PDA

View Full Version : Blessing of marriage


jhallecx
12-15-2007, 12:18 PM
NOTE:medyo haba po ito,sorry.

hi mga ka TF,

I just want to share what happened last night...
Kasal na kami ng husband ko sa philippines,sa huwes po.And also siguro pag nagsisimba po kayo hindi nyo rin alam na most sa mga kababayan natin sa pinas na sumusubo ng ostya sa simbahan ay hindi kasal sa simbahan...

Well,akala ko po kasi nuon ok lang dahil naka pag first communion naman ako.Kaya lang iba pa pala po yung pag kinasal ka,yung hindi sa huwes.wala palang blessing mula sa Taas ang kasal sa huwes kaya di ka pwede sumubo ng ostya,iba rin yung pag nangungumpisal ka.

Nalaman ko lang po ang lahat nung andito na ako at nakilala mga madre dito.Pala simba naman po ako sa atin kaya lang di pa pala sapat yun at marami pa akong hindi alam...Every week nagsisimba kami and almost every week din po may simba naman sa kumbento kasama mga madre..Nalaman ko na hindi pala ako pwede sumubo ng ostya dahil hindi ako kasal sa simbahan...

Ilang bwan na rin nila kami pinipilit kasama ang halos marami pang pinay na andun na magpakasal sa simbahan,ewan ko nalang po yung iba.Napag-iisipan din namin yun ng asawa ko dahil pareho nga kami pilipino pero dahil s budget at sitwasyon ng buhay,hindi rin naman namin agad agad magagawa yun.

Nung Recollection day po ay marami rin kaming mga pilipino sa kumbento at pilipino ang pare,nung subuan na ng ostya nagtaka sya dahil halos lahat kami hindi sumubo and instead,nag pa bless lang kami as we always do.Sabi ng pare bago nya ipagpatuloy ang misa,"nakapatay ba kayo at ayaw nyong magkumonyon?" natawa kami syempre..Sabi nya,pag nakapag confession ka daw ok na yun pwede kana mangumunyon.

Kaya last week dahil sa gulo ng mga sinasabi nila,lumapit kami sa padre ng simbahan sa gotanjyo church.Kailangan daw namin ay Blessing ng simbahan at pare.So ang nangyari po ay nagpaset kami agad ng schedule,at yun nga po ay nangyari kagabi,December 14,2007 7:30pm.Nagsimula ang seminar at signing ng papers naming mag-asawa.

Kasabay nga po pala namin ang byenan ko at asawa nyang hapon which is hindi katoliko,pero ok lang po yun dahil iba ang ang kanila at iba po ang amin.Hindi rin naman pala masyado naintindihan ng byenan ko mga sinabi dahil akala nya po ay seminar lang at Blessing na.Yun po pala ay Kasal na ang gagawin,buti nalang at nagbihis kami ng asawa ko,naka suits sya at naka dress ako pati mga anak ko.

Salamat,at naikasal na rin kami sa simbahan...Kaya lang hirap kasi hindi kami ganun ka prepared dahil kulang yung info na sinabi ni mama at wala kaming dala na kahit anu.Buhat buhat ko pa mga anak ko dahil nag totopak,salitan yung dalawa kong anak sa iyak,ayaw naman sumama sa ama or sa kasama naming witness gusto sa akin lang...Hay naku,pero ok lang atleast....

KASAL NA PO KAMI SA SIMBAHAN AT MAY BLESSING NA MULA KAY LORD ANG PAGSASAMA NAMIN...

Bless din nung pare yung mga bata ulit at yung mga suot naming singsing,sabi ng pare wag daw hubarin ang singsing kahit anu mangyari...
Pagkatapos ng misa,sa labas binatukan ko asawa ko sabi ko "kahit tumae ka or maghugas plato wag mo na tanggalin yan dahil may blessing na yan",nagtatawa lang kami...ang dalas kasi nyang tanggalin ang singsing which is ayoko at nagagalit talaga ako,paano kung mamiss place diba,nahulog na nga yung singsing nya dati sa lababo,todo sungkit ako dahil syempre importante sa akin yun...

Sarap ng pakiramdam kahit hirap magkarga ng bata na kinakasal ka,hehehe..

Sensya na po at mahaba ito,natutuwa lang po ako....

Ayara
12-15-2007, 01:34 PM
♥♥♥

Love is not measured in moments of time,
but in timeless moments.

Two lives joined in friendship,
two hearts joined in love.

May your wedding day be only the beginning
of a lifetime of dreams come true.


Congratulations!
♥♥♥

aja
12-15-2007, 03:12 PM
Hi jhallecx, CONGRATULATIONS ! to you and to your husband. That's wonderful, just
in time for Christmas. God Bless.

timbog
12-15-2007, 03:23 PM
Congratulations!!!.. . tama ung ginawa mo... sana makauwi na ako ng pinas at ako naman ang magpapakasal sa simbahan.. same situation kasi tayo.. :D

jhallecx
12-15-2007, 03:42 PM
salamat po!

Timbog san,Good Luck sa inyo ng pakakasalan mo and I'm sure that you'll be happy and lalo na sa asawa mo.

Miss Ayara san and Miss Aja san,salamat po!

uvy
12-15-2007, 05:17 PM
Congrats sis:)

Stacie Fil
12-15-2007, 09:58 PM
Happy Wedding Celebration !

jhallecx
12-16-2007, 01:34 PM
Thanks po miss uvy and Stacie Fil....
nakakatawa nga rin po,simula ng kinasal kami palagi tawag nya sa akin pag darating sa trabaho ngayun hindi na "ma" kundi "asawa ko" na ang tawag nya.Kaya sya palagi ngayun may soup sa table at ofuro with scented flowers or aroma,hihihi.

musikaghie
12-16-2007, 01:37 PM
Hi sis, Congrats sa inyong dalawa, I am sure ang saya saya mo na kasi may blessings na pagsasama nyo at naikasal na kayo... Omedetou!!!:)

katty0531
12-16-2007, 01:54 PM
Congratulations..... ang ganda naman, pangarap ko rin yan maikasal sa simbahan kahit walang handa tapos na ang handaan eh blessing nalang gusto ko, pero gusto ko bago kami kasal pa binyag muna si hubby sa catholic:D ...
Omedetou uli sayo jhallecx...

bahaykubo
12-16-2007, 02:10 PM
congrats jhalleck san ...kagabi na pala yun.omedetou gozaimasu...

jhallecx
12-16-2007, 05:04 PM
Musikaghie,katty0531 and Bahaykubo san salamat po at oo masaya talaga ako,sobra....

Miss katty0531,kahit hindi naman katoliko husband mo ok lang....Good luck din sa mga susunod na ikakasal....