PDA

View Full Version : discrimination


angelica
12-11-2007, 01:01 PM
hello mga ka-tf,,,gusto ko lng ishare sa inyo ang story na to...
kahapon may nilakad ako sa ginko medyo di ko na nmalayan ang oras at maguuwian na pala ang mga bata galing sa school,,,kesa maunang umuwi ang anak ko at walang dadatnan sa bahay ngpasya ako na sunduin na lng ng diretso sa school kahit medyo late ng konti,,,tumawag ako sa gakko at sabi ko male-late lang ako ng konti pero on the way na ako...nadatnan ko ang anak ko sa loob ng shokuinsu ng sunduin ko sya ngpaalam kame at ngpasalamat sa mga sensei na nanduon,,pagkauwi sa bahay kuwentuhan kame ng anak ko sabi nya "mommy bakit ang tagal mo?" sabi ko gomen galing kase ko ng ginko e maraming tao kaya nalate si mommy.,sabi nya sabi kase ng sensei kanina sa kin,"nande okasan osoi no?taiho sareta"sabi nya daw"chigaimasu akachan mendoumiteru kara isogashi desu"ang sa
got daw ng sensei,"kuroi(black)akachan mendoumitteru no?"okasan kuroi akachan underu"....ang sabi ko"haaaaaaaaa"kase nashock ako sa kuwento ng anak ko.....at nakakapanggigil talaga ang sensei na ito,,,kaninang umaga ngpunta ako sa school para kausapin ang kocho sensei tunkol sa bagay na ito dahil kung biro man ito,sa palagay ko hinde magandang biro lalo na kung galing sa isang guro pero deny to death sila at wala daw ngsalita ng ganon sa anak ko,,,gusto pa yatang palabasin na ngsisinungaling ang anak ko...pero im sure sa pagkukuwento sa kin ng bata,totoo ang sinasabi nya....at syempre paniniwalaan ko ang anak ko.....tumawag na rin ako sa kyoikuinkai about this matter at sabi nila kokontakin daw nila ang school....nakakalung kot lang isipin na sa murang eded nila nakakaranas na sila ng discrimination....:(

may_abe
12-11-2007, 01:07 PM
Talaga? kawawa naman yung anak mo..hindi pa nangyari sa akin yan kase sa private school ko pinasok. Sabi ng iba pag public school hindi kasing bait ng teacher compare sa private...huwag naman sana..pero kung sa akin nangayari yan,pakinggan mo anak mo.Hindi nagsisinungaling ang bata. I reklamo mo yan sa pinakamataas ng matauhan yan sensie na yan. :mad:

hacaya
12-11-2007, 01:10 PM
hajimemshite angelica-san!

grabe naman yung sensei nayon, para sakin yun din ang gagawin ko gaya ng ginawa mo!
porke gaijin o hindi di tamang magsalita ang isang guro ng ganon sa harap ng maliit na bata! :)

louvette_15
12-11-2007, 01:11 PM
dapat lang talaga i reklamo yang ganyan kasi d man natin pansin, may tendency na magkaroon ng psychological effect sa bata un...e biruin mo nga naikwento nya sa yo kng balewala yon sa anak mo db? saka para magka leksyon yang mga teachers na ganyan. the next time, umayos sila ng salita nila.

summergirl
12-11-2007, 01:15 PM
Ipaturo mo directly sa anak mo ang teacher na iyon at isama mo ang asawa mong japanese sa BOE para matauhan dapat sya ang mauunang di mag sasalita ng mabuti sa tao pero sya pa ang nangunguna..Di nya ba alam na anak mo ang bata at kahit sa korte hanggang edad na 7 yrs pinaniniwalaan ang bata..Wala syang karapatang mag salita ng ganon ..Napapasama tuloy ang mga majime na teachers..

miffy
12-11-2007, 01:24 PM
hello! hirap ng sitwasyon natin no!:confused: sabi ng babes:babe: ko,may mga sensei talaga na ijiwaru. pag sinumbong mo sila,gagawan daw yan ng legal action,pero mas lalong magiging kawawa daw ang bata pag isinumbong mo kasi lalo daw pag iinitan.:rolleyes:

louvette_15
12-11-2007, 01:30 PM
hello! hirap ng sitwasyon natin no!:confused: sabi ng babes:babe: ko,may mga sensei talaga na ijiwaru. pag sinumbong mo sila,gagawan daw yan ng legal action,pero mas lalong magiging kawawa daw ang bata pag isinumbong mo kasi lalo daw pag iinitan.:rolleyes:

may possibilidad ngang ganun ang mangyayari sis, pero on the other side magiging maingat din ang teacher kasi alam nyang lumalaban ang magulang ng bata at baka isumbong sya ulit. mahirap kasing tumahimik na lng sa ganung sitwasyon dahil baka mauulit ung discrimination at lantad ng maaapektuhan psychologically ang bata..

miffy
12-11-2007, 01:44 PM
may possibilidad ngang ganun ang mangyayari sis, pero on the other side magiging maingat din ang teacher kasi alam nyang lumalaban ang magulang ng bata at baka isumbong sya ulit. mahirap kasing tumahimik na lng sa ganung sitwasyon dahil baka mauulit ung discrimination at lantad ng maaapektuhan psychologically ang bata..

sinabi mo pa! sis,pag sa anak ko siguro ginawa yun,mag gagabriela silang ako!:furious: he he he

shiawase
12-11-2007, 01:56 PM
Meron palang mga ganong sensei... nakakadismaya naman kung totoo talaga... syempre di naman magsisinungaling ang bata diba... kung ako ri siguro yun, pareho tayo ng gagawin... manunugod talaga ako... papasok pa naman ng yochien ang anak ko next year... medyo nag-aalala tuloy ako... pero nung mensetsu naman i observed na mababait ang mga sensei... sana hindi rin mangyari sakin yan dahil baka di ako makapagpigil sa magagawa ko sa kanila... :( Anyway, thanks for sharing... :)

japhil
12-11-2007, 02:03 PM
hello! hirap ng sitwasyon natin no!:confused: sabi ng babes:babe: ko,may mga sensei talaga na ijiwaru. pag sinumbong mo sila,gagawan daw yan ng legal action,pero mas lalong magiging kawawa daw ang bata pag isinumbong mo kasi lalo daw pag iinitan.:rolleyes:


yeah...totoo yan kc yung anak ko galing pinas at nag-aral sya di2 sa japan ng grade 5 (girl)
grabe ang naranasan nyang ijiwaru sa mga classmate na lalaki at kumampi pa yung mga teacher dun sa mga batang hapon biruin nyo 5 batang lalaki ang umaaway sa anak ko sinisipa sya sa likod at sinusuntok sa sikmura:( . ang ginawa ko lumapit ako sa City Hall at nagsumbong ako.. kala ko maaayos na:eek: yung pinakang teacher ng anak ko siya mismo ang nagturo sa mga estudyante nya na layuan ang anak ko. kaya ang ginawa nalang namin lumipat kami ng bahay para makalipat din ng school ang anak ko.
Hirap akong makipag debate kc di talaga ako marunong mag japanese at asawa ko ganon din:( .Then grabe pa yung iyak ng teacher nong sinumbong ko sya sa City Hall kesyo mababait daw ang mga studyante nyang hapon:confused: me mabait ba na naninipa at mga bata pati di2 sa japan grabe kung makasagot para silang matanda kung makapag sinungaling:confused : very sad pa yung mga magulang ng mga bata na nag ijiwaru sa anak ko di manlang nag sorry or nakipag usap sa amin. sabi ko sa school gus2 namin makita ang mga magulang ng baa then tinawagan nila at sabi daw ayaw daw nilang makipag-usap sa mga GAIJIN:eek: . :mad: gus2 ko talagang sugurin sa bahay yung mga magulang kaya lang ayaw ituro ng mga teacher ang bahay ng mga bata.

Sana magkaroon na ng school na para sa mga kalahi natin di2 sa japan like dun sa mga brazil meron silang sariling school di2 sa japan at mga chinese.

kazz314
12-11-2007, 02:38 PM
naku tumaas bigla ang kilay ko dito ah:sneaky: pag sa akin din nangyari ito ganyan din gagawin ko....kahit umabot pa kami sa kataastasang opisyal sa school....para malaman ng haponesang sensei na yon na palaban na pala ngayon ang mga gaijin:furious: at para di na niya pag-initan ang anak ko eh di ilipat sa ibang school....kahit siguro hindi ako fluent mag nihonggo talagang lalabanan ko sila:hellfire:nakaka pag-init ng ulo ang ganitong balita,nakakaawa ang bata eh pano kung mag suicide nalang gaya ng ginagawa ng ibang nakaranas ng ijiwaru?!sorry ganun nalang yon?!

angelica
12-11-2007, 04:00 PM
thanks mga katimog sa mga opinions and advices......buti na lang may mga site na ganito.
anyway,kanina nang umuwi ang anak ko galing sa school sabi nya kinausap daw sya ng sensei na yon(lalake po ang teacher)at sinabi sa anak ko na kikimachigai daw sya at wala daw syang sinabing ganoon ang sabi daw nya nya sa anak ko ay"kyodai iru no?"okasan taihen da ne..."na parang ang layo naman para mgkamali ng dinig ang anak ko ,ang sabi ko sa bata ,kikimachigai ka nga ba?sabi nya hinde yun talaga ang sinabi nya sa kin kahapon....so very consistent ang sagot ng bata pero pinipilit baguhin nitong sensei na ito ang istorya...tumawag pa sa kin ang principal kanina,konkai no koto wa yurushite daw dahil ngkamali lang daw ng dinig ang anak ko,,sabi ko hinde lang ako ang mgdedesisyon dito pati ang asawa ko(pilipino din po sya pero mas fluent mgnihonggo kase nakapagaral sya dito)actually sya ang ngpacontact sa kin sa kyoikuinkai,,,nakasc hedule naman na talagang lumipat ang mga anak ko nang school sa susunod na pasukan dahil nglipat kame ng bahay kaya lang ayaw ng anak kong panganay na mglipat pa ng school ngayong year dahil matatapos na nga naman sa march..

Splendid
12-11-2007, 05:08 PM
Nakakaranas din ng disrimination yong anak ko. Bale pumasok siya dito ng Grade 5 at 1year junior high school na siya ngayon. Sinasabihan siya lagi ng Firipin kaeri :mad: :mad: :mad: Meron na ring pumunta sa bahay na okaasan nag gomenasai pero di pa rin tumigil yong ijiwaru:mad: :mad: :mad: Kaya tinuruan ko yong anak ko kung anong isasagot nya pagsinabihan siya ng firipin kaeru ( di ko pwedeng i-post kasi warui kotoba talaga) kaya ngayon takot na sila sa anak ko:mad: :mad:

shuelma
12-11-2007, 05:21 PM
ganyan din ung nang yari sa anak ko,.nakita ko pa ung pangyayari sinipa ung batang lalaki ung ako ko(girl).den lumapit ako para awatin ung bta.sa ginagawa sa anak ko,.at isinumbong ko dun sa guro kung ano ginawa nung bta.sa anak ko...sabi niya bka daw nagbibiruan eh,kitang-kita ko ung nangyari,.grabe nagwawala ako sa galit sa knila...dhil diko masyadong magnihongo kya action at barok na nihongo ang ginagawa kong paliwanag sa knila...hangang sa naiyak ako sa knila sa tindi ng galit...

mtwalton
12-11-2007, 05:33 PM
atama ni kimasu ne..:mad: :mad: .....hito wo nameterun janai youne!

kimochi wa wakaru..

.theres no way na ang bata ay mag kakamali.naniga kikimachigai yo......sabihin mong lokohin na nilang tanga o lasing, huwag lang ang mga bata......

sou iu sensei wa imasuyo.kao ga mitaiwa.. konsintidor na koucho sensei mo....protecting his school..??joudan janai youne...! yurusanai.......gaij in dato omotte baka ni surunomo iiiikagen ni shite moraitai youne!!!!!

:mad: :mad: sorry!
kakainis.........

japhil
12-11-2007, 05:36 PM
Nakakaranas din ng disrimination yong anak ko. Bale pumasok siya dito ng Grade 5 at 1year junior high school na siya ngayon. Sinasabihan siya lagi ng Firipin kaeri :mad: :mad: :mad: Meron na ring pumunta sa bahay na okaasan nag gomenasai pero di pa rin tumigil yong ijiwaru:mad: :mad: :mad: Kaya tinuruan ko yong anak ko kung anong isasagot nya pagsinabihan siya ng firipin kaeru ( di ko pwedeng i-post kasi warui kotoba talaga) kaya ngayon takot na sila sa anak ko:mad: :mad:


baka naman pwedeng i PM mo sa akin yung tinuro mo sa anak mo. para naman maituro ko rin sa anak ko.kasi ganyan din ang sinasabi sa anak ko pilipin kaeri daw:( at nagsasabi pa sila ng gaijin atama ukashi:mad: parang nakukuha narin nila sa magulang nila yun... kung ang magulang nila di galit sa gaijin ganon din sila diba. minsan iniisip ko tuloy na baka mismong magulang narin nila ang nagtuturo sa kanila sabi kc ng pinsan ko maraming haponesa na galit sa gaijin:(

japhil
12-11-2007, 05:38 PM
atama ni kimasu ne..:mad: :mad: .....hito wo nameterun janai youne!

kimochi wa wakaru..

.theres no way na ang bata ay mag kakamali.naniga kikimachigai yo......sabihin mong lokohin na nilang tanga o lasing, huwag lang ang mga bata......

sou iu sensei wa imasuyo.kao ga mitaiwa.. konsintidor na koucho sensei mo....protecting his school..??joudan janai youne...! yurusanai.......gaij in dato omotte baka ni surunomo iiiikagen ni shite moraitai youne!!!!!

:mad: :mad: sorry!
kakainis.........



ano po yung sinabi nyo???
:( waaaaa yung payo mo lagi kong binabasa TAGALOG or English nalang po pwede po ba?

mtwalton
12-11-2007, 05:40 PM
sorry...ganyan pag naiinis..labas lahat ang nihoggo no...
sorry.......pabasa mo na lang sa husband mo:) :)

dianne
12-11-2007, 06:03 PM
naalala ko tuloy yung anak kong babae ~~ chu ~1 na sya ngayon nag lalaro sila sa koen ng mga friends nya 7 ata silang nag lalaro sa koen ...biglang dumating yung ibang klasmate nilang lalaki tapos me dala~dala yung isa na toy gun na me balang sin laki ng munggo ~~~ ginawa nung salbaheng bata ~~~ binabaril niya yung grupo ng anak ko ~~ kaya nagsisigawan sila ng yamete ~~~:mad:

tamang ~tama dumadating ang barkada ng anak kong panganay na lalaki chu~3 sila isang batalyon pero di kasama anak ko~~~ sabi sa anak kong babae doshita no risa chan nani okoteruno ~~~ sabi ng anak ko kase binabaril kame ng toy gun ~~~ ginawa ng barkada ng anak kong panganay kinuyog yung batang lalake na chu~1 at binitin ~~~ sabi sa kanya omae onanoko ni ijimeru na hayaku ayamareya kora ~~~~ :D :D :D kaya ginawa nung bata lumuhod sa harapan ng grupo ng anak ko nag ayamateru ~~~ ayun di sya makaporma ngayon kukuyugin ulit sya eh ~~~:D :D kala nila ha ~~~:D :D

kailangan din poh ~~~ matuto lumaban anak natin kahit nag iisa sila dahil hindi habang panahon nasa tabi po kayo ng anak nyo para ipag tanggol ang sarili nila ~~~ ;)

summergirl
12-11-2007, 07:00 PM
Sa experience ko dapat talaga ang bata marunong sumagot at lalo na pag nasa katwiran sila at alam ng teacher na may problema ang batang nang iijiwaru lalo na sa chugakku binabantayan ng mga teacher ang batang ijiwaru ,kaya dapat ipaalam sa school ang problema kahit maliit na bagay..Dahil problema ngayon kahit saang school ang bullying kaya aware sila ,kaya nga may school counselor ang bawat chugakku dito sa Japan..Strange di ba?sa atin walang school school counselor ang ordinaryo na school dahil bihira sa school sa pinas ang bullying.

honey
12-11-2007, 08:01 PM
Ano ba yang mga hapon na yan masyadong hima sa buhay.Yan din ang isa sa kinakatakot ko e! dahil di ko rin palalagpasin para magingat sila at di na ulitin sa iba.

taurean06
12-13-2007, 01:05 AM
Nangyari din yan sa mga anak ko nung grade school pa sila. Sinasabihan daw yung daughter ko ng "hafu da! hafu da!". Sabi ko sa anak ko , "sana sinabi mo sa kanila , hindi ako half. double ako kaya mas lamang ako sa inyo":p You cant deny it, kahit saan ka mapunta dito sa japan, hindi maaalis ang discrimination! Pero ang itinuro ko sa mga anak ko, huwag silang magpapaapi sa mga kaklase nila. Kaya yung anak kong lalaki, kinatakutan ng mga classmates niya nung nasa elementary pa siya kasi palaban talaga. Ang alyas nga sa kanya "OYABUN".
So ganun lang yun, hindi dapat nagpapatalo ang mga anak natin kahit pa sabihin ng mga classmates nila na half sila.

dear_mommy
12-13-2007, 01:29 PM
sad to say may mga ganyan po talagang hapon na mainit ang dugo sa ating gaijin..:mad:
sa hoikuen naman ng anak ko wala namang nangyaring ganyan..may nagsasabing sasuga half dahil mas hakkiri shiteru daw ang mukha.pero i take it as a compliment.(kahit di ko alam ano talaga ibig nilang sabihin dahil hapon na hapon ang features ng mga anak ko.):confused:

basta't sinabi nyo na lang po ng maayos ay tama po ang ginawa nyo na i-confront sila.mas maganda nga po kung mismong ang sensei na yun ang kinausap nyo para naman maalarma at matauhan...kung mismong sensei ang nagdi discriminate ay napakapangit na halimbawa sa mga bata! sensei shikkaku sya!:mad:

mouth mirror
12-15-2007, 11:34 PM
naku totoo namang discreminated tyo ksi i remember nung nasa japanese school pako yung sensei ko lahat ng mga classmate ko tinatanong kung ano ang mga culture sa mga kuni nila tpos ako di man lng tanungin na sa pilipinas ano b ang culture nyo.laging di nila gusto marinig yung mga story about phil.kaya nga naiinis ako,pero yung ibang sensei ko mabait pero tlagang sad to say may mga sensei tlaga na mararamdaman m na ayaw sa filipino.