PDA

View Full Version : yakiniku business

uvy
01-09-2008, 12:04 AM
Baka may nakapag try na po ng business na ito sa pinas,share naman po kayo o kaya any suggestions po,kasi balak po kasi namin ng asawa ko na mag business nito sa pinas:)maliit lang po muna na pwesto ang kukunin namin sa pag uumpisa tsaka nalang hanap ng malaki pag medyo nag click na,bale yong paglulutuan po ng yakiniku ay bibilhin po namin dito sa japan at ipabalikbayan box nalang po namin pati mga sauce nya po at iba pang gamit:)uwi po kasi ng march kaya balak namin na sa march namin ito umpisahan,mag stay kami doon ng medyo matagal para makita at maituro sa mga maiiwan doon namin,hehe sana lang po mag click,hehe,...sa mga naka try na po,pahingi naman po ng tips dyan,yoroshiku onegaishimasu:)

ninong
01-09-2008, 09:26 AM
ayos yan uvy.
heto ang mga checkpoints
1. dapat maganda ang location at targetin na kostumer ay yung may pera (college students at middle age working class)
2.dapat may originality.may mga japanese yakiniku rest din kasi sa atin,so expect na may makakaribal ka.
3. dont rely on imported consumables.example. talo ka kung imported lagi ang sauce mo. imagine a family na kakain ng worth 1-2T. since free ang sauce, ibubuhos lahat sa platito ang 300yen na sauce.doon pa lang,talo ka na ng 120php.humanap ka din ng probable replacements sa local market.
4. kung uupa ka ng pwesto,tingnan muna ang future ng location.beware sa mga future na mangagaya.baka di mo pa nababawi ang puhunan mo,may katabi ka na na yakiniku din at mas malaki pa.
5.dont depend sa yakiniku lng.since may pwesto ka,pwede mong dagdagan in the future like shabu-shabu,tendon,tenpura ,etc.
6. since nasa jpn ka,ingat din sa mga iiwanan.baka puro labas ang pera. yung benta, ipansa shopping or kukupitin. kadalasan,sa business, kapag di pinaghirapan ng tagapamahala, di nya pagsisikapan kahit magulang o kapatid.
goodluck.

chevelle:)
01-09-2008, 10:26 AM
ano ba yan sis? parehas pa pala tayo ng nilulutong business na balak gawin. saan ka po ba? baka naman maging magkaribal pa tayo? sa laguna po ako, 2 months ago pa namin pinag-uusapan ito ng mother ko kasi nga nagustuhan nya rin ang yakiniku everytime na pupunta sya dito kaya mukhang nagka-interes mag-business sa pinas. inuumpisahan pa lang nila hanap ng place. ikaw ano na balita sa business mo?

proud me
01-09-2008, 10:32 AM
biznez minded kayo talaga ni habi mo maganda yan pinapa-ikot ninyo ang savings ninyo ...tama si ninong...kaya tiyakin mo muna yung papasukin mo...pwede rin na kung medyo malaki at mura makaka-kuha ka ng pwesto isabay na ang cafe internet ...yung kimchi pwede mo rin pag-aralan dito yung timpla para original kimchi ng omise mo...gambatte ne!

ninong
01-09-2008, 12:14 PM
idagdag ko lang ito uvy, isang downside ng yakiniku bisnes sa atin ay mahirap,pangit at mahal ang raw meat.syempre walang gustong kumain ng yakiniku o broiled thin beef na parang tsinelas ang kunat.
sa japan,madaming malambot na beef at special talaga ang ginagamit na parte ng baka kaya pag kinain ay talagang babalik-balikan.
sa pinas, baka wala kang mahanap na masarap at malambot na beef.
ganoon pa man, may ibang option naman dito. ito ay seafood kaya or chicken or meat ng baboy.

uvy
01-09-2008, 02:19 PM
ayos yan uvy.
heto ang mga checkpoints
1. dapat maganda ang location at targetin na kostumer ay yung may pera (college students at middle age working class)
2.dapat may originality.may mga japanese yakiniku rest din kasi sa atin,so expect na may makakaribal ka.
3. dont rely on imported consumables.example. talo ka kung imported lagi ang sauce mo. imagine a family na kakain ng worth 1-2T. since free ang sauce, ibubuhos lahat sa platito ang 300yen na sauce.doon pa lang,talo ka na ng 120php.humanap ka din ng probable replacements sa local market.
4. kung uupa ka ng pwesto,tingnan muna ang future ng location.beware sa mga future na mangagaya.baka di mo pa nababawi ang puhunan mo,may katabi ka na na yakiniku din at mas malaki pa.
5.dont depend sa yakiniku lng.since may pwesto ka,pwede mong dagdagan in the future like shabu-shabu,tendon,tenpura ,etc.
6. since nasa jpn ka,ingat din sa mga iiwanan.baka puro labas ang pera. yung benta, ipansa shopping or kukupitin. kadalasan,sa business, kapag di pinaghirapan ng tagapamahala, di nya pagsisikapan kahit magulang o kapatid.
goodluck.maraming salamat talaga sa mga tips ninong:)may pwesto na po nakita mother ko at tapat lang po ng bahay namin sa pinas,malapit sa college at palengke ang pwesto,medyo marami din tao doon kaya sana mag work sya,nag iipun na nga po kami ng mga gagamitin na mga gamit at sana makompleto na lahat ng walang makalimutan,sa mamamahala po yong sister ko po ang iiwanan ko tapos mga tauhan ko mga pinsan nalang din,at lagi ko din ipapacheck kay mama ko since malapit lang naman sa bahay namin,di ko kasi maiwan kay mama kasi may sarili din syang business nya,malapit lang din sa pwesto na pagtatayuan namin ng yakiniku:)sabi nga ni hubby pwede naman daw gawin nalang ang mga sauce ituturo nya nalang daw paano,sya na daw bahala magturo,pero sa umpisa mag provide muna kami ng sauce na galing dito sa japan para maicompare at mapag aralan din ang lasa.thanks po ng marami,laking tulong ito,God bless ninong:)

uvy
01-09-2008, 02:21 PM
ano ba yan sis? parehas pa pala tayo ng nilulutong business na balak gawin. saan ka po ba? baka naman maging magkaribal pa tayo? sa laguna po ako, 2 months ago pa namin pinag-uusapan ito ng mother ko kasi nga nagustuhan nya rin ang yakiniku everytime na pupunta sya dito kaya mukhang nagka-interes mag-business sa pinas. inuumpisahan pa lang nila hanap ng place. ikaw ano na balita sa business mo?hello sis ganun ba,oo mukhang maganda nga yan sis eh,sa novaliches kami sa pinas sis,ikaw saan ka?:)mag oopen palang kami sa march sis at naghahanda palang sa ngayon.

uvy
01-09-2008, 02:24 PM
biznez minded kayo talaga ni habi mo maganda yan pinapa-ikot ninyo ang savings ninyo ...tama si ninong...kaya tiyakin mo muna yung papasukin mo...pwede rin na kung medyo malaki at mura makaka-kuha ka ng pwesto isabay na ang cafe internet ...yung kimchi pwede mo rin pag-aralan dito yung timpla para original kimchi ng omise mo...gambatte ne!salamat po ate proud,oo nga po kaya kahit sabi ni hubby sya na bahala magturo doon kung paano gawin,ako din po nag reresearch para may alam din po ako kahit papaano,oo nga po yang kimchi dapat di mawawala yan,hehe kaya kailangan mapag aralan ko na din po,thanks,..:)

uvy
01-09-2008, 02:28 PM
idagdag ko lang ito uvy, isang downside ng yakiniku bisnes sa atin ay mahirap,pangit at mahal ang raw meat.syempre walang gustong kumain ng yakiniku o broiled thin beef na parang tsinelas ang kunat.
sa japan,madaming malambot na beef at special talaga ang ginagamit na parte ng baka kaya pag kinain ay talagang babalik-balikan.
sa pinas, baka wala kang mahanap na masarap at malambot na beef.
ganoon pa man, may ibang option naman dito. ito ay seafood kaya or chicken or meat ng baboy.oo nga daw po may part talaga ng baka na malambot talaga sabi ni hubby at yon daw yong ginagawang yakiniku,malapit lang din po kami sa slaughter house kaya sana makakuha kami doon na magandang meat:)
andami mo nang naitip sakin,salamat talaga,sa ngayon pinag iisipan ko pa paanong ayos ang gagawin ko sa omise para maganda sya tingnan:)

eros
01-09-2008, 02:33 PM
hello sis ganun ba,oo mukhang maganda nga yan sis eh,sa novaliches kami sa pinas sis,ikaw saan ka?:)mag oopen palang kami sa march sis at naghahanda palang sa ngayon.

uyyy sa nova, qc ba yan san dun sis? malamang sa bayan yan.... aba! uuwi ako ng march or may... dadayuhin ko yan.. kontakin kita ahhh... mag stay kasi ako sa c5 near nova kaya for sure madadayo ko yan....ay sarap ng discounts (joks). goodluck sis

uvy
01-09-2008, 02:45 PM
uyyy sa nova, qc ba yan san dun sis? malamang sa bayan yan.... aba! uuwi ako ng march or may... dadayuhin ko yan.. kontakin kita ahhh... mag stay kasi ako sa c5 near nova kaya for sure madadayo ko yan....ay sarap ng discounts (joks). goodluck sishehe ganun ba sis,oo sis malapit sa bayan:)sige sis kontakin mo lang ako,thanks ng marami,...:)

chanel_ar
01-09-2008, 04:41 PM
hello sis ganun ba,oo mukhang maganda nga yan sis eh,sa novaliches kami sa pinas sis,ikaw saan ka?:)mag oopen palang kami sa march sis at naghahanda palang sa ngayon.

San ka sa Novaliches Sis? Para pag uwi ko sa Pinas mabisita ang Yakiniku Omise mo. yan ha dagdag customer mo na ko. Paborito ng family ko yan sa Pinas kaya dudumogin ka nmin hehe ^_^

uvy
01-09-2008, 05:13 PM
San ka sa Novaliches Sis? Para pag uwi ko sa Pinas mabisita ang Yakiniku Omise mo. yan ha dagdag customer mo na ko. Paborito ng family ko yan sa Pinas kaya dudumogin ka nmin hehe ^_^hehe oo nga sis kaya ko nga naisipan itong business na ito kasi alam ko na fav ito ng mga pilipino,hehe,malapi t lang kami sa bayan sis:)yoroshiku ne,...

tokyoboi2
01-10-2008, 11:32 AM
Baka may nakapag try na po ng business na ito sa pinas,share naman po kayo o kaya any suggestions po,kasi balak po kasi namin ng asawa ko na mag business nito sa pinas:)maliit lang po muna na pwesto ang kukunin namin sa pag uumpisa tsaka nalang hanap ng malaki pag medyo nag click na,bale yong paglulutuan po ng yakiniku ay bibilhin po namin dito sa japan at ipabalikbayan box nalang po namin pati mga sauce nya po at iba pang gamit:)uwi po kasi ng march kaya balak namin na sa march namin ito umpisahan,mag stay kami doon ng medyo matagal para makita at maituro sa mga maiiwan doon namin,hehe sana lang po mag click,hehe,...sa mga naka try na po,pahingi naman po ng tips dyan,yoroshiku onegaishimasu:)
maganda ang resto business uvy chan. i started mine 3 yrs ago pero hindi sya yakiniku, its more on student meal kasi nasa university belt area yong resto. ang problema pag bumabalik ako ng japan bumababa ang sales, thats the problem pag naiiwanan sa iba ang management. may tiwala tayo sa mga nearest kin natin para sa management pero iba pa rin yong tayo mismo ang naka focus sa business natin. kaya next month uwi ulit ako para maasikaso ng mabuti ang business.
if you really want to succeed sa business, ikaw ang magbukas at ikaw din ang magsara, yan ang secret ng mga chinese kung bakit halos lahat sila umuunlad ang negosyo. proper management, focusing on your business and quality ng service yan ang mga factor na kelangan nating tandaan.
just my two cents worth..good luck sis;
Rick

uvy
01-10-2008, 11:43 AM

Maraming salamat po sa advise Rick:)
Gusto ko nga din po na ako talaga hahawak kaya lang di talaga pwede kasi nandito na po family ko and di papayag si hubby,kaya sa pagbukas siguro kahit mga one month mag stay ako doon,tapos monitor ko nalang araw araw by ym nalang sa sis ko,kailangan araw araw sila may report sakin,lahat ng sales at lahat na nalabas na pera sa araw araw,dapat nakalista lahat,hehe mahirap kasi pag pera na pinag usapan,yan po ang plan ko ngayon,gusto ko nga din samahan ng ibang foods kasi malapit sa mga schools yong pwesto kaya dapat affordable lang din ang price,parang semi japanese nalang siguro ang gagawin ko na style para kahit papaano pang masa pa din ang dating:)
Kung pwede lang talaga sana na hawakan ko sya full time kaya lang di talaga pwede:Okaya sa sis ko nalang ipaasikaso ito,follow up ko nalang lagi araw araw,kaya maliit na pwesto lang muna kukunin namin kasi try lang pag nag click,sayang kasi pera pag di naman nag work,pag ok na siguro ang takbo at nakikita ko na maganda tsaka na po kami maghahanap ng medyo maluwag na place:)thanks po,...

tokyoboi2
01-10-2008, 12:03 PM
thats one good idea uvy chan, monitoring thru internet, yan din ginagawa ko kasi magkatabi lang yong resto at yong net cafe ko. kelangan ang daily sales report bago magsara sa gabi, report kung anong mga problemang na encounter nila for that day and kung ano mga suggestions nila para mapagbuti ang business. give them incentives pag na attain nila yong sales forecast monthly, even yong pinakamababang staff, that way mag ganbatte silang lahat. tama yong sabi mo dapat may kunting kaka iba sa menu mo at maganda ang may blend na japanese dish.
try mo rin mga "don" nantoka don, para makita mo kung anong gusto nila.
sa simula wag ka munang magtaas ng price mo. hayaan mong matikman nila yong food at pag nagustuhan yan unti unti mong itaas ang price nya.

ninong
01-10-2008, 12:07 PM
Gusto ko nga din po na ako talaga hahawak kaya lang di talaga pwede kasi nandito na po family ko and di papayag si hubby,

kung di talaga pwedeng bantayan,may ibang paraan kahit paano para ma solve ang problema.ituring mong company ang business mo at di family hobby.
heto ang suggestion ko.

1.set and personally control the budgeting. may budget para sa ganyan,ganito,etc.pa g 20T ang monthly budget,hangang doon lang.wag lalampas at kung talagang kailangan lumampas,humanap ng mapagkukunan ng funds sa ibang sobrang budget.

2. proper, regular and strict accounting ng incoming at outgoing funds.dapat nakalista lahat at para sa business lang ang lalabas na pera.di pwedeng ilista na kumuha si tatay ng pocket money o si kuya ng pang jolibee.

3.mag set ka ng tao na sya ang annoited na in-charge o manager.kung si kuya, si kuya.kung si ate,si ate.pag hindi kasi clear kung sino ang in-chearge...labo-labo na yan.kanya-kanyang hirit na.

4. pay all participating persons according to standard.kung si nene ang bantay tapos wala syang regular na sahod, naku,talagang may posibilidad na kumupit sa benta yan.

uvy
01-10-2008, 02:12 PM
thats one good idea uvy chan, monitoring thru internet, yan din ginagawa ko kasi magkatabi lang yong resto at yong net cafe ko. kelangan ang daily sales report bago magsara sa gabi, report kung anong mga problemang na encounter nila for that day and kung ano mga suggestions nila para mapagbuti ang business. give them incentives pag na attain nila yong sales forecast monthly, even yong pinakamababang staff, that way mag ganbatte silang lahat. tama yong sabi mo dapat may kunting kaka iba sa menu mo at maganda ang may blend na japanese dish.
try mo rin mga "don" nantoka don, para makita mo kung anong gusto nila.
sa simula wag ka munang magtaas ng price mo. hayaan mong matikman nila yong food at pag nagustuhan yan unti unti mong itaas ang price nya.
Maraming salamat po sa idea,iaaply ko po yan,thanks for sharing:)

uvy
01-10-2008, 02:14 PM
kung di talaga pwedeng bantayan,may ibang paraan kahit paano para ma solve ang problema.ituring mong company ang business mo at di family hobby.
heto ang suggestion ko.

1.set and personally control the budgeting. may budget para sa ganyan,ganito,etc.pa g 20T ang monthly budget,hangang doon lang.wag lalampas at kung talagang kailangan lumampas,humanap ng mapagkukunan ng funds sa ibang sobrang budget.

2. proper, regular and strict accounting ng incoming at outgoing funds.dapat nakalista lahat at para sa business lang ang lalabas na pera.di pwedeng ilista na kumuha si tatay ng pocket money o si kuya ng pang jolibee.

3.mag set ka ng tao na sya ang annoited na in-charge o manager.kung si kuya, si kuya.kung si ate,si ate.pag hindi kasi clear kung sino ang in-chearge...labo-labo na yan.kanya-kanyang hirit na.

4. pay all participating persons according to standard.kung si nene ang bantay tapos wala syang regular na sahod, naku,talagang may posibilidad na kumupit sa benta yan.

Maraming salamat po,salamat sa mga advices,dapat talaga maging strict pag business na pag uusapan,walang kapakapatid walang kamakamag anak daw,hehe,....thanks ulit sa pag share mo ng ideas again:)

sitsukoime
01-10-2008, 03:18 PM
Hi Ms.Uvy share ko lng dn ung skin ha, its really tru pg dating sa business dpat maging strikto ksi syempre perang pinaghirapan mo ang pupuhunan natin diba. We have business also here sa pinas, sa hubby ko net cafe and ung skin small canteen and we are the one who manage it, pro may mga staff dn kami. Before kasosyo nmin ung bro. nung husband ko, pero medyo mahirap ata talaga ang may kasosyo sa business, nagkaproblema sila sa partehan ng sales. So we ended giving his share na lng and work for our own na lng. Talagang kht member of the family pa ang staff, sometimes ung iba na tetempt na kumupit kht mnsan. So nasabi na nung iba ka TF natin ung mga advices, Goodluck na lng sa gagawin nyong business.:)

tokyoboi2
01-10-2008, 03:28 PM
parehas tayo ng problema uvy chan, ako rin andito ang family ko at anak ko dito na rin nag aaral. how i wish i can focus sa business pero as you have said di talaga pwede. kaya im trying all my best that i can manage my business thru internet. mejo mahirap i manage sa ganitong paraan pero if i consider working here at the same time having my business in philippines parang ganun na rin ang labas. constant monitoring lang ang kelangan at chat sa manager kung anong mga problema.

uvy
01-10-2008, 04:44 PM
parehas tayo ng problema uvy chan, ako rin andito ang family ko at anak ko dito na rin nag aaral. how i wish i can focus sa business pero as you have said di talaga pwede. kaya im trying all my best that i can manage my business thru internet. mejo mahirap i manage sa ganitong paraan pero if i consider working here at the same time having my business in philippines parang ganun na rin ang labas. constant monitoring lang ang kelangan at chat sa manager kung anong mga problema.oo nga eh,kaya dapat imomonitor ko din lagi para kahit nandito ako nalalaman ko takbo ng negosyo doon,..:)

alamagawa
01-10-2008, 04:48 PM
magandang negosyo yan Uvy chan........ipagpatu loy mo.......hangad ko ang iyong tagumpay!!!

nagmamahal,
alamagawa:)

dianne
01-10-2008, 04:48 PM
uvy san ...asenso kana talaga di kana maarok ...lahat na ata ng business pinasok mo ... goodluck sis..:p

eros
01-10-2008, 04:49 PM
wowww naman!! veterana ka na pala ehh!!.... sure yakang-yaka mo yan...

uvy
01-10-2008, 05:04 PM
magandang negosyo yan Uvy chan........ipagpatu loy mo.......hangad ko ang iyong tagumpay!!!

nagmamahal,
alamagawa:)salamat alamagawa:)sana nga mag click,...

uvy
01-10-2008, 05:06 PM
uvy san ...asenso kana talaga di kana maarok ...lahat na ata ng business pinasok mo ... goodluck sis..:p
salamat po miss dianne,oo nga lahat na yata pinasok,hima kasi dito sa bahay:Dkaya kahit barya barya magiging buo din yan pag naipon:)tyagaan lang po talaga,thank you very much po,..

uvy
01-10-2008, 05:08 PM
wowww naman!! veterana ka na pala ehh!!.... sure yakang-yaka mo yan...di naman po ako veterana,:)dapat lang po pag iisipan maigi lahat ng gagawin at mga dapat mangyari,hehehe,than ks po:)

bahaykubo
01-11-2008, 11:07 AM
hi sis super lapit kami sa nova bayan ah....makapunta nga dun sa resto mo...bigyan mo discount mga ka tf ha....kailan ba i open...march or may uwi ulit kami...makakain dun...fav ko yakinuku ei

ay pareho kami msg ni eros.....hi hi hi...kapitbahay siguro tayo eros san?

eros
01-11-2008, 11:11 AM
oo nga onga! dayuhin na yan nang maka-kain ng yakiniku ng hindi gumagastos ng libo-libo!!! heheheh ;).....

uvy
01-11-2008, 09:45 PM
hi sis super lapit kami sa nova bayan ah....makapunta nga dun sa resto mo...bigyan mo discount mga ka tf ha....kailan ba i open...march or may uwi ulit kami...makakain dun...fav ko yakinuku ei

ay pareho kami msg ni eros.....hi hi hi...kapitbahay siguro tayo eros san?
ganun ba sis,mga april na namin siguro ma open sis kasi uwi kami katapusan ng march tapos mag bbday pa anak ko kaya pagtapos nalang ng bday nya tsaka namin maasikaso ito:)kaya mga april na talaga sya mabuksan,nakapamili na din kami kanina nga mga gagamitin,hehe kakapagod pala umpisa pa lang,hehhehe kailangan lang talaga ng tyaga,ok sis dalaw kayo ha pag nakauwi kayo doon,salamat ng marami,:)pm mo lang ako basta malapit lang sya sa bayan ang pwesto,....

uvy
01-11-2008, 09:48 PM
oo nga onga! dayuhin na yan nang maka-kain ng yakiniku ng hindi gumagastos ng libo-libo!!! heheheh ;).....salamat sis,oo naman sis sisiguraduhin din namin na affordable lang ang price para afford ng lahat ,hehehe:)yoroshiku onegaishimasu,...

Nichibun
01-13-2008, 01:30 AM
To add,

From a marketing perspective,

what would make a product / business successful?

(not necessarily, but most of the time in this order:D )
Affordability and Desirability--masarap ba? Yung tipong babalik-balikan mo.

and they are not mutually exclusive,
meaning people will buy a dirt CHEAP product even if it's so-so in the taste dept.
and people will patronize your expensive product if it's heavenly/sinfully DELICIOUS:D !

Pero kung kaya mong gawin na mura na masarap pa,
sure winner ka diyan.

(and of course alam mo na ang opposite niyan:D )
mahal na makunat pa ang yakiniku, talo!:(

Goodluck!

uvy
01-13-2008, 08:01 AM

Goodluck!Good morning po,maraming salamat sa paalala,dagdag na naman ito sa kaalaman ko and i try my best na magawa po namin yan:)yong gagawin po naming pwesto parang open air lang po sya at yong binili po namin na lutuan ay de uling lang din para di na aksaya sa kuryente para di masyado magastos,para din po di masyado malaki upa namin at pati ang price ng paninda ay pwede namin babaan,kasi yong iba kaya mahal tinda nila sobrang mahal din ang upa nila sa pwesto.Tungkol naman po sa meat yan po ang pinaka importante dito kasi dito nakasalalay ang lahat,hehe kaya bili din po kami ng books na nakaindicate kung saang parte sa beef ang magandang gawing yakiniku para di sya makunat,di kasi pwede na basta nalang bumili sa palengke ng beef para gawing yakiniku,kailangan din po mag order doon sa mga nagkakatay talaga ng beef at ipareserve yong part ng beef na malambot at magandang gawing yakiniku,hehe:)

kung may hindi pa po ako alam at alam ko po marami pa akong dapat malaman at matutunan,open po ako sa nga advices nyo,andami ko na pong nakuhang magagandang ideas mula sa inyo mga ka tf,maraming maraming salamat po;)