reon
01-15-2005, 11:28 PM
Nalimutan ko na na meron pala ako nito sa bahay. Siguro dahil sa 10 years na nasa akin itong Kanji Study Cards (http://www.amazon.co.jp/exec/obidos/ASIN/0870408852/qid=1105797246/sr=1-16/ref=sr_1_2_16/249-9458749-5439514), mga 30 minutes ko lang nagamit (okay, a little exaggeration here).
Ang nasa isip noong binili ko ito ay gawing parang "game" para sa pag-memorize ng kanji. Ang problema, kung nagsisimula ka pa lang sa kanji, almost useless gawing game ito dahil 95% hindi mo masasagot. Kaya siguro naitambak na lang sa isang tabi.
http://images-jp.amazon.com/images/P/0870408852.01.MZZZZZ ZZ.jpg Ang author nito ay ang author ng Remembering the Kanji at naka-cross-referenced sa Japanese-English Character Dictionary at Essential Kanji (mga libro na wala ako). May mahigit na 2,000 kanji cards na maganda ang pagkakagawa. Sa harap may kanji at kanji combination (pero walang reading -- sa likod nakasulat ito). Kaya magandang pang-test ng kanji.
Overall, wala akong masabing pangit sa mga cards, pero nakaka-shock ang presyo nang tignan ko sa Amazon: almost 12,000 yen. Nakapagtataka kung bakit meron ako nito ('yan siguro ang mga binibili mo pag bata ka pa, hehe). Although maganda ang mga cards, gaya ng A Guide to Remembering Japanese Characters (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=171 ), maganda lang na bilhin ito kung meron ka nang disenteng kanji dictionary. Sa kabilang banda, malamang isang kanji dictionary lang ang kailangan mo kung gusto mong mag-aral ng kanji.
Pros: "Handsomely printed cards arranged in a convenient carrying case."
Cons: Super-mahal.