PDA

View Full Version : Buhay America


pinaygurl
10-07-2007, 09:36 AM
i received this forwarded email from a friend
i just want to share this to everyone!!!

==================== ==================== ==

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag nasa America ka, akala nila
madami ka ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat
ang gamit mo sa pagbili mong mga gamit
mo. Kailangan mo gumamit ng credit
card para magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang
utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga
kano. Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Aka la nila mayaman ka na, kase may
kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi
ka bumili ng kotse sa America
maglalaka d ka ng milya-milya sa ilalim
ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akal a nila masarap ang buhay dito sa
America. Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at
iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay
sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six
Flags, Universal Studios at iba pang
attractions. Ang totoo, kailangan mo
ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para
makarating ka dun, kailangan mo
namnamin ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa
presyong dolyar mo din gagastusin.

A kala nila buhay milyonaryo ka na kase
ang ganda ng bahay at kotse mo.
Ang totoo milyon ang utang mo. Ang
bago mong kotse 5 taon mong huhulugan.
Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sabihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.

Madaming naghahangad na makarating sa
America. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America.
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo
ding magbanat ng buto para mabuhay ka
sa ibang bansa. Isang malaking
sakripis yo ang pag alis mo sa bansang
pinagsila ngan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.


==================== ==================== ============


kahit saan naman ata ganun..
bulag lang ang kasi ang mga pinoy na nasa pinas..
akala nila pag nasa abroad may tree ng pera at pag pakilangan ng pera pipitasin lang.
di nila alam ang hirap ng buhay din sa abroad kung tutuusin mas maswerte pa sila atin dahila
may mga kamag anak sila na isang hingi lang padala agad..
ang mga taong nasa abroad wala silang kamag anak na pwede hingan ng pera dahil sa abroad lahat kanya kanya " galit galit " work hard to live - ika nga!
at marami din kasing mga pinoy na akala mo kung umasta eh kasing yaman na ni bill gates naka rating lang ng ibang bansa eh pati utak napasukan na ng hangin!!!
peace!!!

may_abe
10-07-2007, 10:51 AM
:D ayan sa lahat na umaasa dolyares ng mga kapatid at kamag anak nyo sa abroad. Maawa naman kayo sa kanila..huwag na kayong umasa palaging may washington dc na papel..darating
pa pagtyagaan nyo na lang kung may kalabaw man kayo dyan..

sharpener
10-07-2007, 11:53 AM
kawawa naman sila:O
buti pa tayo pa-eb eb na lang
may anniversary sa aichi
may ungguyan sa gunma
may apple picking sa ibaraki
may photography club
may badminton
at may eb pa sa pinas hehehe:D
bongga di ba?

mtwalton
10-07-2007, 12:52 PM
It is sad diba. They do not even know / realize how hard people in abroad working so so hard not for their own but just to help the families and those families were just there ( in Philippines ) some, istambay, not helping themselves and just waiting. Yan ang kaugalian . Then sometimes ikaw pang masama.
I don't undestand sometimes.

I just remember when we were about to move here in Japan, I had an urgument with my Aunt, I was just a teen ager but I was careful with my attitude not to loose my respect towards her , then she said " Yan ! porke kana nakahiga sa malambot na kama marunong ka ng makipag laban." Kahit ngayon hindi ko pa rin maintindihan yung ibig nyang sabihin. Nag eexplain lang naman ako at those time .....kung tutuusin dito sa Japan eh futon, nilalatag sa floor so not really soft desho?:confused:

so kahit na ano pang isigaw ng nag sisikap na tao para lang makatulong sa mga pamilya, some, hindi nila mai-intindihan. Bless those people.....sa nag sulat noong letter above, I think she/he is just not having a good day kaya nasulat nya yon then na forward . Although tutoo nga that this is happening.

God Bless!

may_abe
10-07-2007, 01:36 PM
Quote:
.....kung tutuusin dito sa Japan eh futon, nilalatag sa floor so not really soft desho?:confused:

Oo nga naman..madalas sabihin porke..nakahiga na sa malambot na kama:D Uy! masarap yata ang futon kahit first time ko lang noon..sa may baliko ang buto sa likod maganda yung futon..
Mabuhay nga lahat ng masisipag na nagpapadala ng pera sa kanila kamaganak..

Thank's for sharing..this thread.

ANGELIKA22
10-07-2007, 01:52 PM
sana mabasa itong thread na ito ng mga kamag-anak ko sa pinas :D

Hensoldt
10-07-2007, 05:29 PM
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag nasa America ka, akala nila
madami ka ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat
ang gamit mo sa pagbili mong mga gamit
mo.
Not true. Puwede ring gamitin ang debit/check cards (modernized ATM cards), cheque, and the old-fashioned dollar bills.

Kailangan mo gumamit ng credit
card para magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang
utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga
kano. Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Depende kung paano mo gamitin ang credit card mo. It is necessary to have a credit history, pero hindi nangangahulugan na ima-max out mo yung limit ng lahat ng credit card mo. Ginagamit ang credit history mo ng mga financial intitutions na magpapahiram sa iyo ng pera na pabili ng big ticket items (gaya ng bahay, kotse, business loan, educational loan etc.) upang malaman nila kung gaano ka kagaling magbayad ng utang. 3 credit cards lang ang kailangan para makapag-build up ng ideal credit history. Just use it a few times without maxing it out, and pay the balance on time, then your credit score will be excellent. Ikaw na ngayon ang lalapitan ng mga lenders and the interests rates of the big ticket loans will be low. Low interest rates = more money for you.

Aka la nila mayaman ka na, kase may
kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi
ka bumili ng kotse sa America
maglalaka d ka ng milya-milya sa ilalim
ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
jeepney, tricycle o padyak sa America.

May bus at lightrail din dito ha (parang LRT pero nasa tabi ng klsada hindi nasa taas). Unang salta ko dito nagba-bus ako kapag pumapasok.

Akala nila masarap ang buhay dito sa
America. Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at
iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay
sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Wow! So ang pinakaaasam na buhay pala ay ang buhay na walang ginagawa buong araw kundi tumambay, makipagtsismisan, gumawa ng bata? Ano kakainin mo? Saan ka titira? Ano magagwa mo para sa iyong bayan? Parang patabaing baboy lang ang labas ng mga tao kung ganyan.
Kaya pala maraming squatters sa atin eh. :rolleyes:

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six
Flags, Universal Studios at iba pang
attractions. Ang totoo, kailangan mo
ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para
makarating ka dun, kailangan mo
namnamin ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Iba-iba ang capacidad ng mga tao, kung 7-10 dollars per hour lang ang sweldo mo, eh huwag ka munang maghangad ng Disneyland o ng magarang sasakyan. Live within your means ika nga. Pero kung gusto mo umangat, edi mag-aral ka upang makahanap ng trabaho na malaki ang kita o kaya'y mag-start ng business. (This is when having a good credit history becomes very advantageous for you) :D

Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa
presyong dolyar mo din gagastusin.

Again, live within your means, hindi mo kailangang makipagkompetensiya materially sa mga taong nasa paligid mo kung ikaw ay secure sa sarili mo.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase
ang ganda ng bahay at kotse mo.
Ang totoo milyon ang utang mo. Ang
bago mong kotse 5 taon mong huhulugan.
Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sabihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.
Maganda bumili ng bahay dto, dahil investment yoon, karaniwan kasing naga-appreciate ang value ng bahay over time. Kaya kapag binenta mo in the future at maganda ang housing market, eh di kumita ka pa nang malaki.

Madaming naghahangad na makarating sa
America. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America.
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo
ding magbanat ng buto para mabuhay ka
sa ibang bansa. Isang malaking
sakripis yo ang pag alis mo sa bansang
pinagsila ngan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.

Naiintindihan ko ang saloobin ng may akda. Pero mali ang mga rason o dahilan na ibinigay niya. At para pa niyang kinunsinti ang mga hindi kanaisnais na nakasanyan na ng karamihan. :mad:

Ang pangarap ko talaga ay maging makapangyarihan at maunlad ang aking lupang sinilangan at magkaroon ng maganda at maipagmamalaking buhay ang lahat ng mga Pilipino. Pero paano natin maa-achieve yoon? Sa pagistambay at pagtsismisan buong araw?

I have the same sentiments as the person in this clip...He's a Filipino who came to America too, but now he's back. I want to do what he did someday, when I'm ready.
Peace. :)
ik9XW3134c8

mamimo
10-07-2007, 05:52 PM
Kahit san parte tayo ng mundo nakatira basta akma ang lifestyle natin sa kakayahan tustusan ito sa palagay ko magiging maayos ang buhay sa aspetong pananalapi ng bawat isa.:)

mtwalton
10-07-2007, 08:21 PM
That's what I thought!!
No matter who leads Philippines if we, fellow Filipinos ay hindi magbabago, walang ika uunlad ang ating bansa. You know what I'm saying....

I miss my homeland. :( ...

shinshinobi
10-08-2007, 02:44 AM
sayang ka dr. kasi although maganda ang hangarin mo para sa mga pilipino eh naisipan mong tumakbo sa pulitika.

siguradong papapakin ka lang ng mga buwitre at mga buwayasakim kung mananalo ka.

kaya sana'y maisipan mong mag back out na lang dahil hindi pa panahon para sa mga katulad mo ang mahawa ng sakit ng pulitika.

marami pang paraan para ka makatulong sa kapwa hindi lang sa pulitika....:(

makulit
10-08-2007, 12:40 PM
sayang ka dr. kasi although maganda ang hangarin mo para sa mga pilipino eh naisipan mong tumakbo sa pulitika.

siguradong papapakin ka lang ng mga buwitre at mga buwayasakim kung mananalo ka.

kaya sana'y maisipan mong mag back out na lang dahil hindi pa panahon para sa mga katulad mo ang mahawa ng sakit ng pulitika.

marami pang paraan para ka makatulong sa kapwa hindi lang sa pulitika....:(

ako nga din nag-isip kung bakit naisipan nyang pumasok sa pulitika. marami naman ngang paraan kung paano makakatulong sa bansa natin.

tumakbo nga po pala sya sa nakaraang election, hindi po sya pinalad.

nasty
10-08-2007, 03:03 PM
ok na sana si doc ,,,tumakbo pa sa pulitika ,,sa dumi ng pulitika satin ,,,,hindi siguro kakayanin ng 10 na gaya ni doc martin ang pagbabago ng pulitika ng pilipinas ,,,sa pananaw ko lang po yan...

makulit
10-08-2007, 03:10 PM
kailangan magsimula sa isa. okey naman sana si Doc maganda ang hangarin. isip ko lang din bakit senador agad ang posisyon na hinangad. sana magsimula sa sariling lugar kung saan sya nagmula as governor or mayor vice mayor. parang suntok sa buwan yung senado agad ... hindi kasi sya kilala ... walang record ng magagandang bagay o proyekto na nagawa sa mga pilipino.

Soju6
10-10-2007, 11:46 AM
Ala ehh....Binabasa ko pa lang kung paano mabuhay sa Amerika nagdugo agad ang ilong kow. Uwi na lang ako sa aming probinsiya para pagyamanin ang lupa/taniman ni Amang.
Kayo na lang ang magtiyaga sa Amerika.

proud me
10-10-2007, 01:57 PM
kawawa naman sila:O
buti pa tayo pa-eb eb na lang
may anniversary sa aichi
may ungguyan sa gunma
may apple picking sa ibaraki
may photography club
may badminton
at may eb pa sa pinas hehehe:D
bongga di ba? patawa sa post mo :D
mamaya labasan tayo ng mga pictures ng mga nandun kung paano sila mag-EB dun.....manliit tayo sa american size:D

Hensoldt
10-10-2007, 03:09 PM
patawa sa post mo :D
mamaya labasan tayo ng mga pictures ng mga nandun kung paano sila mag-EB dun.....manliit tayo sa american size:D

Meron pa bang ibang American size dito besides me? TF ay para sa Filipinos in Japan afterall.

proud me
10-10-2007, 03:34 PM
Meron pa bang ibang American size dito besides me? TF ay para sa Filipinos in Japan afterall. ang alam ko meron tayong mga ka-TF na mga nasa tate din...meron nga naki-pag-eb sila ng family nila dito...nakalimutan ko lang yung mga UN nila...masasaya din yung mga post nila...marami naman tayong mga ka-TF na hindi lang nasa japan....kaya siguro hindi masasabi na ang TF eh!....para sa Filipinos in Japan lang :)

Hensoldt
10-10-2007, 03:49 PM
^ Gusto ko ang atmosphere dito sa TF. :)
Relaxed and accomodating kaya napapadalas ang bisita ko dito. Sa ibang forum masyadong bayolente mga tao. :D OK sana if I'm having a bad day at maglabas ng sama ng loob, pero kapag gusto kong ma-relax, dito na lang po. :p

shinshinobi
10-10-2007, 11:13 PM
^ Gusto ko ang atmosphere dito sa TF. :)
Relaxed and accomodating kaya napapadalas ang bisita ko dito. Sa ibang forum masyadong bayolente mga tao. :D OK sana if I'm having a bad day at maglabas ng sama ng loob, pero kapag gusto kong ma-relax, dito na lang po. :p


OO nga, sa ibang forums sobrang tatalino nila, hindi katulad dito, matalino lang

ahehehehe:D

sky
10-11-2007, 09:11 AM
sabi nga ng pinsan ko mas masarap buhay Japan kesa America. :confused: tingin ko pareho lang eh .kaso pinipilit nya eh eh di sige :D

ritzyu
10-11-2007, 10:36 AM
Ganoon yata talaga, sabi nila doon, ang sarap daw sa Japan at safe pa daw~~dito
naman engget na engget ka sa kanila kasi tate sila:p

proud me
10-11-2007, 10:45 AM
Ganoon yata talaga, sabi nila doon, ang sarap daw sa Japan at safe pa daw~~dito
naman engget na engget ka sa kanila kasi tate sila:p kung ano yung wala...yun ang hahanapin .....:p parang kung ano yung magulo aayusin at kung ano yung maayos guguluhin ....tao talaga :lol:

sky
10-11-2007, 10:48 AM
kung ano yung wala...yun ang hahanapin .....:p parang kung ano yung magulo aayusin at kung ano yung maayos guguluhin ....tao talaga :lol:


ahahhahahaha .:D nakakatuwa talaga mga peoples

proud me
10-11-2007, 10:52 AM
ahahhahahaha .:D nakakatuwa talaga mga peoples oo nga kaya pati pinsan mo tuloy sa nagoya....mag-kaka Green card na :D
o meron ka nun....diba..kung ano yung wala...hahahah!

ritzyu
10-11-2007, 11:01 AM
kung ano yung wala...yun ang hahanapin .....:p parang kung ano yung magulo aayusin at kung ano yung maayos guguluhin ....tao talaga :lol:

Ha ha ha~~ganda ng banat ni mami proudme:D ~~trulili yan~~tawa talaga ako:biglaugh:

sky
10-11-2007, 11:06 AM
oo nga kaya pati pinsan mo tuloy sa nagoya....mag-kaka Green card na :D
o meron ka nun....diba..kung ano yung wala...hahahah!

oo nga nagtataka lang ako bakit wala yatang ng correct sa mga friendship nya doon sa nagoya? oh may green card talaga sa Nagoya :D(biro lang po)

Hensoldt
10-11-2007, 11:29 AM
Ang US at Japan ay dalawa sa pinakamayamang bansa sa mundo. Kaya pareho siguro ang quality of life, although hindi pa ko nakakapunta diyan. :O
Sa kultura siguro magkakaiba. Masuerte yung mga Pinoys sa Japan kasi malapit sa Pilipinas, sandali lang ang flight nadoon na.

Buhay Amerika o Buhay Japan, mas gusto ko buhay Pilipinas, pero dapat nandoon yung mga magandang attributes ng Amerika at Japan and other modern indutrialized countries. :D