PDA

View Full Version : Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin


peacemaker
01-05-2008, 08:50 AM
Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
http://www.familytimes.net. ph/templates/ja_teline/images/pdf_button.png (http://www.familytimes.net. ph/index2.php?option=co m_content&do_pdf=1&id=141) http://www.familytimes.net. ph/templates/ja_teline/images/printButton.png (http://www.familytimes.net. ph/index2.php?option=co m_content&task=view&id=141&pop=1&page=0&Itemid=29) http://www.familytimes.net. ph/templates/ja_teline/images/emailButton.png (http://www.familytimes.net. ph/index2.php?option=co m_content&task=emailform&id=141&itemid=29) Friday, 28 December 2007 Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Mahal kong anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng 'binge!' paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat na lang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabikna sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man
ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mgahuling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay
at bigyan mo ako ng lakas ng loobna harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...


* * * * * * *

Dondake303
01-05-2008, 09:50 AM
Thanks for sharing:) ganda po ng sulat ni tatay at nanay. Naalaala ko tuloy mga magulang ko tumatanda na rin sila at hindi ko manlang sila maalagaan dahil malayo ako sa kanila, haaay kakalungkot:(

RODSKI
01-05-2008, 09:57 AM
May kapareho na din po na ganyan thread paki check na lang.:)

SWEET_REINA
01-05-2008, 11:18 AM
:) May kapareho na din po na ganyan thread paki check na lang.:)
yes,meron na ngang ganito,,a month ago nabasa ko rin sya..

D'sailor
01-05-2008, 11:31 AM
:)
yes,meron na ngang ganito,,a month ago nabasa ko rin sya..

meron man siguro o wala at least na i share uli dahil maganda ang thought niya. Nakaka touch:confused:

rosby
01-05-2008, 12:35 PM
pwede po ba ma translate sa hapon tong sulat ni tatay at nanay gusto ko lang pabasa sa mga anak ko.slamat sana may makagawa...

footprints
01-05-2008, 12:48 PM
pwede po ba ma translate sa hapon tong sulat ni tatay at nanay gusto ko lang pabasa sa mga anak ko.slamat sana may makagawa...

I hope too may maka translate sa nihonggo. Any volunteer?:)

jcby1321
01-05-2008, 01:12 PM
someone sent this message to me also sa friendster ko and i shed tears kase i remember my parents who are getting older and soon lose their strength...if that time comes i hope i can be at their sides to be their strengths and eyes....i like my child to remember it is the way to love your parents to be with them during these time...that is how my mother took care of my granny until she passed away...and i keep in my heart that if you will love your parents that way, your child will do the same way to you when we get old...:)

footprints
01-05-2008, 01:35 PM
someone sent this message to me also sa friendster ko and i shed tears kase i remember my parents who are getting older and soon lose their strength...if that time comes i hope i can be at their sides to be their strengths and eyes....i like my child to remember it is the way to love your parents to be with them during these time...that is how my mother took care of my granny until she passed away...and i keep in my heart that if you will love your parents that way, your child will do the same way to you when we get old...:)

honestly I cried when I read this touching "letter" because my parents died without my presence. I just went their for their burial. Our parents deserved our care, love and attention
aside from the money that we send for them. Our love to our parents is the expression of our love to God.

fanfran
01-05-2008, 02:05 PM
What a beautiful message.With the dailiness of our lives,this message reminds us to pause and remember our aging parents,that while they are still alive,ipadama na po natin ang ating pagmamahal.