shinshinobi
10-27-2007, 10:08 PM
Ang Buhay ni Bentong
Ipininanganak si bentong sa isang maliit na barung barong sa tabi ng riles sa Tondo.
Mahirap lang ang kanyang mga magulang kaya hindi na nakayanang dalhin sa ospital ang kanyang nanay.
Sa pamamagitan lamang ng hilot siya lumabas dito sa mundo. May dalawa pa siyang nakakatandang kapatid na babae.
Ang kanyang mga kapatid ang nagaalaga sa kanya sa umaga dahil ang kanyang nanay ay namamasukang labandera.
At sa hapon naman ay mangangalkal ang kanyang ina at kapatid ng basura sa tambakan ng basura.
Ang maiuuwing pera ng kanyang nanay ang tanging maipambibili nila ng pagkain para sa hapunan at almusal kinabukasan.
Iniwan sila ng kanyang ama at sumama ito sa ibang babae. Dahil dito, mag isang binubuhay ng kanyang ina silang tatlong magkakapatid.
Nang matuto siyang maglakad ay sinimulan na siyang turuan ng kanyang ina sa pagbasa.
Tuwing makakapulot ang kanyang ina ng mga libro o magasin sa basura ay iniuuwi niya ito at ipinakikita kay bentong.
Dito siya natutong bumasa. Ginagaya niya mula sa mga lumang diyaryo ang mga letra at isinusulat niya ito sa notebuk na napulot din ng kanyang nanay sa basurahan.
Halos lahat ng gamit nila ay galing sa basurahan. Ultimo mga damit at laruan ay napulot lamang nila sa basurahan.
Tuwing makakapulot ang kanyang nanay ng mga gamit na puwede pang mapakinabangan ay para itong nakakapulot ng ginto. Makikita mo sa mukha nito ang tuwa at saya na nararamdaman.
Nang maging dalawang na taon si bentong ay marunong na siyang makipaglaro sa kapwa bata nito.
Maaga siyang natutong makapagsalita dahil sa araw araw ay kausap nito ang mga kalarong bata.
Nang ipasok siya sa pampublikong eskuwelahan ng kanyang nanay ay tuwang tuwa ito. Parating sinasabi sa kanya ng kanyang nanay na ang edukasyon ang makapag aahon sa kanila sa kahirapan.
Tuwing linggo ay dinadala siya ng kanyang nanay sa mga magagandang lugar ng tulad sa makati.
Ipinakikita ng kanyang nanay ang mga bahay ng mga mayayaman at mga nakaaangat sa lipunan.
Dito siya nagkaroon ng determinasyong makaahon sa kahirapan.
Kahit bata pa siya ay alam na niya ang katayuan nila sa lipunan.
Sa eskuwelahan ay wala siyang mga gamit na libro kaya isinusulat na lamang niya ang mga nakasulat sa pisara.
Sa uwian naman ay didiretso siya sa publikong libraryo at dito muling titingnan ang mga napagaralan sa araw na iyon.
Hindi siya inubligang magtrabaho ng kanyang nanay dahil mas makabubuti daw na pagbutihan niya na lang ang pag aaral dahil siya na lamang ang pagasa ng kanilang pamilya.
Ang kanyang mga nakatatandang kapatid ang siyang tumutulong magtrabaho para sa kanilang ikabubuhay.
Pag wala namang pasok ay mag aaral ito ng kanyang mga leksiyon sa umaga at pagdating ng hapon ay maglalaro na ito.
Bago pumasok ay ibibili niya ng kendi ang perang ibinigay sa kanya ng kanyang nanay. At sa recess naman ay ibebenta nito ang mga kendi sa mga kaklase.
Ang kanyang kita ay itatabi niya at iipunin at kinabukasan ay ibibili ulit ng kendi.
Nagtapos siya ng elementarya at marami siyang nakuhang medalya. Matataas kasi ang kanyang mga marka sa eskuwelahan.
Tuwang tuwa ang kanyang ina, naluha pa nga ito nang sasabitan ito ng medalya sa entablado.
Dahil dito,binigyan siya ng iskolarship ng kanyang paaralan at nailagay kaagad sa unang seksiyon ng kanilang paaralan.
Dito niya nakilala ang iba pang mga estudyanteng matatalino kaya’t lalo pa niyang pinagbutihan ang kanyang pag aaral.
Naging [Dean’s Lister] siya simula unang taon hanggang sa maka gradweyt ito. At tinamo ang [Valedictorian] na parangal.
Dahil dito, nakapag aral siya kilalang kolehiyo nang libre. Kapag wala siyang klase ay nagtatrabaho ito sa libraryo ng paaralan para suportahan ang sarili habang nagaaral. Kapag may sumosobra naman sa kanyang pera ay binibigyan niya ang kanyang ina.
Kapag tapos na ang semester ay magtatrabaho siya sa mga restawrant bilang waiter o di kaya ay tagahugas ng pinggan. Ang kanyang mga naipon dito ang siya niyang ipambibili ng gamit sa eskuwelahan.
Hindi na siya bumibili ng libro at sa libraryo ng eskuwelahan na lang siya nagbabasa kapag walang ginagawa.
Nakapagtapos siya ng may pinakamataas ng parangal sa kolehiyo at dahil dito, pinag agawan siya ng mga kompanya.
Pinili niya ang kumpanyang may pinakamataaas na alok na suweldo at dito siya nagtrabaho. Ipinadala siya sa ibang bansa para mag ensayo at sa kanyang pagbalik ay mataas na posisyon kaagad ang ibinigay sa kanya.
Hindi mapapantayan ng kahit ano ang tuwang naibigay niya sa kanyang ina at mga kapatid, ika niya sa sarili.
Pagkaraan pa ng ilang taon ay ipinadala siya ng kumpanya sa ibang bansa at binigyan ng pabahay. Binigyan din siya ng pagkakataon na maisama ang kanyang pamilya sa pangingibang bansa nito.
Sa ngayon, nagtatrabaho pa rin siya sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya at sumusweldo ito ng halos kalahating milyong piso kada buwan.
Mahigit dalawampung taon din siya nagtiis bago niya nakamtan ang tagumpay.