PDA

View Full Version : PARTNER MO ME KARELASYONG IBA ... ANO ANG GAGAWIN MO?


skyteam
11-11-2007, 02:31 AM
kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya

simplymystic
11-11-2007, 02:34 AM
ha ha ha ! mutsukashii na shitsumon da na....di ko pa na experience yan eh ! hintay tayo ng reply sa iba...::rolleyes:

shiawase
11-11-2007, 02:39 AM
Pag nagtwo-time ang isang tao, either siya ang mali or ikaw ang may pagkukulang... Para sa akin, once na niloko na ako, i can't afford pa na patawarin siya dahil ibig sabihin lang non, hindi na niya ako nirerespeto.

louvette_15
11-11-2007, 02:54 AM
sa pagkakilala ko sa asawa ko, hindi ko ma-imagine ang gnun. kaya sakali mang mangyari ang ganyan, malamang na out-of-love na sya sakin at yon lng ang napakabigat na dahilan para makagawa si hubby ng ganyan..ang gagawin ko? kakausapin ko sya (mahinahon po kc ako sa personal kahit galit ako) ng masinsinan, ipakita ko ebidensya na niloloko nya ako at tatanungin kung bakit...unless hindi ko nasaksihan na magkasiping sila ay may benefit of doubts pa rin db? so, alamin ko kung totoo then bakit nagawa nya sakin...after that, tanong ko sa kanya anong gusto nyang mangyari kasi magiging lalong unfair sakin kung patuloy nya akong lulukuhin at paasahing mahal nya pa rin ako. just like in the past, maybe i will cry a day or even a week for that and move on with my life..never akong naging dependent kaya hindi ako natatakot mag isa uli..if humingi ng sorry, patatawarin ko pero not pag may second time around pa, siguradong sasabog ang japan sa galit ko!!!hehehe...

listen
11-11-2007, 03:23 AM
well,,masakit yan mga mare ko...pero anu nga kaya.............nag ..isip tuloy ako...ayaw ko mangyari sa akin yan bka makalimut ako...at anu magawa ko sa kanya.....hayyyyyyyy yyyyyyyy...........s iguro ang gagawin ko mag isip muna at tanungin ang sarili ko kung bakit bka kasi nsa akin ang diperensya..pro kung wala akong mahanap na kakulangan ko ayy naku matakot sya at bka magsisi sya sa mangyari sa kanya..hanggat may sakit akong nararamdaman sa kanya dahil sa ginawa nya never kong ibibigay ang patawad ko...magdusa sya.....khit pa hihingi sya ng tawad...wlang ganun dahil nagkasala sya...ok lang pachinko gurai.......douzo:)

shakey
11-11-2007, 05:01 AM
uy na experienced ko na po ito...yung hubby ko ngayon nung dating bf ko pa lang sya di ko alam na 2 pala kami sa buhay nya:O nung una sa sobrang mahal ko sya at ayaw kong mawala sya payag na akong 2 kami..kaso lang nung una lang pala yun kasi ang totoo di ko pala kaya may kaagaw!!kaya nag decide ako papiliin sya,SYA BA O AKO:D buti na lang ako pinili nya!

summergirl
11-11-2007, 07:09 AM
Depende siguro iyon...Kung willing syang patawarin,at talagang nag-bago na..why not..Pero kung gagawa sya ulit..Ang saya nya naman.

bonbon'79
11-11-2007, 09:03 AM
Sa akin, ok lang. :D Basta ba eh, pag-usapan muna namin kung bakit nagkaganoon. Kung sino ang may pagkukulang. Bakit nagkamali? Kahit di siya hihingi ng tawad, patatawarin ko pa rin siya. Pero huwag siyang umasa na ibabalik ko pa ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya noon. Pwede siyang bumisita ng bahay namin. Pwede niyang ipasyal ang mga bata. Kung anuman yung ginawa niya sa akin, respetuhan na lang ng opinyon yun.:cool:

aki^-^
11-11-2007, 12:34 PM
kung nalaman kong may karelasyon asawa ko? baka maputulan ko sya... :mad: di ko alam kung ano magagawa ko... iniisip ko pa lang... kumukulo na dugo ko:mad:

aj_4983
11-11-2007, 12:42 PM
kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya

If ever...ewan
hard to answer this kc di ko pa na-experienced.

may_abe
11-11-2007, 12:43 PM
http://sp1.mm-a10.yimg.com/image/264025878 (http://images.search.yahoo. com/search/images/view?back=http%3A%2F %2Fimages.search.yah oo.com%2Fsearch%2Fim ages%3Fp%3Dpicture%2 Bfuneral%2Bparlor%26 y%3DSearch%26ei%3DUT F-8%26fr%3Dslv8-msgr%26x%3Dwrt%26js% 3D1%26ni%3D20&w=500&h=335&imgurl=static.flickr .com%2F1409%2F740930 248_989fd5b9e5_m.jpg&rurl=http%3A%2F%2Fww w.flickr.com%2Fphoto s%2Fjodymiller%2F740 930248%2F&size=112.9kB&name=740930248_989fd 5b9e5.jpg&p=picture+funeral+pa rlor&type=jpeg&no=1&tt=1,040&oid=fcf808229df3302c&fusr=jody9&tit=bodie+funeral+pa rlor&hurl=http%3A%2F%2Fww w.flickr.com%2Fphoto s%2Fjodymiller%2F&ei=UTF-8&src=p)kabaong ang katapat nila. Pagnagkataon:D

aj_4983
11-11-2007, 12:47 PM
http://sp1.mm-a10.yimg.com/image/264025878 (http://images.search.yahoo. com/search/images/view?back=http%3A%2F %2Fimages.search.yah oo.com%2Fsearch%2Fim ages%3Fp%3Dpicture%2 Bfuneral%2Bparlor%26 y%3DSearch%26ei%3DUT F-8%26fr%3Dslv8-msgr%26x%3Dwrt%26js% 3D1%26ni%3D20&w=500&h=335&imgurl=static.flickr .com%2F1409%2F740930 248_989fd5b9e5_m.jpg&rurl=http%3A%2F%2Fww w.flickr.com%2Fphoto s%2Fjodymiller%2F740 930248%2F&size=112.9kB&name=740930248_989fd 5b9e5.jpg&p=picture+funeral+pa rlor&type=jpeg&no=1&tt=1,040&oid=fcf808229df3302c&fusr=jody9&tit=bodie+funeral+pa rlor&hurl=http%3A%2F%2Fww w.flickr.com%2Fphoto s%2Fjodymiller%2F&ei=UTF-8&src=p)kabaong ang katapat nila. Pagnagkataon:D

hahaha...sadista ka pala...

la_tina512
11-11-2007, 12:49 PM
Naranasan ko na at ito ang ginawa ko. Hindi ko sinabi na may alam ako pero spy to death ako. Para akong James Bond 007 na nakaabang isang gabi sa kanto ng subdivision ng makita kong dumaan sasakyan nya para ako ng taxi at sinundan ko. Nagulat silang dalawa ng makita ako sa garahe ng drive-inn. Wala lang.. Nagpakita lang ako sa kanila para wala na silang maikaila. Ang babaeng makapal ang mukha kapatid ng tropa namin. Pag-uwi ko ng bahay sinunog ko yong spare tire ng sasakyan na bagong bili nya sa gitna ng kalye ng subdivision, isinabay ko lahat ng mga damit nya sa sinunog ko. Mahihiya ang bonfire at wala akong pakialam. Don natapos ang relasyon namin. Masakit para sa akin o kahit na siguro kahit na kaninong babae na ibinigay mo lahat sa lalakeng mahal mo tapos lolokohin ka lang pala. Walang paliwanagan, walang usapan. Para ano pa sa nakita mong ebidensya?

@may_abe san

sistah, atta girl!! kung inabot sya ng ice-pick ko nasa ganyan siyang kalagayan ngayon. :roll:

hacaya
11-11-2007, 12:55 PM
ayoko pong isispin na mangyayari yon sa aming mag-asawa...siguro kung hindi na namin mahal ang isa't isa mas maganda yung pag-usapan muna!!!

may_abe
11-11-2007, 01:02 PM
@ hacaya naku ang taong ipinanganak na manloloko at babaero hindi na magbabago yan..ako walang usapan. Para walang problema mas matitiis ko pang patay na kung patay.

@Miss La_tina Ok yan:D atleast panalo ka.

@Aj hehehe masama lang ako magalit basta involve security at feelings for my kids. Matitiis ko kahit ano..basta huwag lang ako ipagpalit sa iba. :rolleyes:

Tarena314
11-11-2007, 01:17 PM
Naku..,! denjeruzz yan..,:( hindi ko masabi kung ano ang magiging reaksyon ko kung sakaling maghanap ng iba si hubby ko....,huwag naman sana.......:(

hacaya
11-11-2007, 01:20 PM
may_abe-san what i mean is before sya magbabae sabihin muna nya sakin:D pero ibang usapan na pag ginawa na nya at nahuli ko pa riot siguro..

proud me
11-11-2007, 01:24 PM
http://sp1.mm-a10.yimg.com/image/264025878 (http://images.search.yahoo. com/search/images/view?back=http%3A%2F %2Fimages.search.yah oo.com%2Fsearch%2Fim ages%3Fp%3Dpicture%2 Bfuneral%2Bparlor%26 y%3DSearch%26ei%3DUT F-8%26fr%3Dslv8-msgr%26x%3Dwrt%26js% 3D1%26ni%3D20&w=500&h=335&imgurl=static.flickr .com%2F1409%2F740930 248_989fd5b9e5_m.jpg&rurl=http%3A%2F%2Fww w.flickr.com%2Fphoto s%2Fjodymiller%2F740 930248%2F&size=112.9kB&name=740930248_989fd 5b9e5.jpg&p=picture+funeral+pa rlor&type=jpeg&no=1&tt=1,040&oid=fcf808229df3302c&fusr=jody9&tit=bodie+funeral+pa rlor&hurl=http%3A%2F%2Fww w.flickr.com%2Fphoto s%2Fjodymiller%2F&ei=UTF-8&src=p)kabaong ang katapat nila. Pagnagkataon:D patawa lang...hahahah!~~~~b ang klase ka pala!:eek: :D

alamagawa
11-11-2007, 01:26 PM
edi makikirelasyon din sa karelasyon nya.......the more the merrier daw eh....hahaha

joke lang syempre iiyak, magagalet, tapos rikon, pag ayaw pumayag ng rikon, alis na lang ako iwanan ko na lang sya, ayoko kasi ng sakit ng ulo eh........:brush:

elyurika
11-11-2007, 01:33 PM
kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya


if ever.....ewan ko rin kung hindi ko na siya mahal baka sakaling matuwa pa'ko ,,ewan ko rin kasi hindi ko pa nararanasan(huwag naman sana !) at baka magrambo ako1as in rambo 4!!!!hehehe.......o baka tulian ko siya!!!!!:D

la_tina512
11-11-2007, 01:40 PM
if ever.....ewan ko rin kung hindi ko na siya mahal baka sakaling matuwa pa'ko ,,ewan ko rin kasi hindi ko pa nararanasan(huwag naman sana !) at baka magrambo ako1as in rambo 4!!!!hehehe.......o baka tulian ko siya!!!!!:D

hahahha! natawa naman ako don sa naka-bold letters.. :D kung sa akin naman sa ngayon mangyari hindi lang t**i gagawin ko, tuluyan ko ng puputulin para walang makinabang. :p

elyurika
11-11-2007, 01:45 PM
hahahha! natawa naman ako don sa naka-bold letters.. :D kung sa akin naman sa ngayon mangyari hindi lang t**i gagawin ko, tuluyan ko ng puputulin para walang makinabang. :p


oo nga sis!baka mas grabe pa magawa ko,kesa tulian ko sya.....putollllll!! !!!!!

docomo
11-12-2007, 11:54 AM
kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya

Depends on the situation .. there are some valid points that I should take into consideration before trusting the person again .

Trusting someone is a big step.
If I trust and it seems like I want to be with this person, why not? I'll never know if its worth it if I don't try.. and I have to learn to trust myself, that comes with life. If I never try something because I'm afraid of the consequences I'll get no where. I know I am scared to be heartbroken, but so is everyone else.. and sooner or later I have to step out into the real world.. everything isn't always perfect :)

sky
11-12-2007, 12:52 PM
kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya

pababayaan ko sya kung ano gusto nya. kahit mag harakiri pa sya dyan ok lang kung si kameda nga hindi nagawa sya pa kaya eii :confused:

anu yon tinatakot ka pa para lang patawarin sya. pakamatay na lang sya :mad:

yun mamahalin pa sya ewan lang .depende sa kung paano mag react puso ko.

katheyrine
11-12-2007, 01:24 PM
ako hindi ko pa nae-experience na naloko ng asawa ko o kahit nang mga nauna kong nobyo.
PERO lumaki ako na ang tatay ko eh BABAERO! as in ilang beses nahuhuli pero pukpukin mo man ang itlog eh hindi pa rin naamin, na halos ika-sira ng pamilya namin. pero matatag ang nanay ko kaya buo pa rin kami. patawad, patawad, tiis, tiis...kita ko lahat luha at sakit ni mama ko. Kaya lumaki akong may takot sa ganoong sitwasyon na malaman kong may karelasyon asawa ko. yun lang lagi kong dinarasal na sana eh wag nya akong lolokohin...para ring pinatay na nya pagmamahal ko kung magkaganon man...

sa akin walang kapatawaran yun..

chokulit
11-12-2007, 02:46 PM
kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya

Patatawarin ko sya...kung patatawarin din nya ako hehehe~~~:D

KikoyBalayon
11-12-2007, 02:49 PM
Patatawarin ko sya...kung patatawarin din nya ako hehehe~~~:D

masaya to araw araw labanang pacquiao - barrera.. pang box office.. hehe

chokulit
11-12-2007, 02:52 PM
masaya to araw araw labanang pacquiao - barrera.. pang box office.. hehe

O di ba para happy, kesa naman umiyak ako ng umiyak at magbikti hehehe:D

docomo
11-12-2007, 02:57 PM
Patatawarin ko sya...kung patatawarin din nya ako hehehe~~~:D

wahahaha ang kulet!!! :p

naughtymeeh
11-12-2007, 02:58 PM
O di ba para happy, kesa naman umiyak ako ng umiyak at magbikti hehehe:D

:D oisst!!! huli kayo...oo nga chokulit....wag mag sayang ng luha....:p forgive @ forget:eek:

chokulit
11-12-2007, 03:01 PM
wahahaha ang kulet!!! :p
pagbigyan mo na pa ako doc:D ganado lang ako ngayon hehe:D

:D oisst!!! huli kayo...oo nga chokulit....wag mag sayang ng luha....:p forgive @ forget:eek:

yeah forgive ko na ginawa nya at forget ko na rin ang feelings ko sa kanya nyehehehe:D

naughtymeeh
11-12-2007, 03:16 PM
:D meeh...puputulin koh!...........grrrr ...uuuu...ung....ung ....yun....alam nyo na.:p ..relasyon ko sa kanya....hehehehe... .:D

jacid
11-12-2007, 10:49 PM
helo po, makikisali na rin po ako.
sa akin kapag nalaman kong meron syang karelasyong iba, tapos na rin ang pagsasama namin..wala ng usap usap hiwalayan na agad dahil lagi kong sinasabi sa asawa ko until now na kapag ginawa nya yan sa akin ganun lang ang katapat, di na kailangan ang paliwanagan dahil simula pa lang bago nya gawin alam na nya ang magiging sagot sa mga ginawa nya kaya wala ng 2nd chance..

honey
11-13-2007, 11:45 AM
Ibibigay ko partner ko dun sa karelsyon nya:D.Ako nga pinagpalit e yun pa kayang ipinalit sa akin:biglaugh:.Hindi kasi ako yung tipo na pinagpipilitan ang sarili ko sa ayaw na sa akin.

mOtt_erU
11-15-2007, 06:26 PM
....syempre masakit yang ginawa niya....pero bibigyan ko siguro ng isa pang chance...
pero kailangan patunayan niya na worth yung chance na binigay ko sa kanya, magbabago siya,at syempre hinding niya na uuwlitin....kahit may kasabihang pag ginawa ng once, eh may twice pa..hindi naman siguro lahat ganun.,.nasa pag-iisip ng tao yan.....kaya isang beses baka patawarin ko pa..pero depende pa din, kung nakipagrelasyon as in date date lang...pwede pa siguro...pero pag malalim na pinagsamahan nila..baka hindi na.....

baby21
11-16-2007, 03:28 PM
ako pag malaman ko n my karelasyon xa,putol kaligayahan nya...:D tpos ipreserve ko hahahahaha....tpos ibigay ko xa dun sa babae nya...:D

skyteam
07-12-2008, 03:40 AM
ano kaya gagawin nyo?

nicolelyk
07-15-2008, 10:15 PM
naku ang hirap nmn ng tanong mo kuya,napaisip tuloy ako:pano bang gagawin ko cguro bibigyan ko sya uli ng chance pero di na 100%ang ibibigay ko sa kanya na TRUST,saka ko uunti untiin na ilipat ung mga property nya sa akin,o kaya lahat ng income nya ako na hahawak para di na sya makapangbabae:D

shakey
07-15-2008, 10:29 PM
kung mahal ko talaga sya pag bibigyan ko pa sya ng last chance..pero sana ma prove nya sa akin na nag bago na sya.:D

titakoring
07-15-2008, 10:52 PM
sino ba ang dapat na tamang sumagot nito skyteam? un partner ko o ako mismo?...:D...pinagp apawisan ako sa tanong.teka lang isipin ko pa mabuti sagot ko...:D.balikan kita...:D...

torete_101
07-16-2008, 05:49 AM
mahirap pruwebahan kung di maaktuhan.. wag lang silang pahuhuli..

dequi_lu
07-16-2008, 04:26 PM
hahanap na lang din ako ng karelashon kong iba..ayoko nang balikan ang relashong hindi nia kayang panghawakan..aatupag in ko na lang buhay ko..at magpakaligaya sha babye..

rubyuki
07-17-2008, 04:11 PM
boyfriend ko dati, sya na dapat ang papakasalan ko, di ko alam wala pa pala silang closure ng x nya. magdedate sana kami nun , nang sabihin nya na nandoon si x sa kotse. eh di ako naman excited , nag hello lang ako at tahimik lang sya. nag bar kami then nag karaoke . nang malasing dun kaming tatlo sa apartment ni bf. ayon nag usap kami. sabi ko tanggap ko naman na dalawa kami. at pinapili ni x si bf. kung sino sa aming dalawa, ako ang pinili ni bf, naku nagwala si x nagkulong sa banyo, sabi ko kay bf, huwag mo kong intindihin ok lang ako. tapos yon lumabas din si x.

so patuloy pa rin ang relasyon namin. pero katagalan nagseselos na ako. kasi nagsasama sila uli , kasi si x nag aattempt mag suicide, tumalon ba naman from 2nd floor ng apartment ni bf, ayon nabaliian. tapos ng work ni bf umuuwi agad . nagkikita na lang kami pag day off ko, or day off nya, pero nagtatawagan naman palagi. anjan yong naglalasing ako, laklak ng gamot sa ubo, umiiyak, di makatulog, iniisip ko sila. pero pag umaga na excited na naman kasi tatawag na si bf at makikita ko uli sya. sa hotel kasi kami nagtatrabaho. manager sya sa disco, lounge at sa pool bar. minsan inaabangan ko sya sa room veranda namin. palabas sya ng exit papuntang staff house. ganun ako kaloka dati.

di ko nakayanan umuwi ako ng Pinas at nagpabook dito sa Japan . December nun kaya nabuo ko ang simbang gabi. pinanata ko na sana pag magka bf ako sya na ang magiging husband ko. so 3 timer ako dito, pinakilala sa akin si hubby.

about kay x bf, sila pa rin at may isang anak na lalaki 10 yrs. old na ngayon, happy si x sa naging buhay ko. at nag ee mail pa rin kami as friends na lang.

skyteam , pasensiya medyo nobela talaga....... OT .......... OT .............. :sweeties:

MARICON
07-18-2008, 01:33 PM
kapag ang karelasyon ko may mahal na iba siguro ako na lang magtitiis ,,,malamang mag-quit ako kasi ako yung taong ayaw ng may kaagaw... maghanap na lang ng bago at mamaghalin ka ng lubos at ikaw lang,,,hindi po ba?:)

titakoring
07-18-2008, 10:47 PM
matanong muna kita ikaw ano ginawa mo ng mahuli mo sya........:lol:.... .....

sa akin kasi nd pa naman umaabot sa ganitong sitwasyon....pag nag
kahiwalay kami.....ako ang nauunang magkaroon ng bagong karelasyon.....:lol:

nd ko din maimagine na mangyayari ito sa akin e......sakaling mangyari ito
natural magagalit ako........:grrr:... ....then......:cry:. .....tapos okey na ako........

nd ako un tipong maghahabol aawayin ko sila.......sigurista kasi ako at
mukhang KWARTA.......:hihi:. .......sa panahon ng kasama ko kung sino un....:nuts:
panay na ang hulog ko ng pera sa bank acct ko.....mahirap na baka nga mag
kaiwanan........ayok ong maiwan ng luhaan........:lol:





kung malaman mo na ang partner mo ay me karelasyong iba ... ano ang gagawin mo? mamahalin mo pa ba sya kung hihingi sya ng tawad at sasabihin nyang ikaw ang mahal nya or magharakiri na lang sya

rhenjhay06
07-19-2008, 07:40 PM
:) :)