PDA

View Full Version : biro ni hapon


lay
10-08-2007, 06:48 PM
mga katf, pano ba mag-biro sa ninyo asawa nyo?as in talagang joke na matatawa ka?or biro na may laman ang mga salita?Kase asawa ko kapag ngbibiro sakin lahat may laman tapos kapag sinabi ko na "a so des ka" at seryoso na mukha ko sasabihin joke lang.Pinaka masakit pa ngsisimpai daw sya sa baby namin kase atama warui daw ako baka ma-mana ng baby namin.di ba sakit na biro yun para sakin.:(

summergirl
10-08-2007, 08:08 PM
Wag mo na lang pansinin.. ..Si baby muna ang isipin mo,papangit ka nyan pag palagi kang mai istress..Masama ang palaging nag-iisip,pag sinabi syang di mo gusto,di sabihin mo sa kanya para malaman nyang di nakakatuwa ang joke nya..Kep on smiling dear...Ingat!!

superb
10-08-2007, 08:23 PM
konbawa lay san:p alam mo yung asawa hapon din ng ate ko ganun din minsan biro nya sa sis. ko!.... sagot naman ng kapatid ko.....oo nga atama warui ako kasi ikaw pinakasalan ko:scratch: ibalik mo rin sa asawa mo yung binibiro nya sau, kung sabihin nya na joudan, eh di sabihin mo rin nya joundan, tapos sabay ipakita mo yung school card mo, kasi ate ko pinalaminate nya pa para makita ng asawa nya na hindi sha bobo:roll: ingat and god bless

ayumi
10-08-2007, 08:34 PM
Lay san,
biruin mo rin siya ng nakakasakit para marealize niya
yung biro niya sa iyo nakakasakit pala.
kung ako biruin ng asawa ko ng ganyan,eto sagot ko
'watashi,atama ga waruii kara,anata
mitai no otoko shika kekkon dekinai,yo?'....
:) sabay tawa para kunwari biro...

aki^-^
10-08-2007, 08:34 PM
mga katf, pano ba mag-biro sa ninyo asawa nyo?as in talagang joke na matatawa ka?or biro na may laman ang mga salita?Kase asawa ko kapag ngbibiro sakin lahat may laman tapos kapag sinabi ko na "a so des ka" at seryoso na mukha ko sasabihin joke lang.Pinaka masakit pa ngsisimpai daw sya sa baby namin kase atama warui daw ako baka ma-mana ng baby namin.di ba sakit na biro yun para sakin.:(
Siguro naglalambing lang asawa mo...hehehehe:D kase asawa ko pag matigas ulo ng anak ko..sinasabi nya mana daw sa akin... pero di naman ako napipikon :Dwag mo na lang pansinin asawa mo pag nagbiro baka gusto lang nya patawaninn ka na di nya namamalayan na nakakasakit pala sya... try mo din magbiro sa kanya:)
Wag mo ng isipin at nakakatanda yan...sige ka...:)

mrs-mymelo
10-08-2007, 09:56 PM
Parang kitsui nga naman,kaya lang biro lang naman eh.Huwag mo na pansinin kapatid dahil baka lalo ka lang aasarin pag naaasar ka.Kurot lang 'yan kumbaga sa buhay mag-asawa,Pag masakit sa tainga kausapin.It takes not just few years but life time to adjust marriage life.May mga hapon nga pag nagbiro nambabatok pa.,mas masakit 'yon.Cheer up lay san..God bless you!

sky
10-08-2007, 10:31 PM
Kung talagang ganyan sya, Tit for Tat na lang laban mo pero naka smile ka dapat

ganyan din si moon dito sa bahay.pag nagsalita sya lang ang magaling .masakit magbiro .pero masakit din ganti ko.tama sila kung ano biro gagantihan din ng biro . huwag mong masyadong pag iintindihin yan asawa mo.hindi maganda sa health ang laging galit.:)

nanotime
10-09-2007, 08:12 AM
konbawa lay san:p alam mo yung asawa hapon din ng ate ko ganun din minsan biro nya sa sis. ko!.... sagot naman ng kapatid ko.....oo nga atama warui ako kasi ikaw pinakasalan ko:scratch: ibalik mo rin sa asawa mo yung binibiro nya sau, kung sabihin nya na joudan, eh di sabihin mo rin nya joundan, tapos sabay ipakita mo yung school card mo, kasi ate ko pinalaminate nya pa para makita ng asawa nya na hindi sha bobo:roll: ingat and god bless


ohayou!hi superb-san!!natawa ako sa part na to ah.. talagang pinalaminate pa ni ate mo school card niya ah hehe.. :D :D:D

@lay-san

wag mo masyado seryosohin binibitawan na joke ng asawa mo.tama sila hindi maganda sa healthl.reverse psychology mo nalang,bato mo pabalik sa kanya ung joke niya.

tfcfan
10-09-2007, 09:00 AM
ohayo minna san:) ganyan din kami magbiruan ng asawa ko pag may ginagawang kalokohan or kakulitan mga anak namin nagbibiruan kami "dare no ko ka na" para bang kanino bang anak ba yan or kanino nagmana yan ,pero di naman kami nagkakapikunan,balik tad pa nga kung minsan ako pa ngsasabi sa asawa kong hapon na sana wag magmana sa kanya mga anak namin pag lumaki na :p jowk lang din po iyon pero di naman napikon si mister kahit minsan...;) kaya kung ako sa'yo lay san wag kang mainis dapat inisin mo rin sya para maramdaman nya rin kung masakit bang biro yun or pangkaraniwang biro lang talaga..:) genki dashite! :)

lay
10-09-2007, 10:16 AM
ohayo mina san, thank you for cheering me up.Kapag kase siya sya ng start ng biruan kahit masakit sa tenga ok lang.bat kapag ako ang ngstart nagagalit.Grabe talaga mga katf lakas ng topak ni hubby ko.Ika nga sala sa lamig sala sa init.hirap pakisamahan ugali.Sinasabi ko nga kung atama ii sya dapat marunong sya magsalita ng english.hahaha Never kase akong nagbitiw ng joke na alam ko masasaktan sya,but siya walang pakundangan kung mgsalita.

proud me
10-09-2007, 12:07 PM
ohayo mina san, thank you for cheering me up.Kapag kase siya sya ng start ng biruan kahit masakit sa tenga ok lang.bat kapag ako ang ngstart nagagalit.Grabe talaga mga katf lakas ng topak ni hubby ko.Ika nga sala sa lamig sala sa init.hirap pakisamahan ugali.Sinasabi ko nga kung atama ii sya dapat marunong sya magsalita ng english.hahaha Never kase akong nagbitiw ng joke na alam ko masasaktan sya,but siya walang pakundangan kung mgsalita. siguro meron talagang ganyan ang ugali ....mapa-babae man o mapa lalaki meron talagang no Tenki ang moody....tama ka sala sa init sala sa lamig....mga wagamamang moody....matatandang nagbabalik isip bata moody etc...etc....isa nalang sagot siguro dyan ....Masanay ka narin! :D :p

hirosh
10-09-2007, 04:12 PM
bakla senti k naman jan ha, wag mo na lang pansinin, kunwari bingi ka!!

superb
10-09-2007, 04:43 PM
ohayou!hi superb-san!!natawa ako sa part na to ah.. talagang pinalaminate pa ni ate mo school card niya ah hehe.. :D :D:D

@lay-san

wag mo masyado seryosohin binibitawan na joke ng asawa mo.tama sila hindi maganda sa healthl.reverse psychology mo nalang,bato mo pabalik sa kanya ung joke niya.
konichiwa nanotime san, alam mo ba di lang class card ng ate ko naka display sa bahay nila pati mga diploma nya at mga medal nya nung elem. pa sha, hindi sa pilipinas nka display dito sa japan, :bouncy: katwiran nya para daw ma inspire daw yung mga anak nya:bonk:
konichiwa lay san, lam mo yung hubby ko kasi pikon, ako yung magaling magbiro at talagang mapipikon yung hubby ko sakin, minsan biniro ako ng hubby ko. umuwi na daw ako ng pinas dun ko na daw ipanganak yung anak namin,kasi mada nihonggo wakaranai pa daw ako, kunyari wla ako naririnig kasi di naman biro yon para sakin:rant: , ginawa ko kunyari nagtanggal ako ng head set sa tenga ko, pero wala naman nakalagay, tapos sabay sabi ko sa kanya NAN DESU KA?? nakagalit sakin:nuts: ayun nagbibiruan na lang kami slight na lang:yesyes: minsan pag biniro ka ulit ng hubby mo senyasan mo kunyari pipe(deaf) ka, nho kaya reaction nya, joke lang pow. ganbatte ne and take care

honey
10-09-2007, 07:29 PM
Sabi ng mga friends ko BAD ADVISER AKO kaya wag mo sana sabihin ito sa asawa mo:).

Kung siguro ako asawa ng hubby mo sasabihin ko to sa kanya "kung naging matalino ako hindi sana ikaw ang asawa ko!" :D. Dapat nakangiti ka pa nyan.Basta kung ano ang pagkakaarte nya gayahin mo kung biro biro.Kapag nagalit wag ka iimik basta kapag may sinabi sya sayo dapat may isasagot ka kapag good boy sya good girl ka:D.

Sabi nila kapag binato ka ng tinapay batuhin mo rin ng tinapay pero may palamang granada:p.Mga lalaki kasi kapag alam nilang OK lang o balewala lang sayo lalo kang gagawing you know....:).

Yan ang pinaka ayaw ko sa lahat ang ginagawang ewan ang mga kapwa ko filipina at kapwa ko babae:mad:.Kapag mahal mo isang tao sumusnod sa ingredients ng love RESPECT importante yan mga friends:).

maimai
10-09-2007, 07:45 PM
pagsinabihan ka atama warui..

sabihin mo din sa kanya.. "anata mo motto atama warui dayo..tingnan mo yang ulo mo...nakakalbo ka na kasi atama warui ka":p:D

o di kaya..

sabihin mo din sa kanya..."atama ii na...yappari anata hage natta ne!!":D


inisin mo pa..para sa susunod di na sya magbibiro sayo na nakakasakit..

geb and tek kumbaga :p

lay
10-09-2007, 09:11 PM
sad to say po wala ng syang love at respect sakin.wala naman ako natatandaan na ginawa kong masama.ewan ko ba dun.
Sabi ng mga friends ko BAD ADVISER AKO kaya wag mo sana sabihin ito sa asawa mo:).

Kung siguro ako asawa ng hubby mo sasabihin ko to sa kanya "kung naging matalino ako hindi sana ikaw ang asawa ko!" :D. Dapat nakangiti ka pa nyan.Basta kung ano ang pagkakaarte nya gayahin mo kung biro biro.Kapag nagalit wag ka iimik basta kapag may sinabi sya sayo dapat may isasagot ka kapag good boy sya good girl ka:D.

Sabi nila kapag binato ka ng tinapay batuhin mo rin ng tinapay pero may palamang granada:p.Mga lalaki kasi kapag alam nilang OK lang o balewala lang sayo lalo kang gagawing you know....:).

Yan ang pinaka ayaw ko sa lahat ang ginagawang ewan ang mga kapwa ko filipina at kapwa ko babae:mad:.Kapag mahal mo isang tao sumusnod sa ingredients ng love RESPECT importante yan mga friends:).

airashii yum
10-20-2007, 07:28 PM
ganyan tlga sila mga hapon masakit magbiro,pero kung ako sau minsan explain mo sa knya na masakit sya mgbiro..ma realize din ng mga hapon yung mali nila totoo yan kasi minsan gnyan din mgbiro yung asawa ko..importante huwag mo na patulan ok:)

elyurika
10-20-2007, 09:46 PM
sad to say po wala ng syang love at respect sakin.wala naman ako natatandaan na ginawa kong masama.ewan ko ba dun.


baka naman hindi mo pinapakita sa kanya na love mo sya!o baka na-stress rin sya nung araw na sabihin nya sa yun,ang mga hapon talaga eh tsumetai yan,hindi nila pinapakita pero deep inside,love ka rin non!be patience!yan ang turo sa kin ng inang ko....god bless!:cool:

lay
10-20-2007, 10:34 PM
salamat ha.nakakapagod mahalin ang isang taong kala mo nung una minahal ka di pala.ok na sana uunawain ko ang pagiging tsumetai nya e.Siya naman ang gumagawa ng way para di ko na sya mahalin e.
baka naman hindi mo pinapakita sa kanya na love mo sya!o baka na-stress rin sya nung araw na sabihin nya sa yun,ang mga hapon talaga eh tsumetai yan,hindi nila pinapakita pero deep inside,love ka rin non!be patience!yan ang turo sa kin ng inang ko....god bless!:cool:

elyurika
10-20-2007, 10:37 PM
lay san, akiramenai de!!!!!!!!!!!!!!!

ICHIBAN08
10-22-2007, 11:43 AM
Ako naman pag biniro ni hapon hindi naman ako napipikon mas malakas akong mang alaska sa kanya eh....Buti hindi rin siya pikon baka pag nagkapikunan kami e baka magsabunutan pa kami wawa naman baby namin....

O kaya kausapin mo siya ng maayos na wag sana siyang ganun magbibiro sayo ng hindi magandal...lahat naman nakukuha sa magandang usapan di ba? magsodan na lang kayo tungkol jan....may tao talagang masasakit magbiro pero para sa kanila baliwala yun....

kazz314
10-22-2007, 09:43 PM
ganyan din mag joke ang hubby ko,kaso sinasagot ko rin ng mas masakit na joke para masupalpal si fafa:) kaya ngayon hindi na niya ginagawa sa akin:p( buti nga!)yon nga lang ang pumalit ay yong biyenan kong lalake!:mad: akalain mo bang nag joke sa akin na bakit dw ako mtatakot sa ahas eh andami nman daw ahas sa pinas!:eek: nakakaloka diba?iniismol nya ang pilipins...dati nhihiya pa akong sagutin siya eh napuno na ako kya sinasagot ko na rin biyenan ko...sabi ko sa kanya "atleast ang ahas sa pinas nsa gubat naninirahan hindi sa bhay!":D may ahas kasi nkapasok sa monoki nya!hehehe!