PDA

View Full Version : nakakainis na lolo and lola


fanfran
01-02-2008, 08:05 AM
Mga ka-tf pasensiya na po kayo sa topic ko,early in the morning ay nakakainis ang title.This is the story.When I gave birth to my son,me and my husband decided to live temporarily w/ his parents.Kase taking care of a new born baby and doing the household chores is a very very difficult task for me,puyat and pagod,I cannot bear it.Living w/ my in-laws was a big help,kase I dont have to do all the household chores.Although napakahirap makisama sa mga elders here in Japan ay pinagtiisan ko.Ang problem po ay ito,hindi ko po matagalan ang nakakadiri na lolo and lola.When my son turned 6 months old he can eat soft foods na.Ang gawa po ng lolo/lola,sometimes they feed my son,ngunguyain nila food in their own mouth then iluluwa isusubo sa anak ko.Which is wrong,because the bacterias from their mouth is being passed to my baby through the saliva.Until I cannot stand it anymore nagsalita na po ako to stop feeding my baby that way.Ang sagot nila "sonna koto nai yo!".Inis na inis ako.So immediately we decided to move out of the house.Now we live seperately.Here in Japan when the baby turns 1 year 6 months there is a health check-up at the kuyakusho.I turned to the counsellor about this problem.The counsellor immediately talked to my in-laws to stop feeding the baby w/ shared food,plates,spoon,cu ps etc to prevent infecting the baby w/ the bacteria from their mouth.As I have observed,they stopped doing the nguya and luwa to feed my son kase may teeth na.Yung lola is following the advice from the kuyakusho.Pero yung lolo pagka-tigas-tigas ng ulo,he feeds my son w/ the same chopstick,spoon,cup, lick the same ice cream together etc.Usually they come here to fetch my son,kaya madalas kasama nila anak ko.Naku ang elder people pa naman usually have bad breath.:mad: Nakakadiri!! Mga ka-tf I want to hear from you. :(

la_tina512
01-02-2008, 08:50 AM
That is a very unhealthy practice of feeding a child. At one year and six months a child is already taught how to eat alone. At that age marami na rin siyang teeth para ipang-nguya, no need para inguya siya ng lolo at lola niya. Kahit 'yong hipan ang food ng bata pag mainit is not healthy. The best is turuan mo ang anak mo not to accept food that way at ipaliwanag mo ng maayos sa kanya not it's not healthy. Turo kamo yon ng doctor sa center kaya dapat lang sundin. Maiintindihan na 'yon ng anak mo. Kadiri talaga yong galing sa bibig ng iba tapos isusubo sa bata. Mahina pa ang resistensya at naturalesa nila. :(

rosby
01-02-2008, 10:06 AM
shock!!!alam ko pakiramdam mo kakasuka nga!!wawa naman si baby

SWEET_REINA
01-02-2008, 10:46 AM
[quote=fanfran;441948]Mga ka-tf pasensiya na po kayo sa topic ko,early in the morning ay nakakainis ang title.This is the story.When I gave birth to my son,me and my husband decided to live temporarily w/ his parents.Kase taking care of a new born baby and doing the household chores is a very very difficult task for me,puyat and pagod,I cannot bear it.Living w/ my in-laws was a big help,kase I dont have to do all the household chores.Although napakahirap makisama sa mga elders here in Japan ay pinagtiisan ko.Ang problem po ay ito,hindi ko po matagalan ang nakakadiri na lolo and lola.When my son turned 6 months old he can eat soft foods na.Ang gawa po ng lolo/lola,sometimes they feed my son,ngunguyain nila food in their own mouth then iluluwa isusubo sa anak ko.Which is wrong,because the bacterias from their mouth is being passed to my baby through the saliva.Until I cannot stand it anymore nagsalita na po ako to stop feeding my baby that way.Ang sagot nila "sonna koto nai yo!".Inis na inis ako.So immediately we decided to move out of the house.Now we live seperately.Here in Japan when the baby turns 1 year 6 months there is a health check-up at the kuyakusho.I turned to the counsellor about this problem.The counsellor immediately talked to my in-laws to stop feeding the baby w/ shared food,plates,spoon,cu ps etc to prevent infecting the baby w/ the bacteria from their mouth.As I have observed,they stopped doing the nguya and luwa to feed my son kase may teeth na.Yung lola is following the advice from the kuyakusho.Pero yung lolo pagka-tigas-tigas ng ulo,he feeds my son w/ the same chopstick,spoon,cup, lick the same ice cream together etc.Usually they come here to fetch my son,kaya madalas kasama nila anak ko.Naku ang elder people pa naman usually have bad breath.:mad: Nakakadiri!! Mga ka-tf I want to hear from you. :([/quot

ano ba yan,may baby din kasi ako so alam ko kung ano yun nararamdaman mo ngayon,kung ako nga sarili kong anak di ko ginagawa yun kasi nga di natin masabi na baka mamaya mahawa si baby kung anong sakit or bacteria na may dala tayo,,bkit hindi mo pakiusapan na sabihan na lng ng hubby mo yun tatay nya,,bka sakaling makinig,kawawa naman si baby if ever na magkasakit pa diba,,antayin pa ba nila lolo yun bago sya maawat sa pagpapakain ng ganong tyle kay baby?,pag health na ni baby ang nakataya ibang usapan na yan,kung ako yan siguro kahit na magalit ansa kin yun mga biyenan ko talagang sasabihan ko sila,,kitanai kaya yun! kinausap mo na nga,di parin mapigilan si lolo..sana ma-resolve mo yan problem mo sis,,:)

MARICON
01-02-2008, 11:09 AM
stress nman yan fanfransan...alam mo pareho tayo kasama ko rin dalawang matanda kc cannot afford hubby ko rent kya tiis ako pro mabuti nlang takot sila kapag galit ako when it comes sa child....try mo magalit face to face hindi masama yon basta nsa katwiran ka...alam mo kasi kawai -kawai sa baby mo kya ganon gawa nila happy sila which is wrong nga nman ginagawa nla dba.....basta nagagalit-galitan ako kpag nakikita ko hindi maganda ginagawa nla...ikaw kasi kawawa kpag nagkasakit....ganbat te:cool:

sharpener
01-02-2008, 12:24 PM
ang sa akin lang naman, isang paalala lang po
ingatan mo ring huwag masaktan ang damdamin ng matatanda
kase yun ang way nila ng pagmamahal nila sa apo nila

kahit paulit-ulit mo silang pagsabihan, habaan mo lang ang pasensya mo
at siguraduhin mong busog ang bata bago mo ibigay sa kanila
para iluluwa din ang ipapakain nila

unless kung may sakit silang nakakahawa talaga
ibang usapan na yun

fanfran
01-02-2008, 04:09 PM
Lam po ninyo,I had been complaining about this to my husband.So my husband told his father to feed the apo separately, not to share anything.I had told them several times about this,the kuyakusho had explained already,and even a tv program on NHK had a topic on this w/c the lola watched w/ my husband.The lola is ok no problem.But the lolo ay napakatigas ng ulo,seems like parang uliyanin at 72.He stopped the nguya and luwa thing,but what he does is he shares everything w/ my son,the same food in the same plate,same chopstick,spoon,cups etc and lick the ice cream together.Which is wrong,the pediatrician had explained about this.Yung lola parang hindi din niya masaway si lolo.Yung bad breath nga ni lolo I cant bear it.Amoy pa nga lang I cant take it,yung pa kayang laway!!!!Sometimes I want to confront the lolo kase inis na inis na ako.

summergirl
01-02-2008, 04:48 PM
Im living with my in laws too so I understand your feeling..You can say everything in a very nice way with out offending your in laws..My in laws older that your in laws..Pero ever since di ako nag ka problema ng ganyan dahil inexplain ko sa kanila na fragile ang baby at naiitindihan naman nila..Ikaw na lang ang mag-papakain sa baby at ibibigay mo na lang sa kanila pag busog na ang bata..Tiis lang ng konti..

sharpener
01-02-2008, 09:44 PM
pag toothbrush-sin mo na lang si lolo at bili mo mouthash:D:brush:

Dondake303
01-02-2008, 11:59 PM
Naalaala ko sa thread mong ito ang dating ginagawang pagpapakain ng tatay ng asawa ko sa kanila nung baby pa daw sila. Bago ipasubo sa kanila ang pagkain e ngunguyain daw muna ng tatay nila tapos sabay subo sa kanila. Nagulat ako dahil first time ko malaman na may ganito palang klaseng pagpapakain sa baby. At sa thread mong ito e hindi lang pala mga byenan ko ang ganun. Sabi ng asawa ko if ever na gawin sa anak ko yun e ok lang ba daw??? :eek: haalllerrr!! ok lang kaya siya? syempre hindi ako papayag! kahit ako magagalit dahil hindi naman tama yun ano?! Kaya sis, tama lang na yan humiwalay na kayo sa mga byenan mo hindi tama yung ginagawa nilang pagpapakain sa apo nila. ka-diiirrriii ginagawa nila!

infinite_trial
01-03-2008, 12:29 AM
old skul pa si lolo.. ang tawag daw jan e premastication or prechewing. explain na lang siguro na iba yung panahon noon sa ngayon dahil madaming sakit na maaari ngang masagap

katheyrine
01-03-2008, 12:40 AM
Im living with my in laws too so I understand your feeling..You can say everything in a very nice way with out offending your in laws..My in laws older that your in laws..Pero ever since di ako nag ka problema ng ganyan dahil inexplain ko sa kanila na fragile ang baby at naiitindihan naman nila..Ikaw na lang ang mag-papakain sa baby at ibibigay mo na lang sa kanila pag busog na ang bata..Tiis lang ng konti..

I live with my in-laws too but never did I saw them feed my daughter that way. If ever so, I will tell them not to do so because what you`ve said is true, it transmits bacteria. But! In a nice way!:p Alam mo naman matatanda sobrang malalambot na puso ng mga yan. Tama rin si Ms. Summergirl na ikaw na lang magpakain kay baby para safe po:) ...pagpasensyahan mo na si lola at lola...panahon pa ng hapon yang mga yan:D :D :D

fanfran
01-03-2008, 07:50 AM
I live with my in-laws too but never did I saw them feed my daughter that way. If ever so, I will tell them not to do so because what you`ve said is true, it transmits bacteria. But! In a nice way!:p Alam mo naman matatanda sobrang malalambot na puso ng mga yan. Tama rin si Ms. Summergirl na ikaw na lang magpakain kay baby para safe po:) ...pagpasensyahan mo na si lola at lola...panahon pa ng hapon yang mga yan:D :D :D
We lived w/ my in-laws until my son was 8 months old.Yes Iam the one feeding my baby,ang gawa po ni lolo and lola,sisingit at isusubo kay apo ang food nila.After I fed my son,I will tell them not to feed him anymore because he is full.Naku ganun din,they will eat their snacks like sembe,they will do the nguya and luwa thing to my baby.Sa pagtitiis po at pagpapasensiya sa mga in-laws ay halos maloka na ako.I almost lost my sanity sa hirap magtiis at magpasensiya for the sake of RESPECT.Now we are living separately,but my in-laws usually come here to visit my son,usually they take my son w/ them.The lolo is doing the same thing,feeds my son the wrong way.Many times I had witnessed that.And I told him in a nice way,to stop it.Pero ganoon pa din,after a few days,he does the same thing.Now Iam considering to turn to the kosodate soudan at the kuyakusho for help.Kase po,yung badbreath ni lolo hindi ko matagalan.Hangin pa lang yun. E di lalo na yung laway!!!I worry and I pity my son.Eating foods from the mouth of his badbreath lolo:( . It is very stressful na for me,kase naiipon na yung galit at inis ko.Yung galit ko sa pagtitiis at pagpapasensiya sa pakikisama sa kanila ay napakahirap.Pero for my son,I cant let this pass just like that:mad: .

katheyrine
01-03-2008, 09:18 AM
Hi Fan san ohayou!

Naku ganun din,they will eat their snacks like sembe,they will do the nguya and luwa thing to my baby.Sa pagtitiis po at pagpapasensiya sa mga in-laws ay halos maloka na ako.I almost lost my sanity sa hirap magtiis at magpasensiya for the sake of RESPECT.

Talagang you can never teach an old dog any tricks ano? Sa pagtitiis, di ka nag-iisa, count me in...me? I think I`ve losen my sanity already:p

Now we are living separately
THATS GOOD FOR YOU:) I wish we could live separetely too...LITERARILY:D

yung badbreath ni lolo hindi ko matagalan

Wala ka sa akin di lang yan...mamya ibubulong ko sayo:D

kase naiipon na yung galit at inis ko.Yung galit ko sa pagtitiis at pagpapasensiya sa pakikisama sa kanila ay napakahirap.Pero for my son, I cant let this pass just like that

Try not to let your anger control you my dear fanran because it won`t lead any good. Minsan napagsisisihan pa natin ang mga nagawa natin during we`re mad. Ganyan ako, ipon ipon ng galit..ako naman talo sa huli kasi super stressed ako. Cheer up, bantayan mo lalong maige si baby boy. Pagdating talaga sa safety nang ating mga Janakis eh numero uno tayong mga mommy na naaalarma so I fully understand your feelings. At! di ka talaga nag-iisa sa katigasan ng lolo ng baby mo...ako numero uno primero kauna-una unahang kaninu-ninuno-ang naaappakatigas ng ulo ng lolo ng anak ko..suko ang wisyo ko pramis!:(

jyaa for the both of us...gambatte:p

katty0531
01-03-2008, 02:45 PM
Wow!.......naiintind ihan kita..ako din i have 3 months and half baby girl at my in law din ako dito sa bahay 92 yrs. old, yes, totoo talaga yong "bacteria", kahit sa hangin nga eh meron if living with matanda. Good thing is my kaibigan akong haponesa she is 59 years old parang anak turing nya saken, parati syang pumapasyal dito sa bahay at sya nag advice saken na huwag ko raw parati ipapasok sa room ni lola ang baby ko kung pwede wag ko daw ilapit sa matanda parati si baby kasi nga yong bacteria ba iba na yong sa mga matatanda ang tagal nyang nag explain siguro para maintindihan ko talagang mabuti.
Di ko alam yon nong una syempre kahit di na maka recognize yong MIL ko gusto ko pakita sa kanya si baby, tinigilan ko na...inexplain ko rin sa asawa ko in a way na di rin sya masaktan at di nya mamasamain.
Gambatte ne, ang hirap nga pag matanda kasi fragile din yong feelings nila.

proud me
01-03-2008, 05:57 PM
mula noon hanggang ngayon...mga problema sa mga in-laws ... :D
ako naman hindi ko naranasan makasama sila,pero naranasan ko rin ang hirap makisama
nandiyan na kasi yung ipag-pipilitan yung mga nakasanayan nila na para bang kailangan yes ka nalang ng yes...pero nakaka puno talaga minsan kasi para bang pakiramdam mo minsan irespeto mo sila pero ikaw hindi mo nararamdaman minsan sa mga nangyayari :D
nandyan na kasi yung kesyo sila noon ganito-ganun...kaya iwas gulo o problema nalang ...mas mabuti yung umiwas nalang ...kausapin mo si mister o kaya sila mismo pag-dedma lang nila sinasabi mo...iiwas mo nalang yung bata ...para naman sa ikakabuti ng anak mo yung gagawin mo ...kundi baka pag-naka mulatan ng anak mo yan baka gawin din niya yan paglaki niya sa magiging anak o sa magiging apo niya.:p

jcby1321
01-04-2008, 11:11 AM
hello mga ka tf...kahit din naman sa atin madami din ganyan....matigas ulo ng mga olds...hirap magpalaki ng mga matatanda noh....super sensitive pa....my mother is also like that pag pinagsabihan mo na wag mag tabako sa loob ng haus eh nag iinarte na...eh di sana nag ka tb na daw kami nung bata eh sumusuba din daw ang aming mga lolo at lola and the parents...pag masyado daw malinis eh un ang madalas kapitan ng mikrobyo....wag daw masyado maarte sa bacteria....:mad: un ang sinasabi ng mga matandang matitigas ang ulo... nag inarte pa nga na ayaw daw nya hawakan ang baby ko kc daw baka magkasakit at may sakit daw syang nakakadiri sa akin malaking kasalanan daw...nagdrama ang matanda...hay naku maiuuntog ko sarili ko sa inis....pero shoganai ganun daw talaga pag tumatanda...baka maranasan din natin un...but then ayokong ilayo ang loob ng baby ko sa mga grannies nya...i want him to be loving to the elders para pag tumanda ako at mag kasakit hindi nya ako pandirihan....peace to all:)

fanfran
01-15-2008, 03:50 PM
A forum like this is such a big help.I can easily reach out to the kababayans here in Japan.Mahirap ang walang makausap.Thank you very much to all the ka-TFs who replied.

shiawase
01-15-2008, 04:12 PM
alam mo,minsan nagawa na rin ng hubby ko yan eh... pag may ipapakain sya sa anak namin, tapos mainit pa, imbis na hipan, sinusubo din.... para mawala lang daw yung init.... syempre ayoko diba... kaya nagagalit ako... ganun din ang sabi nya, "sonna koto nai" din daw. naisip ko, siguro ganun talaga style ng mga japanese, not generally but some of them may have been brought up by their parents with this style....

sa tingin ko, magandang mong gawin, ipakita mo sa harap mismo ng mga byenan mo kung paano mo pakainin ang mga bata.... para habang nakikita nila yun, malay mo ma-absorb din nila yung ganong practice at magkaroon din sila ng hiya sa ginagawa nila... although they don't have any bad intentions of doing that... give & take lang naman po yan... you can learn from them while they can learn from you.... :)

jcby1321
01-16-2008, 11:37 AM
alam mo,minsan nagawa na rin ng hubby ko yan eh... pag may ipapakain sya sa anak namin, tapos mainit pa, imbis na hipan, sinusubo din.... para mawala lang daw yung init.... syempre ayoko diba... kaya nagagalit ako... ganun din ang sabi nya, "sonna koto nai" din daw. naisip ko, siguro ganun talaga style ng mga japanese, not generally but some of them may have been brought up by their parents with this style....

sa tingin ko, magandang mong gawin, ipakita mo sa harap mismo ng mga byenan mo kung paano mo pakainin ang mga bata.... para habang nakikita nila yun, malay mo ma-absorb din nila yung ganong practice at magkaroon din sila ng hiya sa ginagawa nila... although they don't have any bad intentions of doing that... give & take lang naman po yan... you can learn from them while they can learn from you.... :)

pareho tayo shiawase ganyan din magpakain si hubby...pinagsabihan ko nga na wag ganun kaso ayaw akong pakinggan...kaya si baby nasanay na sa ganun sa kanya...minsan sinasabi ko na lang nawawala din ung lasa ng pagkain pag isusubo mo tapos give sa kanya...hay naku matigas din ulo eh...kaya pinabayaan ko na...its their way of showing their affection ika nga... baka sa kasasabi ko ng wag ganyan eh ma offend naman sa akin at pag-awayan pa namin lalo...

rhynissa
01-16-2008, 03:31 PM
gosh, never could i ever have imagined that there are people who do such a thing.. I've never heard or seen anything like feeding the baby that way, not until i read this.. it was sooo grossed that the food the baby was eating has been chewed then fed by those morons.. (oppss sorry.. ) Well, for the sake of the health of your baby, better not keep your anger bottled up inside you!!! Speak your mind.. Sometimes being frank is not soo bad at all.. Would you rather let them do it over and over and kept your anger bottled up inside you? Common, as the saying goes: "kung di makuha sa santong dasalan, idaan sa santong dasalan"!!!

shiawase
01-16-2008, 03:37 PM
pareho tayo shiawase ganyan din magpakain si hubby...pinagsabihan ko nga na wag ganun kaso ayaw akong pakinggan...kaya si baby nasanay na sa ganun sa kanya...minsan sinasabi ko na lang nawawala din ung lasa ng pagkain pag isusubo mo tapos give sa kanya...hay naku matigas din ulo eh...kaya pinabayaan ko na...its their way of showing their affection ika nga... baka sa kasasabi ko ng wag ganyan eh ma offend naman sa akin at pag-awayan pa namin lalo...

talaga? marami na rin akong nakausap na ganito din mga asawa nila.... pag napunta ako sa bahay ng friends ko, yung mga asawa nila nakikita kong ganun din ang ginagawa eh... nagugulat kami pero para sa kanila normal lang.... nadadala naman sa usapang mag-asawa yan eh... yung hubby ko nakikinig naman sakin kaya di na rin nya ginagawa lately... :)

jcby1321
01-16-2008, 06:13 PM
talaga? marami na rin akong nakausap na ganito din mga asawa nila.... pag napunta ako sa bahay ng friends ko, yung mga asawa nila nakikita kong ganun din ang ginagawa eh... nagugulat kami pero para sa kanila normal lang.... nadadala naman sa usapang mag-asawa yan eh... yung hubby ko nakikinig naman sakin kaya di na rin nya ginagawa lately... :)

minsan kase pag i-cocorrect mo palagi sa ganun para mo na din sinabi na kadiri sya.... if kadiri un for us, para ko na din sinabing kadiri sya pag kinikiss nya ako...eh kase di ba ganon din un mouth-to mouth contact...so ayokong ipakita na OA ako pagdating sa ganun...kesa maging wall pa naming dalawa un, ang gnagawa ko ako na lang nagpapakain kay baby....

fanfran
01-25-2008, 11:36 AM
stress nman yan fanfransan...alam mo pareho tayo kasama ko rin dalawang matanda kc cannot afford hubby ko rent kya tiis ako pro mabuti nlang takot sila kapag galit ako when it comes sa child....try mo magalit face to face hindi masama yon basta nsa katwiran ka...alam mo kasi kawai -kawai sa baby mo kya ganon gawa nila happy sila which is wrong nga nman ginagawa nla dba.....basta nagagalit-galitan ako kpag nakikita ko hindi maganda ginagawa nla...ikaw kasi kawawa kpag nagkasakit....ganbat te:cool:
Mga ka TF...lam ninyo,from the start when I met my in-laws,puro pagpapasensiya ginawa ko,kahit hindi ako ang may mali,bow na lang ako sa kanila,kase nga respect sa mga parents ng husband ko na napaka-bait sa akin.Although I lived w/ them only for 4 months after I gave birth to my son.Even we live separately,kung minsan nakakarindi pa rin ang mga in-laws ko.Kaya this year 2008 I changed my way na puro pagpapakumbaba sa kanila.Lam ninyo,just recently,ipinakita ko galit ko sa mga in-laws ko.Aba medyo nag-lie low ang dalawa.Pero whenever I read other threads about mga in-laws na kunsumisyon,di naman ganoon kagrabe in-laws ko,they do not invade our privacy namin ni husband,no touch sila sa mga personal matters between me and my husband.Ang conclusion ko,magalit sa kanila kung kailangan.Nung inilabas ko galit ko sa kanila,I felt relieved.;)