View Full Version : nagkakalabuan ng bf sa pinas..advice po.
row_wena
02-22-2008, 10:32 PM
may bf po ako sa pinas. 3 years na rin kami bago ako natanggap sa job ko dito sa japan. before i left pinas, napagusapan namin na kami pa rin at hihintayin niya ako hanggat matapos ang 3-year contract ko dito sa japan.
pero lately lang, para bang wala na siyang ganang makipagcommunicate sa'kin at feeling ko ako na lang ang gumagawa ng effort. kaya i decided to confront him at inamin niya na nahihirapan na siya. hindi raw siya sanay na walang gf sa pinas. namimiss niya raw ang may gf. gusto niya na raw maghanap ng ibang gf. hindi niya na raw alam kung ano ang gagawin niya.
tinanong ko siya kung anong gusto niyang mangyari sa amin, ang sabi niya hindi niya raw alam. para bang gusto niya nang makipaghiwalay pero hindi niya lang masabi. wala talaga siyang kahit anong effort man lang to communicate. ang sakit talaga.
nakikipagdate na rin siya sa ibang babae at pumayag naman ako dahil sabi niya gingawa niya lang iyon para malibang at friends friends lng naman daw. pero ung latest na paguusap namin gusto na niya maghanap ng bagong gf talaga.
ano po bang dapat kong gawin?dapat ko na ba siyang kalimutan? para bang gusto ko pa rin ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya pero para namang ako lang ang naghahabol.. ang sakit po talaga.. advice naman po. salamat.
maque
02-22-2008, 10:36 PM
masakit man pero tanggapin mo ang katotohanan... set him free... di ganun katibay ang pagmamahal niya sayo..mas mabuti na habang maaga pa eh nalaman mo para naman makapag move on ka din para sa sarili mo... marami pang lalaki na more deserving sa love na inuukol mo sa kanya... it hurts at first pero mawawala din yan...
honey
02-22-2008, 10:48 PM
row_wena:)
Atleast nalaman mo na mahal ka pala nya kasi katabi ka nya nung mga panahon na yon paano pala kung malayo ka na katulad ngaun.Ibig sabihin lang non hindi talaga ganon ka lalim ang feelings nya para sa iyo.Isa sa good na ginawa ng guy e totoo sya hindi sya nagsinungaling sayo na gusto nyang may gf na katabi.Maganda siguro kung irespeto mo na lang disisyon nya kasi mahal mo sya.Kapag mahal mo hahayaan mo kung saan sya maligaya kahit gaano man kasakit mahirap naman kung one sided love diba! magiging selfish ka na non.
Soju6
02-22-2008, 10:53 PM
Nakikipag date na siya sa iba? . Willing kang i-share sa iba BF mo?
Meron ng ibang GF BF mo
Kung wala kang planong umuwi para ayusin ang gusot, maghanap ka na rin ng iba dahil di mo na siya maibabalik sa iyo.
masaki20
02-22-2008, 10:54 PM
alam mo sis... hindi masamang ipaglaban ang pagmamahal...pero dapat alam mo rin kung kelan lalaban at kung kelan dapat isuko ang laban... ng aalibi nalang kasi un bf mo eh.. hindi nalang nya masabi directly na ayaw na nya... masakit syempre... at nakapnghihinayang yun mga years na pinagsamahan nyo... pero hindi ba mas dapat mong panghinayangan yun time, love and effort na ibibigay mo pa sa kanya ganun hindi naman nya worth...
tabako
02-22-2008, 11:13 PM
ang gamot sa nasaktang puso ay bagong pagmamahal!at kung talagang kayo lumipas man ang panahon, marami mang pait at dusa kayo pa rin i the end.
rhynissa
02-22-2008, 11:32 PM
If i were you i will let him go na lang.. since ikaw na lang ang gumagawa ng effort sa relationship niyo, makasisiguro siguro na hayaan mo na lang siya. Mahirap ang ikaw lang ang gumagawa ng paraan para lang magkaron kayo ng communication. Mahirap ang situation ng long-distance relationship talaga. Maraming tukso. since di siya makapaghintay, i dont think true love mong matatawag iyun? sorry to say this sis pero mag-move on ka na sa feelings mo, tingin ko naka-move on na ang bf mo, kita mo wala ng amor sayo.. Stop calling him, kung talagang mahal ka niya at miss ka niya siya ang gagawa ng way para makausap ka. Well, the decision is still yours, ang sa amin lang ay opinion and advice!!! Girl, wag ka magpakatanga, ok? Wake up!!! Maraming iba na malay mo mas deserving pa sa bf mo.. Masakit sa simula, oo, pero in time, you'll forget all about him.. God bless!!
simplymystic
02-22-2008, 11:35 PM
hi sis... i know what you feel .. its not really easy to mend a broken heart... just bear in your mind.. kaya mo yan.... di lang sia ang lalaki sa mundo.. yun lang po sis... ;)
marin chang
02-22-2008, 11:57 PM
hay rowena ganyan talaga ang buhay ng nag aabroad..bumubuo ka ng bagong buhay at ganun din sila sa pinas..naunahan ka lang nya..alam mo kung ikaw ang naunang nag karoon ng bagong mapagbabalingan ng atensyon mo dito magiging ganun k din sa kanya..masasanay ka din..:ppasasaan bat makakalimutan mo din sya..at least di ka nya niloloko at binobola na papaasahin ka nya sa wala..buti tapat sya n gusto n nya maghanap ng iba kesa naman lokohin ka nya..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.