PDA

View Full Version : pag may tiaga .......


bahaykubo
12-11-2007, 08:51 PM
ewan ko kung bagay ang thread na to dito pero siguro...kasi connected sha sa pagkuha ng license sa futamatagawa.

hayaan nyo pong simulan ko ang kwento,

Sept 28, 2007- nag inquire ako dun sa futa pero di na accomodate kasi hanngang 12 person lang daw sa hapon.kahit hanngang 130 ang reception.! pm kasi ako dumating

october 8-dala ko na papers *License ,resibo nung nag renew ako ,jaf (3k) yata.old and new passport,aliencard.
----Hindi po tinanggap ang application ko kasi hinanap ang original resibo since 2002 pa ako may lisensha.so kailangan kong magpa apply sa lto(30) at dfa (135 yata)for red ribbon .isang linngo po yun.at tsaka i renew ko muna daw visa ko at alien card kasi malapit na mag expired.

nung na release na po pinadala po sa japan at pina authenticate ko sa Phil embassy worth 5250yen( na release sha after 1 week)

Nov 6 nag apply ako ng visa

nov 15 natanggap ko hagaki

nov 20 nagpatatak na ko ng visa.Derecho na sana renew ng alien card kaya lang nakalagay kasi na start pa daw from Nov 28.

Nov 28 nag renew ako ng aliencard kaso lang sa dec 12 pa makukuha ang card.so ginawa ko kumuha na lang ako ng gempyo toroku jikou shoumeisho 1 copy para yun ang gamitin(pero dalawa pala ang kailangan.)

nov 29 bumalik ako ng futa para ipasa ang papel. Tapos nung chineck na hinanapan naman ako ng koseki tohon .at isa pa daw shoumeisho ng alien card.kasi daw hindi ammended ang passport ko dahil nung nag report of marriage ako derecho na sa renewal ng passport so kailangan ko daw patunayan na nag change ang surname ko dahil sa kasal.umiyak na talaga ko dahil sa pagod at pabalik balik sa futa ...from yokohama.

to be continued...patulog muna ako ng bata

simplymystic
12-11-2007, 09:36 PM
waaahhhh ! bitin na bitin naman....:eeek: :eeek: :eeek: yun kasunod .....?

may_abe
12-11-2007, 09:37 PM
..waiting mode din ako:)

summergirl
12-11-2007, 09:55 PM
hahaha..baka nakatulog na din ang thread starter..

bahaykubo
12-11-2007, 10:03 PM
waaahhhh ! bitin na bitin naman....:eeek: :eeek: :eeek: yun kasunod .....?

salamat....may nag tiagang mag basa:D

eto na po kasunod.....

so nung araw ding iyon(nov 29) pumunta ako ng cityhall tapos kumuha ako ng koseki at shomeisho ng aliencard.

Nov 30 bumalik ulit ako at ipinasa lahat ng papeles na hawak ko....tinanggap na po sha.(9:15 am)at dun na po ito nagsimula.picture (700y)Kala ko tapos na ang kalbaryo ko kasi tinanngap na mga papeles...Chi neck po ang eye ko.(10:30) tapos po nag written exam na at 10:55
eto po mga lumabas na topic:

(paalala lang po hindi po sha ang natural na tanong sa test eto po ay topic lamang ng test na aking nakuha...siguro iba iba ang tanong*kaya wag po mashado mag relay dito...kayo na po ang bahalang mag review.:Mas maganda po i review buong libro ng rules of the road)

*flashing red light
*children under age ng 12, 2 children are counted as equivalent to 1 adult(ang alam ko dto 3child = 2 adult) hindi ko alam ang tamang sagot.kayo na lang mag review
*if speed double braking distance is double(ang alam ko po pag doble speed quadruple ang brking distance)
*child seat is just right for the size of the child(yes ata sagot ko dito)
*turning left or right signal 3 seconds before(alam ko 30meter)
*flashlight stretch up straight over the head
*pulang bilog na parang may (-) sign na puti sa gitna( no entry ba to)
*puting bilog na may hating blue sa gitna(end ng regulation designated by sign)
*school/kindergarten/nursery sign(yung yellow sign na may bata)
*no parking /no parking at stopping sign.(tricky ito)

11:30 binasa na po ang resulta.4 kaming kumuha 4 din kaming bagsak..lahat kami 40% .so 4 lang ang tama naming sagot

Ang bobo ko talaga.hindi ko pa naipasa..syempre iyak na naman ako.that time hindi nakareview nawala kasi book ko ng rules of the road.Hindi nagreview at bobo at the same time.So bumili na naman ako ng bagong libro nung hapon sa jaf 1000yen

.......wait lang pahinga muna:D

simplymystic
12-11-2007, 10:11 PM
nyeeeeeehhhhh ! bitin na naman poooooo...! hayaku yung kasunod...:jiggy: :jiggy: :jiggy:

bahaykubo
12-11-2007, 10:22 PM
eto po...syempre po hindi ako nadala ..at bumalik ako ng lunes:

Dec 3 gising maaga densha tokyusen at sotetsu tapos taxi kasi nagmamadali
pero po tumaas na pala taxi 710yen na pala pero shoganai.

same nung nov 30 nagbayad again ng 2400 para sa exam...test ulit

(eto mga topic...paalala hindi po ito sagot sa test)

*lenght of vehicle x 1.1 or less
*seat belt(hindi na daw ba kailangang mag seat belt kung meron namang airbag)
*If the roads has 3 lanes or more .......(di ko na maisip)
*priority lane for buses
*pag magpapagasolina sa nasa gilid na gasolin stand puedeng pumasok ng dahan dahan basta walang taong dumadaan)parang ganun di ako sure...sabi ko sa inyo bobo ako sa english
*change lane where the lanes are divided by a yellow line
*parking sa entrance ng parking lot ng isang bahay 3 meters
*parking 1 meter sa fire alarm
*priority lane ng bus ano ang dapat gawin
*kung may aksidente at walang nasugatan or damage sa property kailangan pa bang i report sa pulis?

Paalala...eto po ay aking natatandaan lamang.mas maganda pa din po basahin ang buong libro ng rules of the road

11:30 binasa na result....stupid me...i failed again...bobita talaga...60% this time
sabi ni hubby at least tumaas ng 20%.so ibig sabihin 6 lang tama kong sagot.kaya mag review kayo.again iyak ulit...konti lang naman..maluha luha.:(

simplymystic
12-11-2007, 10:25 PM
tapos anong nagyari....?kelan uli kasunod ? ? ? :confused:

bahaykubo
12-11-2007, 10:35 PM
mashado po akong napagod ng araw na yun(dec 3) bagsak pa.kasi 10 question na lang di pa naipasa

nagpahinga muna ako ng isang araw.bumalik ako :

dec 5 maaga pa din...kaso kahit maaga ka hintayin mo lahat ng taong kukuha ng test..kabado na ko nung time na yun.ginawa ko na lang volunteer ng pagiging interpreter sa ibang gaijin.hanggang dumating na ang oras ng test.2400 ulit bayad

paslamat ako kasi pang 3rd time same question nung 1st time.pero talagang ki na reer ko yun.
labas na po result 90% na.may mali pa ding isa hindi ko alam kung saan kaya mag review kayong mabuti..sa wakas naka graduate din sa test...eto na pahirap Dec 11 naka schedule ako ng drive test.

Dec 9 nag renshu ako 2 oras bayad 15000yen kasi hindi ako confident sa sarili ko.ayoko kasing bumalik ulit.mas maganda ng mag waste ng money than wasting time.Time is life kasi.you can earn money pero di na mababalik yung mga oras na nasayang.

eto na ....dumating ang ara ng paghuhusga.....

Dec 11 today po yun bayad 1650 para sa test.
4 kami nag test 1 manual 3 at.2tao pang take 3 nila today yung isa take 2 today tapos ako hajimete.

......kain lang ako sandali...:O

la_tina512
12-11-2007, 10:35 PM
may bago ka ng pangalan binyag ko - mambibitin!! :p

di bale... balik na lang uli ako for continuation. :D

bahaykubo
12-11-2007, 10:36 PM
tapos anong nagyari....?kelan uli kasunod ? ? ? :confused:

thanks simplimystic...wait ka lang...wag inip

simplymystic
12-11-2007, 10:37 PM
hintay mode pa rin po.....:confused: :confused: :confused: .....
tagal naman........ wala pa ba .....?

sarpon
12-11-2007, 10:38 PM
kaya nga *pag may tiaga* title nitong thread e..:D

Erika
12-11-2007, 10:50 PM
:biglaugh:...bitin ka naman bahay kubo:p,,,asan kasunod:D

simplymystic
12-11-2007, 10:54 PM
:jiggy: :jiggy: :jiggy: bahay kubo...kahit munti..ang halaman doon ..ay sari-sari....:confused: :confused: :confused: waaahhhhh ! ang tagal naman....wala pa ba ....?:scratch:

bahaykubo
12-11-2007, 11:02 PM
eto na po kasunod....

11:45 nandun nako nag aabang ayoko kasing ma late.12:15 inikot ko course para makabisado ko ulit.
1pm start na kunin documents
130 nag start na kami ,.....bumaba na kami sa number 4.inuna muna yung manual......kabado nako nun kasi ako yung kasunod kasi 1st time ko nga ...yung kasabayan ko pang 2nd at 3rd na nila.
eto na po nag start na ko...
::::Check lahat ng tires at ilalim ng kotse
::::ppagpasok sasakyan di ako nakaporma kasi hinigi aliencard at phil license., so after nya tinignan tsaka ako kumilos .
::::lock car,upuan.seatbelt,r ear mirror then sabi ko sa likod....(yung kasunod kong mag eexam) paki lock mo nga pinto mo..ayaw nya pinilit ko nga.
:::start car,place sa d baba hand brake,signal to left kasi dun kami una punta then tingin left side tingin harap tsaka ko pa lang pina andar yung kotse.

super ako kinabahan kasi umuulan pa ng konti...sabi tuloy sakin...puede mo gamitin wiper...:D :D :D

tapos na ako mag drive eto po comment....3ban winker dasanakatta ne..7ban ang laki ng kinain mong space sa pag ikot...mamaya join ka ulit pag nag drive yung last.......wahhhhh.. ...eto na bagsak na nko....:banghead: :cry: :weep: sabi ko sa sarili ko

...wait lang inom lang ako:coffee:

simplymystic
12-11-2007, 11:06 PM
oh ! tapos anong kasunod...? anong nangyari...?....:eek : :eek: :eek:

bahaykubo
12-11-2007, 11:13 PM
2:30 tapos na kami lahat...balik na kami bldg 1 ..gutom na ko nun kaya bili pretsel lang...pampalipas gutom ...abot abot ang dasal ko...na sana makapasa...pero handa na din akong bumagsak...ang tagal naming naghintay 4pm tinawag na kaming apat.sbi dec 18 daw kasunod na schedule...isa isang sinabi....nagpahuli ako kabado talaga....nangingini g pa.:scratch:

bahaykubo
12-11-2007, 11:24 PM
:jiggy: ....tinawag isa isa
guy 1 dec 18
guy 2 dec 18
guy3 dec 18
bahaykubo.......humi nto ang mundo ko:halo:

GOUKAKU desu(tama ba spelling):eek:
napasigaw ako sa tuwa....:dowave: :surprise: :bonk:
sabi tuloy sakin o sige na bili ka na ng seal 1650...
binati ako nung 3 kong kasbay ...nagpasalamat din ako sa kanila.

430 nagpakuha ng pic para sa license.450pm na release na card po...

sa dinami dami ng nasayang kong oras ...worth pala.....pag magtiaga lang tayo...wag kagad mag give up...pag bagsak today balik bukas.....kung kailan available na sched i grab kagad.
dapat meron ka ding gaol sa month na dapat makakuha ng license....kinaya ko...kaya nyo din..basta prepare all the documents...
hanngang ngayon di pa din ako makapaniwala.pag sakay ko bus tinin sa card ...sa densha...tingin ulit...natapos din ang paghihirap

pag may tiaga........may license:D :D :D

Erika
12-11-2007, 11:26 PM
wow natapos din paghihirap mo....congrats~~~ sana malayo marating mo:D,,, pasakay ha:p

bahaykubo
12-11-2007, 11:28 PM
wow natapos din paghihirap mo....congrats~~~ sana malayo marating mo:D,,, pasakay ha:p

oo ba basta magkasha tayo sa car....:D :D

simplymystic
12-11-2007, 11:33 PM
....tinawag isa isa
guy 1 dec 18
guy 2 dec 18
guy3 dec 18
bahaykubo.......humi nto ang mundo ko:halo:

GOUKAKU desu(tama ba spelling):eek:
napasigaw ako sa tuwa....:dowave: :surprise: :bonk:
sabi tuloy sakin o sige na bili ka na ng seal 1650...
binati ako nung 3 kong kasbay ...nagpasalamat din ako sa kanila.

430 nagpakuha ng pic para sa license.450pm na release na card po...

sa dinami dami ng nasayang kong oras ...worth pala.....pag magtiaga lang tayo...wag kagad mag give up...pag bagsak today balik bukas.....kung kailan available na sched i grab kagad.
dapat meron ka ding gaol sa month na dapat makakuha ng license....kinaya ko...kaya nyo din..basta prepare all the documents...

pag may tiaga........may

HAPPY ENDING sis ! CONGRATS.....!:)

bahaykubo
12-11-2007, 11:35 PM
HAPPY ENDING sis ! CONGRATS.....!:)

salamat sa matiaga mong pagbabasa...good night po

shiawase
12-12-2007, 12:31 AM
Pa-OT lang....

Nakakatawa ka naman bahay kubo san.... napatawa mo ko to the max!!! Nakakainis na nakakatawa ka magkwento, seryoso pa naman akong nagbabasa... hehehehhehe! :lol: :roll:

bahaykubo
12-12-2007, 06:55 AM
Pa-OT lang....

Nakakatawa ka naman bahay kubo san.... napatawa mo ko to the max!!! Nakakainis na nakakatawa ka magkwento, seryoso pa naman akong nagbabasa... hehehehhehe! :lol: :roll:

at least napatawa kita kahit papano.....la lang....share ko lang yung sayang nararamdaman ko.wala na kasing paglagyan...:biglaug h: hanggang sayo nakarating.merry xmas

bahaykubo
12-12-2007, 07:00 AM
at dahil po sa masaya ako ibibigay ko po ang items na ito with bonus sinigang mix sa pang 143 na poster.sagutin nyo na lang po ang takyubin:D eto po ay last na sa naka stock ko this year.gamitin ko sana kaya meron pa akong hindi nauubos.kasya pa hangang umuwi ako ng pinas.so pang 143 poster po ha:D :D merry xmas...dun na lang po sa buy and sell mag post.

may_abe
12-12-2007, 07:55 AM
Congratulation bahay kubo!!! See..ang lakas ng loob mo talaga hindi ka sumuko. Galing galing naman..:p :p

bahaykubo
12-12-2007, 08:19 AM
thanks may ha.nanjan ka ....yaan mo pag time na kaw naman kukuha suportahan taka.....:D :D samahan kita pag di bz.sa buy and sell may pinos ako...baka gusto mo sali:)

la_tina512
12-12-2007, 08:37 AM
Haaaaaaay!! Salamat sa Diyos at natapos na rin paghihirap mo at nakahinga na rin ako ng maluwag. Laging bitin ang paghinga ko sa pagbabasa. :D Omedetto!

uvy
12-12-2007, 08:45 AM
wow congrats po:)

chokulit
12-12-2007, 08:56 AM
Congrats! :dowave: :D sorry po nauna akong mag post dun sa free gift mo at ngayon ko lng ito nabasa:D now i know...ang galing mo naman nakaka encourage ang pag sisikap mo:thumb:

bahaykubo
12-12-2007, 09:00 AM
Congrats! :dowave: :D sorry po nauna akong mag post dun sa free gift mo at ngayon ko lng ito nabasa:D now i know...ang galing mo naman nakaka encourage ang pag sisikap mo:thumb:

you too...kailan ba ang celebration ng ms tf...sabay na natin xmas party:D

chokulit
12-12-2007, 09:03 AM
you btoo...kailan ba ang celebration ng ms tf...sabay na natin xmas party:D

pasensya na po at pinag uusapan pa po ng ating kamahalan:) marami kasing uuwi ng pinas so hintay na lng po tayo:D

proud me
12-12-2007, 09:11 AM
Omedetou!...bahaykub o san ...

rhynissa
12-12-2007, 09:21 AM
:jiggy: ....tinawag isa isa
guy 1 dec 18
guy 2 dec 18
guy3 dec 18
bahaykubo.......humi nto ang mundo ko:halo:

GOUKAKU desu(tama ba spelling):eek:
napasigaw ako sa tuwa....:dowave: :surprise: :bonk:
sabi tuloy sakin o sige na bili ka na ng seal 1650...
binati ako nung 3 kong kasbay ...nagpasalamat din ako sa kanila.

430 nagpakuha ng pic para sa license.450pm na release na card po...

sa dinami dami ng nasayang kong oras ...worth pala.....pag magtiaga lang tayo...wag kagad mag give up...pag bagsak today balik bukas.....kung kailan available na sched i grab kagad.
dapat meron ka ding gaol sa month na dapat makakuha ng license....kinaya ko...kaya nyo din..basta prepare all the documents...
hanngang ngayon di pa din ako makapaniwala.pag sakay ko bus tinin sa card ...sa densha...tingin ulit...natapos din ang paghihirap

pag may tiaga........may license:D :D :D

Wow ang galing naman, congrats.. talagang sipag at tiyaga lang din para makamit natin ang gusto natin.. hehe

uragon
12-12-2007, 09:41 AM
ok na ok itong thread mo he he..
kukuha din kase ako ng menkyo sa April..
hay nikakabahan na tuloy ako...

mtwalton
12-12-2007, 09:56 AM
gosh! hanap ako ng hanap ng story mo kasi first ang title "diary" donno nawala...

any way even I am about to be late sa train ko I read your story..pati tuloy ako napasigaw! yattane!!!!!!:D :D :D
omedeto!!!!!! yoku ganbarimashita!!! drive ka dito sa Zama ha!!


hihi:p hey! ingat ka ha....kuha ka ng maayos na hoken hah!
at really be careful lalu na't pag sakay mo si baby...........

Good Job!!!! Me and my husband ;) ;) we're so proud of you:D :D :D

ninong
12-12-2007, 10:22 AM
:jiggy: ....tinawag isa isa
guy 1 dec 18
guy 2 dec 18
guy3 dec 18
bahaykubo.......humi nto ang mundo ko:halo:

GOUKAKU desu(tama ba spelling):eek:
napasigaw ako sa tuwa....:dowave: :surprise: :bonk:
pag may tiaga........may license:D :D :D

sister ang galing mo naman.baliktad ang style mo. 3x bumagsak sa written at take 1 lang sa driving.yung ibang pinoy ,take 1 sa written at more that 3x sa actual.
congratulations.

iba klase pala ang pag exam sa kanagawa.ibibitin pa ang resulata.dito sa chiba,bago pa bumaba sa kuruma,alam na kung pasado o hindi.pag pasado,papaghintayin ka.pag bagsak,ibibigay na agad ang papers mo .

NemoySpruce
12-12-2007, 10:39 AM
haneps. congrats po! ... nag enjoy ako basahin kwento mo para akong nanonood ng 24 sa bitin.. nadidinig ko yung.. toot...toot...toot.. ...kada post :D

docomo
12-12-2007, 11:11 AM
Congrats bahaykubo ... it's worth the pagod ne... iba ang pakiramdam ng may hawak kang lisensya na dito talaga... hindi ka kabado magmaneho .:)

bahaykubo
12-12-2007, 11:45 AM
ok na ok itong thread mo he he..
kukuha din kase ako ng menkyo sa April..
hay nikakabahan na tuloy ako...
good luck po.
palala lang ha.hindi po lahat ng center parepareho ng question sa test.review mabuti.

bahaykubo
12-12-2007, 11:47 AM
Congrats bahaykubo ... it's worth the pagod ne... iba ang pakiramdam ng may hawak kang lisensya na dito talaga... hindi ka kabado magmaneho .:)

oo nga doc.nag drive me kanina.feeling ko i have all the rights...kaya lang sumombra pagka ingat ko.yung tinuro sakin sa praktis nadala ko na hanngang paglabas kanina.kasi ang hirap kumuha tapos mawawala lang bigla pag na penalty.

oh_darling
12-12-2007, 01:05 PM
ang galing mo sis saludo ako sayo!!! sana ako rin :p

bahaykubo
12-12-2007, 01:13 PM
[quote=ninong;418564]sister ang galing mo naman.baliktad ang style mo. 3x bumagsak sa written at take 1 lang sa driving.yung ibang pinoy ,take 1 sa written at more that 3x sa actual.

oo nga ei..bohbita kasi pag dating sa english at commonsence question.sabi ko nga sa asawa ko lucky ako.sabi nya its not luck ,gambatta kara.touch ako...sabay sabi sa written ka lang pala BAKA..he he:D :D

may_abe
12-12-2007, 01:19 PM
maraming salamat sa thread na ito..malaking tulong ito para sa akin.Sana next year makapag start na rin ako..:( Talagang pag walang tyaga walang nilaga nga ika nga. :D eiina..iba talaga meron Japanese drivers lisc. Enjoy driving! Dalawin mo uli ako:p :p

bahaykubo
12-12-2007, 06:08 PM
paki close na po ito.kung meron ibang question /comments dun na lang po ilagay sa sticky ng drivers license.thank you.salamat sa nagbasa:D

bahaykubo
12-27-2007, 05:14 PM
nakakaasar....lumaba s ako kasama ng anak ko around 4pm today para sana bumili ng additional chocolate.kaya lang puno parking lot sa super so decide to go home na lang kasi panay ngalngal ng anak ko gusto kagad umuwi..tapos meron akong nilikuan bawal pala dun pang maliit na sasakyan lang daw puede dumaan dun.yung sakin daw futsu kasi..nahuli tuloy ako ng pulis 7000yen penalty +2points bawas...ingat daw me kasi in 1 year 3points lang dapat...yan kasi panay ang gala...nahuli tuloy...wah....kinab ahan ako dun ha...kala ko ikulong nako.tamang hinala...wah........ .....:eek: :drool: