View Full Version : Naniniwala ka ba sa hula?
bonbon'79
11-18-2007, 10:16 PM
Ka-tf, ask ko lang po. Naniniwala po ba kayo sa hula (palm reading, card reading, etc...)? Share naman kayo tungkol dito.
summergirl
11-18-2007, 10:20 PM
Hindi ako naniniwala sa hula.<card reading>kasi minsan pag may narinig kang di maganda,iisipin mo palagi iyon ..At bakit ang mga mang huhula di nila napapa yaman ang sarili nila,kung ano ang lalabas na no.sa sweepstake..hehehe..
Palm reading,yes,kasi many times nag kakatotoo or co incidence di ko alam ,basta naniwala ako doon..Ayoko ng cards.Like sa Quiapo..
Finals....Ms Heather Graham ...Ms TF
kawaii5322
11-18-2007, 10:27 PM
i dont believe sa hula kasi para sa akin yung creator lang natin ang nakakaalam ng mangyayari sa atin. masarap lang katuwaan yung hula lalo na pag narinig mo puro maganda hehehe:) .
gian_mia
11-19-2007, 10:00 AM
for me oo ang sagot ko kase on my experience b4 i got married my kapit bahay ako na matanda nah but hindi talaga cya manghuhula at ng papabayad marunong lang cya bumasa ng palad but on cards hindi cya marunong kase ganito yan hinulaan nya ako na yr 2006 ikakasal daw ako dat year and it happens then about sa paper ko sinabi rin nya na by 2007 jan.makakpunta ako dito sa japan at sinabi rin nya na mag 50/50 ang buhay ko ng yari din ito sakin halos lahat ng sinabi nya ng yari sakin kahit sa mga kaptid ko na hinula nya ng yari din sa kanila pati nga yung sa friend ko ng asawa din ng jap. ng ka22o lahat nung sinabi nya but dun lang sa kapit bahay namin na yun me naniwala but sa other na manghuhula hindi napo ako naniniwala.
may_abe
11-19-2007, 10:15 AM
Naniniwala ako sa palm reading..sa card hindi. Hula is againsts God. I am not taking it seriously..nasa tao rin na nagdadala ang kapalaran.
naughtymeeh
11-19-2007, 10:58 AM
:D Palm reading naniniwala ako.
kakkoii_daw
11-19-2007, 11:00 AM
i dont believe in any form of hula, pero naniniwala ako ke madam auring!... :nuts: :hihi:
http://www.mukamo.com/wp-content/uploads/2006/10/fhmnovember2006kk8.j pg
sarpon
11-19-2007, 11:10 AM
i dont believe in any form of hula, pero naniniwala ako ke madam auring!... :nuts: :hihi:
parang nawalan yata ako ng ganang mag-lunch...:mad:
hula sa wikang ingles ay "guess" so kahit sino pwedeng manghula..:D
kakkoii_daw
11-19-2007, 11:13 AM
parang nawalan yata ako ng ganang mag-lunch...:mad:
hula sa wikang ingles ay "guess" so kahit sino pwedeng manghula..:D
dude, bagay na bagay ang chicharon ke madam auring! may asim pa! haha :eek::nuts::hihi:
infinite_trial
11-19-2007, 11:18 AM
i like card reading or any form of hula...but not necessarily believin in it. aliw lang pag tinatry nilang hulaan yung mga past or iniisip mo...minsan sablay :noteeth:
gaya nun hinulaan ako, tigang daw ako :hihi:
listen
11-19-2007, 11:48 AM
hello bonbon79..お久しぶり ですね. pra sa akin. nsa iyo kung maniniwala ka o hindi kasi ikaw lang nakakaalam about yourself....its just a fun wla nmang mawawala kung makikinig ka sa kwento ng manghuhula,,,naniniw ala ako sa taong manghuhula na hindi nagpapabayad pro kpag may bayad na hindi na ako naniniwala sa mga testi nya....:)
Hi bonbon san,
Hindi ako naniniwala sa hula pero naniniwala ako na nagkakatotoo lang ang hula sa mga naniniwala. :)
ICHIBAN08
11-19-2007, 12:13 PM
Nung una nahulaan ako may tumama at hindi....Naliw ako sa mgagandang hula, sa masaman hula nawalan ako ng gana....but narealize ko na lahat ng bagay na nangyayari sa atin is tayo rin ang gumagawa, kaya may tinatawag na free will...ang magagandang bagay na nangyayari satin ay kaloob ng dios....Nakakaaliw lang talaga magpahula:D
bonbon'79
11-19-2007, 03:27 PM
Wow.. Galing ng mga rationale niyo tungkol sa hula... Well, nasa tao nga yun sabi nila di ba? Kumbaga sa kasabihan, "Nasa DIYOS ang awa, nasa tao ang gawa." Prayer pa rin ang pinaka-makapngyarihan sa lahat... Ako? Naniniwala ako sa hula but I always guide it with prayers. Kung ano man yung mga hinula sa akin, prya na lang ako na sana hindi mangyayari, na sana makakamtan ko yung mga good hula... Di bah?:D
Hindi rin ako naniniwala sa hula:) ...
mazel
11-19-2007, 04:12 PM
Personally, hindi ako naniniwala sa hula.. It still depends on the person kung ano yung mangyayari sa buhay nya. Nakadepende sa sarili nating desisyon at aksyon na gagawin (at sa awa ng Diyos) kung ano ang mangyayari sa buhay natin di ba? :D
simplymystic
11-19-2007, 07:46 PM
hindi ....:) ....
malibuPine
11-19-2007, 07:54 PM
May mga hula sa akin, nagkatotoo.
mamimo
11-19-2007, 08:11 PM
Depende sa manghuhula, meron talagang parang may "gift" sa pagbasa sa tao at meron naman puro bola lang.
sachi807
11-19-2007, 08:49 PM
hindi ako naniniwala kasi may nanghula sa akin german daw mapapangasawa ko..palpak hula niya kasi hapon ang napangasawa ko..:lol:
chokulit
11-19-2007, 09:04 PM
Naniniwala ako sa hulang nagkaka totoo:D
KikoyBalayon
11-19-2007, 09:11 PM
ako naniniwala sa hula.. na hoops.. :hihi:
mtwalton
11-19-2007, 09:18 PM
medyo po, but I'm afraid to hear the truth so hindi ako nag papahula.....kowai desho, may nagsabi nga na pag once you heared what it says , nasa isipan mo na at nakaka bother lang diba.....:D
but I'm curious, specially If "one day will I become rich:rolleyes:?"... hihi!
la_tina512
11-19-2007, 09:35 PM
Dati naniniwala ako pero when I started reading and learning the Bible nawala lahat pati mga superstitious beliefs and horoscope. Pag nandon na kasi ang faith mo sa God ide-depende mo na ang buhay mo sa Kaniya lang. Wala kasing nakakaalam ng buhay natin kundi si God lang. Before hindi ako makalabas ng bahay kundi ako magko-consult muna sa horoscope ko for the day. Pag sinabi ng horoscope ko which is almost the same as hula na mag-ingat halos ayaw ko ng lumabas ng bahay. Pero ngayon peaceful na peaceful na ako. Pray lang ako for protection paggising pati na asawa and mga kids at lahat ng mahal ko ok na ako :).
sasuke
11-19-2007, 09:37 PM
naniniwala ako sa palm reading..sa card hindi,pero....nung college ako meron ako kaboardmate nanghuhula siya using card nagkakatotoo naman..kaso pinatigil ng landlord..kasi ung last na hinulaan niya ang sabi niya sa hinuhulaan niya..ung kuya mo may makakaaway hahatawin siya ng itak sa batok..ayun ...nagkatotoo
sasuke
11-19-2007, 09:44 PM
Dati naniniwala ako pero when I started reading and learning the Bible nawala lahat pati mga superstitious beliefs and horoscope. Pag nandon na kasi ang faith mo sa God ide-depende mo na ang buhay mo sa Kaniya lang. Wala kasing nakakaalam ng buhay natin kundi si God lang. Before hindi ako makalabas ng bahay kundi ako magko-consult muna sa horoscope ko for the day. Pag sinabi ng horoscope ko which is almost the same as hula na mag-ingat halos ayaw ko ng lumabas ng bahay. Pero ngayon peaceful na peaceful na ako. Pray lang ako for protection paggising pati na asawa and mga kids at lahat ng mahal ko ok na ako :).
I agree!:)..parang salungat ata sinabi ko ngayon at kanina ah:D..live by faith and not by sight.dipo ba na sa bible din po yang about sa manguhula,withcraft. .etc?
palm reading ya naniniwala ako.like ilan ba magiging anak ko.(totoo) maninirahan sa malamig na bansa (totoo pa din) magaasawa daw ng may idad na nagduwal duwal pa ako :rolleyes: ( totoo nga) na yayaman daw ako (waiting pa :D )
pero yun nag babasa ng card i dont believe them ;)
sasuke
11-19-2007, 11:00 PM
hi po ulit..gaya nabanggit ni la tina san..k God kau maniwala..kasi sa kaniya nakakatiyak tau..di an kailangan ng hula or whatever..pero kung gusto niyo ng tiyak...iboto niyo si Rachel McAdams for MsTF2007:D:D:D at ng makarami..un tiyak un..di na kailangan magpahula ahihihi;):D:D:D
bonbon'79
11-19-2007, 11:01 PM
Sa card reading, isa lang pinaniniwalaan ko. Ang classmate ko noon sa college. Lahat ng sinabi niya, nagkatotoo basta daw gabayan lang ng prayers. Dati naman nagpa-palm reading ako sa isang manghuhula daw pero di nagkatotoo. Mas mabuti pa yung classmate ko kesa sa kanya. Hehehe... Ngayon naman, may 1 pa akong kaibigan na nag-palm read sa akin. Halos lahat ng sinabi, totoo talaga. Pero may isa pa akong gustong malaman talaga at hihintayin kong matutupad iyon. :D Hula lang naman eh... Di ba?
shinshinobi
11-19-2007, 11:10 PM
hindi po. kaya nga hula eh....
kapag sinabing nakatakda maniniwala po ako.:D
meron kasi akong kalaro dati, hinulaan siya ng katulong ng kapitbahay namin, ang sabi yayaman daw siya eh hanggang ngayon tambay...
siguro alam niya kasing yayaman siya kaya hindi na siya nagsumikap:D
mOtt_erU
11-20-2007, 05:27 PM
~ hindi ako naniniwala sa hula...nasa saten pa din at nasa sa itaas kung ano ang mangyayari sa buhay naten.
hirosh
11-21-2007, 07:48 AM
d dn po ako naniniwala kc natatandaan ko nung 18yrs old me naghula sa akin si tata andoy sabi nya mkakapag asawa daw ako ng isang lalaking binata at degree holder dw, tapos un dw ang makakasama ko forever.
lahat puro kabaligtaran..hayyys
bahaykubo
11-21-2007, 01:01 PM
ako naniniwala nagkatotoo na kasi yung hinula sakin 3years ago..pero nasatin pa din yun kung maniwala tayo o hindi...tayo naman ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.:O hindi lang chance yun...choices din natin kung ano gusto nating mangyari sa buhay natin
agitto
11-22-2007, 09:02 PM
ako 50/50 kasi me tumatama naman sa hula ,pero kaya nga hula di ibig sabihin magkakatotoo na yun , tulad na lng ng hinula sa kin i think mga 1995 yun di naman ako nagpapahula basta yung kakilala ng utol ko na marunong sa palm reading ,one time tinignan ang kamay ko at kasabi-sabi ba naman after 10yrs matitigok na daw ako :eek: dahil magkakasakit daw ako ,pero awa ng dyos eto alive na alive pa rin ako ngayon kya nasasa tao yun kng maniniwala ka :p imagine kung naniwala ako dun eh baka nga nagkatotoo yun sa sobrang depression :D
elyurika
11-22-2007, 10:25 PM
hindi rin ako naniniwala dyan...god only knows!:rolleyes:
naalala ko lang~~~~~~ noon may nakausap kami ng Ate ko ,tinitigan nya Ate ko tas sabi nya sa Ate ko~~~~~~~ before you reach 40 yrs old mabibyuda ka :eek:
tinawanan lang namin ni Ate .susme totoo nga last year namayapa na bayaw ko .napagtripan ng mga halang ang kaluluwa .
40 years old na Ate ko this year .nagkatotoo.anyway namayapa na din yun nagsabi noon sa Ate ko the same year din
nakapagtataka minsan ang hirap ipaliwanag ng mga bagay bagay sa mundo ~~~~~:(
docomo
11-23-2007, 12:48 PM
No ..I firmly believe that the future is far better left unknown:)
alamagawa
11-23-2007, 03:39 PM
nanay ko laging nagpapahula....mas lucky daw kapag friday............ew an ko ba dun....aanga -anga:brush:
pero gusto ko din itry:D :p
tisay
11-23-2007, 03:43 PM
nanay ko laging nagpapahula....mas lucky daw kapag friday............ew an ko ba dun....aanga -anga:brush:
pero gusto ko din itry:D :p
~~ayy suss~~lucky ka pala ngayon:rolleyes: ~~~Its friday.. today is your day:eek:~~~may darateng kang swerteh ngayon~~bastat maghintay kalamang:scratch:~~w akk kang gagalaw jyen,,aambunan ka rin ni santa ~~:cool:
alamagawa
11-23-2007, 03:49 PM
haha wala na yung swirte day..........nakuha na ki tfc day..........OT na day haha
hacaya
11-23-2007, 07:01 PM
2 kinds of HULA:
1. nagpapanggap na manghuhula eh di naman..basta may masabi lang or puro kalokohan o akala lang..ginagawang business.:D
2. totoong manghuhula- ito yung mga taong nakakakutob talaga or malakas ang vibration..matalas ang pakiramdam!:)
whether totoo man ang hula or hindi minsan ginagawa nalang nating libangan ito..iba-iba naman ang paniniwala ng tao.
basta ang alam ko lang din lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan..kung anuman yon di ko rin alam.:p PIS!:)
Hungry eyes
11-23-2007, 10:04 PM
Hindi po ... hula nga po eh :D
Tarena314
11-24-2007, 04:14 PM
Ako rin po hindi....,:)
superwoman
11-28-2007, 10:00 AM
Ka-tf, ask ko lang po. Naniniwala po ba kayo sa hula (palm reading, card reading, etc...)? Share naman kayo tungkol dito.
:nono: po ...kasi hula nga lang po ehh:gossip:
louvette_15
11-28-2007, 10:22 AM
hindi rin po ako naniniwala sa hula though natutuwa po akong pakinggan hula nila sakin...
crybaby
11-28-2007, 10:26 AM
im not telling that this people not really exist but for somehow meron tlga, even sa Bible times meron ng mga ganito. but its not a good practice to gain this kind of talent. i've read alot of books pertaining this kind of witchcraft, fortune telling and othere related stuff, its no good at all. it's all about demonic thing. so, im really against it and not agree with this kind of people, lagi ko ina away ung mom ko because of this, mahilig mag pahula, mag patawas, may mga un usual things kasi na nadadala sa house or sa family ko ung mga ganitong bagay, its all negative, instead of believing in God and just pray for everything nalng, better result pa ang mangyayari, only God can tell what future you will have, so start to put your trust to God and believe that He will save you as long as you the right relationship with Jesus.
Wreinman
11-28-2007, 12:23 PM
naniniwala sa hula? hmmm di ko alam e. siguro vibes naniniwala pa ko. kasi nung nagaaral pa ko, pag nagkakaron kami ng pagsusulit, kalimitan hinuhulaan ko lang ang mga sagot ko e hehehe :p pero ayon yun sa aking vibration hehehe :D
pero about fortune telling? hmmm di ako bilib dun e. saka sabi sa baybol wag daw sasangguni sa kanila kasi make kers (curse) ka. tsk tsk kakatakot hehehe :)
musikaghie
11-28-2007, 01:03 PM
Ako di rin naniniwala para sa akin COME WHAT MAY...
Kung ano ang dumating at mangyari sa buhay tanggapin ng maluwag sa kalooban kasi si Lord lang talaga ang nakakaalam at walang makakahulang tao na tama lahat diba? kaya nga tinawag na hula.
fangirl
12-02-2007, 12:19 PM
hmmm.... hinde. twice pa lang ako nagpahula. may consistent silang sinasabi. hindi pa naman nangyayari kung anu yun. pero tignan natin. hehehehe...
pero yung isa dami nyang nachambahan sa kin. di daw hula yung kanya. she's an old nun dun sa probinsha namin. wala shang bayad. she freely offers her "guidance".
shakey
12-02-2007, 01:01 PM
ndi ako naniniwala ...kaya nga hula eh:D
dati kasi nag pahula ako sabi nung mang huhula makakabili daw ako ng bahay at lupa pati narin car...eh namuti na buhok ko sa japan di pa rin ako nakakabili:D
batusai22
12-05-2007, 02:16 AM
kung si god siguro manghula sa akin,baka dun maniniwala ako,kung tao lang,never....
georgie_gurl
12-15-2007, 06:37 PM
nope
Soju6
12-15-2007, 07:22 PM
Kung ang manghuhula sa akin ay "milyonaryo" - maniniwala ko.
Pero kung mahirap ding katulad - nope.
shinshinobi
12-15-2007, 11:09 PM
sino gusto magpahula? marunong ako manghula...
shinshinobi
12-18-2007, 10:46 AM
takarakuji this thursday 12/20
8
13
18
25
31
39
sharpener
12-18-2007, 11:15 AM
shin manghuhula ka na ngayon:eek:
aki^-^
12-18-2007, 11:17 AM
takarakuji this thursday 12/20
8
13
18
25
31
39
itaya ko kaya sa lotto....:D :rolleyes:
shinshinobi
12-18-2007, 11:23 AM
yes. manghuhula ako.
tayaan nyo yan, pag tumama at hindi kayo tumaya pagsisisihan nyo habang buhay yan...:D
aki^-^
12-18-2007, 11:25 AM
yes. manghuhula ako.
tayaan nyo yan, pag tumama at hindi kayo tumaya pagsisisihan nyo habang buhay yan...:D
pag ako nanalo..bigyan kita...ahihihihihi:D
shinshinobi
12-18-2007, 11:31 AM
pag ako nanalo..bigyan kita...ahihihihihi:D
pag nanalo ka ibig sabihin panalo din ako dahil tatayaan ko yan eh hehe
sharpener
12-18-2007, 11:43 AM
balatuhan nyo na lang ako:D
shinshinobi
12-18-2007, 11:47 AM
tayaan nyo na cge kayo, hindi kayo makakatulog pag tumama yan...:D
Dondake303
12-19-2007, 12:48 AM
Bakit hindi nila mahulaan kung anong tatama sa lotto:confused: kung totoo sila baka lahat ng hinulaan nila milyonaryo na:D
shiawase
12-19-2007, 01:29 AM
No one can predict or see the future.... Even the famous Nostradamus' predictions and prophecies failed and claimed to be false.... :)
tadashi
12-19-2007, 01:53 PM
ako ayoko sana maniwala pero madalas nakaka vibrate o nalalaman ko ang mangyayari (panaginip)..pero ayoko ikuwento sa iba kasi nahihiya akong sabihan ng lukaret ako....tapos yung mga naba vibrate ko puro masasama...like death,accident,etc.. . minsan natatakot na nga ako,,pero puro tungkol sa ibang tao..pero sa sarili ko wala...halimbawa yung nangyari sa friend ko na may motor sa panaginip ko nakita ko na wasak na wasak yung motor..sbinalewala ko kasi panaginip lang ..nung gabi na iyon tumawag yung tita niya sa akin sinabi na aksidente daw yung friend ko...nung nakita ko yung motor niya katulad na katulad nung nasa panaginip ko.....2nd,yung sa tita ko napaniginipan ko yung tita ko na nakahiga tumutulo yung dugo sa ilong,at may mga pantal na pula sa katawan (parang pasa) after 1 month nagpakamatay tita ko(nagbigti) nakita siyang tumutulo ang dugo sa ilong,at yung katawan niya puro pantal na ng pula kasi namuo dugo sa pagbibigti niya (schocked ako..) ayokong ikuwento kahit kanino..first time ko nagkwento dito sa tf kasi hindi naman tayo magkakakilala....ang pinagtatakahan ko bakit sa sarili ko di ko mavibrate na may masamang mangyayari???
shinshinobi
12-19-2007, 02:48 PM
ako ayoko sana maniwala pero madalas nakaka vibrate o nalalaman ko ang mangyayari (panaginip)..pero ayoko ikuwento sa iba kasi nahihiya akong sabihan ng lukaret ako....tapos yung mga naba vibrate ko puro masasama...like death,accident,etc.. . minsan natatakot na nga ako,,pero puro tungkol sa ibang tao..pero sa sarili ko wala...halimbawa yung nangyari sa friend ko na may motor sa panaginip ko nakita ko na wasak na wasak yung motor..sbinalewala ko kasi panaginip lang ..nung gabi na iyon tumawag yung tita niya sa akin sinabi na aksidente daw yung friend ko...nung nakita ko yung motor niya katulad na katulad nung nasa panaginip ko.....2nd,yung sa tita ko napaniginipan ko yung tita ko na nakahiga tumutulo yung dugo sa ilong,at may mga pantal na pula sa katawan (parang pasa) after 1 month nagpakamatay tita ko(nagbigti) nakita siyang tumutulo ang dugo sa ilong,at yung katawan niya puro pantal na ng pula kasi namuo dugo sa pagbibigti niya (schocked ako..) ayokong ikuwento kahit kanino..first time ko nagkwento dito sa tf kasi hindi naman tayo magkakakilala....ang pinagtatakahan ko bakit sa sarili ko di ko mavibrate na may masamang mangyayari???
tadashi san talagang may mga taong katulad mo na nakabukas ang "third eye".
Kung natatandaan mo ang pelikulang "sixth sense" ni pareng bruce willis eh pareho kayo ng bata na may espesyal na kakayahan. Ngunit ang sa bata ay nakakakita siya ng mga kaluluwang gala, samantalang ikaw naman ay nakikita ang mga sasapitin ng mga kakilala mo.
Nasa iyo ang kapangyarihan para iligtas ang buhay ng mga napapanaginipan mo. binigyan ka ng diyos ng kakayahang makakita ng mga susunod na mangyayari kaya sana ay gamitin mo ito sa mabuting paraan at iligtas ang mga mapapahamak.
Sinasabi nila na ang mga ganitong klaseng tao na nakakakita ng mga hindi pa nangyayari ay mga anghel na nagkatawang tao.
isa kang anghel at ang layunin mo sa mundo ay maghatid ng balita at iligtas ang mga mapapahamak.
ako rin ay may kakayahang katulad mo. ngunit ang sa akin naman ay naiiba.
nag aral ako ng astral projeksyon at kasalukuyang ginagamit ito upang maglakbay sa kalawakan.
mas maganda siguro kung magsama sama tayong may mga "special powers" at bumuo ng isang grupo.
sang ayon ka ba dito?
tadashi
12-19-2007, 07:19 PM
ayokong may makaalam nito..natatakot akong pagtawanan at sabihin na lukaret ako....maraming beses ng nangyari sa akin ang ganun pangyayari..minsan sa tren may makikita akong tao na parang inaatake..pero kapag pinikit ko yung mata ko at binukas ko uli wala naman siya ginagawa kundi tinitingnan ang ketai...gusto ko sabihan siya na mag ingat kasi baka mamatay siya sa atake sa puso pero baka pagtawanan niya ako at sabihihang sira ulo....
tadashi
12-19-2007, 07:22 PM
ang pinakakinakatakot ko ay baka isa na sa mga mahal ko sa buhay ang makita ko...ayokong mangyari yun...araw araw hinihiling ko sa diyos na wag ang mahal ko sas buhay ang makita ko...
shinshinobi
12-19-2007, 07:30 PM
ang pinakakinakatakot ko ay baka isa na sa mga mahal ko sa buhay ang makita ko...ayokong mangyari yun...araw araw hinihiling ko sa diyos na wag ang mahal ko sas buhay ang makita ko...
naniniwala ako sa iyo tadashi san. mayroon kang kakaibang kakayahan na kailangan mong gamitin sa ngalan ng kabutihan.
Huwag mong isiping lukaret ka dahil bihira ang ganyang kapangyarihan. Mahalin mo at magpasalamat sa panginoong Diyos na nagbgay sa iyo niyan.
Lahat naman ng tao ay mamamatay kaya wala ka dapat ikatakot. Bigyan mo na lang ng babala ang mga makikitaan mo ng kakaibang pangitain para makapag handa sila at maiayos ang kanilang pagtatapos.
shinshinobi
12-19-2007, 07:31 PM
huwag niyong kalimutang tayaan ang numerong binanggit ko, mananalo yan bukas.
shinshinobi
12-20-2007, 03:05 PM
meron pa kayong ilang oras para tumaya sa takarakuji, mamayang gabi na bola alas siyete.
k_e_n_k_a_y
12-20-2007, 04:28 PM
december 2005 me isang babae, nang makita niya ako bigla niyang sinabi sa akin, sa isang taon nasa ibang bansa ka na. di ko siya kilala at di ko naman siya tinatanong. ewan ko kung bakit niya nasabi yon. may 2006 dumating ako dito sa japan. :D:D:D
shinshinobi
12-20-2007, 05:06 PM
december 2005 me isang babae, nang makita niya ako bigla niyang sinabi sa akin, sa isang taon nasa ibang bansa ka na. di ko siya kilala at di ko naman siya tinatanong. ewan ko kung bakit niya nasabi yon. may 2006 dumating ako dito sa japan. :D:D:D
kasi sya daw kasi nag asikaso ng visa mo sa embassy :D
shinshinobi
12-20-2007, 11:51 PM
:eek: Oh my GOD!!!!
Tumama yung sinabi ko!!!:eek:
2 OKU YEN!!!!
http://i202.photobucket.com/albums/aa150/photo134679/0000kuji.jpg
http://i202.photobucket.com/albums/aa150/photo134679/0000tiket.jpg
barabara
12-21-2007, 11:20 AM
ako medyo-medyo nanininwala ako sa hula.. ganito iyon hinulaan ako na makapagaasawa ako ng gaijin at magkaanak ng boy pero girl naging anak ko..si sister ko hinulaan ni renee mariano na pag nagstay siya sa pinas mamatay siya agad.. pag nagstay siya sa japan hahaba pa buhay niya... sa japan kasi ayos lagi sa byoin ...sa pinas nagpabaya kaya naging totoo ang hula:( :( :(
bikoy
12-21-2007, 01:26 PM
:eek: Oh my GOD!!!!
Tumama yung sinabi ko!!!:eek:
2 OKU YEN!!!!
http://i202.photobucket.com/albums/aa150/photo134679/0000kuji.jpg
http://i202.photobucket.com/albums/aa150/photo134679/0000tiket.jpg
talagang oh my GOD!!!!!!nanalo ka talaga shinshinobi san?bakit kasi di ko nakita itong post mo kahapon ...eh di sana nanalo rin ako today!!!!!whahhhhhh: eeek: :eeek: :eeek:
ano po ba ang next forecast na number nyo at matayaan!!!!:D :D :D :D
k_e_n_k_a_y
12-21-2007, 01:26 PM
kasi sya daw kasi nag asikaso ng visa mo sa embassy :D
baka nga po...hehehe...
tadashi
12-22-2007, 10:01 PM
4 24 25 26 27 34 ang nanalo na numbers.......lotto 6 ..pinatunayan lang nito na ang hula ay hula lang talaga,,,,,:D
tadashi
12-22-2007, 10:02 PM
最新結果
第374回(2007年12月20日)LO TO6抽選結果 本数字 http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/04.gif http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/24.gif http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/25.gif http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/26.gif http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/27.gif http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/34.gif ボーナス数字 http://www.dreamkit.info/images/setballs/I/28.gif セット球 I 1等 1口 200,000,000円 2等 8口 41,993,100円 3等 614口 656,500円 4等 30,089口 11,800円 5等 516,313口 1,000円 キャリーオーバー173,27 5,826円 販売実績額4,409,521 ,400
bikoy
12-23-2007, 12:55 PM
ay sus me!.....paniwalang paniwala pa naman ako ah!:scratch: :scratch: :scratch: ....hula joke pala!ngeeeee!...eh ~he~he~he:D :D :D
danasan143
01-03-2008, 03:44 PM
medyo naniniwala ako kaya natatakot akong magpahula or kahit na anung card reading bka kasi maapektuhan lang ang daily routine ko okey sana kung lahat ng hula eh pabor sa akin or good news ang sasabihin ........
lady.arwen82
01-11-2008, 12:43 AM
naniniwala po ako sa...hula..esp. that palm reader i met..nagkatutuo lahat eh... d masyado sa card..kasi experience ko yun...
gabby
01-11-2008, 12:58 AM
hihihihihihihihihihi h:D :p
i dont believe in any form of hula, pero naniniwala ako ke madam auring!... :nuts: :hihi:
http://www.mukamo.com/wp-content/uploads/2006/10/fhmnovember2006kk8.j pg
tadashi
01-14-2008, 09:30 PM
nag ka ruon na naman ako ng vibrations...nsa pinas ako last week kasama ko ang katulong namin at sumakay kami ng jip patungong SM nung nasa jip kami walang anu ano sinbi ko sa katulong namin na mag ingat siya dahil may magnanakaw kami makakaharap sa araw na iyon..tinanong uli ako ng katulong namin kung ano daw sinabi ko?? sabi ko wala ...nung nasa SM na kami nasa mga section kami ng mga toyo at mga suka ng sinabi ko wag tayo pumunta diyan delikado...mga ilang seconds nga nadukutan yung mama dun sa section na yun..nawala yung wallet niya at kami nakakita nung magnanakaw..pagharap sa akin nung magnanakaw nakita ko siyang may mga pasa sa mukha at may dugo nung pinikit ko uli mata ko wala naman...tumili katulong ko dahil nakita niya yung magnanakaw at tinuro sa guwardiya..nahuli ng guwardiya yung magnanakaw..dinala sa pulis...ngaun ano na kaya nangyari sa kanya??ayoko ng malaman pa..
maque
01-14-2008, 09:35 PM
Noon hindi ako naniniwala sa hula... pero minsan kasi nag pahula ako at binalaan niya ako... sinabi ng manghuhula na magkakahiwalay kami ng bf ko dahil sa isang kaibigan... unbelievable paniwalaan kasi lahat ng kaibigan ko pinagkakatiwalaan ko so bakit ako dapat magduda sa kanila...at going strong kami that time wla kaming problema.
Ngunit after a year and a half di ko sinasadya pero nangyari nga ang hula sa akin at ang cause nga ay isang bagong kaibigan na kailanman di ko iniisip na may gusto sa bf ko... at dun nag end ang love story namin...
simplymystic
01-14-2008, 09:37 PM
Ka-tf, ask ko lang po. Naniniwala po ba kayo sa hula (palm reading, card reading, etc...)? Share naman kayo tungkol dito.
paminsan-minsan...pag tumatama yung hula .....nakakadale ...minsan.....:bigla ugh: :biglaugh: :biglaugh:
bonbon'79
01-14-2008, 09:41 PM
paminsan-minsan...pag tumatama yung hula .....nakakadale ...minsan.....:bigla ugh: :biglaugh: :biglaugh:
May dalawa akong kaibigan na hinihingan ko talaga ng hula for 3 months na reading... Nagkatotoo lahat.... Siguro thru consistent prayer na rin kaya ganoon....:D
miffy
01-15-2008, 12:32 AM
Ka-tf, ask ko lang po. Naniniwala po ba kayo sa hula (palm reading, card reading, etc...)? Share naman kayo tungkol dito.
honestly,hindi...
pero nag eenjoy ako pag hinuhulaan ako...
maybe out of curiosity...
kaya minsan ginagawa ko...but i don't really believe...:)
aPee_addict
08-07-2008, 10:25 AM
minsan.. pero meron din hula na nagkatotoo meron din hindi... pero parang nakakatakot ng magpahula dahil sa mga sinasabi ng manghuhula...
mbstorun
08-07-2008, 10:40 AM
Ka-tf, ask ko lang po. Naniniwala po ba kayo sa hula (palm reading, card reading, etc...)? Share naman kayo tungkol dito.
naku hula na yan pinuntahan pa namin yung isang sikat din na manghuhula 3 yrs ago sabi sa sunod na taon daw 2006 mabubuntis ako di naman! nagpahula uli ako sabi naman..pag nabuntis ka kambal daw aysus hanggang ngayon kahit isa walang lumabas na bata :biglaugh:
kung totoo yang mga manghuhula..eh di dapat hulaan nalang nila ang lalabas sa lotto para di na sila pagpagod kaka buklat ng baraha nila o ano man jan na teknik nila. :p ang masasabi ko lang..isang panloloko yang hula hula na yan. kung walang bayad siguro ok lang parang laro laro lang minsan naman siguro sa iba nagkakatotoo or natimingan so yung iba siguro naniniwala talaga:p
Matty
08-07-2008, 12:20 PM
Kaya nga sinabing hula , dahil di sigurado...:p:D:) pero sa akin naman nung magpahula ako me nagkatutuo naman . baka nga nachambahan nya lang..:p:p:p
kaya medyo naniniwala naman ako , :p:D:) kaso ang hinihintay kong hinula sa akin na yayaman daw ako kailan naman kaya????????:D:):p
ako medyo naniniwala,kasi dati my nanghula sakin na makakarating daw ako ng japan eh hindi pko nagaaply nun papuntang japan tpos ngapply nko pero di ako mkapasa sa ARB nun kc sintonado boses ko,nagaral nko ng college kasi nga wala nko plano mgjapan tpos tumawag ung promotion ko sbi naaprove daw ung visa ko!un lang po:D:)
Guramarasu
08-07-2008, 02:32 PM
May hulang kapag nagkatotoo, coincidence man o hindi pinapaniwalaan natin. Ang concern ko naman dahil naririto tayo sa Japan, napansin ko maraming Hapon na sumasangguni sa panghuhula, kasali na ang pamilya ko at parang lahat ng desisyon ay nakadepende na sa manghuhula. Katulad ng pagbibigay ng pangalan sa mga anak ko, o kung kailangan ko bang magtrabaho o hindi, kung kailan at kung anong klaseng trabaho. May sarili akong paniniwala tungkol sa panghuhula, pero may bagay na hinulaan ang 'family fortune teller' na hindi ko nagustuhan, at sa tingin ko panghihimasok na ng personal naming buhay. Bakit kailangan kasali pa sa pagdedesisyon ang manghuhulang ito, naisip ko. Hindi naman natin katulad mag-isip ang mga Hapon. Karamihan sa atin, ang hula ay nagsisilbing gabay, ganun din ako. At nakita ko sa panghuhula ng mga Hapon dito, lahat ng sinasabi nila ay galing sa libro, mga nakalibro, na para bang nakasulat na doon ang nakatakda sa iyo base sa araw ng kapanganakan at pangalan mo. Halos lahat, tinamaan ng 'libro' yung mga pangyayari na naganap na dati, at kahit disgusto akong paniwalaan ang mga consequences na maaaring mangyari sa pamilya, nakakagulat dahil nagkatotoo.
Boobita
08-24-2008, 11:12 PM
sa buong buhay ko hinde pa ako nakapagpahula eh.....
kaya siguro hinde na lang muna ang iboboto ko
wala kasi ako experience pa eh
DreamCatcher
08-25-2008, 08:18 PM
Kung nagkatotoo man ang hula...tiyak coinsidence lang, dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong kapalaran. Huwag kang umasa sa hula lamang, Kumilos ka at ng makuha mo ang iyong inaasam-asam na kaginhawaan sa buhay...:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.