PDA

View Full Version : now selling....

yui
10-15-2007, 05:06 PM
:p buko pie....sa wakas gawa na po:D hot and fresh.pasensya na sa pic d masyadong malinaw saka nakagatan ko na ng konti bago picture-an, di ako nakatiis :O
sashiburi:D iyong taho next time na lang po medyo matagal kasi paggawa:p

summergirl
10-15-2007, 05:28 PM
Dear ang sarap naman nyan,mag-kano naman ang isang order?baka may tinda ka pang iba,para sabay sabay ang pa ship mo..Thanks

sassypinay
10-15-2007, 05:57 PM
magkano naman po yang isang buong pie?:D

docomo
10-15-2007, 06:10 PM
yui ako din po order.. bilisan mo ha :D

proud me
10-15-2007, 06:50 PM
lagay na ng presyo yui chang....mukhang masarap picture palang tingnan....yung Taho kelan kaya:D

nikkichibi
10-15-2007, 06:59 PM
ako din po order magkano po price :)
halatang di tayo matatakaw ..........hehehe

maimai
10-15-2007, 07:01 PM
pa-order din~~heheheheh!!:D

magkano naman kaya??:confused:

sharpener
10-15-2007, 07:12 PM
ako din po order magkano po price :)
halatang di tayo matatakaw ..........hehehe

ay ako hindi matakaw...masiba lang :D
magkano nga ba???

yui
10-15-2007, 07:21 PM
:p mukhang mas mabenta buko pie kesa pastillas:D
sige pakiconfirm na lang po sa pm iyong mga order niyo...
bigay muna ako price 350per slice 1400 po isang buo...may nabigyan ako mas mababang price kaso pagkaimono ko ngayon lugi pala:p pero dun sa nauna di ko na po papalitan un...

pasensya na po sa tahoo ndi pa kasi ako tapos sa naisyoku ko:O
gagawa po ako bukas, bukas ko din ipapadala or wed ng umaga so kng may sasabay pa po ng order sa wed ng gabi po siguro dating nun or thurs ng umaga

Yoroshiku po:)

yui
10-16-2007, 07:00 PM
baka may gusto pa pong humabol para sa order today. Malaki po at siksik sa laman kaya hindi kayo lugi sa presyo:D
Naubos ko ng magisa iyong b-in-anke ko kahapon na isang buo:O kakamiss din kasi:p
papm na lang po kung may oorder pa. Thanks

yui
10-16-2007, 07:20 PM
add ko lang pwede din kayo magorder ng buko flavor tarts..halos parehas lang siya ng buko pie ibang dough lng ginagamit ko saka mas maliliit ung tarts...5pieces 200yen po... malalaki kc ung molder ko...Thanks!

docomo
10-16-2007, 09:50 PM
naku hindi ko alam na pm pala... yui order ako ha... nag pm na po ako :O sama mo ko sa unang gawa mo ha :p

fremsite
10-17-2007, 12:35 AM
yui chan ~~~ pa-order din ako ~~~ pm na lang me sa yo ~~~ pede pa ba ? yung buko tarts po sana :)

yui
10-17-2007, 01:01 AM
Sa mga umorder pasasabikin ko muna kau...sa mga hindi pa...uhmnn...pasasab ikin ko din muna kayo....lahat ng confirm orders tommorrow evening or d next day morning or evening pra sa mga may work sa umaga ang dating po nito:)
iyong mga oorder pa lang starting now...hehehe syempre di pa po kasali dun:p

yui
10-17-2007, 05:59 AM
:p Ot na ako..naisend ko na iyong first batch ng order..para dun sa mga hindi pa nagbigay ng address pakisend na lang po sa pm mamayang mga 3-7pm ko ipapadala freezer ko muna sila:D tulog na ako.logging off...
:crash:

docomo
10-17-2007, 12:29 PM
nyahahaha.. ijiwaru ka :p

takam na takam na ko :food:

ano kayang oras darating naku baka wala ako sa bahay..sana bumalik kagad yung magdadala ng mga 8 :(

yui
10-17-2007, 01:54 PM
sabihin ko na lang din gabi na delivery ng sau sir doc?kaso bukas na ng gabi un d kc naisama kanina:p 2lang kau naiwan:D pasensya na miss ko din siguro nakaon kc pc ko pero nagluluto ako.

superb
10-17-2007, 02:16 PM
sabihin ko na lang din gabi na delivery ng sau sir doc?kaso bukas na ng gabi un d kc naisama kanina:p 2lang kau naiwan:D pasensya na miss ko din siguro nakaon kc pc ko pero nagluluto ako.
@yui san, konichiwa
sister san ka sa saitama? para pag umotder ako pick up-in ko na lang masarap kasi pag mainit yung bagong gawa ba:food: sarap kainin nun di ba malamig pa namn ngayon, saitam rin po kasi ako!! baka mag ka mag kapitbahay pa tayo:yippee:

yui
10-17-2007, 02:19 PM

souka po kami..shinden ang eki namin:D
sarap nga iyong mainit gusto ng iba malamig pero gusto ko din mainit..kayo san po ba?kung sunday pwede magmeet na lang din tayo sa labas kaso baka malayo kayo hanggang misato itoyokado lang kami ng hubby ko nakakarating d2 o kaya patokyo na hanggang adachi-ku

superb
10-17-2007, 02:25 PM
lagi kami dyan sa souka dyan ako pumupunta pag gusto ko pumunta sa pil. store angel marie yung name ng store dyan diba, malapit kaba dun, omiya kasi kami, mahilig kasi kmi mag stroll ng hubby ko pag yasumi nya, siter pm ko sau yung email add. ko sa ketai, kelan ka ulit gagawa ng buko pie? para makakain ng mainit... hayyy sarap, sensha na kulit ko yata:D

yui
10-17-2007, 02:34 PM
Nakita ko po may Ym kayo nagmail po ako dun kala ko online kayo online kc ako pra sana makapagkwentuhan din tayo ng madami:D san kayo omise niyo??parehas kmi di mahilig uminom ni hubby pero pagnagpupunta ung kaibigan nya d2 lumalabas kmi mlakas kc uminom un or nagpupunta din kmi minsan dalawa lang pero konti inom puro kain:p
Gagawa po ako ngayon may order kc ulit ako antay ko lang hubby ko para makapamili ng buko hanggang friday pwede akong gumawa gawa basta may order..after friday magbibigay na ako ng date sa paggawa kapag may order kasi nagnanaisyoku din ako monday deadline ng ginagawa ko ngayon:p

docomo
10-18-2007, 10:41 AM
yui chang ... tumawag na sa akin .. dineliver nga ng maaga .. balik nya daw 8 pm onward mamaya...:p

kwestyon lang po... bakit po ang mahal ? 2,900 something ang babayaran ko, almost 3000 yen... gano po ba kalaking karton yun ? hindi naman po ako nagrereklamo ha... nagtataka lang :p

yui
10-18-2007, 01:15 PM

:( mod sorry ha nagulat din ako.. kasama nga ako ni hubby ng pinadala.Parang ayoko na ngang ipadala kasi sabi ko kay hubby mas mahal pa yung pagdeliver kesa sa price ng buko pie. iyong tagaosaka nga ang talagang naawa ako kaso wala ring choice kasi sila yung may gusto ng daibiki. Wait check ko pm`s natin... nagpadaibiki ka din ba mod doc? parang feeling ko hindi:eek:
yabai.... :p magexchange na lang tayo ng account numbers after babalik ko yung 545 para sa daibiki service..
1040 kasi plus 545
maliit lang po yung box kasya lang talaga yung pie..pasensya na po... may iba pa ngang umorder dinidiscourage ko na yung daibiki kaso ok lang daw sa kanila sa mga walang time furikomi. Nagkamali yata ako ng sa iyo pasensya na...mabigat din talaga sa loob ko pagbayarin kayo ng ganito kaso nahiya na din ako sa hubby ko kc ang busisi din pala ng process kaya naisip ko kapag hindi niyo nagustuhan yung buko pie ibabalik ko nalang po lahat ng bayad. Hindi ko na naman kailangan pang sabihin sa kanya yun. I really feel bad about this kaya sa mga next batch kina-clarify ko talaga yung babayaran kasi ngayon ko lang din nalaman ngayon lang ako sumama magdeliver and iyong mga nauna kasi furikomi:drool:

sorry ayaw magkasya ng attachment kahit anong paliit ko sa kanya:confused: :confused:

bakit kya ganun kabigat yung file na scan ko?

yui
10-18-2007, 01:49 PM
Good afternoon po sa inyong lahat. I`ve decided to stop taking orders..idedeliver ko na lang po iyong last order ko since those lasts, after clarifying the expenses, eh ipinapatuloy pa din po.
I don`t feel bad about anybody or anything (well, siguro yung rate lang ng yubin:p )
I dont have any hard feelings to anybody it`s just that I really feel bad about the takyubin rate. I can`t go on knowing that the takyubin rates are more expensive than the product i`m offering. Because, all of you-except docomo-san specifically told me that they want it the "daibiki" way I cannot offer to pay back the daibiki charge but only my sincere apology and a promise that I am willing to pay everyone kung ang majority ay magdedeclare na hindi masarap iyong product ko. (except mod again because i really dont remember him agreeing to daibiki-so to him It was really my miss.)
These are all that I can offer para somehow ay makabawi for these unexpected event.
Again, sorry and thanks to everyone

maimai
10-18-2007, 06:40 PM
yui~~whaaaaaaa~~wag mo e-stop ang business mo..:nono:

oorder pa po akow...iniinggit kasi ako nung isang bakla dun..masarap daw si buko pie mo...:weep:

suggestion ko lang sayo..

mas maganda siguro kung sa YAMATO mo ipadeliver..hindi sa POST OFFICE...kasi mas mahal sa post office..:)

sabihin mo sa YAMATO chaku barai..tapos yung bayad namin sa pie ipapadala na lang namin sayo thrue genkin kakitome or thru letter...

katulad sa ginawa ni EllahMauiMar sa Relyenong Bangus nya..

ano sa palagay mo??...

nikkichibi
10-18-2007, 06:49 PM
oo nga yui wala ka naman kasalanan doon eh ....ganon na lang sa katulad ng sinabi ni maimai ...genkin kaketome sa post office oh kaya naman sa letter na lang ibigay yun bayad ...at wag ka ng magpapadala sa post office ng nimotsu kasi nga mahal sya sa yamato na lang :D

mag ka tf masarap po ang buko pie ni yui san ...di kayo magsisisi pag umorder kayo :D
gawa ka na na uli yui ...pag naubos ko yun padala mo eh balak ko uli umorder sa yo sige na :)

mtwalton
10-18-2007, 07:20 PM
expensive hah......

I want to try the buko pie too.........please? is it really good? very good?

ichimar
10-18-2007, 07:31 PM
di pa ako nakaka order sis,wag kang mga stop,tama sabi nila i try mo sa yamato,mas mura ang shipping dun,compare sa yubin.........:)

yui
10-18-2007, 07:34 PM
:p di naman po ako nagagalit kahit kanino..wala namang masamang nasabi sa akin what so ever...kahit si mod-docomo naisip ko na din yung sinabi niya beforeko pa nakita yung message and he`s not d reason kung bakit nananamlay ako.nanghihina lang ako kasi nabigla din ako sa presyo pagkadasu namin..first time ko kasing sumama kaninang ba o kagabi magpadala nagdadasu pala iyong asawa ko ng kane kumbaga kami talaga magbabayad ng rate:p naisip ko lang kasi nung nalaman ko na ganun pala binabayaran niyo sobra naman ang post office mas mahal pa nga naman po sa product iyong rate nila:p
I really advise chakubarai lang dahil malaki din ang plus ng daibiki pero may mga nagrequest din ng daibiki mas convinient sa knila. Hay, naku po, pasensya na..next tym daanan niyo na lang kc sa bahay:D
papakainin ko pa kayo free:p

Thanks po sa lahat..di ko po alam kung tatanggap pa ako ng order pero nagsabi yata ako sa inyo na hanggang friday gagawa ako..hmnn..sige hanggang bukas lang talaga kasi may trabaho pa ako d2...hobby ko lang naman maglutoluto:p
Iyong nagorder sa akin kanina hinatid ko na lang sa bahay nila 30mins from here lang naman:D
Ako kasi talaga nanghihinayan sa binabayad niyo sa takyubin:p

docomo
10-18-2007, 08:21 PM
yui ok lang wala namang problema ..ayaan na .. at least nalaman mo na ngayon na mahal... nagulat lang ako ..baka kako nagkamali ka .. kaso ang tagal wala pa din..hahaha di pa dumadating .. hindi ako maka ligo baka mag doorbell ..tinatakam mo talaga ako :p :D

proud me
10-18-2007, 08:44 PM
yui ...sana wag kang masisiraan ng loob pero atleast nalaman mo rin kung anu yung reason ng iba lalo na yung malalayo ang lugar ....tumanggap ka pa rin ng order lalo na dyan na malapit lang sa place mo sayang din...gambatte ne!..

summergirl
10-18-2007, 09:06 PM
Ang sarap ng Buco pie ni Yui,ang buco nya crunchy..Buti na lang may mga hidden talents ang mga ka timog,at least nababawasan ang mga tabetai foods ko..Relyeno,<Maui>Buco Pie,Pastillas<Yui>,Sapin sapin<Pinaygurl>.What more can you ask.!!.halos kumpleto na rito sa TF...Go for it guys!!

docomo
10-18-2007, 09:26 PM
dumating na din sa wakas :bouncy: yummy !!! :food: ..eto piktyur nya ..sensya na nagmamadali kong kinuhanan kasi manonood akong drama ng anak ni mami dianne :p

thank you sa free taste ng pastillas mo.. ang sarap sarap :D

yui
10-18-2007, 09:45 PM
:) bumaha na ng picture mod:D pero mas malinaw yan
Doc-san may tanong ako if u don`t mind..curious lang wag ka maoofend..male ka po ba?

yui
10-18-2007, 09:48 PM
sorry double posting..madami palang curious mod...:D pakiclarify naman kami

docomo
10-18-2007, 09:48 PM
:) bumaha na ng picture mod:D pero mas malinaw yan
Doc-san may tanong ako if u don`t mind..curious lang wag ka maoofend..male ka po ba?

teka lang po tutbras pa ko :brush::oops: sama ka muna EB :p

nikkichibi
10-18-2007, 09:50 PM
:) bumaha na ng picture mod:D pero mas malinaw yan
Doc-san may tanong ako if u don`t mind..curious lang wag ka maoofend..male ka po ba?
yui san si pareng doc ay hindi babae at hindi rin lalake ...........hulaan mo kung ano sya :D
doc wak mo ko palo ha joking lang pow ....hehehehe

tfcfan
10-18-2007, 09:52 PM
yui san si pareng doc ay hindi babae at hindi rin lalake ...........hulaan mo kung ano sya :D
doc wak mo ko palo ha joking lang pow ....hehehehe
kaloka etech :lol: magtutbras pa si mod doc,magmumog ka na langpo kakain ka pa nga ng buko pie eh .:p

yui
10-18-2007, 09:59 PM
:p wala namang ganyanan....hihihi.. .nacurious ako lalo..may nagsasabing lalaki may nagsasabing babae..hahahha..ano ba talaga po??ipoll ko kaya ito??walang sasagot ng diretso sa thread voting lang..mahahati tayo promise:D

peace po mod..curious lang ang mga kababayan...(yung mga nakakakita na kay doc-san bawal bumoto..hehehe para fair)

tfcfan
10-18-2007, 10:01 PM
Yui,eh anu ba name ng pinadalhan mo andun na pagkalaking clue di ba girl or boy ? :p parang baby ah...

nikkichibi
10-18-2007, 10:03 PM

sige sige gawa ka ng poll para malaman natin kung lalake ba oh babae si pareng doc :D

yui
10-18-2007, 10:03 PM
teka lang po tutbras pa ko :brush::oops: sama ka muna EB :p

baka naman sa EB lokohan pa din doc...magpapakialla kang hindi ikaw.,...hehehhe...
Mod-asking permission po to start a thread about ur gender:D

maiinis ako sa inip malaman pero sulit..controversial :p

yui
10-18-2007, 10:05 PM
Yui,eh anu ba name ng pinadalhan mo andun na pagkalaking clue di ba girl or boy ? :p parang baby ah...

lalaki pero....may okashi...hehehe secret muna kung ano yun para exciting pagpumayag sa poll..hihihi..excite d na din ako:p

docomo
10-18-2007, 10:11 PM
ala ma !!.. gawan ba ng poll ang gender hahaha ang kukulits nyo :p :lol:

yui
10-18-2007, 10:16 PM
:D bawal po ba mod???hihihi..sige na approve na po mod para masimulan na..exciting:D
peace po:p

maimai
10-18-2007, 10:30 PM
ala ma !!.. gawan ba ng poll ang gender hahaha ang kukulits nyo :p :lol:

hehehe pareng doc..nagdududa na naman sila sa kasarian mo:eek: :D :D

dianne
10-18-2007, 10:43 PM
:p wala namang ganyanan....hihihi.. .nacurious ako lalo..may nagsasabing lalaki may nagsasabing babae..hahahha..ano ba talaga po??ipoll ko kaya ito??walang sasagot ng diretso sa thread voting lang..mahahati tayo promise:D

peace po mod..curious lang ang mga kababayan...(yung mga nakakakita na kay doc-san bawal bumoto..hehehe para fair)

naku ok tong idea mo yui ~~~ gawan mona ~~~ para malaman naten ako rin curiuos sa gender ni sir doc.. hanu nga kaya ano esep~esep ~~~~:rolleyes: sigurado andaming boboto nire ~~~

sir doc. payag na po kayow~~:p

superb
10-18-2007, 10:49 PM
@yui san
aayyyiiiieee nakaka exite naman dito, waiting po ako sa poll mo sister:D

uvy
10-18-2007, 10:51 PM
hehehehe:Dnakakatuwa naman dito:D

yui
10-18-2007, 10:53 PM
gawa na po..may nagrerequest ng....hindi girl hindi din boy pero mods na bahala magdecide nun:D
doc-san peace po..nahihirapan kasi akong iaddress ka din paulitulit ng doc-san...after once diba dapat pronoun na lang gamitin??di ko alam kung anong pronoun he/she para sa ikalilinaw ng lahat.
Padelete na lang po kung bawal.....

fremsite
10-20-2007, 09:41 PM
yui chan ~~~~ dumating na po kanina yung buko pie en tart ~~~~~:food: ang saraaaaaaaaaaaaaaapp p ~~~~~ !!!:king: tenkyu nga pala sa pastillas en " omake " :p .... panalo po ikaw sa sahog ~~~:yesyes: ndi sha sumilip lang ~~~ meaning ~~~ andun talaga yung buko ~~~~ wiiiiiiiiiiiiii ~~~~~~~~~ !!!!:yippee: oishi po talaga ~~~:food: gochisousamadeshita ~~~~ :sweeties: sa uulitin po ne ~~~ :wink:

maimai
10-20-2007, 10:14 PM

oo nga byutipul fremsite:thumb:~~tot oo super tsarap yung buko pie:sweeties:..dumat ing na din sa akin kanina at ito nilalafang ko ngayun!!:food:~~:D tsarap~tsarap talaga...at sik sik pa sa laman si buko:D

galing~galing mo naman magluto yui tsang... :love:

..oorder din ako ulit!! pwamizzz!:wink:

yui
10-20-2007, 10:31 PM
uy nambola daw po sila:D
last daibiki yung sa inyo fremsite-san. buti hindi masyadong nagmahal nga..sobrang manipis na kahon gamit ko saka pinasok ko talaga:D sensya na po.
Natutuwa naman ako kapag may nasarapan kahit konti:p
walang kwentang asawa ko kasi hindi mahilig sa matamis:(

maimai
10-20-2007, 10:36 PM

oist di bola yan ha...totoo super tsarap talaga...:) oorder ako ulit sayo..ipatikim ko sa mga kapatid ko..siguradoh magugustuhan din nila ang buko pie mo..:)

e-continue mo yang business mo baka dyan ka pa yayaman..hehehe:D :p

superb
10-20-2007, 10:40 PM
hhaaayyyy makakain kona rin bukas ang buko pie ni sister yui:food: exited na nga ako baka di ako makatulog:jiggy:

majasnjn
10-20-2007, 11:50 PM
hmmnn.. Oishisou! nga~~ picture palang.. yui san kelan ka ulit gagawa? oorder sana ako. :)

poohbear
10-23-2007, 07:52 PM
ako din po ! oorder sana ako ....... sana gawa ka pa ulit plssss !!:D

superb
10-23-2007, 08:00 PM
sister yui, alam mo ba yung binili kon buko pie, one slice everyday ko kinakain:D bukas pupunta mga friend ko dito sa bahay gusto daw nila tikman ang iyong buko pie, parang ayaw ko na ilabas,:tongue: kasi baka maubos at wlang matira skin:toofunny: (joke), pag umorder sila inform kita agad:wink:

yui
10-23-2007, 09:05 PM

heheh...sinasabay mo talagang wala akong naisyoku noh?:D okey lang wala akong naisyoku ngayon...pero iyong price sabihin mo tinaasan ko na ng 100yen :D

@maimai-san... thank you po sa letter..natanggap ko na,pati sa tip:D

yui
10-23-2007, 09:08 PM
ako din po ! oorder sana ako ....... sana gawa ka pa ulit plssss !!:D
:) gumagawa pa po ako:) may order ngayon pwedeng sumabay kung gusto niyo po habang di pa ako nakuhang trabaho:p

jhallecx
10-23-2007, 09:40 PM
hi po Yui chan,magkano po benta mo?gaano kalaki?pm ako sa yo ha baka patay ko na kasi pc at maaga kami hihiga ngayun sabi ng aking boss,hehehe.

maimai
10-24-2007, 10:47 AM
@maimai-san... thank you po sa letter..natanggap ko na,pati sa tip:D

yokatta! akala ko nawala na si letter..:p

thanks din sayo at kay buko pie..;) ..mata kundo ne..

yui
10-24-2007, 04:41 PM
Update ko lang po..pwede na kayo magorder ng small sizes katulad ng sa picture....
1for 500yen:p
gawa din ako custard cashew tart bukas post ko ulit:)

sensya na po sinasamantala habang wala akong trabaho sa bahay:D

superb
10-24-2007, 04:46 PM

hhhhmmmmm, maganda yan bago mong imbento sis:thumb: para sa mag isa lang kakain, sulit yan and affordable;)

summergirl
10-24-2007, 07:04 PM
:) bumaha na ng picture mod:D pero mas malinaw yan
Doc-san may tanong ako if u don`t mind..curious lang wag ka maoofend..male ka po ba?

Ng pinadala mo ang buco pie dear,Anong senders name.?.I tsismis mo sa akin huh..Curious din ako, pero the way she give advices,girl ang hula ko..feminine mag-salita eh..OT na ito..

yui
10-24-2007, 07:11 PM
Ng pinadala mo ang buco pie dear,Anong senders name.?.I tsismis mo sa akin huh..Curious din ako, pero the way she give advices,girl ang hula ko..feminine mag-salita eh..OT na ito..

:eek: :eek: :D confidential ata po iyon:p

makulit
10-24-2007, 08:05 PM
hi yui. order din ako ng buko pie. meron pa po bang iba? para masulit ang shipping :D

dianne
10-24-2007, 08:11 PM
alam mo yui ~~~ ang sarap ng buko pie mo talaga .... punong ~puno ng buko... habang tumatagal yummy talaga~~~~ pag ini~nit galing ng freezer lalong sumasarap ... meron pang halong langka... ang sarap pa order ulet ha~~ :p

yui
10-24-2007, 08:48 PM
alam mo yui ~~~ ang sarap ng buko pie mo talaga .... punong ~puno ng buko... habang tumatagal yummy talaga~~~~ pag ini~nit galeng ng freezer lalong sumasarap ... meron pang halong langka... ang sarap pa order ulet ha~~ :p

:) Thank you..syempre pwedeng umorder ulit:D
kayo na lang po ang bisyo ko dahil walang maasahan sa asawa ko pagdating sa kainan

Sorry pa OT
:( bakit ganun? kakahiya kasama sa kainan asawa ko..ako omori siya mailiit
:rant: nagmumukha tuloy matakaw:doh:

yui
10-24-2007, 08:51 PM
hhhhmmmmm, maganda yan bago mong imbento sis:thumb: para sa mag isa lang kakain, sulit yan and affordable;)

sis wag ka masyadong pahalata baka sabihin binabayaran kita:D

iyong tseke natanggap mo ba?:D

chevelle:)
10-24-2007, 09:26 PM
yui, pa-order din nung buko tarts saka pastillas de leche. pm ko na lang sa yo bukas address ko ha, pasok na sa work eh.

yui
10-26-2007, 11:41 AM
:D post ko lang ito kagagawa ko lang po ngayon..pwede niyo na din orderin

itong nasa picture 18inches po ang size round --- 800yen
square 125mm-- 400 (katulad ng sa buko pie na square)
iyong maliliit na rounds di ko pa po natry made to order na lang:p
Yoroshiku po:)

Add ko lang available siya in cheese flavor or garnish ng salted duck egg. dito sa picture grated cheese ang ginamit ko bale 3beses(ilalim,gitna at ibabaw may cheese po :)

mtwalton
10-26-2007, 10:50 PM
nande kayo lang:( !!!!

watashimo buko pie tabetemitai no desu:( okutte kudasai.......onegai shimasu.....

yui
10-26-2007, 11:17 PM
nande kayo lang:( !!!!

watashimo buko pie tabetemitai no desu:( okutte kudasai.......onegai shimasu.....

:D natuwa ako sa post pasensya na napapm tuloy kaagad ako:D
may free taste tayo kaso kailangan dadaanan po:p

chevelle:)
10-27-2007, 02:34 PM
hmmm...tiis pa hanggang monday...konti na lang....konti na lang...2 days to go...tabetai na!

superb
10-28-2007, 02:33 PM
sister, sarap daw ng puto mo sabi ng asawa ko:D konti nga lang nakain ko eh:rolleyes: sana nga kakainin nya lahat kaya lang nilagyan ko ng itlog na maalat yung isang slice, eh hindi sha kumakain nun, kaya nakakain pa rin ako:tongue: ang sarap ng puto ni sister yui:yesyes:

docomo
10-28-2007, 07:40 PM
miss pretty pabili po ulet :p

yui
10-28-2007, 07:52 PM
miss pretty pabili po ulet :p

basta ikaw po doc:D
ano po iyon?

makulit
10-28-2007, 08:26 PM
ms yui, darating po ba yung order ko bukas?

yui
10-28-2007, 08:51 PM
ms yui, darating po ba yung order ko bukas?

ay miss makulit sensya na di ko na po nainform darating po bukas umaga po noh? pasensya na.:) wait na lang po niyo bukas ng umaga. Di ko na po naisama sample ng puto:( di kasi umabot sa yamato hanggang 6pm lang sila tapos nagmamadali po iyong kumuha less than 5mins na lang sana:mad:
sensya na ulit. Thank you po ha

makulit
10-28-2007, 09:09 PM

okey lang yui. pwede naman yatang daanan yung puto ;) jowk po :D
pa pm naman po kung magkano ang babayaran ko.

yui
10-28-2007, 09:16 PM
Damage and reimbursement due to delivery quality deterioration/ damaged goods during delivery, Etc.
There are instances that some goods are damaged during delivery.Please always check your order upon arrival and inform the delievery staff right away. Try to get proof as much as possible i.e. photos, signature from the delivery staff,etc. If the delivery staff is not present at the time you`ve discovered the damaged product, please contact me right away. You may not be able to get reimbursement after the 2nd day of delivery because of the product type.
If the product is proved to be damaged during delivery you may have a choice to get another product free of delivery charge or get your money back.
refunds and reimbursements due to quality deterioration of the goods or other mistakes made by me will not be accepted after 3days upon arrival.

Salamat po sa panahon niyo. Gusto ko lang pong linawin ito para kung may mangyari mang ganito ulit ay walang maagrabyado:)
Thanks and god bless

yui
10-28-2007, 09:18 PM
[left]

okey lang yui. pwede naman yatang daanan yung puto ;) jowk po :D
pa pm naman po kung magkano ang babayaran ko.
pwede po iyon:D

teardrop
10-29-2007, 12:06 AM
hello,yuisan! gusto ko rin ng pastillas,puto at buko pie! iyong buko pie na malaki. kung isa-isa lhat magkano? pm ko syo name and address ko.takam-takam na ako dito.:p

yui
10-29-2007, 12:40 PM
Buko pie round 1500
buko pie square 500
puto plain 800
puto with cheese 850
puto salted egg 900
puto half square 400,420, 450
pastillas plain 200 10pieces
pastillas with flavor 250 10pieces
buko small round shape 150each

round shape lahat po 18inches. para sa mga party may 20-21 inches na size pm na lang po.
big orders might get a discount basta nagsabi ng maaga.

Thank you po palagi:)

maimai
10-29-2007, 01:02 PM
yui tsang~~pa-order ng PUTO w/ cheese.. Buko pie square..
at Pastillas w/ flavor:) ;)

PM mo akow kung kailan ipapadala??

chevelle:)
10-29-2007, 06:06 PM
yui sis, thank you ha, sarap sarap naman. isa na ako sa testigo mo kung gaano sya kasarap he..he... sarap din po pastillas ni yui, naku kung di mo pa ako tinawagan, di ako makakatikim. Pinag-tig-isahan talaga nung dalawang bulilit ko, wala ako natikman kahit isa buti na lang may free palang nakatago he..he...:D Thank you ulit sis, sa uulitin. Next time, sana makadaan ka dito para mas mahaba chikahan natin.:p

yui
10-29-2007, 06:32 PM

thank you din sis..nagenjoy din ako sa phone:D sa uulitin ha.
miss pretty pabili po ulet :p

mod pasensya na di ko po pinaprocess order niyo im still waiting for confirmation sa pm or kahit d2 sa thread.

dianne
10-29-2007, 10:09 PM
yui chan pa order ka adik ~~ mga sweets mo ~~~ :p

puto cheez
puto salted egg
buko pie tarts ...

sayo na add ko...;)

yui
10-29-2007, 10:18 PM
yui chan pa order ka adik ~~ mga sweets mo ~~~ :p

puto cheez
puto salted egg
buko pie tarts ...

sayo na add ko...;)
okey po...wednesday or thursday po ito ha?

Tarena314
10-30-2007, 12:05 AM
Hello YUI ..,hajimemashite..,

sa ngayon hindi pa ako mag oorder..,order ako sayo sa dec. na lang at new year..,siguro marami ako oorderin sayo nyan..,pang regalo ko sa mga in laws ko dine..,alam ko marami ang mag oorder sayo sa season na yan ..,kaya una na ako sa listahan mo ha..,hehehe..,:) yorushiku ne onegaishimasu..,:)

yui
10-30-2007, 01:49 AM

hajimemashite. Yoroshiku onegaishimasu:)
kung magoorder po kau ng madami agahan niyo po sana para may discount din:)
pag madami kc akong order nakakadiscount din sa pinagbibilhan ng ingredients:D

yui
10-30-2007, 04:21 AM
:D sensya na excited lang po sa bagong processor. pipilitin ko pong maipasok ngayon iyong for wednesday and thursday kaso 420am na:D iyong d po kakayanin talaga thrsday na lang..first come first serve na lang po mangyayari jan. Pero pipilitin ko para everybody happy:)

chevelle:)
10-30-2007, 07:14 AM
Wow! sarap nyan ha sis! Talagang excited ka ha!:p Sige sis, dagdag mo ako isang puto with cheese doon sa order ko ha. For thursday ba sis? wait na naman akow. :D

makulit
10-30-2007, 08:20 AM
hi ako ulit :D isang round buko pie at isang puto salted egg. naubos namin mag-asawa yung isang buko pie kagabi :D:D:D sa isang linggo na lang simula ng diet ulit. mamaya ubos na rin itong isang buko pie dahil dating mga bisita ko. sa sabado may bisita ulit ako. pwede bang mahabol yan bukas o kaya sa friday?

Tarena314
10-30-2007, 10:48 AM
hajimemashite. Yoroshiku onegaishimasu:)
kung magoorder po kau ng madami agahan niyo po sana para may discount din:)
pag madami kc akong order nakakadiscount din sa pinagbibilhan ng ingredients:D Ok..,PM kita before Xmas at new year..,agahan ko na lang ang pag order sayo para hindi ka rin magipit sa oras at ng makagawa ka rin para sa ibang order..,:)

poohbear
10-30-2007, 07:17 PM
Hi ! tanong ko lang po kung naipadala ninyo na at kung anong araw at anong oras ko matatanggap?? :p

yui
10-30-2007, 09:59 PM
Hi ! tanong ko lang po kung naipadala ninyo na at kung anong araw at anong oras ko matatanggap?? :p

Sorry maam, pwedeng pasend po ulit ng address niyo? Sa friday niyo po matatanggap kayo na po mamili ng oras.

Thursday na po lahat ng supposedly wed/thurs. Pasensya na po.

Hanggang d2 na lang po muna order. Kung may iba po pm na lang din pero sa monday ko na po masisimulan.
Please put the word monday or any word except for order,HI, Hello in the title box para madali pong hanapin iyong mga mail. Sensya na ulit. Thank you

majasnjn
11-01-2007, 09:58 AM
Atlast! nakakain narin ako:yippee: :food: :food: thank you yui san!. (hindi pa nga lang bayad.. nakain ko na.:D ) Oishikattadesu!:) :)

yui
11-03-2007, 06:41 PM
pa update lang po..for monday orders.. pwede pang humabol:)
last friday`s orders paki pm na lang po kaagad kung may maling naisend sa inyong order:p
thanks

superb
11-03-2007, 08:07 PM
sis, pag punta ko dyan gawan mo ako ng puto ha, tapos may free na leche plan:wink:

csbaby
12-20-2007, 08:26 PM
hello po,Yui san,itatanong ko lang po kong matutuloy ba yong order ko sa iyo.tumatawag po ako sayo di po kayo sumasagot sana naman call me back para malaman ko po.thank you

csbaby
12-24-2007, 03:12 PM
Yui san, sana pina close mo nalang itong thread mo.kasi nga po pagkakaalam ko pede mag order sayo.nong time na nag order po ako sayo ganda ng usapan natin.tapos pagdating ng oras di na kayo sumasagot pina mukha mo akong TANGA.buti naman naintindihan ako ng teacher ko.

di ko alam kong buhay ka pa kasi sa dami kong tawag walang kang reply at salamat nalang iikagen onna da ne...:mad: :mad: :mad: :mad:

csbaby
12-24-2007, 04:27 PM
makulit san,thank you po sa impormasyon di ko rin kasi alam.

nikkichibi
02-25-2008, 09:38 PM
feel kong kumain ng buko pie ~~~~ asan na kaya yun tindera dito :confused:

dianne
02-25-2008, 09:41 PM
uu nga asan na kaya ,,,, ako rin ...:D

summergirl
02-25-2008, 09:43 PM
uu nga asan na kaya ,,,, ako rin ...:D

me too..:Dyummy..

summerghie
02-26-2008, 12:20 AM
ay mga baklessssssshhhhhhhh ako rin parang nanakam ako--------- calling the tindera ng buko pie --------- marami na kaming naglalaway.....

frey_kikay
02-26-2008, 12:56 AM
sarap namannnnnnnnnnnnnnnn nnnnnn

majime22
02-26-2008, 01:43 AM
:eek:eeehhhh....

bakit po nawawala yata yung tindera dito:confused::confu sed::confused:

promise nanakam ako sa mga nabasa ko...plano ko pa naman umorder..gusto ko matikman ko lahat yun!!!

grave naglalaway na ako:eeek:

klymaxx
02-26-2008, 12:00 PM
kung di sana magtinda ang tindera nito, sana ituro na lang sa atin ang paggawa hehe..

Ayos ba bro??

superb
02-28-2008, 01:35 PM
pinaparating nya po sa mga ka tf sisters and brothers,na until now di pa po sha nakakabitan ng internet sa bahay! nag hikoshi(lipat bahay) po kasi sila marami pa po shang ginagawa kaya busy busy pa po si lowla:O:p promise nya po pag ok. na yung internet nya gagawa ulit sha ng buko pie:D

at yung mga games na ginawa ni sister yui, yung mga prize di nya pa po napapadala, SORRY daw po! dahil naputol yung internet nya nawala yung mga name and add. ng mga winners:Ogomen daw po! ipapadala nya daw po yun once na ok. na internet nya...free takyubin na daw po!:D

japhil
03-06-2008, 10:43 AM
wala pa po ba si sis yui chan:)

superb
03-06-2008, 12:56 PM
wala pa po ba si sis yui chan:)
sensha na po di pa po nakakabit internet nya:(, by next month daw pa po yata sabi nya! marami daw po kasing naka line up na kakabitan ng internet sa lugar nila! ask ko na lang po sha kung ready na sha gumawa ng specialty nya then pwede na kayo umorder sa kanya:)

majime22
03-07-2008, 12:49 AM
...sana nga magtinda na siya ulit:rolleyes:

...pinapangarap ko talagang matikman iyung buco pie niya:D

...tsalaaaaappppp:fo od: