PDA

View Full Version : Naranasan bang madukutan?


simplymystic
11-11-2007, 03:14 AM
Na experience ko na po kasi yan twice.Nung una nakasakay ako ng jeep papauwi galing trabaho sa .(dakilang sales lady po ako sa sm cubao noon) ,napaka init ng panahon itinaas ko yung buhok ko sandali ,kaso nung umandar yung jeep,may biglang humablot ng necklace ko sa likod ng bintana ng jeep .paglingon ko nakita ko yung taonghumablot tumatawid ng kalsada at nakangiti pa po...:mad:

2nd time naman ,galing pa rin uli ng trabaho pauwi ,kaso pila po at siksikan na sa pagsakay ,100 na nga lang laman nung wallet ko nadukot pa...buti na lang may natira pa kong baryang 10 piso sa bulsa ng bag ko sa awa po ng jos may naipamasahe pa ko pauwi..:(

3rd time ,last yr lang ,sa festival mall naman ,bumibili lang ako ng ticket para dun sa mga anak kong gustong sumakay sa ride,gigitgit ako nung maginang buntis kalong pa yung maliit nyang anak,aba nung nakabili na ko ng ticket bumalik ako dun sa pwesto ng mga anak ko,pagdukot ko sa bag ko butas na yung banadang baba,nadukot na po yung celphone ko motorola na kabibili ko lang 3 days ago pa lang....naku ! kakagigil po talaga:hellfire:

g33k
11-11-2007, 03:22 AM
mukhang mainit ka sa mata ng mandurukot :D

on topic:
di ko pa naman nararanasan makuhanan ng pera/bagay ng mga mandurukot. pero na-experience ko yung sitwasyon na yan sa baguio. minalas lang yung mandurukot dahil wala syang nakuha sa akin. alerto lang kasi ako at naramdaman kong may gumagalaw sa bagpack ko. nung paglingon ko sa likod, biglang tumakbo yung mandurukot. tamang hinala, nakabukas na yung zipper ng bag ko:hihi:

louvette_15
11-11-2007, 03:24 AM
nadukutan ako dyan sa overpass ng morayta. nadale ung kwintas na bigay ng exbf ko...na-shock ako kaya d nakasigaw agad.

then nadukotan nman ako ng wallet dyan sa quiapo..nalaman ko lng nasa jeep na ako kaya pinamasahian ako ng stranger...

na-snatch nman sa quiapo ung gucci watch ko na may iba-ibang kulay ung ring...hindi rin ako nakaimik nun.umiyak lang ako...kasi sinabihan na akong wag mag relo o mag alahas sa labas eh mayabang nga kaya ayon...sabi ng mom ko, magiging mitsa pa ng buhay ko yang paporma ko..

sharpener
11-11-2007, 03:36 AM
naalala ko tuloy
nung minsan naramdaman kong may gumagalaw ng backpack ko
pag lingon ko sabay sapok sa nguso ng mandurukot
kapal ng mukha mo ikako

gulat nya, sabay sapo sa nguso nya at mabilis na umalis
gulat din ako sa sarili ko kung bakit ko nagawa yun:D

shakey
11-11-2007, 04:38 AM
ako naranasan ko na pero di madukutan ,ang maiwan ng twice ang wallet ko sa loob ng taxi dito sa japan..nung una nag kol nalang pulis sa akin at pinakukuwa yung wallet ko sa koban,thanks sa wallet pero yung money wala na:D 2nd d same situation ang pag kakaiba nga lang after 10 mins na maiwan ko sa taxi wallet ko yung driver hinatid yung wallet ko sa bahay,kasi may alien card duon may nakasulat na address,thank ful ako kaso lang yung money wala ulit:D baka kinuwa daw ng next na okiaksan after me...bilis naman nun !

summergirl
11-11-2007, 07:20 AM
Hindi ako nadukutan,naholdap ako sa Dapitan ,pauwi galing sa school,Mga naka barong pa naman at BY..Nakuha sa akin lahat pwera lang ang anklet ko dahil di kita..May nakatutok sa leeg at tagiliranko..Katakot po..

serenityjil
11-11-2007, 08:13 AM
college ako nadukutan ako sa sa may underpass sa may manila city hall...
nalaman ko na lang nasa sm manila na ako...
binalikan ko pa nga kasama kong yung friend ko...
@ naabutan pa namin kaso nung magkatingianan takot yung naramdaman namin...
ang nakakatawa nga don eh kita din sa mandurukot na natakot din sya nung binalikan namin...
kaso mas natakot kami eh...

holdup grabe kakatakot talaga...
kaya ngayon para akong adik laging tamang hinala sa lahat ng nakakasalubong ko pag-ako lang mag-isa. baka kasi bulungan na lang ulit na "holdup 'to bigay mo bag mo" @ kahit sa jeep TH din ako baka may sumigaw nanaman sa estribo na "holdup 'to cellphone lang ang kailangan namin sabay tutok ng mahahabang kutsilyo"...

grabe dulot na takot sa akin ng mga ganyang pangyayari...
mangangatog kana lang after non...
tapos magiiwan pa ng takot sa dibdib...

kaya minsan para hindi naman masydong malungkot dahil sa mga bagay @ pera na nawala eh iniisip ko na lang eh "MUKHA PALA AKONG MAYAMAN (eh purita mirasol lang naman ako)" he he he... @ sabay sabi na goodluck sa kanila ma-enjoy sana nila yung mga kinuha nila sa akin... he he he... :D :D :D

la_tina512
11-11-2007, 08:22 AM
Nag-aayos ako ng papers ko papuntang Dubai umagang-umaga sa jeep. Ganda ng bihis ng lowla kasi office girl noong mga panahon na 'yon. Terno sapatos ko and bag at bagong bili pa naman siya. Kasabay ko friend ko at walang humpay ang chikahan namin (ano fa?!:p). May 2 lalake na nakasabit sa estribo maaayos mga bihis nila. May katabi akong lalake rin. Nakapatong sa lap ko ang bag ko. Pagbaba namin at may kukunin ako sa bag ko wala na wallet ko. Yong tagiliran ng bag ko hiwa na. Hindi ko naramdaman na habang daldalan kami hinihiwa na pala bag ko :mad:. Wala na si wallet. Sama ng loob ko pero pasalamat na rin ako at hindi tutok ang ginawa.

bonbon'79
11-11-2007, 08:45 AM
Muntik na akong madukutan noon. Sumakay ako ng jeep papuntang hospital (bf ko kasi noon na-ospital dahil sa aksidente). Sa left pocket ko, may Php. 20,000. Tapos yung sa right pocket ko, coins na Php. 20.00. Hehehe...:D Nakaupo kasi ako sa likuran ng driver. Tapos may sumakay rin na mama na may dalang malaking bag na animo'y nagta-travel at umupo sa tabi ko. After 10 minutes yata, may naramdaman akong parang may kumikiliti sa part ng aking right pocket. Medyo kasi fitting yung pantalon ko kaya naramdaman ko talaga yung kamay niya sa right pocket ko. Lumingon ako sa kanya tapos nahiya siguro at walang nakuha, bumaba siya. Tinanong ako ng driver kung may nakuha ba sa akin. Sabi ko, wala naman. Marami raw kasing naglipana na ganoong modus.

Minsan din, sumakay din ako ng jeep galing ng SM. Sa right pocket ko, may gift checks. Sa left pocket ko naman, may pera. Mabuti na lang kamo at nandoon yung security guard at nakilala siguro ng guard ang lalaki nung umakyat na siya sa jeep at umupo sa tabi ko. Sabi ng guard na pasigaw, "Yung mga bag, pitaka't bulsa ninyo, pakitingin-tingin lang po at baka may mawawala sa inyo." :D Mabuti na lang at bumaba yung lalaki na walang nakuha sa amin. Alerto lahat ng pasahero.

Ngayong magpa-Pasko na, maraming naglipana na namang modus. Sana sasakit ang tiyan nila pagkatapos ng noche buena... :mad:

may_abe
11-11-2007, 10:52 AM
:D Oo pero nagbago isip nung mandurukot sabi ko kase..naku pareho lang tayo ng trabaho..sabi nya o sige sa susunod magpatatoo daw ako sputnik gang.:eek:

mbenzlover
11-11-2007, 11:02 AM
Di pa!

k_e_n_k_a_y
11-11-2007, 11:17 AM
naranasan ko sa snatcher, sa quaipo. sa loob ng jeep, hinablot niya bracelet ko. pero nanlaban ako, sabi sa akin ng snatcher bitawan ko daw siya kundi sasaksakin niya ako. pero di ko siya pinakinggan, para kasing me nagbulong sa akin na sinasabi sa akin, wag mong bitawan, kaya mo yan. ginawa ng snatcher hinagis niya bracelet ko palabas ng bintana ng jeep. pero naharang sa balikat ko kaya sa loob pa rin ng jeep nalaglag yon bracelet. non ko lang binitawan yon snatcher. puno ang jeep non time na yon. ni isa walang tumulong sa akin. lahat sila nagbabaan. 4 lang kaming naiwan sa loob ng jeep. saka yon driver pala. naiintindihan ko sila. alam ko takot sila. pero ang nakakaasar, quiapo yon at palagi akong me nakikitang pulis, ni walang pulis na lumapit. tapos yon driver non bumaba na yon snatcher ayaw pa niyang tumakbo.

sinigawan ko nga yon driver, sabi ko patakbuhin na niya yon jeep kasi baka me kasama yon snatcher. non lang umalis yon jeep. pagdating ko ng bahay putlang-putla ako, non ko lang naisip na delikado yon ginawa ko. sabi ng mga kapatid ko sa akin wag ko na daw uulitin yon.

pero nasundan pa yon don sa me likod ng post office sa intramuros. sa jeep ulit. ang kamalasan naman ng snatcher na yon pagbaba niya sabay din ng pagbaba ng kamay ko kaya di niya nakuha yon bracelet ko. at natadyakan ko pa siya. yon isang mama bumaba ng jeep at binato yon snatcher. sapol yon snatcher, tapos sabi ko don sa mama, wag na niya habulin kasi di naman nakuha. at natadyakan ko na rin kaya ok lang.

kaya mula non. singsing na lang ang suot ko na gold. ang hikaw ko puro baby earings na lang. magsuot man ako ng alahas sa pinas sa loob lang ng bahay pag me occasion.

poulain
11-11-2007, 11:38 AM
naexperience ko rin 'to sa taft, kasi dun sa v.cruz, 2 lang kami sumakay ng fx, then ako sa tabi ng driver, sabay lock ng door since wala pa naman tao, and takot ako sa mga holdaper and ayoko masiksik sa loob ng fx, so yung isa naman sa likod sya sumakay, then dun sa bandang PWU, may tatlong sumakay, well, di mo maimagine na holdapper kasi parang mga anak mayaman sa porma, nagbayad pa nga ng P100, yung 2 sa likod sumakay katabi nung nakasabay kong sumakay, then yung isa sa gitna, then pumara sila sa p.gil, nagtataka yung driver baket kasasakay lang eh bababa na saka di pa nya nasusuklian, so pagbaba nung 3, nagsalita yung kasabay ko sa sabi nya, naholdap daw sya, sabi nya yung lalaki sa gitna may baril nakatutok sa driver, pero di napansin ng driver, tpos sya daw hawak sya nung dalawa, kutsilyo yung nakatutok, nakuha yung wallet nya and cellphone, sobrang takot ko that time kahit di ako yung naholdap, kasi di naman namen alam na may holdapan pala ngyarai sa loob, buti na lang di ako kita nung holdaper, or baka may nagcover saken na anghel kaya di ako nakita, dahil kundi pati ako siguro natutukan and nakuhanan ng money.. :(

kelly080905
11-11-2007, 12:22 PM
ako di lang nadukutan. halos karamihan d2 cguro nabasa ang thread ko. kaya e2 hintay na lng ng milagro mula s langit a makabalik ng japan.

simplymystic
11-11-2007, 12:39 PM
Ive read your thread kelly san,di talaga ako makapaniwala ,pero talagang matindi nangyari sa yo,jos ko day ! grabe talaga yang mga mandurukot at holdaper na yan..Nakakapangalait i sa galit ..:hellfire: NASAKENAI:firehead: :firehead: :firehead:

aki^-^
11-11-2007, 12:41 PM
nadukutan na ako...nung bata pa ako.. christmas yun...nagpunta ako sa ninang ko....
walang patawad yung magnanakaw...kinuha pa yung isang daan ko...pag uwi ko iyak ako ng iyak:D

simplymystic
11-11-2007, 12:59 PM
Kawaiso ....tsk ! tsk ! grabe talaga ! kahit bata di pinapatulan...!:fire head: :firehead: :firehead:

Autumn
11-11-2007, 07:19 PM
di pa naman .

ichimar
11-11-2007, 08:02 PM
naranasan ko na din madukutan,sa may overpass ng manila city hall,papunta ako ng sm manila nun galing school,nang biglang may humablot ng 5110 ko:D siyempre mangiyak ngiyak ako kasi 3buwan kong pinag ipunan tapos nanakawin lang pala.......yung isa naman eh nasa jeep ako papuntang syquia sa may sta.ana,biglang may humablot ng bag ko na cutetan siguro,pero ala naman siyang nakuha kundi yung kikai kit at diary ko,nasa bulsa kasi ng damit ko ung cellfone at wallet ko,kaya malas niya.....:p :D

Reiko
11-15-2007, 07:05 PM
Naranasan ko na rin po ang madukutan sa katamaran kong magbibit ng pouch pinasok ko sa bag ng friend ko yung pouch ko habang naglalakad kami kwentuhan at tawanan hindi namin namalayan na may mandurukot na pala sa likod namin binuksan packbag ng friend ko ayun nakuha ang pouch ko huhuhu... :(

sachi807
11-17-2007, 09:43 AM
naranasan ko madukutan ng celpon sa loob ng bus 2mos ago lang..buti na lang bulok yung cel ko,may scotchtape na nga yun dahil bumubuka na:Dmalas lang nung mandurukot:pswerte din nya kasi kakaload ko lang ng worth 300 dun.:p

kyong
11-17-2007, 09:07 PM
ako din twice naholdup at nanakawan sa manila. ung una sa bus sa boni pupunta kami ng nanay at tatay ko sana sa bulacan. tanghaling tapat..dapat mag tataxi kami kaso alang barya,, e alam nyo naman sa atin pag 100ang pera mo sasabihin ala silang pangsukli..so sabi nanay ko mag bus na lng kc sa 100 malaki pa ang sukli that was long,long time ago ha. ayun pag upo ko pa lang katabi ko si nanay si tatay sa harap.may bumulong na wag kang sisigaw sabay labas knife nya akina yang mga alahas mo..e si nanay lalaban sana ayun tinamaan sa kamay. sa likod ko may kasama din sya habang inaalis ko ang bracelet ko ung isang devil tinatagganl ng maayos ang necklace ko:ohlord: . ung mga pasahero d sila tulong kahit sumisigaw na kami ng tulong kc nga mga 5 sila at may dalang mga patalim
ung second naman is wating din kaming taxi sa harap ng megamall.. d ako mahilig mag dala ng bag ang dla ko lng lagi is cigarette case. e dun din nakalagay ang pera ko ko minsan,,ayun biglang may umagaw sa cigarrette case ko. hinabol namin kaso madilim na, ang pakiramdam ko e nung nag cr ako may babae sa loob ng cr nakita nya ako dun at siguro napansin nya nga ang pera ko sa case...after a minutes nakita ko sya sa labas while wait kami ng taxi nga. hay kaya simula nun hanggang ngayon d n ako hawak pera lagi sa sis or bro ko pahawak ang pera. at totaly maong at white shirt n lng ako kada uwi ko/ nakakatakot sa pinas:hellfire:

Chibi
11-17-2007, 09:55 PM
hindi pa pow,wala daw kaseng madudukot saken ni sampera,poor lang kase kow:(

kalembang
11-19-2007, 08:20 PM
Ako rin nadukutan din ako once sa Glorietta 1, Christmas pa man din, nagpapalit kasi ako sa money changer duon sa loob ng glorietta. May nakatabi ako na mga parang talento sila dito sa japan , nag ninihonggo pa nga..Nasa likuran ko sila nung nagpapalit ako ,tapos nung pumunta ako sa boutique nakita ko rin sila, mukhang sinundan ako , di ko naman inisip na mga madurukot pala sila . Napansin ko na tinutulak ako nung isang kasama nila . Bagkabangga sa akin sabay alis ang mga loko, yun pala nadukot na yung wallet ko sa loob ng bag ko.....Ang nakakainis mas mahal yung wallet ko kaysa sa lamang pera dahil di ko naman nilagay sa wallet yung perang pinapalit ko...... Kaya sad parin ako , kasi wala ng partner yung bag ko ,kaya nainis ako pinamigay ko na lang pati bag ko:( !! Ayaw ko na rin umuwi ng Christmas sa pinas:mad:

infinite_trial
11-19-2007, 08:30 PM
muntik na sa cubao. 1 beses at puntirya yata ako ng mga mandurukot nung araw na yun. hehe kasi naman dami kong dala, 1 backpack, 1 malaking sports bag, 1 paper bag. kakawithdraw ko pa lang nga ng pera, dahil praning ako sa dukutan..dinistribut e ko yung pera ko sa iba't ibang lugar ng bag ko...yun nga lang pag nasnatch yun wawa na ko. sumakay ako ng jeep from san juan to aurora, pagbaba ko bukas yung backpack ko. tapos naglakad ako kasi sa iba dinaan yung jeep. yung tulay papuntang baliwag transit pagbaba ko dun...parang naramdaman kong bumibigat yung bag ko. yun pala may nagbubukas sa likod. tumakbo naman sya nung nilingon ko hehe. kaya simula nun nagdadala na ko ng pepper spray.

simplymystic
11-25-2007, 09:36 PM
di na mawawala yang mga mandurukot,holdaper at snatcher na yan,,,trabaho na nila yan kasi...:devil: :devil: :devil:

Dielk
12-12-2007, 04:53 PM
Holdap ang ginawa sa akin hindi dukot.

Pauwi ako ng school noon sakay ng jeep, e talagang aware po ako sa mga masasamang elemento lalo na sa espana ang routa. talagang nawala lang yong presence of mind ko kasi naman yong gf ko nag mi mis call ang kulit kulit. Yong isang mama nasa tabi ko lang malapit kami sa may dulo ng jeep tapos yong isang mama nasa harap ko. Nanlilisig ang mga mata nila parang naka drugs ata.

Nung una palang parang alam ko na na holdaper sila at gusto kong bumaba, kaya lang nawala nga ang presence of mind ko ng itong si gf miscall ng miss call, ayun inlabas ko yong cell ko tapos nakita nung 2 ungas. Nung una sabi nung nasa harap ko ibigay mo sa akin cellphone mo wag kang sisigaw puputukan kita.
Ayaw ko ibigay yong cell kasi nakita kong walang hawk kayang kaya kung suntukan lang malakas ang loob ko "lol bagito sa manila e". Tapos nung kinukuha nung katabi ko yong cell sa bulsa ko sabi ibigay mo nalang. Ayaw ko talaga tapos nung nakita kong binubunot na yong baril nung nasa harap ko ayun wala na akong nagawa kundi ibigay.

Nanghinayang talga ako nun, tapos tumawag ako sa amin sabi ko nga na holdap ako. Sabi nila tama lang daw na ibigay ko nalang kasi hindi naman titira ang mga yun ng walang gamit. Simula po noon 20 pesos nalang dala ko araw araw pamasahe. Nadala na ako.