View Full Version : anak+magandang buhay o lalaking nagpapasaya sau?
jacid
11-12-2007, 04:09 PM
helo po mga katf. Gusto ko lang din po manghingi ng reaction, comments o pinyon about sa isang case na ginawa ng isa kong malapit na kaibigan kung sino ba ang dapat sisihin o ang may kasalanan sa kanila.
Ganito po yun, yun frend kong babaeng pinay ay kasal sa isang mabait, mayaman na Hapon at nagkaroon sila ng 2anak. Palibhasa may edad na si Hapon sure na di na rin siguro kaactive ang sex life nila na isa sa mga problem ng iba nating mga katf. Dumating ang isang pinoy guy na naging fling lang una hanggang sa tumakas na sila at iwan ng babae ang kanyang asawa kasama ng kanyang mga anak dahil sa guy na eto..Nagkaanak sila at dun sa pinas ipinaalaga ang bata. Grabe sa pagmamahal, atensyon at mga materyal na bagay kung bigyan nila ang anak nila samantalang yun 2 bata ay walang kinalakihang nanay. Kumbaga sa kasabihan, nakahiga ka na sa kama lumipat ka pa sa banig kung tungkol naman sa ayos ng pamumuhay ng frend ko noong nasa piling pa sya ng asawa nya unlike ngayon, nagkakadanhirap syang magtrabaho sa omise. Sa ngayon din ay nabigyan na rin nya ng visa ang asawa nyang pinoy. ang tanong ko po mga katf bilang mga nanay kaya nyo po bang ipagpalit ang anak nyo kasama na ang magandang buhay sa lalaking sa tingin mo ay mas mahal mo at nakakapagpaligaya sa iyo kesa sa tatay ng mga unang anak mo? may karma rin bang maghihintay sa kanila kahit na sa present nilang anak ngayon e very responsible silang mga magulang at sino ba ang dapat sisihin bakit nasira ang dating tahimik na family although may kulang sa part ng mag-asawa(sex) na nakita nya sa asawa nya ngayon?
Pasensya na po mga katf if masyadong mahaba at marami akong tanong, sana meron pong magbigay ng comments nila kasi ako po bilang nanay na din mas gusto ko pang di makita ang asawa ko wag lang sympre ang anak ko. Tanx po.
shakey
11-12-2007, 04:47 PM
hmmmmm hirap naman ng ganitong tanong:) ang sa akin po kung di na po ako masaya dun sa asawa ko at kung may pinaglalaanang iba na aking pag ibig,cguro po uunahin kong isipin yung 2 kung anak,kung sasama po cguro ako dun sa guy na mahal ko cguro po isasama ko yung 2 anak ko...kawawa naman kung iiwan ko at natural lang na mag tarabaho sya ng husto para itaguyod yung mga anak nya kung ito man ay kasama nya kasi nga sya naman ang pumili ng gusto nyang buhay...
may_abe
11-12-2007, 05:01 PM
Para sa akin mga anak ko ang pinakamahalaga,9 months mo yan dinala sa tyan mo sariling dugo at laman dapat mahalin mo at magkasama kayo hanggang sa paglaki nila. :D Kung libog at sex lang naman maraming paraan. Sariling sikap kung baga Self M.Kung sa bagay i respeto na lang po natin ang nararamdaman ng iyong kaibigan.
hacaya
11-12-2007, 05:21 PM
para po sakin ang anak di pwedeng palitan (pero pwedeng dagdagan:D ),di gaya ng asawa pag di nyo na mahal isa't-isa pwede kayong maghiwalay o palitan,sa anak pwede ba yon?napatunayan ko na hindi lahat ng magulang matitiis lahat para sa anak..sa case ng friend mo jacid-san naging selfish sya..
true lahat may karma, good or bad!!!naniniwala ako na kung ano ginawa mo masama man o mabuti babalik sayo..di man ngayon..pagdating ng takdang panahon!!!
Tarena314
11-12-2007, 05:44 PM
Ako hindi ako magdadalawang isip sa desisyon ko na panindigan ang tama.....,pipiliin ko ang aking mga anak at asawa na nagbibigay ng magandang kapalaran ....,:)
jacid
11-12-2007, 05:47 PM
tanx sa inyo hacaya-san, may abe-san, at shakey san. Nagtataka lang din ako na meron din palang mga babaeng ganun na kayang iwan ang mga anak khit sa sabihin pang responsible ang tatay nila sa dahilang di ka na naliligayahan sa asawa mo, napakababaw lang na dahilan db para iwan mo ang 2anak mo ipagpalit sa isang lalaki lang at kahit frend ko sya di ako bilib sa pagpapakita nila ng love at affection sa anak nila ng pinoy ngayon dahil sa kabila nun yun 2 nyang unang anak sa Hapon ay ang nagdusa na mawalan ng ina...almost 10yrs na rin ang nakalipas simula ng iwan nya ang mga bata at sakin bilang ina rin di ko lang makita ang anak ko ng 1araw parang naninikip na ang dibdib ko...Sana lang wag syang magsisi pagdating ng araw. sa palagay nyo kapag dumating ang time na magkita kita sila ulit ng mga anak nya sa Hapon ng di inaasahan although limot na nya ang mga muka nito sa tagal ng panahon, magkakaroon pa rin ng amor at love sa kanya ang mga ito?
infinite_trial
11-12-2007, 06:13 PM
naging selfish nga siguro ang friend mo...pero palagay mo mas tama bang iniwan nya yung anak nya sa tatay nila kaysa isama pa nya ang mga anak nya sa piling ng ibang lalaki?
katheyrine
11-12-2007, 06:24 PM
sa hirap na dinanas ko sa pagbubuntis pa lamang at lalo na sa panganganak na halos mamatay na ako sa sakit ng tahi eh hindi ko pagpapalit ang aking anak sa lalaki. siempre po eh mahal ko rin tatay ng anak ko :) kaya lamang kaligayahan ko ang anak ko at buhay ko rin ang aking anak. hindi ko yata maaatim na iwan sya...
mahal ba nuong kaibigan mo tatay ng anak nya? hay..kawawa naman mga bata..
summergirl
11-12-2007, 08:27 PM
Ayokong mag suffer ang mga anak ko,just because i love somebody and abandon them,just to live with my new lover ..Kaya kong mag-tiis para sa mga anak ko.ang pagka-intindi ko sa ganitong tao,selfish..Dahil sarli lang ang iniisip..Wala silang kinalaman at kasalanan..bakit sila ang mag-durusa..
shiawase
11-12-2007, 08:37 PM
May kasabihan nga, "Ang asawa napapalitan, ang anak hindi kailanman.." ;)
Sa mga nangyayari sa buhay natin, walang kasalanan ang mga anak natin kaya wag natin silang hayaang magdusa dahil lang sa kapricho at kakitiran ng utak natin.
elyurika
11-12-2007, 08:51 PM
May kasabihan nga, "Ang asawa napapalitan, ang anak hindi kailanman.." ;)
Sa mga nangyayari sa buhay natin, walang kasalanan ang mga anak natin kaya wag natin silang hayaang magdusa dahil lang sa kapricho at kakitiran ng utak natin.
korek ka dyen....sistah!huwag maging selfish....para maging masaya ka tapos may nagdurusa,nasan naman ang concience mo?matakot sa karma!!!
simplymystic
11-12-2007, 08:57 PM
helo po mga katf. Gusto ko lang din po manghingi ng reaction, comments o pinyon about sa isang case na ginawa ng isa kong malapit na kaibigan kung sino ba ang dapat sisihin o ang may kasalanan sa kanila.
Ganito po yun, yun frend kong babaeng pinay ay kasal sa isang mabait, mayaman na Hapon at nagkaroon sila ng 2anak. Palibhasa may edad na si Hapon sure na di na rin siguro kaactive ang sex life nila na isa sa mga problem ng iba nating mga katf. Dumating ang isang pinoy guy na naging fling lang una hanggang sa tumakas na sila at iwan ng babae ang kanyang asawa kasama ng kanyang mga anak dahil sa guy na eto..Nagkaanak sila at dun sa pinas ipinaalaga ang bata. Grabe sa pagmamahal, atensyon at mga materyal na bagay kung bigyan nila ang anak nila samantalang yun 2 bata ay walang kinalakihang nanay. Kumbaga sa kasabihan, nakahiga ka na sa kama lumipat ka pa sa banig kung tungkol naman sa ayos ng pamumuhay ng frend ko noong nasa piling pa sya ng asawa nya unlike ngayon, nagkakadanhirap syang magtrabaho sa omise. Sa ngayon din ay nabigyan na rin nya ng visa ang asawa nyang pinoy. ang tanong ko po mga katf bilang mga nanay kaya nyo po bang ipagpalit ang anak nyo kasama na ang magandang buhay sa lalaking sa tingin mo ay mas mahal mo at nakakapagpaligaya sa iyo kesa sa tatay ng mga unang anak mo? may karma rin bang maghihintay sa kanila kahit na sa present nilang anak ngayon e very responsible silang mga magulang at sino ba ang dapat sisihin bakit nasira ang dating tahimik na family although may kulang sa part ng mag-asawa(sex) na nakita nya sa asawa nya ngayon?
Pasensya na po mga katf if masyadong mahaba at marami akong tanong, sana meron pong magbigay ng comments nila kasi ako po bilang nanay na din mas gusto ko pang di makita ang asawa ko wag lang sympre ang anak ko. Tanx po.
I believe that blood is thicker than water...mas priority sa kin ang mga anak....Di ko kaya yung ginawa ng friend mong iwanan yung mga anak nya ...Grabe sya ha ! wala syang puso....!:eek: Shock !
proud me
11-12-2007, 09:05 PM
sino ba ang dapat sisihin bakit nasira ang dating tahimik na family although may kulang sa part ng mag-asawa(sex) na nakita nya sa asawa nya ngayon?
kung ito lang ba ang totoong dahilan....isa lang masasabi ko...siya dahil ang babaw ng kaligayahan niya:D...pero hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang totoong nangyari kaya para sa akin mahirap sabihin kung sino ang dapat sisihin...
jacid
11-12-2007, 10:16 PM
salamat po sa mga nagreply..Ako rin po bilang isa ina talagang di ko makakayang iwan at ipagpalit ang anak ko dahil lang sa pansarili kong kaligayahan na ang magdudusa e ang mga walang muwang kong mga anak(9 at 7yrs old). Ang nakakasama lang kasi sa loob e ang atensyon at pagmamahal na ipinapakita nila sa anak nilang nasa pilipinas ngayon na kahit minsan ay di nagawa ng frend ko sa mga anak nya sa Hapon. Tama ang ilan sa pagsasabing selfish nga sya at gnun din ang lalaking pinili nya compare sa mga anak nya na nasikmura nilang magpakaligaya habang ang mga walang muwang na bata e naiwan sa piling ng mabait at mapagmahal nilang ama...Mabait ang asawa nyang Hapon, lahat ng gusto nya at luho naibigay sa kanya at kahit pagod sa trabaho eto pa ang nag-aasikaso sa mga bata. Imagine mga katf, ipinaglalaba pa sya ng asawa nyang Hapon at iba pang gawaing bahay na dapat e tayong mga babae ang may responsibilidad nun pero dahil lang sa bagay na yun ay nagawa nyang iwan pa ang mga bata. Isa sya sa mga maswerteng pinay "sana" na nakapag-asawa ng ganyang klase ng Hapon na bukod sa ubod pa ng yaman e talga naman napakabait at responsible maliban lang sa isang bagay na yun. Marami ang naiinggit sa kanya sa lugar namin, mga pinsan nyang nakapag-asawa ng Hapon din pero ang mahirap tanggapin at isipin e ang mga bata na inabandona nga dahil sa lalaking yun...Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng kani-kanilang mga opinyon sa bagay na eto dahil karamihan sa atin bilang mga nanay na e makakarelate din at kahit papano naaapektuhan lalo kapag ang involved e mga bata..
jacid
11-12-2007, 10:20 PM
pasensya na po at napahaba uli reply ko sa taas, anak ko po 1 lang mag5yrs old na sa jan. yun edad po ng mga batang nailagay ko sa taas kanina e mga edad ng anak ng frend ko ng iwan nya...sana di po kau maguluhan, pasensya na po...
honey
11-13-2007, 12:08 PM
Hello jacid:)
Sana inisip man lang ng friend mo mga anak nya:( .Wala kang nabanggit na ipinawalang bisa na ang kasal ng friend mo sa una nyang asawa tumakas sya at sumama sa ibang lalaki.Alam mo may kaso yan pagkakaalam ko BIGAMY correct me if i'm wrong.Parehong pareho sa stado ng friend mo sa kakilala ko:D .
Wala ako sa sitaution pero hindi ko maisip o binalak na gawin sa anak ko o sa asawa ko yan.Ang babae't lalaki single man o married malapitin talaga sa tukso kapag nagpatukso ko talo ka makakakuha ng sakit o makaksira ng pamilya ako gusto ko lagi akong winner e happy and contented:biglaugh:. Hindi naman sila mga naliligaw ng landas pedeng husgahan kasi sila naman yan at buhay nila yan.So kung anong pinasok lusutan diba!:).
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.