PDA

View Full Version : changing your filipino name into japanese


milano
01-24-2008, 09:29 PM
guys tanung ko lang kung nangyayari ba ito or nangyari sa inyo ang nangyari sa pinsan ko?? kasi yung filipino name nya pinalitan ng japanese name..

halimbawa ang real name ay maria consuelo

pag katapos ng kasal ginawang mikiwa shigohu..:confused:

dahil daw ba ikinahihiya ng family ng lalaki?

summergirl
01-24-2008, 09:42 PM
Ganon?Kahit naman palitan ang name nya...reality..filip ino pa rin sya.. .Face nya,style nya,everything.. ...Di naman inlaws nya ang pinakasalan di ba?Pag pumayag sya sa lahat ng gusto ng inlaws nya ,kawawa sya pag tagal tagal..Ok lang yun kung wala syang properties sa pinas..Pag meron laki ng problema nya..

shuelma
01-24-2008, 09:53 PM
meron po akong fren.na malaysian(girl)kasal sa hapon.pinalitan din ung name niya kasi hirap daw pong basahin at bigkasin..name niya ay mohamad nurwati sendiri..mismong mig.daw po ang nagsabing palitan...yumi na po ung name niya d2 lng daw un sa jpn...sa passport ay ung real name niya...

Dondake303
01-24-2008, 09:57 PM
First time ko po makarinig ng napalitan ng isang filipina ang name niya, sana pinaglaban niya ang pagiging Filipino niya at hindi siya pumayag sa gusto ng pamilya nung asawa niya. Agree din po ako sa sinabi ni miss @summergirl na kahit pa pinalitan ang pangalan niya kung mukhang pinay pa rin ang face niya at style e wala din.

shuin0120
01-25-2008, 05:12 PM
hehe ako sabi sakin aalisin daw ung lord na name ko kasi daw pag sinulat daw ung parang ROAD ro-do hehe >_< pero di ako pumayag :D

bahaykubo
01-25-2008, 05:20 PM
baka naman pinalitan lang pero sila lang nagtatawagan ng ganun...or ginawang nickname kumbaga..kasi makakapagpalit ka lang ng name dito sa japan kapag naging citizen kana at pinili mong magpalit ng pangalan...sa pinas naman hindi din ganun kadali.

kagaya nga nitong friend ni shuelma na pinalitan nga ang name pero gamit parin ang original sa passport.baka naman ganito nangyari..??:rolleye s: :rolleyes:

ning2
01-25-2008, 06:50 PM
guys tanung ko lang kung nangyayari ba ito or nangyari sa inyo ang nangyari sa pinsan ko?? kasi yung filipino name nya pinalitan ng japanese name..

halimbawa ang real name ay maria consuelo

pag katapos ng kasal ginawang mikiwa shigohu..:confused:

dahil daw ba ikinahihiya ng family ng lalaki?

yes! pwede pong palitan yung name na filipino to japanese yan ay kung ok lang sa may-ari. yan yung tinatawag na "tsushoumei" (通称名)(alias) hindi sa ikinahihiya yung name kundi para na rin maging convenient o madaling bigkasin siguro kaya pinalitan yung name ng pinsan mo. pero siyempre dito lang yan pwedeng gamitin sa japan. pwede ka naman mamili kung ano gusto mong name na comportable sa pandinig mo eh. tsaka kung ano yung nasa passport na name yun pa rin yon. kaya no problem po :) hwag lang kalilimutan na pagdating sa mahalagang papers eh yung real name po ang dapat isulat.:)

sana makatulong.:)

cpkuni
01-25-2008, 07:05 PM
sa akin nangyari na pinalitan ang pangalan ko for convenience kasi sabi nang biyenan ko noon mahirap daw bigkasin ang pangalan ko kaya pinalitan , pero that time pinapili niya ako kung ano ang pipiliin ko between haruka or hiromi. Iyong kaibigan ko nga kahit sa mga credit card niya ang ginamit niya ay akemi, iyong kaibigan ko request rin nang biyenan niya na palitan ang pangalan niya. So nang maging japanese citizen na kami dito iyong binigay nang biyenan namin
na pangalan sono mama na ginamit namin ngayon.

erokawaiiAYA
01-25-2008, 07:45 PM
ay, pwede po bang sumali?

question ko lang po, if ever na japanese name ang ginagamit mo sa credit card mo, etch, tapos yung passport mo eh real name pa rin ang gamit mo, hindi po ba magulo yon??

matatawag po bang magkaibang tao yon??
paanu po yon? medyo naguluhan ako, kasi para saan ang pagpapalit ng name? para madaling bigkasin??, eh paanu naman po ang aliencard?? anung gagamitin na pangalan dun?? sa passport?? sa koseki tohon?? paanu yon?? iba iba??

pasensya na po, . Gusto ko lang pong malaman.

v_wrangler
01-25-2008, 07:47 PM
Kung pwede ko lang sana palitan ngayon pangalan ko - gusto ko sana Victor Wood o kaya Diomedes M. :)

Well in Japan, changing names is really no big deal unless you are doing it to illegally create another identity - so let's not give it some 'di maka-pilipino meaning.

v_wrangler
01-25-2008, 07:51 PM
ay, pwede po bang sumali?

question ko lang po, if ever na japanese name ang ginagamit mo sa credit card mo, etch, tapos yung passport mo eh real name pa rin ang gamit mo, hindi po ba magulo yon??

matatawag po bang magkaibang tao yon??
paanu po yon? medyo naguluhan ako, kasi para saan ang pagpapalit ng name? para madaling bigkasin??, eh paanu naman po ang aliencard?? anung gagamitin na pangalan dun?? sa passport?? sa koseki tohon?? paanu yon?? iba iba??

pasensya na po, . Gusto ko lang pong malaman.

That would be illegal. That would sum up to faking another identity. I could just wonder kung papaano ka makakapag-apply o anong identity papers ang ipapasa with two differing names.

One should use the same name as written on his/her legal documents in Japan. That includes your alien card/passports or any other legal indentification.

If you would like to maintain an alias, one way I can think of is to have a notarized personalized declaration that both names belong to a single person...
(I haven't heard of a person who actually did that)

erokawaiiAYA
01-25-2008, 07:53 PM
bakit naman victor wood?? pilipino name pa rin yon! gawin mo nlang kayang KIMURA TAKUYA:D he he he

v_wrangler
01-25-2008, 07:57 PM
Idol ko kasi yun noong may gatas pa ang aking mga labi...:D
Kimura Takusa seems nice! (like takut sa asawa!)

mamimo
01-25-2008, 08:40 PM
ay, pwede po bang sumali?

paanu po yon? medyo naguluhan ako, kasi para saan ang pagpapalit ng name? para madaling bigkasin??, eh paanu naman po ang aliencard?? anung gagamitin na pangalan dun?? sa passport?? sa koseki tohon?? paanu yon?? iba iba??

pasensya na po, . Gusto ko lang pong malaman.

Pansin ko rin magulo nga po yun.:D eh di po ba pag apply ka ng alien card kelangan ipakita ang passport? Kung magkaiba ang names sa mga yan pinalulusot ba sa City Hall?:confused:

Gawain yang paggamit ng alias ng mga Chinese sa Pinas na galing HK, Mainland China o maging sa Taiwan ang hahaba kasi ng names nila at hirap pa bigkasin kaya alias na pinapalit westernized like Kevin Go, Roy Uy, etc. Mas madali ang recall sa mga tulad natin na di familiar sa Chinese names but for sure they maintain their real names in important documents like passport.

ning2
01-25-2008, 09:22 PM
ay, pwede po bang sumali?

question ko lang po, if ever na japanese name ang ginagamit mo sa credit card mo, etch, tapos yung passport mo eh real name pa rin ang gamit mo, hindi po ba magulo yon??
matatawag po bang magkaibang tao yon??
paanu po yon? medyo naguluhan ako, kasi para saan ang pagpapalit ng name? para madaling bigkasin??, eh paanu naman po ang aliencard?? anung gagamitin na pangalan dun?? sa passport?? sa koseki tohon?? paanu yon?? iba iba??
pasensya na po, . Gusto ko lang pong malaman.

Pansin ko rin magulo nga po yun.:D eh di po ba pag apply ka ng alien card kelangan ipakita ang passport? Kung magkaiba ang names sa mga yan pinalulusot ba sa City Hall?:confused:

Gawain yang paggamit ng alias ng mga Chinese sa Pinas na galing HK, Mainland China o maging sa Taiwan ang hahaba kasi ng names nila at hirap pa bigkasin kaya alias na pinapalit westernized like Kevin Go, Roy Uy, etc. Mas madali ang recall sa mga tulad natin na di familiar sa Chinese names but for sure they maintain their real names in important documents like passport.

para po sa hindi nakakaalam mismong cityhall (some areas)ang nagtatanong kung gustong palitan ang name o hindi(dala po ang passport dito). kung meron man napalitan ay nirerecord nila ito sa back ng alien card. kaya kapag nagrenew ng alien card naroon ang real name and alias name. medyo wala akong idea kung pwedeng gamitin ang alias name sa credit card. intact pa rin ang real name sa kosekitohon at passport, unless kung magpapalit ka ng nationality at sonomama mo ng gamitin yung alias name mo.

ps..kung hindi man mapalitan in japanese name ang filipino name ay pwede rin po itong paikliin..kaya kung may 2 or 3 names bago yung surname ay pwede din na 1 na lang ang gamitin. facts by my own experience.:)

summergirl
01-25-2008, 09:34 PM
I think you better consult,japphi san..She can answer all your questions..Shes a filipina with Japanese passport at dito na tumanda sa Japan..Pm mo sya..:D

japphi
01-25-2008, 11:22 PM
Arrraaaayyy....ko!!B inuko mo naman ako Mommy Summergirl:p Blend 45 pa lang po.........eehh...te ka..teka....hindi ako gumagamit o gumamit nang ganyang HIGH TECH na pagpapalit nang nationality o nang pangalan....KIHON lang o standard processing lang yung sa akin....baka ngayon ay high tech na:p ....yung sa akin kasi ay year 2000...ehhh year 2008 na ngayon.

Tinanong din sa akin noong mag-apply ako.....pero yung name ko pa rin ang ginamit ko...nawala nga lang yung middle name dahil walang paggamit nang middle name dito.Sabi nang asawa ko...baka raw magkaroon nang problema sa Pinas pagdating sa pangalan kaya no changes....yung nationality lang talaga ang pakay namin na para sa pamilya ko talaga dito at yun ay sa mga documents lang.....iina....hig h tech na rin kaya ngayon sa pagkuha nang nationality?Basta yung sa akin same name,same face,same ugali at the same filipino ways pa rin.Pwede raw gumamit nang kanji na ganoon din naman ang pronounciation nang name ko....like kung MARIA ang pangalan ko pwede kong gawing 真利亜(MARIA),per o ginamit ko lang talaga yung dating pangalan ko at katakana ngayon...kaagad malalaman na GAIJIN....na talaga namang GAIJIN pa rin..ilang beses man akong mag-tumbling...:D



I think you better consult,japphi san..She can answer all your questions..Shes a filipina with Japanese passport at dito na tumanda sa Japan..Pm mo sya..:D

brownman
02-04-2008, 09:21 AM
ito ba yong "naturalization" kung tawagin nila?

As for me, I would never change the name that my parents gave me.

gabby
02-04-2008, 09:46 AM
Changing my name to Japanese name is unimaginable. But I am open to the possibilities, it pays to be practical as opposed to ideological. It wont work when you are . . . in abroad . . . heh he he he . . .:D

katty0531
02-04-2008, 12:18 PM
I think wala masama mag palit..ako rin kung talagang kinakailangan then WHY NOT? at payag yong nagbigay saken ng pangalan ko (my nanay),. Basta with a good purpose lang talaga hindi yong mababaw na dahilan lang. (First time ko rin makarinig ng Filipino changing name.)

Xeltran
02-04-2008, 07:42 PM
Ok lang sigurong palitan if for convenience purposes lang at di legal purpose (e.g. nickname mo, endearment) pero I would still use my real Filipino name in official matters.

milano
02-07-2008, 05:00 PM
salamat sa mga insights. basta ang reason daw kung bakit pinalitan ang name nya eh dahil "kinahihiya" na malaman na ibang nationality ang napangasawa. hhmm loko yun magulang eh no. kung saakin nangyari ito eh maghiwalay na lang tayo!!!:D