View Full Version : Voltage converter for Japanese devices/appliances to be used in the Philippines
scion_cho
11-18-2007, 10:15 PM
Ei guys, meron na ba kayong experience sa paggamit/ pagpadala ng mga Japan (110V) devices sa Pilipinas? Meron bang converter na maliit lang, yung convenient, not the bulky transformer type? May nakita kasi akong portable Hard Disk na 320Gb being sold at about 10K yen lang (promo) , problem is 'Japanese' voltage lang siya. I'm looking for some workarounds for voltage compatibility issues such as this.
kratos
11-18-2007, 10:38 PM
Meron mga very small voltage converter na benta sa Pinas.... around the size of laptop adopters, meron mas maliit pa. Kaso of course, maliit din power capacity nya. The higher the power required, the bigger is the size.
Reversible pa nga eh. Pwede 220-110 and 110-220.
We used it in my previous Japanese company in the Philippines.
I think marami ka mahahanap sa Pinas na ganun.:)
kakkoii_daw
11-19-2007, 09:35 AM
Ei guys, meron na ba kayong experience sa paggamit/ pagpadala ng mga Japan (110V) devices sa Pilipinas? Meron bang converter na maliit lang, yung convenient, not the bulky transformer type? May nakita kasi akong portable Hard Disk na 320Gb being sold at about 10K yen lang (promo) , problem is 'Japanese' voltage lang siya. I'm looking for some workarounds for voltage compatibility issues such as this.
meron nabibili sa gilmore, dun sa bagong tayong bldg, maliit lang yun. parang ganito itsura nya... meron din mas maliit pa jan... :D
http://www.quasarelectronic s.com/images/stl/suv010uk.jpg
dat725
11-19-2007, 11:02 AM
Depende rin..meron external na HD na built-in ang power supply a meron namang may external adapter.. kung may external adapter..minsan auto volt po ito..no need na ng transformer..kung hindi naman auto volt.. puwede naman bumili ng adapter na 220volts.
Kung built-in.. check mo muna kung ilang watts ang capacity nito.. yung mga maliliit na transformer kasi ..mababa lang ang wattage nito. Suggestion lang..bili ka na lang ng avr with
100 volts output..
kratos
11-19-2007, 11:57 AM
Yan din dat725 gamit ko sa Pinas, AVR....
Kaso gusto ni scion_cho portable daw... Yung kayang kayang ibulsa.....
Malamang gagamitin nya sa laptop....
To scion_cho, nacheck mo na ba specs nung external HD? Tignan mo sa likod baka may voltage selector switch. Yung nabili kong DVD writer kasi meron..... So no need to buy a converter.... Yung pix ni kakkoii_daw, almost actual size na nung mga binibenta sa Pinas....
engr_jazon
11-19-2007, 12:08 PM
Ei guys, meron na ba kayong experience sa paggamit/ pagpadala ng mga Japan (110V) devices sa Pilipinas? Meron bang converter na maliit lang, yung convenient, not the bulky transformer type? May nakita kasi akong portable Hard Disk na 320Gb being sold at about 10K yen lang (promo) , problem is 'Japanese' voltage lang siya. I'm looking for some workarounds for voltage compatibility issues such as this.
normally pag binili mo yung external hard disk yung power port nya is may nakalagay ng voltage transformer or converter na tawag natin.. kamukha sya nung nasa laptop na adaptors.. kaya nga pag laptops, "AUTOVOLT" sya kung tawagin.. pwede sa Japan at sa Pinas..
Pero kung yung nabili mo na wala pa syang adaptor, pwede ka bumili sa pinas or japan nun..
Nung unang dating ko sa Japan. Actually Hard disk lang ang dala ko.. ayun, autovolt na nga din sya dahil dun sa adaptor.. I bought the adaptor for about 150 to 200 pesos lang.. sa mga computer shops sa SM Malls meron naman.. Then yung last naman na binili ko ng hard disk din, dito naman sa japan at ayun complete set na sya.. may adaptor din..
yun lang.. i hope nakatulong
engr_jazon
11-19-2007, 12:21 PM
maidagdag ko po pala..
di ba yung mga DVD Player or other appliance eh di pwede isaksak agad sa pinas..
nakakita ako ng mga mas compact na transformers dito sa isang shop sa lugar namin..
yung shop name is DON QUIXOTE...
di ba yung ibang appliance natin sa pinas eh minsan tatlo ang nakausli sa male plug nila, then may ilalagay tayong parang maliit na pandugtong or adapter para pwede isaksak sa outlet sa bahay(na dalawa lang ang pwede ipasok)... yung same adapter na mga ganoon, meron dito sa Japan na nagcoconvert na ng from lower voltage to a higher voltage...
Maraming range ng voltage na pwede... may mga 9-12V then convert to 100plus - 220Volts..
Di ko lang pa nasusubukan... Pero I think ok naman siguro...
Bale parang di transformers or power supply ang labas nya, parang simpleng pandugtong lang sa male plug then autovolt na ang labas ng appliance mo..
ayan, medyo interesting din kasi ang linya ng mga electrical engr..dahil nga halos lahat na ngayon eh gumagamit na ng kuryente.. wag lang sana ko masabugan or makuryente.. hehehe...
dat725
11-19-2007, 01:04 PM
Isa pa ..for portability..(kung hindi mo pa nabibili ito)..would sugest to buy a 2.5" external hardisk..usb bus power ito ( non need for power adapter ) . I am using it right now for my photo and video files. I bought a 2.5" SATA disk drive ( cheaper ito kaysa IDE ) and an external 2.5 " SATA HD case ( 1,200 yen ).
scion_cho
11-20-2007, 01:07 AM
Thanks guys, for all the inputs. Yung nakita kong hard disk (sa Akiba) ay external hard disk, not the enclosure type, meaning fully loaded na siya with the proper fan, mas matibay etc. Unfortunately hindi siya autovolt (fixed voltage) kaya naghahanap ako nung converter. It's a good buy at 10K yen for a 320Gb external hard disk. Actual price niya kasi dapat mga 15K yen, and kung sa Pilipinas ka bibili -->; 3.5'' 250Gb HD + enclosure lang mabibili mo ng mga 11K yen. Ganito sana yung hinahanap ko: http://cgi.ebay.ph/ws/eBayISAPI.dll?ViewIt em&item=140180043084
pero 220V to 110V lang siya, eh di ba 100V ang Jap appliances?
@engr. jazon: hindi na ako nakalibot nun sa akiba (may donquixote din kasi doon) kasi gabi na, sayang, pero safe kaya yun for electronic items? Yung link kasi above may warning, not to be used daw with electronic circuitry products. Tanong ko na rin sana sa mga ka-TF kung may nakagamit ng ganung type of travel transformer pero di naman nadale gadget nila.
@dat725: Hindi ko pa nacheck yung collective price ng hard disks + enclosures dito sa japan. Assuming separate 320Gb din + enclosure (doesn't have to be 2.5'' );), mas mura kaya yun sa 10K yen? Magkano yung 2.5" HD mo and how much Gbytes?
shinshinobi
11-20-2007, 04:10 AM
dagdag ko lang na hindi 110V ang mga gamit dito sa Japan kundi 100V..
kapag isinaksak ang 100V sa 110V sigurado sira.(unless autovolt na may 100-240v na nakasulat) hehe:D
may nabibili na mga transformer sa USED TV Surplus na red transformer...100V na siya.
kakkoii_daw
11-20-2007, 09:10 AM
dude sa tipidpc meron enclosure, supports upto 500gb... :D
link here http://tipidpc.com/viewitem.php?iid=133 2094
engr_jazon
11-20-2007, 09:28 AM
pandagdag lang....
minsan kinukumpara ko ang presyo ng mga external HDD dito sa Japan at pinas....
last year ng december bago ko pumunta ng japan, bumili ako sa pinas ng 160GB.. binili ko sya ng kalas kalas... separate yung Hard Disk sa mismong enclosure...Yung enclosure nya is about 500-900 pesos lang.. Mayroon na itong power port na may adaptor na rin at autovolt na...
That time gumastos ako ng 4000plus pesos para sa lahat lahat...
Pero nung umuwi ako ng April, biglang baba din mga presyo ng Hard Disk sa pinas....
Yung mga 2.5inches(laptop size) naman na di na kailangan ng power supply, di ko pa natry..
Kasi medyo may kamahalan din...
Then about 3months ago, bumili ako sa yahoo shopping dito sa japan online...
Nagpatulong lang sa isang japanese na kaibigan...
500GB HDC naman ngayon.. parang yung appearance eh pareho lang din nung dati ko..
16,000plus yen ko lang sya nabili online....
I think mura naman compared sa prices sa SEIDEN, YAMADA, or JOSHIN...
And ayun, malapit nang mapuno dahil sa 24/7 na pagdodownload ko...hehehe....
So kung may bibili sa inyo ng HDD or HDC, 3.5in or 2.5in man yan, mas mura talga pag online nalang....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.