mushrooms at pakuluin hanggang sa maluto . Ilagay ang shrimps at itlog ng pugo, pakuluin. Ilagay mo ang brocolli at sayote,pakuluin. Ilagay ang carrots,pakuluin at isabay mo ang cauliflower, cabbage at piman.
Itimpla lagyan ng konting flour para medyo maging sticky.

Serve hot.... Maganda pag hinde lanta ang mga gulay....
Enjoy eating your chopsuey!!!!!!!!!!!! !

Sana nakatulong eto sa yo...





Hi! sorry is there an existing thread about this already? If so, paki redirect na lang po.
Gusto ko lang malaman kung meron bang may alam magluto nito without using yung mga mix? Yung natural talaga walang powder na gagamitin? Kung hindi naman po pwede kahit yung ganung recipe na lang. Hindi kasi ako kumakain ng gulay pero madami akong nafefeel sa katawan ko these past few days at ayoko namang mahospitalized ulit dahil wala pa akong hoken nakakaawa naman ang asawa ko. I`m trying na matutunan kumain ng mga gulay kasi para sa akin din naman yun. Kung meron din po kayong suggestion na madaling kainin na gulay para sa mga beginners na kagaya ko it`ll be very much appreciated. Thank you.:)

crispee
10-05-2007, 06:29 AM
Kung meron din po kayong suggestion na madaling kainin na gulay para sa mga beginners na kagaya ko it`ll be very much appreciated.

Subukan mo ang kangkong, yui. Igisa mo lang siya tapos timplahan mo ng toyo at konting vetsin.

Spinach or horenso- igisa mo sa butter, timplahan ng asin, vetsin at konting paminta(powdered)

Asparagus- pareho ang luto sa horenso, dagdagan mo lang ng konting karne. Kung gusto mo ng simple, steam mo (half-cooked) tapos iduldol mo lang sa mayonnaise or food dressing na gusto mo.

Broccoli at cauliflower - steam or ilaga mo, half-cooked din.
Carrots - uncooked gayatin mo na parang french fries. Huwag lutuin. Sawsaw mo lang sa mayonnaise uli.


Kapag nagustuhan mo mga yan, mabubuhay ka na kahit walang karne;)

Good Luck po.

a_kiss
10-05-2007, 08:28 AM
O kaya i try mo din yun lahat na nabanggit ni Mr crispee san na mga veggies .pero ang timpla mo ay goma abura (sesame oil) at soy sauce masarap din yun :)

yui
10-05-2007, 06:28 PM
wow.. try ko po ngayon yung sa horenso(un p lng kc meron ako ngayon) magaggambaru po ako kainin lahat to (Except sa mayo sorry allergic po ako). Naawa na din ako sa asawa ko puro ospital ako. promise gagambatte po:)

aeroguy30
10-28-2007, 01:04 AM
try mo rin ang magluto ng grilled dishes especially meat and poultry. Mas less ang saturated fats niya at iwas cholesterol pa at high blood. :) :) :) For good health God bless! :D :D :D