PDA

View Full Version : guilty feeling?

ninong
02-15-2008, 02:35 PM
mga ka TF, wala lang akong masabihan sa problema ko kaya dito ko na lang i-share sa TF...

sa sobrang bilis ng pangyayari at kalituhan nangyari ito....

nanganak nga ang pren ko.yung time na yun, nasa sapporo ang husband nya kaya nakiusap si pren sa aming mag asawa na makituloy muna kasi kabuwanan na ng pagbubuntis nya.ok naman kay misis.

bale last thursday ng madaling araw,biglang nanggising si pren at masakit ang tyan at nagpapadala sa ospital.sa kabiglaan ko, isinakay ko sya sa kotse at tinakbo doon sa ospital na kung saan sya nagpapa check up. mga 15 min or 6km siguro yun mula sa amin. si misis naman,dahil may kostumer the next morning, di ko na pinasama at tinuloy ang tulog.

so,nakarating kami ni pren sa ospital ng mga 330 am at diretso sa delivery section ng ospital.pagdating doon.pinagalitan kami ng mga nars at doktor kasi daw,wala kaming appointmet,di kami tumawag muna at kesyo blah blah blah.

habang pinapagalitan,pumuto k na ang panubigan ni pren.basa naang pajama at umiiyak sa sakit.maya-maya,dinala sa eksamination room at nagsabi sila na manganganak na raw.then nilipat sa delivery room.

ako naman naiwan sa pasilyong madilim ng ospital then biglang hinatak ng nars na masungit at may sinasabi sya.ako naman, komo napagalitan, hai lang ng hai sa mga sinasabi nya.

mayamaya,pinapwesto ako sa may ulo ni pren at ginawang translator at comforter ni pren.napagkamalan akong husband.medyo asiwa ako sa sitawasyon dahil first time ko makapasok sa delivery room kaya 3x akong nag try na lumabas at tumakas pero lagi akong nasasabihan na nigeru dami dayou at doon sa last na pagtakas ko,napasok ako sa katabing room na may nangangak din pala at pinagalitan na naman ako dahil pumapasok ako sa room ng may room.that time 3 nars pa ang nagalit sa akin.

then,para matapos na,nag stay na lang ako.tapos umpisa na ng panganganak.sus,mga ka TF. ganoon pala ang nanganganak.kita lahat as in lahat dahil naka dispay na parang isda sa palengke ang maselan parte ng nanganganak.ayaw ko sanang tumingin kaso may salamin sa lababo ay swak na swak ang di dapat makita.nangangawit naman ako pag sa ibang direksyon ako tumitingin.saka ewan ko ba,parang namamagnet akong sumulyap paminsan minsan.pilit ko na lang inaalis sa isip ko kung ano man ang nakita ko.

now, nakalabas na ng ospital si pren at heto ang problema.

napansin ko na mas malambing sya sa akin at medyo weird yung ibang kilos nya like noong dinalaw ko sya sa ospital,kumandong sa akin at ilan beses din na napapayakap sa akin pag inaalalayan ko sya.pati misis ko napansin na para daw kaming mag gf lately kasi may pakurot-kurot pa sya kapag nagku kwentuhan.
bakit kaya ganoon? alam kaya ni pren na nakitaan ko sya sa ospital?sasabihin kaya nya sa hubby nya yun? nakakhiya yata di ba?

summergirl
02-15-2008, 02:42 PM
Hahaha..ang cute mo.I think its not your problem..dahil sa di maiwasang pang yayari kaya no choice ka sa pag galit sa iyo!!Sa pag kita mo habang nanganganak sya..Lubos na tulong ang ginawa mo sa friend ng wife mo,But unfair iyon sa wife mo kung papasilo ka sa girl na ganon..Iyon ang tinatawag nilang walang utang na loob dahil mahiya na lang sya dapat sa asawa mo pero ,flirting pa sya dahil nakita mo ang kaluluwa nya..Hiya lang ang umiiral doon..hahaha

may_abe
02-15-2008, 02:44 PM
Hi Ninong..problema yan.Baka may pag tingin ka rin sa friend mo.Makakasira yan sa inyo. Kausapin mo na lang si friend mo,na huwag masyado dumikit sayo para na rin hindi makapag isip si Misis. :)Yung nakita mo, ibaon mo na lang sa limot..kahit mahirap.

hacaya
02-15-2008, 02:44 PM
hi ninong!:)

baka attracted na syo si pren kase sa kabaitan na ipinakita mo sa kanya..

wag ka ma-guilty di-maiiwasan ang nangyari sayo kaso lang dapat kausapin mo ng masinsinan si pren kase dapat walang ganon kase mag-kaibigan lang kayo baka 2 pamilya pa mawasak nya kung maglalambing parin sya sayo diba.

just my little thoughts!:)

coffee
02-15-2008, 02:47 PM
hello ninong,:wavey:
ewan ko sa yo....!
pero, on my part,.. para kang hero sa akin.
humanga ako sa iyo! napakabait mo. pero ako
yung kinilibutan, na kinilig, na di ko maintindihan
sa naging experience mo.
pero honestly, if i were you, sasabihin ko sa kanya
masinsinan yung nangyari like kung paano mo isinulat dito sa TF.
coz kung ako yung babae, magsu-super thank you talaga
ako sa iyo.:bowdown:

ninong
02-15-2008, 02:48 PM
mga sister, kung alam ko lang na ganoon ang panganganak, sana ob-gyne na lang ang kinuha ko at di na engg.
naiimagine ko tuloy na sa lugar namin, parang lahat ng wifey maganda man o pangit ay nakita na ng doktor na yun.sus grabe talaga...

honestly, ang alam ko sa mga nanganganak ay nakakumot sila o naka duster tapos hihintayin lang mahulog o lumabas ang bata.ganoon kc ang nakikita ko sa mga nanganganak sa pelikula at komiks e.

yun pala ay hindi...guguntingin pa sa may gawi doon at tatahiiin pa.grabeh

iza326
02-15-2008, 02:49 PM
mga sister, kung alam ko lang na ganoon ang panganganak, sana ob-gyne na lang ang kinuha ko at di na engg.
naiimagine ko tuloy na sa lugar namin, parang lahat ng wifey maganda man o pangit ay nakita na ng doktor na yun.sus grabe talaga...

natawa naman po ako sa thread mo ninong... pag dating sa ganyan walang malisya saka dyan ka din po lumabas:p

rockinchiq
02-15-2008, 02:52 PM
mga ka TF, wala lang akong masabihan sa problema ko kaya dito ko na lang i-share sa TF...

sa sobrang bilis ng pangyayari at kalituhan nangyari ito....

nanganak nga ang pren ko.yung time na yun, nasa sapporo ang husband nya kaya nakiusap si pren sa aming mag asawa na makituloy muna kasi kabuwanan na ng pagbubuntis nya.ok naman kay misis.

bale last thursday ng madaling araw,biglang nanggising si pren at masakit ang tyan at nagpapadala sa ospital.sa kabiglaan ko, isinakay ko sya sa kotse at tinakbo doon sa ospital na kung saan sya nagpapa check up. mga 15 min or 6km siguro yun mula sa amin. si misis naman,dahil may kostumer the next morning, di ko na pinasama at tinuloy ang tulog.

so,nakarating kami ni pren sa ospital ng mga 330 am at diretso sa delivery section ng ospital.pagdating doon.pinagalitan kami ng mga nars at doktor kasi daw,wala kaming appointmet,di kami tumawag muna at kesyo blah blah blah.

habang pinapagalitan,pumuto k na ang panubigan ni pren.basa naang pajama at umiiyak sa sakit.maya-maya,dinala sa eksamination room at nagsabi sila na manganganak na raw.then nilipat sa delivery room.

ako naman naiwan sa pasilyong madilim ng ospital then biglang hinatak ng nars na masungit at may sinasabi sya.ako naman, komo napagalitan, hai lang ng hai sa mga sinasabi nya.

mayamaya,pinapwesto ako sa may ulo ni pren at ginawang translator at comforter ni pren.napagkamalan akong husband.medyo asiwa ako sa sitawasyon dahil first time ko makapasok sa delivery room kaya 3x akong nag try na lumabas at tumakas pero lagi akong nasasabihan na nigeru dami dayou at doon sa last na pagtakas ko,napasok ako sa katabing room na may nangangak din pala at pinagalitan na naman ako dahil pumapasok ako sa room ng may room.that time 3 nars pa ang nagalit sa akin.

then,para matapos na,nag stay na lang ako.tapos umpisa na ng panganganak.sus,mga ka TF. ganoon pala ang nanganganak.kita lahat as in lahat dahil naka dispay na parang isda sa palengke ang maselan parte ng nanganganak.ayaw ko sanang tumingin kaso may salamin sa lababo ay swak na swak ang di dapat makita.nangangawit naman ako pag sa ibang direksyon ako tumitingin.saka ewan ko ba,parang namamagnet akong sumulyap paminsan minsan.pilit ko na lang inaalis sa isip ko kung ano man ang nakita ko.

now, nakalabas na ng ospital si pren at heto ang problema.

napansin ko na mas malambing sya sa akin at medyo weird yung ibang kilos nya like noong dinalaw ko sya sa ospital,kumandong sa akin at ilan beses din na napapayakap sa akin pag inaalalayan ko sya.pati misis ko napansin na para daw kaming mag gf lately kasi may pakurot-kurot pa sya kapag nagku kwentuhan.
bakit kaya ganoon? alam kaya ni pren na nakitaan ko sya sa ospital?sasabihin kaya nya sa hubby nya yun? nakakhiya yata di ba?

Hajimemashite ninong..:p
pasensya n ha?ntawa nman ako sa kwento mo..kaka-aliw..:)
para bang may magnet?hahaha..:D
anyways,'bout your problem..
it's so nice of you to help your friend n nangangailangan,kaya lang mukhang n-miss interpret k ng "pren" mo..naisip siguro nya n kaya super bait mo sa kanya eh may extrang pagtingin k sa knya..hindi nman kya meron nga?(just askin')ano b nramdaman mo nung nkita mo yung di dapat mkita?(just asking lang ulet):p
sa tingin ko nga po may pagtingin nga syo si "pren" pero its all up to you kung pano mo sya iiwasan in a very nice way..kawawa nman si misis kasi naapektuhan n sya..baka maging cause p yan ng di nyo pagkakaunawaan.
if ever alam ni "pren" na nkitaan mo sya,i dont think she'll gonna tell it to her hubby..
minsan kasi ninong,nmimis-interpret ang kabaitan ng isang tao specially towards opposite sex..
iwasan mo nlang mapalapit sa kanya..you know?make a certain distance between the two of you..its for your own good na din..:p

gud
02-15-2008, 02:52 PM
baka na mis-understood nya ung care u've showed her
kaya sya nagin showy sayo...

tsaka sabihin man nya sa asawa nya yun, i dont think
he has the right to get mad, kse that time, wala sya
at ikaw an hinila ng mga nurse...

wala ka nman intention na makita yun or tumayo as
tatay nun bata di ba ?
kundi tumulong lang...

why feel guilt ?

malinis konsensya nyo mag asawa ng tulungan yun friend mo...

A Real friend is The One Who Walks IN,
When The Rest Of The World, Walks OUT

cutie1403
02-15-2008, 02:56 PM
ninong,filipina ba yung friend mo?nakakatawa kasi para ngang ikaw yung asawa nya nung panahon na nanganganak sya.paglabas nya sa ospital,sa inyo pa ba sya tutuloy?kung gusto mo ng umiwas pa sa mas malaking problema,wag mo ng patuluyin sa inyo at baka may ma develop pa na kung ano:D

ninong
02-15-2008, 03:13 PM

opo,pinay si pren at japon yung husband nya.wife ko naman japanese pero lumaki sa hawaii.
nasa sapporo po kasi yung husband nya dahil naka business trip doon.ok naman po ang pagsasama nung mag asawa.

yung husband ay bata pa,may itsura at maganda ang wrk sa fujitsu,english speaking at katoliko.

di na sya tumutuloy sa amin.umuwi na sa kanila at nasa kanila na rin ang husband nya.

k_e_n_k_a_y
02-15-2008, 03:22 PM
ninong... i enjoy reading your story...

malamang alam ni pren na nakita mo ang dapat na di mo makita...:D nahihiya rin sayo yon...

just to break the ice between you and her, medyo dinaan na lang niya sa pagbibiro sayo.

yon pagkurot niya sayo eh, maaaring sinasabi niya na 'bakit mo tiningnan, di ka na lang pumikit? ikaw ha, me pagnanasa ka sa kin' hahaha...:p

cutie1403
02-15-2008, 03:27 PM
pa OT.

may nakausap naman akong japanese dati.sabi nya simula daw ng nakita nya yung "ano" nung asawa nya habang nanganganak eh nawalan na sya ng ganang makipag sex sa asawa nya.:eek:

ninong,masagwa ba itsura pag nanganganak ang babae?:D

KikoyBalayon
02-15-2008, 04:07 PM
pa OT.

may nakausap naman akong japanese dati.sabi nya simula daw ng nakita nya yung "ano" nung asawa nya habang nanganganak eh nawalan na sya ng ganang makipag sex sa asawa nya.:eek:

ninong,masagwa ba itsura pag nanganganak ang babae?:D

:biglaugh:

mamimo
02-15-2008, 05:03 PM
pa OT.

may nakausap naman akong japanese dati.sabi nya simula daw ng nakita nya yung "ano" nung asawa nya habang nanganganak eh nawalan na sya ng ganang makipag sex sa asawa nya.:eek:

ninong,masagwa ba itsura pag nanganganak ang babae?:D

ma-MTRCB si ninong nya, pm mo daw sagot ninong....kaaliw pang-alis homesick.:D

memyself&i
02-15-2008, 05:11 PM
opo,pinay si pren at japon yung husband nya.wife ko naman japanese pero lumaki sa hawaii.
nasa sapporo po kasi yung husband nya dahil naka business trip doon.ok naman po ang pagsasama nung mag asawa.

yung husband ay bata pa,may itsura at maganda ang wrk sa fujitsu,english speaking at katoliko.

di na sya tumutuloy sa amin.umuwi na sa kanila at nasa kanila na rin ang husband nya.

naku ninong wala lang yun wag mo bigyan ng malisya yon... siguro nahiya lang yon sayo.

pero bilib talaga ako sayo, asan yun wife mo nun sinamahan mo siya sa ospital?

sarpon
02-15-2008, 05:13 PM
saludo kami sayo ninong...

di lang mga bata ang inaampon mo, pati buntis na nanay... bagay na bagay yang handle mo sayo... NINONG NG BAYAN!:D

k_e_n_k_a_y
02-15-2008, 05:15 PM
saludo kami sayo ninong...

di lang mga bata ang inaampon mo, pati buntis na nanay... bagay na bagay yang handle mo sayo... NINONG NG BAYAN!:D

at nagkawang-gawa pa sa isang obaasan...

ninong
02-15-2008, 05:26 PM
nasa bahay lang po si mrs ko noon kasi may importanting kausap kinabukasan sa work.
opo masagwa tingnan ang babaeng nanganganak...saka may mabaho,parang na ebak sa sakit e.panay nga ang bulong ko ng"ano ba yan,ang baho naman"...
sa totoo lang,wala naman po akong pagnanasa doon kasi matanda sa akin( 28 na po yun).di lang mapigilan mapatingin sa salamin kasi pag iniba ko ang view ko,nangangalay ang leeg ko.

maraming salamat po mga ka TF.kahit paano na relieved ako sa mga post nyo.for sure magkakaroon ako ng good 3days weekend nito.

taurean06
02-15-2008, 05:33 PM
Hahaha..ang cute mo.I think its not your problem..dahil sa di maiwasang pang yayari kaya no choice ka sa pag galit sa iyo!!Sa pag kita mo habang nanganganak sya..Lubos na tulong ang ginawa mo sa friend ng wife mo,But unfair iyon sa wife mo kung papasilo ka sa girl na ganon..Iyon ang tinatawag nilang walang utang na loob dahil mahiya na lang sya dapat sa asawa mo pero ,flirting pa sya dahil nakita mo ang kaluluwa nya..Hiya lang ang umiiral doon..hahaha

Ibang iba talaga mag care ang pinoy, kahit sa ganoong sitwasyon maaasahan mo:D Pero tulad ng sinabi ni summergirl san, kung ayaw mong ma develop sa girl, mabuti na i treat mo siya ng normal nalang. Let her know na wala kang " feelings" sa kanya para di masira ang tiwala ng wife mo sayo. Kasi once na masira yun, mahirap ng ibalik> Anyway, kung ako naman yung "pren " mo, siguro magpapasalamat talaga ako ng husto, pero at the same time, mahihiya na ring tumingin or kahit makipag-usap man lang sayo dahil nga nakitaan mo na siya ng maselang bagay . Wala namang masamang tumulong pero kung ikasisira din lang ng pamilya, kailangan ding pag-isipang mabuti. Opinion lang po.

maimai
02-15-2008, 05:35 PM
saludo kami sayo ninong...

di lang mga bata ang inaampon mo, pati buntis na nanay... bagay na bagay yang handle mo sayo... NINONG NG BAYAN!:D

hihihihi~~napadaan lang pow :lol:

pero bilib talaga ako sayo ninong.. napaka-hospitality mo..:D:p

sitsukoime
02-15-2008, 07:14 PM
:roll::roll: ang kulet ng story nyo po. hahaha!!

eli
02-15-2008, 07:23 PM
nice thread bro! galing mo pare!

Dillinger
02-15-2008, 08:57 PM
Para ka pa lang personal caregiver nya:D Saludo ko sayo tol ma iba iba yan bakit ko kailangan mag stay sa ospital d ko naman asawa yun...Yan ang tinatawag natin na cooperasyon bilang isang pilipino sa ibang bansa na nagtutulungan, d man masuklian ang ginawa mong kabutihan pero sa paningin ng panginoon +plus ka sa kanya......

Good Luck sa frend mo.....

Dondake303
02-15-2008, 09:49 PM
Nakakatuwa po kwento nyo:Dang susungit naman ng mga nurse, siguro taranta sila pag may nanganganak ..

eli
02-15-2008, 11:21 PM
ninong ka daw nung baby hehe

shuelma
02-16-2008, 04:50 PM
kakaaliw nmn yang story mo ninong:D...bilib ako sayo...nice man:).

kyla06
02-16-2008, 06:22 PM
ang bait mo naman ninong,nakakatuwa naman ang story mo.

eli
02-16-2008, 06:49 PM
galing naman pala ninong pinoy kau ni pren tapos yung mga asawa nyo hapon, gandang story yan ah

yukio_cris
02-16-2008, 08:23 PM
mga sister, kung alam ko lang na ganoon ang panganganak, sana ob-gyne na lang ang kinuha ko at di na engg.
naiimagine ko tuloy na sa lugar namin, parang lahat ng wifey maganda man o pangit ay nakita na ng doktor na yun.sus grabe talaga...

honestly, ang alam ko sa mga nanganganak ay nakakumot sila o naka duster tapos hihintayin lang mahulog o lumabas ang bata.ganoon kc ang nakikita ko sa mga nanganganak sa pelikula at komiks e.

yun pala ay hindi...guguntingin pa sa may gawi doon at tatahiiin pa.grabeh

ninong , diyan din po kayo nanggaling at lumabas hehe but anyway hindi ba kayo nag collapse wen the newborn comes out?:p pinabilib nyo po ako. about
sa friend nyo maybe humanga din siya sa inyo.:)

kate
02-16-2008, 08:35 PM
di ko mapigilan na di makisali at makitawa...:biglaugh : sa thread na to ang galing mo po..sa totoo lan :) iba talaga ang pinoy..:king:nice man..

chichai
02-16-2008, 11:28 PM
kakatuwa po ng story nyo... kapag nanganak na misis nyo dapat samahan nyo na rin po sa delivery room para mawala ang guilt nyo. peace!... :D

hana
02-17-2008, 12:26 AM
sali din ako natatawa akong nag babasa at humahanga kay ninong ang cute mo.
bilib ako sayo ninong halatang bata kapa siguro,:dowave:

meteor
02-17-2008, 12:34 AM
nasa bahay lang po si mrs ko noon kasi may importanting kausap kinabukasan sa work.
opo masagwa tingnan ang babaeng nanganganak...saka may mabaho,parang na ebak sa sakit e.panay nga ang bulong ko ng"ano ba yan,ang baho naman"...
sa totoo lang,wala naman po akong pagnanasa doon kasi matanda sa akin( 28 na po yun).di lang mapigilan mapatingin sa salamin kasi pag iniba ko ang view ko,nangangalay ang leeg ko.

maraming salamat po mga ka TF.kahit paano na relieved ako sa mga post nyo.for sure magkakaroon ako ng good 3days weekend nito.

ninong bata pa naman yung 28 diba :p
good karma ang marrcv mo ninong kasi di biro yung mapagkamalan kang father
then nakita mo pa kung paano maglabas ng bata sa earth :D
uy may-experience na si ninong:D para pag-nagkakababy na kayo ng wife mo
alam mo na ang feeling ;)

LEMON
02-17-2008, 09:05 AM
napadaan lang po @ ninong..:p nakakaaliw po ang story:D:D
at hero ka ninong:liftup: gud job :king:
GOD Bless you :)

shakey
02-17-2008, 02:46 PM
kakatuwa kwento mo ninong:) galing mo ang tapang mo !!!

katty0531
02-17-2008, 05:10 PM
Ninong...omedetou~~~ ~~
alam nyo bang ka hanga hanga ginawa nyo??? you're the man!
Mabuhay ka Ninong hehehehe.....

Syempre di maiwan ni 28 na ma impress at may pa kurot kurot na sya ngayon sa inyo, natural lang po yon. Wag ma guilty kasi don po tayo lahat nang galing at lumabas.

summerghie
02-19-2008, 12:10 PM
naloka ako sayo ninong--------->>>>> atleast ngayon alam mo na kung gaano kahirap manganak ang babae talaga wa lahat --------->>>>>>> at wag ka ng mandiri doon sa amoy kasi diyan ka rin naman nagmula:):D

lenemen
02-19-2008, 03:31 PM
ninong, di ko rin napigilan ang humagikhik sa kwento mo. Asawa ko nga ni hindi naka witness ng panganganak ko kahit naka tatlong biyahe na ako sa delivery room kasi hindi pa uso noon yang "tachi-ai shussan". Basta ba love mo ang wifey mong haponesa at alam mo kung paano umiwas kung halimbawa mang may nadevelope na kimochi sa pren mo, sa palagay ko no problem. Malamang nga ay busy na si pren mo sa pag-aalaga ng new-born baby niya. Medyo distansiya na lang cguro ng kaunti para maka siguro ka. Kaya lang baka ikaw nga ang kukuning pangunahing NINONG ng baby niya....ha! ha! ha!:D

Jyellenny
02-19-2008, 03:37 PM
Ano ba yan! Advice ko lang sa iyo kung ayaw mo ng trouble and siempre in fairness naman sa Mrs. mo eh WAG kang magpadala sa tukso. Siempre alam naman natin ang machismo ng mga pinoy - pag alam nilang may flirtations ang babae eh sumasakay din - iwas ka na lang at wag mong lagyan ng malice. Since both of you are "happily" married , sana you remain as friends forever at hanggang dun lang period!

honey
02-19-2008, 04:34 PM
:biglaugh: maluha luha ako sa kakatawa :biglaugh: . Huwag mo bigyan ng malisya ang pakurot kurot ni ATE sabi mo matanda kamo sayo.Isipin mo na lang na kapatid mo ang dinala mo sa hospital at tinulungan.Malamang yun lang yung way ng tinulungan mo para magpasalamat wala naman sigurong malisya yon kasi HERO ka nya ikaw talaga oo! :D. Napaka matulungin mo ipagpatuloy mo lang yan;).

ninong
02-19-2008, 04:59 PM
mga ka TF,ang sarap ng 3 days yasumi ko kahapon kasi medyo nawala na ang magulo sa isip ko dahil sa mga magagandang reply at post nyo.maraming salamat po.