PDA

View Full Version : nakakadismayang tao


ninong
01-24-2008, 12:29 PM
sobrang bad trip ako ngayon dito sa kababayan nating pinay na matanda.dito ko na lang sa TF ilalabas sa pamamagitan ng pag kwento.

last week, pumunta yung kakilala kong pinay na obachan sa bahay ko at ipinapagawa ang nasira nyang laptop computer.pag abot sa akin,sabay tanong sya kung magkano.dahil matanda na at kakilala naman,sabi ko wag na syang magbayad at libre na lang.nagpapabili din sya ng webcam.

pag test ko sa pc nya,ayaw mag load ang windows at ikot lang sya ng ikot sa may prompt na start computer normally.di rin pwedeng mag install ng bagong windows dahil tumitigil sya sa gitna at napi freeze.

sinabi ko sa kanya, sira ang HD nya at dapat palitan.sinabi ko ang internet price ng 40GB na secons hand ay 3000yen at ang brand new na 80GB ay 6000yen.sinabi ko na kung di ako makakabili sa internet, bibili ako sa ordinaryong denki yasan at baka tumaas pa ng konti.

nagtanong ng advise,sabi ko yung used na lang kasi luma na rin lng ang pc nya,mabuting mag save ng pera at bumili ng brand new. pero nag insist na brand new ang ilagay ko.

so bili ako ng brand new.nagbayad ako ng parking,gumugol ng 2 oras sa trapik at nag gasolina sa kakaikot para mabili yung HD at webcam. finally,nakabili ako. 3000 yung elecom na webcam at 6500 yung 80GB na HD.

nag install ako ng windows xp prof na english, microsoft office, dvd software na gamit ang sarili kong softwares.wala syang recovery cd at walang driver kahit 1.

ilang oras din akong naghanap ng drivers sa internet para sa mga hardware ng pc nya at gumamit ng sariling CDR para mailipat sa pc nya ang mga drivers.then,natapos na ang pc nya...

nang ipa-pick up ko, andoon yung 2 resibo totalling 9500yen para sa hd at webcam.

sabi ba naman sa akin, wala na ba raw tawad?
5000 yen na lang daw at 5000 yen lang talaga ang pera nya kasi nagkasakit si ganoon at si ganyan.l

bwisit na buhay yan,oo...20 yrs na sya sa japan working as DH sa diplomat tapos babaratin ako ng ganoon?minimum 16 lapad ang sahod sa loob ng 20 yrs at free lahat tapos 5000 yen lang ang pera nya?pa brand new brand new pa, wala naman palang pera. buti na lang di ako bumili ng 200GB na worth 13000yen.

sa totoo lng,nagpipigil lang ako at gusto kong ihampas sa sahig ang pc nya.ang dating kasi sa akin ay para bang namamahalan sya sa singil ko samantalang 0 yen naman ang labor at sinasadyang baratin.ang ginawa ko, ibinigay ko ang pc nya at kinuha ang 5000 yen nya pero di ko ibinigay ang webcam.akin na lang yun.

ang nangyari,nag abono pa ako...bwisit talaga,oo.kundi lng matanda at babae yun,sasapakin ko na sana e.

paano ka nga naman sa ibang mga kababayan natin no?tulungan mo,pagiisipan ka pa ng masama.subuhan mo,sasagpangin pati braso mo.

aj_4983
01-24-2008, 12:41 PM
si lola makunat:hihi:
pagpasensyahan mo na... ganyan talaga pag tumatandang paurong:D

wes
01-24-2008, 12:46 PM
good day ninong :D ...

hmmm... parang napa-aga ata ang aguinaldo nyo ninong :D relaks lang po:D

louvette_15
01-24-2008, 12:48 PM
nakakainis nga po ang ganyan...next time nlng po, wag na kayong mag dasu ng sariling pera sa ganyang sitwasyon...magpaiwa n po kayo ng budget para sa dapat bilhin sa pag aayos...saka po dapat sinasali nyo ung gasolina kasi nilibre nyo na po labor, which is nakamura na sya...kasi ang alam ko po 2500 per hour sinisingil ng asawa ko pag may nagpapaayos sa kanya...

uvy
01-24-2008, 01:11 PM
relaks lang po,dapat po sya na pinabili mo ng mga piyesa na gagamitin para malaman nya at maranasan nya din hirap sa paghahanap,kasi free na nga ang service nyo eh,namihasa naman sya masyado:rolleyes:pag ako din siguro yon mahihigh blood din ako:Dmay resibo na nga lahat lahat tatawaran pa,ano ba yan pasaway talaga si lola:(hayaan mo po more blessings po dadating sa inyo sa pagtulong mo:)

twinklyblue
01-24-2008, 01:15 PM
ok lang yan.. may webcam ka naman.. :hihi: at least d mo dinayo ang denki-ya para sa webcam lang..haha..

ganun na nga lang..pagpasensyahan .. isipin mo na lang napunta un sa charity.. hehe..

k_e_n_k_a_y
01-24-2008, 01:20 PM
ninong, wala po bang pa-valentine's day gift dyan?

there is always a first time... :)
so next time alam mo na ang gagawin mo... wag ka basta bibili kahit me go signal na siya... the best way eh isama mo siya sa pag-purchase... para siya na mismo ang magbabayad...

danasan143
01-24-2008, 01:28 PM
sadyang may ganyan po talagang tao ang tawag dyan opurtunista hindi nag iisip sa pagod ng iba makasarili poh dapat siguro siya nalang mismo naghanap ng mga kulang na piesa at ng maturuan ng leksyon :(

proud me
01-24-2008, 01:39 PM
ninong...baka akala ni lola burantiya ka...at pinanghingi mo lang din sa mga mabubuting puso yung mga binili mo para sa kanya:D joke lang po!...Happy Valentine's mo nalang kay lola yun...next ingat nalang sa mga nasanay na sa mga ganyan...

tadashi
01-24-2008, 01:45 PM
kapal ha!!! kung ako sayo tinanggal mo na lang sana kinabit mo !!! abuso !!! parang yung mga kasamahan ko sa trabaho kumain kami at sa huli ambag ambag diba nagkataon na puro buo pera namin so binigay ko yung 2lapad ko dahil 5 kami...dapat tig 2sen lang kami aba nabalik sa pera ko 3sen .....tapos hindi pa rin ako binabayaran hanngang ngayon !!! nabigay at naubos na ang sahod !!!!

ninong
01-24-2008, 01:55 PM
kapal ha!!! kung ako sayo tinanggal mo na lang sana kinabit mo !!! abuso !!! parang yung mga kasamahan ko sa trabaho kumain kami at sa huli ambag ambag diba nagkataon na puro buo pera namin so binigay ko yung 2lapad ko dahil 5 kami...dapat tig 2sen lang kami aba nabalik sa pera ko 3sen .....tapos hindi pa rin ako binabayaran hanngang ngayon !!! nabigay at naubos na ang sahod !!!!

ewan ko ba mga ka TF pero parang sakit na yata ng karamihan sa mga kababayan natin yung ganito.
pag nagpapatulong,kawawa ng kawawa sila.pag natulungan na,kulang na lang lulunin ka ng buo.
sana masira ulit ang pc nya para doon sa akihabara o denkiyasan nya ipagawa.

yung ka officemate ko nga na kano,nagpa palit mula sa xp japanese to win xp na english sa isang shop sa akihabara,3 lapad singil tapos puro pirated pa ang ininstall na softwares.

miffy
01-24-2008, 01:59 PM
cheer up po!...;)

isipin nio na lang pong "it's better to give than to receive"...

think possitive po,malay nio may ibibigay po pala sia sa inyo in return sa ginawa niong pagmamagandang loob...:)

may good karma po para sa mga taong may ginawang kabutihan sa kapwa...;)

sarpon
01-24-2008, 02:15 PM
bawi na lang sa susunod...:D mahirap talaga pag kakilala ang inayusan mo... T.Y. na sa labor, abono pa sa pyesa...

listen
01-24-2008, 02:20 PM
mabuti nlang po may tf at least nailabas nyo yung galit nyo sa kanya.....walang magagawa tapos na kasi.....ang pasaway talaga kahit kailan pasaway..siguro naisip nya na nakamura sya ang hindi nya alam nagmumura ka na pla....hay buhay talaga....next time maging wise ka na.....ingat po.

officepro
01-24-2008, 02:37 PM
makikisali na rin po.
nung bago ako dito sa japan, may na-meet ako pinay. alam ko mabait. after a month of communicating, nagsabi sya na yung bike daw nya na naka-park sa eki e nawawala ang susi. so, nagsuggest ako na baklasin na lang ang lock, if ever may makakita na binabaklas e ako na kako bahala basta may registration papers sya na ipapakita, mejo nangangapa pa raw sya sa nihonggo.
so, after mabaklas, nagpasalamat naman.
kaso, kinabukasan, wa na ako pansin, as if may nagawa akong mali. and after that, everytime na makakasalubong ko, binabati ko pa rin kahit no response from her.
hay, kalahi mo nga naman sa ibang bansa....

accralegon
01-24-2008, 02:55 PM
hwag ka ng magalit maraming ganyan sa kababayan natin,di lang sa japan.
before nasa africa kami yung isang kabayan natin na-virus laptop nya at ayaw nya ipagawa sa mga itim wala daw syang tiwala.ang ginawa ko pinaki-usapan hubby ko, ok naman gagawin nya pero sunday lang available na oras nya.sinabi ko rin sa pinay,medyo naiiba kc austrian nationality daw nya but joined us sa phil comm. kaya ko nakilala.
sabi ni hubby ko medyo matatagalan di pwede 1 day dahil maraming document na impt.bale magdamag halos nag-download hubby ko pero di natapos the ff week pumunta sa bahay kukunin na lang daw nya kahit di tapos kc ang tagal gumawa ng asawa ko,at that time di ko pwede ibigay dahil di ko alam paano tangalin yun mga nakakabit.kinabukasa n inihatid naming mag-asawa ang laptop at nag-explain hubby ko na di ganoon kadali ayusin kaya sorry my husband said.sagot ba naman eh how much i owe you?pero usapan namin libre gagawin.then infront of her husband sabi nya better daw na sa
shop na lang dinala baka mabilis pang natapos.
bastos di ba?
eh di naman yun ang job ng asawa ko bale nag-offer lang me ng tulong.sabi ng asawa ko pagpasensyahan ko na lang kc matanda.same din kay ninong.ha,ha,ha

shuelma
01-24-2008, 03:22 PM
ninong puso mo,dikit lang yan ng kanin lamig...relax hinga ng malalim...ano okey kana:) ...tawa kana:D ...regalo mo na lng sa kanya un,...mano po ninong:D ...love ka ng mga tf:) .

rhynissa
01-24-2008, 03:50 PM
badtrip naman ang ganun, abusado.. hayy kung sinu pa talaga mga gurang iyun pa mga garapal.. next time sila na pabilhin mo para di ka na mapagod at di na mag-aksaya ng oras..

memyself&i
01-24-2008, 06:17 PM
kung ako yan, di ako papayag na di niya bayaran... jodan janai... hindi porke parehong pilipino nakikiusapan... Business is a business... Naku ninong sa susunod wag ka ng papayag, wala pala siya pera at nag dahilan pa na kesyo may sakit e wag niya pagawa PC niya...
Naku pow hindi talaga pwede sa akin ang ganyan ugali...magalit na siya... wala akong pake... bayaran niya dapat bayaran..

Wreinman
01-24-2008, 06:22 PM
oks yang diskarte mo. :) nasira lang para sayo yung matanda pero hindi ang lahat ng kababayan natin na nangangailangan ng tulong mo. nakatyempo ka lang ng taong mahigpit sa pera, di natin alam baka nga wala talaga syang hawak na pera nung sandaling yon. mainam na wag mong alisin sayo ang pagiging matulungin. :)

lucky day mo ngayon. lucky color is fucia? fushia... pucha.. fucia.. sige RED nalang. :)

Dondake303
01-24-2008, 07:30 PM
Ninong san, grabe naman po ang inasal nung nagpagawa sa inyo ng PC, nag abono pa kayo. Inabuso ang kabaitan nyo, kapal nang muks! Kung sa iba siya magpapagawa baka mapamahal pa siya dun. Pag nasira ulit wag nyo ng tulungan ng madala siya.

simplymystic
01-24-2008, 08:36 PM
tunay po kayo jan....di ka po nag-iisa sa ganyang experiences.....hihi ngi sila ng tulong ,pag tinulungan mo ...mas masahol pa hihilngin sa yo..grabeeeeeeeee... .. :ohlord: :ohlord:

asian^me
01-24-2008, 08:50 PM
ninong kawawa ka naman..ako din nabadtrip ang puso ko sa thread mo..para sa akin not excuse na matanda cya..akala ko lahat ng pinoy sa ibang bansa mababait...merong palang ganun.. ginagago ka nya kasi bata ka kapa cya beterana sa japan..watever...per o matanda na kamo... ? donate mo nalng sa kanya o kaya limos.. bad talaga ako no?..

anito
01-25-2008, 06:00 PM
Ninong,

nagbabasa siguro dito yung ale, at alam niya na ang handle mo ay
Ninong na ang ibig sabihin ay Godfather----who is expected to extend favor(s) to those in need :D.

bawi na lang sa sunod, at least ngayon alam na namin na puwede maki-usap magpagawa sa iyo...sa tamang, give and take. cheer up!

sometimes it pays to 'kill' someone with kindness to stress a point. sa akin lang po.:)

disney
02-05-2008, 02:48 PM
charge to experience mo na lang ninong :)

bluesapphire
02-06-2008, 05:51 PM
naku po, nakakahawa naman po yang pagka bad trip nyo kay lola... there will be no second time na lang po pag nag onegai ulit... sana po kinabitan nyo ng virus yung pc nya! joke lang:D

rockinchiq
02-06-2008, 06:00 PM
Its better to give than to recieve..:p mkita nyo po mas madami babalik na grasya sa inyo..
mahirap talaga magtiwala sa ibang tao khit p kababayan mo..
haay...kakalungkot lang isipin pero may mga ganyang tao talaga.walang alam kundi mang lamang sa kapwa at mang-abuso ng mga tao..
my n-experience n din po akong ganyan..ipinagpasa-Diyos ko nlang po.
di n mkaka-ulit si obasan ky ninong san..:D

katty0531
02-07-2008, 12:12 PM
tsk, tsk, ano ba yan....pasaway naman si lola....

mtwalton
02-07-2008, 01:15 PM
they need spanking para matuto.......:mad:

eli
02-07-2008, 01:55 PM
ninong post mo kasi yung salary mo na 37 lapad baka nabasa nya hehe pagpasensyahan mo na lang babalik din sau yun

ninong
02-07-2008, 03:03 PM
ninong post mo kasi yung salary mo na 37 lapad baka nabasa nya hehe pagpasensyahan mo na lang babalik din sau yun

gross yun bro.after taxes,sweldong arubaito na lang yan.

bluesapphire
02-22-2008, 04:30 AM
ninong pwede po bang mag pa repair ng pc sa inyo... ang mura kasi... sira ung hard drive pero nagagamit pa... tinapon ko kasi yung recovery disc nito... :O nagbabakasakali lang po....

tabako
02-22-2008, 07:23 AM
relax ka lang bro.ang puso mo cge ka! well di na naisip ng matanda na parepareho lang tayong kayod kalabaw dito tapos babaratin pa! kala siguro ni lola na pinas sya kaya tumawad:D

guy26
02-22-2008, 03:17 PM
ganon talaga papre naranasan ko na rin yan, dito sa Tokyo iitusan kana ngang magbabile ng ganito ganyan, paayos ng ganito ganyan. iisipin pa tinutubuan mo sila.

ang maganda nyan pare pakita mo sa kanya resibo, para mataauhan siya.

kaya ako huminto na ko computer repair, assemble, at pag bebenta ng 2nd hand at brand new. :cool:

kukulobot lang nuo mo. :cool:

mystic_girl
02-22-2008, 04:39 PM
"sa totoo lng,nagpipigil lang ako at gusto kong ihampas sa sahig ang pc nya.ang dating kasi sa akin ay para bang namamahalan sya sa singil ko samantalang 0 yen naman ang labor at sinasadyang baratin.ang ginawa ko, ibinigay ko ang pc nya at kinuha ang 5000 yen nya pero di ko ibinigay ang webcam.akin na lang yun.

ang nangyari,nag abono pa ako...bwisit talaga,oo.kundi lng matanda at babae yun,sasapakin ko na sana e.

paano ka nga naman sa ibang mga kababayan natin no?tulungan mo,pagiisipan ka pa ng masama.subuhan mo,sasagpangin pati braso mo."


LOL natawa ako jan pero totoo yan nangyari na din kasi sakin yan di mo na nga siningil babaratin ka pa pero nadala na ako sa ganyan sa totoo lang...minsan nagkikibit balikat na lang ako kahit may maiitutulong...minsa n kasi may mga taong mapagsamantala sa kabaitan ng iba

ninong
02-22-2008, 05:12 PM
ninong pwede po bang mag pa repair ng pc sa inyo... ang mura kasi... sira ung hard drive pero nagagamit pa... tinapon ko kasi yung recovery disc nito... :O nagbabakasakali lang po....

basta maganda at sexy pwedeng-pwede...(jok lng).

seriously, sige, i-try natin gawin.will send u pm.