PDA

View Full Version : maikuwento ko lang naman sa inyo


jayb00r
11-30-2007, 05:27 PM
at baka kapulutan din ng aral at impormasyon

yung isang tropa ni misis (tawagin nating inday) dito eh kaya pala di natawag sa amin at di nasagot sa cp eh may problema pala
siguro kilala din ninyo sya kasi medyo matagal na din sya dito at nag luluto sya ng mga kakanin dito sa yokohama area

bale kasi sa kwento eh nagbayad si inday para mapakasal sa pon-ji and sa madaling salita nalakad ang visa nya pero palagi on-going lang kung baga wala pa din sya visa pero may papel na sya na under development ang case/visa nya

dahil sa on-going na visa nya eh napapunta din nya dito yung asawa nya sa pinas (tawagin nating indoy) pero wala nga susuporta sa bala nya kaya naging bilog na kalaunan at nagka anak sila ni indoy dito at iyon ang ginamit ni inday na bala yung bata na kunyari anak ng pon-ji pero kahit saan tingnan na angulo (di naman sa mapamintas ako) eh di kamukha ng pon-ji maski yung ina di din kamukha ng bata parang pinag biyak silang dalawa ni indoy

si indoy eh nahuli din last year lang yata at nahuli dun lang sa harapan ng bahay nila kung baga eh parang may nag abang na talaga at hinala nila na may nagsuplong sa isang banda eh maaring totoo naman din kasi eh sa looban ang bahay nila eh kaya di pansinin kung di talaga hahanapin

yung pon-ji naman eh may iba na kinakasama (pinay) palagi daw pupupunta dun sa bahay nila inday si pon-ji at nanghihingi ng pera kung baga ginawang gatasang baka na si inday at tinatakot na magsusumbong pag di nagbigay

si inday naman eh nakakatunog na din na yung pinay eh ginagatungan si pon-ji na gatasan sya kasi dati naman daw eh di na nagpunta dun si pon-ji nagpupunta lang kung may mag inspection kung talaga mag asawa sila at kung magkasama sila sa isang bahay pero mula lang daw na magkaroon ng kinakasamang pinay eh bigla na lang daw na pumunta dun at ginatasan na si inday

bigla na lang daw nanghingi si pon-ji ng malaking halaga eh si inday lumaban at sinabing wala sya pera although may pera naman sya malakas kasi ang business nya sa pagluluto at paglilinis ng bahay
nanakot naman ngayon si pon-ji na ipa-DNA nya yung kunyaring anak nila pag di nagbigay si inday

pero di nagpatakot si inday sa banta ni pon-ji kung baga tuloy pa din ang buhay nilang mag-ina katwiran kasi ni inday eh yung bata na ang sangahan nya dito kasi nakarehistro na yung apelyido ni pon-ji dun sa bata

eto na ngayon bigla hinuli si inday at sinabi na peke yung papel nya sinama din yung bata at balita eh nakakulong silang dalawa

sabi ng isang tropa nila misis eh siguro daw si pinay din ang nagsuplong dun kay indoy para madali nila magatasan si inday kasi wala na magtatangol kay inday

nakakaawa talaga ang sitwasyon nilang mag-ina ngayon kasi may nagsabi na mahirap dalawin dun sa kulungan kasi iba daw ang kaso nun kung baga lahat siguro ng dadalaw eh maging suspect na din na kakutsaba

dear_mommy
11-30-2007, 06:07 PM
paano na po yung bata? kawawa naman po at walang kamalay malay. di man lang ba nag-isip yung pinay.:(

summergirl
11-30-2007, 06:12 PM
pwedeng dalawin iyon,sabihin langna kakilala..Di ka naman nila iimbestigahan..Ang bata tiyak nakahiwalay iyon sa nanay,nasa paalagaan.kawawa naman..Nadadamay ang di dapat madamay ng dahil sa wala ng magatas sa pinay..Mag-trabaho sana ng mabuti at di aasa sa iba para mag-karoon ng instant money..Kaya minsan di mo rin masisisi angiba kung ilag sa ibang pinay..

proud me
11-30-2007, 06:36 PM
....kawawa naman sila pare-pareho...si hapon parang nagbebenta ng pangalan... batugan siguro yang hapon nayan hindi kayang kumayod ng pambabae niya :p si pinay din siguro ala ng ibang lalaking pumapatol sa kanya kundi yang batugan na hapon nayan....at si indoy at inday...kawawa din hindi na naka-pag-isip ng para sa ikabubuti ng anak nila....sana maka-uwi na silang mag-ina at duon na lang sa atin sila maka-pag-umpisang maka^pagbagong buhay...

jayb00r
11-30-2007, 06:47 PM
halimbawa kaya eh sasabihin namin na uwi na lng namin yung anak dun sa pinas eh papayag kaya yung mig-mig sa ganoon sitwasyon

mabait naman kasi sila eh kaya kakahinayang din na nauwi sa ganon yung sitwasyon nila

summergirl
11-30-2007, 07:16 PM
Sa pag kaalam ko di pwede..<correct me if im wrong>kasi maraming cases na nahuli ang ina pero kasabay nilang umuwi ang bata pag ayos na ang papers ng ina ..

Wreinman
11-30-2007, 11:58 PM
til now nakakulong pa rin? bat di pa pinauuwi ng pinas?

ICHIBAN08
12-01-2007, 09:05 AM
Nakakaawa naman sitwasyon nun mag ina...Baka naman may paraan pa para pauwiin na lang sila sa pinas kesa nakakulong dito sa japan....:( Nakakalungkot naman...

kazz314
12-01-2007, 09:52 AM
pwedeng dalawin iyon,sabihin langna kakilala..Di ka naman nila iimbestigahan..Ang bata tiyak nakahiwalay iyon sa nanay,nasa paalagaan.kawawa naman..Nadadamay ang di dapat madamay ng dahil sa wala ng magatas sa pinay..Mag-trabaho sana ng mabuti at di aasa sa iba para mag-karoon ng instant money..Kaya minsan di mo rin masisisi angiba kung ilag sa ibang pinay..
I agree sa opinyon mo!mahirap talaga magtiwala lalo na sa kapwa natin.:gossip: ..kaya mga ka TF kung may mga sekreto kayo dito niyo nalang banggitin sa TF atleast unidentified tayo...wag sa mga kapitbahay nyong pinay baka susunod na araw ikaw na ang headline sa lugar ninyo:D (out of topic yata)pero paalaala lang....

hazuki
12-01-2007, 10:28 AM
ang masasabi ko lang po sa mga kapwa nating pinoy at pinay na traidor KUNG ANO ANG GINAWA MO SA IBA MAS MALAKI BALIK SA YO!!:grrr: sana makabalik na lang yung mag-nanay sa pinas nakakaawa naman po.

kazz314
12-01-2007, 11:59 AM
I agree sa opinyon mo!mahirap talaga magtiwala lalo na sa kapwa natin.:gossip: ..kaya mga ka TF kung may mga sekreto kayo dito niyo nalang banggitin sa TF atleast unidentified tayo...wag sa mga kapitbahay nyong pinay baka susunod na araw ikaw na ang headline sa lugar ninyo:D (out of topic yata)pero paalaala lang....
dagdag ko lang pala,baka si inday hindi sinabi sa hapon na mag-aanak siya?kaya siguro gusto ni hapon na padagdagan ang bayad ni inday...kasi ibang usapan naman siguro yon...may nakapagsabi kasi sa hubby ko na may kakilala daw silang hapon na papayag ipasok ang bata sa koseke tohon kahit di sila imitation kekkon nung ina,basta bayaran lang sila ng 40 ka lapad(full payment yata)nakakaawa lang si inday kasi talagang pinagpeperahan siya ni hapon lalo na nga kamo may girlfriend pinay si hapon:(