PDA

View Full Version : Divorce PR wants to marry her Pinoy BF pls help


sweetderika
12-11-2007, 08:43 PM
Hello mga TF people bago lang po ako dito and i badly need ur advice pls help me with my queries.

I am a Permanent Resident in Japan, who got married to a Japanese in the Philippines (Pasig City), after years of marriage unfortunately we got divorce, biniyayaan po kami ng dalawang anak one boy one girl, 10 and 8 years old.

After the divorce nakapag-asawa na po yung ex ko nang dalawang beses. Ngayon po nagbabalak na rin po ako mag-asawa sa bf kong Pinoy. May anak na po kami ng BF kong Pinoy (1 year old na po). Napa autheticate ko na po yung marriage contract at report of divorce ko sa DFA dito sa Pinas.

Nung nilakad ko na po after ng authentication pinapunta po ako sa Manila City Hall para iparehistro ang papeles pero ang hinihingi sa akin don yung Certificate of Divorce ayaw po tanggapin ang Report of Divorce. Then ang sabi sa akin pagkatapos daw maparehistro dalhin ko daw sa pasig city hall at lalagyan daw ng notation kaso malabo daw mangyari yun kasi magkakaron daw ako ng "legal impediment".

Matagal na po ako di nakakauwi dito sa Pinas, hindi ko po alam na ganito pala kahirap maglakad ng mga papeles dito, sana matulungan niyo po ako. Maraming Salamat po. Mabuhay po kayo.

Malou Meria
12-12-2007, 03:59 PM
Hello sweetderika

In your case, di ka talaga pwede magpakasal sa bf mong Pinoy kc under Phil law wala tayong divorce. Kaya sinabi sa yo na magkakaroon ka ng legal impediment. Therefore ang dapat mong gawin after filing your report of divorce is to file for annullment para don sa una mong kasal dahil kahit na divorcee ka na di naman yan tinatanggap sa atin. But kung sa foreigner ka magpapakasal walang problema di kailangan ang annullment.

sarpon
12-12-2007, 04:05 PM
try to consult a marriage / family lawyer for a 2nd opinion dyan sa pinas.. baka sakaling me ibang way..

angelica
12-15-2007, 03:41 PM
di ba sabi mo permanent resident ka na e kung................ ...
pumunta ka muna dito sa japan tapos papuntahin mo dito yung bf mo sa japan as tourist dito kayo pakasal sa phil.embassy tsaka mo sya ikuha ng residency dito tsaka yung anak mo sa bf mo....opinion lng po,,

bluesapphire
12-15-2007, 04:23 PM
ay may friend ako na PR, nagpakasal sa pinoy, pwede raw po ang divorce between foreigner and pinoy sa pinas, kasi ang asawa naman daw is foreigner hindi pinoy.. filipino couple lang daw ang hindi pwedeng mag divorce.,kasal na nga po sila, nahihirapan lang sya kunin dito sa japan yung asawa nyang pinoy..pati nga pangalan nya apelyido rin ng pinoy.. pero ang ginagamit nyang passport ay yung apelyido ng hapon,kasi pwede naman daw yata hindi magpalit ng pangalan d2 sa japan kahit divorce na...nalilito rin ako dun, tanong ko na lang sa kanya pag nagkita kami..

sharpener
12-15-2007, 05:32 PM
di ba pag divorce ka na dito sa japan
mag re-report of divorce ka sa phil embassy
then after several months or a year
makakakuha ka na ng report of no marriage from NSO

di ba pwede yung report of no marriage?

mouth mirror
12-19-2007, 03:42 PM
bluesapphire cge ask m want to know din:)

Malou Meria
12-19-2007, 03:56 PM
:) Hi,

Wala pong report of no marriage sa atin sa NSO. Kung naireport sa Phil embassy ang divorce ang report na yon ay makikita sa marriage contract nila with REMARKS na divorce na sila. So kung gusto nya mag asawa ulit ng foreigner yong marriage contract na yon ang magiging basehan na divorce na sya. But kung ikakasal sya sa Pilipino, di po yon tinatanggap unless na kailangan nya mag file ng annullment.:)

sharpener
12-19-2007, 07:00 PM
:) Hi,

Wala pong report of no marriage sa atin sa NSO. Kung naireport sa Phil embassy ang divorce ang report na yon ay makikita sa marriage contractnila with REMARKS na divorce na sila. So kung gusto nya mag asawa ulit ng foreigner yong marriage contract na yon ang magiging basehan na divorce na sya. But kung ikakasal sya sa Pilipino, di po yon tinatanggap unless na kailangan nya mag file ng annullment.:)

:eek:bakit po ako meron nun
kaya nga wala po akong marriage record
dahil nga walang divorce sa atin
lumabas na hindi ako nagasawa

...anyway that was how many years ago:rolleyes:
baka nagbago na ang procedure nila:)

okashi naman kase kung lalabas kang di nagasawa
paano naman yung mga anak


ano naman ang ibig sabihin ng unless na kailangan nya mag file ng annullment

mouth mirror
12-19-2007, 08:41 PM
you mean to say malou meria khit divorce kana dto sa japan pagdating sa pinas,other file ng annulment?ksi alam ko pag kasal tayo sa foreigner di na tyo mag a-annul.mahirap ata mag annul ng japanese ksi la cla time dyan dba?naguguluhan ako sis.

la_tina512
12-19-2007, 10:11 PM
Nagbago na ba ang batas na puwedeng pakasal uli ang isang Filipino once na divorced na sa foreigner na asawa? Kung hindi pa ito nagbabago puwede pa ring pakasal ang isang Filipina na divorced sa asawang hapon. Bakit merong nakakalusot na mga marriages between a Filipina divorcee and a Filipino dito sa Japan?

juandering
12-19-2007, 10:31 PM
Procedure in the Petition for Nullity of Marriage, Philippines

http://philsprocedure.blogs pot.com/

Malou Meria
12-21-2007, 06:01 PM
Hi,

Yes po. Kung divorce ka sa Japon at mag aasawa ka ulit ng Japon din, di na kailangan ng annullment. Pero kung after mag divorce ka sa Japon at ang mapapangasawa mo sa pangalawang beses ay Filipino kailangan mag file muna ng annullment para don sa unang kasal kasi di tinatanggap sa atin ang divorce. Ibig sabihin non kahit divorce ka na dito sa Japan pero sa Piliinas valid pa rin ang kasal mo sa una. Yong UNLESS na ibig kong sabihin, mapapawalang bisa lamang ang kasal sa Pinas sa pamamagitan ng ANNULLMENT. Pero yong ganitong sistema applicable lang kung sa Filipino ka magpapakasal after divorce. Pero kung sa foreigner ka magpapakasal ulit DIVORCE CERTIFICATE lang ay ok na.:)

la_tina512
12-21-2007, 06:52 PM
Bakit yong friend ko na divorced sa Japanese husband nya naikasal sa Filipino boyfriend niya without annulling her previous marriage with the Japanese? Their marriage contract was released a month ago fully authenticated by the Philippine Embassy at under process na ang visa ng boyfriend nya.

Malou Meria
12-22-2007, 02:48 PM
Hi,

Nakakalusot talaga yan sa atin especially pag may mga kilala na naglalakad sa loob ng civil registrar. Pag may kilala kasi sa loob di na sila hinihingan ng CENOMAR kaya di nalalaman na may record sya sa marriage indeces . Ok lang naman yan basta walang magrereklamo. Pero ang magiging problema according to NSO 2 years from now maaayos na nila ang computer system. So pag kumuha sya ng marriage contract ang lalabas lang yong unang kasal nya. :)

angelica
12-23-2007, 09:47 AM
ang problema sa pilipinas sila ngaayos magastos talaga doon at maraming kuskosbalungos....ka ya nga ang advise ko sa thread starter ay bumalik muna dito sa japan at dito mgayos ng papeles sa phil.embassy dahil yung mother-in-law ko ay divorced din sa japanese pero naikasal na rin sya uli sa pilipino nyang bf na asawa nya ngayon at may visa na nga e.....sa phil.embassy d2 sa japan madaling ayusin yan kahit wala kang kakilala sa loob ,,i hope...at buti naman maayos na ang computer system sa nso after 2 years pa nga lang ngeek..late na late na:D