PDA

View Full Version : Apelyido ng Pinoy saan daw ba nanggaling?


vectra1123
11-11-2007, 01:52 AM
Hey guys! Nakakatawang tanong pero hindi ko masagot, sabi sa akin ng anak ng friend ko bakit ba raw may apelyido ang mga tao? Halimbawa sa pinoy,saan daw ba nanggaling yun? Sagot ko HE!HE! Di ko alam ,tanong ko muna!:)

sasuke
11-11-2007, 01:59 AM
Hey guys! Nakakatawang tanong pero hindi ko masagot, sabi sa akin ng anak ng friend ko bakit ba raw may apelyido ang mga tao? Halimbawa sa pinoy,saan daw ba nanggaling yun? Sagot ko HE!HE! Di ko alam ,tanong ko muna!:)

hi po!oo nga anoh hehe..pero dipo ba nung under tau sa pananakop ng mga kastila binigyan nila mga pinoy ng mga apelyido na kahalintulad ng sa kanila?:)

nikkichibi
11-11-2007, 12:10 PM
uu nga saan ba galing ang apelyido natin :confused:
pero parang mas marami ang apelyido natin na galing sa mga kastila :)

Autumn
11-11-2007, 07:15 PM
Saan nga kaya .pero bago pa dumating mga kastila may apelyido na mga Filipino.

like ........maugat .mabantog . kung tutuusin ke aantot ng tunog ng apelyido ng filipino kaya lang gumanda noon pinapili at binago ng mga kastila

la_tina512
11-11-2007, 07:23 PM
Very interesting subject. At tutal din naman nandito na tayo magkahalungkatan na po tayo ng mga family names at baka ilan sa atin eh magkakamag-anak pala. Call po ba tayong lahat. Wala naman pong dapat itago siguro pareho ko. Pero yong ayaw naman eh okay lang. Umpisahan ko na.

Sa father side ko ang middle initial nya Modesto. Tapos ang mother ko naman Perido pero hate ko family name nya na syang dala-dala ko as middle name ko nong dalaga. Ang bantot kasi :p tapos lagi akong kinakantyawan ng mga classmates ko. Alam po ba nyo kung ano? Gubat.... :D

San nga kaya galing mga apelyido nila na naging apelyido rin natin?

osca
11-11-2007, 07:28 PM
hinalukay ko memorya ko...

nahihirapan daw mga Kastila sa mga pangalan or apelyido ng mga Pinoy
pagdating sa bayaran ng buwis
kaya pinalitan nila ng mga Kastilang pangalan or apelyido.
oh di ba, bayad ka na, pinakialaman ka pa!

(no offense sa mga Kastilaloy dyan)

ANGELIKA22
11-11-2007, 09:52 PM
sa pagkakaalala ko sa pinag-aralan namen nung highschool, si governor narciso claveria ang nag-utos na baguhin ang mga apelyido ng mga pilipino... read here (http://www.bibingka.com/names/)

baby21
11-12-2007, 12:01 AM
sa apelyido ng ninuno ng mga ninuno ntin..heheheh ang gulo:confused: :D at sa mga ninuno na nkapag asawa ng high bread kaya sosyal ung apelyido ng iba...

joeblack
11-12-2007, 04:39 AM
Sa pagkakaalam ko ang mga apelyedo natin ay nagsimula ng ipinag utos ng gobernador heneral ng espanya ang Hispanization kung saan kailangang palitan ang mga apelyedo ng mga pilipino ng apelyedong kastila dahil mahirap bigkasin ang mga Pilipinong apelyedo/pangalan...


sa apelyido ng ninuno ng mga ninuno ntin..heheheh ang gulo:confused: :D at sa mga ninuno na nkapag asawa ng high bread kaya sosyal ung apelyido ng iba...