View Full Version : Pinoy...ikaw ba ito?
shintaro
10-14-2007, 10:10 AM
i would like to share with you this piece i had receive thru e-mail.(sorry medyo mahaba but it's interesting)
Political Pinoy:
PILIPINO.... .Ikaw ba'to?
Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo.
Sa Singapore, Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.
Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.
Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"
Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan.
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.
O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.
marin chang
10-14-2007, 10:22 AM
sana lahat ng pilipino mabasa ito at sana maintindihan siguro kahit papano may magandang effect din ito sa bayan natin kung lahat makakabasa:)
shintaro
10-14-2007, 10:33 AM
sana lahat ng pilipino mabasa ito at sana maintindihan siguro kahit papano may magandang effect din ito sa bayan natin kung lahat makakabasa:)
you may copy and attach it to your e-mail and send them to all your PINOY contacts.:)
marin chang
10-14-2007, 11:15 AM
oo nga no!di ko naisip yun a!salamat!sana un iba rin sens din nila sa friends nila no,o mga ka tf send natin to sa mga kakilala natin!!!go!!!!
ken1016
10-14-2007, 11:24 AM
Sana maraming makabasa nito para naman makapagisip isip ng mabuti. Kaya hindi umuunlad ang bansa natin dahil sa mga pangit na ugali ng pinoy. Dapat pinakakalat din ito through text messages para mas marami ang makabasa.
dianne
10-14-2007, 11:35 AM
nice post mr Shin..... karamihan ng bansang maunlad honest government talaga .... katulad dito sa japan bawal ang kurakot kaya maunlad ....;) haaaayyy~~~ nakow~~~~.. kelan kaya magigising ang gobyerno naten ... airport palang puro BUWAYA na ~~:rolleyes:
shintaro
10-14-2007, 02:11 PM
Sana maraming makabasa nito para naman makapagisip isip ng mabuti. Kaya hindi umuunlad ang bansa natin dahil sa mga pangit na ugali ng pinoy. Dapat pinakakalat din ito through text messages para mas marami ang makabasa.
i hope so. when i first read it. napa-isip ako...puro na nga lang tayo dakdakan. angal dito, angal doon. pero ano na nga ba ang nagawa ko para mabago ang sistema.
hayaan nyo mga ka TF, if i find more free time, i'll make a more worthy thread wherein we could discuss certain problem and we could have brain storming on what to do with it. paganahin naman natin ang mga utak natin sa makabuluhang talakayan.;)
mtwalton
10-14-2007, 02:23 PM
I aggree! I think we need to do something......:roll eyes:
mamimo
10-14-2007, 07:19 PM
Daming problema nakakahilo/nakakalito/nakakainis/nakaka-lahat na....an eye opener, nice post.
shintaro
10-14-2007, 10:17 PM
@dianne and mamimo
thanks for saying it is a nice post but it would be nicer if you could spread them to your pinoy friends. we can start by giving them an eye opener.
@mtwalton
hope to see you on interesting thread that i am thinking to make after this. share this too, to your pinoy friends.
:cool:
Hensoldt
10-15-2007, 07:54 AM
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Ang tanging alay nila ay ang paggawa ng bata para mamalimos sa lansangan at mga musmos na batang babae na nagbebenta ng laman sa mga dayuhan. Yun ang conrtibution nila, habang nakikipagtsismisan, lasingan at sugalan buong araw.
Thanks for sharing that composition and its sobering content. :)
I'll share it with my fellow Filipinos.
kakkoii_daw
10-15-2007, 10:01 AM
nice post dude! :D
pero mabasa man ito ng mga kababayan nating may email, mas marami pa rin ang mga pilipinong di gaanong marunong magsulat at magbasa.
already sent to my friends and they all have the same response... 'sana mabasa ren ng iba...'
shintaro
10-15-2007, 09:27 PM

well, let's take it as a challenge...ano ang magagawa natin sa mga pinoy na hindi pa gaanong marunong magsulat at magbasa( kasama na si marimar:p )?
@hensoldt
you're welcome!!!:)
KikoyBalayon
10-15-2007, 11:02 PM
sige at umpisahan na natin ang disiplina sa sarili.. para may mangyari naman kahit papaano.. hindi lang sana mamatay sa damdamin natin at mabalewala paglipas ng maraming araw... iyon po ang dapat nating gawin.. :D
"Social Transformation" is what Pinoys need. sadly as of now.. that is far from being realized.. unless that goal is achieved.. kahit ilang edsa revolution pang daanan natin, hindi talaga uunlad bayan natin..
serenityjil
10-16-2007, 09:43 AM

go KikoyBalayon!!!
suportahan taka...
sana nga hindi lang tayo na mga nakabasa ang magising na sa katotohanan...
hindi naman siguro kailangan na mabasa pa nila yung post para lang magising sa katotohanan... na kahit anong reklamo natin sa uri ng pamumuhay natin sa pilipinas...
eh hindi makakatulong kung hindi tayo kikilos o gagawa ng paraan para magkaraon...
ng pagbabago sa sarili natin bilang isang indibidwal na tao, pamilya @ sa ating bansa...
pagbabago na kailangan @ makakatulong para magkaroon ng isang bansang ating ninanais o inaasam na pamuhayan...
ngunit subalit datapwat siguro nga nararapat na ipamahagi @ ipaalam ang mga post na katulad ng kay shintaro san upang lalong mas marami ang mamulat sa isang malaking katotohanan na nagkukubli sa puro reklamo nating mga pilipino...
yun lang po... :D :D :D
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT... :) :) :)
mamimo
10-16-2007, 07:59 PM
Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
I think we should commend our fellow Filipino abroad for being such a law abiding citizen to their host country instead of criticizing them.:)
shintaro
10-18-2007, 11:15 PM
I think we should commend our fellow Filipino abroad for being such a law abiding citizen to their host country instead of criticizing them.:)
we are not criticizing our fellow filipinos abroad. "bato-bato sa langit ang tamaan pangit:p ...ooops huwag magagalit" pala.:D
mamimo
10-19-2007, 07:57 AM
we are not criticizing our fellow filipinos abroad. "bato-bato sa langit ang tamaan pangit:p ...ooops huwag magagalit" pala.:D
Nice to know that Sir but those quoted lines sounds like criticism to me or maybe Im just too sensitive on that day when I posted that comment....anyway youre right bato-bato sa langit ang tamaan pangit buti nakailag ako.:p :D ;)
shintaro
10-19-2007, 10:02 PM

:biglaugh: nakailag...you make sense.;) pero, may konting kurot talaga yun, pambukas ng damdamin.
shintaro
10-27-2007, 08:05 AM
Pinoy: Hail the plunderer!
Erap was pardoned. Mabuhay ang mandarambong(magnana kaw)! Erap's civil rights was restored. Hurray to the plunderer!:devil:
Pinoy had to move forward, accept the plunderer and other cohorts and soon to be plunderers (people who have political ambitions). Just let them do their things and if ever we discover their wrongdoings, let them defend themselves in court( special court, basketball court, tribunal, victoria court and whatever court our government produce to tried them). afterall, they would be held in the comfort of their own rest-house(s) and they are assured of an "executive clemency" if ever found guilty. Ordinary pinoys are just part(extras) of the whole Philippine system. Politicians and their political allies are the only factor to make or break our beloved country. So let them do the show.
Kaya ikaw...ikaw nga. Pinoy ka, di ba? Manood ka na lang sa palabas ng mga bidang pulitiko sa pagkamal nila ng mga ari-arian kahit hindi ayon sa batas. Wala ka ng magagawa doon eh, buo na ang istorya at "extra" ka lang dun. Hintayin mo na lang mga kapana-panabik na eksena baka masapol ka ng kamera. Kaya lang kapag minalas ka, baka makasama ka sa "patayin" sa eksena. Magdasal ka na lang, baka sakaling maghimala at magbago ang takbo ng istorya.
Gandang palabas, ano po? "Ipagbunyi Ang Mandarambong(Hail The Plunderer)".
shintaro
11-13-2007, 09:58 PM
Very amusing & partly embarassing
This is for Pinays and Pinoys only.....
There was a good old barber in some city
in the US.
One day a florist goes to him for a
haircut. After the cut, he goes to
pay the barber and the barber replies:
"I am sorry. I cannot accept money from
you. I am doing community service." The
Florist is happy and leaves the shop.
The next morning when the barber goes to
open his shop, there is a thank you card
and a dozen roses waiting at his door.
A policeman goes for a haircut and he
also goes to pay the barber after
the cut. But the barber replies: "I am
sorry. I cannot accept money from
you. I am doing community service." The
cop is happy and leaves the shop.
The next morning the barber goes to open
his shop; there is a thank you card and
a dozen donuts waiting at his door.
A Filipino engineer goes for a haircut
and he also goes to pay the barber after
the cut. But the barber replies: "I am
sorry. I cannot accept money from you. I
am doing community service." The
Filipino engineer is happy and leaves.

open his shop, guess what he finds there...
Can you guess? ??
Don't you know the answer yet?
Come on, . . . .
A dozen Filipinos waiting for a haircut..!!!
ha-ha-ha-ha
shintaro
04-12-2008, 12:17 PM
i would like to share with you this piece i had receive thru e-mail.(sorry medyo mahaba but it's interesting)
Political Pinoy:
PILIPINO.... .Ikaw ba'to?
Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo.
Sa Singapore, Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.
Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.
Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"
Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan.
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.
O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.
sana marami pa ang makabasa nito...
itchay
04-12-2008, 01:18 PM
nice thread! thought-provoking! kudos to you, shintaro-san!
Very amusing & partly embarassing
This is for Pinays and Pinoys only.....
There was a good old barber in some city
in the US.
One day a florist goes to him for a
haircut. After the cut, he goes to
pay the barber and the barber replies:
"I am sorry. I cannot accept money from
you. I am doing community service." The
Florist is happy and leaves the shop.
The next morning when the barber goes to
open his shop, there is a thank you card
and a dozen roses waiting at his door.
A policeman goes for a haircut and he
also goes to pay the barber after
the cut. But the barber replies: "I am
sorry. I cannot accept money from
you. I am doing community service." The
cop is happy and leaves the shop.
The next morning the barber goes to open
his shop; there is a thank you card and
a dozen donuts waiting at his door.
A Filipino engineer goes for a haircut
and he also goes to pay the barber after
the cut. But the barber replies: "I am
sorry. I cannot accept money from you. I
am doing community service." The
Filipino engineer is happy and leaves.
The next morning when the barber goes to
open his shop, guess what he finds there...
Can you guess? ??
Don't you know the answer yet?
Come on, . . . .
A dozen Filipinos waiting for a haircut..!!!
ha-ha-ha-ha
but allow me to share my thoughts on this one...
i don't think this is a typical filipino behavior. any kind of race has these "financially savvy" individuals. wrong?
but, we have to be careful with the "freebies" nowadays though...
the cliche "there's no such thing as free lunch" is getting truer and truer.
Stacie Fil
04-12-2008, 07:19 PM
Can we know who is the real author of this mail?
Because if we wish to share, its nice to acknowledge its owner.
shintaro
04-12-2008, 08:38 PM
Can we know who is the real author of this mail?
Because if we wish to share, its nice to acknowledge its owner.
i can't trace where it came first, if you are referring to the #1 post. it was actually a forwarded message. siguro ang tanging adhikain ng may akda ay maipamulat sa lahat ng pinoy ang mensahe kaya mas ninais niyang ito ang mapansin kaysa siya ang mapansin.;)
i am sure, his more than glad if you wish to share it.
shi-cel
04-12-2008, 09:03 PM
nice thread...kaya hindi umaasenso ang pilipinas kasi walang disiplina ang tao.puro salita lang,puro angal,sisihan,sisisi lahat ng mali sa pangulo o sa gobyerno...isa na ako don tapos ako wala man lang nagawa para makatulong sa bansa kahit kunti..kung totousin mayaman ang pilipinas kaso ang problema walang disiplina ang pinoy....
pzaway
04-12-2008, 09:06 PM
ok to ah kaso naduling ata ko sa haba hehe ipasa ko nga sa friends ko ;)
rhynissa
04-12-2008, 09:47 PM
ok ito (kahit di ko pa binabasa hahaha) sobrang haba kasi nakakaduling:eek:. maya na lang basahin:D:cool:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.