View Full Version : my bestfriend story
tadashi
02-14-2008, 03:38 PM
antagal na namin magkaibigan ng aking bestfriend.....alam na namin buhay ng isat isa...akala ko masaya siya sa buhay niya ngayon (YUNG ANG AKALA NG LAHAT )kasi sa tuwing magkikita kami siya ang pinakamaingay,pinaka masaya,at siya ang pinakamapera dahil nakapag asawa rin ng hapon.
maagang umibig,nagpakasal at nagkaanak ang bestfriend ko.....siguro dahil tinatakasan niya ang hirap ng buhay nila,ang pagkabungangera ng nanay niya at ang pambubugbog ng lasenggo niyang ama sa kanila ng nanay niya..3 silang magkakapatid siya ang panganay sa 3.. bata pa yang bestfriend ko mapagmahal na sa mga kapatid niya at magulang yan...naaalala ko andami dami niyang pangarap,hindi para sa sarili niya kundi para sa pamilya niya...yun nga lang maaga siyang umibig,mahal niya ang lalaki pero ang totoo ayaw sana niyang makipagtanan pero ayaw na kasi niyang mag aral...hindi dahil bobo siya (infact matalino ang bestfriend ko ) kundi dahil sa kahihiyan sa esuwelahan na pinapasukan niya dahil wala siyang maayos na uniform (dahil sa kahirapan nila) at ayaw niyang mamubrlema pa ang nanay niya sa kanya ..nakuha niyang magnakaw ng uniform...nahuli siya ng may ari at pinahiya....kahit matalino siya(SCHOLAR),humint o siya..niyayang magtanan ang bf..
Nagpakasal sila ng lalaking mahal niya,masipag ang lalaki..mabait...at kahit galing sa mahirap na pamilya nagsisikap..napatawa d narin ng magulang ng bestfriend ko sila..
tadashi
02-14-2008, 03:40 PM
HINDI PA PO TAPOS.....MAMAYA ULI
bahaykubo
02-14-2008, 03:43 PM
hay......bitin:rolle yes:
katheyrine
02-14-2008, 03:44 PM
nabitin ako buntis :D sige wait ko ang susunod na kabanata:p
iza326
02-14-2008, 03:47 PM
kakabitin naman...
miffy
02-14-2008, 03:51 PM
ms tadashi,yung continuation po... :order: ... :D
tadashi
02-14-2008, 05:09 PM
dahil sa pagmamahal sa magulang ng bestfriend ko umupa sila ng asawa niya sa malapit sa magulang niya (ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa niya) nagtinda silang magkalapit ng magulang niya...nagkataon mas naging mabili ang pagtitinda niya at nakaipon siya ng pera..dahil dito nakainggitan siya ng sarili niyang magulang,nagkaruon sila ng di pagkakaunawaan ..naayos din iyon dahil ang bestfriend ko ang humingi ng tawad (mahal niya ang magulang niya at ayaw niya itong masaktan) ...lumipas ang panahon, nanganak ang bestfriend ko ng isang lalaki...akala niya matatanggap na ng pamilya niya ang asawa niya (pero hindi pala) dahil kahit anong gawin ng asawa niya hindi siya matanggap ng mga magulang ng bestfriend ko...dahil lagi naiipit nag bestfriend ko laban sa magulang at asawa niya...inaya niya ang asawa niyang lumayo na lang at umuwi sa probinsiya sa pamilya ng asawa niya.
Mula sa konting ipon nagpatayo sila ng maliit na bahay...buong akala ng bestfriend ko matatahimik at lubusan na silang liligaya..hindi pala....nagkaruon ng mga hindi pagkakaunawaan ang bestfriend ko at pamilya ng asawa niya..hindi siya ipinaglaban ng asawa niya..lumayas ang bestfriend ko at umuwi sa kanila...
sweet
02-14-2008, 05:10 PM
hahaha ano b yan ,,emote na ko dito biglang nabitin:doh:tapos na ba sis
tadashi
02-14-2008, 05:19 PM
Nang umuwi ang bestfriend ko sa kanila,dun niya na realize na napakamakasarili niya,ang mga kapatid niya naghihirap,ang papa niya wala pa ring pagbabago,ang nanay niya nagpapaalila pa rin sa mayayamang kamag anak nila...ang bahay nila konting ulan grabe ang baha..naisip niya ako ang panganay dapat TUMULONGako sa kanila at naisip din niya eto ba nag buhay na daranasin ng anak ko??.....
Nagkaayos ang bestfriend ko at asawa niya..pero hindi na pumayag ang bestfriend ko na bumalik sa poder ng asawa niya dahil sa naranasang pang aapi ng pamilya nito sa kanya at sa anak niya (nakapag japan kasi ang hipag niya at nagkapera ang mga biyenan niya kaya akala mo kung sino na )
Nagpraktis ng papuntang japan ang bestfriend ko....dahil maganda at bata pa nakaalis kaagad..maraming pangarap na dala dala at maraming pangakong iniwan...pangarap na magkuron ng magandang buhay ang mga kapatid niya niya,pangarap na magkuron ng sariling bahay ang magulang niya, at pag naibigay na niya yun pangarap na mamuhay ng tahimik at masaya kasama ang asawa niya at anak niya...dahil mapapanatag na siya dahil maganda na buhay ng magulang niya
rhynissa
02-14-2008, 05:23 PM
sis tapos na ba? hehe parang kulang eh, hintayin ko ang mga susunod na kabanata hehe..
faye11
02-14-2008, 05:25 PM
...very insipiring :love:
tadashi
02-14-2008, 05:29 PM
Sa japan,marami mang tukso pero kinaya ng bestfriend ko na hindi magpatalo..natapos ang anim na buwan pero dahil first timer hindi masyado kumita....hindi pa natutupad pangarap niya...
Umalis uli siya mas determinadong matupad ang kanyang pangarap....mas kumita siya ng maganda ngayon...pero unti unti ang mga magulang niya ibat ibang paninira ang sinasabi tungkol sa asawa niya...ayaw man paniwalaan ng bestfriend ko,,,pero mas matimbang talaga ang sarili mong dugo.....
May nakilala siyang hapon ,mabait,at handa siyang tulungan......Isang araw nakatanggap ang bestfriend ko ng tawag mula sa pinas ...ang tatay niya nasa ospital 50/50 kailangan ng pera...tinulungan ng hapon ang bestfriend ko para pag pa opera sa tatay niya...kapalit nun ang katawan niya...
natapos ang anim na buwan..nakabili ng lupa nag bestfriend ko,nakapagpatayo ng bahay at nakapundar ng maliit na negosyo....pero ang huli niyang pangarap na magsama sila ng masaya at tahimik ng asawa niya unti unti lumalabo na...dahil lalong naging makasarili pamilya niya...at tuluyang na silang naghiwalay ng asawa niya..
matsue_321
02-14-2008, 05:35 PM
sis ituloy mo pa ...mganda ang story ng life nya....
tadashi
02-14-2008, 05:38 PM
Maraming naging pangyayari sa buhay ng bestfriend ko...from rug into riches ika nga...ang nanay niya na dating labandera at alila ng kamag anak lang nuon ngayon di katulong na...ang mga kapatid niya na nuon sa public nag aaral at mukhang timawa..ngayon s private na at kinaiingitan na,at ama niya na dating walanghiya sa bestfriend ko ngayon paboritong anak na siya.....at ang anak ng bestfriend ko ang prinsipe (siyempre anak ng reyna)
Hanggang nagbago ang lahat ..ang mga magulang niya iba na puro pera na...ang nanay niya nag ba ballroom na at gabi na kung umuwi...hanggang sa nalaman niya na may lalake ang nanay niya........napakasa kit para sa bestfriend ko....kasi buong akala niya maayos ang dsating magulo niyang pamilya ....hindi pala lalo palang gumulo....
Lalo tuloy siyang nag alala sa kinabukasan ng mga kapatid at anak niya...Nagpakasal siya sa hapon,isang mabait na hapon....pero ang puso niya patuloy pa ring hinahanap ang una niyang asawa (first love never dies nga siguro) nagka anak sila..pero unfair kasi sabi ng bestfriend ko ang una niyang anak gawa ng pag ibig...ang pangalawa gawa dahil kinakailangan..
tadashi
02-14-2008, 05:51 PM
Nakapagpatapos siya ng kapatid niya sa kolehiyo...nakapagpa tayo siya ng malaking bahay,may sasakyan,may pera ..pero ang pamilya niya sa bawat bigay niya may kulang pa....may hinihingi pa..hindi nila alam unti unti inilulubog nila sa kumunoy ang bestfriend ko.....unti unti itinutulak nito sa KAMATAYAN..
siguro bawat tao napupuno din,kung ang balon nga umaapaw...tao pa kaya...ang best friend ko hindi nagpakita ng kahinaan sa akin yan..matapang..matat ag yun ang akala ng lahat..
Isang araw tumawag siya sa dati niyang asawa,humingi ng tawad,,patawad dahil isinantabi siya,patawad dahil siya siya ipinaglaban ng bestfriend ko ,patawad dahil pinagpalit siya ng bestfriend ko sa kaginhawaan...patawa d dahil kahit mahal na mahal ito hindi niya naipakita..sinbi ng bestfriend ko..na siya lang daw ang lalaking una at huling laman ng puso niya
Tumawag siya sa magulang niya,sinabi niya mahal na mahal ko kayo...siguro naman kahit hindi ako naging mabuting ina sa anak ko ,naging mabuti naman akong anak sa inyo..ipagdasal ninyo ako yun lang..
Tumawag siya sa mga kapatid niya ,sinabi niya magmahalan kayo...ibigay ninyo ang pagmamahal sa anak ko gaya ng binigay ko sa inyo..
Tumawag siya sa anak niya...at sinabi niya..mahal na mahal kita..inakala ko materyal makapagpapasaya sayo..anak patawarin ma ako dahil ipinag kait ko saiyo ang pamiya....ang magkaruon ng ama at ina
tumawag siya sa akin ,sinabi niya salamat sa pakikinig mo...bestfriend
hacaya
02-14-2008, 06:18 PM
sis mula umpisa binasa ko na-touch ako grabe, kaya lang parang sad ending:confused:
ano po nangyari sa bestfriend nyo?don't tell me???:cry:
matsue_321
02-14-2008, 06:26 PM
parang alam ko na ang ending.....naku nakaka sad naman!!!!!!!!!!!
tadashi
02-14-2008, 06:44 PM
huli niyang tinawagan ang asawa niyang hapon...sinabi niya mahalin mo ang anak natin,ibigay mo ang pagmamahal na di ko lubusang naibigay...patawarin mo ako dahil ginamit kita upang makamit ang pangarap ko...salamat dahil naging mabuti kang asawa sa akin..salamat sa pagmamahal
Umuwi ang bestfriend ko sa pinas....nagtaka ang lahat dahil ang dating masayahin..napakalal im ng iniisip... tulala...ang bestfriend ko nagtayo ng sarili niyang mundo...sarili niyang palasyo ...na kung saan wala siyang aalalahanin...wala siyang iisipin.....
Makalipas ang ilang araw (2 araw) nakita siyang patay na....dali dali akong umuwi ng pilipinas....
Sa aking pag uwi ibat ibang emosyon ang nakita ko sa pamilya niya,pagsisisi,pagda dalamhati at pag aalala ...pag aalala na paano na sila??
Pero sa lahat ng emosyon na iyon..nakita kong dakila ang luha ng lalaking minahal niya..lalaking tumanggap at nagparaya para sa ikaliligaya niya..lalaking tunay din nagmahal sa kanya na walang hinahangad kundi siya lang at di ang pera niya..Ang maging isang pamilya lang sila
Isang sulat ang natagpuan sa bestfriend ko na nagsasabing.....ang tagal kong naghanap kung ano at nasan ang kulang sa buhay ko..diyos pala yun...ipagdasal ninyo akong tanggapin ako ng diyos sa kaharian niya..ipagdasal ninyo akong duon sa pupuntahan ko makita ko na ang tunay kong kaligayahan....
TUMULO ang luha ko.........sa aking bestfriend sana masaya ka na ngayon....
k_e_n_k_a_y
02-14-2008, 06:48 PM
kinilabutan ako sa kwento mo friend... sabi ko na nga ba yon ang ending! ending na nga ba yan?
tadashi
02-14-2008, 06:51 PM
true story po yan...at kaya ako natagalan dahil iyak ako ng iyak....
tadashi
02-14-2008, 06:52 PM
nagloko pa PC ko ..namumulto ata bestfriend ko
k_e_n_k_a_y
02-14-2008, 06:55 PM
true story po yan...at kaya ako natagalan dahil iyak ako ng iyak....
pero alam mo, mali pa rin ginawa ng best friend mo. kasi she has still the reason to live... meron siyang anak... though hindi talaga natin alam kung ano pa ang reason niya bakit niya ginawa yon... sana, kung san man siya ngayon, masaya na siya... naawa ako sa anak niya...
iza326
02-14-2008, 06:58 PM
naiyak naman ako....
chevelle:)
02-14-2008, 07:09 PM
nakikiramay ako sis. sobra, iyak ako ng iyak dito kahit di ko sya personal na kakilala. I hope and I'll pray for her soul that she finds peace sa kabila ng kasalanan na nagawa nya. Again my condolences.
memyself&i
02-14-2008, 07:21 PM
napaiyak mo ako dun. tagos hanggang buto.
sweet
02-14-2008, 07:49 PM
nakikiramay ako sa sinapit ng betfriend mo,verysad..habang dipa natatapos ang kwento mo pero pasasalamat nya sa lahat kabado na ako,naluha at nalungkot,mababaw din kasi luha ko .yun lang ang paraan na naisip nya para makatakas sana patawarin siya ng Diyos at maunawaan..sana naging matatag pa siya habang may buhay may pag-asa:cry:
pinaypay
02-14-2008, 07:59 PM
NAku habang nagbabasa ako di ko mapigilang umiyak.SAna nga manahimik na ang kanyang kaluluwa.Kawawa ang kanyang anak na naiwan.:cry::cry::cr y::cry:
matsue_321
02-14-2008, 08:23 PM
nakakaiyak naman....kawawa naman yun anak nyang naiwan
nakakaiyak nman po kwnto ng bestfriend mo.sana mahanap na nya ung katahmikan at masaya na sya ngayon.
polly_jolly
02-14-2008, 08:34 PM
kakaiyak talaga sobra!sana mabasa to ng mga family natin sa Pinas para mas ma appreciate nila mga blessing ni Lord sa atin,gamitin sana nila sa maganda lahat ng pinaghihirapan natin dito...sana matagpuan nya sa kabilang buhay ang kapayapaan...
tadashi san i symphatized to your lost...strong ang bestfriend mo but in the end nag give up siya. Naalala ko rin tuloy ang auntie ko ng suicide 23 years old palang siya dahil din sa family...ang ganda ganda panaman overdose 10 banig gamut sa baga yata ininom pag kita sa kwarto matigas na.
sitsukoime
02-14-2008, 10:07 PM
A very very sad story......Napaluha ako while reading this, naawa ako sa girl specially s mga anak nyang naiwan.:(
mtwalton
02-14-2008, 10:16 PM
nakakalungkot at naka iyak naman ang story mo....did she kill her self?
kawaiso- ne....walang sinuman ang masisisi....even though, huli na ang lahat...wala na siya....God Bless her soul........its sad....(T-T)
Reiko
02-14-2008, 11:28 PM
nice story but sad ending...condolence sayo tadashi san sana naging matatag pa ang bestfriend mo...:)
miffy
02-14-2008, 11:53 PM
ms tadashi,napakalungko t naman ng life story ng best friend mo... pero sana next time... wag kang mag iisip ng mga malulungkot na bagay kasi buntis ka po...
magkakaroon ng epekto yan sa baby mo...mas maganda kung ang isipin mo ay yung mga masasaya at nakakatawa para ganon din ang maging mood ng baby mo... ;)
salamat sa pag share ng life story ng bestfriend mo...:)
Dondake303
02-15-2008, 12:29 AM
Hi Ms Tadashi, touching ang story ng best friend mo. Nakakalungkot but in the end maraming na-realized ang pamilya niya, napakabuti niyang tao. Salamat sa pag share mo, may aral kaming mapupulot sa story niya.
P_pie917
02-15-2008, 12:55 AM
My GOD,sobrang sad nman nagyari sa bestfriend mo:(Dalangin ko lang na sana tahimik na sya kung saan man sya naroroon...
napaiyak naman ako sa story ng best friend mo.sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
tadashi
02-15-2008, 03:35 AM
akala kasi ng pamilya ng bestfriend ko...sa japan pinupulot lang ang pera...na sa bawat pag ulan ng yelo ay pag ulan din ng pera....halos binenta ng bestfriend ko katawan niya para lang buhayin ng marangya pamilya niya....hanggang wala na siyang mukhang maiharap sa lalaking mahal niya kaya siya nakipaghiwalay.... ngayon ang anak niya nasa poder na ng dati niyang asawa na pinoy...
tadashi
02-15-2008, 03:40 AM
ako siguro naging aral din sa akin ito na lahat pala ng SOBRA nakasasama....
Sobra kasing minahal ng bestfriend ko pamilya niya,sobra siyang naging mapagbigay,.....kahi t pala ang pagmamahal pag sumobra nakakasama din???
mahirap pala ang mangarap ng husto...nuon akala ko dapat ang pangarap natin mataas dahil libre lang mangarap dapat TAASAN na........hindi pala,dahil ang pangarap pala kahit ano gagawin mo para matupad...kahit sa anong paraan...
naging aral sa akin na ang pinakaimportante pala TALAGA sa mundo ay kaligayahan......kal igahayang nagmumula sa puso.......at dapat pala kasama mo ang diyos sa araw araw mong pamumuhay..
aki^-^
02-15-2008, 06:02 AM
nakikiramay po ako.... nakakalungkot:(
SWEET_REINA
02-15-2008, 11:11 AM
di mo totally nabanggit yun kung pano sya namatay,,nagpakamata y pala sya?..bakit kaya?,dahil sa lungkot siguro,..dahil sa kabila ng lahat,di sya masaya dahil di nya kasma yun lalaking talgang mahal nya?..pero sana ,,,sana,,sana,,inisi p nya rin ang anak nya...pero wala ako sa posisyon para i-judge sya,,siguro talagang di nya kinaya ang lungkot nya,,,pero sana talaga,,,inisip nya parin na,sa pagkawala nya ,may mas masasaktan,,,,ang anak niya,,,
nakakalungkot naman ngyon tong mga nababasa ko sa TF this morning:O,,guys sana sa mga problema natin sa buhay,,,na kahit naong bigat nito wag tayong bibitaw,,na hindi ito ang solusyon sa mga problema natin sa buhay,,,
tandaan lang natin na,walang bibibigay si lord na hindi natin kayang solusyunan,,
kahit sino satin may problema,,pero lahat yan may katapusan,basta matuto lang lumaban,,lalo na sa may mga anak,,isipin na lang natin na kailangan tayo ng mga mahal natin sa buhay,,
kapag may takot tayo sa diyos,at may matatag na pananampalataya,,wal ang imposible,,
condelence sayo sis TADASHI san,,alam ko malungkot ka sa pagakawala ng bestfriend mo,,harinawa maging masaya at tahimik na sya sa kabilang buhay..
...another sad story...
Eniarie
02-15-2008, 11:13 AM
nakakaiyak naman, medyo hawig sa family ko ang story, sana masaya na bestfren mo sis...
cutie1403
02-15-2008, 11:26 AM
minsan talaga nakakapagod na din.lalo na di man lang iniisip ng mga taong tinutulungan ang sakripisyo na ginagawa ng isang tao para lang sa kanila.nakuhang isangtabi ng kaibigan mo ang sarili nyang kaligayahan para sa pamilya nya pero di man lang nila inisip yun.siguro naman natauhan na din sila ngayon.
di natin alam ang mga pinagdaan hirap ng kaibigan mo kaya sya bumigay.inisip nya siguro na pag umayos ang lagay ng pamilya nya eh magiging masaya na din sya kahit na nawala ang taong mahal nya.pero ganoon pa nga ang ginawa nyang pamilya nya kaya sya na depressed.napagod na din siguro sya kaya ganoon na lang ang ginawa nya.
condolence po!:(
matsue_321
02-15-2008, 11:44 AM
nakakalungkot naman po ......
asian^me
02-15-2008, 09:26 PM
hello po..nice story..touch talaga ako.. sumasalangit nawa cya..i dont judge her decision na nagpakamatay..cguro nga napuno na cya.. mahirap talaga ang mga pangyayari sa buhay nya...
Jyellenny
02-16-2008, 11:52 AM
Speechless ako - may mga kuento palang ganito. Kuentong akala ko lang pang-drama sa TV. Kinailangan pang may masakripisyo buhay para marealize ng mga kapamilya niya mismo ang pagkukulang nila. Let's just pray for the repose and peace of her soul - dakila siya in the sense she did everything for the betterment of her family pero mas dakila sana siya kung hindi niya kinitil ang buhay niya at patuloy na lumaban hindi para sa pamilya niya , para naman sa kanya.
sharpener
02-16-2008, 01:05 PM
di kaya may sakit sya?
parang kulang ang storya....anyway sana kapulutan ng aral
SWEET_REINA
02-16-2008, 01:11 PM
di kaya may sakit sya?
parang kulang ang storya....anyway sana kapulutan ng aral
pareho pala tayo ng iniisip,,,yun din ang akala ko,may sakit sya,para nga kakong putol ang kwento,,,peo kung kahit ano pa yun nasa likod ng kwento,,,,pakikirama y nalng ang pwede kong masabi ulit....
honey
02-18-2008, 11:06 PM
Na-touch ako :( maiksing kwento pero nakakaiyak maganda ito ipalabas sa MMK para sa mga magulang na nakakalimot.
kazz314
02-19-2008, 12:11 AM
tadashi chan condolence!naiyak din ako dito sa kwento mo:(
masahiro
02-19-2008, 12:38 AM
naiyak naman ako....
grabe na to ... :weep: kawawa naman silang lahat..
MARICON
02-19-2008, 09:05 AM
tumulo luha ko dun ha!!!
kawaii5322
02-19-2008, 11:02 AM
nakakaiyak naman tong story ng friend mo kinilabutan ako habang binabasa ko. naiintindihan ko yung situation nya pero sana di sya umabot don sa ganon . sana maging masaya na sya. condolence po...
summerghie
02-19-2008, 11:38 AM
im sorry to hear that tadashi san. your bestfriend is one of kind person kaso nga lang sumuko na siya kagad sa pagsubok na binigay ni lord sa kanya kaya siguro naisipan niya gawin yun. siguro punong puno na siya at lungkot na lungkot na kaya wala na siya maisip pa na dahilan para masolusyonan pa yun problema niya.
marami sa mga pamilya na nagaantay ng grasya sa pinas mula sa mga nasa abroad nilang anak , kapatid o asawa ang nagaakala na ganun lang kadali buhay sa ibang bansa. Ang tao nga naman walang kakontentuhan at walang pagpapahalaga sa mga taong nagbibigay sa kanila ng kaginhawahan. Di lang siguro bestfriend ni tadashi ang ganitong may kwento marami rin na ngayon nandito at may sariling pamilya na at hangang ngayon eh tumutulong parin sa mga pamilya nila sa pinas para lang maihaon parin nila sa kahirapan ng buhay ang mga pamilya naiwan sa pinas.
Akala nila pinupulot lang ang pera at nabibili lahat ng pera ang kaligayahan ng tao; di nila alam kung gaano kalungkot yun mahiwalay ka sa pamilya mo at mamuhay sa ibang bansa na walang kakilala, puro trabaho at bahay lang , walang masandalan kapag may problema ka ....... Isasakipisyo mo yun kaligayan mo para lang sa makatulong ka sa pamilya mo kahit na labag sa gusto ng puso mo eh gagawin mo parin para lang maging mabuting anak ka sa knila bagkos na pahalagahan ka eh magiging demanding pa at di ka na tutulungan kumayod at aasa na lang sayo habang buhay.
minsan mapipikon ka rin talaga sa mga ganun sitwasyon na ang sarap ng buhay nila sa pinas nagaantay ng grasya habang ikaw kayud ka ng kayod dito , pagod, nahohomesick, walang mapuntahan kapag my problema ka, lahat sasarilinin mo wala kang ibang pwedeng asahan kung di sarili mo lang tapos yun mga tao na iniintindi mo eh inintindi ka rin kaya nila.
hayyyy minsan mahirap ang sobra talaga.......... binigay mo na kanan mong kamay hihingin pa pati kaliwa.
may your bestfriend find peace in gods kingdom..will pray for her soul...
freegirl
02-23-2008, 09:40 AM
tadashi san, condolence.
eleine88
02-23-2008, 10:32 AM
yeah,condolence.at saka parang nagbigay aral na rin ito para sa amin,na huwag sobrang bigay basta tama lang kasi later on kami ang magsasakripisyo.
salamat sa pagbahagi mo nito sa amin at sa kaibigan mo.:(
katheyrine
02-23-2008, 12:00 PM
Hay Tadashi...
Napaiyak ako sa story ng bestfriend mo.
Napaka-bait nya sa pamilya nya.
Kinalimutan nya ang sarili nyang kaligayahan.
Sana maging mapayapa na sya kahit papano.
Talagang ang pera hindi lahat kayang ibigay.
japhil
02-23-2008, 01:07 PM
napaiyak naman ako sa story ng buhay ng friend mo nakakalungkot ang ginawa ng pamilya nya, sana yung naiwan sa kanila ng friend mo pahalagahan nila at mahalin at sana wag na nilang maranasan ang hirap na dati nilang naranasan noong dipa nakakaalis ang friend mo papunta dito sa japan dahil kung babalikan nila ang dati nilang pamumuhay lalo lang malulungkot ang friend mo sa kabilang buhay. Condolence po
xena15
02-23-2008, 04:13 PM
salamat po sa pag share ninyo.......kapupulu tan tlaga ng aral...condolence din po
shuin0120
02-23-2008, 05:02 PM
itadashi-san, your bestfriend is elegant and brave, so all we can do now is pray for her journey :D cheers po ^^
majime22
02-23-2008, 05:56 PM
...naka-relate po ako sa istorya:)from rug into riches ika nga:O
condolence po sa inyo..kokoro kara..
nakakalungkot po ang istorya..pero nakakainspire din...
justine
02-23-2008, 06:37 PM
Tadashi san condolence po,,,nakakalungkot ang story ng friend mu
danasan143
02-23-2008, 09:17 PM
grabeh sis feel na feel ko ang pagbabasa ang bait nyang anak pero bakit kailangan pa humantong sa pagpapakamatay sana inisip nya nalang ang dalawang anak nya at hindi na yung pamilya nya sa pinas huh masakit ang story nya sana nasa kay lord na nga sya now
bluesapphire
02-24-2008, 03:58 AM
Sis, ngayon lang ako umiyak sa isang thread dito sa TF:( as in.. .. .. ..Isang araw tumawag siya sa dati niyang asawa,humingi ng tawad,,patawad dahil isinantabi siya,patawad dahil siya siya ipinaglaban ng bestfriend ko ,patawad dahil pinagpalit siya ng bestfriend ko sa kaginhawaan...patawa d dahil kahit mahal na mahal ito hindi niya naipakita..sinbi ng bestfriend ko..na siya lang daw ang lalaking una at huling laman ng puso niya
Tumawag siya sa magulang niya,sinabi niya mahal na mahal ko kayo...siguro naman kahit hindi ako naging mabuting ina sa anak ko ,naging mabuti naman akong anak sa inyo..ipagdasal ninyo ako yun lang..
Tumawag siya sa mga kapatid niya ,sinabi niya magmahalan kayo...ibigay ninyo ang pagmamahal sa anak ko gaya ng binigay ko sa inyo..
Tumawag siya sa anak niya...at sinabi niya..mahal na mahal kita..inakala ko materyal makapagpapasaya sayo..anak patawarin ma ako dahil ipinag kait ko saiyo ang pamiya....ang magkaruon ng ama at ina
tumawag siya sa akin ,sinabi niya salamat sa pakikinig mo...bestfriend
miles
02-24-2008, 06:46 AM
Tadashi san.. Nakakapanghinayang ang nangyari sa best friend mo. she was so strong and yet she was so weak. Sana na ishokaii mo sa kanya tong Timog para di sya nakaisip ng ganon.. he..he joke lang.. I mean sa dami ng mga inspiring person dito malalaman nya na di sya nag-iisa. One question lang, if you don't mind. hindi kaya nasa impluwensya sya ng drugs ng nagawa nya ang mga bagay na yun? Sana matagpuan nya ang kapayapaan at sana di rin sya pamarisan.
May her soul be rest in peace.di ko sya masisisi sa ginawa nya kung ng suicide man sya..(sorry if i mistaken) i feel to do the same pag sobrang pakiramdam kong pagod na akong mabuhay ,pero mayroon pa akong natitirang faith:::::::::::: konti pa
miles
02-25-2008, 01:37 AM
May her soul be rest in peace.di ko sya masisisi sa ginawa nya kung ng suicide man sya..(sorry if i mistaken) i feel to do the same pag sobrang pakiramdam kong pagod na akong mabuhay ,pero mayroon pa akong natitirang faith:::::::::::: konti pa
hello Sky san okay ka lang.. pag napapagod ka na wag kang titingin sa itaas. titingin ka sa ibaba at malalaman mo na may higit pang pagod na pagod kaysa sa yo. pero hindi nakakaisip na ganyang bagay. siguro naman aware ka sa buhay dito sa Pinas. marami sa paligid-ligid na kumakayod ng husto para mabuhay. pero hindi sumasagi sa isip nila ang mga bagay na ganyan, Don't loose faith. Pray hard, it works.. Ika nga ng isang politiko dito sa Kalookan.:D
tadashi
02-28-2008, 01:59 PM
2wks ako nawala sa timog mula ng isinulat ko ito.......kaya siya nagpakamatay kasi sa lungkot,saka habang nabubuhay siya aasa at aasa ang pamilya niya sa kanya...tungkol sa anak iya? ginawa niya rin yun siguro para sa anak niya...kasi gusto niya makasama na ng anak niya ang ama nito...dahil ayaw ibigay ng pamilya niya ang anak niya sa ama nito dahil mapuputol ang sustento niya...ngayon wala na siya idaan man sa husgado makukuha at makukuha ng ama ang anak... masaya na anak niya ngayon,,, tama naman bestfriend ko...hindi niya man naibigay ang pagiging ina niya sa anak niya...naibigay naman niya ang karapatang makasama ang ama nito
tadashi
02-28-2008, 02:12 PM
walang bisyo bestfreind ko dahil ayaw niya mag aksaya ng pera sa walang kwentang bagay...
masasabi kong napakabuti niyang ina sa anak niya,ate sa mga kapatid niya lalo na anak sa mga magulang niya..... bago nangyari yun,nakausap niya anak niya sa telepono..tinanong niya ito.. anak ano ang wish mo?? sabi ng anak niya,,ma pag sinabi ko yung wish ko baka hindi matupad...sabi ng bestfriend ko sabihin mo na sa akin kasi mama mo naman ako ( akala ng bestfriend ko materyal na bagay,dahil kahit pa magkano bibilin niya para sa anak niya !! ) pero nagulat siya sa sagot ng anak niya,,,,,ma ang wish ko yung mabuo yung pamilya natin yung magkasama na kayo ni papa....umiyak yung bestfriend ko ..
alam ng bestfriend ko na malabo na silang mabuo uli....maraming tututol..maraming isasakripisyo....per o alam niya hindi man niya kayang ibigay ang ina sa anak niya...maibibigay niya ang ama pag namatay na siya...(siguro yun ang nasa isip niya)...hindi ko rin alam...
sweet
02-28-2008, 02:14 PM
2wks ako nawala sa timog mula ng isinulat ko ito.......kaya siya nagpakamatay kasi sa lungkot,saka habang nabubuhay siya aasa at aasa ang pamilya niya sa kanya...tungkol sa anak iya? ginawa niya rin yun siguro para sa anak niya...kasi gusto niya makasama na ng anak niya ang ama nito...dahil ayaw ibigay ng pamilya niya ang anak niya sa ama nito dahil mapuputol ang sustento niya...ngayon wala na siya idaan man sa husgado makukuha at makukuha ng ama ang anak... masaya na anak niya ngayon,,, tama naman bestfriend ko...hindi niya man naibigay ang pagiging ina niya sa anak niya...naibigay naman niya ang karapatang makasama ang ama nito
sana lang maging masaya na din friends mo sis kung saan man siya ngayon,nakakalungkot ang mawalan ng bestfriend naranasan ko din yan etong 2007 lang ng mabalitaan kong namatay ang bestfriend ko na nasa pinas dahil naman sa sakit,iyak ako ng iyak dito at hanggang ngayon palagi ko siyang naaalala dahil na rin sa mga pinagsamahan namin nuon nung nasa pinas pa ko
tadashi
02-28-2008, 02:17 PM
grabe hanggang ngayon pag naalala ko siya umiiyak ako...napakabuti niyang kaibigan....
Autumn
02-28-2008, 04:06 PM
Ipagdasal mo na lang sya, na sanay matagpuan nya ang kapayapaan sa pinuntahan nya........masakit talaga mawalan ng kaibigan lalo na at bestfriend mo pa..........take care of yourself and try to be happy dahil sa palagay ko ayaw ng bestfriend mo na may malulungkot sa pag alis nya.kilala mo naman sya diba?
may god bless her soul
mrs-mymelo
02-28-2008, 05:00 PM
May her soul rest in peace.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.