View Full Version : tulong sa patay
abetsh
11-18-2007, 03:01 PM
good day po mga ka tf, pasensiya na po hindi ko alan kung saan ilalagay ang tread na ito.
meron po tayong kababayan na namatay sa Ibaraki, friend po ng friend ko. 9 days na po siyang patay at nasa morge lang siya, ang problema po ng friend ko, tumawag siya sa relatives ng namatay at sinabi sa kanya na gustong ipadala ang bangkay ng buo sa Pinas.
humihingi po siya ng tulong kung anybody na may nakakaalam na samahan or group ng mga pilipino na tumutulong sa ganitong problem. yong nag-aasikaso ng pagpapadala ng bangkay sa Pinas. or Hospital na puwedeng magpadala ng bangkay sa Pinas, (alam po na may babayaran, meron pera sa abuloy hindi pa lang po alam kung kakasya sa price ng padala ng bangkay)
humingi sila ng tulong sa Philippine embassy, pero wala raw pong nangyari.
yong friend ko po, wala siyang relation sa namatay, kakilala lang niya, gusto rin lang niyang tumulong
may_abe
11-18-2007, 03:31 PM
:( nakikiramay sayo...baka pwede nyo ilapit sa cityhall. Magkano b ang kailangan pera?baka pwede makatulong kahit konti..
mtwalton
11-18-2007, 03:36 PM
wow! walang maitulong or any advices from Philippine Embassy? thats strange...
condolence.... hope theres a solution....pray for his/her soul.......
or!! I think you can inform sa Japanese Embassy or in Immigration yata, cause they both have contact with each other, with our embassy......
sad thing why our Embassy can't do anything? I think the person who call the Embassy got a wrong person to inform lang yata..thats unbelievable......
summergirl
11-18-2007, 08:35 PM
good day po mga ka tf, pasensiya na po hindi ko alan kung saan ilalagay ang tread na ito.
meron po tayong kababayan na namatay sa Ibaraki, friend po ng friend ko. 9 days na po siyang patay at nasa morge lang siya, ang problema po ng friend ko, tumawag siya sa relatives ng namatay at sinabi sa kanya na gustong ipadala ang bangkay ng buo sa Pinas.
humihingi po siya ng tulong kung anybody na may nakakaalam na samahan or group ng mga pilipino na tumutulong sa ganitong problem. yong nag-aasikaso ng pagpapadala ng bangkay sa Pinas. or Hospital na puwedeng magpadala ng bangkay sa Pinas, (alam po na may babayaran, meron pera sa abuloy hindi pa lang po alam kung kakasya sa price ng padala ng bangkay)
humingi sila ng tulong sa Philippine embassy, pero wala raw pong nangyari.
yong friend ko po, wala siyang relation sa namatay, kakilala lang niya, gusto rin lang niyang tumulong
Hi,taga Ibaraki din ako?Saan sa Ibaraki ?At saan sya nakaburol.?Baka makahingi ako ng tulong sa mga friend ko..Ang alam ko 200.ooo yen ang mag-padala ng body ng patay sa pinas...Information please at anong kinamatay?Condolence ..Baka makatulong ang pari namin dito sa Tsukuba..Ang friend ko ng mamatay ang husband nya,Phlippine Embassy ang tumulong.
summergirl
11-18-2007, 09:00 PM
Subukan nyong tawagan ang pari sa tsukuba church heres the no..029-8361723
Tumutulng si father sa mga os at dumadalaw rin at nag dadala rin ng ibang gamit ng mga naka detained sa Ushiiku,para mai announce ni father >At may filipino community group kami doon..Pwede rin si father mag hingi ng advise sa Philippine Emabassy kung ano ang gagawin..
May member tayo dito sa TF na editor ng isang newpaper at baka mabigyan ka ng advise kung ano ang dapat gawin at sino ang lalapitan..mag announce ka na lang..At marami kaming taga Ibaraki dito..
makulit
11-18-2007, 09:14 PM
nakikiramay po ako ... handa po akong tumulong sa abot ng makakaya ko kung kailangan po ng karagdagan na pera para maipadala ang bangkay sa Pilipinas.
shinshinobi
11-18-2007, 09:36 PM
condolence po....
proud me
11-18-2007, 09:57 PM
Condolence po...kakalungkot naman ...9days ng patay nasa morge parin...
summergirl
11-18-2007, 10:02 PM
Sana wag sya doon sa Tsuchiura chapel..kasi kawawa ang patay na nakita kong pinoy duon,nasa parng oven ng panadirya sa pinas.Pag binuksan makikita mo whole body,at di ganon kalakas ang frezer nya at nasa gilid lang sila ,hindi sa main door ang daan at madilim sa gabi dahil mas mura don.Pero kawawa at talagang naiyak ako,kaya akala nila kaag-anak ako.At ang bulak sa ilong namamasa dahil di nga ganon kalakas ang freezer..Wag sana...Please Lord..
tisay
11-18-2007, 10:19 PM

kawawa naman po kapag ganyan ang ginawa sa patay:( ...
...condolence po .....
summergirl
11-18-2007, 10:26 PM
kawawa naman po kapag ganyan ang ginawa sa patay:( ...
...condolence po .....
dahil sa pondo nila kaya walang magagawa..At least may place pa rin para sa mga foreigner na patay...Kawawa nga lang.
itchay
11-18-2007, 11:25 PM
nakikiramay po...
subukan nyo po ulit tumawag sa embassy natin. it's really strange kung ba't ganun naging sagot nila. it's supposed to be one of their duties to us filipino citizens living abroad. and i've already heard a few cases that our embassy here has assisted in this kind of situation. so hindi pwedeng wala silang maitutulong. mag pursigi lang po ng konte. baka hindi lang kayo naintindihan ng maigi ng mga taga embahada.
abetsh
11-18-2007, 11:44 PM
Pasensiya na po, ngayon lang ako nakasagot, busy kasi
Maraming -marami pong salamat sa inyonng lahat, lalo na sa iyo summergirl, thankyou sa phone no. na ibinigay mo, patatawagan ko agad ito sa kaibigan ko, na isa sa umaasikaso sa bangkay.
Kanina rin lang kasi sinabi sa aken ng friend ko, after ng service sa church namin, kaya nag post agad ako dito.
Hindi ko pa rin alam ,ang ikinamatay, at ang exact address ng bangkay, ang sabi lang sa aken noong nag-aasikaso, yon nga 9 days na sa morge at hindi sila natulungan sa embassy, tapos umiyak na ng umiyak, dahil sa awa nga sa bangkay.
alam ko kasi ,dito sa tf ang pinakamabilis na makakakuha ng imformation pag dating sa ganyang problema sa kagaya nating nga foriegner dito
hayaan po ninyo iparating ko sa kanila ang pakikiramay ninyo at maraming salamat sa TF for having this wonderful site
nikkichibi
11-18-2007, 11:56 PM
condolence po ..........sana ay maka uwi na sya .
louvette_15
11-19-2007, 02:51 AM
condolence po. i feel really sad about this...tama, kelangan siguro komontak uli sa phil. embassy... hindi pwedeng hindi nila pansinin yan. its one of their duties, may pera o wala man db?
hacaya
11-19-2007, 08:29 AM
condolence po...sana makauwi na yung bangkay para kahit sa huling sandali makita ng pamilya nya...nakalulungkot! !!
sarpon
11-19-2007, 09:12 AM
sabihin mo sa friend mo na ipa-media ang problema nya. mabilis na aaksyonan yan ng mga magagaling nating embassy staff pag na-media. meron office ang abs-cbn dito. try mo hanapin sa website nila. by the way, kung OFW yung namatay, makakatulong din siguro yung Overseas Workers Welfare Admin (OWWA).
kawawa naman.. hanggang sa kamatayan problema pa rin.. kainis mga inutil na opisyal.:mad:
naughtymeeh
11-19-2007, 09:40 AM

CONDOLENCE,nakakalun gkot naman ang ganun walang magawa ang PHILIPPINE EMBASSY?
why? dont u try calling the immigration sa SODAN MADOGUCHI NILA,then tanong lng OFW? byung namatay?Try calling City Hall meron mga NGO na Filipina diyan sa IBARAKI or here a friend of mine working as an NGO diyan banda sa IBARAKI baka makatulong cya PM ko na ang name @ tel nya pls check nlang po,.
summergirl
11-19-2007, 11:32 AM
Sana mabigyan mo kami ng information kung saan ang place .so that we can bring our help ..Anong name at ano ang cause ng pag-kamatay dahil papagawa kami kay father ng kasulatan na may filipino na nakaburol sa ganoong place at i po post ko iyon sa church,so that every body can read..We will not accept any amount..We want them to go there personally,para sure..mahirap na pag pera ang involved..Member ako ng isang NGO group dito sa Ibaraki..Thanks
abetsh
11-19-2007, 07:49 PM
sorry po uli, mabagal ang reply ko, nasa work kasi ako maghapon.
Ito po yong Pangalan ng namatay----Rema de la Cerna, 40 yrs. old, taga Cebu, overstay,for 21 years na dito sa Japan, High blood po ang ikinamatay, nadala pa sa hospital after 2 weeks namatay, ngayon nasa Ishioka Saijo or Ishioka funeral ang bangkay niya sa mismong Ishioka eki daw po ito.
naka usap ko po yong mismong nag-aasikaso ng bangkay kanina lang po, kaya ko nakuha itong kanyang pangalan,
ganito po pala yong nangyari sa Philippine embassy, pumunta sila sa Phil. embassy tungkol nga po sa pag-papadala ng bangkay sa pinas, nakiusap sila na maipadala ang bangkay sa Pinas ng buo, ayon sa kahilingan ng pamilya, pero ang nangyari po ayaw pumayag ng embassy na maipadala ang bangkay ng buo, dahil may kamahalan po ang presyo daw,kung gusto ng buo kailangan daw mag produce ng sariling perang gagastusin. gustong tumulong din ng embassy, pero ipapasunog po yong bangkay, para makamura, na ayaw po naman ng pamilya kasi nga 21 years na nilang hindi nakikita ito ngan namatay.
mtwalton
11-19-2007, 08:08 PM
goodevening.
yes its a kind of complicated hah. besides siyempre aayawan ng kanyang pamilya yung ganon style na hindi nila makikita ang buo nyang :confused: how do you say? body?
any way, kung ipapadala na hindi creamate did they tell you how much it will cost?
dianne
11-19-2007, 08:14 PM
condolence to the family of Rema de la Cerna ~~~ kawawa naman ~~~:O
http://i131.photobucket.com/albums/p315/ovivip/flowers/026.gif (http://www.mooglitters.com/flower-glitter26.html)
summergirl
11-19-2007, 08:18 PM
goodevening.
yes its a kind of complicated hah. besides siyempre aayawan ng kanyang pamilya yung ganon style na hindi nila makikita ang buo nyang :confused: how do you say? body?
any way, kung ipapadala na hindi creamate did they tell you how much it will cost?
Ng mamatay ang asawa ng friend ko na pinadala ang buong katawan nya,inabot ng 200 mang yen..Actually di naman inayawan in fairness sa Phil Embassy..Dahil lang sa presyo kaya ganon..Sila na lahat ang nag-asikaso sa asawa ng friend ko noon..Pero 3 yrs ago na yun..Ngayon mag-kano kaya..Wala bang binanggit ang pamilya na papadala ng pera?
Thanks sa information..Nakausa p nyo na ba si Father?Sana kung mapadalhan nila kami ng kahit anong papel para mapakita sa mga friend kong pinoy dito..Na proof na mayroong pinay na naka burol nga sa ganon..Alam mo naman ,pera iyan kaya mahirap na..Thanks sa information..
musikaghie
11-19-2007, 08:31 PM
Nakakalungkot naman pong isipin na 21 yrs.siyang di nakita ng family niya sa atin,tapos di pa basta maiuuwi.Nakikiramay po ako sa mga pamilya niya,sana ay maiuwi ng maayos ang katawan niya sa atin.At magawan po sana agad ng aksiyon ang problemang ito.
mtwalton
11-19-2007, 08:39 PM
:eek: 200man desuka!! sorewa sugoi okane desu ne........!
taihen..........so sorry for the family, kawawa naman siya.....:(
summergirl
11-19-2007, 08:44 PM
:eek: 200man desuka!! sorewa sugoi okane desu ne........!
taihen..........so sorry for the family, kawawa naman siya.....:(
Totoo ang sinabi mo..Hindi birong pera..Kaya ang mang-yayari nyang baka masunog sya dahil tumatagal ang body tapos nag-babayad rin sila sa chapel..Pag sinunog dito sa Ibaraki,15.000 lang...Kaya ganon..
itchay
11-19-2007, 08:45 PM
medyo malaki-laki pala ang kakailanganin.
kung from zero yen magsisimula, mukhang mahirap na maka-abot sa ganyang halaga.
kung wala rin lang maitutulong ang pamilya mismo ng namatay, maging practikal na lang ho sila, at sumang-ayon na lang sa cremation. masakit man tanggapin, pero iyan din ang consequence kung walang tamang pag-hahanda sa mga ganitong sitwasyon.
mtwalton
11-19-2007, 09:13 PM
thing is, sana the embassy should do something na at least before ma creamate yung body eh may isang member lang ng family na makarating dito just to witness....lang ...really its so sad..I'm not related but it feel so hurtful .you know...but wala naman akong magagawa....:(
mahirap talaga, if something happened to yourself specially that you're at is not even your homeland and you do not have any relatives hah.....oh my! what would happened to me when I die in U.S.? I have no one there except my husband and inlaws? eh kung mauna sila at nag iisa na ko ......:(
abetsh
11-19-2007, 09:39 PM
Ito po yong bagong balita.
Kanina po daw 3 ng hapon, nakumbinsi na po daw yong pamily na i -cremate na lng yong bangkay, nagpunta raw po sa DFA sa atin yong pamilya at nag-bigay ng authorization letter for cremation , at ipa-fax dito sa Phil. embassy(japan), siguro po aabutin pa yon ng ilang days for verification, saka bago sunugin.
sa mga gustong mag-abuloy, heto po raw yong in-charge.
Restaurant Kusina, (ishioka)
Evelyn Kuni
o90-2658-9612
doon sa mga malapit, maganda po puntahan ninyo, for sure.
abetsh
11-19-2007, 09:48 PM
pasensiya na po nadoble
summergirl
11-19-2007, 09:49 PM
Im working in Ishioka Area..May I know the exact place at name ng chapel.?.I can go there personally..Thanks
abetsh
11-19-2007, 09:55 PM
sa mismong Ishioka eki raw po malapit, madali lang makita may pangalan ni Rema dela Cerna
ICHIBAN08
11-19-2007, 10:09 PM
Condolence po...
summergirl
11-20-2007, 09:23 AM
We just want to clear kung sa Ishioka Kaido ba sya or Ishioka Saijo,Iba kasi ang kaido sa kaisjo..Ang kaido doon kine crenecremate pero may chapel din..sa Ishioka Saijo din chapel talaga pero tipong expensive doon..
Nag announce na si Father about Rema at may mga tulong na personal na dadalhin ni Father..May mga filipino rin na may tutulong..Hanggang kailan ba sya nasa Ishioka para alam namin ang gagawin at kailan dadalhin ang tulong..Tumawag na ako kay Evelyn..pero di ko pa sya nakaka-usap,baka sa Friday kami maka punta dahil holiday noon.Thanks
biloglog
11-20-2007, 11:22 AM
Condolence.. R.I.P
sana may Door to Door balik bayan box company na may services na mag deliver ng patay na buo patungong pinas..kahit 50-100 lapad ang bayad ok na,,kaysa 200 lapad thru Airlift masyadong mahal..
kawawa naman for 21 years,abo nalang ang makikita ng pamilya nya sa pinas.
c2ny2
11-20-2007, 12:54 PM
Thanks for the update abetsh. Sa namatayan, nakikiramay po kami.
c2ny2
11-20-2007, 12:58 PM
We just want to clear kung sa Ishioka Kaido ba sya or Ishioka Saijo,Iba kasi ang kaido sa kaisjo..Ang kaido doon kine crenecremate pero may chapel din..sa Ishioka Saijo din chapel talaga pero tipong expensive doon..
Nag announce na si Father about Rema at may mga tulong na personal na dadalhin ni Father..May mga filipino rin na may tutulong..Hanggang kailan ba sya nasa Ishioka para alam namin ang gagawin at kailan dadalhin ang tulong..Tumawag na ako kay Evelyn..pero di ko pa sya nakaka-usap,baka sa Friday kami maka punta dahil holiday noon.Thanks
summergirl, Keep up the good work. Malaking bagay ang nagagawa ninyo sa mga kababayan nating walang bala:). Pa update nalang hangat maipadala natin yung kahit abo na lang sa family niya.
kokorokara
11-20-2007, 02:47 PM
May the Soul of Rema de la Cerna be rest in Peace,kahit hindi niya nakita yun family niya alam kong ginawa niya ang lahat para matulungan yun pamilya niya sa Pinas.I pray na sa kaharian ng panginoong ay magkikita rin niya yun.A Prayer from my family and of course TF family for her soul.
Thanks Evelyn for the info`s,just call me If mayroon akong kayang maitulong.
CONDOLENCEs and Prayers;
Kokorokara
Wreinman
11-20-2007, 02:48 PM
good day po mga ka tf, pasensiya na po hindi ko alan kung saan ilalagay ang tread na ito.
meron po tayong kababayan na namatay sa Ibaraki, friend po ng friend ko. 9 days na po siyang patay at nasa morge lang siya, ang problema po ng friend ko, tumawag siya sa relatives ng namatay at sinabi sa kanya na gustong ipadala ang bangkay ng buo sa Pinas.
humihingi po siya ng tulong kung anybody na may nakakaalam na samahan or group ng mga pilipino na tumutulong sa ganitong problem. yong nag-aasikaso ng pagpapadala ng bangkay sa Pinas. or Hospital na puwedeng magpadala ng bangkay sa Pinas, (alam po na may babayaran, meron pera sa abuloy hindi pa lang po alam kung kakasya sa price ng padala ng bangkay)
humingi sila ng tulong sa Philippine embassy, pero wala raw pong nangyari.
yong friend ko po, wala siyang relation sa namatay, kakilala lang niya, gusto rin lang niyang tumulong
nakikiramay din. sana maayos na sa lalong madaling panahon. sigurado namang me pamilya pa siyang naiwan sa pinas. lahat ng nabanggit ng mga kasamahan natin dito makakatulong yun. yung kumpanya niya mismo, owwa, etc. God bless
mr.kuripot
11-20-2007, 04:25 PM
Condolence po sa family n ms Rema dela Cerna, May she rest in peace..Nakakalungkot isipin na malayo sya s kanyang pamilya ng sya ay malagutan ng hininga..
yusarose0407
11-20-2007, 04:58 PM
nakikiramay din po ako, last year dito rin po namatay ang aking ina wala rin pong nagawa ang phil. embassy natin... kaya sad to say is abo na po ng dinala ko sa aking mga kapatid! ganyan lang po tlaga ang buhay, tibay lang ng loob at ipasa DIOS na lang po natin lahat...
abetsh
11-20-2007, 07:02 PM
heto po yong lugar, sa life care or ライプケア, paglabas po ng eki ng ishioka 2 minutes walk, heto po yong map. http://map.yahoo.co.jp/pl?lat=36.11.16.553&lon=140.16.53.461&sc=2&mode=map&type=scroll
summergirl
11-20-2007, 07:05 PM
We are begging mercy to all bro/sis here in TF..Nakausap ko na po si Evelyn..Ang sabi nasa Ishioka Public chapel ang katawan ni Rema...Wala pang balita kung kailan i cre cremate ang body nya,pero ang malungkot po doon,medyo nangangamoy na daw po ang katawan ni Rema..Tulungan po natin sya..Tawagan po natin si Evelyn ask here account sa post office para kahit maliit na halaga makatulong..Na bless na po sya ni Father Michael...At sa Friday..ALT volunteer groups coming also there at Ishioka...We cant return back anything to you,May God Bless You..Thank you very much...
makulit
11-20-2007, 07:22 PM
Salamat po sa nakakalungkot na balita. Summergirl, bakit hindi na lang po sa iyo ibigay ang tulong para kay Rema?
tisay
11-20-2007, 07:53 PM
We are begging mercy to all bro/sis here in TF..Nakausap ko na po si Evelyn..Ang sabi nasa Ishioka Public chapel ang katawan ni Rema...Wala pang balita kung kailan i cre cremate ang body nya,pero ang malungkot po doon,medyo nangangamoy na daw po ang katawan ni Rema..Tulungan po natin sya..Tawagan po natin si Evelyn ask here account sa post office para kahit maliit na halaga makatulong..Na bless na po sya ni Father Michael...At sa Friday..ALT volunteer groups coming also there at Ishioka...We cant return back anything to you,May God Bless You..Thank you very much...
...mommy,,pwede po bang malaman ang number ni Evelyn..? para naman matawagan at kahit papaano makatulong man lang po........:(
summergirl
11-20-2007, 08:51 PM
...mommy,,pwede po bang malaman ang number ni Evelyn..? para naman matawagan at kahit papaano makatulong man lang po........:(
heres the no.of Evelyn Kunii..Salamat sa mga tutulong..Bahala na ang dyos sa inyo..
Restaurant Kusina
090-26589612
tisay
11-20-2007, 09:08 PM
heres the no.of Evelyn Kunii..Salamat sa mga tutulong..Bahala na ang dyos sa inyo..
Restaurant Kusina
090-26589612
.......Tinawagan ko po si Evelyn ngayon..napaiyak po sya kasi andaming mababait sa TIMOG na tumutulong kay Rema:( baleh,,nahingi ko na po ang account number nya at maghuhuhlog po ako ng tulong kay Rema....kawawa nga pala talaga ang kalagayan ng kababayan natin kasi grabeh na daw ang amoy dahil nga 10days nang nakaburol ng walang imbalsama:eek: ..
....Isa po ako sa mga nananawagan sa inyo mga ka~TF tulungan po natin si REMA para mai~cremate na po sya at maiuwi na ang abo nya sa Cebu na kung saan sya nakatira..kababayan ko pa pala sya sa cebu:(... ang DIYOS na po ang magbabalik sa inyo at bahala sa inyo...Maraming salamat po
summergirl
11-20-2007, 09:11 PM

Eto po ang account ng taong tumutulong sa kanya...
Evelyn Kunii
10670-22866711
Ganon ka kawawa ang situation nya,sana meron pang good samaritans na tumulong..salamat sa lahat.
makulit
11-20-2007, 09:41 PM
Ako rin po, nakikiusap ako sa mga ka-TF. Tulungan po natin na ma-cremate si Rema.
Maraming Salamat po.
itchay
11-20-2007, 10:51 PM
Eto po ang account ng taong tumutulong sa kanya...
Evelyn Kunii
10670-22866711
Ganon ka kawawa ang situation nya,sana meron pang good samaritans na tumulong..salamat sa lahat.
saang account(bank name) po to? at yong branch name na rin.
(futsu yokin?)
tsaka yung exact account name din po.
maraming salamat.
Edit:
ay sorry, mami summergirl, just read your earlier post.
nakalagay na pala ang account details.
post office account pala.
kindly disregard po. :)
summergirl
11-20-2007, 10:53 PM
saang account(bank name) po to? at yong branch name na rin.
(futsu yokin?)
tsaka yung exact account name din po.
maraming salamat.
Post office account po ito...Maraming maraming salamat..
Evelyn Kunii
10670-22866711
makulit
11-20-2007, 10:57 PM
@itchay
Postal Savings Bank Account po ito
eto po ang details na lumabas sa account ni Evelyn kanina. Pangalan po nya in Japanese
itchay
11-20-2007, 11:00 PM
thanks, makulit-san.
i'll see what i can do.
summergirl
11-20-2007, 11:06 PM
@itchay
Postal Savings Bank Account po ito
eto po ang details na lumabas sa account ni Evelyn kanina. Pangalan po nya in Japanese
Yan nga ang kanji name nya sis..Thanks Makulit san..
summergirl
11-21-2007, 10:55 AM
Sana sa mga makakabasa ,spare some dime para matulungan natin ang ating kapatid na mahigpita na nangangailangan..Kun g makikita nyo lang lahat ang situation nya,talagang maaawa kayo sa kanya..Sana tulungan natin sya..Maraming salamat po.
makulit
11-21-2007, 02:42 PM
i-up ko lang po ito ...
summergirl
11-21-2007, 02:52 PM
Nakausap ko si Evelyn,Ok lang ng PHILIPPINE EMBASSY ang hinihintay ng bangkay ..napapatagal sya ng stay doon ,nag-kakagastos lang sya..Patay na nga ang tao pinag-hihintay pa..Sana tulungan po natin sya.Maraming Salamat..
summergirl
11-21-2007, 07:24 PM
Noong Mon pa pala nasubmit ang papers para katunayan na ,the parents agrre na i cremate ang body ni Rema..Ang mga city hall at volunteer groups na rin ang komo contact sa Philippine Embassy para bigyan ng approval na i cremate ang body ni Rema,but unfortunately di nila ma contact ang Philippine Embassy.Kaya ang sabi ng hapon na nag ma manage..Nani sore..Arienai..Kawai so..Ay ..ano na kaya ang Philippine Embassy natin..Kaya minsan di masisi kung may mag salit man ng di maganda sa embahada natin..Tumatagal ang patay di na naawa,samantalang simpleng papel na pwedeng i fax lang ang hinihintay..
Tulungan natin si Lema..Salamat po..
summergirl
11-22-2007, 09:39 PM
Napuntahan ko na kanina si Lema,nasa gilid lang sya pero maayos naman kaysa sa Tsuchiura na chapel na pinag-kitaan ko sa namatay din pinoy dati..Nakasibangot sya pero sa awa ng dyos make cremate na sya sa tuesday..At kakamatay lang ng bunsong anak nya at may naiwan pang 3 anak sa pinas..Sa mga gustong tumulong,dyos na ang bahala sa inyo..maraming salamat..
mtwalton
11-22-2007, 09:50 PM
@itchay
Postal Savings Bank Account po ito
eto po ang details na lumabas sa account ni Evelyn kanina. Pangalan po nya in Japanese
gokuro-samadesu...
yubin kyoku desu ne....:)
wakarimashita.....Go d Bless....
honey
11-22-2007, 10:07 PM
Condolence :(.
Wala akong maitutulong na financial SORRY pero ipagdadasal ko na lang sya.
Nakakalungkot naman sinapit ng kababayan natin na yan at nakakaawa ang pamilya ni Rema dahil di man lang nila nasilayan si Rema kahit sa kahulihulihang sandali:(.
Sana pamasahihan na man lang ng Phil. Embassy ang mga magulang ni REMA papunta dito sa japan para makita man lang nila si Rema bago icremate.
summergirl
11-22-2007, 10:15 PM

Sana nga honey,pero thats very impossible sa embassy natin,approval nga,took 10 days..pamasahe pa..
Noong Mon pa pala nasubmit ang papers para katunayan na ,the parents agrre na i cremate ang body ni Rema..Ang mga city hall at volunteer groups na rin ang komo contact sa Philippine Embassy para bigyan ng approval na i cremate ang body ni Rema,but unfortunately di nila ma contact ang Philippine Embassy.Kaya ang sabi ng hapon na nag ma manage..Nani sore..Arienai..Kawai so..Ay ..ano na kaya ang Philippine Embassy natin..Kaya minsan di masisi kung may mag salit man ng di maganda sa embahada natin..Tumatagal ang patay di na naawa,samantalang simpleng papel na pwedeng i fax lang ang hinihintay..
Tulungan natin si Lema..Salamat po..
grabee talaga ang embassy natin,.anoo kaya ang reason nila at di agad na approbahan yon.kawawa naman si rema for 21 years buong buhay niya sinakripisyo niya para sa pamilya niya sa pinas grabee bayani talaga siya.taga cebu pala siya kababayan ko pa.kahit late na ang tulong ko sana makarating.lets share everybody kahit konti pag naipon lalaki din yon.godbless everyone.nice summergirl bahala na rin ang dyos sayo.
summergirl
11-23-2007, 05:34 PM
Sa tuesday ang cremation nya may representative daw ang Philippine Embassy at sagot daw angpagdala ng body nya..
proud me
11-23-2007, 06:24 PM
summergirl sis...anu yan pic....yan ba yung ataul niya?
@Nakakalungkot naman sinapit ng kababayan natin na yan at nakakaawa ang pamilya ni Rema dahil di man lang nila nasilayan si Rema kahit sa kahulihulihang sandali.
@honey...oo nga parang sobra yung nangyari sa buhay niya nakaka-awa pa yung 3 anak na naiwan niya...21 yrs...tapos sa kahuli-hulihang hininga nya...malayo sa pamilya tapos para pang kawawang namamaho na hindi pa maiuwi at mailibing....sana maging aral sa atin at lalo na sa mga OS na mga kababayan natin....isipin at mahalin din natin sarili natin...para wag ng masundan itong karanasan ni REMA..
summergirl
11-23-2007, 07:01 PM

Yung white doon ang freezer nya,ang ulo facing the door...makikita mo sya pag dumukwang ka..Naka kimono syang white..At ang nasa harap ang butsudan doon ka mag-lalagay ng sengko..Buti na lang may gobyernong hapon nakawang gawang tumulong sa kababayan natin..Public ang chapel,everybody can see her,nasa gilid lang sya pero presentable naman..Nga lang nag-babago na ang mukha dahil 2 week na syang nandoon..Kung walang hapon na tumulaong sa kanya,saan na kaya sya pupulutin?Nasaan na ang embahada natin..Ano kaya ang mapi feel ng representative na darating na walang nagawa,na hapon ang nag asikaso...Ano kayang mukha ang haharap nila..Wala akong masabi,buti na lang may pamilya ako dito sa Japan..May mga kaibigan din sya pero nasaan na sila....?Ibang tao ang tumutulong...Ang ibang tao sa sarap kasama mo,sa ganitong hirap at gipit,nasaan na sila?<Di lahat>...Salamat sa mga tumulong at dyos na ang bahala sa inyong lahat..
proud me
11-23-2007, 08:13 PM
Yung white doon ang freezer nya,ang ulo facing the door...makikita mo sya pag dumukwang ka..Naka kimono syang white..At ang nasa harap ang butsudan doon ka mag-lalagay ng sengko..Buti na lang may gobyernong hapon nakawang gawang tumulong sa kababayan natin..Public ang chapel,everybody can see her,nasa gilid lang sya pero presentable naman..Nga lang nag-babago na ang mukha dahil 2 week na syang nandoon..Kung walang hapon na tumulaong sa kanya,saan na kaya sya pupulutin?Nasaan na ang embahada natin..Ano kaya ang mapi feel ng representative na darating na walang nagawa,na hapon ang nag asikaso...Ano kayang mukha ang haharap nila..Wala akong masabi,buti na lang may pamilya ako dito sa Japan..May mga kaibigan din sya pero nasaan na sila....?Ibang tao ang tumutulong...Ang ibang tao sa sarap kasama mo,sa ganitong hirap at gipit,nasaan na sila?<Di lahat>...Salamat sa mga tumulong at dyos na ang bahala sa inyong lahat.. maayos naman tingnan kahit nasa gilid lang ng pader ...pero ewan parang lungkot parin yung nakikita ko sa picture sa kalagayan niya...mabuti naman at mukhang meron na palang mag-aasikaso mula sa embahada....kalungko t din yan sinabi mo pero meron katotohanan kaibigan minsan talagang ganyan ata...sa kasiyahan lang halos kasama suwertehan lang din siguro yung maka-tagpo ka ng totoong kaibigan...sa sampu suwerte na merong isa kadalasan kasi ni isa walang totoo...Otsukaresama Sis.summergirl ...sa thread owner sorry po sa OT ...
wildflower
11-23-2007, 09:24 PM
nakikiramay po ako sa pamilya ni lerma..lord hwag mong pabayaan mga anak nya..pinagdarasal kita saan kaman naroroon...may rest in peace..sanay matapos na ang problema sa bangkay nya..kawawa naman mga anak nyang naiwan kinukurot ang puso ko pagnaalala ko sya..
jcby1321
11-26-2007, 01:05 PM
ask ko lang po kung taga carcar cebu po ba sya? kc parang mga taga dun ang apelyido nya....condolence sa pamilya...she is still lucky to have a friend like summergirl.... sana dumami pa ang mga kagaya din ni summergirl na may malasakit sa kababayan.... at sana sa mga kababayan natin na OS sana doble ingat po sa sarili kase iba ang treatment nila dito sa OS...hindi nla binibigyan ng atensyon pag humingi na ng tulong pag nagkaproblema.... kase katwiran nila its their choice...pero kahit ano pa man...pusong pinoy pa din tayo pag may nangailangan ng ating tulong....
mr.kuripot
11-26-2007, 01:52 PM
Sensya na po ngayon ko lang nabasa uli ito..Momi summergirl Makahabol pa ba bukas ang tulong??Bukas pa po ako makakalabas e..
angela777
11-26-2007, 05:58 PM
Summergirl san!makakahabol pa po ba bukas ang tulong???bukas ng umaga din ako maghulog ng tulong sa account ni evelyn kunii,sinsya na din po ngayun ko lang din kasi nabasa.
mtwalton
11-26-2007, 07:43 PM
oh my God! me too....hindi po ako nakaabot sa post office today. I have work tomorrow for three days but I can't go out from work .....:( .......
summergirl
11-26-2007, 07:53 PM
makaka abot pa po kayong lahat dahil kailangang padala angmga gamit nya,dahil ash lang ang maitutulong ng embassy para maiuwi ang ash nya..Salamat at bahala na ang dyos sa inyo..
mtwalton
11-26-2007, 08:01 PM
So, even Friday daijobu pa po?
Sorry po..
God Bless.
summergirl
11-26-2007, 08:03 PM
So, even Friday daijobu pa po?
Sorry po..
God Bless.
its alright,but better talk to Evelyn,para sure di ba?Thanks a lot....God Bless you for helping those who are in need..Heres her no.
090-26589612..Evelyn Kunii
freegirl
11-26-2007, 10:22 PM
nakikiramay po ako sa pamilya ni Rema de la Cerna.
proud me
11-27-2007, 07:45 AM
Sa tuesday ang cremation nya may representative daw ang Philippine Embassy at sagot daw angpagdala ng body nya.. ngayon na nga pala ito....matatahimik narin siguro ang kaluluwa ni Lerma...lalo na pag napa-sa kamay na ng pamilya niya yung abo niya siguro...:(
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.