View Full Version : Sodan lang po mga ka TF's....
Tenshi
10-27-2007, 12:23 AM
Hello po sa lahat, sodan ko lang po sa mga parents na naiuwi at ipinapasyal ang mga anak nila sa pinas. balak ko po sanang iuwi ang kambal ko sa pinas for 1 month lang naman po. itatanong ko lang kuna kailangan ko pa po bang kunan ng extension ng VISA ang mga anak ko. kasi nung nag stay po ang asawa ko ng 1 month sa pinas eh kinunan ko sya ng extension (BB) kasi 21 days lang yata yung allowed sa japan citizen na mag stay sa pinas. kung kailangan pa po bang kunan pwede po bang kumuha sa immigration sa airport at kung magkano po kaya? 宜しくお願いします
shiawase
10-27-2007, 02:02 AM
Ang pagkakaalam ko 3 months... Ilang beses ko na nauwi anak ko sa pinas, pinakamatagal 1month, actually kauuwi lang namin last march wala naging problema. ;)
kazz314
10-27-2007, 02:08 PM
share din ako ha...nung pina extend ko yong anak ko kc umwi kmi last FEB. dis year lang,sabi nung immgaration(di sa airport)pagdating daw natin sa manila tatatakan yong passport natin diba...i check mo kung ano ang itinatak ng immigration sa passport ng baby mo,kasi kung minsan nagtatatak daw sila ng BB ibig sabihin eh balik bayan kasi nga pilipina tayo,which is good 4 one year w/o extnsion pwede siya mag stay sa atin...kung di daw natatakan ng BB pwede ka daw magtanong don.Hindi ko pa nagawa to kasi hindi p kami nkkauwi ulit after non...kung gusto mo rin pra libre anak mo aplay ka ng dual citizenship for them..
elyurika
10-27-2007, 02:36 PM
kadalasan 1 year BB ang tinatatak sa passport ng bata kahit japanese passort sya,kase pinoy naman ang nanay eh,pero in my case ipinaregister ko ang mga anak ko sa immigration sa pinas,sa Intramuros nagbayad ako pero hindi ko na matandaan kung magkano!wala namang problema kasi 1 month kami sa pinas.
Tenshi
10-28-2007, 10:01 PM
shiawase0709 san, kazz314 san, and elyurika san, salamat po sa reply ninyo malaking tulong po ito sakin at sa iba pang mga baguhang mommy na nagbabalak iuwi ang kanilang mga angels sa pinas...thanks po ulit......
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.