PDA

View Full Version : Ano nasa isip niyo pag christmas?


kazz314
10-30-2007, 06:37 PM
christmas...b-day ni jesus!ito yong una nating maisip di ba?well for me sa okasyong ito lahat ng tao ay masaya...para sa inyo ano?:Dmedyo non sense thread ko pero gusto ko lng malaman...

summergirl
10-30-2007, 06:55 PM
Pag pasko,Noche buena,simbang gabi,carlolling at kulitan ng family namin.At syempre ang puto bumbong at bibingka..Naalala ko rin ang father ko,dahil sabi nya sa amin ng nabubuhay sya..Make it a point na kumpleto tayo pag pasko at mag-siuwi kayong lahat pag pasko sa pinas..

aries67
10-30-2007, 11:01 PM
pasko, malungkot miss ko na hubby nasa ibaraki
kaya kulang na naman kami dito sa pinas

alamagawa
10-30-2007, 11:04 PM
madame.......

madame pong gastos :D

Stacie Fil
10-30-2007, 11:19 PM
Christmas !

Sorry, but the first thing thatusually comes to my mind are the joys of feeling the holiday, gatherings, giving of gifts, carrolings,etc...and of course celebration of Jesus birth.

bonbon'79
10-30-2007, 11:28 PM
Christmas...

Masaya ang mga tao. Masaya sa Pilipinas. Iba kasi yung pagdiriwang natin ng Pasko sa Pilipinas eh. Walang ganyan sa States o sa Japan o kahit saang panig pa ng mundo. Onli in da pilipins.

Malamig ang simoy ng hangin, nangangaroling, nagsisimbang gabi, noche buena, mga pamilya magkakasama-sama, lahat nagkakaunawaan ng dahil sa diwa ng Pasko, nagkakapatawaran at higit sa lahat, ipinagdiriwang ang pagkapanganak ni Jesus Christ. May kahulugan talaga ang pagdiriwang nito sa atin. :)

Mga kalye, masisikip na ngayon, marami ng mga taong kumakapit sa patalim dahil sa kahirapan para lamang magkaroon ng magandang noche buena sa hapag kainan. Mahaba na naman ang trapik sa kalsada. :D

lakandula
10-30-2007, 11:45 PM
madame.......

madame pong gastos :D

korek ka diyan hehehe...

paalala lang po, ayon sa isang na-interview na nagtatrabaho sa punerarya, ang peak season daw nila ay ang holidays (Christmas & new year)...ingat sa pagkain :D

sachi807
10-30-2007, 11:47 PM
naalala ko pag pasko yung mga inaanak ko...bigayan ng sobre...

dianne
10-30-2007, 11:56 PM
x~mas nanaman sigurado pag uwe neto marami nanaman naipon na coins si mama~~ para sa mga na ~nga~nga rolling ~~~ sarap ng pasko kahit na alang pasko ang mga christian ~ ok lang kodomo no tameni~~

nikkichibi
10-31-2007, 07:23 AM
nasa isip ko pag christmas ay ang exchange gift at pamasko galing sa mga ninong at ninang ...:D

ichimar
10-31-2007, 07:34 AM
bibingka at puto bungbong,sarap talaga yun yan ang lagi kong naaalala.....:rolley es:tsaka yung mga bata na nag cacaroling,mga christmas ligth na nag kikislapan sa gabi.... hay sana next year makauwi kami kakalungkot talaga:(

pineapple
10-31-2007, 08:33 AM
ako... years ago hindi na naging masaya ang christmas and birthday ko.. dahil sa past memories pero bakit naman idadamay yung noon at ngayon diba i think its time to change and move but.. i always pray for more love on christmas and also forgiveness...
i also think christmas gift pagpadating na christmas sa nga family and inaanak and friends wow malapit nanaman pala ang pasko... :)

coffee
10-31-2007, 08:37 AM
puto bunbong at tsaa:nono: :cry:
mag-carolling:whistle:

musikaghie
10-31-2007, 08:42 AM
Ako nasa isip ko, Nagdiriwang ang buong mundo!
Pagmamahalan sa isat isa...
Mga ireregalo ko sa mga inaanak ko...
At nasa isip ko GASTOS talaga,pero masaya naman basta nakakapagpaligaya at nakakapagbigay :)

chevelle:)
10-31-2007, 10:13 AM
Naiisip ko, everybod's happy. Exchanging greetings! Caroling! Noche buena na napakasarap! Bigayan ng gifts to love ones...in short, sarap umuwi ng pinas! Haay! I miss the philippines!

kazz314
10-31-2007, 11:38 AM
wow!sa mga nababasa ko dito....parang ang sarap umuwi sa atin:D wla talagang makakapantay sa pilipinas pagdating sa diwa ng pasko:p kaso mahal pamasahe pag DEC.:eek:

ako_po_si
10-31-2007, 01:35 PM
una kong naiisip ay noche buena iniisip ko kung ano kaya ang ihahanda ni mama ko he he he:D mukha kasi akong pag kain,syempre pa ang simbang gabi bibingka at puto bungbong:)

tisay
10-31-2007, 03:10 PM
christmas....

.....naiisip ko pamilya ko sa pinas.....lalo na di na naman ako makakauwi this year:( .....wala talagang kapantay ang pagdiriwang ng pasko natin samantalang dito balewala lang....:nono: ...simbang gabi,,noche buena at mga makukulet na mga chikiting na pabalik~balik sa pangangaroling:whist le: .........;)

nikka
10-31-2007, 03:46 PM
mga batang bago ang damit, sapatos, medyas habang may dala-dalang mga pitaka/maliliit na bag kung saan nila nilalagay ang kanilang napamaskuhan :D

christmas is love and happiness :dowave:

adechan
10-31-2007, 08:00 PM
dati noon bata pa ako ang saya saya ko pag pasko lahat kase bago, may mga regalo na at may cash pa

nang nagkatrabaho na, ang naiisip ko saan ako kukuha nang pera para pang regalo sa lahat nang gusto kong regaluhan? Paano ko pag-aabutin ang budget ko, isang buwan na sahod kulang na kulang tapos kabila kabila pa ang party, kabi kabila din ang party fee ~ masarap magbigay nang regalo, pero butas na butas naman ang bulsa ko

Nang tumagal ako dito sa japan miss na miss ko ang pinas dahil ibang iba ang Christmas doon sa atin

two years ago, i was tired of Christmas issue, whether it is Paganic or Christian, i accepted that Christmas is not biblical after all ~~ tigasin na KJ pa

but last year, I opened up again Christmas celebration at home, e wala eh, etong pamilya ko gustong mag celebrate nang Christmas, kaya bago pa sila mag bibili nang mga kung ano anong decoration, inunahan ko na, para at least ang Christmas decor namin ay relevant sa true meaning of Christmas, and na realize ko, kung akong isang Christian at hindi nag ce celebrate nang Christmas, chotto okashii sa mga hindi makakaunawa. Isip isip ko, "Bring back Jesus on Christmas" na lang (:eek:bakit kailangan pa ba talaga? kase wala talaga siya eh)

Ngayon, natatanong kung ano ang naiisip ko ngayon, I can't think of any gifts for myself or for anyone else, thinking what is the best gift I could give to Jesus, kase birthday niya.

sachi807
10-31-2007, 09:35 PM
..yung mga ina na namamalimos sa kalye bitbit mga baby nila..naawa ako pag nakakakita ng ganun pag christmas time..

fremsite
10-31-2007, 11:04 PM
Christmas Eve Mass ... a " must " for me and my family here in jpn .

Family / close relatives and friends abroad ...

foodies and regalo's to give ... :)

kazz314
11-27-2007, 02:41 PM
mga ka TF papalapit na po ang christmas:D nakakamis lalo tuloy ang pinas...kasi ibang iba sa atin kung paano pinaghandaan ng mga pinoy ang espesyal na selebrasyong ito:) misa de galyo....na kapag wala ka daw absent sa pag-aatend nito eh yong wish mo matutupad:p at ito yong pinakamagandang part ng christmas lalo na pag mga single pa...chance na makakasama araw araw sa pagsisimba ang loveone:love:naalaal a ko tuloy ang aking nakaraan(kinikilig ang lola)

mr.kuripot
11-27-2007, 04:24 PM
Maraming naghihintay ng papasko waaahhh:scratch:

k_e_n_k_a_y
11-27-2007, 05:28 PM
aside from birthday of Jesus Christ, ito eh panahon kung kelan butas na butas ang bulsa ko sa dami ng inaanak ko... :( ...

hanikami
11-27-2007, 05:33 PM
SMAP...









Samahang Malalamig Ang Pasko :weep:





that's not all I think of, of course ;)

~h

kazz314
11-27-2007, 05:34 PM
aside from birthday of Jesus Christ, ito eh panahon kung kelan butas na butas ang bulsa ko sa dami ng inaanak ko... :( ...
:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: tama ka:D

schelle
11-27-2007, 06:45 PM
:D:D makiki kain sa bahay bahay:D:grinny::food :

neneng
11-27-2007, 06:59 PM
pag christmas.....
Celebration, hingi /bigayan ng gifts, party dito party doon, simbang gabi, xmas decors anywhere, etc.....but most of all....hay naku po malaking gastos na naman:D dami dami kasing humihingi ng pamasko kahit hindi ako umuwi.....maraming messages sa pc:p
Maligayang Pasko Po sa Lahat!

ageha1528
11-28-2007, 01:20 AM
ako??...gusto ko umuwi s pinas at dun mag xmas.miss ko n xmas dun eh masaya at dun mo lng ma fefeel ang xmas

ICHIBAN08
11-28-2007, 02:33 PM
Ang nasa isip ko pag christmas e mga regalo atsaka bonus hehehe! (jowk:D )...Ngayon naiisip ko yung mga masasayang araw ko nung bata pa ako....Hindi ako makatulog nun dahil masusuot ko na bago kong damit at sapatos....atsa ka makakapamasko na naman ako sa mga ninang at ninong ko....Kung tulad din ng pinas ang japan pagdating ng christmas masaya kung mag celebrate...haaay nakakamiss ang paskong pinas!:O