View Full Version : my latest trip..
bluesapphire
02-19-2008, 06:10 PM
pakwento lang po..
umuwi ako sa pinas kasama anak ko January 4.. nauna ng isang araw yung asawa ko january 3... kaya lang dahil sa panay ang tipid namin mag anak sa airline fee, China Airline kami via Taiwan Airport... sa NAIA may nag pipilit mag tulak ng bagahe ko kasi raw malalaglag sa cart... pano naman kayang hindi malalaglag yon eh lahat yata ng luggage cart don eh walang harang sa harapan? sinadya yata... anyway dahil sa may 50 pesos ako non, pinatulak ko na.. sabay bigay ng 50..
sa sobrang init sa Pinas.. namumula yung pisngi ng anak ko, para tuloy syang galing ng Baguio... masarap lang na may bitbit na bata kasi parating priority na papasukin agad sa loob ng eroplano ang may bitbit na bata...
hindi naman kami lumalabas ng Manila ng asawa ko pag nasa Pinas kami.. madalas kasi kami umuwi ng Pinas..
Naunang bumalik ng Japan yung asawa ko January 9... dito may sikreto ako..
Bumili ako ng Ticket papuntang London U.K., jan. 10, hindi ko sinabi sa asawa ko... kasi magagalit yun dahil mahal nga ang ticket.. imagine 70Kpesos?!... mag isa ko lang.. iniwan ko yung anak ko sa mama ko sa pinas..kasi nga nangako nako sa Tita ko sa UK na pupunta ako don.. so natuloy pa rin ako via Thai Airways..
Sa NAIA papuntang UK, ang haba ng pila, and since 6 days lang ako don, iisa lang ang luggage ko..may isang pinay na nakapila na panay ang tingin sa bagahe ko kasi nga iisa.. eh ang dami ng kanya.. mga 30 kilos mahigit yata?... gusto nyang makisabay patong ng luggage sakin.. dalawa raw kami... nakakahiyang tumanggi pero tinanggihan ko pa rin... sabi ko sa kanya, pasensya na, ayaw ko kasi ng abala...sabi naman nya.. ok lang, gagawan ko na lang ng paraan...
First time ko bumyahe ng matagal...
yung keitai ko, pwedeng pang international..iniis ip ko, ano kaya sasabihin ko sa asawa ko pag tumawag sakin? a alam ko na.. sasabihin ko na nasa labas ako...nag sa shopping.. hehe..(warui kedo shoganai)
nalungkot lang ako kasi first time na hindi ko kasama yung anak ko sa byahe... buti na lang smooth as silk nga talaga ang Thai airways..
to be continued....
wow,bitin!waiting ako sa kasunod...he he he he
mtwalton
02-19-2008, 06:26 PM
oh my!
hayaku yun kasunod...kaka excite naman:p
meteor
02-19-2008, 06:33 PM
umpisahan na ang pagtatype sis :D
alamagawa
02-19-2008, 06:36 PM
ang tagal naman nung next:weep:
bluesapphire
02-21-2008, 01:56 PM
censya na po natagalan yung continuation... 2 days ako di nag online...
sa thai airport, naligaw ako... sa laki ng airport nila... hindi pa sila marunong mag english kaya nahirapan akong hanapin ang boarding gate ko..
para akong boba, pumila pa ko sa arrival area samantalang connecting flight ako.. sa wakas nahanap ko rin ang gate ko.. kala ko maiiwan ako ng eroplano... at from bangkok to London Heathrow.. lumipad ang eroplano..
medyo natakot ako sa tagal ng byahe... 13 hours,from bangkok..kasi nga sikreto.. andaming what ifs..
what if kung bumagsak eroplano, at nabuhay ako, buhay nga pero patay naman ako sa asawa ko... what if bumagsak .?? hindi ko na makikita bebe ko... pano na lang sya naiwan sa mama ko.. eh wala pa naman pera yun... pero nag pray na lang ako kay lord na sana yung eroplano ay makarating sa London heathrow airport na walang accident at ingatan kaming mga pasahero sa byahe...
nakatulog ako sa byahe.. ganon pala pag sobrang tagal ng byahe... pag gising ko..
6:30 a.m. sa loob ng eroplano.. lalan ding na raw sa heathrow...
hay salamat.. nakarating rin sa wakas.. sa immigration ang daming foreigner na nakapila at ang haba ng pila parang manila airport... tinanong ako ng immigration officer kung bakit 5 days lang stay ko.. january 10 ako umalis sa manila,january 11 nung dumating ako sa london.. january 16 balik ko sa pinas...
ang sabi ko.. because i only have 5 days left in staying in manila..., I'm going back to japan on the 18th... okay daw sabi nya... welccome to LOndon raw..
sinundo ako ng husband ng tita ko na pinoy rin kasi may duty raw yung tita ko sa hospital... from london 40 minutes papunta sa house ng tita ko... ang sama ng panahon.. mag e 8 na ng umaga madilim pa...
super, ang ganda sa london palibhasa first time... ang mga bahay parang hunted house...
nagkita kami ng tita ko at mga cousins ko... dalawa ang tita ko doon kasa kasama mga family nila... pinasyal ako ng cousin ko sa london downtown..
london bridge, big ben... etc..
since wala ng time.. di na kami naka pasyal sa bucking ham palace at sa madam tussaud's house of wax..
from january 10 to january 16 walang tawag ang husband ko awa ng Diyos...
dito na po ako kinabahan... nasa loob ng eroplano na ko... january 16.. tumawag ang asawa ko...
hindi ko sinagot, kasi bawal ang celfone sa loob ng eroplano.. pero mag te take off pa lang yon... kaya lang sa isip isip ko, pag hindi ko sya sinagot.. the next day ko na sya matatawagan.. baka mabuking ako , at isipin pa nya na iba ang sini sikreto ko... so ang ginawa ko, in on and off ko yung cel ko... at nag pa 1 ring sa kanya... tapos sa short mail ang dami nyang tawag... pagkatapos non... nakausap ko sya... sabi ko network ga warui, keitai mo warui... kaya di pedeng makapag usap ng matagal... na intindihan naman daw nya ko... akala lang daw nya, january 17 ang balik ko sa japan, kakunin lang daw,.. sabi ko,.. sa 18 pa...
hay ... nakahinga ng maluwag...at inoff ko na ng tuluyan yung cel ko kasi nag take off na yung eroplano...
habang nasa flight from london heathrow to bangkok...
to be continued...
alamagawa
02-21-2008, 02:13 PM
bitin na naman:crash:
bluesapphire
02-21-2008, 02:29 PM
bitin na naman:crash:
bukas po continuation... promise:)with pics pa..:D
mag la log off na po kasi ako eh...
SWEET_REINA
02-21-2008, 02:29 PM
more pictures please:D
bluesapphire
02-21-2008, 02:33 PM
more pictures please:D
bukas po... :)pramis:D
offline na po ako...:)
rhynissa
02-21-2008, 03:23 PM
ahihi, sige sis abangan amin ang kuwento mo.. ang sarap din m insan ng palihim na mamasyal eh hahaha..
whahahaha asan na sis!kahit man lang sa picture makarating kami dyan sa london ~~~he he
meteor
02-21-2008, 07:27 PM
galing open for conti.:p waiting mode naman man :D
bluesapphire
02-22-2008, 04:50 AM
pics po muna, to be continued ulit...:) d reason why maliit ako sa pics, yung background lang talaga ang gusto kong kunan jan...:D
bluesapphire
02-22-2008, 05:03 AM
sa london, nagulat ako may uniqlo... napagod ako sa kakalakad sa downtown london... tumawag ako sa pinas sa 4 yr.old kong bebe... sabi nya... mama, doko itta no?maimai ga neta toki ni, mama ga inai de ,maimai naita... sa baby language ng japanese... sabi ko... nag shopping lang ako, hintay mo may pasalubong ako ...syempre miss na miss ko ang bebe ko kahit na ilang araw lang yon...:O
itutuloy...
wow ang ganda talaga sis~~~waiting mode pa ako he he
miffy
02-22-2008, 04:02 PM
exciting naman po yung kwento nio... wala pa pong kasunod?... :D
nakakabitin kasi... :hihi:
rhynissa
02-22-2008, 04:09 PM
may uniqlo sa London, sa word pa lang eh french na ang word diba? hehe
shinshinobi
02-22-2008, 06:04 PM
paano naman kapag nakita ng asawa mo na may tatak na london arrival ang passport?
crispee
02-23-2008, 06:18 AM
Exciting naman ang secret adventure mo bluesapphire.
Sana after few days walang report na 'please delete this and that because etc etc. :)
Nice photos.
bluesapphire
02-24-2008, 04:14 AM
Exciting naman ang secret adventure mo bluesapphire.
Sana after few days walang report na 'please delete this and that because etc etc. :)
Nice photos.actually po... pangalawa na po iyan eh:confused: pag natapos po yung kwento about my trip to london... isusunod ko po iyon... pero short story lang po:O
paano naman kapag nakita ng asawa mo na may tatak na london arrival ang passport?
shinshinobi san, kahit once hindi nya pa binuklat ang passport,wallet at bag ko... pati yung cellphone ko... kasi po he respects my privacy very much tsaka po ang sinasabi nya sakin pagsasayang lang daw ng oras yung pag bubuklat ng gamit ko eh wala naman daw syang mapapala... ngayon ko lang nga po nalaman na importante rin pala ang privacy sa mag asawa kahit na kasal pa kayo... kahit nga mails ko hindi nya pinakikialaman pag sakin naka pangalan.. kakaiba nga po sya.. kaya minsan sobra na rin ang inis ko sa kanya kasi hindi rin sya seloso... :doh:
bluesapphire
02-24-2008, 04:43 AM
sa totoo lang... masarap pong mamasyal sa london kaya lang dahil sa sikreto sya sa husband ko... hindi rin ako masyadong napalagay...or nag aalala pa rin ako...
nag aalala na baka may mangyari sakin... eh yung anak ko maliit pa para maiwan ko...
ang nakaraan...
nakasakay na po ako sa flight from heathrow via bangkok to manila... pag ka off ko ng cel ko... nag take off ang aircraft... isang lalaking british at isang thai na lalaki ang katabi ko... sa isip isip ko... nakupo naman... sa haba ng byahe etong dalwang to ang katabi ko... buti na lang at hindi ako sa gitna nila... nasa window seat po ako...
sinerve ng flight stewardess ang unang meal... pag katapos non... biglang parang lumilindol ang eroplano... sobra sobra pong dasal at panalangin ang ginawa ko... nanalangin talaga ako na sana paratingin kami ng safe sa destination namin... napakatagal na umuuga ng eroplano... kung china airline pa yon eh medyo sanay na po ako ... kaya lang yung experience kong byahe from manila-bangkok-heathrow ay hindi talaga umuuga... kaya takot na takot akong bumubulong ng dasal... paulit ulit ... hanggang sa mag subside yung pag uuga... masama lang daw talaga ang panahon... at sa pagitan ng 13 hours na byaheng iyon papuntang connecting flight sa bangkok... may paminsan minsang uga...
hay salamat... nag landing din sa bangkok airport... this time hindi na ko nahirapan hanapin yung gate ko dahil marami ring pinoy na pauwi ng manila that time galing bangkok...
pag dating sa NAIA ulit...luggage na naman... okay lang kasi 20 kilos lang naman ang luggages ko... hindi na ko kumuha ng porter...ako na ang nag tulak...
nakita ko yung mama at papa ko kasama yung anak ko at pamangkin kong 3 yrs.old... hinihintay nila ko...that was january 17, 12 noon... the next day january 18.. flight back to japan namin ng anak ko... very hard schedule...
grabeng byahe talaga ... within 2 weeks...
pag dating namin sa fukuoka AP, january 18... dun na po ako nag first time sa finger printing system sa immigration... ayoko naman mukhang haggard ako sa camera nila ... inayos ko pa ng konti ang buhok ko... sinabihan ba naman akong te wo dokashite kudasai...o sige na nga ... baka i AP to AP nila ko eh... mama osoi daw sabi ng anak ko..... hay salamat naka balik kami dito sa Japan ng safe ng anak ko:)
bluesapphire
02-24-2008, 04:57 AM
and this was my latest trip... :) .....
LEMON
02-24-2008, 08:24 AM
and this was my latest trip... :) .....
go kurosama deshita:):coffee: thanks and GOD Bless sis sa next secret adventures mo :wave::wavey::D
Choco
02-24-2008, 10:47 PM
Abangan ang susunod na kabanata ni bluesapphire chan...
coffee
02-25-2008, 02:33 AM
Abangan ang susunod na kabanata ni bluesapphire chan...
waiting mode din ako dito :rolleyes:
bluesapphire
02-25-2008, 12:49 PM
Abangan ang susunod na kabanata ni bluesapphire chan...
go kurosama deshita:):coffee: thanks and GOD Bless sis sa next secret adventures mo :wave::wavey::D
waiting mode din ako dito :rolleyes:
ahehe..:D hinihintay nyo pala yung kwento ng isang sikreto ko>?!:D:D
cge po wait nyo lang... pag ako'y hima... kelangan ma refresh muna ang memory ko kasi mga 3 and a half yrs. ago pa yon...;)
SWEET_REINA
02-25-2008, 01:46 PM
thanks for sharing ng pictures sa adventure mo!,,:)
inabangan ko talaga yun kwento mo dito sis,:D
parang komiks eh,,abangan ko naman susunod na kabanata ng adventure mo:D..
bluesapphire
02-29-2008, 04:40 AM
eto na po yung isang secret story ko...
year 2003, june pinanganak yung bebe ko 2003,... and since bago lang ako dito sa japan noon.. sobrang selosa ko... parati ko na lang iniisip na may babae yung husband ko kahit wala.. out of reasoning na nga ako minsan... lalo kapag nag o over seas sya.. madalas kasi syang mag leisure kasama yung mga friends nya.. thailand,vietnam , malaysia, shanghai , taiwan atbp. tapos wala pa kong friend na pinoy dito noon.. kaya super ang lungkot...
june pinanganak yung bebe ko pero july pa lang pinagawaan ko na ng passport..
pinilit ko pang patayuin yung ulo nya sa camera para makunan lang ng pic...
and sa wakas, nagka passport na nga ang bebe ko...
december 2003, sabi ng husband ko... pupunta sya at mga ka grupo nya sa lions club sa Taiwan para sa isang conference..5 days...
sa isip isip ko, tutal pupunta rin lang sya don.. nag pa reserve na rin ako ng ticket
sa travel agency pauwi ng pinas.. pero hindi ko sinabi sa husband ko...
ewan ko rin ba kung bakit kaya sikreto yun..:confused:
that time, six months old ang baby ko... binalak ko kasing pabinyagan sa pinas..
dedication...
itutuloy...
shinshinobi
02-29-2008, 04:52 AM
exciting pala relationship nyo puro sikreto :D
thermometer
02-29-2008, 10:05 AM
sis mahilig ka pala sumalisi ha :D..joke po
mamimo
02-29-2008, 02:02 PM
post mo na nakakabitin eh:D;)
SWEET_REINA
02-29-2008, 02:08 PM
nun nagpunta tuloy si hubby ko sa china lastweek,parang gusto ko na ring sumalisi pauwing pinas:D:Dnaisip ko kasi yun thread na to!kaya lang naisp ko rin wala pala kong anda!!!:Dikenai!!
siguro pag nakita sis yun passport mo ni hubby mo,magugulat yun:eek:hehe,
abangan ko kwento mo:D
ellaeieiei
03-01-2008, 05:36 PM
waiting mode hehehe :D :D
abang-abang mode
bahaykubo
03-04-2008, 07:58 AM
wow nice pics sis ha...
kaya lang naisip ko lang kung sakali ba na magpapa alam ka ei papayagan ka ba nyang umalis?or kailangan pa ba talagang sikreto ang alis mo minsan? diba mas maganda magpa alam ka at least may blessings ka at di ka mag woworry na mahuli ka nya.mas maganda kung bibigyan ka pa ng pamasahe at pocket money.
what if gawin din ng asawa mo na umalis ng pa sikreto? kahit ba sabihing wala naman shang gagawing masama.pero sikreto pa din..:Danong ma fe feel mo? ok lang din sayo?
maganda rin mga secret adventure.kaya langminsan nga nakakatakot lalo na pag ma disgrasya.naiisip ko nga din to gawin:D:Dkaya lang wag na lang..
waiting mode din ako sa mga stories mo..:)
bluesapphire
03-04-2008, 11:42 AM
pacencya na po, 5 days di nakapag log in... busy kase...:) continuation ko ulit... di pa kase tapos yung story ko...:)
bluesapphire
03-04-2008, 11:53 AM
ayun nga po... six months old ang bebe ko.. may ticket na kaming dalwa... mura pa ang bayad sa kanya non, 1 lapad lang ata... de kalong kasi... or sa baby bassinet...that was december 2003, first na byahe ng bebe ko... china airlines ulit... hanggang dun lang kasi kaya ng bulsa ko:D
dumating yung araw ng byahe... fukuoka airport, yung friend kong haponesa ang nag hatid sakin... nagulat ako... yung husband ko nakita ko sa airport! akala ko mag kaiba kami ng time ng flight... shocking! same flight, same time!
to be continued... po ... ulit .... wait nyo po ha...:)
december 2003 pic
rhynissa
03-05-2008, 09:43 AM
ahh hahaha, sis nakakatawa naman at nagkita kayo ng hubby mo sa airport? eh di buking ang secret??
ang cute ng baby mo, mana sayo cute din.:)
ayun nga po... six months old ang bebe ko.. may ticket na kaming dalwa... mura pa ang bayad sa kanya non, 1 lapad lang ata... de kalong kasi... or sa baby bassinet...that was december 2003, first na byahe ng bebe ko... china airlines ulit... hanggang dun lang kasi kaya ng bulsa ko:D
dumating yung araw ng byahe... fukuoka airport, yung friend kong haponesa ang nag hatid sakin... nagulat ako... yung husband ko nakita ko sa airport! akala ko mag kaiba kami ng time ng flight... shocking! same flight, same time!
to be continued... po ... ulit .... wait nyo po ha...:)
december 2003 pic
pinaypay
03-05-2008, 06:22 PM
Sis, nsan ka na? PAkituloy ng kwento mo nabibitin ako. hehehehe:biglaugh::b iglaugh::biglaugh::b iglaugh::biglaugh: naku ano na nangyari sunod? inaabangan ko kc............Ano nabuking ka at nahuli ng asawa mo?:eek:
malibuPine
03-05-2008, 09:38 PM
actually po... pangalawa na po iyan eh:confused: pag natapos po yung kwento about my trip to london... isusunod ko po iyon... pero short story lang po:O
.... kahit once hindi nya pa binuklat ang passport,wallet at bag ko... pati yung cellphone ko... kasi po he respects my privacy very much tsaka po ang sinasabi nya sakin pagsasayang lang daw ng oras yung pag bubuklat ng gamit ko eh wala naman daw syang mapapala... ngayon ko lang nga po nalaman na importante rin pala ang privacy sa mag asawa kahit na kasal pa kayo... kahit nga mails ko hindi nya pinakikialaman pag sakin naka pangalan.. kakaiba nga po sya.. kaya minsan sobra na rin ang inis ko sa kanya kasi hindi rin sya seloso... :doh:
Buti ka pa nag ta-travel ang fafa mo, puede mong sabayan :D
Kung ako ang nasa lagay mo dami ko na ring napuntahan...
Nagawa ko rin yan, ng umuwi ako sa pinas nag side trip ako sa US and Europe. Naka international roaming kasi, walang problema.
Ganyan yata sila, hindi nagbubuklat ng mga bag and stuff natin.
Yung cellphone ko maubos na battery kari-ring hindi papakialaman.
Privacy daw yun. Mga letters/posts ko, etc, kahit nasa pinas ako, sarado pa rin pagdating ko, hindi binubuksan. Ang comp ko hindi rin pinapakialaman. Pero panay gamit ko ng comp nya. lol
Waiting din ako, kung nag "ohisashiburi" kayo ng fafa mo sa airport lol
bluesapphire
03-08-2008, 02:41 PM
Buti ka pa nag ta-travel ang fafa mo, puede mong sabayan :D
Kung ako ang nasa lagay mo dami ko na ring napuntahan...
Nagawa ko rin yan, ng umuwi ako sa pinas nag side trip ako sa US and Europe. Naka international roaming kasi, walang problema.
Ganyan yata sila, hindi nagbubuklat ng mga bag and stuff natin.
Yung cellphone ko maubos na battery kari-ring hindi papakialaman.
Privacy daw yun. Mga letters/posts ko, etc, kahit nasa pinas ako, sarado pa rin pagdating ko, hindi binubuksan. Ang comp ko hindi rin pinapakialaman. Pero panay gamit ko ng comp nya. lol
Waiting din ako, kung nag "ohisashiburi" kayo ng fafa mo sa airport lol
nagkataon lang po iyon...:Deto na po yung karugtong....
Sis, nsan ka na? PAkituloy ng kwento mo nabibitin ako. hehehehe:biglaugh::b iglaugh::biglaugh::b iglaugh::biglaugh: naku ano na nangyari sunod? inaabangan ko kc............Ano nabuking ka at nahuli ng asawa mo?:eek:
sorry na naman po... busy po ang yours truly lately...
bluesapphire
03-08-2008, 02:54 PM
ayun nga po... six months old ang bebe ko.. may ticket na kaming dalwa... mura pa ang bayad sa kanya non, 1 lapad lang ata... de kalong kasi... or sa baby bassinet...that was december 2003, first na byahe ng bebe ko... china airlines ulit... hanggang dun lang kasi kaya ng bulsa ko:D
dumating yung araw ng byahe... fukuoka airport, yung friend kong haponesa ang nag hatid sakin... nagulat ako... yung husband ko nakita ko sa airport! akala ko mag kaiba kami ng time ng flight... shocking! same flight, same time!
to be continued... po ... ulit .... wait nyo po ha...:)
december 2003 pic
naku, sobrang takot ko talagang makita ako ng hubby ko... naka baby stroller yung baby ko... nagtago talaga ako... boarding time... yung hubby ko, hindi sya yung tipong nagmamadali... kaya siguro sa kaka ikot nya sa duty free... matagal bago sya pumasok ... may mga kasama sya... lima ata sila?!:confused:
nagmadali talaga akong mag board sa loob ng eroplano... baka kasi magkasalubong kami sa airport... akala ko naman eh iba yung flight nya...
nalaman ko na lang nung andon nako sa loob ng eroplano... sitting pretty kami ng bebe ko... pumapasok yung mga pasahero at isa sya don!... para akong binuhusan ng malamig na tubig sa takot... akala ko nakita nya ko pag pasok nya..
napatingin sya sa bandang pwesto ko... pero bat ganon?! hindi nya ko pinansin??
SWEET_REINA
03-08-2008, 03:23 PM
baka malabo mata ni hubby mo sis:confused:kaya kahit napatingin sya sayo,di ka nman nya nakita!
bluesapphire
03-08-2008, 03:30 PM
baka malabo mata ni hubby mo sis:confused:kaya kahit napatingin sya sayo,di ka nman nya nakita!
malabo nga po siguro mata nya.. pero hindi naman po sya nagsasalamin pag nag go golf..:confused: may ganon siguro... kahit napatingin sya sa pwesto ko eh hindi nya ko nakita..
mikkie
03-08-2008, 05:55 PM
ay..bitin..:Dwaiting mode....:)
poohbear
03-08-2008, 08:10 PM
kanina pa ako pabalik balik ditow ! hehehe:D
ano kaya kasunod >>>>>> nahuli kaya siya ng asawa niya ?????:p
majime22
03-08-2008, 10:34 PM
..ano ba yan???:eek:
...ano na nangyari?he he he doki-doki naman:D
tisay
03-08-2008, 11:29 PM
makikiabang na rin po sa susunod na kabanata...:D
camille
03-09-2008, 12:43 AM
ako din waiting mode....
bluesapphire
03-09-2008, 02:01 PM
ahehe:Deto na po...
nilampasan nya lang ako... kasama yung mga ka lions club nya...
ibig pong sabihin, hindi nya talaga ako nakita... na over look nya lang ako siguro
nung napatingin sya sa pwesto ko... sa isip isip ko, naku bebe ko wag ka iiyak ha..?? six months old lang kasi sya non...
ayun nga po.. magkasama kami sa iisang eroplano, at hindi kami magkatabi... baka mahimatay ako sa takot pag yung pwesto nya pa sa loob ng eroplano, eh katabi ko... :eek: nga lang mahilig syang mamili ng pwesto, sa dulo, yung katabi ng CR buti na lang...
ang arrival nya ay sa Taiwan, connecting flight naman ako pa Manila...
nung mag la landing na sa Taipei yung eroplano... palibhasa malapit ako sa exit...
nag mamadali akong lumabas... baka maabutan nya ko kapag hinintay ko yung pag labas nila sa baby stroller ng anak ko... hindi ko na kinuha... medyo
nalungkot nga lang ako... kasi dun na kami naghiwalay ng landas.. hehe.. drama...
at dahil sa walang baby stroller ang anak ko, 3 hours akong napagod dahil sa bigat ng anak ko.. hanggang sa dumating ang flight boarding time namin pa Manila..hay salamat...
pina binyagan ko sa Church sa Manila yung baby ko, na wala yung daddy...
bukyo naman kasi sya, kahit na i explain ko, hindi nya maintindihan..:confu sed:
nauna akong bumalik sa Japan... at sumunod naman sya after 2 days pag ka uwi ko... sinabi ko rin sa kanya sa bandang huli na .. sinabayan ko sya sa byahe..
hindi naman siya nagalit... natawa pa nga.. sana raw sinabi ko sa kanya para sumabay raw sya ng uwi sa Manila...ngek!... pinakaba kaba ako... yun lang ang comment>?! grabe di ba?!
at after 4 years mula noon... yung isa kong sinikreto ay yung pag punta ko sa U.K. ...The end:)
majime22
03-10-2008, 10:30 PM
...buti nakita ko to!!!kahapon ko pa hinahanap to!!!:order:
...he he he nagkandaligaw-ligaw ako kahahanap ng thread nato!!!:bonk:
...sa wakas natapos na din ang pagkabitin ko sa istorya...ha ha ha:grinny:ang saya-saya ko ngayun nakahinga ako ng maluwag...pinadoki-doki mo ako sis ha:D
bluesapphire
03-11-2008, 03:27 AM
...buti nakita ko to!!!kahapon ko pa hinahanap to!!!:order:
...he he he nagkandaligaw-ligaw ako kahahanap ng thread nato!!!:bonk:
...sa wakas natapos na din ang pagkabitin ko sa istorya...ha ha ha:grinny:ang saya-saya ko ngayun nakahinga ako ng maluwag...pinadoki-doki mo ako sis ha:D
sexy sis, salamat sa pag antabay mo sa aking programa, este, istorya pala:D
Trecee
03-11-2008, 11:29 PM
bluesapphire, gud evening! ang galing nman ng story mo...masikreto ka ha!:) i enjoyed reading it;) may thrill pa...hehehe! btw, cute ng baby mo:) nkakainggit:kiss:... ....
bad_mamazita
03-12-2008, 01:34 AM
nakaka2wa nmn! napapatawa me d2 habang binabasa ko ung story mo! mmm ma secret kapala ahhhh!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.