PDA

View Full Version : mga ka-TF...pa-advise po


myuki
10-20-2007, 02:53 PM
kase yung asawa ni lola ( not true name, 30 palang sya ) nag mail sa asawa ko last night,, sabi bakit daw ang (namaiki) yabang ko at (mushishiteru) iniiwasan ko daw si lola (si lola sempai ko nung talento pa ako, nauna silang nagpakasal ng asawa nya, na sempai naman ng hubby ko noon sa dati nyang work) yung mushishiterutotoo yon for personal reason ayokong malapit sa kanya... pero di ko alam kong san nya nakuha yung idea na mayabang ako...ni hindi nga kami nag-uusap...pero pagnasa harapan ko na sya syempre nag-gri-great naman ako...kung may gusto syang sabihin or kaka-usapin nya ko di naman ako bastos, kakausapin ko din sya...
pero kong sa tingin nya ganon nga ako sa tingin ko dapat ako na ang kinumpronta nya... para maging malinaw on both side.... kung sasabihin nya sa harap ko na ganon ako baka pagkatapos naming mag-usap ok lang ako

pero ang kina sasama ng loob ko bakit kailangan pang idamay yung hubby ko...wala naman syang alam sa isyu... pina-explain ko kay hubby kung anong ibigsabihin nong mail nung asawa ni lola...sabi ni hubby wag ko nalang daw pansinin na curios ako.... kahit papaano naintindihan ko ng konti yung meaning nong mail...naintindihan ko din kong bakit ayaw e-explain ni hubby yung mail, medyo masakit na salita kase yung binitawan ng asawa ni lola sa mail,, parang ganito "pagsabihan mo yang asawa mo, di ko sya mapapatawad" kong sakin sinabi yon di ako gaanong masasaktan ng ganito...pero hubby ko ang sinabihan nila...
nang gigigil talaga ako.... ganon ba kasama na hindi ka mamansin... parang bata si lola, KSP sa tingin ko at si lolo patol naman sa kwentong 1 side palang ang naririnig...di ba nya na-isip na may rason kung bakit ini-iwasan ang 1 tao...

next week baka makita ko ulit si lola kase may pinopontahan kaming parang seminar....di ko alam kong paano ko magre-react pagnakita ko sya, gustong gusto kong sabihin sa kanyang personal na di naman kailangang idamay pa hubby ko... kung 2 silang galit sakin e di ako ang harapin nila...baka di ko mapigilan sarili ko... kaya lang on process palang ang visa ko at ayokong magkaroon ng bad-record... sayang naman ang pinaghirapan namin ni hubby..
or papansinin ko sya by saying like "hi name!!" mga 20 times or hanggang sa malaman ng buong mundo na pinapansin ko sya...

kayo mga ka-TF ano sa tingin nyo, kong sa inyo nangyari yon ano gagawin nyo....
pwede namang di ko nalang yon isipin kong di ko sya makikita in the future kaya lang every week makikita at magkikita kami until next month....

pasensya na kong medyo magulo ang kwento ko..

louvette_15
10-20-2007, 06:59 PM
@ myuki san,

kung talagang ang dahilan lng ng ginawa nila ay ung hindi mo pagpansin sa kanila, mababaw un kaya wag mo nlng pansinin kasi lalaki lng ang issue. para nga kasing bata db? o baka nman may malalim pang dahilan kaya nila ginawa at sinabi yon na hindi mo alam. impossible nman kasing mag excert ng effort and time ang isang matinong tao na mag email para sabihin sayo ang ganun kabibigat na salita kng ang dahilan lang ay hindi mo sila pinapansin. isipin mong mabuti at baka may nasabi ka ring mabigat o nakakasakit sa knila. kung ganito, kausapin mo si lola. total nagkikita nman kayo. ung tipong may lambing na " hoy lola ha, natanggap ko ung email nyo. bakit nman ganun. may nagawa ba akong masama para pagsabihan ng ganun? may problema ba tayo?" malambing na medyo pabiro baga na as if wala silang nasabing masama sayo. nakaka-stress kasi na may kagalit o galit sayong tao na patuloy mong nakakaharap db? alamin mo ang dahilan nila kasi baka nga may nagawa kang foul sa kanila ng d mo nalalaman.

summergirl
10-20-2007, 07:12 PM
Dear if i were you,hindi ko na lang papansinin.ayokong dumami ang stress ko at wrinkles,keep on smiling to avoid wrinkles di ba?Kung wala kang gingawa against them,hayaan mo na sila.Pasa diyos mo na lang ,kung di naman naapektuhan ang asawa mo..Pag pumatol ka daw sa sira,mas sira ka ...

dianne
10-20-2007, 07:24 PM
hi myuki ....

ka haba ng storya mo yun lang pala ~~~^ hayaan nat ala naman patutunguhan ~~ baka pag kinon~front mo lalo pang lumaki ang gulo at madamay pa ang hubby mo~~ pag nag kita ulit kayo say hi! hello ! tapos.... ikaw na lang dumistansya ... wag ng pansinin kase pag lagi mong nirere mind sa utak mo ang galet lalo ka lang maiinis ~~ keep on SMILLING~~:) maliit na bagay wag ng pansinin para meron kang PEACE OF MIND...;)

mtwalton
10-20-2007, 08:18 PM
huh! me too walang naintindihan...

demo hottokeba....hima nandayo sono hitowa...
huwag mo ng pansinin , ikaw na lang ang mag paka mature.....some day mapapagod din yan...

believe your husband na huwag mo ng pansinin.....

shiawase
10-21-2007, 02:59 AM
Hi. Ako sa'yo, kumprontahin mo. Huwag kang papayag na ginaganun ka lang porke't sempai mo siya. Kung alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama, then talk to her! Kung inaalala mo na waiting visa ka pa, kankei nai naman yun kung kakausapin mo siya eh. They have no authority to hold your visa noh... Unless na lang manakit ka? That's a BIG NO, NO! Kapag hinayaan mo lang na ganunin ka, masasanay silang magsalita ng kung ano-anong masasakit sa'yo. Prove to them that hindi ka basta-basta... Hindi po kita dinedemonyo ha, what im trying to say is that, you deserve to be respected anyhow. ;)

myuki
10-22-2007, 01:04 AM
ganito po kase yon, we use to be a close friend... yung close na nakapunta at nakapag-stay na ako sa place nila sa provice when she invited me... nakapunta na din sya sa place ko and stay parang vacation....and because our boyfriends are friends naman kaya friends din kami,,, i know her bad side sino bang wala... but i never thought na magiging ganito sya kalala.... she started na maging malala nong nakarating na sya sa japan as spuose visa... that time me and my bf (hubby) are having troubles.. when i been having truobles with my bf she didn't say anything even if she know something pero inintindi ko yon siguro ayaw nya magkagulo pa kaming lalo ng bf ko.... when i came back to phil. that time, me and my bf still having issues... and to makes things worst my bf call tapos sabi sinunguling daw ako for having dates (in japan) without telling him... kamusta naman..where having troubles and say hi, im having a date today... kahit naman di aminin na bf ko na si lola ang nagsabi non alam ko na sya ans nagsabi kase sya lang ang may chance......pero di ko na yon pinatulan kase nagka-ayos naman kami ni hubby atleast now mas nalaman namin how much we love each other kaya dead ma na lang kahit na ipinipilit parin nila na mali ako thats why we decided na iwasan nalang sila....kaya hanggang sa dumating ako dito sa japan 1 beses lang akong tumawag kay lola yun ay mga ilang araw simula ng dumating ako dito...para naman di naman nila sabihin na nangdeadma kami... then one time i recieve a call from her... i cant believe shes saying gossips about her best friend... ay grabe ng lala nya...pano naman ako were not even that close..... katakot naman sya.... no wonder wala syang gaanong friend lately.... plus maraming galit sa kanya na kasamahan namin before sa omise.... mamaya madamay pa ko... kaya naman nong nararamdaman ko na feeling close sya sakin (sorry for the word, pero ganon talaga ang feeling) iwan ko ba my instinct tells me that she will bring troubles... siguro kong may pagkakamali ako... yon ay, masyadong visible na di ko sya pinapansin...

sa totoo lang, this time, i will let it pass me by...

@ louvette
pasensya ka na:(... di ko masususnod yung payo mo..
tama yung opinyon mo pero sa tingin ko di ko yon magagawa...
pagkita ko sya maaalala ko lang yung ginawa nila....
palipasin ko muna yung sama ng loob ko...
pero when im ready... try ko yung payo mo...

@ shiawase-san, mlwalton-san, dianne-san & summer girl-san....
salamat sa pag-share ng opinyon nyo...
gusto ko lang talagang maglabas ng sama ng loob...
bakit kase kailangan pang idamay ang walang alam sa issue...
wala silang karapatan na magsalita ng ganon sa hubby ko at sa akin...
tapos sasabihin pang di kailangan ng kaibigan ni lola
as if naman gusto kong maging kaibigan si lola...di ba halata