View Full Version : ask ko lang po about visa
yuki_luv
12-13-2007, 04:20 AM
hello po sa lahat ng mga tf members. may friend po ako sa gunma. may asawa po siyang hapon. wala silang anak. ayaw daw po ng hapon na magka anak sila. pero yun pong friend ko may anak na. sa ibang guy. filipino po. gusto niya kunin ang anak niya pero ayaw daw nung hapon. naaawa ako sa kaybigan ko kasi alam ko na gusto niya makasama yung anak niya dito sa japan, kaso ayaw talaga nung asawa niya. may posibilidad po ba na makuha niya ang anak niya kahit ayaw nung hapon? thank you po sa inyo... more power po. at ingat lagi
Splendid
12-13-2007, 08:11 AM
Kung may trabaho yong friend mo pwede nyang kunin anak niya pero kung wala kailangan talaga ang papers ng asawa niya. In my opinion hwag ng piliting papuntahin yong bata dito kung ayaw ng asawa nya baka yon lang yong makakasira sa pagsasama nila.
miffy
12-13-2007, 08:23 AM
hi! baka ijiwaruhin lang ng asawa ng fren mo anak nya pag pinilit nyang kunin. sabihin mo sa fren mo na kumbinsihin muna nya asawa nya, kasi baka maging kawawa lang yung bata pag nakuha nyang against naman asawa nya....
pineapple
12-13-2007, 08:29 AM
hello po sa lahat ng mga tf members. may friend po ako sa gunma. may asawa po siyang hapon. wala silang anak. ayaw daw po ng hapon na magka anak sila. pero yun pong friend ko may anak na. sa ibang guy. filipino po. gusto niya kunin ang anak niya pero ayaw daw nung hapon. naaawa ako sa kaybigan ko kasi alam ko na gusto niya makasama yung anak niya dito sa japan, kaso ayaw talaga nung asawa niya. may posibilidad po ba na makuha niya ang anak niya kahit ayaw nung hapon? thank you po sa inyo... more power po. at ingat lagi
possible nyang makuha yung anak nya kung may trabaho sya at may sapat syang mga papeles na maipapakita sa immigration regarding her status here in japan pero.. kung housewife lang sya eh mukhang mahirap isa pa ayaw kamo ng asawa nya diba...
ano ba visa status ng friend mo??
ninong
12-13-2007, 10:07 AM
may posibilidad po ba na makuha niya ang anak niya kahit ayaw nung hapon?
para magawa nya ito,mabuti siguro na kumuha sya ng PR at i-divorce ang hapon at maghanap ng magandang trabaho na sapat para buhayin ang anak at sarili.mahirap man,ito ang pinakamagandang paraan para makasama nya ang anak nya mh maayos sa japan.
medyo mahirap din kasi ang gusto ng pren mo.kung dumidepende sya sa hapon,financially,sa legall status at socially,wag na lang lang ipilit ang gusto at magsakripisyo na lang muna.kasi kung ipipilit ang gusto ng labag sa gusto ng hapon,lahat ng involve na tao ay maapektuhan lalo na ang bata.
di ba nya naiimagine na makarating man dito ang bata,maaring abusuhin sya physically,verbally at mentally ng hapon?
Malou Meria
12-13-2007, 02:54 PM
Hi,
Tama yong sinasabi nila if against sa will ng asawa mo wag na lang. Pero kung gusto mo talaga ma invite anak mo wait till you got your long term visa or permanent visa.
sweetndspicy
12-13-2007, 03:42 PM
Kung may trabaho yong friend mo pwede nyang kunin anak niya pero kung wala kailangan talaga ang papers ng asawa niya. In my opinion hwag ng piliting papuntahin yong bata dito kung ayaw ng asawa nya baka yon lang yong makakasira sa pagsasama nila.
what a joke! :eek: kung isa kang ina.. isa kang napaka walang kwentang ina! :D
anyway.. that's your opinion.. i respect yours.. pero sana di lahat ng ina or magulang hindi ganyan ang opinyon.
sabagay.. kanya kanyang opinyon..
@yuki_luv
Ang tanong... sino ang pipiliin ng friend mo.. asawa nya o ang anak nya?
Ang asawa.. nawawala o napapalitan.. mahal nya ngayon kaya ang gusto ng asawa nya ang sinusunod nya pero namumrublema syaa sa kagustuhan ng asawa nyang hapon.. pero sya? mahal ba sya ng asawa nya? di ba kung mahal ka ... mahal nya rin ang mahal mo? at ibibigay sa yo ang ikasisiya mo?
Ang anak... patay ka na... anak mo pa rin! at IKAW lang ang ina! Ang asawa nya.. pag dinivorce na sya... hindi na sya ang asawa! hindi habang buhay lovey dovey! lalo na sa hapon! :D
IF I were your friend... maghanap sya ng stable nyang trabaho.. para pwede nyang makuha ang anak nya.. kung takot syang ma api ng asawa nya ang anak nya.. magwala sya! :D then hiwalayan nya ang taong umaapi sa anak nya!!
hiwalayan ang ganyang walang kwentang klaseng asawa :D hindi ba tangap ng asawa nya na me anak na sya bago sila nagkakilala? ( Iba ngang lalake.. pag mahal ka.. 5 na anak mo.. package deal.. pakakasalan ka pa rin ) asikasuhin nya ang anak nya! Isa syang INA! sabihin nya sa asawa nya.. kung ayaw nyang kunin ang anak nya dito... uuwi sya sa anak nya once a month! :D
k_e_n_k_a_y
12-13-2007, 04:32 PM
Ang anak... patay ka na... anak mo pa rin! at IKAW lang ang ina! Ang asawa nya.. pag dinivorce na sya... hindi na sya ang asawa! :D
Thumbs up ako sayo!
yuki_luv
12-13-2007, 04:51 PM
salamat po sa mga sagot ninyo. 3 years po ang visa ng friend ko. ta nagtatrabaho po siya sa omise. iang alam ko po ilang beses na sinabi ng friend ko sa asawa niya na gusto niyang makuha ang anak at makasama dito pero ayaw talaga ng hapon.sabi pa ng hapon wala daw siyang pakialam sa family at anak ng friend ko. di po ba nakakaawa ang friend ko.
Splendid
12-13-2007, 05:02 PM
[quote=sweetndspicy;4 20200]what a joke! :eek: kung isa kang ina.. isa kang napaka walang kwentang ina! :D
Wala kang karapatan tawagin akong walang kwentang ina:mad: :mad: :mad: Di mo ako kilala:mad: :mad: :mad: My opinion is base in the situation sa ngayon dahi ayaw ng hapon at magiging kawawa yong bata pagdating dito kung ipipilit. Di mo ba maintindihan yon?:mad: :mad: :mad:
shiawase
12-13-2007, 05:03 PM
Kung ganyan lang din naman ang asawa ko, baka layasan ko yan..... (i don't mean na gawin din nya ha) pero anong klaseng asawa siya? Ayaw nyang magkaanak kami, tapos ayaw rin nya sa anako ko.... Don't you think he's so selfish? Advice ko lang po, bago problemahin ng friend mo kung paano nya mapapapunta ang anak nya dito eh,
pag-isipan muna nyang mabuti ang problema nya sa asawa nya....
This is a question of marriage and love... a definitely serious matter.... :)
Stacie Fil
12-13-2007, 07:08 PM
Reminder : Lets be patient and not get easily carried by our emotion when replying a post. Prevent making personal reply to a poster.
Please do not use inflammatory words. Resist the urge to use sarcasm. Do not post when you are angry or agitated.
Thanks and enjoy posting
sharpener
12-13-2007, 08:57 PM
:brush:
:brush:
nikkichibi
12-13-2007, 08:59 PM
:brush:
alamagawa ang puti puti ng ng ipin mow :D
pahiram nga nyan ~~~~ hehehe
sori OT po :)
Splendid
12-13-2007, 09:02 PM
walang kwentang asawa? thanks ;) sounds beter...kaya lang wala akong asawa eh.. and never been married :D that's why i don't understand that bitterness and unsuccesful married life you're talking about :p sabi na kasi... don't judge me based on your ignorance eh :biglaugh:
Hindi ka talaga dapat mag-asawa dahil napaka malas naman yata ng mapapangasawa mo:D :D :D
sharpener
12-13-2007, 09:03 PM
alamagawa ang puti puti ng ng ipin mow :D
pahiram nga nyan ~~~~ hehehe
sori OT po :)
toothbrush ka na rin sis
para di malansa bunganga mo:brush:
nikkichibi
12-13-2007, 09:09 PM
toothbrush ka na rin sis
para di malansa bunganga mo:brush:
uu nga pahiram nga ~~~ nangangamoy na yata ako eh ;) :D
sweetndspicy
12-13-2007, 09:11 PM
Hindi ka talaga dapat mag-asawa dahil napaka malas naman yata ng mapapangasawa mo:D :D :D
ok lang malasin ang asawa ko sa akin.. swerte naman ng magiging anak ko... still sounds better :p
nikkichibi
12-13-2007, 09:14 PM
ok lang malasin ang asawa ko sa akin.. swerte naman ng magiging anak ko... still sounds better :p
wala ka na bang gagawin sa TF kundi awayin ang mga poster :mad:
bawat post mo ay nang aamok ka eh :eek: :rolleyes:
alamagawa
12-13-2007, 09:15 PM
hala ka yuki_luv chan.............may nag-away na o............ikaw kasi eh :cry:
summergirl
12-13-2007, 09:19 PM
We have rules here ..Dont use any sarcastic remarks..Dont say anything ,if you cant say anything nice..Thanks
Splendid
12-13-2007, 09:19 PM
walang kwentang asawa? thanks ;) sounds better...kaya lang wala akong asawa eh.. and never been married :D that's why i don't understand that bitterness and unsuccesful married life you're talking about :p :biglaugh:
Are you sure?:D :D :D How about this :http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=597 4&page=6
sweetndspicy
12-13-2007, 09:20 PM
wala ka na bang gagawin sa TF kundi awayin ang mga poster :mad:
bawat post mo ay nang aamok ka eh :eek: :rolleyes:
am i ? this is just brain storming hun ;) opinions...
hala ka yuki_luv chan.............may nag-away na o............ikaw kasi eh :cry:
meron ba? asan? :eek:
wala akong nakikitang nag aaway.. opinion lang ang pinag uusapan.. wag kayong gumatong para smooth ang usapan :)
dianne
12-13-2007, 09:23 PM
wala ka na bang gagawin sa TF kundi awayin ang mga poster :mad:
bawat post mo ay nang aamok ka eh :eek: :rolleyes:
uu nga ~~~ himajin ~~~ bweheheheeee~~~~~:D :D
sweetndspicy
12-13-2007, 09:24 PM
Are you sure?:D :D :D How about this :http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=597 4&page=6
hihihihi.. :D naghalunkat pa talaga :biglaugh: interesado ka sa akin ha :biglaugh: how about my other post hinihiwalayan ko si Bill Gates... would you believe it too? :lol: ignorance .. ignorance on the net... :biglaugh:
dianne
12-13-2007, 09:25 PM
am i ? this is just brain storming hun ;) opinions...
meron ba? asan? :eek:
wala akong nakikitang nag aaway.. opinion lang ang pinag uusapan.. wag kayong gumatong para smooth ang usapan :)
gandahan mo kase lumalabas sa bibig mo para makuha mo respeto ng kapwa moh ~~~ minsan ka lang bumanat kala mo tauhan mo kausap mo ~~~
alamagawa
12-13-2007, 09:26 PM
wala akong nakikitang nag aaway.. opinion lang ang pinag uusapan.. wag kayong gumatong para smooth ang usapan :)
opinion ko lang din po yan..:)......hindi po ako nanggagatong, electric stove po gamit namen dito sa haws...........:D :p :brush:
tsaka smooth naman to nung wala ka pa eh :brush:
baby21
12-13-2007, 09:27 PM
wag na paki alaman ang buhay ng may buhay,,,nawawala na kayo sa topic...:D
dianne
12-13-2007, 09:28 PM
opinion ko lang din po yan..:)......hindi po ako nanggagatong, electric stove po gamit namen dito sa haws...........:brus h:
bweheheheeeee~~~~ hi tech kana pala ~~~~:lol: :lol:
elyurika
12-13-2007, 09:28 PM
:brush: :brush:
:brush: ano naman po meron dito?at puro nagtu-tubras mga pipol hir!!:D
sweetndspicy
12-13-2007, 09:29 PM
uh oh.. KF is here.. my beloved fans..thanks for following me :D hahaha!
alamagawa
12-13-2007, 09:30 PM
uh oh.. KF is here.. my beloved fans..thanks for following me :D hahaha!
uy mag tutut brush na sya :D:p
balik ka agad ha:lol:
sharpener
12-13-2007, 09:30 PM
:brush:
:brush: ano naman po meron dito?at puro nagtu-tubras mga pipol hir!!:D
:brush:
aki^-^
12-13-2007, 09:30 PM
nnawawala na po tyo sa topic...
masyado ng o.t.,sabi nga sa rules hwag magpost pag galit........... merry xmas:)
baby21
12-13-2007, 09:33 PM
uh oh.. KF is here.. my beloved fans..thanks for following me :D hahaha!
ur not our IDOL di bagay:eek:
Splendid
12-13-2007, 09:35 PM
hihihihi.. :D naghalunkat pa talaga :biglaugh: interesado ka sa akin ha :biglaugh: how about my other post hinihiwalayan ko si Bill Gates... would you believe it too? :lol: ignorance .. ignorance on the net... :biglaugh:
Hinalungkat ko lang para naman may backgroud ako sayo at lalo kitang maintindihan:D :D :D
dianne
12-13-2007, 09:38 PM
brain storming ka nanaman ~~~ pinaandar mo nanaman ipo~ipo sa utak moh kaya ~~~ di maganda lumalabas sa utak ~~~~:D :D
sweetndspicy
12-13-2007, 09:39 PM
ur not our IDOL di bagay:eek:
then don't talk to me.. talk to the thread starter :D
Hinalungkat ko lang para naman may backgroud ako sayo at lalo kitang maintindihan:D :D :D
Welcome to mah world :D
elyurika
12-13-2007, 09:39 PM
:brush:
hi sharpie:brush: :brush: :brush:
nikkichibi
12-13-2007, 09:41 PM
thinking asan kaya brain nya ~~~~ ay mali kala ko thinking eh :D
last OT ko na po :)
shiawase
12-13-2007, 09:44 PM
Wawa naman si yuki_luv.... naging palengke na tong thread niya..... :(
dianne
12-13-2007, 09:46 PM
Wawa naman si yuki_luv.... naging palengke na tong thread niya..... :(
di naman sa ganun ~~~ mali lang kase banat nung isa eh ~~~ imbes na mag advice ng maganda ng insulto pah ~~~:O sorry po sa thread starter di ko lang po kase matiis na di mag bigay ng opinyon ~~~
elyurika
12-13-2007, 09:47 PM
Wawa naman si yuki_luv.... naging palengke na tong thread niya..... :(
honga!!!!!!!!makapag tubras na nga!lansa yata bunganga kow!!!:rolleyes: :D
baby21
12-13-2007, 09:48 PM
{then don't talk to me.. talk to the thread starter }
hahahahaha di rin kita type kausap sana lng nman wag ka magpapansin dito...gumawa ka ng sarili mong thread at dun ka makipag amok...wag dito..out ka na sa topic~~~
dianne
12-13-2007, 09:50 PM
{then don't talk to me.. talk to the thread starter }
hahahahaha di rin kita type kausap sana lng nman wag ka magpapansin dito...gumawa ka ng sarili mong thread at dun ka makipag amok...wag dito..out ka na sa topic~~~
hellleeerrrss kaw din tayu din OT na poh ~~~~:D
baby21
12-13-2007, 09:51 PM
hellleeerrrss kaw din tayu din OT na poh ~~~~:D
cnsya na sa may ari ng post~~~:O
elyurika
12-13-2007, 09:53 PM
out of topic na po!!ot na~~~~~~~~~~~~makaal is na nga at baka maibuga ko yung kinain kong siling labuyo!:D pis...:D
shiawase
12-13-2007, 09:54 PM
Hay naku, hayaan nyo na yan si sweetndspicy.... mao-OT lang kayo kasasagot sa kanya....
Dapat pala spicy lang name nya wala ng sweet, maanghang sya masyado eh~~~~ :D
Yuki_luv, baka may tanong ka pa, ipost mo na lang para maiba na ang topic.... :)
summergirl
12-13-2007, 09:57 PM
Yuki_luv,just keep on posting..feel free to ask question ..
kazz314
12-13-2007, 10:28 PM
Kung may trabaho yong friend mo pwede nyang kunin anak niya pero kung wala kailangan talaga ang papers ng asawa niya. In my opinion hwag ng piliting papuntahin yong bata dito kung ayaw ng asawa nya baka yon lang yong makakasira sa pagsasama nila.
agree ako dito....but it doesn't mean that I choose my husband rather than my kid....sa case kasi ng kaibigan mo,hindi pa siya permanent residence dito sa japan,at kahit pa permanent na kung walang work at di nakapagbayad ng tax eh di rin pwede na siya ang magpapunta sa anak niya dito...kailangan parin papers ng asawa niya!huwag nalang muna niyang pilitin hubby niya ngayon baka pati siya mawalan ng visa(pag hiniwalayan siya at matapos visa niya),eh dalawa na sila maging kawawa ng anak niya sa pinas pag nagkataon....hindi kaya madaling maghanap ng bagong hubby:eek: ano yon damit?hehehe!(baka may biglang magalit na naman:D )peace po.....
yuki_luv
12-14-2007, 04:00 AM
thank you po sa pag bigay ninyo ng payo.sana po wala po iinit ang ulo. papano po ba makakakuha ng pr? pwede rin po ba akong kumuha? joke lang po... wala na pong awayan ha......remember po malapit na ang pasko.ingat po kayong lahat at tsalamat po. godbless.:)
docomo
12-14-2007, 10:28 AM
hello po sa lahat ng mga tf members. may friend po ako sa gunma. may asawa po siyang hapon. wala silang anak. ayaw daw po ng hapon na magka anak sila. pero yun pong friend ko may anak na. sa ibang guy. filipino po. gusto niya kunin ang anak niya pero ayaw daw nung hapon. naaawa ako sa kaybigan ko kasi alam ko na gusto niya makasama yung anak niya dito sa japan, kaso ayaw talaga nung asawa niya. may posibilidad po ba na makuha niya ang anak niya kahit ayaw nung hapon? thank you po sa inyo... more power po. at ingat lagi
aware po ba ang asawa ng kaibigan mo na may anak yang kaibigan mo bago sila nagpakasal?
baka lang hindi po kaya ganyan na lang umayaw yung hapon na kuhanin yung anak ng kaibigan mo... pwede ding hindi pa handa sa responsibilidad dahil kahit sariling anak ayaw pa po maganak .. kadahilanang hindi pa kayang idagdag sa gastusin sa ngayon, hindi pa naaayon .pwedeng dahil sa edad ng asawa kaya nag aalangan ng maganak .
maraming pwedeng dahilan ... yung mga ganyang hapon ang tipong hindi pwedeng overnight lang ay mapapayag na ng basta basta ... mahaba habang pasenysa ang kailangan ng kaibigan mo at effort para mapabago nya yung isip ng asawa nya ... subukan nya munang daanin sa maayos at mahinahong paraan ...may kasabihan nga tayo pag may tyaga may nilaga ... saka nya na kamo sindakin pag pakiramdam nya ng wala ng pag asa... saka nya na hatulan .
ilang years na po ba ang visa na hawak ng kaibigan mo? kung hindi pa sya PR holder.. yan muna dapat ang pagtuunan nya ng pansin .kailangan makakuha sya ng Permanent Residency.importante yan ..kailangan may matibay na sasandalan yang kaibigan mo para makuha nya yung anak nya kamo.
... habang nag e~effort syang mapapayag ang asawa nya na makuha ang anak nya .. dapat naghahanda na rin sya sa mga pwedeng mangyari kung gusto nya talagang makuha ang anak nya .. magtarabaho sya kamo, magipon sya para kung dumating yung time na kailangan nya ng hiwalayan yung asawa nya ..nakahanda na sya ..may pang umpisa na sila ng anak nyang mamuhay dito .pwede nya ng kuhanin yung anak nya para magkasama na sila . :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.