PDA

View Full Version : someone hear me.

daniela
01-12-2008, 03:43 PM
gud nun, sa lahat ng taga TF. new user lang po ako at gusto kong ishare sa inyo ang buhay ko dito sa japan. now, here is my problem... 20 ako ng magpakasal, nagkaroon ng anak at ok naman ang takbo ng relasyon naming mag-asawa. may sarili siyang restaurant, at tumutulong ako sa resto nung huminto ang staff niya sa kitchen. So, natural lang ba kung binibigyan niya nga ako ng sahod, pero doon ko naman kinukuha ang expenses ko lahat lahat? tulad ng cellphone bill, car gasoline, expenses ng anak ko, padala sa amin at ibinabawas niya pa sa sahod ko ang isang lapad, dahil para daw iyun sa air fare kung sakaling umuwi kami ng pinas.:rolleyes: tapos nung isang araw, tsinek niya ang savings book ko at nakita niyang kokonti lang ang laman? tinanong niya ako kung bakit wala raw akong ipon? hindi ko alam kung papaano sabihin sa kanyang nahihirapan na ako sa sitwasyon, dahil kung ituring niya ako ay hindi asawa, kundi isa sa mga staff niya. minsan gusto ko ng sumuko at lumayas, pero iniisip ko ang anak ko kung sakali. pagod na pagod na ako... sa umaga kailangan ko pang ihatid sa day care ang anak ko, tapos trabaho hanggang 2~3ng hapon, then sunduin ang anak ko, tapos iiwan ko sa mga byenan ko, then balik trbaho hanggang 9~10ng gabi. halos hindi na nga ako makaligo sa pagod at halos hindi ko na maayos ang sarili ko, dahil pagdating sa bahay ay gawaing bahay naman ang aatupagin.At siya ay nakaupo lang habang nag-iinum ng alak at nakaharap sa tv:mad: .Hindi ko masabi sa kanya ang paghihirap ko dahil hindi ko pa man inumpisahan ang sasabihin ko ay nagagalit na siya. porke't siya nga rin daw ay pagod. kaya nauuwi lang sa away. walang araw na hindi kami nag-aaway nito. So, please someone advice me what to do? gulong gulo na ang isip ko.

docomo
01-12-2008, 04:00 PM
pag ako ang tatanungin mo lalayasan ko yan.. sensya na .. hindi na uso martir ngayon ... minsan lang mabubuhay ang tao .. hindi ko mimiserablehin ang buhay ko sa ganyang klaseng asawa ...

tanungin mo muna yang sarili mo kung kaya mong humiwalay? magagawa mo lang yan kapag nangibabaw yung utak mo sa puso mo... at kung hindi mo iisiping masisira ang pamilya mo. :)

katheyrine
01-12-2008, 04:02 PM
hi sayo daniela san.

alam mo ganan din ako, sobrang daming trabaho.. pero sa huli napag isip-isip ko, sino bang misis at mommy ang hindi busy di ba? lahat tayong mga misis/mommy eh sobrang daming gawain, endless ika nga. totoong minsan eh di na tayo maka-uga-uga pero talagang kailangang harapin ang katotohanang ito ang ating responsibilidad bilang asawa at mommy. tungkol naman sa asawa mo, timingan mo pa ng maganda para mapag-usapan ang problema. sabihin mo rin sa kanya na napapagod ka...wag kang susuko, ang mga nasuko sa laban eh talunan...mga duwag na tinakasan ang problema. solusyon ang hanapin mo...eto eh sana kung unang-unang eh magkaron kayo ng komunikasyon ng asawa mo. tatagan mo pa sis..
wait ka pa ng mag aadvice sayo at maa-uplift ka lalo na pagnarinig mo ang mga misis/mommies dito sa TF.

Cheer up!
Gambatte ne!
Isipin mong di ka nag-iisa!

yukio_cris
01-12-2008, 04:05 PM
unang una mahirap kumilos ng wala sa puso at isip,kung ayaw mo gawin at kung nahihirapan ka,kausapin mo siya, kung di makuha sa magandang pag uusap, takutin mo ,ipakita mong hindi mo na kaya, baka sakaling makunsensiya...lagi kamo kayo nag aaway ...dahil ba sa hindi kayo mag kausap ng maayos o hindi ka niya pinakikinggan...:( mag isip isip kana.

maque
01-12-2008, 04:13 PM
hi daniela... sis totoo di na uso ang martir ngayon pero bago ka magdecision na lumayas at iwan ang hubby mo pag isipan mo munang mabuti ang advantages at disadvantages ha... ang pagiging asawa at ina ay mahirap tlaga... pakiramdaman mo muna si hubby mo ng mabuti at ang pagmamahal niya sau... wag ka matakot na sabihin sa kanya na napapagod ka din pero wag na wag mo siyang kausapin na pagod dahil away lang tlaga ang dulot nito... lambingin mo siya palagi para lagi maganda ang mood niya ng makausap mo siya ng mabuti... sis wag mong kalimutan mag pray sa itaas dahil higit siyang makakatulong sayo ...

sharpener
01-12-2008, 04:41 PM
tanungin mo muna ang sarili mo.....

love mo pa ba sya, at love ka ba naman nya?
permanent visa ka na ba?

simplymystic
01-12-2008, 04:47 PM
tanungin mo muna ang sarili mo.....

love mo pa ba sya, at love ka ba naman nya?
permanent visa ka na ba?

I second the motion to sis sharpener....:yesyes : :yesyes: :yesyes:

MARICON
01-12-2008, 05:15 PM
alam mo daniellasan pagod lang yan kaya parang hindi na kayo nagkakaunawaan sana minsan magkaroon din kayo ng private lang na kayo lang ng family mo kasi mukhang busy kayo palagi kya baka mamaya nyan nakalimutan nyo na ang isat-isa...dont worry hindi lang ikaw ang napapagod sa mundo marami tayo jan kya konting tiis pa pasensya. maliban lang kung pagbuhatan ka ng kamay dba?eh hindi nman,,,sa part ko nga sen yen nga lang nagagalit na asawa ko kpag humihingi ako ehhhh,,,dba mas malala yun? compare sayo...pero gamman pa rin ako.darating ang araw talaga na hindi lang puro hirap at pagod ang mararanasan mo may ginhawa rin....kaya SMILE lang............kapa g pagod ka pikit mo na lang mata mo at mag-imagen ng magandang bagay huwag padalus-dalus na makipaghiwalay o d kya lumayas kc wala sa una yung pagsisisi laging nsa huli...yan paalala lang bilang mother at asawa na rin....hanggat kaya mo at kayanin mo pa JUST GO MOM!!!!!!!:)

katty0531
01-12-2008, 05:20 PM
Hi po!

Kung ang sagot nyo po ay 50/50 sa tanong ni ms. sharpener....
mukhang mahabang usapan pa ho itong kwento ninyo, masarap lumayas...oo...pero mahirap makipag hiwalay, siguro kahit ganyan yang asawa ninyo mahal nyo pa rin yan, kasi meron din syang mga magagandang ugali kaya naging asawa nyo sya...kaya, mahirap man pag isipan nyo hong mabuti saka kayo mag desisyon.

Goodluck po. Welcome to TF family!

katheyrine
01-12-2008, 05:53 PM
tanungin mo muna ang sarili mo.....

love mo pa ba sya, at love ka ba naman nya?
permanent visa ka na ba?

napangiti naman ako ditow:D :D :D

bell
01-12-2008, 06:09 PM
basta ang isipin mo kung kaya mong hiwalayan sya,or kaya mong makipaghiwalay sa kanya.at kung kaya mong harapin ang mga mangyayari sa mga darating na araw.mas maganda nga yon sinabi nila kausapin mo at para masabi mo ang gusto mong sabihin.wag magpadalus-dalos ng desisyon isiping mabuti..gudluck!

ambassador
01-12-2008, 06:26 PM
Yon din ang advise ko . Magusap muna kayo. Siguro mas maganda punta kayo sa park para marelax sya tapos saka mo kausapin. kUng ayaw talaga, hanap ka ng paraan para pakinggan ka. Yong parents nya kausapin mo rin tungkol sa inyong situation para mabigyan din sya ng advise. Sabihin mo lahat tungkol sa situation mo. Walang masama doon.

shiawase
01-12-2008, 06:36 PM
hello daniela.... bait mo namang asawa... alam mo walang ibang solusyon dyan kundi communication... i-open up mo lahat sa kanya ang nararamdaman mo at pati na rin kung san napupunta ang pera na pinapasahod nya sayo... mukhang kibishii ata ang asawa mo? tama, wag kang magpaka-martyr... hindi porket asawa ka nya eh pati pride mo kaya nyang tapakan... :)

xena15
01-12-2008, 07:17 PM
hi daniela,,,nakarelate naman ako sa situation mo ngayon........pareha s din tau may sarili ring resto ang hubby ko at dahil wala kaming baito ngayon kami lang talgang ang nag mamanage ako sa floor lahat lahat cya kitchen lang,,,,pag Bc para kaming asot pusa talga sina sahuran din nya ako kaya minsan ganun din ang feeling ko prang baito lang tingin nya sa akin d niya ako kinakausap minsan galit pa........pero lam mo eto lang medyo nagbago na cya kc napuno na ako eh o cguro stress lang:p dahil sa pagod sa work kinausap ko sya sabi ko maghiwaly na kami ng bahay tutal kailangan niya ng baito papasok parin ako sa kanya at ako namn kailangan ko ng work at syempre pera db???Pero lam mo d cya pumayag dun cguro nag icip din cya noh......kaya lam mo pag usapan nyo yang mag asawa alam ko maiintindihan ka rin nya at tulad nga ng sabi nila pag isipan mong mabuti ang advantage and disadvantge ng lahat ng gagawin mo........Sori po medyo Ot na poh.... Ganbatte ne..........

angelica
01-12-2008, 07:17 PM
guys.....basahin ulit natin ang post ng threadstarter.....si nusubukan nga daw nyang kausapin ang asawa nya pero lagi daw galit.....haaaay!!!! pero try mo pa rin baka makatsempo ka nang tamang pagkakataon na nasa mood ang asawa mo.....
ang hirap ng situation mo,,,,parang ordinary employee ka lng nya tapos panggastos mo sa bahay sagot mo pa....ano yun?e kung singilin mo kaya sya tuwing sisiping sya sayo...hahaha...joke !!!keep on smiling....gambatte ne:)

daniela
01-12-2008, 07:26 PM
Oo naman. pero hindi tulad dati nung magsyota pa syempre. kaya lang... sa sitwasyon ngayon, parang hindi na basehan ang love. parang mas nakikita ko ang bad side niya kesa sa good side.:(

daniela
01-12-2008, 07:36 PM
anyway, kakausapin ko nalang siya ulit. paghindi pa rin nasolve baka layasan ko muna ng ilang araw para matauhan. salamat sa mga payo ninyo, nabawasan ang bigat ng problema ko, iba talaga pag-pinoy. thankssss:) sa mga advce.

chokulit
01-12-2008, 07:38 PM
Pag pinakita mong kaya mo, iaasa lahat sa iyo...
pag di ka umimik, aabusuhin ka
pag pinakita mong weak ka, mas lalo kang pagsasamantalahan...

kulang lang yan sa sindak...kahit lalaki may kahinaan, good timing lang ang kailangan :) be wise, sabi nga ni sir doc...di na uso martir ngayon hehe

naughtymeeh
01-12-2008, 07:47 PM
:D :D pag ako ang tatanungin mo lalayasan ko yan.. sensya na .. hindi na uso martir ngayon ... minsan lang mabubuhay ang tao .. hindi ko mimiserablehin ang buhay ko sa ganyang klaseng asawa ...

tanungin mo muna yang sarili mo kung kaya mong humiwalay? magagawa mo lang yan kapag nangibabaw yung utak mo sa puso mo... at kung hindi mo iisiping masisira ang pamilya mo. :)

:D :D :D jejejje......tama..t ama....korek ka jyen mod doc!!!.....Ask yourself muna if kaya mong mag hiwalay sa asawa mo?...alam mo sometimes tayong mga filipina we are so mabait na martir nag bubulagbulagan sa ginagawa sa atin...its becoz cgro we wanted to save the relationship di bah?pero pag ganyan naman ay...naku!...too much na ang pag titiis mo!....:D
jejeeeejeje......

danasan143
01-12-2008, 08:08 PM
hello sis alam mo swerte mo sana dahil nakapangasawa ka ng negosyante yun nga lang di mo napakinabangan ang kita nya at ginawa ka pang taohan well if thats the case kunin mo sahod mo pero wag mo ikaltas duon ang dapat ay obligasyon nya dahil wala nang matitira sayo nyan at kung hahanapan ka nya ng pera nako mas mabuti sa labas ka nalang magtrabaho para wala na syang masabi ikaw lang ang makakapag solve ng iyong problem mag isip ka nalang muna ng ibang options ..........

VeeGee
01-12-2008, 09:33 PM
daniela, kung tumatanggap ka ng sahod sa business mo, so staff ang tawag duon..kaya lang kung asawa ang gusto mong turing, huwag kang tumanggap ng suweldo,dapat siguro sa ngayon ibahin mo muna ang attitude mo tungkol dito...kung wala kayong business, paano kayo mabubuhay, ituring mong sa iyo din ang business dahil dun nang-gagaling ang pinapadala mo sa Pilipinas.. kung tutuusin wala tayong obligasyon na magpadala sa Pilipinas, naging kaugalian na lang natin na mag-abot ng konti sa atin, kung napapagod ka sa schedule mo ,then quit the job but not the marriage...if you quit the marriage, where will you go, kaya mo bang tumayo ng sarili kasama ang anak mo..about your savings, bakit kailangan i-check ng husband mo? meron ba siyang nakikita sa iyo na impractical na spendings? maybe that's his way of saying you should handle your finances wisely (businessman kasi)... tignan mo rin ang side niya, baka makatulong ito na mabawasan ang sama ng loob mo,right?Remember, father yan ng mahal mong anak...

louvette_15
01-12-2008, 10:03 PM
tama sila sis, ganun talaga buhay nating mga asawa...nakakapagod at maraming pagkakataong unfair...d na nga daw uso martir ngaun, pero nasa iyo parin naman kng ano ang gusto mong mangyari...kaakibat ng pagpapamilya ang sakripisyo at pagbibigay...tandaan mo lng na mas maswerte ka parin kumpara sa nakakarami satin...

ako ubos na sarili kong ipon dahil huminto ako ng work dahil nagbuntis at nanganak pero ang obligasyon nandyan prin. hindi ako nahingi sa asawa ko para sa mga gusto ko. hindi rin sya perpekto. ilang beses ako stressful at pagod na talagang d ko mapigilang ma depress.marami rami na rin akong nai post dito tungkol sa buhay ko dito..at marami na rin akong nababasang post ng buhay-buhay ng iba nating ktf. may kanya-kanya tayong krus na pasan-pasan...kahit ano pa mang gawin natin o mapagdesisyunan, hindi rin tayo nakakasigurong mapapabuti tayo db? kaya make the most out of the situation na lang ginagawa ko. mga munting gusto ko, ginagawan ko na rin ng paraan..though normal ding paminsan minsan sumasabog ako..dahil ako lng naman mag isa dito sa bahay most of the time, sa tf ko na lng din binubuhos kung ano man nararamdaman ko...

minsan magpahinga ka..give yourself a break. malaking tulong un. ganun ginagawa ko kapag na-overwhelm ako negatively sa aking responsibilidad at sa buhay. kapag kaya ko, pinipigilan kong makipag away o mag reklamo sa asawa ko. kaya sa mga outburst ko, pinagbibigyan nya ako..na learn ko kasing wala rin nmang posive na idudulot kung palagi akong magrereklamo o magagalit dahil frustrated ako sa mga ngyayari sa buhay ko db? pero vocal ako sa kanya sa mga feelings ko.

Dondake303
01-12-2008, 10:17 PM
Hajimemashite miss daniela, mahirap talaga ang sitwasyon mo. Sa palagay ko e talagang mahilig sa negosyo ang mister mo at pati ikaw na asawa niya, e hindi na asawa kung ituring kundi isang empleyado na niya. Para sakin sis, subukan mo siyang kausapin ng nasa magandang kondisyon siya yung alam mong hindi siya agad magagalit. At kung gusto mo muna mabago unwind mo subukan mong magbakasyon sa atin sa pinas para naman makapag isip isp ka ng magandang bagay na gawin. Sana wag ka agad magiisip ng hiwalay dahil sa sitwasyon mo ngayon. Turuan mo kaya ng leksyon, punta ka muna sa isang kaibigan o kakilala subukan mo kung anong gagawin niya at kapag gumawa na siya ng move dun mo kausapin ng maayos at sabihin ang nasa sa loob mo. Kung hindi ka gagawa ng move magiging ganun pa rin ang buhay mo, wag ka mawalan ng pag asa lakasan mo ang loob mo na may papananalig sa dios walang imposible sa kanya. Goodluck sayo, kayang kaya mo yan sis:)

hjkl
01-12-2008, 10:22 PM
tanungin mo muna ang sarili mo.....

love mo pa ba sya, at love ka ba naman nya?
permanent visa ka na ba?

napangiti naman ako ditow:D :D :D

Oo nga, Daniela-san.. PR visa ka na ba? ;)

Pag hindi pa eh, kaunting tiis pa until makuha mo iyon, para wala ka nang aalahanin (sa pag-stay sa Japan) kung makipaghiwalay ka man sa spouse mo in the future..

Unless sinasaktan ka physically, pakisamahan mo na lang muna until you get that PR visa..

Pero, I hope things work out between you and your partner, ne.. :)

Stacie Fil
01-12-2008, 11:06 PM
Hi Daniela,

It seems na communication problem or gap lamang ang problema mo/nyo. Huwag sanang padalos -dalos. Sobra kayo pareho sa trabaho at parang medyo kulang nang time at karinyo sa bawat isa. Well, hindi nga madali dahil hindi Pinoy ang partner mo. Pero gaya nang sabi nang ibang ka-TF, may paraan. Kaya cool ka lang.

Halimbawa, imbis na hiwalayan agad ang nasa isip mo, bakit di nyo na lang pagusapan mag- asawa mo kung kailan niya ilalabas/pasyal ang anak nyo nang makapag-pahinga ka naman mag-isa. Nang maintindihan niya na pressured ka rin.

Imbis na ipilit ipaunawa mo na asawa ka, bakit di mo tanungin o i-compare yung regular budget nang ibang misis diyan. Then maipaliliwanang mo na rin kung bakit yun lang ang laman nang account mo. Iba yung inaasahan niya kase di rin niya alam ang gawa mo.

Para bang di kayo magasawa...? :eek:

Ha,ha,ha sana eh magka ayos kayo nang walang away.

:)

gud nun, sa lahat ng taga TF. new user lang po ako at gusto kong ishare sa inyo ang buhay ko dito sa japan. now, here is my problem... 20 ako ng magpakasal, nagkaroon ng anak at ok naman ang takbo ng relasyon naming mag-asawa. may sarili siyang restaurant, at tumutulong ako sa resto nung huminto ang staff niya sa kitchen. So, natural lang ba kung binibigyan niya nga ako ng sahod, pero doon ko naman kinukuha ang expenses ko lahat lahat? tulad ng cellphone bill, car gasoline, expenses ng anak ko, padala sa amin at ibinabawas niya pa sa sahod ko ang isang lapad, dahil para daw iyun sa air fare kung sakaling umuwi kami ng pinas.:rolleyes: tapos nung isang araw, tsinek niya ang savings book ko at nakita niyang kokonti lang ang laman? tinanong niya ako kung bakit wala raw akong ipon? hindi ko alam kung papaano sabihin sa kanyang nahihirapan na ako sa sitwasyon, dahil kung ituring niya ako ay hindi asawa, kundi isa sa mga staff niya. minsan gusto ko ng sumuko at lumayas, pero iniisip ko ang anak ko kung sakali. pagod na pagod na ako... sa umaga kailangan ko pang ihatid sa day care ang anak ko, tapos trabaho hanggang 2~3ng hapon, then sunduin ang anak ko, tapos iiwan ko sa mga byenan ko, then balik trbaho hanggang 9~10ng gabi. halos hindi na nga ako makaligo sa pagod at halos hindi ko na maayos ang sarili ko, dahil pagdating sa bahay ay gawaing bahay naman ang aatupagin.At siya ay nakaupo lang habang nag-iinum ng alak at nakaharap sa tv:mad: .Hindi ko masabi sa kanya ang paghihirap ko dahil hindi ko pa man inumpisahan ang sasabihin ko ay nagagalit na siya. porke't siya nga rin daw ay pagod. kaya nauuwi lang sa away. walang araw na hindi kami nag-aaway nito. So, please someone advice me what to do? gulong gulo na ang isip ko.

hi daniela,,,nakarelate naman ako sa situation mo ngayon........pareha s din tau may sarili ring resto ang hubby ko at dahil wala kaming baito ngayon kami lang talgang ang nag mamanage ako sa floor lahat lahat cya kitchen lang,,,,pag Bc para kaming asot pusa talga sina sahuran din nya ako kaya minsan ganun din ang feeling ko prang baito lang tingin nya sa akin d niya ako kinakausap minsan galit pa........pero lam mo eto lang medyo nagbago na cya kc napuno na ako eh o cguro stress lang:p dahil sa pagod sa work kinausap ko sya sabi ko maghiwaly na kami ng bahay tutal kailangan niya ng baito papasok parin ako sa kanya at ako namn kailangan ko ng work at syempre pera db???Pero lam mo d cya pumayag dun cguro nag icip din cya noh......kaya lam mo pag usapan nyo yang mag asawa alam ko maiintindihan ka rin nya at tulad nga ng sabi nila pag isipan mong mabuti ang advantage and disadvantge ng lahat ng gagawin mo........Sori po medyo Ot na poh.... Ganbatte ne..........

guys.....basahin ulit natin ang post ng threadstarter.....si nusubukan nga daw nyang kausapin ang asawa nya pero lagi daw galit.....haaaay!!!! pero try mo pa rin baka makatsempo ka nang tamang pagkakataon na nasa mood ang asawa mo.....
ang hirap ng situation mo,,,,parang ordinary employee ka lng nya tapos panggastos mo sa bahay sagot mo pa....ano yun?e kung singilin mo kaya sya tuwing sisiping sya sayo...hahaha...joke !!!keep on smiling....gambatte ne:)

daniela, kung tumatanggap ka ng sahod sa business mo, so staff ang tawag duon..kaya lang kung asawa ang gusto mong turing, huwag kang tumanggap ng suweldo,dapat siguro sa ngayon ibahin mo muna ang attitude mo tungkol dito...kung wala kayong business, paano kayo mabubuhay, ituring mong sa iyo din ang business dahil dun nang-gagaling ang pinapadala mo sa Pilipinas.. kung tutuusin wala tayong obligasyon na magpadala sa Pilipinas, naging kaugalian na lang natin na mag-abot ng konti sa atin, kung napapagod ka sa schedule mo ,then quit the job but not the marriage...if you quit the marriage, where will you go, kaya mo bang tumayo ng sarili kasama ang anak mo..about your savings, bakit kailangan i-check ng husband mo? meron ba siyang nakikita sa iyo na impractical na spendings? maybe that's his way of saying you should handle your finances wisely (businessman kasi)... tignan mo rin ang side niya, baka makatulong ito na mabawasan ang sama ng loob mo,right?Remember, father yan ng mahal mong anak...

yuki_luv
01-13-2008, 12:01 AM
hello po miss daniella...alam mo may alam akong ganyan din ang problema katulad sa iyo. yung kakilala ko siya na lahat sa gastos sa bahay. siya pa ang nagbabayad ng utang ng asawa niya. hanggat kaya niyang magtiis ginawa niya. nung hindi na tagala niya kaya nilayasan niya yung asawa niya. kaya payo ko sa iyo. konting tiis muna. magusap kayo ng maayos ng asawa mo. yung pareho kayong hindi pagod...:) goodluck sa iyo sister... gambatte. god bless

gud
01-13-2008, 02:00 AM
dear ms. daniella,

makikisali lan ha...

lets say na parang empleyado turin nya sayo at hindi na parang asawa, un ang d maganda...

empleyado, dapat sa trabaho... pagdating sa bahay, dapat asawa...
empleyado, empleyado... asawa eh asawa...

kun ayaw ka nya pakinggan kahit minsan, dapat mo sya bigyan ng leksyon...
respeto nman sana nya un nararamdaman mo... kase tao ka at asawa ka nya..
wag kang alisan ng karapatan magsalita ng gusto mo paliwanag sa kanya...

di ko sinabing hiwalayan mo... dahil me mga anak kayo...
kundi lumayo ka muna for the mean time, iparamdam mo sa kanya kun gano ka
ka-importante sa buhay nya pag nawala ka... kase yun an di nya pa alam, kun gaano
kahirap mawala ang asawa sa tabi nya...
kailangan nya ma-realize na
ASAWA KA at hindi ka tau-tauhan...

nakalimutan na rin yata nya ang obligasyon nya bilang asawa at lalaki
at HINDI DAPAT sa sweldo mo iaasa...
tas hahanapan ka pa kun bat konti lan naipon mo... BAKA NAKALIMUTAN DIN NYA
YATA ANG IBIG SABIHIN NG PAG AASAWA... (sa hirap at ginhawa) hindi pede isa lan
ang puro hirap o sakripisyo...

dati rin kaming me negosyo (construction family corp)... me kanya kanya kaming sweldo pero ni minsan di ginawa ng asawa ko yun ganyan na sa sweldo ko kukunin lahat ng bills, foods, etc... bukod ang sweldo ko... bukod din ang panggastos sa bahay...

ito lan pede ko ipayo sayo...
IPARAMDAM MO SA KANYA ANG HIRAP PAG NAWALA KA....:yesyes:

time will come maiisip nyan mali sya.. na ikaw ay asawa nya, at di empleyado nya

bahaykubo
01-13-2008, 11:35 AM
*sa palagay ko po lahat ng mommies na nag wowork even japanese and filipinos busy po at hectic ang sched.wag po nating isisi sa asawa mo ang lahat.Baka gusto nya lang maging money wise ka at i budget mo ang time mo..
*isipin na lang natin na hindi mo sha asawa.sabihin nating boss mo sha
tapos nag wowork ka sa isang resto na hindi sha ang may ari...
*hindi yata lahat ng hapon sinasagot ang cp bills ng asawa nito lalo na kung malaki.and gas?dapat talaga ikaw may sagot nyan kung ikaw lang ang gumagamit.
*ano po ang expenses ng anak mo?mashado ba malaki nagagastos mo?kung pang okashi or laruan..natural lang yata..kahit sinong mommy ay gustong bigyan ang anak nya ng mga kailangan nito galing sa sarili nitong bulsa na hindi na kailangang kwentahin pa.
**yung padala sa inyo siguro its not your husband obligation na..at hindi mo din dapat obligahin ang sarili mo..may sarili ka na kasing pamilya ngayun.sorry opinyon k lang po.(once kasi padala ka ng padala sa pinas hindi ibig sabihin nito tinutulungan mo sila.kundi kinukunsinti mo pa yata.hayaan mo silang magtrabaho para sa sarili nila)hindi ko po alam ang situation mo sa pinas sorry po kung mali.
*1 lapad para sa airefare*baka sobra naman yun.di na makatarungan
pero ang haba naman ng time mo sa trabaho...
yung pasok mo 2-3 ng hapon?1 oras lang? or "2am ng umaga hanngang 3 ng hapon?
9-10ng gabi? 1 hr lang bato?
hindi ko maintindihan

kung ganito lang kaigsi ang trabaho la ka ngang maiipon nyan.

sa palagay ko dapat mag stop ka munang mag work at unahin ang sarili mo at pag aalaga sa anak mo at asawa mo..tapos sha pag bayarin mo lahat ng bills mo.ewan ko lang kunhindi maasar yang asawa mo.

wag mnong obligahin ang sarili mo sa pagtratrabaho..

daniela
01-13-2008, 05:11 PM

am 10-3pm then, 5-10pm. namamayat na nga ako dahil sa hindi sa sakto ang oras sa pagkain. kahit gaano ako ka pagod ako pa magluluto pag-uwi sa gabi. Oo isang lapad nga binabawas niya sa sahod ko. Air fare daw.
salamat sa advice. ganbarimasu:(

katty0531
01-13-2008, 07:03 PM
am 10-3pm then, 5-10pm. namamayat na nga ako dahil sa hindi sa sakto ang oras sa pagkain. kahit gaano ako ka pagod ako pa magluluto pag-uwi sa gabi. Oo isang lapad nga binabawas niya sa sahod ko. Air fare daw.
salamat sa advice. ganbarimasu:(

Sa tingin ko po sobra ang pag gagambaru ninyo, muri shinai de....hindi maganda yan di oras ang kain mo. Masarap din maging full time housewife:D pero baka ma boring ka din, kahit yong 10-3 pm lang ang work mo malaking tulong na yan para sa asawa mo. Daiji yourself, mag tira ka po para sa sarili mo...kung ano lang kaya mo ipadala sa Pinas yon lang wag mo na pilitin.
Ingatan ho naten mga sarili naten kasi wala pa naman tayong nanay na mag aalaga saten dito sa Japan hehehe....ako parati ganon iniisip kapatid, goodluck sayo at sana maayos mo na situation mo:) talk to your husband heart to heart pakikinggan ka nyan kahit "nakinagara" sabihin mo parin.:D

kazz314
01-13-2008, 10:03 PM
hi daniela san!tama mga sinabi ng mga kapatid natin...ibuhos mo nalang dito sa TF yang STRESS mo...kasi ganyan lang din ang ginagawa ko:D If I were you,stop ka nalang muna sa trabaho...sabihin mo sa hubby mo gusto mong magpahinga muna dahil pagod kana at para maiwasan ang away!pag yasumi ng hubby mo saka mo nalang siya kausapin ng masinsinan...lahat lahat ng nararamdaman mo sabihin mo para malaman niya,na nahihirapan kana...baka kasi akala niya nag i enjoy ka sa life mo ngayon:) communication talaga ang kailangan sa mag asawa.....huwag kang magpadalos dalos ng desisyon!sabi mo na nga nakailang attempt kana na kausapin siya pero nagagalit kaagad...huwag kang matakot!ako dati ganyan din sayo,pero nakakasawa din. ...kaya one time sabi ko sa hubby ko"hindi na ako takot sayo!mas nakakatakot kasi akong magalit!":Dkaya ngayon ako na naghahanap ng sukli sa kanya:p sindakin mo sis,para matauhan siya!pero huwag mo i give up ang marriage ninyo may mga options ka pa naman;)