bonbon'79
11-24-2007, 11:22 PM
Ugaling Pinoy
Registered nurse si Maria sa States. Kasama n’ya ang kanyang ina na nagpagamot din doon.
Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Ipinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag- ayos ng bangkay sa Amerika!"
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! may sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa.
Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria:
"Mahal kong tatay at mga kapatid: "Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe.
"Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
"Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...
"Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karne norte. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
"Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito.
"Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. "Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, Japanese version ng Pokemon! Trading cards at stickers.
"Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy T-shirts. Ang isa ay para kay kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
"Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot n’yo sa party.
"May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan n’yo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.
"Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball.
"Tigdadalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. "Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
"Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam n’yo 'yan, tiya. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.
Mga Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.
"Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga Scotch Brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels... 'yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte- parte rin kayo.
"Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan.
"Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. "Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.
"Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. "Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Maria
"P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay!"