PDA

View Full Version : help sa tiketan


ninong
02-27-2008, 10:23 AM
mga ka TF,uuwi kasi ako sa manila na may kasamang infant at naghahanap ako ng medyo murang tiket.baka may mai-suggest kayo na mas mura pa sa nakita ko...advise naman kung meron.

heto ang info sa flight.

1 adult 1 infant

tokyo-manila tokyo

1 year open

departure date ay march 28,2008
return date ay 1 yr open or may 15,2008

ang price ng nakita ko ay 145,000 (H.I.S)including tax.may alam masa-suggest ba kayong mas mura?
salamat po.


pahabol na tanong po sa mga nakauwi na ng may infant na kasama.

pag infant ba ang kasama,kakandungin ko ba yun mula tokyo hanggang manila? if no, dapat bang magdala ng basket para doon ilagay ang baby?if,yes,paano ako kakain kung may kandong na bata?saka paano pag dumumi sa eroplano ang infant,may tutulong ba na flight attendant sa pagpalit ng diaper?

oh_darling
02-27-2008, 03:00 PM
http://www.no1-travel.com/asia/asia_main.htm#mnl try mo po yan ninong pareho din tayo ng tanong eh kasi uwi din sana ako kasama baby ko 8 months pero sabi saken ng friend ko pag jal daw me papahiram daw na basket para kay baby. :)

my_i_me
02-27-2008, 03:07 PM
ako nman po nung papuntang japan,NWA sinakyan ko.Dala ko 1 year old kung anak,kalong ko po sya sa loob ng eroplano.kaya khit kumakain me kalong ko sya.Kase hindi pa daw nman full ang bayad sa bata.:cool:

ninong
02-27-2008, 03:12 PM
thanks po sa reply...ganoon pala yun.hirap pala.

nakapag inquire na po ako sa no.1 travel,hero,rajah at turtle pero sa his po ang parang pinakamura at 145,000yen.

SWEET_REINA
02-27-2008, 03:49 PM
thanks po sa reply...ganoon pala yun.hirap pala.

nakapag inquire na po ako sa no.1 travel,hero,rajah at turtle pero sa his po ang parang pinakamura at 145,000yen.


6 mos baby ko nun inuwi ko,nun papunta raku ako,natulog lang!nun pauwi ayun parang sinapian sa gulo nahawa yata sa mga pinsan:D
pwede nyo pong i-request sa HIS na ilagay kayo sa priority seat,kung saan sa harap ng upuan nyo may baby bed na maliit...dun nyo po hihiga si baby pag tulog na or kakain kau,,mas raku yun..

nun papunta ganun kmi ni baby,but since magulo talaga baby ko nun pauwi,galaw ng galw di mapalagay sa kalilikot,nag-request ako sa steward na ilagay nya kami sa vacant seat kung saan 3 seat sya kami lang ni baby ang nakaupo,,kahit maglilikot si baby walang abala sa ibang katabi:D

then nun natulog na tinanggal ko lang yun harang ng isang upuan,hiniga ko sya bale 2 seat ang okupado nya,ako nmn sa dulo sa paanan nya,doon lang ako nakakain at nakarelax:D

sana di maglok si baby at pag nagkataon ninong,di ka makakakin sa byahe!better kumain ka na muna bago magbyahe!:D

tabako
02-27-2008, 05:43 PM
kala ko libre ang baby may bayad din pala!:D