reon
02-06-2005, 04:20 PM
Kasasabi lang sa amin last week na mag-ingat sa kaze at influenza virus, kaya kinabukasan, nagkaroon tuloy ako ng ubo (na hindi pa gumagaling). :D Pag may sakit ka, masama ang pakiramdam mo, nahahawa ang mga tao sa bahay, nasisira ang schedule ng mga tao sa paligid mo at nagkakaroon ng meiwaku sa trabaho (kaya panay ang pagsasabi ng mga Hapon ng kenko kanri -- literally "health management").
Ang mga tao lang siguro na nag-e-enjoy pag may sakit ay yong mga nagsasabi na, "Ang mahal-mahal ng binabayaran ko sa hoken, e hindi naman ako nagkakasakit!"
Kaya, eto, ang aking "10 tips to prevent colds and influenza". (Sinusulat ko ito habang humahatsing sa maraming tissue.)
1. Maghugas lagi ng kamay.
Dahil nakukuha ang mga virus pag humahawak tayo ng mga bagay na hinawakan ng ibang taong may sipon o ubo gaya ng telepono, keyboard o door knob, laging maghugas ng kamay, lalo na kung bago kumain.
2. Magmumog.
Malaking bagay sa mga Hapon ang pagmumumog para lumabas ang mga virus mula sa lalamunan. May mga colored pamphlets pa sila (complete with cartoon characters) na binibigay sa mga grade school students para maturuan ang mga bata sa pagmumumog. Tandaan na hindi ito yung ordinaryong pagmumumog ng bibig; dapat galing sa lalamunan kaya dapat nakatingin ka sa taas habang pinapalabas mo ang hininga mo. Kahit mga adult na Japanese, marami akong nakikitang nagmumumog pag winter (at hindi ito yung mumog na ginagawa pagkatapos kumain).
3. Huwag hawakan ang mukha.
Pumapasok sa katawan ang mga virus mula sa bibig, ilong at mata kaya pag-ingatan na huwag hawakan ang mga ito lalo na kung hindi ka pa naghuhugas ng kamay.
4. Gumamit ng humidifier sa bahay.
Gusto daw ng mga virus na magpalutang-lutang sa malamig at tuyong hangin kaya maiging gumamit ng humidifier sa bahay lalo na kung gumagamit din kayo ng heater na nagpapatuyo ng hangin.
5. Lumanghap ng sariwang hangin.
Hindi ko alam kung totoo pero maganda daw sa katawan ang sariwang hangin. :) Natutuyo daw kasi ang katawan pag gumagamit tayo ng heater sa taglamig kaya mabuting buksan paminsan-minsan ang mga bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Tandaan din na kapag malamig, maraming tao ang nasa loob lang ng bahay o buildings kaya mas maraming virus ang nasa loob at mas madaling magkahawahan ang mga tao.
6. Mag-hot bath.
Marami ring Hapon ang nagsasabi nito: "Mag-ofuro ka, tanggal yan." Hindi ko alam ang exact scientific explanation pero malamang ang mainit na tubig at hangin sa loob ng ofuro ay nakakapatay o nakakapagpahina sa mga virus. Nakakatanggal din ito ng mga libag na tinataguan ng nga virus (daw, ewan ko). :)
7. Uminom ng maraming tubig at juices.
Madaling makalimutan ang uhaw pag taglamig pero kailangan ng katawan ng maraming fluids para ma-rehydrate at mailabas ang mga toxins sa katawan. Uminom ng hindi bababa sa walong baso ng tubig (yung malaki, hindi yong maliliit na baso ng mga Hapon na dalawang lagok lang wala nang laman).
8. Mag-exercise.
Pag nag-e-exercise tayo, lumalakas ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan, bumibilis ang paghinga para mabilis ding mabigyan ng baga ang dugo ng oxygen at pinagpapawisan ang katawan habang ito'y umiinit. Napapadami ng pag-e-exercise ang mga cells sa katawan na pumapatay ng virus.
9. Matulog ng maigi.
Nakakapagpahina ng immune system ng katawan ang hindi pagkuha ng tamang tulog kaya matulog ka hanggang tanghali (o hanggang hindi ka ma-late sa trabaho).
10. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Nakakakuha daw ng mas maraming impeksyon sa baga ang mga naninigarilyo kasya sa mga hindi. At pag nakakuha sila ng kaze o influenza ay mas masahol ang mga sintomas. (Nasabi ko na ba na nakaka-cancer din daw ito?) Ang sobrang pag-inom ng alak naman ay nakaka-dehydrate ng katawan bukod pa sa nasisira nito ang atay, na natural na nagfi-filter ng germs ng katawan, kaya matatagalang mawala sa loob ng katawan ang mga germs.
Siyempre, pag hindi umipekto ang mga tips sa taas at nagkaroon ka ng kaze o influenza, pumunta ka kaagad sa doktor (hindi ka bibili lang ng kaze-kusuri sa Terashima o Matsumoto Kiyoshi) at humingi ng tamang diagnosis at gamot (bukod pa sa magagamit mo na sa wakas ang pagkamahal-mahal mong binabayaran na hoken).
Siyempre, dapat kumain ka ng mabuti, humigop ng maraming chiken soup for the soul at maraming fluids, at mahabang tulog at pahinga. :)
At tsaka, gumamit ka ng mask para hindi ka makahawa ng ibang tao. Kalimutan mo na ang gamot, wag lang ang mask (lalo na kung sumasakay ka ng densha). (Ang totoo, may kasama ako sa trabaho na laging naka-mask pag winter. Sabi ko, "Bakit lagi ka yatang may sipon?" Sabi nya, "Wala akong sipon, ayaw ko lang magkaroon kaya lagi akong may mask." Extreme.)