View Full Version : Open Forum sa Timog Forum
shinshinobi
11-03-2007, 05:37 AM
mayroon ba kayong hinanakit or pagdaramdam sa inyong ka TF?
huminahon at maupo at simulang ilabas ang tunay na nararamdaman.
uumpisahan ko na po.
mayroon ba sa inyong may galit sa akin? or ilag or uncomfortable sa mga post ko?
sabihin niyo lang po para ating mapagusapan at mawala ang pader na humaharang :D
anyone?
summergirl
11-03-2007, 07:14 AM
Wala akong hinanakit kahit kanino dito,if meron..Im not here sitting around..Sana lang iwasan ang mga parinigan ..Kasi iisa tayo dito..Di ba mag-kakababayan..Dapat mag-tulungan..I really love this forum at masakit ang may nawawala..mas masarap pag dumadami..Thanks..
shinshinobi
11-03-2007, 07:24 AM
salamat sa iyong pag o-open summegirl.
mabuti naman at wala kang hinanakit kahit kanino man dito sa TF.
ok wait naman natin ang ibang ka TF na gustong ilabas ang sama ng loob kung meron man.
para gumaang ang kanilang saloobin....
next po na mag oopen up?:surprise:
la_tina512
11-03-2007, 07:25 AM
I don't have anything against you in particular, or being uncomfortable with your posts in any way. Keep them coming.. :D
Minsan 'yong irritation at pagkainis nandon lalo na walang kadahi-dahilan titirahin ka just to get attention. Minsan din in private messages nagagalit dahil sa tamang hinala na tinitira sila sa posting. Minsan din yong ang ganda-ganda ng pakikipag-usap mo to open a conversation bigla ang sungit ng sagot sa 'yo. I'll be honest on that pero the fact that we have different characters and personalities here, hindi naman ako nagde-dwell doon. Sana maging understanding ang bawat isa sa character at ugali natin. Pag merong nasaktan, kiss and make-up then move-on at huwag magtanim. Don naman sa mahilig talagang mang-inis sana iwasan na lang natin para mas maganda ang samahan natin dito sa TF. :)
May galit at sama ng loob kahit kanino? Wala... Madadagdagan lang wrinkles ko pag nag-alaga ako ng negative emotion sa puso ko.. Not worth my time. Besides, sabi sa Bible, love your enemies. :p
shinshinobi
11-03-2007, 07:38 AM
salamat La_tina at hindi ka naman naiinis sa mga post ko..
totoo po iyong sinabi niyo na iba iba talaga ang ating ugali at iba iba din ang ating paniniwala.
ultimo kambal nga ay magkaiba pa ng ugali tulad ni Richard at Raymond Gutierrez.:gossip:
sa mga ka TF hindi lang po ako ang topic ng thread na ito, tungkol din po sa ibang ka TF natin na hindi na masyadong nakikita dito sa TF, mukhang mangilan ngilan lang ang nakikita ko kasi....
yung iba mahilig lang pong magbasa hindi man lang magparamdam para dumami ang post nila.
Yung iba baka nahihiya lang mag post dahil baka may alitan na nangyari noon.
Narito na ang chance para buhayin ang naghihingalong samahan kung meron man....:surprise:
yung iba pong nananahimik diyan mag post po kayo dito para malaman naman po namin kung humihinga pa kayo:D
next naman pong mag oopen up....
honey
11-03-2007, 08:29 AM
shinobishin:)
mayroon ba sa inyong may galit sa akin?OO ako galit na galit bigote ko sayo sobrang sikat ka na dito at kahit saang thread ako maparoon andodoon ka ano ka ba!?:biglaugh: :biglaugh:. WALA NAMAN DAPAT IKAGALIT SAYO OK KA NAMAN:)Ako baka may nasabi sa iyo SORRY.
yung iba mahilig lang pong magbasa hindi man lang magparamdam para dumami ang post nila. Hindi ako nagrereply sa ibang thread mo kasi minsan hindi na talaga related o hindi nangyari sa akin o wala akong maisip na sagot kadalasan nabablanko kasi isip ko hehehe.:D
Baka sa akin maraming galit kaya SORRY ano man yon:(.Magpapasko na kaya yung alitan kalimutan na.Wala din ako hinanakit sa kahit kaninong member dito wala naman kasing dapat ikagalit at ikaaksaya ng panahon para sa tampuhan maiksi lang ang buhay natin kaya dapat igugol na natin yon sa makabuluhang bagay:).
itchay
11-03-2007, 08:29 AM
ako ay humihinga pa naman...:D
(nagpaparamdam lang po.)
at wala po akong sama ng loob sa yo, shin-sama :D
ni kahit kanino...bow.
baka ikaw meron hinanakit saken po?
at kung may nasagasaan man ako sa mga posts ko, humihingi po ako ng patawad sa mga nasaktan ko. hindi ko po intensyon ang makasakit ng tao.
at huwag po kayo mag-alala kung masaktan nyo ko, ako po ay robot...este, ito kase ay forum at alam ko na hindi lahat ay kapareho ko ng paniniwala at pananampalataya.
(back to seryos mowd na muna si lola...:type: )
shinshinobi
11-03-2007, 08:53 AM
ok mabuti naman honey and itchay at wala kayong itinatagong poot sa inyong mga puso :D
wala akong hinanakit sa iyo itchay or kahit kanino man dito sa TF kahit na yung iba iniisip na sinasapian na ako ni satanas:devil: :D
hindi po ako ang topic ng thread na ito kundi mga fellow TF members kaya huwag niyo po ako ilagay sa spotlight :fire: :D
tama po kayo honey chang magpapasko na kaya hanggat maaga ay linisin ang ating mga konsyensya kung meron man tayong hinanakit o nagawa na sa tingin natin ay hindi tama..
sino po ang next mag oopen up? :surprise:
magparamdam na po yung mga readers dyan na puro basa na lang at hindi man lang nagpo-post ni isa:D
sachi807
11-03-2007, 09:46 AM
..wala akong hinananakit sa iyo o kanino pa man member dito sa tf..dati nagdamdam lang ako pero wala na iyon:)as what my signature say's'GRUDGE IS A HEAVY THING...yoko ng may mabigat na feelings sa puso..gusto
ko peace sa lahat ng members dahil love na love ko ang forum na ito:love:love you all pow..:)
shinshinobi
11-03-2007, 11:22 AM
kanino ka naman nag damdam sachi? and why?
ryanne81
11-03-2007, 11:46 AM
Quote:
Originally Posted by ryanne81 http://www.timog.com/forum/images/buttons/viewpost.gif (http://www.timog.com/forum/showthread.php?p=366 653#post366653)
satan is a trickster....
:D
If this the post the make you think that Im hating you
or anything, Id like to apologize. It just that I percieve you
that way based on your posts.What u post in here reflects parts of your persona, part of shin man but not entirely you. It just my impression, fragments of entire you, and
impression they never last.
what holds true for you, is for you alone. After all, we are all student of life that cost
too much tuition but at least its applied learning.
sachi807
11-03-2007, 01:39 PM
kanino ka naman nag damdam sachi? and why?
past na yun..kinalimutan ko na...erased na sa memory ko:D
elyurika
11-03-2007, 01:51 PM
nung una parang feeling ko hindi ako welcome dito,tapos inookray nila ako,sa akin naman yung mga pinost ko,walang ibig sabihin sa iba pala,mabigat ang dating,maanghang daw,pero sa akin opinyon ko lang yon,di nga kasi tayo pare-pareho ng ugali.wala naman siguro bawat isa sa atin ang may gustong magkaroon ng kaaway,namimisinterp ret lang,kaya mga katf,PEACE!!I really love this forum!!!!!
shinshinobi
11-03-2007, 05:38 PM
Quote:
Originally Posted by ryanne81 http://www.timog.com/forum/images/buttons/viewpost.gif (http://www.timog.com/forum/showthread.php?p=366 653#post366653)
satan is a trickster....
:D
If this the post the make you think that Im hating you
or anything, Id like to apologize. It just that I percieve you
that way based on your posts.What u post in here reflects parts of your persona, part of shin man but not entirely you. It just my impression, fragments of entire you, and
impression they never last.
what holds true for you, is for you alone. After all, we are all student of life that cost
too much tuition but at least its applied learning.
ryanne81, it's ok, hindi naman ako na offend maisipan ng ganyan dahil alam ko naman na iyan talaga ang puwedeng isipin sa kahit sinong against sa Catholicism. (hindi ako against kay Jesus ha:D)
anyway, bati na tayo :sweeties: and keep posting, bihira kasi kita makita eh...:D
past na yun..kinalimutan ko na...erased na sa memory ko:D
ok, so kung sino man ang nakabangga ni sachi807 bati na kayo :sweeties:
nung una parang feeling ko hindi ako welcome dito,tapos inookray nila ako,sa akin naman yung mga pinost ko,walang ibig sabihin sa iba pala,mabigat ang dating,maanghang daw,pero sa akin opinyon ko lang yon,di nga kasi tayo pare-pareho ng ugali.wala naman siguro bawat isa sa atin ang may gustong magkaroon ng kaaway,namimisinterp ret lang,kaya mga katf,PEACE!!I really love this forum!!!!!
thanks elyurika,
meron ba ditong naiiinis kay elyurika? magparamdam po kayo para maliwanagan natin ito....:D
sino sino ba yung mga feeling mo nag o-ookray sa iyo?
la_tina512
11-03-2007, 05:57 PM
sino sino ba yung mga feeling mo nag o-ookray sa iyo?
kailangan pa bang mag-mention ng names? hindi kaya parang bata ang dating na ituro pa kung sino? hindi kaya sapat na i-open lang ang mga emotions, matuto ang bawat isa from there para maiwasan ang former mistakes na nagawa and after that kalimutan na whatever happened in the past?
shinshinobi
11-03-2007, 06:06 PM

mas makakatulong kasi kung sasabihin kung sino, kasi malay natin kung hindi naman alam nung kabilang side na ganun pala nararamdaman natin diba?
naalala ko nga pala, gusto kong mag sorry kay dcat kasi yung palitan namin ng posts dun sa truth seekers (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=152 52&page=4)medyo tumahimik na siya, baka na offend kita dcat, sorry...
alexb
11-03-2007, 07:05 PM
I dont want to name names, mababasa naman ang post nila sa religion/inspiration section eh. And also to make things clear, hindi ikaw yun :)
may_abe
11-03-2007, 07:09 PM
:D mayroon ba kayong hinanakit or pagdaramdam sa inyong ka TF?
huminahon at maupo at simulang ilabas ang tunay na nararamdaman.
uumpisahan ko na po.
mayroon ba sa inyong may galit sa akin? or ilag or uncomfortable sa mga post ko?
sabihin niyo lang po para ating mapagusapan at mawala ang pader na humaharang :D
anyone?
:Dpm na lang kita baka ma offend..hihihihi
la_tina512
11-03-2007, 07:19 PM
mas makakatulong kasi kung sasabihin kung sino, kasi malay natin kung hindi naman alam nung kabilang side na ganun pala nararamdaman natin diba?
For me hindi tama to announce pa in public kung sino naka-offend sa kung sino. That is too personal and like I've said in my previous posts, iba-iba tayo ng characters and personalities. For me, hindi ako hihingi ng sorry in public kung inaakala ko na may na-offend akong tao. I will do it privately, just between me and the person concerned. At sa tao namang naka-offend tapos iko-confront mo sya in public, that is very unfair. Mapapahiya 'yong tao. If you are offended naman, approach the person in private and tell him/her na naka-offend sya, na hindi mo nagustuhan ginawa nya. More often than not pag napangunahan na kasi ang isang situation mas nagugulo or hindi agad nase-settle. Let the concerned parties settle their differences. Kahit sa akin may mag-a-approach at hihingi ng tulong to mediate the first thing I ask is "kinausap mo na ba na kayong dalawa lang?" Sa experience ko as counselor mas nakakalamang ang mga taong ayaw na napapangunahan at bilang Christian na rin that is not biblical.
since this is an open forum makikisali poh:p
Wala naman akong hinanakit kahit kanino:)
minsan siguro may nasasabi tayo na hindi naman ganun ang ibig sabihin natin at iba ang pakahulugan ng iba katulad ng sabi ng mga nauna dito kaya isang araw or five minutes lang nalilimot ko na din yun or wala namang nakikitang dapat ikagalit (pabatok lang po kung manhid pala ako:O) minsan siguro may nakakainis na post na all capital letter or ung mahihilig sa ( ! ) pero hindi naman inis na inis at galit katumbas nun;) minsan akala mo lang sinisigawan ka or galit sayo pero uhmnn.. malalaman mo later na habit na pala lang talaga yun or wrong type or something:)
Kung may galit din sa akin or may hinanakit ang kahit sino please feel free to say so or kahit sa pm para mapagusapan din natin ng maayos:)
Thanks for this thread shin-san by the way. maganda ito...mukhang going straight ka sa bago mong username:D
nikkichibi
11-03-2007, 07:30 PM
nagkaroon ako ng hinanakit sa isang member dati ......na hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa kanya :eek: mabuti na lang at di ko na naririnig ang name nya dito sa TF ........hehehehe
siguro iba na handle na gamit nya :eek: :rolleyes: ( yoko bangitin name nya kasi baka ma award akow eh :D )
musikaghie
11-03-2007, 09:00 PM
Ako sa totoo lang wala akong ikinasama ng loob miski na kanino sa TF. At tulad ng nasabi ng iba nating Ka TF, iba iba ang ang mga ugali at pananaw nating lahat.Para sa akin simula ng matuklasan ko itong TF napasaya ako nito and nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan dito.
About sa mga Thread at Pagpopost, minsan pag di ako related ay di ako nagpopost,
Marami man akong nababasa na di ko gusto ko o may mga iba tayong mga ka TF na parang feel ko na may alitan o samaan ng loob sa isat isa,Sa akin bale wala yon, Gusto nila yon, Buhay nila yon , Di naman nila ako nasasaktan at wala akong pakialam kung ano man iyon.
Kung ano ang gusto nila at ikaliligaya ibigay ang hilig diba? Ganoon lang yon!
Hanggang di ako nakakasakit ng tao o di ako Nasasaktan ng ibang tao masaya ako.
Kailangan malawak ang pangunawa natin,kailangan pati nilalaman ng puso natin sa kapwa natin kailangan malinis din.
Ako kasi madali pag ayaw mo sa akin, mas ayaw ko din sa iyo....
Pero pag gusto mo ako mas marami pa sa ginusto mo sa akin ang ipaparamdam ko sa iyo...
Basta ako masaya sa TF wala akong hinanakit miski na kaninong tao...:)
tfcfan
11-03-2007, 09:30 PM
good evening po. ask lang ako tutal open forum sabi nga ng thread starter ,iisa po ba si shinshinobi at shinobishin?:confuse d:just asking po ,wag sana kayong maoffend. ;)
louvette_15
11-03-2007, 09:33 PM
good evening po. ask lang ako tutal open forum sabi nga ng thread starter ,iisa po ba si shinshinobi at shinobishin?:confuse d:just asking po ,wag sana kayong maoffend. ;)
ako nlng po sasagot sa tanong mo...iisa lang po sila...hindi na po daw kasi makalogin ung unang username ni shin na shinshinobi sa tf kya gumawa sya ng panibagong account using shinobishin...exempt ed po sya sa rule kasi hindi nman po sadya ang insidenteng d na maka login ung 1st account nya...
aki^-^
11-03-2007, 09:37 PM
badtrip ako kay shin.... honestly....YES!!!! why???? dahil tinapos nya agad kwento ng buhay nya...heheheheheh... . joke!!!
wala akong kinaiinisan.... ako yung taong di napipikon... basta ako enjoy lang kung ayaw sa akin ng tao... okay lang ..iniisip ko hindi sya nag eexist sa akin...hehehehe:D pero so far... wala akong kinaiinisan... lahat naman gusto kong maging kaibigan:)
shinshinobi
11-03-2007, 09:43 PM
For me hindi tama to announce pa in public kung sino naka-offend sa kung sino. That is too personal and like I've said in my previous posts, iba-iba tayo ng characters and personalities.
I dont see anything wrong kung mag a-apologize or mag o-open up kayo sa thread na ito, kaya nga po pinamagatan kong "Open Forum" para dito ilabas lahat ng mga kinikimkim ng mga ka TF natin..
wala namang masama kung sasabihin nating "na offend ako kay ganito kasi ganito, ganyan, kasi.."...
sa tingin ko hindi naman mapapahiya yung tao kung sasabihin natin dito unless napakataas talaga ng pride niya na tipong siya na ang pinakamagaling sa buong TF di ba....
honestly kung may na-offend man ako dito please post it here, handa kong tanggapin ang mga pagkakamali ko.
Thanks for this thread shin-san by the way. maganda ito...mukhang going straight ka sa bago mong username:D
what do you mean by going straight? ahehe:D ganun pa din naman po ako sa tingin ko:D
mabuti na lang at di ko na naririnig ang name nya dito sa TF .......
si Fisher ba ang binabanggit mo nikkichibi? hindi ko na nga nakikita si Fisher dito and according sa last post niya aalis na daw siya dito sa TF. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng away ninyo pero may kasabihan nga "hindi na maibabalik ang samahan ng maayos kapag nagka-lamat na"
Hindi natin alam kung nandyan pa sa paligid si Fisher or nagpalit na ng nickname pero hindi bat nakaka konsyensya kapag alam mong may kagalit ka or may kinaiinisan sa buhay?
malay natin baka balang araw makatulong kayo sa isa't isa....hindi natin masasabi, it's a small world hindi ba...
Ako kasi madali pag ayaw mo sa akin, mas ayaw ko din sa iyo....
Pero pag gusto mo ako mas marami pa sa ginusto mo sa akin ang ipaparamdam ko sa iyo...
Basta ako masaya sa TF wala akong hinanakit miski na kaninong tao...:)
musikaghie huwag ka sanang magagalit pero hindi dapat ganyan ang katuwiran natin sa buhay, kapag may taong ayaw sa iyo, kausapin mo dapat at itanong kung bakit ayaw niya sa iyo, hindi natin alam baka natatarayan siya sa iyo or nayayabangan, pero kahit ano pa man ang dahilan, dapat patunayan mo sa kanya na hindi ka ganoong klaseng tao. hindi natin alam baka balang araw kailanganin mo ang tulong niya o may maitulong siya sa iyo hindi ba?
tfcfan
11-03-2007, 09:46 PM
@ louvette chan,maraming salamat .:)
shin chan,goodluck sa new thread. :)
nikkichibi
11-03-2007, 09:51 PM
si Fisher ba ang binabanggit mo nikkichibi? hindi ko na nga nakikita si Fisher dito and according sa last post niya aalis na daw siya dito sa TF. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng away ninyo pero may kasabihan nga "hindi na maibabalik ang samahan ng maayos kapag nagka-lamat na"
Hindi natin alam kung nandyan pa sa paligid si Fisher or nagpalit na ng nickname pero hindi bat nakaka konsyensya kapag alam mong may kagalit ka or may kinaiinisan sa buhay?
malay natin baka balang araw makatulong kayo sa isa't isa....hindi natin masasabi, it's a small world hindi ba...
nyahahaha ..........sori pow kasi mali ka ng hinala mo :eek: :D
si manong isda ay luv na luv ko pow at wala akong sama ng loob sa kanya ..at alam ko din na di sya galit sa akin :) ( di ba isda ;) )
ayoko ng banggitin pa ang name ng taong yung dahil matagal ko na syang di nakikita sa TF :eek: :D wish ko lang sa kanya na sana magkaron sya ng maraming maraming friend katulad kow :) :D
hindi po ako nakukunsensya ...dahil galit ako sa kanya ....sya ang dapat makunsensya .
aki^-^
11-03-2007, 09:51 PM
magandang mag open forum basta sa pribadong lugar... kase pag dito sa forum... parang hindi sincere eh.. dahil maraming makakabasa at sa bawat message na itatype ...minsan iba ang dating sa taong nagbabasa.. lalo na kung malalim yung pinag awayan ng dalawang tao...:)
shinshinobi
11-03-2007, 10:37 PM
nyahahaha ..........sori pow kasi mali ka ng hinala mo :eek: :D
ah ok, yan na nga ba ang sinasabi ko, mahirap manghula :D
anyway kung ayaw niyo pong sabihin ok lang, :D
magandang mag open forum basta sa pribadong lugar... kase pag dito sa forum... parang hindi sincere eh.. dahil maraming makakabasa at sa bawat message na itatype ...minsan iba ang dating sa taong nagbabasa.. lalo na kung malalim yung pinag awayan ng dalawang tao...:)
naiintindihan kita aki pero ano naman ngayon kung maraming makabasa dito, talaga naman lahat nababasa itong mga napapagusapan natin dito kahit mga guest na hindi naka log-in nakikita yung mga discussions natin dito, ano pa ba ang maitatago natin?:D
maaaring hindi sincere sa tingin ng iba pero dito nga magsisimula ang pag-oopen up.
ngayon kung matapos makapag open up dito eh medyo mabigat pa rin sa kalooban, siguro nararapat nang mag meet kung sino man ang involved at pagusapan sa tunay na buhay...
ito nga ang purpose ng isang open forum para ilabas ang mga saloobin at kinikimkim sa harap ng maraming mambabasa. hindi natin alam baka hindi lang isa or dalawa ang nasaktan natin, baka mayroon din tayong ka TF na pareho ang nararamdaman sa isang ka TF natin hindi ba...
shinshinobi
11-03-2007, 10:57 PM
@ louvette chan,maraming salamat .:)
shin chan,goodluck sa new thread. :)
thanks tfcfan, mag open up ka din dito kung meron man...:D
dianne
11-04-2007, 11:30 AM
para saken naman kahit na anong tira ang gawin nila saken ~~~ kahit kelan hindi ako naging affected in return kase tinitira ko rin sila ~~~:D ako kase ang taong kahit kelan hindi nag dala ng sama ng loob after 20 mnts. ok na ko .... hindi ko ine~entertain ang negative na tira para pag dusahan at pahirapan ang sarili ko ... ;) dahil ayokong masira araw ko at byuti ko sa kanila ...:p
ang pinaka ayoko lang talaga sa lahat yung mga taong masyadong judgemental at plastik ... nakikita nila ang kamalian ng iba pero di nila nakikita ang kamalian nila sa sarili na kung tutuusin eh~ mas masahol pa sila ...~~ ;)
Meron naman kaseng tao na okray sya sa TF pero sa totoong buhay di pala sya ganon ~~~ kaya mahirap talaga mang husga ng kapwa lalo na kung dito mo lang sa TF huhusgahan ~~ specially kung hindi pa nagkikita at nagkakausap ng personal ... di mo alam LOVE pala sya ng family nya dahil super baet ~~
meron naman iba mabaet sya sa mga post nya sa TF para maging sikat ... pero hate pala sya ng asawa or family nya..... makikita rin naman sa dati nyang post ........ yung mga ganun bagay ... kaya may kasabihan nga Don't judge the Book by its cover ....;) Dios lang ang may karapatan humusga ....:)
tfcfan
11-04-2007, 12:59 PM
thanks tfcfan, mag open up ka din dito kung meron man...:D
naku dami ko na pong nai-open up sa kung san sang thread,:p
wala na akong mai-open pa simula noon open na buhay ko dito sa Timog Forum tungkol sa lahat ng bagay mapa-pamilya,kaibigan,tsi smisan,asaran,kulita n,naku lahat yan nai open na...;) maghalungkat na lang po si ikaw...;)
ritzyu
11-04-2007, 01:21 PM
For me hindi tama to announce pa in public kung sino naka-offend sa kung sino. That is too personal and like I've said in my previous posts, iba-iba tayo ng characters and personalities. For me, hindi ako hihingi ng sorry in public kung inaakala ko na may na-offend akong tao. I will do it privately, just between me and the person concerned. At sa tao namang naka-offend tapos iko-confront mo sya in public, that is very unfair. Mapapahiya 'yong tao. If you are offended naman, approach the person in private and tell him/her na naka-offend sya, na hindi mo nagustuhan ginawa nya. More often than not pag napangunahan na kasi ang isang situation mas nagugulo or hindi agad nase-settle. Let the concerned parties settle their differences. Kahit sa akin may mag-a-approach at hihingi ng tulong to mediate the first thing I ask is "kinausap mo na ba na kayong dalawa lang?" Sa experience ko as counselor mas nakakalamang ang mga taong ayaw na napapangunahan at bilang Christian na rin that is not biblical.
Tama si la_tina san dito~~di ko kailangan ang ibang tao mag-settle ng problema ko
sa ganyan. Iba rin character ko pag-dating sa nakakatampuhan ko~~me sarili akong
diskarte pagdating sa ganyan~~yung anak ko nga pag-galit na galit na ako sarado
ko lahat bintana at pinto saka ko siya kakastiguhin, ayoko ng me makakarinig~~
problema namin~~sa amin na lang yon~ o sa aming dalawa na lang yon:)
musikaghie
11-04-2007, 09:09 PM
magandang mag open forum basta sa pribadong lugar... kase pag dito sa forum... parang hindi sincere eh.. dahil maraming makakabasa at sa bawat message na itatype ...minsan iba ang dating sa taong nagbabasa.. lalo na kung malalim yung pinag awayan ng dalawang tao...:)
Hi Aki, Tinamaan mo ang ibig kong sabihin, dito sa TF malalaman mo talaga kung sino ang malawak ang pangunawa at kung may masabi ka dito minsan iba talaga ang dating or pagkakaintindi sa sinabi mo, minsan naiiba ang ibig sabihin sa kanila,kaya minsan mahirap dito kasi pag di ka naunawaan sa pinaliwanag mo hahaba at hahaba ang usapan dito.
Kaya tama ka, kailangan talaga sa pribado na lang....
shinshinobi
11-04-2007, 10:12 PM
ok sige naiintindihan ko po kayo.
salamat na lang po sa mga nagreply at nagshare...
request na lang po sa mga mods na isara itong thread na ito.
salamat po.
kazz314
11-04-2007, 10:45 PM
ako nman so far wala pang nainisan na mga kaTF:D pero may napansin ako na halos lahat ng thread andon siya nag-aadvise pero sa bandang huli ay may mga bumaliktad sa opinyon niya:p :p :p natutuwa lang akong basahin,nawawala ang stress ko lalo na may nag iispoken dollar na halata namang trying hard:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:hindi ko nilalahat ha,:eek: baka kasi maraming magreact:grrr: total open forum nman to,inopen ko lang kung ano yong nasa obserbasyon ko!Peace po mga kaTF:type:
shinshinobi
11-04-2007, 11:55 PM
Una sa lahat, ito ay isang "internet forum". Ayon sa Wikipedia, ang internet forum ay:
a web application (http://en.wikipedia.org/wiki/Web_application) for holding discussions and posting user generated content (http://en.wikipedia.org/wiki/User_generated_conte nt). Internet forums are also commonly referred to as web forums, message boards, discussion boards, (electronic) discussion groups, discussion forums, bulletin boards, fora (the Latin (http://en.wikipedia.org/wiki/Latin) plural) or simply forums. The terms "forum" and "board" may refer to the entire community or to a specific sub-forum dealing with a distinct topic.source (http://en.wikipedia.org/wiki/Internet_forum)
Narito talaga tayo para magbigay ng opinyon at saloobin. Nasa sa atin naman kung pipiliin nating manahimik o sumagot sa lahat ng mga usapin dito sa Timog.
Manahimik man o sumagot sa lahat ng mga tanong ay walang masama.
Minsan kapag may isang nilalang na parati nating nakikita sa iba't ibang thread (katulad ko), at nagpo-post ng kung ano anong bagay, hindi naman ito masama basta't hindi ito nakaka bastos at hindi labag sa moralidad ng tao.
Paminsan minsan, mayroon tayong makakasalamuha na mga taong mahilig mag ingles.
Ang napakasimpleng ekplenasyon ay pilit na pinalalalim sa pamamagitan ng pag gamit ng mga vocabularyong hindi madalas marinig.
Ito ay isang paraan upang ang maipaliwanag ng mabuti ang saloobin o nilalaman ng utak.
Halimbawa, ang napaka simpleng ekplenasyon na:
"Love is important to all human beings"
ay puwede ring sabihin ng mas malalim:
"Love is the sine qua non of human existence"
Ang pagiging "trying hard" ay kadalasang idinidikit sa mga taong nag i-Ingles subalit mali naman ang grammar.
Kapag nagkamali ay agad na napupuna.
Halimbawa, "I see the bee went over the flower a while ago to gather some nectar"
Sa mga nakakaintindi ng tamang ingles, ito ay katawa tawa.
Bagamat madali namang intindihin ang gustong sabihin, mali pa din ang ilang parte ng pangungusap.
Subalit kailangan din nating intindihin na baka hindi nakapag aral ng tamang ingles ang ating kausap o kaya ay hindi madalas nakakapanood ng mga pelikulang ingles.
Kumpara sa ibang lahi sa Asya, mas masasabi nating mas angat ang ingles ng mga Pilipino.
Ang Pilipinas ay pang-apat sa dami ng populasyon na nagsasalita ng Ingles sa buong mundo. (http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by _English-speaking_population)
Ultimo mga Amerikano, na Ingles na ang pangunahing salita ay nagkakamali pa rin.
Kaya ang pagiging "trying hard" ay hindi dapat kasuklaman dahil isa itong paraan para mai-angat pa ang level ng sarili.
Ang katagang ito ay isa sa mga katangian ng "crab mentality" nating mga Pilipino.
Imbis na sabihan ng pagiging "trying hard" ang ating kapwa, bakit hindi na lang natin itama?
Nakatulong pa tayo at nagkaroon pa ng kaibigan.
Kung meron man akong nasabing hindi tama, maaari lamang po na sabihin niyo sa akin para maliwanagan ako.
may_abe
11-05-2007, 12:14 AM
:D curious lang ako ShinKun..ikaw ba talaga iyan? kase,natatandaan ko nung highschool kapag open forum..all girls lang kami.Ang mga boys hindi interesado..OT:p
shinshinobi
11-05-2007, 12:18 AM
:D curious lang ako ShinKun..ikaw ba talaga iyan? kase,natatandaan ko nung highschool kapag open forum..all girls lang kami.Ang mga boys hindi interesado..OT:p
hehe ako po ito. :D
shinshinobi
11-05-2007, 12:43 AM
pero may napansin ako na halos lahat ng thread andon siya nag-aadvise pero sa bandang huli ay may mga bumaliktad sa opinyon niya
Nais ko lang pong magbigay ng opinyon dito sa isa pang post niyo.
Ang opinyon ay isang pananaw sa mga bagay sa mundo na ating nabubuo sa pamamagitan ng sariling pagiisip.
Ang ating moralidad o prinsipyo sa buhay ay malaking impluwensya sa pagbubuo ng opinyon.
Halimbawa, ang pagdura sa kalye ay maaaring labag sa ibang tao na gustong panatiliin ang kalinisan ng kapaligiran,
at mayroon din namang hindi naniniwala dito.
Dahil sa iba't iba ang ating nakagisnan at iba iba rin ang ating mga prinsipyo sa buhay, hindi malayong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa forum na ito.
Hindi tayo katulad ng mga robot na naka programa na kung ano ang dapat isipin at kung ano ang dapat maging reaksyon sa bawa't pagkakataon.
Dapat din iwasan ang agad agad na pagsangayon sa opinyon ng karamihan.
The voice of the people is not always the voice of God.
Katulad lamang ng mga taong sumasama sa mga aktibista na nadadala ng matatamis na pananalita ng kanilang lider.
Ito ay isang paraang ginamit ni Hitler noong panahon ng ikalawang digmaan na pinaniwala niya ang mga Germans na sila ay isang uri ng mataas na nilalalang (http://en.wikipedia.org/wiki/Master_race) kumpara sa ibang lahi.
Kaya ang pagsangayon o hindi pagsang ayon sa opinyon ng iba ay isa lamang sukatan ng tao ayon sa kanyang sariling pananaw sa buhay.
shinshinobi
11-05-2007, 04:44 AM
pasensya na sunod sunod ang post ko, wala na kasing nag po-post eh....
majority ba ng mga senior members dito sa TF nagkita kita na in real life?
docomo
11-05-2007, 09:40 AM
ok sige naiintindihan ko po kayo.
salamat na lang po sa mga nagreply at nagshare...
request na lang po sa mga mods na isara itong thread na ito.
salamat po.
Closed
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.