PDA

View Full Version : need boys opinion....


kawaii5322
11-06-2007, 04:35 PM
hello mga ka tf especially sa mga boys dahil para sa mga boys tong thread na to. just want to ask ur opinion regarding clothing.

share ko lang yung story ko kanina i went to the mall and saw this girl wearing a crochet or gantilyo na bra at super iksi na shorts. so napatingin ako then naisip ko ano kaya ang tingin ng mga boys sa babaeng nasa mall or naglalakad sa kalsada na parang naka two-piece lang????:confused:


my japanese bf kasi di nya ako pinapayagan magsuot ng sexy clothes especially pag pupunta kami ng mall pero pag may nakita nman syang girl na wearing sexy clothes parang natutulala.
sabi ko nga sa kanya ako din mag wear ng sexy clothes para di na sya tingin sa iba nagalit bigla:confused: " sabi nya sa akin natural instinct daw ng lalaki yon pero pag gf daw nila ayaw nila na ganon ang suot kasi mukha daw cheap".

share nyo naman po opinion nyo...i would love to hear ur comments...

infinite_trial
11-06-2007, 04:37 PM
syempre pag sa iba...gusto nilang makita...pag gf nila...ipagdadamot syempre :hihi:

thermometer
11-06-2007, 04:41 PM
hehehe same reaction po sa BF mo ..yon din gagawin namin.:D

kakkoii_daw
11-06-2007, 04:43 PM
you cant blame those girls, maybe they are still on the 'lookout'... while for some who already have theirs, they lessen their sexiness coz for their special someone anything u wear can be sexy... :bite: :D

sarpon
11-06-2007, 04:46 PM
ang kay juan ay kay juan... ang kay pedro kay juan pa rin.:D

kahit naman sino tyak same din ang reaksyon unless di mo labs yung gf mo..

docomo
11-06-2007, 04:46 PM
sa akin ok lang sa gerlprend ko kahit mag sexy outfit sya .. pabor sa akin :nuts: :p .. hindi confident ang boyfriend mo baka daw ipagpalit mo daw kase pag may nag pa cute sa yo :D

liong
11-06-2007, 04:51 PM
sa akin ok lang sa gerlprend ko kahit mag sexy outfit sya ..
yan.. ganyan dapat share your blessings (to me)...:D :p toink toink!:D

thermometer
11-06-2007, 04:53 PM
sabi ko na eh.. tama yong Boto ko sa kabilang thread Thread (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=151 61) :D

sa akin ok lang sa gerlprend ko kahit mag sexy outfit sya .. pabor sa akin :nuts: :p .. hindi confident ang boyfriend mo baka daw ipagpalit mo daw kase pag may nag pa cute sa yo :D

infinite_trial
11-06-2007, 04:54 PM
sa akin ok lang sa gerlprend ko kahit mag sexy outfit sya .. pabor sa akin :nuts: :p .. hindi confident ang boyfriend mo baka daw ipagpalit mo daw kase pag may nag pa cute sa yo :D

e di papasa pala ako sayo :p
*mapupukpok ako neto ng mga nagpapantasya kay doc*

kakkoii_daw
11-06-2007, 04:56 PM
^swerte naman ng gelprend ni docomo... meron pa ren freedom... free as in free rum! :D

KikoyBalayon
11-06-2007, 04:59 PM
uu nga eh.. ganun dun ata manamit si IT.. nakakatulala.. hehehe.. pero baka similar situation din yung BF mo.. naku lagot ako hehe..

infinite_trial
11-06-2007, 05:07 PM
uu nga eh.. ganun dun ata manamit si IT.. nakakatulala.. hehehe.. pero baka similar situation din yung BF mo.. naku lagot ako hehe..

huh bf ko ba sinasabi mo? hehehe...
bihira naman ako magsuot ng ganun e...pag summer lang. mainit kasi saka mas comfortable. minsan ayaw nya magsusuot ako ng miniskirt pag di nya ko kasama. pag kasama nya ko okay lang daw hehe...

kaya ayun nung magkasama kami sa pinas, natatawa kami pareho sa mga natingin...nakakataw a lang reaksyon nung ibang lalaki. di pa man kami nakakaliko ng kanto, nakabaling na yung leeg nila :biglaugh:

kakkoii_daw
11-06-2007, 05:33 PM
nakabaling na yung leeg nila :biglaugh:

naka-sailor suit ka ba, kaya madami nalingon sau? hehe :D

infinite_trial
11-06-2007, 05:52 PM
naka-sailor suit ka ba, kaya madami nalingon sau? hehe :D

di naman :p

KikoyBalayon
11-06-2007, 06:22 PM
huh bf ko ba sinasabi mo? hehehe...
bihira naman ako magsuot ng ganun e...pag summer lang. mainit kasi saka mas comfortable. minsan ayaw nya magsusuot ako ng miniskirt pag di nya ko kasama. pag kasama nya ko okay lang daw hehe...

kaya ayun nung magkasama kami sa pinas, natatawa kami pareho sa mga natingin...nakakataw a lang reaksyon nung ibang lalaki. di pa man kami nakakaliko ng kanto, nakabaling na yung leeg nila :biglaugh:
kawawang mga nilalang.. bad ka IT.. :biglaugh:

Hensoldt
11-06-2007, 06:44 PM
share nyo naman po opinion nyo...i would love to hear ur comments...

Kung mahal ko yung girl, siyempre mas gugustuhin kong huwag siyang manamit nang mapangahas na damit, but I would still respect whatever she wants to wear. Yun nga lang kapag may mambabastos sa kanya, hindi ko pwedeng basta na lang palampasin ang mga lintek.

Depende rin siguro sa lugar na pupuntahan kung appropriate ba yung ganoong outfit.
Kung sa dance club pupunta, edi OK lang yung medyo revealing clothes. Huwag naman yung sinulid na lang. :eek:

kawaii5322
11-06-2007, 06:49 PM
salamat for sa quick respond

alam nyo po ba sabi ng bf ko " u can be sexy without showing too much skin" before di ko pa po masyadong naiintindihan ang imi nya. but now alam ko na. before i used to wear too sexy clothes shoganai may pagka fashionista po kasi ako and i believed may K naman ako to wear sexy clothes.

kaso naiinis ako sa mga nakakasalubong ko feeling ko nababastos ako kaya nag yameta ako. now i still wear sexy clothes kaso decent and elegant na.

my friend told me na masyado raw provocative clothes ko still remember when i went to the gym wearing a tight leggings and top pagbaba ko ng car yung mga nasa jeep and drivers nagpipitpitan hehehe sabi ng friend ko kaya daw nagkakaroon ng accident sa lugar namin because of me opppssss.... di po sa akin galing yan tomodatchi uwaremashita.

@ IT san

delikado pala tayo magsama mag bumper to bumper traffic sa dami ng fans natin hehehe.

@doc

ok ka pala maging bf ....

pero tingin ko dapat yung outfit mo ay depende sa occassion wala namang masama mag wear ng sexy at the right place like beach and inside the bedroom hehehe

pag nasa labas dapat siguro decent clothes para makaiwas sa mga bastos at rape...

summergirl
11-06-2007, 08:30 PM
Ok lang kung lalaki ako,kung bagay..Eh kung ang katawan naman parang si Dabiana..hahaha..Iku kulong ko sya sa loob ng dram..

summerghie
11-06-2007, 08:59 PM
there are some girls who can wear sexy clothes na di bastusin ang dating pero meron naman na even decent outfit na suot nila they still look cheap `coz of their attitude...so depende siguro kung how will you carry it. Saka depende parin sa BF mo kung siya yun type na he feel more gwapo kapag sexy kasama niya or he feel insecure kapag ikaw ang pinagtitinginan.

kawaii5322
11-06-2007, 09:17 PM
@ summerghie san

may point ka don kaso alam mo naman sa pinas medyo may nakita lang na skin kandaluwa na yung mata.

i guess naiinsecure yung kareshii ko especially pag may wakai no otoko na napatingin sa akin medyo toshi ue kasi sya sa akin.

@ summergirl san
tama ka don girl pag hugis drum dapat itago na lng yung di dapat makita haahha.

infinite_trial
11-06-2007, 09:33 PM
@ summerghie san

may point ka don kaso alam mo naman sa pinas medyo may nakita lang na skin kandaluwa na yung mata.


sa pinas naman kasi parang inosente e...parang nun lang nakakita ng legs or cleavage. syempre naman dapat medyo hindi bastusin ang dating. pero yung iba ang galing magdala.

KikoyBalayon
11-06-2007, 10:30 PM
tama po si IT mga kapatid.. nasa pagdala iyan.. :D

infinite_trial
11-06-2007, 11:43 PM
tama po si IT mga kapatid.. nasa pagdala iyan.. :D
honga...baka mamaya maitim naman kuyukot naka-low rise jeans pa :p

sky
11-07-2007, 08:46 AM
mga kapatid kong lalaki ayaw sa babaeng kulang na lang ibenta sarili sa istilo ng pananamit, titignan nga para husgahan ( kala mo mo ke popogi eh :eek: )

sabi pa yun mga babae daw na nag susuot ng sexy dress eh hindi daw tunay na sexy . dahil kung sexy ka kahit naka jeans and Tshirt ka lang or duster sexy talaga
hindi rin nila kami pinag susuot ng short pag lalabas. sabi pa kung talagang mahal mo kasama mo ,hindi ka mag susuot ng tawag pansin at maraming bastos na lalaking nagkalat. away ang kakalabasan. napapahamak ang kasama dahil sa suot na damit .

sabi pa doon ka na lang sa japan mag suot ng ganyan di pa namin nakikita at walang sumisipol doon .:D