PDA

View Full Version : ILANG YEARS NA KAYO NG HUBBY MO AT NAGBAGO NA BA SYA?

cutie1403
01-21-2008, 09:17 AM
mga ka TF,lately kasi naming topic ito ng mga friends ko.na ang hapon sa umpisa lang magaling.pero pag ilang years na kayong nagsasama eh nagbabago na sya.kung baga gambatteru pa sya pag una pa lang kayo pero nagiging tsumetai na sya pag tumatagal na.napapansin ko kasi sa iba nating mga sister na malambing pa sa kanila mga hubby nila kaya curious lang ako.

ilang years na kayo ni mister at ano na ang nagbago sa inyo?

kami 5 years na at ito na nagbago sa amin:

nung bago pa lang kaming mag-asawa,araw-araw syang nagtetext sa akin pag break time nya sa work at laging may i love you,ngayon wala na yun

yung pagkiss bago pumasok sa work at bago matulog,nawala na din yun

yung pamamasyal pag yasumi nya,bihira na lang

sabi ng iba kong friends na matagal ng may asawang hapon,ganoon daw talaga sila.anshin na kasi sila sa asawa nila at alam nilang andyan lang kaya taken for granted na ang asawa.no wonder kaya madaming rekkon sa kanila.:(

cutie1403
01-21-2008, 09:41 AM
para naman sa mga husband jan,share din kayo kung may nagbago na ba sa inyo sa asawa nyo?bakit ba nagbabago ang mga lalaki pag tumatagal na?nagsasawa na ba o nawawala na ang pagmamahal?

Dondake303
01-21-2008, 09:58 AM
Miss cutie1403:) kami naman ng hubby ko almost 3years and 6mons na mula nung kami ikinasal. Pero mga 2years mahigit palang kami nagsasama bilang mag asawa.

Noon, hindi siya malambing, prangka magsalita. kaya natakot ako sa kanya before. Baka pag nagsama kami e hindi siya maging mabuting asawa ko.

Ngayon, nagkabaliktad ang inisip ko. Hindi ko pinagsisihan ang mapangasawa siya sobrang baet at responsible na asawa't ama. Nakakatulong ko sa mga gawaing bahay ( kaya ata ako nananaba:O ) at good provider. At pwedeng pwede sa kanya ang umut__ts:D

MARICON
01-21-2008, 10:00 AM
kami 3 years plang.....wala pa nmang nagbago.....mas lalo pa kaming naging close kasi nakikilala ko yung totoong sya......away bati gaya nung mag boyfren plang kmi.....:D

katheyrine
01-21-2008, 11:27 AM
pashare nga din Ms Cutie..
kami ng mister ko eh matagal ding naging mag nobyo at ngayong mag asawa na kami hanggang ngayon eh walang pagbabago:D ...malamig pa sa yelo. walang katamis-tamis kumbaga...sya ang nabubuhay na bato...mahihirapan ka bago sya magreact sa isang bagay..:D whew! kaya kahit anong buhos ko ng init eh tigas pa rin sya..pero minsan natutunaw din ..di nga lang tunaw na tunaw:p kahit ganitong opposite kami eh ok lang...mahal kasi eh.:)

aj_4983
01-21-2008, 11:39 AM
2 yrs & 3 months
3 yrs n kmi this coming august:)
nagbago???
meron...

lalong bumait:);)

shuelma
01-21-2008, 11:44 AM
12 years na kming nag-sasama ng mister ko,.maraming nag-bago sa kanya...kc nung bago plang kmi ay super kuripot/bato ang puso/makasarili at walang pakiaalam sa damdamin ko...nang mabuntis ako sa unang baby nmin.dun po cia nag-bago naging galante/naging pusong mamon at naging sweet...hihihi:D ...dati nga po walang araw na hindi kami nag-aaway...ngaun boring ayaw akong awayin:D ...umepekto siguro ung gayuma/kulam ko sa kanya hihihi...hahaha...jo ke lng mo...ayun nga po at kaalis lng ng bahay ay tumawag at txt sa ketai ko ngaun:) ...takot na layasan ko :D .

bahaykubo
01-21-2008, 01:30 PM
kami po kami po kaka 6yrs pa lang..4yrs mag bf at 2yrs kasal

mga nagbago..
dati palagi akong inaaway ngayun nang aaway pa din..jwoke...minsan na lang...baligtad kami ng ugali kaya siguro tumagal
dati kuripot ngayun...aba aba wala na akong mahihiling pa....
dati sabi sakin wag daw ako puro sa familia sa pinas aba ngayun sha na yata ang close dun ei.
nagbago sha sa good side...
mas malambing nga lang sha nuon..sa pinas ako japan sha kung tumawag 6~8times a day pinakamaikli 30 minutes.......now mga 2times a day na lang...:D kasi magkasama na kami dito sa bahay..

miffy
01-21-2008, 01:47 PM
pashare nga din Ms Cutie..
kami ng mister ko eh matagal ding naging mag nobyo at ngayong mag asawa na kami hanggang ngayon eh walang pagbabago:D ...malamig pa sa yelo. walang katamis-tamis kumbaga...sya ang nabubuhay na bato...mahihirapan ka bago sya magreact sa isang bagay..:D whew! kaya kahit anong buhos ko ng init eh tigas pa rin sya..pero minsan natutunaw din ..di nga lang tunaw na tunaw:p kahit ganitong opposite kami eh ok lang...mahal kasi eh.:)

ms kat,kaya ka pala na shontis sa sobrang lamig ng darling mo...hihihi...:lol:
at ms kat,itry nio pong ireverse psychology ang darling nio...;)

kami po ni babes ay magpa 5 yrs pa lang po at ang nagbago po sa kania ay...

sa katawan po,lalong naging healthy...:wink: kaya sabi nila shiawase daw sia...:whistle:

sa ugali naman po...nahawa lang po sa akin ng pagiging malambing...:D
kaya lang po minsan,wala sa timing kaya asar talo po ako...:bonk:

chevelle:)
01-21-2008, 02:06 PM
kami po mag-7 years ng kasal ni hubby, ano ba nagbago sa kanya hmmmm...halos wala naman po. malambing kasi po talaga asawa ko pag kami-kami lang ng family ko. lagi nakasiksik parang ewan:D pero syempre pag may ibang tao, nahihiya na sya kaya kunwari naman deadma nya ako ha...ha...:D ano ba nagbago, siguro ngayon di na sya masyado nagwo-worry pag nagagalit ako kasi lagi nya sinasabi di ko daw sya kaya hiwalayan kasi mahal ko sya(kapal!):D

danasan143
01-21-2008, 02:55 PM
alomost 4 years na kami ng asawa ko syempre di na kagaya ng dati laging sweet ngayon minsan nalang pero love pa namin ang isat isa feel ko pa naman yun kaya walang problema

accralegon
01-21-2008, 04:18 PM
kami ng hubby ko 27 yrs ng kasal walang nagbago sa pagsasama namin.medyo mas maganda pa ngayon kasi kasama ko sya araw-araw,not like before mon-fri trabaho at sat-sun lang oras nya sa aming mag-iina.lagi syang pagod pag-uwi ako ganoon din nag-aaral pa kasi mga bata.
2 yrs. pa lang kaming nag-enjoy sa buhay mag-asawa
pagka-graduate ng bunso ko sa college.
'yun nga lang medyo ang edad namin di na mapigilan,malaking ipinagbago both of us.

nhatni
01-22-2008, 09:54 PM
samin namn ng asawa ko bale 8yrs n kami 6yrs kasal at 2yrs bf....una p lng alm ko n ganun ugali nia..."stupid love".una nanakit yang asawa ko grabeh strict at suplado.....tiniis ko lahat yun kasi mahal ko nga unang lalaki sa buhay...hangang sa nagkababy kami ganun p rn xia ndi p ngbabago maskit p nito mahilig p rin xiang magpunta sa mga club.ayun habng lumalaki yung baby namin away d2 away dun.one tym napuno nko kasi naawa ako sa baby ko mga 2yrs old xia nun.binigyan ko xia ng rikon papers sabi ko ayoko nah.tama n pagkatanga ko kako.then sabi nia sakin bigayn ko xia ng last chance.eto eto nmn ako c "tanga " binigayn ko ng last chance alng ala sa baby ko...after that ndi n xia nanakit,naging malambot xia pero strict p rn.hangang sa pumsok n baby ko sa kinder ndi n xia nannakit ni pitik ndi nia magwa sakin.at ngaun pag galit cia galit dn ako inuunahan ko xia xia ang bumababa.pero ang ndi nia maalis yung pagoomise nia.agree ako jan sa pagiging TSUMETAI nila.ganun tlga sila sa umpisa lng sila mainit....ngaun bawat away nmn laging may rikon n papers...cguro matatawag mo n akong tanga sa kwento ko....hirap pla mainluv at lalo n pag may anak ka....iniisip mo n lng yung kinbukasan ng baby.kahit ndi k n masaya basta ok ang anak mo....hayzzz naku mga katf ...ganbatte n lng sa lahat

poohbear
01-22-2008, 10:16 PM
kami mag 5 years na ........ so far wala naman pagbabago kung ano siya dati ganon pa rin ngayon .....:)

summergirl
01-22-2008, 10:19 PM
Hahaha..nahahalata ang mga beterana dito..Ayoko sabihin mabubuking..so far wala namang nababago.nadagdagan pa nga..Pag nag kaka edad umiingay pala...hahaha..talo nya ako sa ingay..hahaha:D

musikaghie
01-23-2008, 09:21 AM
Kaming magasawa simula ng kinasal kami ay ganoon pa rin, Walang pagbabago, Siguro dahil na rin ng bago kami ikinasal ay sobrang kilala na namin ang ugali ng bawat isa,Bali kasi 4 years siyang naghintay at nagpabalik balik ng Pinas bago kami ikinasal.

This coming October bali mag 14 years na kaming nagsasama sa hirap at ginhawa.At lalo pang naging maganda kasi lagi kaming magkaramay sa lahat ng bagay at mga problema namin.:)

nasty
01-23-2008, 10:53 AM
wala namang pagbabago masyado ,,,yun lang natuklasan ko na computer nerd pala asawa ko ...kaya mejo busy sya alone ,,,dati ako ako en ako lang talaga :O

rhynissa
01-23-2008, 11:56 AM
may kakilala ako ganito ang story eh, kaso yung kakilala ko eh nagger kaya dapat lang bugbugin ng asawa hahaha, napakaburara pa sa bahay. Pero alam mo kung sinasaktan ka, pwede mo ireklamo yan, bawal iyang pananakit kahit saan, assault and battery po yan..

samin namn ng asawa ko bale 8yrs n kami 6yrs kasal at 2yrs bf....una p lng alm ko n ganun ugali nia..."stupid love".una nanakit yang asawa ko grabeh strict at suplado.....tiniis ko lahat yun kasi mahal ko nga unang lalaki sa buhay...hangang sa nagkababy kami ganun p rn xia ndi p ngbabago maskit p nito mahilig p rin xiang magpunta sa mga club.ayun habng lumalaki yung baby namin away d2 away dun.one tym napuno nko kasi naawa ako sa baby ko mga 2yrs old xia nun.binigyan ko xia ng rikon papers sabi ko ayoko nah.tama n pagkatanga ko kako.then sabi nia sakin bigayn ko xia ng last chance.eto eto nmn ako c "tanga " binigayn ko ng last chance alng ala sa baby ko...after that ndi n xia nanakit,naging malambot xia pero strict p rn.hangang sa pumsok n baby ko sa kinder ndi n xia nannakit ni pitik ndi nia magwa sakin.at ngaun pag galit cia galit dn ako inuunahan ko xia xia ang bumababa.pero ang ndi nia maalis yung pagoomise nia.agree ako jan sa pagiging TSUMETAI nila.ganun tlga sila sa umpisa lng sila mainit....ngaun bawat away nmn laging may rikon n papers...cguro matatawag mo n akong tanga sa kwento ko....hirap pla mainluv at lalo n pag may anak ka....iniisip mo n lng yung kinbukasan ng baby.kahit ndi k n masaya basta ok ang anak mo....hayzzz naku mga katf ...ganbatte n lng sa lahat

mamimo
01-23-2008, 08:28 PM
turning 8 this year, malaki nabago....para na lang kaming magkapatid.:eek::D

gud
01-23-2008, 10:08 PM
yes nagbago...
kun kelan bumabata na kmi sa haba ng taon pagsasama... :shutup:
:order: kun kelan/anytime pede ng magka-apo. 22 na c panganay/20 na c bunso

much much more sweeter na para ko lagin mawawala...
khit nasa CR lang ako, sus me!!! nakasigaw at hanap agad sakin...
sabi ko nga, ano ba? CR lan ako, akala daw nya kse wala nako !!!
para bang ksama ako mafa-flash sa cr.. whew!!!

much much more over protective na khit lamok bawal ako kagatin... :halo:

poohbear
01-23-2008, 11:07 PM

wowwwww naman ! kailangan yata sa hubby mo itali mo sa likod mo para kahit saan ka pumunta e kasama mo siya !hehehehe:D :cool:

gud
01-23-2008, 11:14 PM
wowwwww naman ! kailangan yata sa hubby mo itali mo sa likod mo para kahit saan ka pumunta e kasama mo siya !hehehehe:D :cool:

kun pede nga lan ba eh :doh:
sabi nga ng mama ko sa kanya nun nabubuhay pa (sa pinas kmi nun nakatira)
ikaw naman lagi para nawawala asawa mo :lol: lagi ka nakasigaw, ASAWA KO!!!!
pati mama ko, sisigaw ng ASAWA raw nya, tawag ka, sabay tawa :biglaugh:
VIBES kase cla 2... kahit mga bata madalas sya kantyawan...

poohbear
01-23-2008, 11:24 PM
sarap..... siguro ng feeling kung ganyan hubby mo kahit matagal na kayo ......para bang super ganda mo pa rin sa paningin niya kaya ayaw kang di niya nakikita ! hihihihi:)

lucky mo naman kay hubby moh ! kami kaya ganyan din kahit matagal na ....sabi kasi nila nagbabago daw talaga !:rolleyes: nawawala na yong mga lambing lambingan !:D

gud
01-23-2008, 11:35 PM

depende yan... ikaw magdala sa kanya para sumunod sya..
I mean, lagi ka mag sweet sa kanya... tsaka nasa communication rin yan to
keep your relationship good...

kaya mo yan :king:

kun alam mo lan, nun umpisa kami, hindi sweet asawa ko...
ako super sweet, sabi ko sa kanya, pag di sya nagbago, baka magka-hiwalay kami..

ayun! nagbago nga, nakupo! grabe naman :mushy: d makatulog ng di nakaakap sakin...

sabi nya nga, kahit pa uugod ugod na raw kami at naka-baston pa,
magkaakbay pa rin daw kami maglalakad at magde-date

poohbear
01-23-2008, 11:47 PM

wish me luck ate !:D

nakupo ! kailangan ko ng tumayo ditow sama na ng tingin ng danasan kow ! matulog na daw akow ! ja mata ashita ne !:wave:

mmb0517
01-24-2008, 08:12 PM
okey naman kami me nag bago sa aming 2 un mga katawan
namin:D dati sexy ako ngaun dabiana...dati prang sumo si
hubby ngaun malaki pa ako sa kanya:D ako ang naging cold
sa bed... gusto ko holding hands na lang kami...si hubby medyo
mainit init pa:O kasi naman pagod me sa work e....nag papa-
masahe sya ewan lang kung pati dun pinamamasahe nya....
nd ako selosa ewan ko ba kung bakit.....sabi ko kasi un mga
taong selosa o seloso ala bilib sa sarili nila.......sinabi ko un
sa kanya bago kami ikasal......minsan punta sya ng omese sa
mga pinay oks lang sa akin......kasi naman lahat ng omeseng
puntahan nya kilala ko un mga babae takot lang nya....
prang bestfriend kaming dalawa....dami nga naiingit sa amin
kasi di sundo ako ni hubby sa work pag uwian na.....gwapo pa
si hubby a at nd nagkakalayo age namin 42 ako sya 43.....
sabi nga ng mga kasamahan ko ano daw ba pinakain ko sa
hubby ko at sobrang kapit sa akin......ewan ko rin ba kung ano...
very supportive kami sa isat-isa un laban nya laban ko....
sa bahay pag magkakasama kaming mag-anak pra kaming
mga praning mag anak.......nd mo malaman kung sino ang
nanay,tatay o anak...yarihodai kami sa bahay depende sa
sitwasyon ng mga bata.....nag ka problema sa anak naming
dalagita sa bullys few months ago na sulusyunan naman
ala naman akong sekreto....o baka kaya nag titiis lang si
hubby sa akin? kasi family kami kaya shoganai???nd kaya>:mad:

mmb0517
01-24-2008, 10:46 PM
17 years na pala kami ng asawa ko......tagal na pde pa
kayang humirit??? JOKE!!!!!

mrs-mymelo
02-02-2008, 07:37 PM
Mag 16 years na kami,ala eh.Nagbago ang asawa ko lalo na lately,mas naging malambing at maasikaso.God is so good,praise the lord.

ellaeieiei
02-03-2008, 09:00 PM
turning 6 yrs na kami ng hubby ko sa feb 10. congratulate me naman hehehe :D

mrs-mymelo
02-04-2008, 10:41 AM
turning 6 yrs na kami ng hubby ko sa feb 10. congratulate me naman hehehe :D

Omedetou sa inyo ng hubby mo.Sanay marami pang fruitful years ang magdaan.:)

mrs-mymelo
02-04-2008, 10:43 AM
17 years na pala kami ng asawa ko......tagal na pde pa
kayang humirit??? JOKE!!!!!

Okey lang humirit,hehehe tagal nyo na rin pala no?Goodluck para sa lahat!

ellaeieiei
02-04-2008, 11:55 AM
Omedetou sa inyo ng hubby mo.Sanay marami pang fruitful years ang magdaan.:)

many thanks mrs-mymelo :) . i ope din sana tumagal kami at malampsan kung ano mang trials and darating sa amin.. again thank u :D

honey
02-05-2008, 05:29 PM
Wala naman nagbago sa kanya kung meron siguradong may ibang pinagkakabalahan kung hindi trabaho o babae yun lang naman pede natin maging kalaban e!.:p.

Kapag may napapansin ako sa asawa ko sinasabi ko kaagad kapag hindi sya umaksyon sinasabi ko na CAN I CALL A FRIEND natatawa syang bongga bongga :biglaugh: kaya nilalambing na nya ako:D.

Sa pangangatawan super nagbago dahil ang taba na nya at parang mansanan na unti-unting umuubok ang pisngi nya!:p.Sabi ko nga sa mister ko kung sino sya e nawala yung dating pinakasalan ko tawa na naman sya:D .

shakey
02-05-2008, 06:37 PM
4 yrs na kami ni hubby...sa ngayon ang pinag bago nya ay yung umuutot sya sa harapan ko ng malakas..tamad pala sya:D (i mean sa gawaing bahay) pero masipag sya(sa gawain nya sa akin:D )sa love walang pag babago...

maimai
02-18-2008, 12:56 AM
4 yrs na kami ni habibi..hay naku~ang laki ng pinagbago nya~!
minsan nga gusto ko na batukan habang natutulog!!~~ bakit??

lalo kasi lumakas ang hilik nya :D :p

kalembang
02-18-2008, 10:56 AM
Turning 7 years na kami ng bebe ko sa March 5, uy lapit na pala
Sa mga pagbabago,maraming nagbago:rolleyes: physically well medyo tumaba na ang asawa ko pero sya pa rin ang gwapo sa paningin ko, ako naman as always sexy parin ;) di kasi tabain!! tapos kung sweetness naman , well....mas lalong sumarap ang pagsasama namin dahil mas nagkaroon kami ng quality time together, mas dumalas na ang love making:D ,sabihin daw ba:O

God centered and full Trust is the key for you to have a Strong foundation of marriage. At syempre pagaalaga sa mga anak ,lalo na sa asawa. Wag na kontrahin yung ayaw ng partner natin kung alam naman natin na di naman ito makakatulong sa pagsasama natin. bow

nhidz20
02-27-2008, 12:11 PM
kami ni hubby turning 11 years na, maraming nabago sa kanya.( tumaba, lalong naging guwapo, lalong naging malambing at higit sa lahat alamnyo na.:D) dati nungbago pa kami sobrang payat nya na parang isang pitik mo lang matutumba na, yung mukha nya parang ang sungit sungit pero di pala. naging mapagbigay sya lalo na sa datung dati napaka kuripot. Lahat ng pagbabagong ito ay dahil sa pagmamahalan namin walang labis walang kulang.:D:D:D

erokawaiiAYA
02-27-2008, 12:17 PM
Malapit na kaming mag 2 years ni hubby, napansin ko lang na nagbago sa kanya , habang tumatagal, pabilis sya ng pabilis mag nihongo sa akin!!
ka loka na to !! litong lito na ang utak ko sa kanya!!!!:D:D

tisay
02-27-2008, 12:29 PM
4 yrs na kami ni habibi..hay naku~ang laki ng pinagbago nya~!
minsan nga gusto ko na batukan habang natutulog!!~~ bakit??

lalo kasi lumakas ang hilik nya :D :p

....sistah,,ibig sabihin nun anshin sya sa pagtulog ng mahimbing,,kaya wala ng pigil pigil...~:p :D...

...~~~kami naman ng hubby ko mag 7yrs na..ang nagbago sa pagsasama namin..di na kami nagaaway..~mendokusa i na kasi ang magtalo ..:rolleyes:..~sayan g ang oras~~;)

bluesapphire
02-27-2008, 01:47 PM
mag se seven years kami sa july:) pag kapanganak ko nag bago na agad sya, tinanong ko na rin yon sa kanya ..kung bakit di na sya nag a i love you at goodbye kiss.. sabi nya, para hindi raw kumupas ang love nya sakin...para nga naman hindi nakakasawa di ba? at araw araw naman kami magkasama.. he shows his love sa pamamagitan ng paglilingkod sa min ng anak ko at hindi pag papabaya... tama na raw yung ohayo,oyasumi,tadaim a at okaeri:rolleyes:

kyla06
02-27-2008, 09:02 PM
6 years na kami,3 years mag-bf bago nagpakasal,pagbabago ....hay naku...napakaraming pinagbago,akala ko dati mabait...napaka-urusai,sanay na'ko..hai na lang ako nang hai para walang away... simula nung nanganak ako,hindi na siya masyado urusai,minsan na lang.

rosby
02-27-2008, 10:08 PM
18yrs na po

tabako
02-28-2008, 06:34 AM
2 years pa lang kami! nagbago? ganito po yon! nung una ang saya dahil pamilya nga! ako ang asawa may mga pets pa nga eh, kumpleto kung baga! abay ngayon ako na ang pet yung mga pets yun na yung asawa nya, abay mas marami pa syang oras na inilalagi don kaysa sa amin ng baby! di pa yan may kirida pa si computer! kaya ako kumabit narin............... .................... ....dito sa TF:D hindi po joke yan.

joamie_tera
02-28-2008, 10:35 AM
Kami po 19 yrs, maraming nabago at meron ding hindi, ang hindi nabago nya ang sipag nya sa trabaho at ang pag care nya sa amin na pamilya nya, kasama na don ang family nya na inlaws ko, pero di rin naman nya nakakalimutan ang pamilya ko rin sa pinas. Ang nabago.... tulad ng mga sinasabi ng mga japanese housewives na nandemo atarimae na lang kasi nga asawa ka yung mga ginagawa mo sa araw araw ay dapat lang dahil asawa ka, pero yung sweetness nya tulad nung bagong kasal ay di na makita, pero nakikita ko yon na ginagawa nya sa mga anak na nya, alam mo naman ang mga hapon...hindi sila romantiko, kung baga nagkakaedad na, hindi na ba showy, nahihiya na ipakita ang feeling nila. Pero ok na rin kasi nakikita ko naman ang love nya kahit di na sya showy sa akin, nabibigay naman nya sa anak nya iyon OK na.:)

dReAmGhUrL
03-01-2008, 10:37 PM
kun pede nga lan ba eh :doh:
sabi nga ng mama ko sa kanya nun nabubuhay pa (sa pinas kmi nun nakatira)
ikaw naman lagi para nawawala asawa mo :lol: lagi ka nakasigaw, ASAWA KO!!!!
pati mama ko, sisigaw ng ASAWA raw nya, tawag ka, sabay tawa :biglaugh:
VIBES kase cla 2... kahit mga bata madalas sya kantyawan...

sna maging ganyan din kame ng hubby q..wla p kc kmeng 1 year eh..n ang dami n nmeng trials na hinaharap..pro d p nman tlga kme nag-aaway ng matindi..lahat inaayos nmen s mbuting usapan..n super sweet po xa..sna zutto ng gan2...