View Full Version : Public Language
japhil
11-30-2007, 11:44 AM
Magandang araw po sa lahat ng taga TF:japanese: tanong ko lang po ano po bang language ang ginagamit nyo dito sa Japan pag nasa public place po kayo:confused: kasi po minsan nasa labas ako at me naririnig akong mga kababayan natin na naguusap-usap :gossip: sila.at me isang ale na sinasaway niya yung ibang kasama nila na wag daw magsalita ng Tagalog or kahit na anong salita sa atin dahil daw po nakakahiya sa mga tao kasi pinagtitinginan daw sila...at sa nakikita ko naman halos lahat silang grupo ay PILIPINO:cowboy: .Nakakahiya po bang mag salita ng tagalog sa ibang Bansa:confused:
parang ang hirap naman po yata non kasi magkakababayan tayo tapos di ka pwedeng magsalita ng tagalog sa public place:eek: naalala ko lang mga pinsan ko sa Canada dun sila pinanganak pero kung mag-usap kami sa chat para silang lumaki sa pilipinas na magaling magtagalog:wink:
PINOY AKO :toast:
elyurika
11-30-2007, 11:59 AM
Magandang araw po sa lahat ng taga TF:japanese: tanong ko lang po ano po bang language ang ginagamit nyo dito sa Japan pag nasa public place po kayo:confused: kasi po minsan nasa labas ako at me naririnig akong mga kababayan natin na naguusap-usap :gossip: sila.at me isang ale na sinasaway niya yung ibang kasama nila na wag daw magsalita ng Tagalog or kahit na anong salita sa atin dahil daw po nakakahiya sa mga tao kasi pinagtitinginan daw sila...at sa nakikita ko naman halos lahat silang grupo ay PILIPINO:cowboy: .Nakakahiya po bang mag salita ng tagalog sa ibang Bansa:confused:
PINOY AKO :toast:
anong nakakahiya don?inggit lang sila kase hindi nila naiintindihan ,yung salita naten....and speaking of nag-uusap-usap siguro ang lalakas ng boses nila kaya sila pinagtitinginan....a ng hirap kase minsan sa kapwa natin mga pinoy,kung mag-usap kala mo ,sila lang tao don,parang walang tao sa paligid nila. good manner naman ,nandito tayo sa bansa nila,matutong gumalang hindi yung parang nagsisigawan kung mag-usap,and walang nakakahiya sa pagiging pinoy~~~~~I'm proud to be a Filifino"....
Magandang araw po sa lahat ng taga TF:japanese: tanong ko lang po ano po bang language ang ginagamit nyo dito sa Japan pag nasa public place po kayo:confused: kasi po minsan nasa labas ako at me naririnig akong mga kababayan natin na naguusap-usap :gossip: sila.at me isang ale na sinasaway niya yung ibang kasama nila na wag daw magsalita ng Tagalog or kahit na anong salita sa atin dahil daw po nakakahiya sa mga tao kasi pinagtitinginan daw sila...at sa nakikita ko naman halos lahat silang grupo ay PILIPINO:cowboy: .Nakakahiya po bang mag salita ng tagalog sa ibang Bansa:confused:
PINOY AKO :toast:
Pag kasama ko ang mga katribu kung ILOCANOS...ilokano ang salita namin kahit saan.. Kung nakakita ako ng pinoy at hindi ko sure kung natribu ko sya ...TAGALOG naman ang salita... Hindi ko ikinakahiya ang nakagisnan kung lengwahe...I`m proud to be PINOY! PINOY ako..sa puso, sa salita at sa gawa!
" ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan"
mtwalton
11-30-2007, 12:07 PM
yes. I agree with Eryurika san . there's nothing be ashemed off.
BUT!!!! Huwag namang grabe ngang .......apa-----laka---laka----pa---laka------laka-----laka.....na talagang nakaka bother ng mga tao't kala mo ay sila lang ang tao dito sa world.....
have manner and right conduct naman.......respect those people around you......:mad:
superwoman
11-30-2007, 12:44 PM
" ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan":D
ako ay pilipino taas noo kahit kanino. :)
meron kasing ibang kalahi natin na kapag nakatungtong na sa ibang bansa halos talikuran na nila yung pinang galingan nila.(bato-bato sa langit tamaan wag magagalit):eek:
Sa akin naman po minsan kasi di natin maiiwasan ang mapalakas ang boses or mapasigaw lalo na nagkakatuwaan kasi yan na ang naging kaugalian natin sa sariling bansa at dahil kapwa mo pilipino kasama mo kaya dimo maiiwasan yan.(try mo kasama mga ibang lahi magawa mo kaya yan:grinny: ) Tayong mga pilipino lang ang me ugali na ganyan masayahin :D at ang mga hapon sa totoo lang dati namang tahimik mag-usap yang mga yan... kaya lang dumadami na ang dayuhan dito sa lugar nila at nakikigaya nalang sila:hihi:
summergirl
11-30-2007, 12:50 PM
Depende iyon sa kasama ko,kung hapon,nihonggo,pag pino tagalog..pag foreigner..English.W ala akong pakialam sa sasabihin ng iba..Basta di ako nag me mewaku sa kanila..
dianne
11-30-2007, 12:59 PM
Depende iyon sa kasama ko,kung hapon,nihonggo,pag pino tagalog..pag foreigner..English.W ala akong pakialam sa sasabihin ng iba..Basta di ako nag me mewaku sa kanila..
nice~~~~ maam summer~~~:p :thumb:
Soju6
11-30-2007, 01:06 PM
At work (outside of Pinas), sa Japan ka man or sa states at sila ang employer mo....Yes, it is improper to use a language other than Jap or English(for example).
Pag wala na sa trabaho...sa train, elevator or nasaan man ako, tagalog ang gamit ko.
Pag tumitingin sila tinitignan ko rin sila. Di naman sila nagpapakain sa akin eh. Ano bang pakialam ko sa kanila or pakialam nila sa akin:jiggy: :hihi: .
Doesn't bother me everytime thay do the same in Pinas.
proud me
11-30-2007, 01:54 PM
Baka nga kaya sinaway dahil sa maingay na sobra at nakaka-agaw pansin na sa ibang tao baka naman ganun o kundi naman baka katulad siya nung iba rin nating kababayan na parang pag-nagtagalog sila hindi sila mapapabilang sa mga sosyal life :p ...meron tuloy ako naalala noon meron kababayan natin dito sa lugar namin nag-uusap kami bigla ba naman sinabihan ako na paki- ingles ko daw kasi hindi na raw siya nakaka-intindi ng tagalog....ay! natawa ako sa sinabi niya...sabay pabirong tanong ko sa kanya kelan kapa naging amerikana ?:p .....palagay ko walang nakakahiya mag-salita ng sarili nating wika...dahil tayo ay mga Pilipino...
superwoman
11-30-2007, 02:01 PM

:eek: nyahahahaha :D sensya na po binabasa ko tong post nyo nainom ako ng gatas :yuck: :scratch: nabuhos tuloy sa keybord ko. di po ba nandito kayo sa japan ok pa sana kung sinabi nya na paki nihonggo nalang mauunawaan ko pa sya :roll: :bowdown:
hacaya
11-30-2007, 02:14 PM
Depende iyon sa kasama ko,kung hapon,nihonggo,pag pino tagalog..pag foreigner..English.W ala akong pakialam sa sasabihin ng iba..Basta di ako nag me mewaku sa kanila..
i second the motion po..
hindi naman masamang magkwentuhan o mag-usap ng tagalog kung di tayo nakaka-agaw pansin ng iba na halos kung mag-usap ay parang nasa kabilang kanto :eek: o kung humalakhak abot-abot hanggang tokyo ,(hal. nandito ko sa hiroshima):p
be proud pinoy..kung ang ipagmamalaki natin ay for exam. kagandahang-asal di ang kawalang-galang!;)
proud me
11-30-2007, 02:18 PM
:eek: nyahahahaha :D sensya na po binabasa ko tong post nyo nainom ako ng gatas :yuck: :scratch: nabuhos tuloy sa keybord ko. di po ba nandito kayo sa japan ok pa sana kung sinabi nya na paki nihonggo nalang mauunawaan ko pa sya :roll: :bowdown: o diba?.....nadagdagan pa ng isa ....pare-pareho na tayo na ganun yung masasabi sa pag-iinarte niya....kahit daw sa koba na pinapasukan nun ganun daw kunwari mapapa-inglis sya sa mga kausap nyang Haponesa na mga kasamahan niya sa work....kaya natatawa kami sa inarte niya rito noon talagang pati hair nya blondie at naka-short na maikli na makapal yung stocking....Mataray talaga dating:grinny: :D
elyurika
11-30-2007, 02:24 PM
o diba?.....nadagdagan pa ng isa ....pare-pareho na tayo na ganun yung masasabi sa pag-iinarte niya....kahit daw sa koba na pinapasukan nun ganun daw kunwari mapapa-inglis sya sa mga kausap nyang obasan na mga kasamahan niya sa work....kaya natatawa kami sa inarte niya rito noon talagang pati hair nya blondie at naka-short na maikli na makapal yung stocking....Mataray talaga dating:grinny: :D
feeling niya amerikana siya at kinakahiya niya ang pagiging pinay!!!what a nerve!!!ang mga ganyang pinay,"ang hindi magmahal sa sariling wika,di makakarating sa paroroonan.":rolleyes: :D
superwoman
11-30-2007, 02:28 PM
o diba?.....nadagdagan pa ng isa ....pare-pareho na tayo na ganun yung masasabi sa pag-iinarte niya....kahit daw sa koba na pinapasukan nun ganun daw kunwari mapapa-inglis sya sa mga kausap nyang obasan na mga kasamahan niya sa work....kaya natatawa kami sa inarte niya rito noon talagang pati hair nya blondie:D
:roll: :roll: nako buti nalang wala na si Dr.Jose Riza....baka :fire: sya ni Rizal kung sakaling nabubuhay pa sya:D tsk tsk tsk
k_e_n_k_a_y
11-30-2007, 02:40 PM
kami ng mga kasamahan ko, never kaming nahiya na mag-usap ng Filipino in public places. nilalakasan pa nga namin eh. kasi baka meron din kaming kababayan sa paligid-ligid. para maka-mingle namin...
proud me
11-30-2007, 02:52 PM
feeling niya amerikana siya at kinakahiya niya ang pagiging pinay!!!what a nerve!!!ang mga ganyang pinay,"ang hindi magmahal sa sariling wika,di makakarating sa paroroonan.":rolleyes: :D
:roll: :roll: nako buti nalang wala na si Dr.Jose Riza....baka :fire: sya ni Rizal kung sakaling nabubuhay pa sya:D tsk tsk tsk
yung point ko dito....sa kanya noon sana okey! lang sa akin kung yun ba ang kaligayahan niya eh!...kaya lang parang OA na yung dating nun style ....ilan din daw kaming kababayan niya yung pinagsabihan niya ng ganun....kaya mula noon iniwasan ko na maka-usap yung kababayan natin nayun.....ngayon hindi ko narin nakikita dito sa lugar namin siya. :p
out na muna ako dito....baka ma O.T na ako....
superwoman
11-30-2007, 03:02 PM
kami ng mga kasamahan ko, never kaming nahiya na mag-usap ng Filipino in public places. nilalakasan pa nga namin eh. kasi baka meron din kaming kababayan sa paligid-ligid. para maka-mingle namin...
:) oo nga dadami pa friends natin na kalahi natin.:D
elyurika
11-30-2007, 03:10 PM
yes. I agree with Eryurika san . there's nothing be ashemed off.
BUT!!!! Huwag namang grabe ngang .......apa-----laka---laka----pa---laka------laka-----laka.....na talagang nakaka bother ng mga tao't kala mo ay sila lang ang tao dito sa world.....
have manner and right conduct naman.......respect those people around you......:mad:
honga, para irespeto ka rin ng kapwa mo,and walang nakakahiya sa wikang pinoy...:mad:
ICHIBAN08
11-30-2007, 05:10 PM
Hindi lang ba kinahihiya ang lenggwaheng pinoy o gusto lang nilang ipagmalaking ang mga pilipino e inglesera?:confused: ...
honey
12-01-2007, 03:58 PM
'Lam nyo kasi may mga pilipino na kapag nag chikahan o nag tawanan buong baranggay nakakarinig kaya hindi talaga maiwasan mapuna o mapasulyap mga hapon sa mga nagkukwentuhan na magakakaharap lang naman na pinoy:).
Hindi naman masama magsalita ng wikang tagalog dito e! yung medyo pormal naman ng konti para pagtinginan.
Stacie Fil
12-01-2007, 06:50 PM

I agree. I guess there are things proper for a certain time and place. Good manners and conduct ika nga.
Totoong wala naman talaga silang pakialam di ba. Pero may kasabihan din na; Nais mong igalang ka, umayos/kumilos ka rin nang kagalang-galang. What we sow, we reap.
Pakikibagay o tamang pakikisama sa paligid ika nga. Walang masama kung magusap man tayo nang tagalog. Pero sometime we may sense na may tao sa paligid na nai-insecure dahil di maintindihan...kaya madalas ang lingon. Either lower down our tone/volume or continue later , if its not that urgent matters we're discussing. Atleast in that foriegner/someone's view, basta Pinoy..polite. Yun po eh aking palagay lamang.
:)
shakey
12-02-2007, 09:52 AM
pag kami ng mga frends ko nasa public place...pag kami kami lang super tagalog talaga pero pag may ibang tao ..halo sya tgalog at nihonngo...hehehehe pag mag tatagalog naman kami super hina ng boses namin.
agitto
12-03-2007, 04:20 AM
nangyari sa kin yan dun sa yochien ng anak ko bale 3 kaming pinoy dun syempre pagsinusundo namin yung mga dyunakis namin di maiiwasan mag-usap ng tagalog ,then yng isang haponesa ,tinanong nya bat daw nagtatagalog kami eh sabi ko eh kasi pare-pareho naman kaming pilipino , e alangan namang magnihonggo pa kami parang okashii naman yun tsaka i dont think na nakakameiwaku kami nung time na yun ,siguro curious lang sya kng anung pinag uusapan nmin :D
batusai22
12-03-2007, 04:47 AM
para sa akin hindi nakakahiya magsalita ng tagalog, kahit saang planeta ka man naroroon, basta ba hindi ka nakakabulabog ng ibang tao,ok lang yun!:)
simplymystic
01-21-2008, 12:29 AM
mas feel kong mag salita ng tagalog pag pinoy din ang kausap ko.....pero kung may kahalubilong hapon ..syempre nihonggo version kami....
louvette_15
01-21-2008, 03:18 AM
kapag nasa labas po ako usually family and frens lng din naman kasama ko, tagalog po...bisaya pa nga eh...dko ikinahihiya...kahit nga asawa ko tinatagalog ko din kahit alam ko in nihongo...usually pa nga, na appreciate sya dhil marunong sya ng tagalog...
Dondake303
01-21-2008, 10:18 AM
Never kong kinahiya ang magsalita ng tagalog kahit anak ko tinatagalog ko kahit nasa public place kami:)
gabby
01-21-2008, 11:17 AM
I don't mind if the Japanese or some aliens would get other people agitated.
When I am on train o public places, and when I am with other Hobbits I never stop talking in either Tagalog or Bisaya in a loud voice. :)
shuelma
01-21-2008, 12:37 PM
ako po tagalog...kasi di poh ako marunong ng nihongo at mas lalo di ako marunong mag-english:eek: ...pasensiya na po lahat ng kabobohan nasalo kong lahat:D :D :D ...
summerghie
01-21-2008, 06:43 PM
i dont find anything wrong using our own language pero minsan maging aware naman tayo na di tayo nakakabulabog ng paligid natin na tipong center of distraction na ang dating ha hindi attraction:D kasi may iba tayong kababayan na kung makatawa parang di na tatawa bukas at kung magkwentuhan eh parang ilang taong di nagkita sa lakas ng boses------------->>>>>>>>walang masama at di dapat ikahiya yun linguahe natin pero wag naman natin ilagay ang sarili din natin sa isang sitwasyon na pwede tayong mapintasan or mawikaan ang pagiging pilipino natin...
mabuhay tayong lahat:D
poohbear
01-24-2008, 12:42 AM
me din..... basta pilipina kasama ko tagalog siyempre usapan , naalala ko ng magkita kami ng friend ko di tsikahan talaga to the max habang naghihintay kami ng bus na sasakyan niya pauwi ....... namalayan na lang namin me bata sa harapan namin na natutulala saka nakanganga pa talaga bibig niya ! :biglaugh: :biglaugh: siguro nagtataka yong bata at nagtatanong din kung saan kami planet nanggaling !:lol: :lol:
accralegon
01-24-2008, 11:21 AM
kung kami lang mag-anak tagalog lahat mag-usap kahit saan man lugar dito sa jap. noong una nagagalit hipag ko kung nag-uusap kami ng tagalog
kc di nya maintindihan pero ngayon ok na rin.
di ko narinig mag-nihongo hubby ko sa akin at mga bata lagi tagalog or english.wala naman masama kung gamitin natin sariling wika
basta di lang maka-disturb sa ibang tao.
Dondake303
01-24-2008, 12:18 PM
me din..... basta pilipina kasama ko tagalog siyempre usapan , naalala ko ng magkita kami ng friend ko di tsikahan talaga to the max habang naghihintay kami ng bus na sasakyan niya pauwi ....... namalayan na lang namin me bata sa harapan namin na natutulala saka nakanganga pa talaga bibig niya ! :biglaugh: :biglaugh: siguro nagtataka yong bata at nagtatanong din kung saan kami planet nanggaling !:lol: :lol:
Sis hinding hindi ko makakalimutan yan:D natameme sayo yung bata hahaha!! na para bang namangha sa mga sinasabi mo hihihih!:D
rhynissa
01-24-2008, 03:06 PM
wala naman dapat ikahiya kung magsalita ng tagalog, ika nga ni Dr. Jose Rizal "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda".. Pero depende din sa sitwasyon, kung may mga kasama na mga japanese friends, natural dapat nihonngo para di sila ma-out-of-place, pero kung puro pinoy naman mga kasama, eh bakit magsasalita ng nihonggo mga pinoy naman mga kasama, yun nga lang din dapat ay di gaanu maingay diba? at para di nakakaistorbo sa ibang tao. One time kami ng kaibigan ko sumakay ng Taxi, eh tagalog ang usapan namin, nabuwisit ba kami sa taxi driver at pinagbabawalan kami magsalita ng tagalog, duhh? feeling nya siya ang pinag-uusapan?? Malumanay lang din ang usapan namin. at ang pakialamerong taxi driver sabi pa translate daw namin sa nihonngo ang pinaguusapan namin, gosh, tapos kung wrong grammar nihonngo namin di naman din nya maiintindihan. may mga hapon minsan masyadong pakialamero..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.