PDA

View Full Version : Quezon Province

japhil
11-22-2007, 02:44 PM
Kumusta na po kabayan! :)

Mag tatanong lang po sana kung meron po bang taga QUEZON PROVINCE dito sa TF. Sa Lucena Quezon po ako nakatira sa Pilipinas.

Namimiss ko na kasi ang Lucena medyo matagal narin kasi akong di nakauwi sa pilipinas.:(

bell
11-22-2007, 02:48 PM
Kumusta na po kabayan! :)

Mag tatanong lang po sana kung meron po bang taga QUEZON PROVINCE dito sa TF. Sa Lucena Quezon po ako nakatira sa Pilipinas.

Namimiss ko na kasi ang Lucena medyo matagal narin kasi akong di nakauwi sa pilipinas.:(hello japhil....taga quezon ako sa atimonan nga lang pero 40 mins. lang hanggan lucena,pro may lupa kaming nabili dyan sa lucena wala pa nga lang bahay.:Dikinagagalat kong makilala ka.

hacaya
11-22-2007, 03:24 PM
di ako taga quezon province pero my father was born and lived there sa Gumaca.

ay tumira pala ko 1yr lang don long time ago pa when i was 8...maganda don sariwa ang hangin noh, saka gusto ko ang dagat..:)

marami rin akong pinsan don, naalala ko tuloy sila..

thermometer
11-22-2007, 04:16 PM
Hi Japhil..

san kapo sa lucena.. maganda na po ang lucena ngayon meron na SM.:D

greatbarrier
11-22-2007, 04:24 PM
Kumusta na po kabayan! :)

Mag tatanong lang po sana kung meron po bang taga QUEZON PROVINCE dito sa TF. Sa Lucena Quezon po ako nakatira sa Pilipinas.

Namimiss ko na kasi ang Lucena medyo matagal narin kasi akong di nakauwi sa pilipinas.:( hi japhil, welcome to tf... i'm not from lucena, but like you nami-miss ko na lucena... madalas ako dyan when i was in ph coz my bestfriend is from there...minsan roadtrip lang kami kasama achi nya pag walang magawa ng isang wkend... baka kilala mo... yap ang surname ng bestfriend ko :)

lay
11-22-2007, 05:28 PM
hi! Mother ko taga Quezon province sa pagbilao malapit lang yung sa lucena.May mga kamag-anak din kami sa lucena.Malaking pamilya kase ang mga lolo at lola ko dun kaya.Kung talagang taga lucena pamilya mo or mga lolo at lola mo baka malayong mag-kaanaak pa tayo.:D

japhil
11-23-2007, 08:04 AM
hello japhil....taga quezon ako sa atimonan nga lang pero 40 mins. lang hanggan lucena,pro may lupa kaming nabili dyan sa lucena wala pa nga lang bahay.:Dikinagagalat kong makilala ka.

Thanks Belle:) ikinagagalak din kitang makilala. Oo nga lapit lang ng Atimonan sa Lucena kasi mommy lagi din sya dyan marami syang amiga sa Atimonan. Wow san naman kayo nakakuha ng lupa sa Lucena baka magkapit ba hay pa tayo kasi daming bakante sa paligid namin hahaha. Ako sa Lucena Kanlurang Mayao sa Marville homes subd malapit kami sa SM LUCENA:)

japhil
11-23-2007, 08:07 AM
di ako taga quezon province pero my father was born and lived there sa Gumaca.

ay tumira pala ko 1yr lang don long time ago pa when i was 8...maganda don sariwa ang hangin noh, saka gusto ko ang dagat..:)

marami rin akong pinsan don, naalala ko tuloy sila..

:) hacaya thank you. Wow tagal na ha 8yrs old ka palang noon hehehe ilang taon ka na pala ngayon:D
Oo nga masarap nga hangin dun at marami daw murang isda sabi ng brod ko kc gf nya taga gumaca.

:D Naalala mo mga pinsan mo call kana lapit na x'mass:p

japhil
11-23-2007, 08:13 AM
Hi Japhil..

san kapo sa lucena.. maganda na po ang lucena ngayon meron na SM.:D

Hello Thermometer:) pasensya na ha kasi ngayon lang me nakasagot sa inyo.

Sa Kanlurang Mayao Marville Homes kami :) oo meron na ngang SM malapit sa loc namin sa lucena:D ikaw san ka saLucena nakatira?

japhil
11-23-2007, 08:20 AM
hi japhil, welcome to tf... i'm not from lucena, but like you nami-miss ko na lucena... madalas ako dyan when i was in ph coz my bestfriend is from there...minsan roadtrip lang kami kasama achi nya pag walang magawa ng isang wkend... baka kilala mo... yap ang surname ng bestfriend ko :)

greatbarrier:) thanks po sa welcome di2 sa TF. marami din kaming kilala na Yap sa lucena, bestfriend ko maneger ng Jollibee sa Lucena sa my OPM yap din surname nya baka iisa bf natin.San sya sa lucena nakatira baka kilala ko sya:)

japhil
11-23-2007, 08:42 AM
hi! Mother ko taga Quezon province sa pagbilao malapit lang yung sa lucena.May mga kamag-anak din kami sa lucena.Malaking pamilya kase ang mga lolo at lola ko dun kaya.Kung talagang taga lucena pamilya mo or mga lolo at lola mo baka malayong mag-kaanaak pa tayo.:D

hello Lay:) thanks! Wow Pagbilao lapit malapit ka nga sa lucena. may kamag-anak din me dyan sa Pagbilao Alpuerto ang surname nila, yung secon cousin ko di2 ngayon sa Nagoya sa pagbilao din sila nakatira. Well, ang lola at lolo ko naman ay from Mauban Quezon surname nila Alpay at Encina sa side ng mother ko yan, but sa daddy ko sa lucena talaga Mancinido at Ganacan sila:) . san ka di2 sa japan? ako di2 me ngayon sa Aichi ken Nagoya Minato ku;) yuroshikune

greatbarrier
11-23-2007, 10:25 AM
greatbarrier:) thanks po sa welcome di2 sa TF. marami din kaming kilala na Yap sa lucena, bestfriend ko maneger ng Jollibee sa Lucena sa my OPM yap din surname nya baka iisa bf natin.San sya sa lucena nakatira baka kilala ko sya:) ang ibig mo bang sabihin sa "bf" mo eh bestfriend :D name ng bestfriend ko is irene yap. taga city proper sila... yun isang friend ko naman is salamillas ang surname...

v_wrangler
11-23-2007, 10:29 AM
Ah ah naman. Well its a small world. I was born and raised there as well. :D Oh I miss my chami!

japhil
11-23-2007, 10:51 AM
ang ibig mo bang sabihin sa "bf" mo eh bestfriend :D name ng bestfriend ko is irene yap. taga city proper sila... yun isang friend ko naman is salamillas ang surname...

:D hehehe nope sorry bf- bestfriend ko babae sya :p . Irene Yap sorry wala meng kilala yung kasing mga Yap na kilala ko eh half vietnamise cla papa nila pilipino then mother from vietnam:)

japhil
11-23-2007, 10:53 AM
Ah ah naman. Well its a small world. I was born and raised there as well. :D Oh I miss my chami!

ah ah sya nga ba taga Lucena ka rin ba:D san ka baga sa lucena hehehe :D tama ba ang tono ko

lay
11-23-2007, 04:24 PM
hello! I ask my mother kung may kilala sya sa mga nabanggit mo surname.meron daw...wow baka malayo pang relatives tyo ha!:D

lay
11-23-2007, 04:26 PM
Dito kami ng ate ko sa tokyo pareho na rin may asawa.I ask may mother if may kilala sya sa mga nabanggit mo mga surname OO daw naku baka malayo pa tayo mgkamag-anak ha!:D

lay
11-23-2007, 04:27 PM
sensya na po ng double ang post ko kase kanina ng-error kala ko di pumasok yung una kong post...

japhil
11-23-2007, 05:12 PM
sensya na po ng double ang post ko kase kanina ng-error kala ko di pumasok yung una kong post...

ok lang sis:p ako nga diko alam kung na recieve mo ba yung PM ko sau kasi nag loloko ang net di2 sa bahay everytime na mag send ako laging nalabas ang error:( :confused:

japhil
11-23-2007, 05:14 PM
Dito kami ng ate ko sa tokyo pareho na rin may asawa.I ask may mother if may kilala sya sa mga nabanggit mo mga surname OO daw naku baka malayo pa tayo mgkamag-anak ha!:D

uyyyy sino sa mga nabanggit ko kilala ng mommy mo:) baka nga hehehe! maganda ako chubby nga lang hahaha:p

Chibi
11-25-2007, 04:25 PM
may mga taga Quezon pala dito,hello sa inyo!:rolleyes: malayo na ko sa Lucena pero dati akong laman ng Lucena:rolleyes: from Pitogo,Quezon ako,kaka miss nga sa Quezon,sarap ng seafuds,sariwa ang hangin,sariwa gulay,hayysssss,maka bisita nga dun before christmas:)

sharpener
11-25-2007, 04:34 PM
gusto ko rin mapasyal ng lucena
mababait mga taga lucena di ba

Chibi
11-28-2007, 11:18 PM
gusto ko rin mapasyal ng lucena
mababait mga taga lucena di ba
oo naman sis,pasyal ka doon,sarap ng seafuds,baet pa ng mga tao:rolleyes:

c2ny2
11-28-2007, 11:31 PM
may mga taga Quezon pala dito,hello sa inyo!:rolleyes: malayo na ko sa Lucena pero dati akong laman ng Lucena:rolleyes: from Pitogo,Quezon ako,kaka miss nga sa Quezon,sarap ng seafuds,sariwa ang hangin,sariwa gulay,hayysssss,maka bisita nga dun before christmas:)

Doon ka palang galing last Year Ah? November last year, di ba? Tapos ang dami mong pinapak na Alimango saka Mamango. Hehehe.

v_wrangler
11-29-2007, 12:38 AM
Hello Chibi, taga pitogo ka pala. I am from Lucena BTW. I've been to pitogo many many moons ago when I was still in High School. Doon ako bumanat ng pakendeng kendeng kong dance steps during one of our dance tours...

I intend to go to Lucena this weekend pag nakalibre sa trabaho...

And yes, sharpener, mababait ang mga Lucenahin...lalo na ang inyong lingkod :-)

v_wrangler
11-29-2007, 12:41 AM
ah ah sya nga ba taga Lucena ka rin ba:D san ka baga sa lucena hehehe :D tama ba ang tono ko

Perfect!

Ay duun, sa Pantoc po malapit sa kapitolyo...

Kayo po taga bayan po ba kayo?

japhil
11-29-2007, 08:00 AM
Perfect!

Ay duun, sa Pantoc po malapit sa kapitolyo...

Kayo po taga bayan po ba kayo?

:D ang saya ko naman me kababayan akong active di2 sa TF:) ayy uu sa Marville Homes kami malapit sa SM:) Asan ka ngayon sa Pinas kaba ngayon?

Chibi
11-29-2007, 01:00 PM
Perfect!

Ay duun, sa Pantoc po malapit sa kapitolyo...

Kayo po taga bayan po ba kayo?
Good morning kuya V:rolleyes: taga Pantoc ka pala,hehehhehhe dun baga ako lagi nanliligaw noon!:eek: :p noong aking kabataan pa,:D naligaw ka na rin pala sa aking munting bayan,doon ako ng high school,dami ngang dans dans doon,bka nga napanood pa kita:D nakasali rin ako dati doon sa drama kuno at quiz sa plaza.:)

v_wrangler
11-29-2007, 05:36 PM
Yep sa plaza - I remember that place. Yes andito ako sa makati - stranded sa ulan stranded pa sa coup. Pinapauwi na nga lahat ng staff dito.

Ay i - i naman, tiga redv ka pala...

japhil
11-30-2007, 07:41 AM
Yep sa plaza - I remember that place. Yes andito ako sa makati - stranded sa ulan stranded pa sa coup. Pinapauwi na nga lahat ng staff dito.

Ay i - i naman, tiga redv ka pala...

:( balita ko panay ang bagyo dyan sa atin. Malapit na pasko san kayo celebrate ng x'mas nyo marami ba kayong relatives sa Lucena?? 3 yrs ago na akong di nakakauwi. every x'mas nauwi talaga ako sa pilipinas ngayon di na ako makauwi:cry: :sick: na hohomesick ako lalo na pag darating na ang pasko:cry: na mimiss ko kc ginagawa ko sa lucena... namimili kami ng maraming toys sa palengke then balot namin magkakapatid at ipinamimigay namin sa mga street childrens. yan ang num 1 na namimiss ko kc mula ng mag-abrod ako yan ang pangako ko sa sarili ko na magbibigay every x'mas sa mga batang nasa lansangan or sa bahay ampunan:cry: at pinapakain namin sa bahay namin:confused: kumusta na kaya sila....

gusto ko narin kumain ng Pansit habhab pwede bang ipada dito sa japan yan?:D takam na takam na ako.

makulit
11-30-2007, 07:46 AM
Taga lucena po ang Lolo, doon pa rin po sila nakatira. Walking distance lang po ang bahay nila sa SM.

japhil
11-30-2007, 08:27 AM
Taga lucena po ang Lolo, doon pa rin po sila nakatira. Walking distance lang po ang bahay nila sa SM.

cno lolo mo ba taga lucena @makulit:) kasi malapit din kami sa SM kaya lang sasakay pa ng jeep pa puntang Marville homes. ikaw naka punta ka naba ng lucena?

makulit
11-30-2007, 08:34 AM
nakapunta na apo ako sa Lucena. hindi ako pamilyar sa mga pangalan ng lugar dahil, pa isa, dalawang araw lang po ako lagi.

Ver Juanzon po ang pangalan ni Lolo.

Wreinman
11-30-2007, 09:26 AM
ayyy taga mauban baga ako :D

japhil
11-30-2007, 09:34 AM
ayyy taga mauban baga ako :D

heyyyyyyy wow san ka sa Mauban nakatira mga lola at lolo ko from Mauban sila:D

ayyy san kaba nag-aral sa Mauban ba?

Wreinman
11-30-2007, 09:48 AM
heyyyyyyy wow san ka sa Mauban nakatira mga lola at lolo ko from Mauban sila:D

ayyy san kaba nag-aral sa Mauban ba?
hindi ako nakapagaral dun. :) dun lang ang hometown ng tatay ko :D napunta kami dun pag krismas lang. :)

japhil
11-30-2007, 10:07 AM
hindi ako nakapagaral dun. :) dun lang ang hometown ng tatay ko :D napunta kami dun pag krismas lang. :)

san kayo banda nakatira sa Mauban:) lolat lolo ko sa Sadzaran malapit kami sa bahay ni Mayor Llmass. ang mga relatives ko dun ALPAY, ENCINA, MANCINIDO, BANAGAN, ALPUERTO, SANTOALIA, ALMIRANEZ at MONTENEGRO dami pang iba :D sila palang yung napasok sa utak ko hehehe.
:) ako naman tuwing bakasyon ng school napasyal sa Mauban.b4 kasi sa Pasay kami nakatira then nagtransper lang kami sa Lucena kasi taga Lucena naman father ko mag 5yrs na kami sa Lucena:)

Wreinman
11-30-2007, 10:27 AM
naku sori di ko lam san kami dun e at di ko rin gano kilala apelyido ng ibang pipol dun. :D hehehe. basta sa tabi lang kami ng dagat malapit. :D tapos napunta rin kami sa cagbalite minsan. :D

me kakilala ako sa lucena e. mga Casido, ewan ko lang kung kakilala mo

pineapple
11-30-2007, 10:31 AM
may kaibigan ako na taga lucena pero wala na kami contact eh...
taga mulanay quezon kami dati... may business doon yung parents ko dati kaso lang nagsara na kaya nasa manila na kaming lahat btw,sila lang pala nasa jpn kasi me :D

docomo
11-30-2007, 11:21 AM
kalahati ng lahi ko dito baka may kamaganakan po ako sa inyo :p miss ko ang longganisa lukban :)

japhil
11-30-2007, 11:50 AM
kalahati ng lahi ko dito baka may kamaganakan po ako sa inyo :p miss ko ang longganisa lukban :)

wow sarap naman nyan:food: ako naman po miss ko ang Pansit Lukban kasi yan ang specialty nila sa Lukban ang Pansit at longganisa:D :food: ginutom ako waaaaaa

Chibi
11-30-2007, 07:56 PM
wow sarap naman nyan:food: ako naman po miss ko ang Pansit Lukban kasi yan ang specialty nila sa Lukban ang Pansit at longganisa:D :food: ginutom ako waaaaaa
ay may tinda kaya niyan sa Lucena?sa tagal ko sa Quezon di ko pa yan natiktikman ay!!paturo naman ng masarap na kainan sa Lucena madalaw ako doon bago mag pasko,gusto ko yung lutong Quezon na restaurant,naka umay na baga ang Jollibee at Chowking sa terminal ng bus,:( (pwede pa kaya yung puntong quezon ko?:D )nakakatuwa talaga pag nasa Quezon ako,pati ako napapagaya na rin sa kanila ng punto,pag nag usap para bagang laging mga galit,:D

katheyrine
11-30-2007, 10:47 PM
ako malapit na rin sa Lucena kasi duon kami nakuha ng passport, tapos may dinadayo namin ang kamayan ba yun? restaurant..bahay kubo na nakalutang sa tubig:D sarap duon...taga San Pablo naman ako:D . at sa Mauban malimit kami duon tuwing summer kasi may mga kamag-anak kami duon...tsaka tayabas.

Chibi
12-19-2007, 12:24 PM

gud morning sis!saan yung bahay kubo?parang feel ko yatang dumaan doon,bago umuwi ng probinsiya ko,penge naman complete address pls!:)

v_wrangler
12-19-2007, 12:51 PM
Pa - tayabas yan chibebs, Palaisdaan Restaurant yata ang ibig nyang tukuyin. pagtanong mo sa kahit sinong Lucenahin - walang di nakakaalam ng lugar na yan.

bell
12-19-2007, 12:51 PM
ako malapit na rin sa Lucena kasi duon kami nakuha ng passport, tapos may dinadayo namin ang kamayan ba yun? restaurant..bahay kubo na nakalutang sa tubig:D sarap duon...taga San Pablo naman ako:D . at sa Mauban malimit kami duon tuwing summer kasi may mga kamag-anak kami duon...tsaka tayabas.sa Palaisdaan Restaurant nga po ang sinasabi nyo.sa tayabas quezon nadadaanan papuntang lucban quezon.ang sarap nga po ng mga isda don ikaw ang pipili kung anong gusto mong iihaw,fresh na fresh.:)

katheyrine
12-19-2007, 12:55 PM
Pa - tayabas yan chibebs, Palaisdaan Restaurant yata ang ibig nyang tukuyin. pagtanong mo sa kahit sinong Lucenahin - walang di nakakaalam ng lugar na yan.

Naku TAMA Palaisdaan nga...(malilimutin na ako talaga):D
sarap duon!

Chibi
12-19-2007, 03:17 PM
Pa - tayabas yan chibebs, Palaisdaan Restaurant yata ang ibig nyang tukuyin. pagtanong mo sa kahit sinong Lucenahin - walang di nakakaalam ng lugar na yan.
tenks Kuya V,layo pa ba yun dun sa crossing papuntang Lucena(intersection from Sariaya Que.)kala ko kase Lucena un,papunta kong Pitogo,iba way ko:(

v_wrangler
12-19-2007, 03:45 PM
Lampas pa ng diversion road yan, ate chibebs.

katheyrine
12-20-2007, 10:09 AM
gud morning sis!saan yung bahay kubo?parang feel ko yatang dumaan doon,bago umuwi ng probinsiya ko,penge naman complete address pls!:)

Chibi pag nakakain ka na sa Palaisdaan, ikain mo rin ako ha? kahit isang subo lang hihihihi
:D tsalap!

Chibi
12-20-2007, 12:12 PM
Chibi pag nakakain ka na sa Palaisdaan, ikain mo rin ako ha? kahit isang subo lang hihihihi
:D tsalap!
waaaaaaaaaaaaaaaa!si stah,gustoko talagang makapunta doon,kaya lang iba way ko,papuntang bondoc peninsula,daan kami ng Unisan Quezon,di bale ikakain ko na lang kayo ni Kuya V ng kasag at katang,sarap~~~tas papagata ako ng ubod ng niyog!!sira diet ko netow!!!:p

Gud morning mga Quezonian pipol;)

Stacie Fil
12-20-2007, 11:01 PM
Pwede kayang maguwi dito kahit frozen na gatang kasag. :D With matching lambanog.

Saraap nang ginataang kasag yum yum.

Chibi
12-21-2007, 10:02 AM
Pwede kayang maguwi dito kahit frozen na gatang kasag. :D With matching lambanog.

Saraap nang ginataang kasag yum yum.
Good morning po!:) taga Quezon din kayo?sarap nga daw ng lambanog,dun kami bumibili nyan sa Tiaong Quezon may iba`t ibang flavor pa,tapang kase nyan gumuguhit sa lalamunan at ang init,siguro 3 tagay lang hilow ko :eek: :D sarap din daw yung tuba,pero di ko pa t -try,kunan ko na lang n pechure yung ginataang kasag at ubod ng niyog,ikakain ko na lang kayong lahat!!:D

disney
12-21-2007, 10:07 AM

try mo na din i freeze at try mo na din dalin ditow patikimin mo kami:D:p

japhil
12-21-2007, 10:42 AM
Good morning po!:) taga Quezon din kayo?sarap nga daw ng lambanog,dun kami bumibili nyan sa Tiaong Quezon may iba`t ibang flavor pa,tapang kase nyan gumuguhit sa lalamunan at ang init,siguro 3 tagay lang hilow ko :eek: :D sarap din daw yung tuba,pero di ko pa t -try,kunan ko na lang n pechure yung ginataang kasag at ubod ng niyog,ikakain ko na lang kayong lahat!!:D

totoo ata yung kasabihan pag sa inuman nangunguna ang mga taga QUEZON:D ehhh yung kasabihan po kaya na walang tamad sa Quezon totoo rin po kaya iyo?.

lambanog...gusto ko sana mag try nyan dati kaya lang sinindihan ng apoy yung alak :eek: natakot ako kasi baka masunog lalamunan ko.

Wreinman
01-22-2008, 04:28 PM
ako malapit na rin sa Lucena kasi duon kami nakuha ng passport, tapos may dinadayo namin ang kamayan ba yun? restaurant..bahay kubo na nakalutang sa tubig:D sarap duon...taga San Pablo naman ako:D . at sa Mauban malimit kami duon tuwing summer kasi may mga kamag-anak kami duon...tsaka tayabas.
uyy me kamag-anak ka sa mauban?? :D

katheyrine
01-22-2008, 04:38 PM
uyy me kamag-anak ka sa mauban?? :D

ay UO! :D Tiga mauban ka baga?:) :D
Baka ikaw na yon ahihihihi

Wreinman
01-22-2008, 04:42 PM
ay uo! tiga mauban nga baga ako:D hehehe san ka dun? :D

shuelma
01-22-2008, 05:13 PM
ako po taga san narciso quezon,.kpag umuwi ako/kami dalhan ko kayong lahat ng lambanog/tuba.:D ...diko nga lng alam kong kelan:confused: ....:D :D :D

Wreinman
01-22-2008, 05:22 PM
uyy sarap nyan.. :D

v_wrangler
01-22-2008, 06:08 PM
Quezon and Lucena in pictures. Here (http://www.skyscrapercity.c om/showthread.php?t=441 380&page=2) and here (http://www.skyscrapercity.c om/showthread.php?t=438 510) (from the skycrapercity forums)

shuelma
01-25-2008, 01:01 PM
hello po ulit sa mga taga-quezon:) ...

bonitagracia
01-25-2008, 01:54 PM
hi to all! taga lucena city ang mr. ko.

Wreinman
01-25-2008, 05:50 PM
hi shuelma! hi bonita!:wave: sana magkaron ng EB kayong mga taga quezon no para masaya?! hehehe :D sama din ako:D

v_wrangler
01-25-2008, 05:51 PM
Sama ako dyan!

Wreinman
01-25-2008, 05:56 PM
yo V!:wave: san ka baga sa quezon? :D

v_wrangler
01-25-2008, 06:18 PM
Lucenahin po ako. Tubong Pantoc.

Kayo po?

Chibi
02-02-2008, 09:51 PM
Sama ako dyan!
sama ko Kuya V:rolleyes: kelan naman kaya yan????huhuhuhuhu!di ako nka uwi ng Quezon,na miss ko tuloy yung katang at kasag pati na ginataang ubod;)

Wreinman
02-02-2008, 10:56 PM
mauban ako. :)

katheyrine
02-02-2008, 11:42 PM
mauban ako. :)

Mauban ka pa Ninong Wrein...lika at bubunutan kita..tiis ka lang at makait ahihihihi
Pede pasali na rin kahit di taga Quezon...ahihihihi pero loves ang Quezon...
Taga San Pablo naman akow..:D :D

Wreinman
02-03-2008, 12:37 AM
kelan ba lalabas ang inaanak ko, mare? :D

katheyrine
02-03-2008, 12:42 AM
kelan ba lalabas ang inaanak ko, mare? :D

Ninong Wrein..sana maka-intay ka...
Sa Tag-init ang labas netong aanakin mo... :p
August...
Ano nga kaya ito...boy o girl?
Sana eh boy naman para pahinga na ako sa tahi...(ouch)
Papatali na ako, kung! boy nga ito.:D

japhil
03-11-2008, 06:06 PM
:)na mimiss ko lang po ang Quezon lalo na ang lugar na ito:D

http://www.kamayansapalaisd aan.com.ph/Gallery_files/images/huts/8.jpghttp://www.kamayansapalaisd aan.com.ph/Gallery_files/images/huts/9.jpg
http://www.kamayansapalaisd aan.com.ph/Gallery_files/images/huts/18.jpghttp://www.kamayansapalaisd aan.com.ph/Gallery_files/images/huts/24.jpg

Chibi
03-11-2008, 07:31 PM

wow!ang ganda naman ng place sis,sarap talaga sa probinsiyang magbakasyon,
tabetai na ko ng katang at kasag,pati hipon,wid matching ginataang gulay,at nakakamay!wow!!!

Yan ba yung sa Lucban Quezon?picnic tayo!
OT!belated happy birthday nga pala sis.

reika081007
03-11-2008, 08:08 PM
makikisali po ako po sa candelaria quezon nmn po..oo nga ganda na lucena now compare nuon city na talga xa kc my sm na dmi pa gimikan..

japhil
06-19-2008, 10:48 AM
:)share ko lang pictures ng mga mall sa lucena miss ko na talaga sa lucena gusto ko ng umuwi. malapit lang bahay namin dyan sa SM:D pero di pa ako nakakapunta dyan:(sa SM

Wreinman
06-19-2008, 01:11 PM
Wow me SM Lucena na pala :D:thumb:

japhil
07-27-2008, 07:03 PM
para po sa mga taga QUEZON PROVINCE or gustong mamasyal sa LUCENA CITY daan po kayo dito sa KALILAYA SPA na try na po ng mga sisters ko at pinsan ko maganda raw po ang service nila :) eto po ang link site.

http://www.kalilayaspa.com/

markemist
07-27-2008, 07:21 PM
Hi Japhil..

san kapo sa lucena.. maganda na po ang lucena ngayon meron na SM.:D

hello po sa nyo, taga lucena rin po ako, ang bayan ng mga cute :D

japhil
07-28-2008, 08:16 AM
mauban ako. :)

:eek:MAUBAN po kayo waaaaaaaaa san po kayo sa mauban sensya na ha diko nababasa lahat ng comment dito sa thread. lola ( ENCINA) ko at lolo (ALPAY) ko taga mauban magulang sila ng mommy ko, pero dad ko sa LUCENA CITY sa Pleasant Ville at Marville Homes po kami :D Sadsaran ang mga lola ko baka naging teacher nyo po ang tita ko sa North Elementary school:) Rosalina (lina) Alpay, Banagan

Wreinman
08-01-2008, 01:36 AM

haa??!:eek: si Lola Encina at Lolo Alpay taga mauban din??:eek: (ang OA ko:hihi:) baka pamilyar sila pag nakita ko.. di rin kasi ako magaling magmemorya ng pangalan eh. hehehe:D at bihira na rin ako umuwi ng mauban. :D

i-pm ko sayo ang family tree ko para mas madali. :D

heart924
09-24-2008, 12:45 AM
makiki-post narin po ako :D
taga Lucena din po ako
jan ako nag kinder hanggang high school
ngayon anjan parin po ang mga kamag-anak
ko at mga kabarkada ko, sa cotta po kami...

miss ko narin po lucena, dati akong tambay
ng bayan... hahaha nung kabataan disco days....:D

Wreinman
09-25-2008, 10:41 AM
welcome sa Quezon Province thread! :wave: at Happy Birthday na rin sayo heart san! :D

heart924
09-25-2008, 12:36 PM
hehe thanks pow... :)

japhil
09-25-2008, 12:43 PM
hehe thanks pow... :)

:)hello po kumusta na po kayo.

ask ko lang po sana naririnig ko na po yung cotta kaya lang diko alam kung saan banda sa lucena:D ang alam ko lang po kasi ehh iyam at dun sa kanlurang mayao. . . . malapit po ba yan sa cotta?

ilang years na po kayong hindi nakakauwi :) ganda na ng LUCENA ngayon me malalaking mall na;)

heart924
09-25-2008, 12:47 PM
kakauwi ko lang po last year november, kaso bitin 2 weeks lang.
yung cotta po malapit sa bayan, papunta po dun sa may perez park
sa may malaking kapilya ng iglesia ni cristo :) yun po dun malapit ang cotta.

ang ganda na nga po ng lucena, kumpleto na lahat :)

japhil
09-25-2008, 01:01 PM

ahhh ic parang daan po ata yung cotta papuntang SM tama po ba ako. . . :D daddy ko po kasi taga lucena, pero year 1999 lang kami lumipat ng lucena from pasay at bibihira pa akong umuwi ng lucena kaya diko kabisado ang lugar sa atin.

:bonk:me naalala tuloy ako sa lucena iginala ako ng mga pinsan ko yung city hall akala ko ehh simbahan :Onag sign of the cross pa ako tinginan tuloy pasahero ng jeef:D nahalata tuloy ng mga pinsan ko na di ako palasimba. kasi di raw ako marunong tumingin ng simbahan :nono:

marsuke0807
09-25-2008, 01:03 PM
ako din po pasali:D
taga-Quezon din po ako
pero in pOlillio area

Pero tubong Perez at Mauban
po ang tatay ko at mga lolo at lola ko
kaso ako ikai mo itta koto nai:p
andun po lahat halos ng mga kamag-anak
ko sa Mainit Perez
baka po lam niyo:D

japhil
09-25-2008, 01:15 PM
ako din po pasali:D
taga-Quezon din po ako
pero in pOlillio area

Pero tubong Perez at Mauban
po ang tatay ko at mga lolo at lola ko
kaso ako ikai mo itta koto nai:p
andun po lahat halos ng mga kamag-anak
ko sa Mainit Perez
baka po lam niyo:D

:Dngek! maubanin ka rin po pala lola ko taga mauban (ENCINA) apelyedo po dyan lumaki ang mommy ko. taga polilio naman ang lolo ko (ALPAY) po apelyedo nya! balita ko meron naging mayor ang POLILIO na ALPAY kaya dumayo pa ang magkakapatid ng mother ko para suportahan yung pinsan nila na tumatakbong pagka MAYOR sa Polilio:)

sa mauban lang ako naka rating pero POLILIO dipa. pag uwi mo pinas try mo pasyal sa mauban maganda na daan sabi ng kapatid ko:D dati kasi grabe daan papunta mauban bago ka makarating sa bayan ng mauban sakit na ng katawan ko sa biyahe:order: atsaka mahaba ang biyahe ngayon napabilis daw kasi po inayos na daan pa mauban;).

raqjec06
09-25-2008, 01:33 PM
Good day to all,taga quezon din po ako,from the beautiful island of POLILLO,hehehe

heart924
09-25-2008, 08:03 PM
ahhh ic parang daan po ata yung cotta papuntang SM tama po ba ako. . . :D daddy ko po kasi taga lucena, pero year 1999 lang kami lumipat ng lucena from pasay at bibihira pa akong umuwi ng lucena kaya diko kabisado ang lugar sa atin.

:bonk:me naalala tuloy ako sa lucena iginala ako ng mga pinsan ko yung city hall akala ko ehh simbahan :Onag sign of the cross pa ako tinginan tuloy pasahero ng jeef:D nahalata tuloy ng mga pinsan ko na di ako palasimba. kasi di raw ako marunong tumingin ng simbahan :nono:

:D hindi po yan madadaanan papuntang SM
anyway po, ano po surname nyo (kung pwede):)