PDA

View Full Version : tanong sa mga TF mommies


ninong
02-06-2008, 12:17 PM
mga TF mommies,

may naka experience na ba kayo na nanganak kayo sa japan tapos si baby ay na test na mataas at bilirubin?yung nagiging yellowish ba at kailangan pailawan ng nakahubad.

magkano ang extrang ibinayad nyo pwera sa panganganak kapag na confine si baby ng 2 extrang araw?

worried kasi yung mga kakilala ko kasi sakto lng ang pera at balak ko sanang ilibre dahil ninong ako ng bata.

salamat po.

disney
02-06-2008, 01:32 PM
wow! bait talaga ni ninong, pede ka ba maging kumpadre ko din:)

jaundice po yun tawag sa yellowish na baby, sorry po no idea kung magkano magagastos pero kayang kaya mo yan for sure:)

yun friend ko may jaundice yun baby nya, hanggang pag uwi nila 2 weeks pang may nakakabit na aparato sa likod ni baby nya, sana maging normal agad inaanak mo.

wildflower
02-06-2008, 02:15 PM
ninong naka experience ako nyan sa baby ko kaya medyo matagal ako nakalabas sa ospital..mamaya tanong ko kay habibi ko magkano ang charge nyan...kaya medyo malaki nabayaran namin sa ospital...:D

iza326
02-06-2008, 02:18 PM
dito ako nanganak sa japan, sa kanila natural mg "odan" ang baby yung ngyellow nga chinecheck sa ilong tapos pailawan yung baby depende kung bababa agad yung count ng yellowish, yung baby ko 1day syang pinailawan pero yung bayad wala kasama na yun sa set ng panganganak... saka dito sa japan ang pagkakaalam ko binabalik nila yung pera ng nagstos mo sa hospital lalo na pg may hoken ka mga 35lapad yun...

iza326
02-06-2008, 02:22 PM
saka pala yung dagdag na bayad eh baka yung extend ng days na nilalaan sa byoin bale yun ang may additional na bayad... kc karaniwan mga 1wk ang stay ng bagong panganak pg ngextend ka kc nga dahil sa baby yung ang may bayad bale yung 1dayfee sa pgstay

shuelma
02-07-2008, 10:38 PM
mga TF mommies,

may naka experience na ba kayo na nanganak kayo sa japan tapos si baby ay na test na mataas at bilirubin?yung nagiging yellowish ba at kailangan pailawan ng nakahubad.

magkano ang extrang ibinayad nyo pwera sa panganganak kapag na confine si baby ng 2 extrang araw?

worried kasi yung mga kakilala ko kasi sakto lng ang pera at balak ko sanang ilibre dahil ninong ako ng bata.

salamat po.
ung komare ko,pinanganak niya ung baby niya naganyan din story ng baby...lumabas si mare ng di kasama si baby..binayaran nila ay 4lapad(sa baby lng ).ung sa panganganak ay 35lapad...pero ninong di pare-pareho singil ng hospital...ang bait mo nmang ninong...sana ninong kita:D .

jhallecx
02-09-2008, 12:27 PM
alam nyo po dalawa na rin anak ko at tama si sis iza326,natural lang sa kanila yan...yung first ko kasi akala ko may sakit dahil nilagay sa incubator o aparato na ewan,akala ko kung anu na pero natural lang daw yun at nag checheck din daw sila...

sa second baby ko ganun din talagang nilalagay nila sa aparato at normal lang yata yungnagyeyelowish pero syempre,doktor na nakakaalam kung hindi na.

Dondake303
02-11-2008, 03:37 PM
Hello po ninong san:) nagkaroon din ng ganyan ang baby ko pero mild lang yung kanya, kusa na siyang nawala.

Oo nga baet nyo namang maging ninong:D

memyself&i
02-11-2008, 04:30 PM
wow ninong ang baet mo naman, napaka generous mo... sana ninong din kita ng malibre naman ako pamasahe pauwi..hehehe joke lang po!

ang alam ko dyan pinaaarawan yun bata... jaundice nga ang tawag sa atin.. dito kasi high tech eh kaya incubator sila.. siguro naman di aabutin ng 5man yen yan... mga 2man lang yakang yaka mo yan ninong...

NINONG ka ng buong TF dito... mabuhay ka NINONG!!!;)

summergirl
02-11-2008, 08:56 PM
Jaundice ang tawag doon ,ang bunso ko 2 weeks syang na confine bago naiuwi..Sana maging ninong ka rin ng anak ko ..hahaha..Mga apat na lapad ang naging additional ng anak ko pero 13 yrs ago na yun..

yukorin
02-14-2008, 07:49 PM
ganyan din baby ko,6 months ago.ayaw nila ipasama pauwi baby ko,2 days baby ko at pinupuntahan ko lang para magbreastfeed.2lapad dinagdag namin,pero naibalik din un kasi nga me hoken e.

Sana pala kinuha din kita ninong ng anak ko.Sayang...

ninong
02-15-2008, 02:04 PM
nailabas na yung bata noong friday.post ko lang ang sagot sa tanong ko.

first baby ng mag asawa yun. may shakai hoken yung husband at dawit sa hoken si wifey.si baby ay wala pang hoken pero magkakaroon din in a few days.start ng hoken ni baby ay yung birth day nya.

nagbayad si wifey para sa panganganak nya ng 37 plus lapad pero expect nila na maka refund ng 35 lapad sa syakai hoken.

2 days after,lumabas si baby at ang bill nya for jaundice treatment and 2 days extension sa hospital ay 14.9 lapad.bale 100% charge yun. sabi ng hospital, makaka refund sya ng 1000yen o 200 yen per day day sa stay sa hospital si baby.
nag eexpect sila na maibabalik ang 70% ( or 100% dahil baby?) sa 14.9 lapad mula sa syakai hoken.
pag hindi naibalik,patay kang ninong ka kasi ako ang nagbayad.