PDA

View Full Version : MEGANEKODOMO's Coming to Japan!

Meganekodomo
02-25-2008, 04:11 PM
Sa lahat ng mga nakakakilala sa akin, heto nanaman po ako sa aking mga kabaliwan. A new thread upang masubaybayan ang katuparan ng aking pangarap. (explain ko mamaya, medyo mahabang intro muna hehe)

Sa mga hindi pa ako kilala, Hajimemashite Meganekodomo tomoushimasu, douzo yoroshiku onegai itashimasu! ^___^v

Kung matatandaan niyo sa nauna kong thread (http://timog.com/forum/showthread.php?t=110 60), ako po ay nangangarap na makapunta sa Japan. Nagsimula po ako dito noong ako'y nag-try na mag-apply sa Monbukagakusho, or ang Japanese Government-sponsored Scholarship. Sa kadahilanang ang Diyos lang ang nakakaalam, ako po'y hindi natanggap doon. Ngunit ipinagpatuloy ko ang aking buhay, nagsikap at nagpursigi upang makapunta sa Japan. Nakahanap ng trabaho dito sa Pinas, nagaral ng Nihongo habang nakatingala sa langit at umaasa...

Fortunately for me, na-refer ako ng tita ko sa isang recruiter para sa isang I.T./programming job sa Japan! Ako'y nagpasa ng aking resume last January, at naka-sched na mainterview last February 23. Sa kasamaang palad, ako'y dinatnan ng Tigdas/Measles. Saktong Feb 23 ang labas ko sa ospital kaya hindi ako naka-abot...

*iyak*

Pero sa kabutihang palad ng recruiter na napaka bait at maunawain, siya ay pumayag na mare-sched ang interview TODAY (Feb 25).

I PASSED THE INTERVIEW, I GOT THE JOB, I'M GOING TO JAPAN THIS JUNE/JULY

Maraming maraming salamat po sa lahat ng suporta at sa pagbabasa. Maraming salamat din sa concealer na itinapal ng kaibigan ko sa mukha ko para maitago ung rashes na likha ng tigdas. Ikukuwento ko pa ng husto ang tungkol sa aking paglalakbay patungong Japan sa mga susunod na posts ko.

Ja na~!!! ^___^ *napakasaya*

coffee
02-25-2008, 04:33 PM
yeehhheeyyyyy!!!
yokatta ne! pag may tyaga talaga may nilaga...:thumb:
ate coffee is happy for you bro.:bouncy:
keep it up! be good...

sachi807
02-25-2008, 04:34 PM
congratulations...:

nikkichibi
02-25-2008, 04:37 PM
wow congrats pare , sa wakas magagamit mo na ang napag aralan mong nihongo .
makakasali ka na sa mga EB ng TF pag dumating ka dito :D

tisay
02-25-2008, 04:38 PM
Meganekodomo...yokat ta na..!:thumb:..natupa d mo na big dream mo..bow ako sayo ..congrats..:tiphat: ....

Meganekodomo
02-26-2008, 08:21 AM
coffee~san> Salamat po sa 'Congratulations balloon' haha. At opo masarap po talaga ang nilaga (nilagang baka ulam kagabi mmmm), lalo na kapag pinaghirapan ng todo. I will keep it up!

sachi807~san> Salamat din po sa suporta, mabuhay po kayo~ Woo!

nikkichibi~san> EB... Eyeball? Sige po! Sa Yokohama po kasi ako mapapadala, so if ever madali ko nang maa-access ung complex train system nila. Sa pagkakaalala ko merong 'Yokohama EB' thread dito...

tisay~san> *bows* Opo grabe I am so super happy. Pangarap ko po ito maski nung nasa elementary pa ako. Araw-araw nababaliw kami kakaisip ng Japan, aware naman po ako sa ups and downs doon kasi may mga kamaganak ako.

Nihon e iku mae ni motto ganbarimasu. Mainichi wa sugoku naru! Arigato minna... hontou ni ureshii... *cries* Mina~san ni atte hanashitai desu...

Someday... ^___^

dbsoryah
02-27-2008, 02:34 AM
Its a Wild World out there!!:D
GOOD LUCK!!;)

shinshinobi
02-27-2008, 03:46 AM
congrats!

at last matutupad na rin ang mga pangarap mo :D

ganyan talaga ang nagagawa ng prayers na may kasamang tyaga!

:dowave:

Iro_otoko13
02-27-2008, 05:10 AM
おめでとうございます。meg aneさん

Mukhang tinadhana kang huwag makapasa para ipagpatuloy mo study dito dahil work na pala ang naghihintay sayu. :)

Goodluck!

Meganekodomo
02-27-2008, 07:40 AM
dbsoryah~san> Medyo tinatakot nga ako ng nanay ko eh. Sinasabi nya sakin ang mga hirap sa buhay... pero mostly tungkol sa pera. Malaki naman po ung sweldo na ino-offer ng job, NET pa un, meaning bawas na dun ung house (mansion) rent, electric/gas/water bill, tax, food/transpo allowance, atbp. At may increase pa every 6 months.

shinshinobi~san> Last January hinikayat ko mga kasamahan ko sa office upang ipagdasal ako. Mukhang napakalakas tlga ng prayers... Dito sa bahay araw-araw may rosary-session kami tuwing gabi. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos.

Iro_otoko13~san> Arigatou! Sa tingin ko nga rin po. Nung mga unang araw ng paghihintay para sa job na ito, naaalala namin nung nag-try kami at na-disappoint sa Monbusho... kaya hindi ko ibinuhos ng todo ang kasiyahan ko... hindi ako umasa ng todo... kasi dati talagang nadepressed kami nung hindi kami nakapasa.

Pero ngayon, wala pong kapantay ang saya at pasasalamat sa opportunity na ito. God's will be done. Madalas din namin sabihin sa isa't-isa ang 'que sera sera' kasi wala naman tlga taung magagawa kung hindi talaga para sa atin ang isang bagay.

Pero eto't nagka-tigdas pa ako, pero nakapasa pa rin. Kailangan ko na lang galingan, isakatuparan at lubusin ng todo at pagkakataong ibinigay sa akin.

Thank you everyone!! ^___^

Flippy Aze
02-27-2008, 08:32 AM
Kudos:toast:

Meganekodomo
02-27-2008, 08:36 PM
Flippy Aze~san> Thank you po!

Update lang:
Pinapabalik kami sa Friday para sa medical. Sabi sakin super strict daw ang Japanese lalo na kung foreign workers ang papasok sa company nila. Naku kelangan magpa healthy ako!

Tsaka this Friday gagawin na rin ung group pictorial namin, ng buong batch na papag-aralin ng Nihongo at ipapadala sa Japan. Excited nako, gotta look my best! Haha~

simplymystic
02-27-2008, 08:58 PM
congrats .... :D welcome here sa japan... :yippee:

superb
02-27-2008, 09:31 PM
@meganekodomo,
omedetou gusaimasu :)

shinshinobi
02-28-2008, 12:05 AM
pinatutuwad ba ang mga nagmemedical check up?

fremsite
02-29-2008, 05:00 PM
hello~~~~~~~~ !!! meganekodomo chan ~~~ !! mabuti naman at makakarating ka na dito sa jpn ... ito ang batang malayo ang mararating ... may prinsipyo sa buhay ... ingat ka pag andito ka na at huwag ka patalo sa home-sick ... :p am happy for you ~~~ !!!:sweeties:

yuki101
02-29-2008, 05:25 PM
Congrats friend... sa wakas natupad na ang dream mo. Sana magkita-kita tayo in the future jan!!!

Meganekodomo
03-01-2008, 08:29 AM
simplymystic~san> Haha, sa June/July pa po ang flight pero feeling ko bibilis ang paglipas ng panahon. Hindi na nga ako makapaghintay na matapos ang March para magsimula na ang Nihongo classes namin. Ang sarap ng feeling ng balik buhay estudyante~ *^__^*

superb~san> Arigatou! Balak naming magcelebrate sometime soon... kumain sa SBARRO ng 3-inches thick stuffed Chicago-style deep dish pizzas. Di ko lang sure kung matutuloy... lagi naming plano, laging may hadlang... hayyy ganyan talaga ang buhay~

shinshinobi~san> Kung ganun man, okay lang! Gumaan naman ako ng 8 pounds dahil sa tigdas na yun, kaya medyo nagslim down nako... hehe, di na nakakahiyang maglantad~ *jokenings*

fremsite~san> Hello din po~~~~~~!! Haha, naku maraming salamat po, di naman ako ganun ka-super. Makulit lang talaga ako~ =P

Yun nga po ang sinasabi sakin ng nanay ko, na mami-miss ko ang mga alatiris at taho ng Pinas... Plano kong mag-blog at kumuha ng webcam. Mageemail na lang ako araw araw, tsaka may mga kasama naman po ako eh. May mga karamay sa aking pag-tira at pag-trabaho sa ibang bansa...

yuki101~san> Wootness! Oo nga, grabe. Di pa rin mashado nags-sink in... kakatakot baka mabaliw ako sa sobrang tuwa. Sige aantayin kita, aalamin ko ang mga magagandang lugar sa Yokohama para pagpunta mo ililibot kita!

Ja ne~! ^___^/

japhil
03-01-2008, 09:45 AM
woww congrats po :D masaya din po kami para sa inyo at natupad na ang pangarap mo:dowave:

Jyellenny
03-01-2008, 10:04 AM
Kabayan, CONGRATS! Your patience and hard work paid off. Sana pag nandito ka na ipagpatuloy mo ang kasipagan at wag malululon sa "masamang bisyo" . Work hard & earn big, opportunities like this comes very rare. Saan ka ba ma-aasign in Japan?

dcat
03-01-2008, 10:38 AM
Congrats friend... sa wakas natupad na ang dream mo. Sana magkita-kita tayo in the future jan!!!
hullo yuki101!
we're hoping to see you here too! Gambare na!!!

@meganekodomo
nice short cut, glad to hear you'll be with us soon. http://www.timog.com/gallery/files/7/icon_wink.gif

mOtt_erU
03-01-2008, 03:19 PM
~~ omedetOu gOzaimasU meganekodomo san!.....
ganbatte na!.......:p

Meganekodomo
03-02-2008, 07:55 AM
japhil~san> Maraming salamat po! Ganun nga din po ung mga classmates ko sa Nihongo Center Foundation. Naikuwento ko po kasi sa kanila na baka hindi ko na maipagpatuloy ung Elementary 3 ko dahil lilipat na ako sa Intensive Nihongo Course sa April, at aalis nako papuntang Japan by July. Haha, sabi nila nae-excited na raw sila para sa akin... nakakatuwa at medyo nakakalungkot kasi mami-miss ko talaga sila. Super bait nila sa akin...

Jyellenny~san> Naku, wala po akong bisyo~ Hindi po ako umiinom ng alak nor naninigarilyo. Pinalaki po kasi kami ng hindi nakakatikim ng mga ganun. Actually na-try ko nang uminom kaso ang pait, di ko talaga alam kung pano nagagawang uminom ng alak/beer ng tao... hindi naman masarap >__>;

At opo, nasabihan din ako ng sensei ko na wag magpatalo sa temptation. Ung ibang estudyante nya na nakapagtrabaho sa Japan lagi daw kumukuha ng cash advance dahil bili daw sila ng bili! Kelangan pigilan ang sarili~

Sa Yokohama nga po pala ang aming residence, Leo's Palace ata. Pero sa Kanagawa/Kawasaki ang training and ung office namin. Meron din silang office sa Nihonbashi at Osaka... Di pa masahadong sure, pero for now yan ang plano.

dcat~san> Hard worker din po yang si yuki101~ Medyo may balak din siyang kumuha ng Monbusho. Nagtatanung cya sakin dati about sa scholarships sa Japan.... Good luck Yuki101~!

Haha, what do you mean short cut? =P Pero sige po, if ever sana makita ko kayo someday sa Japan. Salamat po!

mOtt_erU~san> Domo arigatou gozaimasu~! Hai, ganbarimasu! Salamat sa suporta. Don't worry, I plan to keep this up until I'm truly there na... at siyempre mas lalo kong pagbubutihan pag nandun na ako~ Hehe.

Meganekodomo
03-25-2008, 07:46 AM
This week will be my last day at work. Nagresign nako para makapag-handa sa Nihongo training this April.

Excited na talaga ako... napagaralan ko na mostly ung ituturo (sensei ko rin kasi from Nihongo Elementary 1 to 3 ang magiging sensei din namin dito), so ituturing ko na lang na review to. Double dosage kung baga~ Ahaha.

I'm looking forward spending everyday learning Japanese. Deretso na to hanggang sa flight namin this June. Mainichi wa tanoshiku naru kara hontou ni ureshii~

mtwalton
03-25-2008, 08:41 AM
http://www.zwani.com/graphics/graduation/images/grad8.gif

誇り(ほこり)に思います!
頑張って、あらたな成功を祈っ ています。
体にだけは気をつけて下さいね ぇ♪。

いつか 会えるを楽しみにしています:)。 。。。Mabuhay!!

nikkichibi
03-25-2008, 12:37 PM
malapit ka na palang dumating ~~~ gambatte sa nihongo lesson mo ha :D
lagi kong inaabangan kung kelan ang dating mo dito sa japan eh ~~~ pati ako tanoshimi sa pagdating mo :)

Meganekodomo
03-27-2008, 07:59 AM
mtwalton~san> こちらこそ!ありがとうござい ました!Di ko po maintindihan ung iba, pero sige I'll do my best! 気をつける!(haha, tama ba?)

nikkichibi~san> Four months pa naman ang scheduled flight, pero feeling ko ang bilis lilipas ng panahon. Super saya kasi ako tuwing nagaaral ng Nihongo, so hindi ko mararamdaman ang paghihintay.

Kita-kits na lang sa Yokohama~ Haha.

Iro_otoko13
03-30-2008, 11:18 AM

Tama po yan Meganekodomo kaso always keep in mind to use the polite form of Japanese like the ます形 at なになにです kahit wag na muna yung humble at honorable form:D Im sure yang ang una ituturo sa inyo ng Japanese Professor ninyo.

Yung sinasabi nga pala ni dcat san na short cut. If Im not wrong instead of going here to Japan by means of studying..... Nakashortcut ka hehe save time:D

Meganekodomo
04-03-2008, 07:51 PM
Iro_otoko13~san> わかりました! I'll use the polite form, kasi "gaijin" ako dun so expected nila na polite ako (for the first few weeks/months), up until matutunan ko at masanay sa pagsalita ng normal/conversational Nihongo. Ano po pinagkaiba ng humble/honorable form sa polite form ng Nihongo? です=でござる?

LOL, medyo shortcut nga on my part ang pagpunta ko sa Japan haha. Yung compny ang magaasikaso ng lahat for us, medyo isisingil na lang sa sweldo ung mga expenses for our documents. Hehe~ Oks lang...

UPDATE:
Just came from DFA para sa renewal ng passport ko, makukuha ko na siya next week kasama yung CHED/DFA Authentication ng diploma/transcript of records ko.

Kumpleto na yung documents ko after that, then ipapadala na sa Japan para sa Certificate of Eligibility. Tapus visa na~

Next week starts my Nihongo class... super excited nako!

mtwalton
04-03-2008, 08:49 PM
You did a good job! we"re so proud of you. Take care and we"re looking forward meeting you here in Japan.....:)

[quote=Meganekodomo;5 28109]mtwalton~san> こちらこそ!ありがとうござい ました!Di ko po maintindihan ung iba, pero sige I'll do my best! 気をつける!(haha, tama ba?)

zhie
04-04-2008, 01:09 AM
Sa lahat ng mga nakakakilala sa akin, heto nanaman po ako sa aking mga kabaliwan. A new thread upang masubaybayan ang katuparan ng aking pangarap. (explain ko mamaya, medyo mahabang intro muna hehe)

Sa mga hindi pa ako kilala, Hajimemashite Meganekodomo tomoushimasu, douzo yoroshiku onegai itashimasu! ^___^v

Kung matatandaan niyo sa nauna kong thread (http://timog.com/forum/showthread.php?t=110 60), ako po ay nangangarap na makapunta sa Japan. Nagsimula po ako dito noong ako'y nag-try na mag-apply sa Monbukagakusho, or ang Japanese Government-sponsored Scholarship. Sa kadahilanang ang Diyos lang ang nakakaalam, ako po'y hindi natanggap doon. Ngunit ipinagpatuloy ko ang aking buhay, nagsikap at nagpursigi upang makapunta sa Japan. Nakahanap ng trabaho dito sa Pinas, nagaral ng Nihongo habang nakatingala sa langit at umaasa...

Fortunately for me, na-refer ako ng tita ko sa isang recruiter para sa isang I.T./programming job sa Japan! Ako'y nagpasa ng aking resume last January, at naka-sched na mainterview last February 23. Sa kasamaang palad, ako'y dinatnan ng Tigdas/Measles. Saktong Feb 23 ang labas ko sa ospital kaya hindi ako naka-abot...

*iyak*

Pero sa kabutihang palad ng recruiter na napaka bait at maunawain, siya ay pumayag na mare-sched ang interview TODAY (Feb 25).

I PASSED THE INTERVIEW, I GOT THE JOB, I'M GOING TO JAPAN THIS JUNE/JULY

Maraming maraming salamat po sa lahat ng suporta at sa pagbabasa. Maraming salamat din sa concealer na itinapal ng kaibigan ko sa mukha ko para maitago ung rashes na likha ng tigdas. Ikukuwento ko pa ng husto ang tungkol sa aking paglalakbay patungong Japan sa mga susunod na posts ko.

Ja na~!!! ^___^ *napakasaya*

Yokatta ne:D.... Pag dating mo dito ganbatte:king:

ellaeieiei
04-04-2008, 02:24 AM
congrats po. :D

magandang halimbawa ka sa mga pilipinong nagnanais magtungo sa ibang bansa. sipag at tyaga may mapapala rin.

OMEDETOU :dowave: :D

KikoyBalayon
04-04-2008, 09:56 AM
ei superduper ultra electromagnetic nekodomo... kailangan mo na yatang i update yang signature mo.. congrats!! :hihi:

gochiso pagdating mo dito.. matteiru kara ne.. :hihi:

engr_jazon
04-04-2008, 10:02 AM
ei superduper ultra electromagnetic nekodomo... kailangan mo na yatang i update yang signature mo.. congrats!! :hihi:

gochiso pagdating mo dito.. matteiru kara ne.. :hihi:

ang ganda naman ng bansag mo SUPER DUPER ULTRA ELECTROMAGNETIC MEGANEKODOMO.....Par ang pinaghalong VOLTES V at ALBUM ng EHEADS ah....
Dagdagan pa natin para masaya....

saka ka na magpasalamat kapag nakarating ka na sa JAPAN...
pero good news na may confirmation na ang trabaho mo...

goodluck pre

Meganekodomo
04-04-2008, 12:12 PM
mtwalton~san> こちらこそ!I'm looking forward to meeting you guys too! May mga kakilala kami from work and mga relatives na inaabangan din kami someday. Gusto ko kayo ma-meet at personally mapasalamatan!

zhie~san> はい、わかりました!がんばります!Pag bubutihin ko ng lubos-lubusan kasi pinaghirapan ko to, haha~ Tsaka dahil may 'skill allowance' na maidadagdag sa sweldo namin depende sa perfomance sa job. And siyempre, para magkaroon ng good record para sa renewal ng contract after a year.

ellaeieiei~san> "If you try and try again, you're bound to succeed someday" ang motto ko. Never give up! Woo! Maraming hadlang ang dumaan sa buhay ko, pero eto't nagpupursigi para maisakatuparan ang pangarap. Alam kong hindi pa tapos ang laban, kaya I will not let up my guard and will keep on PAYTING! Aja~!!

KikoyBalayon~san> Gahaha, sa tingin ko nga rin po... mga mahigit 1 year na rin to. And mali pa ung 'particle' na gamit ko. Dapat HE hindi E. Yaan mo, gagawa ako bago.

engr_jazon~san> Nyak, actually it's Megane + Kodomo = Meganekodomo. Pero minsan tawag sakin 'Nekko' tsaka mahilig din ako sa pusa, kaya pede rin~

At salamat din sapaalala, ganun din sabi ng kuya ko, "Wag ka muna magpaka excited/magpakabaliw sa Japan na yan, baka di ka matuloy anung gagawin mo?" Pero di ko tlga mapigilan ang excitement ko~ Hahaha!!

engr_jazon
04-04-2008, 12:22 PM

oo tama kuya mo... ako nung bago makarating dito medyo excited pero malungkot rin ng konti...

iba na ang buhay mo pagdating dito...ibang iba sa lifestyle mo ngayon dyan sa pinas..... you're on your own ika nga.....
sarili mo nalang ang katulong mo.. kaya mas magiging responsible ka pagdating dito... pero marami naman kaibigan basta makisama ka lang lagi....

Meganekodomo
04-04-2008, 01:17 PM
engr_jazon~san> Medyo hindi pa nags-sink ung feeling, inaantay ko na lang na maramdaman ko ang tuluyang pagbabago sa buhay ko at ang paghihiwalay ko sa pamilya at mga kaibigan ko. May nabasa ako na may stages ang pagtira sa Japan:

Excitement >> Anxiousness >> Depression >> Acceptance

Limut ko kung san ko nakuha yan, pero kahit papano naging aware na ako sa haharapin ko doon. Actually maski noon pa handa na ko sa paghihirap, loneliness, frustrations at sa iba pang 'negative' side ng pagtira sa Japan. Marami nang nakwento sakin ang relatives ko na taga-Japan, and napapanuod ko naman (kahit sa anime) ang malaking issue ng pera sa araw-araw.

I'm looking forward to the challenge and the rewarding experience na mararanasan ko. Pasalamat ako at kasama ko ang bestfriends/collegemates sa pagtrabaho sa Yokohama. Nagplano na kami ng dapat paghandaan tulad ng food, housechores, work-life balance, expenditures, etcetera.

Pero I guess magbabago pa rin ang lahat once nandyan na talaga kami... que sera sera

Meganekodomo
04-27-2008, 10:24 PM
Update: Kakatapos lang ng 1st final exam sa Nihongo class namin. Aking ipinagmamalaki na naka 198.5/200 ako~ Woo! Meron kaming 4 courses, so 3 na lang...

Ang bilis talaga ng panahon, May na agad. Excited nako for UNIQLO!

miles
04-27-2008, 11:07 PM
Update: Kakatapos lang ng 1st final exam sa Nihongo class namin. Aking ipinagmamalaki na naka 198.5/200 ako~ Woo! Meron kaming 4 courses, so 3 na lang...

Ang bilis talaga ng panahon, May na agad. Excited nako for UNIQLO!

____________________ ____________________ ____________________

Nakakatuwa ka :) habang binabasa ko yung mga replies mo sa mga kaTf. ramdam ko ang overjoy mo... up to highest level ang saya mo..:D . fisrt two months mo dyan alam kong magiging masaya,,, at magiging excited ang lahat ng gagawin mo,,, kunwari manghuhula ako... ako kunawari si Madam Auring.. JUne or JUly pupunta ka ng Japan.. magtatrabaho.. mamumuhay mag-isa.. magkakaroon ng maraming friends.. mamasyal sa magagandang lugar sa Japan.. Bilang tayo.. JUNe, July, August mainit sa Japan Okay ka pa...September, October Nov. Palamig na sa Japan.. Okay kapa. enjoy ka pa.. December Jan. Feb. ayan na!! unti2 mararamdaman mo na ang lungkot.. mamimiss mo na ang pamilya mo. that time uulan ng snow...gandang-ganda ka,, napakaganda naman talaga...pero habang tumatagal makakaramdam ka na ng lungkot sasabihin mo sa sarili mo na habang nakatingala ka at pumapatak sa mukha mo ang snow. masasabi mong...sana nandito ang mga mahal ko sa buhay, sana kasama ko silang nakikita itong mga yelong puti na pumapatak sa mukha ko na akala mo balakubak...:Dthat time mafefeel mo na kung gaano ka kaexcited sa pagpunta mo sa japan.... ganon ka din kalungkot habang tumatagal... Sana mali ang hula ni Madam Auring:D Stay Posting and reading Tf forum para pangontra sa lungkot:biglaugh::bi glaugh:

Meganekodomo
05-01-2008, 07:43 AM
Napaisip tuloy ako... Datirati kapag nakakabasa ako ng mga warnings about sa life sa Japan, lagi kong sinasabi sa sarili ko na "Kasama ko naman ang dalawang bestfriends ko eh, lagi ko naman kakausapin ang family ko, araw-araw marami akong mapupuntahan at mae-enjoy sa Japan, etcetera." Pero hindi ko talaga nabibigyan ng masinsinang pagiisip ko ano ba 'talaga' ang aking kahahantungan once nag-wear off na ang initial excitement.

Higit pa sa mga karamay na makakasama ko doon, inaasahan kong masasanay din ako sa pagtira sa Japan, pero siyempre iba pa rin ang pamilya... Hayyzz... Ganun ba talaga kahirap manirahan sa Japan?

Iro_otoko13
05-13-2008, 02:41 PM

Pag nagwear off na excitement when you get here in Japan. Punta ka lang ng fuuzoku every friday 200% renew yang excitement mo to the highest level :D

O kaya naman after ng nomikai karaoke to the max till morning.

gavstik
05-13-2008, 05:00 PM
Hi meganekodomo

puwedeng humabol sa pagbati? :)

umedetou gozaimasu!! :rolleyes: puede ba kitang tawagin sempai domo :cool: if kung ok lang. Idol kc kita eh., aral ako ngayon ng Elementary 1 sa NCF makati. :O bata palang din ako pinangarap ko ng makapunta sa japan at dun nalang mag trabaho, xempre inspire sa anime at jdorama.. haha :D yun lang, salungat ung nature ng job natin, ikaw software, ako more on hardware naman. :crash:

Well this is it. na inspire tlga ako . galing mo tlga. :king:

susubaybayan ko ang kapitulo ng iyong buhay..

ja ne! dozou yoroshiku onegaishimasu :yippee:

kelvin
05-16-2008, 08:59 AM
@gavstik (http://timog.com/forum/member.php?u=6821)
Parehas din pala tayo ng pangarap gavstik (http://timog.com/forum/member.php?u=6821)-san.
Mag enroll naman ako sa Manila,sa kabilang branch since mas malapit ito sa amin.
Hope matupad din natin ung ating pangarap tulad ni megane-kun.

kanpai!
:)

Meganekodomo
05-17-2008, 04:33 PM
Iro_otoko13~san> Fuuzoku? Nomikai? Di ko sure kung ano yun pero grabe na excite naman ako agad. Pangalan pa lang tipong nakakatindig balahibo na~ Basta po mura okies lang, hehe. (or kahit hindi, basta wag lang supra mahal) Kahit saang city meron nyan?

gavstik~san> Kakanang! Napakalaking kasiyahan ang naidulot mo sakin. Lalang, masayang magkaroon ng fans~ Hehe. It's good to know na may kapwa Japan-o-philiac din ako. Hard work, hope, and patience lang talaga. Napakaraming opportunities sa totoo lang, just make sure to search for the right one. Take your time!

kelvin~san> Ganbarimashou! Learning Nihongo is a really big step for me. Committed ako for a year now, nagstart ako sa Nihongo Center Foundation noong April 2007. And I'm telling you, ang daming job opportunities sa mga Pinoy na marunong mag Nihongo (and English) tapos skillful pa tayo, o diba!

Nihon e hataraki ni iku mae ni, Firipin de nihongo no benkyou o suru no hou ga ii desu yo. Nihongo o narattara ii shigoto ga arimasu kara, motto ganbatte yoku benkyou shite kudasai! :D

Meganekodomo
05-17-2008, 04:56 PM
Updatessss:
Nawala ang internet namin sa bahay, pangasar lang siguro ewan. Kaya heto ako gumastos pa para lang mag internet. Kelangan ko kasi magpasa ng mga documents kasi sa Sunday na ang pagpapadala ng mga ito sa Japan.

3rd midterm examinations na namin sa NCF sa Monday, then siguro next week start na rin kami sa Elementary 4. After that graduation na~! Woo, can't wait for the next month. Confirmed na ang flight namin, it is on the last week of June. Grabe no?

Nakapag shopping na kami ng family ko ng bagong sneakers, leather sandals, and winter boots na dadalhin ko sa Japan. Nakaimpake na rin yung ibang gamit ko, di ako makapaniwalang may nakitang winter scarf ang nanay ko, hehe (Sino kayang nakaisip na magbenta ng scarves sa Pinas?).

Meron na rin akong mga non-food everyday things: brush pang-laba, staple wires, gatas/kape/asukal, scotch tapes, nail cutter, hangers/pang-ipit, pati na rin siguro yung buong sari-sari store sa tabi namin naipasok na nya sa maleta ko. Medyo nakakahiya, pero at least bitbit ko ang pagmamahal nya hanggang Japan~ Lab you 'nay!

*whew~!* Tatapusin ko na lang ang updates ko with the fact na napirmahan na namin ang kontrata namin. Signed Official Contracts = Officially Hired.

All that's left is yung dental appointment ko mamaya, and yung visa... *dun dun dun*

Wreinman
05-17-2008, 05:00 PM
that's awesome! :sweeties: can't wait to see you too:love: :hihi:

congrats! :toast::wave: :)

markussy
05-17-2008, 05:00 PM
Sa lahat ng mga nakakakilala sa akin, heto nanaman po ako sa aking mga kabaliwan. A new thread upang masubaybayan ang katuparan ng aking pangarap. (explain ko mamaya, medyo mahabang intro muna hehe)

Sa mga hindi pa ako kilala, Hajimemashite Meganekodomo tomoushimasu, douzo yoroshiku onegai itashimasu! ^___^v

Kung matatandaan niyo sa nauna kong thread (http://timog.com/forum/showthread.php?t=110 60), ako po ay nangangarap na makapunta sa Japan. Nagsimula po ako dito noong ako'y nag-try na mag-apply sa Monbukagakusho, or ang Japanese Government-sponsored Scholarship. Sa kadahilanang ang Diyos lang ang nakakaalam, ako po'y hindi natanggap doon. Ngunit ipinagpatuloy ko ang aking buhay, nagsikap at nagpursigi upang makapunta sa Japan. Nakahanap ng trabaho dito sa Pinas, nagaral ng Nihongo habang nakatingala sa langit at umaasa...

Fortunately for me, na-refer ako ng tita ko sa isang recruiter para sa isang I.T./programming job sa Japan! Ako'y nagpasa ng aking resume last January, at naka-sched na mainterview last February 23. Sa kasamaang palad, ako'y dinatnan ng Tigdas/Measles. Saktong Feb 23 ang labas ko sa ospital kaya hindi ako naka-abot...

*iyak*

Pero sa kabutihang palad ng recruiter na napaka bait at maunawain, siya ay pumayag na mare-sched ang interview TODAY (Feb 25).

I PASSED THE INTERVIEW, I GOT THE JOB, I'M GOING TO JAPAN THIS JUNE/JULY

Maraming maraming salamat po sa lahat ng suporta at sa pagbabasa. Maraming salamat din sa concealer na itinapal ng kaibigan ko sa mukha ko para maitago ung rashes na likha ng tigdas. Ikukuwento ko pa ng husto ang tungkol sa aking paglalakbay patungong Japan sa mga susunod na posts ko.

Ja na~!!! ^___^ *napakasaya*

Meganekodomo; Congrats at sana magpatuloy ka parin magsumikap....

Pwede bang patulong sa iyo, if you don't mind?..... Can you refer to the agencies you applied.... My email: markussy_1999@yahoo. com

Maybe i can contact you? To ask some question if you don't mind... please.. thanks...

Meganekodomo
05-17-2008, 05:43 PM
Wreinman~san> Arigatou gozaimasu! Wow nasa Osaka po pala kayo, sabi samin 3 hours by Shinkansen lang daw yan from Tokyo kaso mahal... Gusto ko nga rin pumuntang Osaka kasi ang lapit nya sa ibang lugar na gusto ko 'ring' puntahan: Nara, Kyoto, Kobe, etc. Totoo bang iba ang accent ng mga Nihon-jin dyan?

Markussy~san> Mochiron! I will absolutely do my best, lalo na't kelangan maipakita ko sa employers ko na I'm worth it and I'm an asset to their company.

And regarding your question, specific for I.T. professionals ang job offer. So if you're still interested, I can PM you their website~ ^____^v

engr_jazon
05-17-2008, 07:08 PM
kelan ba ang punta mo sa japan?
di ba june na raigetsu?

sure na ba talaga?

congrats sir

katek
05-17-2008, 07:15 PM
meganekodomo san! sa NCF ka pala..anong branch? sampaloc o makati? :) sensei wa?

grabe. ang dami mo namang bibitbitin? kahit staple wires? :lol: baka naman sobra na sa timbang yang maleta mo?

sobrang excited ka na talaga ah. ^_^

kazz314
05-17-2008, 08:15 PM
http://smileys.smileycentra l.com/cat/23/23_28_11.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZK ) sayo Meganekodomo san!:)napaka swerte mo...sa wakas makakapunta kana rin dito sa japan,marami kanang mga bagong kaibigan na nag aantay sayo dito...ganda ng story mo!thanks for sharing it;)

Meganekodomo
05-18-2008, 02:36 PM
engr_jazon~san> Hai, raigetsu Nihon e ikimasu! And sure na po ang pag-alis, naka-assign na kami sa mga companies. Rokugatsu no ni jyuu go nichi ni Firipin o demasu. :D

katek~san> Sa Makati branch po ako and 4 ang sensei namin. Sina Alfred-sensei, Kubo-sensei, Jovy-sensei, and si Yamaura-sensei; napakasaya nila talaga. Dati si Kubo-sensei lang kilala ko, ngayon apat ang naghhandle samin kasi everyday/wholeday class kami. So hati-hati sila sa workload.

At sa totoo lang, sobra na nga po yung weight ng bagahe ko. Dapat kasi 15 kilos lang yung check-in tapus 7 kilos ang hand-carried. Lagpas 17 kilos na yung maleta ko~ :(

kazz314~san> Wah, arigatou gozaimasu!! Oo nga po, napakasaya ko't nakilala ko kayong lahat. Ang bait-bait niyo sakin. Salamat po ng marami sa pang-unawa!

PS: Kelangan ko na munang bawasan ang pagiging excited, may mga nagrereklamo na. Hehe, sorry po~!! Di ko lang talaga mapigilan... ;)

katek
05-18-2008, 10:42 PM
ahh! pijlc ka? :)
makulit si alfred sensei no?
yamaura sensei? kanji? :)

pijlc din ako... mga 2-3nen mae:D demo sampaloc branch :D

scion_cho
05-18-2008, 10:56 PM
At sa totoo lang, sobra na nga po yung weight ng bagahe ko. Dapat kasi 15 kilos lang yung check-in tapus 7 kilos ang hand-carried. Lagpas 17 kilos na yung maleta ko~

AFAIK, 20 kg. ang official weight limit, pero mejo ok na ang less than 25kg. (check-in baggage). Yung handcarry hindi yun mine-measure, basta hindi ka naman nahihirapan buhatin and hindi masyadong malaki.

Meganekodomo
05-19-2008, 10:22 PM
katek~san> Wow, kilala nyo pala si Alfred-sensei? Haha, opo napakasaya kapag siya ang naghhandle ng class namin. Actually enjoy naman silang lahat, kaso talagang nakakahawa ang ngiti ni Alfred-sensei.

Haha, nakakatuwa rin si Yamaura-sensei. Paminsan-minsan lang siya magturo ng kanji, kadalasan si Kubo-sensei. Marami ka talagang matututunan kapag pure Japanese ang nagtuturo sayo, conversational skills lalo na.

Nakapunta na rin ako dati sa Sampaloc branch para dun sa 'Open House' last year. Nagsama ako ng kaibigan nung time na yun, tapus yung kaibigang ding yun ang isa sa kasama ko sa Japan for the job~ Hehe.

scion_cho~san> Uwah, hontou desu ka?? 25 kilos pede? Tapus limitless hand-carry??? @__@;;;

Teka, magtatanong nga uli ako... ang dami kong gustong dalhin eh.

Iro_otoko13
05-20-2008, 10:25 AM

mahirap maoverbaggage magbabayad ko ng malaki para lang madala mo yan.

Fuuzoku pala pag dating mo dito sa japan sabihin mo sa senpai mong hapon. Fuuzoku e iyashi ni Itte mitai desu ga....:D

katek
05-20-2008, 11:11 AM
katek~san> Wow, kilala nyo pala si Alfred-sensei? Haha, opo napakasaya kapag siya ang naghhandle ng class namin. Actually enjoy naman silang lahat, kaso talagang nakakahawa ang ngiti ni Alfred-sensei.

Haha, nakakatuwa rin si Yamaura-sensei. Paminsan-minsan lang siya magturo ng kanji, kadalasan si Kubo-sensei. Marami ka talagang matututunan kapag pure Japanese ang nagtuturo sayo, conversational skills lalo na.

Nakapunta na rin ako dati sa Sampaloc branch para dun sa 'Open House' last year. Nagsama ako ng kaibigan nung time na yun, tapus yung kaibigang ding yun ang isa sa kasama ko sa Japan for the job~ Hehe.

kilala ko mga yun kasi tambay nga rin ako don sa ncf dati :p medyo nag assistant kuno rin ako sa kanila while waiting for pijlc to start. and naging teacher ko nga si yamaura sensei :D
hala. pano yan aalis ka na ng june. hindi ka na makaka graduate? diba december graduation ng pijlc? sayang naman binayad mo....medyo mahal na ata tuition nong pumasok ako...ewan ko lang kung nag increase sila.

Meganekodomo
05-20-2008, 08:19 PM
Iro_otoko13~san> Komatta na... hindi pa kumpleto yung pagiimpake tapus lagpas na agad ako sa 15 kilos weightlimit na sinabi samin. Sino po ba nakakaalam kung ano ang weight limit ng baggage for JAL? Yun po kasi ang sasakyan namin eh.

katek~san> So kilala nyo din po si Jon-sensei? Siya kasi ang nag-sub kay Jovy-sensei nung nagkasakit siya dati. Hehe, medyo mabilis ang pagtuturo pero super masaya. Sayang lang at once lang namin siya naging sensei...

And yung Nihongo training namin actually until last week of June lang, sakto a few days before ng pagalis. Elementary 1 to Intermediate 1 ang curriculum namin, started last April and ends in June... mga 3 months na rin. Shouldered by the company 75% ng tuition, so okies lang.

Updates: Kakatapos lang ng Elementary 3 Midterm Examinations namin kanina. Bukas pa malalaman yung score and by next week start na kami sa Elementary 4. Wah, bilis talaga ng panahon!

katek
05-20-2008, 08:23 PM

oh i see! so company pala. yep. kilala ko rin si jon sensei. :D isa pa yong makulit :lol: i wonder kung ganon pa din ang hairdo nya :D parang dinaanan ng bagyo na magulo ang pagkaka style. :hihi:

Meganekodomo
05-29-2008, 08:11 AM
Updates:

Just finished Elementary 3's final exam and the mock exam of JLPT 4: I scored the highest in my class for Elem 3 and second highest in the JLPT 4 mock exams. Woo~!

May medical nanaman uli sa Sabado, kaya dapat magpakalusog. Iwasan ang sinigang, sinangag, at KFC! Pati na rin Jollibee~ Hehe.

Medyo nagkainitan ng ulo kagabi kasi binilhan ako ng bagong salamin at super mahal... hayz, bahala na~ Bakit naman kasi di nila ako pinigilan nung pumipili ako... Mahal tuloy napili ko. 100% Titanium. :cool:

Meganekodomo
06-04-2008, 09:14 PM
More Updates:

Elem 4 Midterm Exam: only 4 mistakes~ Wooh.

Binigyan na kami ng details about the job:
Sama-sama daw kami sa iisang office at sa iisang mansion lang kami titira. Wah ang saya nito! May 2 mapapahiwalay ng company (pero same office building), and at least iisa lang ang tirahan naming lahat. Ang sarap ng feeling ng may karamay, kaagapay, mapagkatitiwalaan sa sandaling tutungtung kami sa lupa ng Hapon...

Pero siyempre kelangan makakuha kami ng Jap friends, lalo na't ang daming nagbigay ng babala samin na mag-ingat na rin sa kapwa Pinoy.

Flight sched: June 26, 6:00 AM.

Meganekodomo
06-04-2008, 10:44 PM
Sorry sa mga na-ooffend ko sa mga posts ko.... Di ko sinasadyang maging mayabang, hindi po ako ganun.

Sorry talaga. Pinopost ko lang ang mga nangyayari sa akin (na may kinalaman sa Japan job ko), pero sige babawasan ko na ang detalye...

Sorry po sa inyong lahat!

Iro_otoko13
07-25-2008, 02:26 PM
Ano na nangyari sayo megane san?

Mukhang hindi pa siya nakakapagpakabit ng Hikari Fiber para makapag TF:D

sachi807
07-26-2008, 10:16 AM
oo nga, ano na kaya nangyari kay meganekodomo...sigur o busy sa pag gagala...update mo naman kami kid...:)

engr_jazon
09-12-2008, 11:27 AM
anu na kaya nangyari dito kay

super megaultra galactic MEGANEKODOMO san?

katek
09-12-2008, 11:31 AM
anu na kaya nangyari dito kay

super megaultra galactic MEGANEKODOMO san?
honga eh. iniisip ko nga rin sya kagabi....

asan ka na? :confused:

choc nut
09-12-2008, 11:39 AM
di pa ko member ng TF,sinubaybayan ko rin yang coming to japan ni
MEGAKODOMO.....sana naman...mapadaan sha ng TF and post nman sha
ng happenings nya......

katek
09-12-2008, 11:44 AM
baka may alternick na rin?? http://www.plurk.com/static/emoticons/basic/w00t.gif:p