PDA

View Full Version : monthly 4 or 5 lapad ibibigay kay hubby?

lay
02-26-2008, 03:45 PM
mga katf gusto ko lang malaman ibat-ibang opinion bawat dito.
Bago ako nakapasok sa work napag-usapan namin mag-asawa na maghahati kami sa bayad sa private na hoikuen pansamatala.Since mahirap makapasok sa public hoikuen.Bago ng sweldo sinabi nya sa akin na bigyan ko sya ng 4 na lapad.Advance payment "daw" sa hoikuen para sa march.So di na lang ako kumibo.Binigay ko si pera tapos sabi nya gusto daw nya 5 lapad daw kase babayad pa raw ng hoken at yung ketai na nakapangalan sa kanya.Ilang beses ko na kase sinasabi sa kanya na pag-ibahin na nya yung ketai ko sat ketai nya.Marami ng time bat di parin nya ginagawa.Isa pa kailangan daw mag-ipon ako kase lilipat kami ng bahay yung malapit sa eki.25 lapad daw kailangan by october or november.Mg-iipon din daw sya.Sinabi ko sa kanya kagabi "sabi mo hati tayo sa pagbabayad ng hoikuen" sagot nya sakin e "gusto mo hati tayo sa pagbabayad sa bahay,tubig at ilaw."Di bale kung nakakatanggap ako ng pera mula sa kanya e.Kahit nga singko wala lalo nat may sarili na akong work.:(

miffy
02-26-2008, 04:14 PM
sis,sa hoikuen... ang alam ko saki barai talaga sila (ganun kasi dito)...
yung payment for the next month,dapat end of this month bayaran mo na...
ganun usually ang system nila...:)

yung pagshoulder mo sa bayarin sa hoikuen...
walang magagawa kasi may trabaho ka na...:p :D

about sa paglipat nio naman...
medyo magastos nga ang maglipat...
baka for emergency reasons lang kaya ka hinihingan ng husband mo... ;)

lay
02-26-2008, 04:55 PM
pambili ng all black na damit.:D di ko nga alam mgkano sweldo nya e.
sis,sa hoikuen... ang alam ko saki barai talaga sila (ganun kasi dito)...
yung payment for the next month,dapat end of this month bayaran mo na...
ganun usually ang system nila...:)

yung pagshoulder mo sa bayarin sa hoikuen...
walang magagawa kasi may trabaho ka na...:p :D

about sa paglipat nio naman...
medyo magastos nga ang maglipat...
baka for emergency reasons lang kaya ka hinihingan ng husband mo... ;)

katty0531
02-26-2008, 05:47 PM
I agree with miffy, lay may work ka na naman ok lang siguro na babayaran mo ang daycare ni baby.
Pero maliban don dapat si hubby na magbabayad, wag kana magshare kasi wala ng meaning yong magiging padre de pamilya ni hubby mo hehehe....sa kanya na yon dapat, wala ganon talaga eh mag asawa na kayo yaan mo sya magbayad at humanap ng pera para don.

Gomen ne, para kasing nasakenai masyado pag ganyan ang kwento kaya ganyan ako mag react...nagtatrabaho kana nga kasi kulang yong sa kanya tapos parang umaabuso hihihihi...
goodluck lay.

erokawaiiAYA
02-26-2008, 05:56 PM
Alam mo sis Lay , sa mag asawa normal lang po yung naghahati kayo ng gastusin sa araw araw na pumumuhay nyo. Pero wag parating ikaw ang naglalabas ng pera kasi minsan me hapon na namimihasa, komo nagtatrabaho na ang asawang babae, ayaw na maglabas ng pera.

Pangalawa, sis, karapatan mong malaman kung magkanu ang sinusweldo nya sa isang buwan. Huwag kang papayag na baka ni shiteruhin ka nya, hindi komo hindi tayo makapag basa masyado ng kanji, hindi marunong mag nihongo, papayag nalang tayo sa kung anung ginagawa nila sa atin.
isipin mo, hindi lang naman sya ang nahihirapang magtabaho, pati rin ikaw.
Baka mamaya nyan eh mas malaki pa ang ginagastos nya sa labas, keysa sa binabayad mo sa hoikuen. Oh diba, at saka kailangan , atleast me maitabi ka na pera pag sweldo mo, para naman magkaron ng kabuluhan ang pagtatrabaho mo.
Hindi puro lahat pangbayad.

Kailangan talaga sa inyo ay communication. At ang pagsasabi nya ng totoo.

Then, you will live happily ever after. bow.:D

Jyellenny
02-26-2008, 06:06 PM
Sis Lay how are you doing now. Ngayon ko lang nabasa ang thread na ito and I just wanna make a reply/comment though delayed na. Nagtratrabaho tayo for many reasons, foremost na is to help augment our meagre allowance here and for the great majority para pantulong din sa family back home. Okay lang naman magtulungan kayo mag-asawa pero that is NOT the picture I see sa pag-require ng asawa mo to share with everything sa household. Bakit naman ganoon? It is primarily his responsiblity as head-of-the family to shoulder rent payment, & living costs. Hindi ka na nga binibigyan ng pera yet he requires you to share with all expenses even sa utilities - sa akin lang huh - I find that very irresponsible on his part. Unless you are okay with the set-up, then sino ba kami to question it. But on the otherhand if you think parang "there's something wrong", speak out, minsan lack of communication lang sa mag-asawa ang problema. Explain to him what you want re your finances and compromises halfway.

summergirl
02-26-2008, 08:10 PM
Sorry sis,yung sinabi mo lang na wala syang binibigay kahit ano mali na..Makikipag share ka pa.Responsibility sya ang mag bigay ng mga everyday expenses nyo ..Kahit gaano pa kalaki ang kita mo ,hindi iyon ang fact eh..Sya ang lalaki..At responsibilidad nya yun..Save for the future..

janemicah
02-26-2008, 08:37 PM
Sorry ha di ko kasi alam magkano ba yang isang lapad?

janemicah
02-26-2008, 08:41 PM
sorry ha pwede po bang malaman mag kano po ba ang 1 lapad converted into peso? DI ko kasi alam eh

summergirl
02-26-2008, 08:45 PM
sorry ha pwede po bang malaman mag kano po ba ang 1 lapad converted into peso? DI ko kasi alam eh

3.760 ang isang lapad kahapon na rate..

janemicah
02-26-2008, 08:53 PM
So meaning to say 10,000 yen ang isang lapad right?

vectra1123
02-26-2008, 09:02 PM
Lay!

matagal na kayong mag-asawa? Japanese ba yung asawa mo? Dapat isama mo ito sa "Gagong hapon thread E"

ngayong may work ka na nasisilaw na ang damuho sa kinang ng YEN pero ni singkong duling ayaw kang pahawakin! Mag-aasawa tapos magrereklamo!
Tulungan mo sa pera yun lang maluwag sa kalooban mo at ngayon pa lang mag-ipon ka para sa sarili mot anak dahil nakikita ko na ang maaaring mangyari sa lovelife nyo balang araw kung ganyan din ang ugali nya!

wag mong pamihasain ang mga yan dahil pag sa umpisa at kayang kaya kana hanggang sa huli ganyan pa rin yan!

yukio_cris
02-26-2008, 09:04 PM

father vectra puso mo po hehe:)

vectra1123
02-26-2008, 09:08 PM
father vectra puso mo po hehe:)

HE!HE! totoo po ang sinasabi ko! Maraming katulad ng asawa nya ano?o pusta kayo?:D

sweet
02-26-2008, 09:09 PM
Lay sis,

Tama yung mga payo sayo dito ng mga ka TF:)parang ang hirap ng sitwasyon mo,matuto kang mangatwiran sa asawa mo,di ikaw ang bubuhay sa kanya kundi siya ang dapat bumuhay sa inyo..matuto siyang maglabas ng pera pagdating sa mga bayarin dahil obligasyon nya yan,.bago ako magtrabaho galing na sa bibig ng asawa ko na ang sahod ko di nya pakikialaman,totoo naman 6na buwan akong nag work ni hindi nagtatanong kung magkano sinahod ko dahil alam na nya sa umpisa palang ang sasahurin ko bilang parto.ang ginagamit kong panggastos galing lahat sa sweldo nya.pag usapan nyong mabuti yan,sana maayos gudlak:D

yukio_cris
02-26-2008, 09:16 PM
HE!HE! totoo po ang sinasabi ko! Maraming katulad ng asawa nya ano?o pusta kayo?:D

kung sabagay:O

@lay yung kaya mo lang ang ibigay mo, otagai dapat sa mag asawa...siya ang lalaki responsibilidad nya yan.:O

eien
02-26-2008, 10:10 PM
pano ba uumpisahan sa asawa ang topic halimbawa we want to open up about this,
na responsibilidad nya yun,bakit maghahati sa bayarin sa bahay dpat sha magbayad nun,etc.
how can we tell them na di cla maooffend pag gusto nating sabihin na "dapat nga magbigay ka sa akin kahit papaano"

danasan143
02-26-2008, 10:27 PM
kung sa tingin mo ay kailangan talaga ng asawa mo ng tulong mula sayo ay dapat cguro mag share kayo pero kung napapansin mo naman na makakaya nya naman magbayad ng ibang bills at ng bahay ay wag ka po pumayag hindi naman po panmatagalan ang pagtratrabaho tsaka need mo rin naman mag ipon dibah much better na mag usap kayo ng sincere talaga :)

meteor
02-26-2008, 10:55 PM
much better na lang na ikaw ang mag bayad ng hoikuen. kesa naman pahatiin ka
sa bahay,tubig at ilaw. pero bongga ang hubs mo ha gusto ka ring pahatiin sa bahay,tubig
at ilaw :D4 na lapad mukhang mahal ata ang hoikuen? hoikuen din ang junakis ko
dati pero 25,ooo yen lang ang binabayaran ko. dahil ako ang nag-insist na mag work ako
pero kung hubs ko ang masusunod ayaw niya akong mag work. pero nag-usap kami
na kailangan ko rin mag work para naman di ako maburyong sa loob ng haus.
pinayagan niya ako kaso yan ang conditons niya na ako ang magbayad ng hoikuen.
you know di maiiwasan pagdating sa financial problem ay gipit si lalake at si babae
ang meron ,pero it doesnt mean na pagnagbigay si babae eh nakakalamang na
si lalake ....parang otagai sama lang ang nangyayari. pero kung alam mo na inaabuso
kana ito na yung time na dapat ka nang umalma.

sharpener
02-26-2008, 11:15 PM
ay hindi pwede sa akin ang ganyan

dapat ang sweldo nya ay sa akin
at ang swekdo ko ay sa akin pa rin hehehe:D

louvette_15
02-26-2008, 11:39 PM
halos pareho din tayo ng sitwasyon sis... though si mama nagbabantay kay baby pag magwowork ako, syempre magbibigay din ako dahil may sakripisyo si mom at stepfather ko. for sure sagot ko ung pa-kimochi sa kanila plus gas dai sa pag hatid or sundo kay baby.3 lapad budget ko para dun.ung ketai kong under sa asawa ko babayaran ko din kng magkano bill ko in every month though nung wla akong work sya nagbayad nun every month maliban pag nag over ako sa 5000yen....pero sa buwanang obligasyon like aparto, at mga bills, syempre dapat ang asawa natin shoulder nun...pinag usapan na namin na minus sa padala ko sa pinas,at monthly obligation ko (internet, denwa, ketai at allowance ko) ung natitira eh ilalagay ko sa bank ko for future use...

ung tungkol sa paglilipat nyo, sa tingin ko since may work kn din ay maoobliga ka talagang mag share sa gagastusin nyo...sana lng wag ung hati as in 50% dahil syempre asawa ka db...kng 5 lapad hinihingi nya sayo every month as share mo sa gastusin, ok na un sis kahit pano...wala na syang masabi sayo nun...

ung pinsan ko kasi parang ginawa ng batang sugarmommy ng asawa nyang hapon. dahil sa lubog sa utang mister nya, ang sweldo ng lalaki pinambabayad sa utang kaya nangyari si pinsan ang nag so-shoulder sa mga gastusin kada buwan...sinauli na ung bagong kuruma nila dahil d makabayad, ngaun kukuha daw ng kei at dahil d na maka loan si lalaki, ipapanganalan kay pinsan ang loan ng kei nila...o db, swerte pa rin tayo...?

disney
02-27-2008, 10:40 AM
HE!HE! totoo po ang sinasabi ko! Maraming katulad ng asawa nya ano?o pusta kayo?:D

tama ka vectra san, madami nga...may kakilala din akong ganyan dito samin...kakalungkot lang kasi hindi naman dapat ganun ang set up ng pamilya di ba?

kung haponesa kaya ang napangasawa nila ganun din ang set up nila :confused: kung ganun siguro malamang gyera o rikon:p

malibuPine
02-27-2008, 12:07 PM
Hmn, actually pag nag-asawa ka, talagang share na kayo sa gastos. Automatic na yan. Kasi nakagisnan ko na sa parents ko yan, na income nila ay para sa pamilya. Tulungan paano i-budget, and pinag-uusapan how to spend and to pay expenses.

Ang napansin ko lang sa mga cross-culture marriages, eh parang most assume that the non-pinoy men should provide for all. It has been ingrained in our minds and system that since yen and/or dollar are powerful, tingin natin "rich" sila lahat. Siempre pag inuwi mo ang pera sa atin, malaki ang difference cus of the currency rate, but if you spend it here, well, most will live from paycheck to paycheck.

Personally though, if my hubby is financially stable, rich, and can provide solely for our living expenses and existence, kahit na siguro mag-work ako, I will let him spend for us lol manghihingi pa ako lol. I can pay sometimes or buy gifts for him, but I will not obligate myself to share my income for paying our expenses. What is his is mine and what is mine is mine :p *kidding but true to some extent*.

But advice lang po, save some dough for the future. Nothing is permanent in life, kahit na permanent visa na kayo, natatanggal pa. Iwasan na po ang unnecessary shopping. I am an impulsive buyer, shopping to death ako, if I total the amount of my shopping sprees both signature and not, nakabili na siguro ako ng house and lot sa pinas.Puwede na akong magtayo ng boutique sa laman ng dressing room ko, yung iba natabunan na lang may mga tag prices pa. Hindi ako makauwi ng bahay ng walang bitbit lol

But I realized, material things are useless, however expensive. Save money if you can, it's not too late yet and you can keep mum about it. It is better to be liquid and solvent.

Sa case nyo po, alamin nyo kung magkano ang income nya. Lay down your cards, the both of you. Pag nakita mo naman na kinukulang kayo, dapat talagang tulungan mo sya.

mga katf gusto ko lang malaman ibat-ibang opinion bawat dito.
Bago ako nakapasok sa work napag-usapan namin mag-asawa na maghahati kami sa bayad sa private na hoikuen pansamatala.Since mahirap makapasok sa public hoikuen.Bago ng sweldo sinabi nya sa akin na bigyan ko sya ng 4 na lapad.Advance payment "daw" sa hoikuen para sa march.So di na lang ako kumibo.Binigay ko si pera tapos sabi nya gusto daw nya 5 lapad daw kase babayad pa raw ng hoken at yung ketai na nakapangalan sa kanya.Ilang beses ko na kase sinasabi sa kanya na pag-ibahin na nya yung ketai ko sat ketai nya.Marami ng time bat di parin nya ginagawa.Isa pa kailangan daw mag-ipon ako kase lilipat kami ng bahay yung malapit sa eki.25 lapad daw kailangan by october or november.Mg-iipon din daw sya.Sinabi ko sa kanya kagabi "sabi mo hati tayo sa pagbabayad ng hoikuen" sagot nya sakin e "gusto mo hati tayo sa pagbabayad sa bahay,tubig at ilaw."Di bale kung nakakatanggap ako ng pera mula sa kanya e.Kahit nga singko wala lalo nat may sarili na akong work.:(

cutie1403
02-27-2008, 12:15 PM
ako din naman kahit papaano tumutulong na sa asawa ko dahil may business na ako.alam ko naman pag gipit sya kasi hawak ko ang passbook nya.di naman sya maluho sa katawan at hindi din madamot.pag kailangan ng pera sa pinas,bukod pa sa monthly na padala namin,eh nagbibigay naman sya.pag pamilya na kayo,di na pinag-uusapan ang pera.kung sino ang nakakaluwag,yun ang magbigay.maliban na lang kung talagang mapapansin natin na iaasa na sa atin yung mga bagay na kaya pa naman ng asawa natin.minsan ako,pag may iba talagang gastos na kailangang magpadala sa pinas,umuutang ako sa asawa ko:Dpero binabayaran ko pag nagkapera ako para makaulit.sagot naman kasi ng asawa ko lahat ng gastos dito sa bahay pati na din yochien ng anak ko.tapos binibigyan nya ano ng pang grocery sa isang buwan.pag nagkulang yun,ako na ang nagpupuno:)

mamimo
02-27-2008, 08:48 PM
@lay

Sabihin mo sa hubby mo kahit may work ka di kasing laki ng kita nya ang kita mo kaya compromise kayo kung san parte ka pwede tumulong. He shouldn`t expect you na 50-50% ang hatian sa gastos kasi parang inuunti-unti ka nya sa ganun direksyon. At nabanggit na rin naman na nag-iipon sya then ask for proof na meron ngang iniipon mahirap na ipon kunwari para lang ma-convince ka maglabas tapos sa huli drawing lang pala.

honey
02-28-2008, 09:03 PM
lay:)

Hindi pa ikaw ang padre de pamilya.Maliban na lang kung mas malaki ang kita mo kesa sa asawa mo.Huwag ka basta basta bigay sa kanya ng pera lalaki ulo nyan magalit o magreklamo ka rin.Kunin/Ipunin mo lahat resibo at kwentahin kung magkano ang dapat nyo paghatian.Kung malaki sweldo ng asawa mo dapat mas malaki ang babayaran nya kesa sa iyo.Kung gusto nya lumipat edi sya maglabas ng pera ano gagawin nya sa pera nya ikaw LAY ang dapat magtabi ng pera.

May friend ako na laging nagpapatalo sa mister nya kasi takot sya kasi mahal na mahal nya kasi tiwala daw sya asan na sila ngaun ayun maghihiwalay na kase may babae na si mister ma-pera pa.E si pinay walang ipon mawawalan pa ng asawa.

Hindi naman siguro parehong pareho ang situation nyo pero sana makapag isip ka din para sa ikabubuti at ikakaganda ng buhay at relation nyo.

shakey
03-02-2008, 03:58 PM
Lay!

matagal na kayong mag-asawa? Japanese ba yung asawa mo? Dapat isama mo ito sa "Gagong hapon thread E"

ngayong may work ka na nasisilaw na ang damuho sa kinang ng YEN pero ni singkong duling ayaw kang pahawakin! Mag-aasawa tapos magrereklamo!
Tulungan mo sa pera yun lang maluwag sa kalooban mo at ngayon pa lang mag-ipon ka para sa sarili mot anak dahil nakikita ko na ang maaaring mangyari sa lovelife nyo balang araw kung ganyan din ang ugali nya!

wag mong pamihasain ang mga yan dahil pag sa umpisa at kayang kaya kana hanggang sa huli ganyan pa rin yan!

agree ako dito...napakaraming hapon na ganito,kakayaninkaya nin kalang,minsan nga ipapanakot pa yung visa.."sasabihin cge muwi ka na sa pinas!!! mahirap na bansa yun !wala kang magiging trabaho dun !!wala kang magiging pera sa pinas !!" ganyan yung kilala kong hapon:Dkapal ng muka !!!

Tarena314
03-02-2008, 05:11 PM
Payo ko lang sayo..,alalahanin mo rin ang iyong sarili..,at huwag kang padaig sa diskarte ng asawa mo....,:)

daniela
03-16-2008, 05:07 PM
elow po lay. naiintindihan kita, dahil ako rin may work. syempre hindi naman tayo kuripot pagdating sa family finances kaya lang, minsan parang nafe-feel nating ginagawa ka ng ATM ni mister. kasi kami rin ganyan, una sa pasyal2 minsan ako, minsan sya ang naglalabas ng pera. pero unti2 na lang ay nahahalata ko ng ako na ang nagbabayad lahat ng bayarin ko, pero ok lang ako dun dahil may sueldo naman. pero pati ba naman air fare pauwing pinas,pang ryoko, pambili ng gamit sa bahay, at pati na rin iyun aso naming na-operahan gusto ba naman ay hati kami lahat. sa inis ko, binuweltahan ko at sinabi kong maghuhustis nalang ako ulit ng marami akong perang mai-share sa kanya. akala niya kasi porket may sahod ako, ay wala akong gastos at isa pa magkano lang ba ang sasahorin ko e ang mahal2 ng bilihin dito sa japan. kaya, sabihin mo sa kanya ang feeling mo. kung hindi madala sa drama, ilista mo lahat ng bayarin mo or ano ng makapag-isip rin sya. xencya na, nadala ako sa feelings ko, nakakainis kasi ang mga ganyang tao e. di ka maintindihan. gud luck nalang din.

titakoring
03-16-2008, 08:45 PM
alam mo lay sabi mo nga HOIKUEN pa un anak mo....means maliit pa
un anak nyo...un bang pag wowork mo both ba kayong me gusto? o
ikaw lang ang nag desisyon?.....baka naman ayaw ng asawa mo KUNO
pride din minsan...kaya ganyan ang hinihingi sau....at ikaw na rin ang
kusang umayaw na magwork at sa bahay na lang.....or iniisip marahil
nya na ipapadala mo lang un sweldo mo sa pinas kaya ka nya inoobliga
.......me ibang hapon na wagamama sa umpisa lang un OK lang na
magbigay sa pinas.......pero pag me anak na ERASE ERASE na un mga
nasa pinas......katwiran kasi nila me sarili ka ng pamilya kaya nd mo
obligasyon un nasa pinas........ngaun me iba namang asawang hapon
na talagang sobrang bait at tumutulong ng kusa sa pamilya natin sa
pinas at un mga ganoon kokonti lang sila hehehehehe:D o kaya takot
sa mga asawa nila kaya napipilitan mapadala....un namang kamong nd
ka binibigyan ng pera.......aba ibang usapan na yan......alam mo meron
talagang mga kapwa natin pinay na nd alam ang talagang sweldo ng
mga asawa nila......okey na lang kanila un bigyan sila or kanya kanya
na talaga pag dating sa pera.....nd pwede un ganon LAY.....asawa ka
dapat alam mo yun.......ultimo un mga kinakaltas sa sweldo nya........
2 bagay lang ang nd ko pinakikialaman sa asawa ko un WALLET at KETAI
nya......kasi kahit na mag-asawa na kayo meron pa din privacy kahit paano
.....sa sitwasyon mong ganyan ngaun.....marami ka pang dadanasin na
hirap at sakit ng loob sa asawa mo pag hindi nyo yan na ayos at napag-
usapan......sa akin lang me work ka na ngaun.....pilitin mong mag-ipon
kahit pa unti-unti......para sa akin kasi mas natatakot akong mawalan ng
PERA kesa mawalan ng ASAWA.....

mga katf gusto ko lang malaman ibat-ibang opinion bawat dito.
Bago ako nakapasok sa work napag-usapan namin mag-asawa na maghahati kami sa bayad sa private na hoikuen pansamatala.Since mahirap makapasok sa public hoikuen.Bago ng sweldo sinabi nya sa akin na bigyan ko sya ng 4 na lapad.Advance payment "daw" sa hoikuen para sa march.So di na lang ako kumibo.Binigay ko si pera tapos sabi nya gusto daw nya 5 lapad daw kase babayad pa raw ng hoken at yung ketai na nakapangalan sa kanya.Ilang beses ko na kase sinasabi sa kanya na pag-ibahin na nya yung ketai ko sat ketai nya.Marami ng time bat di parin nya ginagawa.Isa pa kailangan daw mag-ipon ako kase lilipat kami ng bahay yung malapit sa eki.25 lapad daw kailangan by october or november.Mg-iipon din daw sya.Sinabi ko sa kanya kagabi "sabi mo hati tayo sa pagbabayad ng hoikuen" sagot nya sakin e "gusto mo hati tayo sa pagbabayad sa bahay,tubig at ilaw."Di bale kung nakakatanggap ako ng pera mula sa kanya e.Kahit nga singko wala lalo nat may sarili na akong work.:(

rhynissa
03-17-2008, 01:25 AM
i agree... about sa sahod ng asawa mo, karapatan mo nga naman na malaman iyun dahil asawa ka niya. isa pa wag puro bow lang ng bow sa asawa mo, at baka abusuhin ka niyan. maraming japanese na umaabuso porke nagbibigay ng pera si misis. hmm, bakit parang ang laki ng hinihingi sayo at kailangan ng 25kalapad? tanungin mo kung para saan iyun at kung anu anu ang babayaran duon. Isa pa magsalita ka, sabihin mo di naman ganun kalaki ang shod mo para makaipon agad ng ganun dahil bago ka palang yata sa work mo diba? Baka mamay niya ang 25Lapad na yun ay 1month advance at 1month deposit, ikaw ang lugi at ikaw ang nagbayad ng lahat diba? Tanungin mo ang asawa mo at baka mamaya ang pera na hinihingi sayo ay nilulustay lang sa wala. may kaibigan ako ganyan ang problem eh, nabibigay siya sa asawa niya pero ang gagon hapon ay iniinum at pinang-club lang ang pera na binibigay ng friend ko. Alamin mo lahat kung saan dadalhin ng asawa mo ang perang binibigay mo, at wag kalimutan ang receipt. karapatan mo malaman yun at makita as a proof. Wag papadengoy kahit pa sabihin asawa mo yan..:D

Sis Lay how are you doing now. Ngayon ko lang nabasa ang thread na ito and I just wanna make a reply/comment though delayed na. Nagtratrabaho tayo for many reasons, foremost na is to help augment our meagre allowance here and for the great majority para pantulong din sa family back home. Okay lang naman magtulungan kayo mag-asawa pero that is NOT the picture I see sa pag-require ng asawa mo to share with everything sa household. Bakit naman ganoon? It is primarily his responsiblity as head-of-the family to shoulder rent payment, & living costs. Hindi ka na nga binibigyan ng pera yet he requires you to share with all expenses even sa utilities - sa akin lang huh - I find that very irresponsible on his part. Unless you are okay with the set-up, then sino ba kami to question it. But on the otherhand if you think parang "there's something wrong", speak out, minsan lack of communication lang sa mag-asawa ang problema. Explain to him what you want re your finances and compromises halfway.

rhynissa
03-17-2008, 01:27 AM
tama ka sis, naku nakakagigil mga hapon na ganyan ang ugali, sarap patayin..:D

Lay!

matagal na kayong mag-asawa? Japanese ba yung asawa mo? Dapat isama mo ito sa "Gagong hapon thread E"

ngayong may work ka na nasisilaw na ang damuho sa kinang ng YEN pero ni singkong duling ayaw kang pahawakin! Mag-aasawa tapos magrereklamo!
Tulungan mo sa pera yun lang maluwag sa kalooban mo at ngayon pa lang mag-ipon ka para sa sarili mot anak dahil nakikita ko na ang maaaring mangyari sa lovelife nyo balang araw kung ganyan din ang ugali nya!

wag mong pamihasain ang mga yan dahil pag sa umpisa at kayang kaya kana hanggang sa huli ganyan pa rin yan!

rhynissa
03-17-2008, 01:30 AM
hahaha, korek sis..

ay hindi pwede sa akin ang ganyan

dapat ang sweldo nya ay sa akin
at ang swekdo ko ay sa akin pa rin hehehe:D

black angel
03-17-2008, 09:24 AM
makikisali na rin ako ha.ang masasabi ko lang sa iyo kapatid lumalabas na ang totoong ugali ng asawa mo.kahit na sabihin nating may trabaho ka d ka nya dapat obligahin na magbigay ka ng magkano sa isang buwan.may anak kayo at karapatan nyang bayaran ang lahat ng bayarin at pamilya nya kayo. siya nagtatarabho lang e ikaw maglalaba,magluluto, mamamalantsa,pumapas ok pa sa trabaho at pagmemendomiru pa ng anak nyo. yung sweldo mo dapat ikaw ang mag kimiru at hindi cya.baka pag nawalan ka na ng trabaho e cguradong lalabas ang kulay nyan . may friend din akong ganyan.

kokorokara
03-18-2008, 12:35 AM
Alam mo sis Lay,dapat pagganyan na ang nararamdaman mo sa hubby mo,feeling mong nalalamangan ka na niya,medyo magusap na kayo ng masisinsinan,ilabas mo na yun naitatago mong sama ng loob baka pumutok na yun dibdib mo & baka magkasakit ka sa puso,kidding aside, sa mag-asawa normal yun magsi- share ka pa minsan minsan pero hindi mo obligasyun yun,dapat bukal sa kalooban mo yun magshare sa gastusin.malaki yun 4-5 kalapad na bigay mo sa kanya,kahit 50/50 kayo ok lang yun,basta yun ibang mga bills,like house,electric,tel bills,food etc.sa hubby mo na yun.

Just to share to you naman yun set up namin sa house,lahat ng bills,school fees namin si danasan yun namomroblema:D,nagbi bigay din siya ng food allowance sa akin monthly.kaya dapat pagkasyahin ko yun,ang tutor sa mga anak ako yun nagbabayad.but I can use my credit card anytime I like pagmayroon akong gustong bilhin,huwag lang sobra laki yun gastus ko doon kasi aangan yun pagdating ng bills:D.yun kita ko hindi naman niya pinakikialaman sa akin lang yun,(ipunin ko daw....he he he,hindi naman nakakaipon) In case of emergency sa family ko sa Pinas nagbibigay naman If manghihingi ako,pero kadalasan galing na sa suweldo ko yun pinapadala ko,kasi diyahe naman at kawawa din yun hubby natin If iaasa natin lahat yun extra tulong sa ating extended family sa Pinas.

Ang advice ko po sa iyo...kausaping mo ng santong dasalang...paghindi pa rin nakuha ng maayos na paguusap...aba di santong paspasan na,bigyang mo ng ultimatum.i reverse psychology mo,sabihin mo na,If nihonjin yun napangasawa niya....sigurdong hihiwalayan agad siya...at huwag mong iparamdam sa kanya na kailangan mo talaga siya because of visa...kailangn niyang gawin yun dahil obligasyon niya sa inyo bilang asawa ka niya...sana makatulong.Goodluck and I pray for you na maayos sana yun problem mo.