View Full Version : experience sa detention
snoopy^_^
12-10-2007, 03:03 PM
Hi! to TF member share ko lang ang experience ko sa loob, i was married and waiting po ako for 1 year and 6 months hindi po ako nagwowork as in sa bahay lang ako , lahat ng call and check nila sa bahay ay nanduon din po ako, so after 1 & half year pinatawag na ako pati ang asawa ko pinadala ang passport at alien card pati ang hanko ng asawa ko, so im not expecting na bibigyan na nila ako kasi yung mga friend ko nagpakasal din ay nainterview pa uli after waiting bago bigyan, pero ang nangyari idinetained nila ako sa loob at ang sabi nila hindi daw tutoo ang pagsasama namin , pati ang asawa ko ininterview at sinagot naman ng asawa ko ang lahat ng tanong nila at antimano sinabi na asawa ko na kukuha kami nag lawyer, so in short na detained ako for almost 2 months dumaan ako sa mga interrogation nila at hindi naman nila pinagdiianan na arrange or fake ang kasal ko kasi nga wla silang proof at talagang tutoo naman kami dahil pareho lahat ang mga sagot namin magasawa. Hindi tulad ng ibang nakasama ko sa detention na sa interrogation talagang sinisigawan sila at idinidiin na fake ang ang pagsasama nila, nag file din kami ng piyansa pero hindi kami pinagbigyan kahit may matanda at may sakit ang hubby ko, so in short kahit my lawyer kapa maliit ang pecentage na makakuha or bigyan ka once nadetained ka so advice nila sa amin na sa pinas na lang namin ayusin uli, As of now nandito na ako sa pinas at magaayos uli kami ng documents , marami tayong kababayan duon na naka detained din na nag waiting din sa konting konting pagkakamali lang katulad ng nung nag check ang immig sa bahay wala sya kasi maysakit ang kapatid nya at ang asawa naman ang nadatnan sa bahay, meron ding isa na nagpaalam ng 2X sa immig dahil waiting nga na manganganak ang anak nya at magiistay muna sana sa anak nya, pinatawag ng immig. at idinetained din, ang sabi nga sa kanya ng immig. ano ang mas mahalaga sa iyo ang asawa mo o anak mo? isipin nyo yun napaka unreasonable na talaga ang mga dahilan nila, :( sa totoo lang marami din sa mga kabayan natin na talagang hindi naman tunay ang pagsasama kaya pati ang mga tutoo nadadamay talagang ganyan siguro suwertihan lang , tanong ko lang mga kapatid now na nandito na ako sa pinas at magaayos ng papers uli meron ba kayong idea kung gaano katagal makabalik sa japan kasi ang penalty na binigay sa akin is 5 years eh, hindi naman ako nahuli pinatawag nila ako tapos kung 5 years nga nangangamba ang asawa ko na baka patay na raw sya kung ganun katagal, ang sabi naman sa akin ng iba na sensen sa immig na 2-3 years lang daw depende sa pangungulit ng asawa ko sa embassy nila dito sa pinas, baka after holiday na ako maginquire sa embassy , advise naman po kung ano ang dapat gawin at kung may experience kayo tulad ko:confused: pasensya na talaga sobrang haba na itong post ko kasi talagang naistressed ako mula sa immig eh:D
summergirl
12-10-2007, 03:13 PM
sorry to hear that..Alam mo ganyan din ang nang-yari sa friend ko ,ganyan din ang sinabi sa kanya 5 years makakabalik daw sa Japan,pero up to now nasa pilipinas pa rin sila at di mabigyan ng visa..Kasi ang sabi sa kanya gumawa daw sya against Japan law..kahit anong apply ng asawa nya di maapuban..keep on trying dear..walang mawawa ..at keep on praying..
Malou Meria
12-10-2007, 04:31 PM
According to your story, i think the immigration didnt treat you so well at napaka salbahe ang ginawa nila sayo. can you please detailed to what really happenend? Im interested with your case kasi. Tnx.
jgequillo
12-10-2007, 08:30 PM
ask ko lang friend over stay ka ba?at ilang taon ka ng overstay?ksi pgkalam ko kng ngpakasl kyo 1 year lng ang penalty na dpat hintayin nyo mg asawa mbibigyan ka na ng visa?yon ang xperience ng friend ko kasi..pro malay mo mabgyan ka kya asikasuhin nyo na ang papeles mo pra ms maga.at d mg hntay ang dana mo ng matagal.gud luck
hindi naman ganon ka salbahe ang mga tao sa immigration,, believe me kasi 2 months din ako na detained doon
ang pansin ko sa mga officers doon eh kapag magalang at maayos ang mga sagot mo sa mga tanong nila eh hindi ka naman nila haharasin..
may mga tanong sila na nakakaiinis at sobrang below the belt talaga, yun ay dahil SOP nila yun.. marami nga naman kasing pekeng pagsasama kaya naniniguro lamang sila..
simplythei
12-11-2007, 11:03 PM
hi! grabe nman ang nangyare syo... :( Anyway, ask ko lng kung nasa bhay din un asawa mo the time na nagche-check un immig sa inyo tsk kung ok lng po, ask ko rin anong age na po ng asawa nyo?? curious lng po ako sa nangyari sa inyo. plano ko rin po kcng magpakasal dyan sa japan magto-tourist visa kc ako..
maria_71jp
12-11-2007, 11:55 PM
snoopy san i have 1 question lang po sa inyo nung sinabi ba nila(migmig) na sa pinas nalang kayo mag antay sagot mo ba sa kanila eh OK po sa pinas nalang kami mag aantay.kasi po sa migmig po palakasan ng loob dun pag sunao kang sumagot sa kanila ng uuwi ka talagang pauuwiin ka nila.sana naipaglaban mo sarili mong hindi po ako uuwi at nandito asawa ko ayokong mawalay sa kanya.KAYA ADVICE KO LANG SA ATING KAPWA PILIPINO DAPAT PO PAG TINADTAD KAYO NG MGA TANONG NG MIGMIG TADTARIN NIYO RIN SILA NG TAMANG SAGOT at hindi nila kayo pauuwiin.base nalang din po sa experience ko.sana po makatulong sa kapwa natin pinoy etong message ko lalo na po sa mga OS na dito po nag paprocess ng papers nila.
shiawase
12-12-2007, 12:25 AM
May katwiran si maria 71jp san.... ang mga migmig kasi mapanubok.... wala akong experience pero marami akong naririnig... i think they are just checking on how you are determine to stay and live here in japan with your husband. :)
snoopy^_^
12-12-2007, 09:09 AM
answers to all your question mga kapatid sa TF, 1st nag OS ako ng 8 years, nagpakasal kami ng nagsama muna kami ng 1 year bago nagpakasal kasi nga inaayos at naghihintay pa ako ng papel galing pinas ang age ng hubby ko is 63 , nung idinetained nila ako ipinaglaban at kumuha pa nga kami ng abogado at nag file ng piyansa pra kun sakaling aapila nga kami sa labas na lang ako maghihintay habang nagaapila , sinabi rin at nakiusap din kami nung una akong nag apply sa immig. pinapili ako kung sa pinas or sa japan ako maghihintay ng visa or sagot nila, ang sabi namin magasawa eh, sa japan kasi nga ayaw nga naming magkahiwalay at may sakit kasi sya so kailangan nasa tabi nya ako, nung nag check naman sila sa bahay nanduon kaming pareho, pati mga tawag nila lagi naman naming nasasagot at pareho din kaming kinakausap, sa loob naman ng detention they don't treat me bad kasi maayos naman akong makipagusap naawa lang kasi ako sa mga ibang nakasama ko kasi lagi silang nasisigawan tuwing interview nila, in short kahit nag stay ako ng almost 2 months there and decision nila ay pauwiin nila ako at lahat kami hindi lang ako pare pareho ang binigay na taong penalty na 5 years pero advise sa amin ng ibang sense duon na standard penalty na ibinibigay nila pero kapag nakauwi na kami at sa pinas namin ulit aayusin ang documents namin maari daw mapadali mga 2-3 years daw , sinabi ng asawa ko sa kanila na ang 5 years napakatagal baka patay na daw sya that time , pero ganun parin ang sabi nila sa amin na dito na lang namin ulit ayusin ang documents at pag binigyan daw kami dito kankenai na daw sila duon , siguro naghigpit ng sobra kasi kapapalit lang ng president nila marami daw nabago sa system nila eh, as in daw:confused: so advise lang po or any news kung ano nga ang the best way to do aside na ayusin ang papers dito any idea kasi 2-3 years matagal pra sa akin yun nag aalala kasi ako baka kung anong mangyari sa habibi ko eh, lalo na maysakit pa naman sya diabetic kasi sya eh:(
bahaykubo
12-12-2007, 01:36 PM
sa opinyon ko lang....kung ako sayo hindi ako uuwi.kasi una nandito asawa mo may edad pa.kasi ang sabi pag umuwi ka mas malabo ang chance na makabalik ng japan kahit sinabing 5 years ito.ilang taon ba age gap nyo ng asawa mo? marami kasing hindi naniniwala sa age doesnt matter.dami kasing ganun na immit ngayun.mas maganda palagi mong papuntahin asawa mo jan sa pinas.para may proof na hanggang pinas sinusundan ka nya.bakit ka kasi umuwi?sayang tuloy...dapat nagmatigas ka na lang,....pero nanjan na yan.,...try pa natin mag wait ng ibang reply dito sa post mo:(
Malou Meria
12-12-2007, 02:12 PM
Hello Snoopy,
So you said na kinasal na pala kayo it means meron na pangalan mo sa kosekitohon. You can never get visa if you apply in the Philippines kc in your case since you are OS dati, you need to have a special visa and only immigration in Japan can give that. Di nila sinabi yan sayo. Yes you dont need to wait for 5 years. Meron kaming client na binigyan din ng 5 years not to enter Japan but yokatta in 1 year's time nakuhaan namin sya ng visa. As of now all you & your husband can do is make an evidence na talagang mag asawa kayo. You really need both of you to sacrifice for at least 1 year. Evidence na pwede nyong gawin is let him visit you in the Philippine as much as he can, proof na nagpapadala sya ng pera sayo and taxpayer sya. I-keep mo lahat ng evidence na ito so that you can use it in applying for visa.
diana_james
12-12-2007, 03:22 PM
kung ako sa yo pauwiin mo jan asawa mo at gumawa kayo ng baby. para talagang matibay na ebidensya na mag asawa kayo. at total matanda na riin si kuya baka kung ma late ka e hindi ka na magkakaanak sa kanya. :)
snoopy^_^
12-18-2007, 09:50 AM
mga ka TF thanks po sa mga reply, :D siguro nga wala akong magagawa kundi ayusin at humanap ng magandang paraan or ebidensya na ipepresent ko sa kanila na tunay ang pagsasama namin, uuwi po ang aking habibi next year kahit alam kong hirap sya dahil may sakit nga at sa edad nya! pro ok lang yun pra maayos naming 2 ang documents at makilala narin nya ang family ko dito, tanong ko lang po totoo po bang wala ng walk in sa embassy natin sa pinas kasi sabi nila dumadaan na daw lahat sa agency katulad ng system sa U.S at Canada na agency narin pra hindi daw magulo at maraming tao sa harap ng agency.:confused:
Malou Meria
12-18-2007, 02:54 PM
Hi,
Yes wala na pong walk in ngayon. So lahat ng klase ng application ng visa will be thru agency at may bayad na. Tnx.:)
mouth mirror
12-18-2007, 06:32 PM
snoopy di kaya may kaibigan kang naglaglag sayo ksi i know uso yan sa mga pinoy yung tatawag sa immig at magsusumbong.tsaka bakit ka naman nila ipapatawag kung wala silang nakuhang info sayo.nakakapagtaka lng?tingin ko may nanira sayo kaya ganun sila.opinion ko lng po.
listen
12-18-2007, 07:11 PM
hello snoopy san.....share ko lang sayo...yung experience ko nung nadetained din ako sa imig...17days lang pinalabas na ako w/oneyear visa...tpos nung nsa bahay na ako isang check lang ayos na although marami din akong nadaanan na interview sa kanila....tlagang madugong interview ika nga pro dhil totoo lahat at pursigido yong hapon na gustong magpakasal sa akin naniwala nman sila sa katunayan sa loob kmi ng detention kinasal......ang lungkot ano????kya lang masaya nman nung nakalabas na ako kc may visa na agad,,,,at ska mababait nman yung naghandle sa akin duon..pro ang hirap ng sitwasyon na nangyari sa akin pro ang sabi lang sa akin khit anung sabihin ng imig..na uuwi ako sa pinas huwag daw ako papayag kya hindi plagi ang sagot ko khit tinatakot nla ako na matatagalan daw ako sa loob buti nlang everyday ako binibisita ng hapon kya sa awa ng diyos napadali ang paglabas ko ...sna hindi ka pumayag na uuwi khit anu pa sabihin nla kc dyan din cla kumukuha ng base kung totoo ba yung pagsasama ninyo o hindi............... .............:D :)
yuki_luv
12-18-2007, 07:30 PM
bale two years na kaming kasal ng hubby ko. nag os din ko mga two years din.nung pumunta kami sa immigration unang sinabi na asawa ko na gomenasai kasi nga nag overstay ako. at nagsorry din po ako sa kanila. nun pung tinatanong nila ako hindi naman po sila nagsalita nanghindi maganda sa akin or minura nila ako.pagkatapos po nun naghintay lang ako ng 1 1/2 month tinawag uli ako pinadala lahat ng papeles namin at yun na po binigyan na ako ng visa. pero bago po pala ako binigyan eh kinausap ako sa isang room at tinanong sa akin ng officer kung ano ang gusto ko. tinanong niya kung gusto ko daw ba ng visa or gusto kong umuwi sa pinas. sabi ko po gusto ko ng visa ayaw ko umuwi sa pinas. tinanong niya ako bakit. sabi ko kasi andito ang asawa ko. at oo nga pala ang asawa ko namet ko pala sa pinas hindi pa ako talent nun. so ipinakita din pala niya yung passport niya na katunayan na sa pinas kami nagkakilala.at syempre mga old picture etc.pero ito po hindi po alam ng family ng asawa ko na nagasawa na siya, pati yun po sinabi namin sa migmig.lahat po sinabi namin. at pag po tatawag ang migmig sa amin minsan po wala ang asawa ko. minsan kasi umuuwi siya sa mga magulang niya. pero siguro lucky pa rin po ako kasi nabigyan ako ng visa. kaya sa iyo sis magtis ka rin. dont worry mabibigyan ka din ng visa. at makakabalik ka uli dito sa japan.mag pray kalang lagi. god bless:)
snoopy^_^
12-20-2007, 11:27 AM
marami pong salamat sa mga advises at nag share ng experiences, :D nung nanduon ako sa detention merong bakakayan natin na pareho ng case ni LISTEN SAN , after 2 months pinalabas at binigyan siguro sa age din ng mga husband nila:confused: pero meron ding may anak at kasal din na hindi binigyan at umuwi na lang , madaling sabihin na sayang di sana ikaw umuwi sa totoo lang nagtiis ako ng 2 months duon at may abogado pa ako at ang dalaw sa akin ng husband ko halos everyday or 3X a week , pero ang desisyon na ibinigay ganun parin umuwi at dito na lang ayusin kesa naman sa loob ako at ililipat daw ako sa osaka kung aapila or maghahabla sa kaso so it takes time and money buti kung pinayagan nila akong mapiyansa ang kaso hindi, alam nyo mga kapatid kahit maganda ang facilities sa loob ng detention ang stress ang kalaban natin at lalo na pag may interview na sched kahit alam mo naman na ang tutoo lang naman ang maiisasagot mo at walang dapat ikatakot eh, ganun parin ang nerbiyos na mararamdaman mo halos makalbo nga ako sa loob eh kasi sa stress:p
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.