View Full Version : Mga mommies..dapat ba 3 years old pa lang child ipasok na sa nursery?
fanfran
01-19-2008, 09:36 AM
Mga TF mommies....Is it better for a 3 year old child to enter na sa hoikuen or youchien,which is appopriate ba?Or do I have to wait until my child turns 4 to enter youchien?Mas mabuti ba sa child's development na 3 years old pa lang nasa nursery school na?What are the advantages and disadvantages?Alin po ba ang mas mabuti,sa public or private?I heard some stories na it is difficult to enter a public hoikuen/youchien.How much naman po ang mga expenses?Mga mommy ano po ang experience ninyo,share naman po ninyo some information.Thank you!
miffy
01-19-2008, 10:03 AM
Mga TF mommies....Is it better for a 3 year old child to enter na sa hoikuen/youchien(w/c one ba is appropriate?).Or do I have to wait until my child turns 4 to enter youchien?Mas mabuti ba sa child's development na 3 years old pa lang nasa nursery school na?What are the advantages and disadvantages?How much naman po ang mga expenses?Mga mommy ano po experience ninyo,help naman po.Thank you!
kung 3yrs old pa lang po at d naman kayo nagwo work better not to send your child sa hoikuen...wait na lang po kayo pag nag 4 na sia at sa youchien nio na lang po sia dalhin...
sa hoikuen po kasi,karamihan ng mommies doon ay full time sa work nila,so yung stay ng child sa hoikuen mas mahaba...mas stressful..
sa youichien naman po...mas lesser ang time,(from 9 am -3pm lang po yata).. so d po masyadong pagod ang bata at d po makakaramdam ng pagkainip...:halo:
d ko masasabi na makakabuti sa bata ang maagang pagpasok sa nursery school...marami silang mae encounter that sometimes might be the cause for them to be traumatized...but on the other hand made develop ang socialization nia...:halo:
sa expenses naman...
kung sa hoikuen,depende sa pagpapasukan nio pong hoikuen...d po pare pareho ang charge nila...may iba na free na ang lunch,meron naman pong iba na may bayad...
depende din po ang payment sa age ng bata...mas bata,mas mahal po...:halo:
wait pa po tayo ng iba nating ka TF sa kanila pong opinion...
bonitagracia
01-19-2008, 11:53 AM
ang baby ko nun 2.5yrs old sya pinasok namin sa preschool english 2X a week 4hours a day.enjoy sya sa school nya.
nasty
01-19-2008, 12:06 PM
etong baby ko by april this year baka maipasok ko na sa houikuen she's 2 and a half by that time ,,,i think ok naman kasi yung 2nd child ko naipasok ko ng hoikuen maybe 3 weeks lang syang nag stay dun ,,,suggestion ng principal dito sa elementary school before pumasok ng grade 1 ,,,galing kasi ng pinas and to learn more nihonggo ,,,houikuen nga yung naisipan ipractice andun din ako everyday binantayan siya(yung 2nd hild ko) and naobserve ko na yung mas mliliit na bata ,,,enjoy naman sila and they learn more simple tasks na itinuturo sa day care school....:) i'm now working 4x a week and mas convenient siguro for working mom like me to send their children in houiken pero kung di naman siguro nagwowork mas mabuting i enjoy niyo na lang si babies niyo muna...:)
ang anak ko 3yrs old nung pumasok sa youchien,gustong gusto nga ng anak ko laging pumapasok...marami kasi syang nakakalaro at maraming natutunan tapos nagkakaroon ng mga kaibigan...ngayon nga medyo nakakabasa na sya ng hiragana at mahilig kumanta kaya pag nagka karaoke kami lagi sya may hawak ng microphone:D di na sya masyadong mahiyain ngayon buhat ng pumasok sa youchien...ako naman po kasi dito lang lagi sa bahay,kaya sa youchien namin sya pinasok:)
poohbear
01-19-2008, 12:55 PM
share din ako ...... pinasok ko rin anak ko sa hoikuen mga 2 and half lang siya .....ok naman po kasi marami siyang natutunan at marami siyang kalaro ........enjoy na siya sa tingin ko ! yon nga isang problema ko eh namayat siya ! the reason is pihikan sa pagkain ang ang anak ko !... Sabi nila mga 4 years old daw talaga dapat pinapasok ang bata sa nursery ~~~~~ pero sa katulad kong working mom din at ng time na yon din eh kadarating lang namin galing pinas so naisip namin mas madaling matututo ang anak ko pagpinasok sa Hoikuen ...
Ikaw nasa sayo yon kung kelan mo gustong ipasok ang anak mo ....kung di ka naman nagwowork mas mabuti din kung wag mo muna ipasok . about sa nursery fee di po pare pareho ..... mas mabuti po kung magtanong muna kayo sa nursery na napili ninyo !:)
summergirl
01-19-2008, 01:52 PM
This is only my opinion..If I were you di ko muna ipapasok,masyadong bata pa.Ako di ko pinasok ng napaka aga ng bata..
Advantage...maraming friends,maraming matututunan...
Disadvantage...Maaga ng mamemedokusaiyan sa pag aaral..<Di lahat>Mahaba ag education dito sa Japan ng 2yrs..Pasarap mun sila while young,then pag age na talagang mag aral..magpursge mag-aral...
If your not working,enjoy mong kasama ang anak mo,dahil pag malalaki na sila..malungkot..Lik e me,14 and 21 ang anak ko..
dear_mommy
01-19-2008, 07:40 PM
My kids was jus 3 and 2 yr. old nung ipasok ko sila sa hoikuen:) at napansin ko they've learned a lot di lang sa part ng socialization but maging sa language at pati na rin behavior nila nag improve...humaba ang patience, following the rules, considering their friends' feelings which is the most important ...etc...i can't say di nila matututunan yun sa bahay, but being able to interact with other children aside from their peers in the family plays a big value sa pananaw ko..:)
but...hindi ko po sila ipinasok ng full-time...and i make it to a point na pag day-off ko noon ay di ko rin sila pinapapasok to spend quality time with them...
Well, the main reason naman kaya ko sila ipinasok dahil advice ng city hall sa amin for my youngest to cope up his slow development...
If there is a big reason why you'll going to send them to day care, then why not?
May kaibigan akong working (from 8 hrs. a day--overtime )at ipinasok ang baby nya full-time since the baby was just 2mos. old... very clever naman ang anak nya,has very good Japanese accent at the age of 2! napakabilis! mas madali pang pagsabihan about do's and don't coz they are practicing it sa hoikuen.. and she's a very happy child!
kaya lang po..kung hindi naman masyadong malalim yung reason para ipasok nyo si baby nyo sa hoikuen, siguro po hintayin nyo na lang mag 4 at saka nyo ipasok sa youchien..but before that, ipasyal nyo madalas sa mga kouen, o kung saan may chance silang makipaghalubilo sa ibang bata ng medyo mahabang oras para masanay..iba iba kasi ang mga bata..mayroong di agad nakaka adjust sa panibagong environment nila..at may ibang nagkakaroon stress gaya ng nabanggit ng ibang ka- tf natin...
nasa inyo po ang desisyon...sabi nga nila, mother knows best..you know what's good for your child dahil ikaw mas nakakaalam sa personality nya..be confident and good luck!;)
simplymystic
01-19-2008, 07:46 PM
yeah why not..mas maganda nga yung ganyang age .3 yrs old...yan talaga ang start ng nensyou sa youchien...mas makakabuti sa baby mo ...marami syang matututunan.....kesa yung nasa bahay lang sya....
seanty
01-19-2008, 11:00 PM
ako, hinintay ko na mag-4 yrs old ang baby ko kaya this april eh mag-yo-youchien na sya. in-enjoy ko lang yung company nya ng husto kasi hindi naman ako nagwo-work kaya OK lang na medyo matagal. Pero kung gusto mo mag-work, pwede na rin siguro ang three years old. Iba-iba naman kasi tayo ng sitwasyon eh di ba?
yuki10
01-19-2008, 11:27 PM
pa share din po. ako po 8 months pa lang po nasa hoikuen na po ang baby ko di naman po sa ayaw kong mag-alaga sa kanya. kaya lang po naisip ko kasi na kung ako lang ang kasama nya sa bahay baka po di sya kaagad matutong magnihonggo.tsaka for financial reason na rin po.:)
ngayon po 2 and half na po sya napakarami na po nyang alam siguro nga po mas magaling pa po syang magnihonggo sa akin eh.napakadaldal po tsaka matatas na po syang magnihonggo.kaya naisip ko po na yun yung advantage ng maaga syang ilagay sa hoikuien.kasi di naman po ako ganong karunong magnihonggo.:) tsaka mas masaya po sya pag nasa hoikuen kasi madaming bata kasi po dito di ba wala namang gaanong mga bata na naglalaro sa labas o un bang mangangapitbahay sa inyo para makipaglaro. :)
bangski_07
01-19-2008, 11:28 PM
my son is 2 yrs and 5months old now, ipapasok namin sya sa nursery this april. kawawa kasi walang kalaro. we want him to interact with other kids, socialize and learn new things. hopefully, he can adjust well, sa language, sa environment and culture ng school na papasukan nya.
for now, pinapasyal namin sya lagi sa mga parks, entertainment sites, malls though medyo magastos nga lang coz we have to go to highly urbanized areas. pag dito lang sa numazu, we regularly visit the children's section ng public library. natutuwa sya lagi don coz daming books, illustrations and the kids are friendly. natutuwa rin mga library staff sa kanya coz he'll name objects in english while his newfound japanese buddies would loudly point out to him the japanese terms for such and such objects.
sana he'll learn the language fast and have some playmates to play with and to learn new things..
fanfran
01-20-2008, 07:53 AM
Mga TF mommies....Is it better for a 3 year old child to enter na sa hoikuen or youchien,which is appopriate ba?Or do I have to wait until my child turns 4 to enter youchien?Mas mabuti ba sa child's development na 3 years old pa lang nasa nursery school na?What are the advantages and disadvantages?Alin po ba ang mas mabuti,sa public or private?I heard some stories na it is difficult to enter a public hoikuen/youchien.How much naman po ang mga expenses?Mga mommy ano po ang experience ninyo,share naman po ninyo some information.Thank you!
Wala naman po akong plan to work.My main concern is about the child's intellectual development.I have only one child,kaya stories,experiences and different opinions from other mothers is a big help.
honey
01-20-2008, 06:25 PM
Tama mga sabi nyo:) na magandang ipasok ang bata sa hoikuen kasi mas matututo sya kung iba iba ang kausap na bata makisocialize sa iba.Iba kasi dito sa japan na halos walang tao na pedeng makausap ang bata.Sa pilipinas kahit hindi mo ipasok sa nursery e natututo:).
Lam nyo kasi nakakaawa din yung bata na walang kalaro tas hindi marunong makipagcommunicate sa iba parang anak ko:D3 yrs. old na daughter ko gusto ko ipasok sa hoikuen at kumon pero hinihintay ko pa kung papayag si boss dahil paiba iba isip kung ako lang e matagal ko na ipinasok:D.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.