PDA

View Full Version : Help!! My PC is not working!!

mariserg
11-08-2007, 10:46 PM
Halu to everyone.. Just want to ask help about my PC kasi po di ko sya mabuksan. The last time I used was when I tried to view the contents of an SD using a card reader and all of a sudden the monitor turned off but the CPU is still on. The LED of the screen indicates orange color instead of light green. I turned off and turned on again but still no picture in the monitor. I switched with my friend's monitor but still it doesn't work so obviously there's a problem about the CPU but unfortunately, I don'tknow what is it since I'm not really good at computer matters. Another friend of mine said that may be the problem is its hard disk so we changed the hard disk but still it doesn't work. Another suggestion is to add a video card since my cpu have only a built in video card. So then, the set up was the old hard disk with the new video card. My PC turned on but only for a moment tapos balik uli sa dati na walang picture at saka po tumutunog yung CPU, the system beeps something like warning? Please help me.. I really don't know what to do with my PC. MAraming salamat po sa mga makapagbigay ng advice and opinions.

g33k
11-08-2007, 11:18 PM
hullo mariserg!

welcome sa TF.

what does the beep indicates or sounds like? (a long beep and 3 short beeps)? kapag ito ang beep, may problema sa video card mo.

kapag naman 3 or 4 ba yun na short beep, ang problema is ram.

i suspect 4 items with regards to your problem.
1. video card problem
2. ram
3. processor
4. faulty power supply

try mo na lang mag-experiment/dirty jobs:
1. kapag meron kang 2 or more ram, subukan mong magtanggal ng isa at iboot ang unit. or i-test mo yung cpu mo ng iisang ram lang.
2. kung iisa lang ang ram mo, gumamit ka ng eraser, then smoothly apply some scratch on the memory's teeth (teeth nga ba yun:D)
3. kapag ganun pa rin, try to borrow some processor na compatible sa board mo, then plug it on your unit :D <--- medyo delikado ito:D

docomo
11-08-2007, 11:21 PM
dead na ang hard drive mo .. isa sa readers ng hard drive may damage na or talagang deads na :)

KikoyBalayon
11-08-2007, 11:22 PM
dead na ang hard drive mo :)

ayan.. positive thinking lang solusyon jan.. hehe

sarpon
11-08-2007, 11:27 PM
galing g33k.. kumpleto.:D tama sya marami ngang paossibility na sira pag ganyan.. me beep so buhay ang CPU (processor) & Mboard. malamang memory or yung power supply kaya bigla na lang namamatay.. kelangan na nyan si mang jose.. calling calling mang jose..:D b

sarpon
11-08-2007, 11:28 PM
dead na ang hard drive mo .. isa sa readers ng hard drive may damage na or talagang deads na :)

wala ng display so malamang hindi hdd..:)

docomo
11-08-2007, 11:42 PM
sana naman yang mga mang jose na yan eh hindi gawing pagkakakitaan ang TF ... ang goal ng TF tumulong .

@mariserg
check mo din baka may crack yang motherboard mo :)

thermometer
11-08-2007, 11:49 PM
Dude here are some trouble shooting tips.. ang computer puedeng ma ON kahit walang hard disk,.. so puede mo alisin ang hard disk.. magfocus ka muna to troubleshoot itong 3.. CPU , memory at yong Video Card. be sure na connected properly itong tatlo...

check mo po yong CPU kung nagiinit or umiikot ang FAN mo po..

bigay mo din sa amin ang model ng PC mo.. (custom build ba yan)

pakingan mo po yong beep..sabihn mo smin kung ilan ang beep at haba ng beep
yan po muna sa ngayon..

si mang jose ay lalabas.. pag i summon :D

sa ganitong hardware at hnde mo alam .. suggest magpa punta kapo ngme alam dyan sa bahay mo po

vectra1123
11-08-2007, 11:56 PM
marunong ka bang mag bukas ng pc? Yung cpu unit?

Bibigyan kita ng isang paraan ng trouble shooting magic sa mga ganyang hindi nag boboot na system na may kasamang beeping sound. Tignan mo yung motherboard mo kung may jumper setting para sa "CLEAR CMOS DATA".Usually 3 pin yun na may kulay itim na cap.May number 123.Kung sa 1at 2 nakalagay yung cap ilipat mo sa 2at 3 mga ilang segundo ibalik mo sa dati. Siguraduhin mong naka bunot yung saksakan sa main outlet ha!

Then re boot ka! Pag ayaw pa rin sa next step naman tayo mamaya!:

Isa sa sintomas na duon muna ginagawa ang trouble shooting yung black lang ang screen at may ilaw ang CPU pero may tumutunog na buzzer!

infinite_trial
11-09-2007, 12:06 AM
usually may beep codes ang PC so post the model of your PC para mas kumpleto na. nasabi na nila lahat ang pwedeng steps hehe...kung DELL PC mo meron din itong LED codes sa likod ng CPU/tower.

KikoyBalayon
11-09-2007, 12:57 AM
paano kung tunog jingle bells yung beep tone? normal ba yun? :hihi:

kakkoii_daw
11-09-2007, 08:50 AM
hello marizerg,
una tanggalin mo lahat ng components, since built in naman video card mo, iwan mo lang cpu at memory, 1 memory muna ipasok mo dim1/dim2. like what the previous posts said, pay attention to the beep. its either your memory or the built in video card is the problem.
post mo na lang dito yung beep sound, so we can analyze the frequency... :D

@kiks, asteeg naman ng pc mo, may ringtone. pwede ba polytone jan? :hihi:

itchay
11-09-2007, 09:40 AM
kumusta na kaya pc ni mariserg?
ayos na kaya?

yung pc ni kiks, meron din kaya manner mode yun?:confused:

thermometer
11-09-2007, 01:18 PM
Problema lang baka Polyphonic na yong tunog ng beep code ng machine
dati kasi 8 bit lang :D

mariserg
11-09-2007, 09:54 PM
Hello!! Maraming-maraming salamat sa mga tips na share nyo..ang babait nyo. As of now hindi ko pa naisagawa mga possible solutions na share nyo. Ngayon ko lang po uli check mail ko kasi nakikisingit lang me dito sa PC ng kapitbahay ko. Gagawin ko po mga suggestions nyo. Maayos man o hindi ay nagpapasalamat ako. About the beep sound, steady lang nman yun at hindi nagbabago. HAbang naka-on ang CPU ay tumutuonog din sya. Sana nga jingle bells ang tunog nun noh? para masaya...:confused:
Sige po...inform ko na lang kau kung mabubuhay ko iyong PC ko...:(
Doumo arigatou gozaimashita...:)

g33k
11-09-2007, 10:06 PM
Eto beep codes and description baka makatulong:

No Beeps - No Power, Loose Card, or Short.
1 Short Beep - Normal POST, computer is ok. No problem
2 Short Beep - POST error, review screen for error code.
Continuous Beep - No Power, Loose Card, or Short.
Repeating Short Beep - No Power, Loose Card, or Short.
One Long and one Short Beep - Motherboard issue.
One Long and Two Short Beeps - Video (Mono/CGA Display Circuitry) issue.
One Long and Three Short Beeps - Video (EGA) Display Circuitry.
Three Long Beeps - Keyboard / Keyboard card error.
One Beep, Blank or Incorrect Display - Video Display Circuitry.
base sa information mo, continuous beep, meaning may problema sa Power, Loose Card, or Shorted. so i suggest, baklasin mo lahat ng card/cable na nakaconnect sa board mo. konting linis, then balik mo ulit. ;)

check this information from the net about continuous beep:

http://www.computerhope.com/issues/ch000607.htm

good luck po ;)

mariserg
11-11-2007, 10:58 PM
Halu to everyone!!!!!!!!!!!! Ok na po ito PC ko... nakakatuwa nman kc parang nag-aral na rin ako sa trouble shooting at ang saya ng pakiramdam lalo na pag ok ang resulta!! And of course I did it through your help!! Kokoro kara hontoni arigatou gozaimashita!!!!

g33k
11-11-2007, 11:02 PM
good job ;)

infinite_trial
11-11-2007, 11:06 PM
uy mariserg, curious lang..nu yung solution na ginawa mo?

mariserg
11-11-2007, 11:35 PM
uy mariserg, curious lang..nu yung solution na ginawa mo?

I checked the memory, loose nga sya then fix it till properly seated. Yun pala yong cause nung beep sound. Pero nung i-ON k ang PC, nwala nga ung tunog pero wala p rin picture sa monitor, so off ko uli tapos kunting kalikot sa mga wires at yung jumper..saka ko balik uli sa dati nilang connections. On k uli at natuwa na ako kc nag appear ang BIOS set up..I pressed F2 to continue at OK na..:) Sana tuloy tuloy na..bka bkas uli na ON ko ay wla uli.:(

vectra1123
11-12-2007, 06:47 AM

HE!HE! good job!

Teka anong jumper ginalaw mo? yun bang sinabi ko sa iyo?:confused:

mariserg
11-12-2007, 10:27 PM
HE!HE! good job!

Teka anong jumper ginalaw mo? yun bang sinabi ko sa iyo?:confused:

yup!! ang kulay nung cap is blue...ang galing nyo nman sa troubleshooting..ok na itong PC ko..ito na ngayon ang ginagamit ko...maraming salamat ha...:)

vectra1123
11-12-2007, 10:39 PM
yup!! ang kulay nung cap is blue...ang galing nyo nman sa troubleshooting..ok na itong PC ko..ito na ngayon ang ginagamit ko...maraming salamat ha...:)
Walang anuman po! Nakatipid ka ng isang lapad sa service fee ko at kay mang Jose!HA!HA!:)

mariserg
11-12-2007, 10:50 PM
Walang anuman po! Nakatipid ka ng isang lapad sa service fee ko at kay mang Jose!HA!HA!:)

Hehe tama k dyan...na-save tlga ako sa service fee!!!:p Buti na lng andyan kau..:D

vectra1123
11-12-2007, 11:12 PM
Ganito kasi yan kwento ko sa iyo tsaka para may idea rin ang iba sa pag repair ng pc nila,sensya na sa paliwanag kasi mahina ako sa pag type kasi hindi ako sa linya ng programming.

1.sa motherboard may built-in na po yun na software para patakbuhin nya ang system,yun po yung BIOS.
2.Para mag boot po ang isang system dapat nasa default value po ang setting mo sa bios. 2 parts po ang pinakaimportante dyan,yung sa setting ng cpu/clock speed/fsb at yung sa memory clock "RAM" dapat laging ayos ang mga ito or proportional sa kanilang dalawa kapag may mali po dito, mag be beep po ang inyong computer.Katulad nga ng nangyari sa pc mo, may power,may beepping sound pero walang power or black lang ang screen.Pansinin mo hindi mo makita ang post bios set-up menu kasi may error sya. Dahil sa pagkakatanggal ng memory nag bago ang setting at kailangan maibalik sa default or yung factory setting na gumagana.
3.Hindi ka makapasok sa bios set-up kaya ang gagawin mo duon sa jumper mo irereset! Kaya kita mo pati date,oras bumalik sa dati!:)

mariserg
11-12-2007, 11:24 PM

Ah..ok. gets ko na. Ganun pala yun...Hmmm nakakaexcite nman ang trouleshooting.. Additional knowledge talaga ito sakin..

g33k
11-12-2007, 11:26 PM
dagdag pa po sa troubleshooting:
-make sure na walang loose cards. and gaya nung binigay ko na beep codes, malalaman mo kung saan ang problema. ;)

-sa advance troubleshooting naman kapag madalas mag-restart ang pc nyo, check nyo kung may putok na capacitor o bumukol na yung top nito. maari mo itong palitan ng kaparehong capacitance. ingat lang sa pagsolder baka may mashort kang connection ;)

Frian
11-14-2007, 04:36 PM
One other thing po. ingat din sa internet surfing coz may mga spyware,malware or viruses n kayang sirain ang Hard drive ngayon. so to be safe mag back up ka ng important files mo. malalaman mo yan kapag tumatagal or patagal ng patagal ang boot time mo. gaya ng nangyari sa akin dati. Yung boot time ko mga 30 secs lang load na lahat. then naging 1min,10min and then 15mins..ayun sira hard disk ko..lahat mp3s movies..nawala na parang bula..:( kahit mcafee antivirus alang nagawa..

mariserg
11-14-2007, 08:53 PM
dagdag pa po sa troubleshooting:
-make sure na walang loose cards. and gaya nung binigay ko na beep codes, malalaman mo kung saan ang problema. ;)

-sa advance troubleshooting naman kapag madalas mag-restart ang pc nyo, check nyo kung may putok na capacitor o bumukol na yung top nito. maari mo itong palitan ng kaparehong capacitance. ingat lang sa pagsolder baka may mashort kang connection ;)

Ok..thank you very much for the additional info...I can see that you're really an expert about computer matters and how nice of you to share that knowledge to those unknowledgeable like me.:) Keep goin'... Godbless.:wavey:

mariserg
11-14-2007, 09:00 PM
One other thing po. ingat din sa internet surfing coz may mga spyware,malware or viruses n kayang sirain ang Hard drive ngayon. so to be safe mag back up ka ng important files mo. malalaman mo yan kapag tumatagal or patagal ng patagal ang boot time mo. gaya ng nangyari sa akin dati. Yung boot time ko mga 30 secs lang load na lahat. then naging 1min,10min and then 15mins..ayun sira hard disk ko..lahat mp3s movies..nawala na parang bula..:( kahit mcafee antivirus alang nagawa..

Hello!!! Yeah..virus. lagi rin nagha-hang ang PC ko before at ang dami pop-ups na hindi nman pinipindot ay kusang nag-oopen. Scan namin at buti na lang nawala din. Anyway, maraming salamat ha.